The Desperados I : Primo "Alw...

By quosmelito

806 37 2

Primitivo Monte Luca and Rucien Montejo are bestfriends. While Rucien knows what he wants in life, Primitivo... More

Prologue - When We Were Young
Episode 1 - Day One
Episode 2 - Visit
Episode 3 - Mokujin
Episode 4 - Indirect Kiss
Episode 6 - Ego
Episode 7 - The Gathering

Episode 5 - Progress

51 3 0
By quosmelito

•••

*Primo*

   "Lower your hips a little bit more when you go down. Like this."

   I stopped swaying the kettlebell and watched Jake assist Rucien.

   I huffed loudly to get their attention. Panabay silang tumingin sa akin at huminto sa ginagawa.

   Jake's hands were still on Rucien's waist as he stood too closely behind him and for some reason it irritated me.

   "Shouldn't it be me you're assisting?" Diretso sa mga matang tanong ko kay Jake.

   Tumayo nang diretso si Rucien at lumingon kay Jake saka binigyan ng alanganing ngiti ang huli.

   "Uhm, he's right." Ani Rucien. "I'm fine." Dagdag pa niya saka tumingin sa akin.

   I rolled my eyes on them and continued on with the kettlebell workout.

   Hindi ko na sila muling nilingon kahit nang asistehan ako ni Jake.

   "Alright. Let's cool down." Ang anunsiyo niya matapos ng panghuling workout.

   We stretched for a little bit, letting our muscles relax from arduous workout. At least, for me it was difficult.

   Once we cleaned up and had a change of clothing, we left the place.

   "I'm hungry." Lingon ko kay Rucien mula sa passenger's seat.

   "Okay. But we have to follow your new diet from now on." Nakangiti naman niyang lingon sa akin.

   Suddenly, I remembered how Jake touched him. And I knew that jerk had a malicious intent toward Rucien.

   The way his eyes followed Rucien's every move. How he bit his lips mindlessly as if no one would catch him in the act.

   The proximity of their bodies were too inappropriately close to my taste every time Jake would assist Rucien.

   Lahat ng iyon ay indikasyon na may pagnanasa ang gym instructor ko sa kaibigan ko.

   At wala man lang kamalay-malay ang kutong-lupa kong kaibigan. Tss.

   "Can I get, at least, a cheeseburger?"

   Saglit na nag-isip si Rucien kasabay ng maingat na pagkurba niya sa kanto.

   "Sure. We can get a burger. But not a cheeseburger. Vegan."

   Awtomatikong nalukot ang mukha ko.

   "A vegan burger? Meron ba no'n? I'm sure it tastes awful. Hindi ako mabubusog do'n."

   Umiling siya habang naka-focus sa daan.

   "If you don't stick to a strict diet, it will defeat our purpose of burning your fats. Hindi ka se-sexy."

   Alam kong pabiro lang ang huli niyang sinabi pero hindi ko napigilan ang pagbangion ng inis, lalo na at kasabay niyon ay ang paglitaw ng imahe ng mukha ni Jake.

   Nakangisi.

   Malagkit ang tingin at puno ng malisya.

   "Tss. At sinong sexy sa paningin mo? 'Yong Jake na 'yon?"

   Rucien looked at me, taken aback. Nag-iwas ako ng tingin at namintana.

   "Nagseselos ka ba?"

   Salubong ang mga kilay na nilingon ko siya saka pinaningkitan ng mga mata.

   "Dahil sexy siya? Tss. Kaya ko ring i-achieve ang gano'ng katawan. Mas sexy pa."

   "Good." Nakangiting sagot ni Rucien saka muling itinuon ang paningin sa daan.

   Ilang araw pa ang lumipas at nanatiling isa ang routine ko araw-araw.

   Gigising.

   Tatakbo kasama si Rucien.

   Magbabatak ng muscles, sa kaso ko sa ngayon ay taba, sa gym.

   Rucien was as strict as the diet he told me to follow.

   No cookies and cakes or any pastry.

   No artificial juice.

   No chips, fries, burgers, pizzas, or any junk food.

   Pakiramdam ko minsan ay nagiging kambing na ako dahil sa mga gulay at prutas na laging nakahain sa akin.

   Dahil kahit sa bahay ay ganoon pa rin ang nasa plato ko.

   Rucien gave Manang Maria instructions to observe my diet. At sa unang pagkakataon ay naitanong ko kung nasa akin ba ang loyalty ni Manang o kay Rucien.

   But it was all worth it. Kahit pakiramdam ko ay hindi nababawasan ang timbang ko, napansin ko na mas magaan na ang mga paggalaw ko kumpara noong hindi ako nag-e-ehersisyo.

   I breathed out heavily as I stepped on the scale. Sa nakaraang sampung araw mula nang mag-gym kami ni Rucien ay ito ang unang beses na magtitimbang ako.

   Rucien told me not to measure my weight right away. Magtimbang daw ako makalipas ang isang buwan upang mas makita namin ang pagbabago sa bigat ko.

   But I couldn't wait that long.

   At gano'n pala iyon. Parang may sariling isip ang aking mga labi na kusang kumurba.

   From two hundred and twenty-three pounds, my weight dropped down to almost six-pound lighter.

   Pakiramdam ko ay kinikiliti ako dahil sa nadarama kong saya.

   I was getting less heavy, after all!

   Masigla akong bumaba sa timbangan at muling tumungtong doon upang siguruhin kung hindi ako nagkamali lang.

   It said two hundred and seventeen pounds point eight-nine.

   Not bad for a ten-day workout!

   Kung susumahin ay halos tatlong kilo ang nawala sa akin sa loob lang ng ilang araw!

   Now I felt like I could do any kind of workout. It felt like an addiction that I was starting to get dependent on.

   I hummed as I exited the walk-in closet, ready to start another day.

   Another beautiful day.

   It was also a plus that mom and Alexis were out of the country. They were in some parts of Europe for a fashion week.

   Kung nasaan man sila ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay wala sila rito at payapa ang kalooban ko.

   Pagbaba ko sa kusina ay may nakahanda na agad na fruit shake sa counter.

   "Good morning, Manang." Bati ko kay Manang Maria matapos kong alisin ang takip ng baso ng shake.

   I gulped it down to the last drop, wiping my mouth with the back of my hand afterwards.

   "Good morning, hijo. May ihinanda na akong almusal. Sandali at ikukuha kita ng plato." Alok ni Manang Maria habang nagpupunas ng kamay sa suot niyang apron na katerno ng kanyang uniporme.

   "'Wag na, Manang. Magjo-jogging kami ngayon ni Rucien."

   Sinuklian ko ng kasing-tamis na ngiti ang ngiti ni Manang bago ko lisanin ang kusina at dumiretso palabas ng bahay.

   Nang marating ko ang bahay ni Rucien ay agad akong nag-doorbell. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon at sumilip si Auntie Mercedes.

   I was glad when Rucien told me Auntie Mercedes would stay with him until he graduated college.

   Rucien was cheerful. Lively.

   Full of life.

   Siya ang klase ng tao na laging may nakahandang ngiti para sa mga taong nasa paligid niya. Kahit kina Kuya Alexis at Mommy pa.

   But I knew once he was confined inside the four walls of his house, he was lonely.

   He was lonely being alone.

   At naging mas kapansin-pansin iyon mula nang umuwi sa probinsiya si Auntie Mercedes.

   Rucien could fool everyone. He could pretend to be happy and people would believe him. He would smile ever so brightly and people would not worry about him.

   Except for me.

   I knew him like the back of my hand. I knew his story as much as he knew mine.

   Ngayon, kahit papaano ay may makakasama siya hanggang sa graduation niya. He could then spread his wings and discover the world.

   Hindi kagaya ko na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang gusto sa buhay.

   I graduated college a month ago. But up until now I had nothing in mind that would help me with my future.

   Rucien had it all figured out. He knew what he wanted and who he wanted to be. At hindi pa siya guma-graduate nang makabuo siya ng desisyon.

   Iwinaksi ko sa aking isip at damdamin ang panliliit.

   I would figure it out just like Rucien.

   "Oh, hijo."

   "'Morning, Auntie Dez. Si Rucien po?"

   "Nasa loob. Sandali at tatawagin ko. Pasok ka, hijo."

   "No need! I'm coming!"

   Panabay kami ni Auntie Dez na tumingin sa direksiyon ni Rucien.

   "Let's go?" Nakangiti niyang bungad sa akin nang makalapit siya sa kinaroroonan namin ni Auntie Dez.

   Tumango ako at nagpaalam na kami sa tita niya.

   Hindi kagaya ng dati, ngayon ay mas nadadala ko na ang mga binti ko sa bawat pag-angat niyon habang tumatakbo kami.

   Nakararamdam pa rin ako ng pagkahingal ngunit hindi kagaya ng unang mga araw ng pag-e-ehersisyo namin.

   We actually hit almost twelve kilometers today before we took a rest at the park.

   "Good morning, Ate Suzie!" Nakangiting kaway ni Rucien pagkaupong-pagkaupo namin sa bench.

   Gumanti ng kaway ang ginang habang nakangiti. Nang makalapit siya sa pwesto namin ay dumukot siya ng dalawang bote ng tubig mula sa dala niyang box at iniabot iyon sa amin ni Rucien.

   "Marami na po kaming utang sa inyo, Ate Suzie." Ang magiliw na sabi ni Rucien habang iniikot pabukas ang takip ng bote.

   "Upo ho kayo." Nakangiti ko namang alok kay Ate Suzie.

   Naupo siya sa tabi ni Rucien matapos ilapag sa mesa ang dala niyang kahon.

   "Naku, hindi pa kayo nasanay. Wala iyan. Natutuwa nga ako sa inyo at sa lahat ng tagarito sa village ay kayong dalawa lang ang laging matiyagang mag-ehersisyo. Eh, kahit isang araw ay hindi ko pa kayo nakitang umaktaw."

   "Sinusulit ko na ho ang bakasyon ko, Ate Suzie. Para habang wala ho akong pasok ay masamahan ko po itong kaibigan ko." Magalang na sagot ni Rucien saka bumaling sa akin. "At kapag may pasok na ako, hindi ibig sabihin n'on ay hihinto ka na rin, ha?"

   Nakangiti kong itinirik ang mga mata ko bilang sagot. Hindi lang sampung beses iyon na nasabi na sa akin ni Rucien.

   Na ipagpatuloy ko pa rin ang pagwo-workout kahit na mag-isa na lang ako.

   It kind of made me sad, knowing that Rucien wouldn't have much time to spend with me when the classes reopened.

   Pero naintindihan ko naman. He was a graduating student. At ang maipapangako ko lang sa kanya ay ang hindi huminto sa nasimulan namin.

   "Naku, pawis na pawis ka, hijo. 'Teka."

   Nahugot ako mula sa pag-iisip nang mamalayan kong nasa likuran ko na si Ate Suzie.

   Iniangat niya ang likuran ng suot kong t-shirt at sinapinan ang likod ko ng bimpo.

   "'Wag kang mag-alala, hindi ko pa nagagamit 'yang bimpo. Dapat ay sinisiguro mo rin ang kalusugan mo kahit para sa kalusugan mo rin ang ginagawa mo."

   I didn't know what to say. I felt like I was caught off guard.

   Indeed, I was caught off guard.

   There were only two people in my life that did that gesture toward me. Rucien and Manang Maria.

   Even my own mother hadn't done that or even tried to. She was too busy pampering my older brother.

   "Salamat, Ate Suzie." Alanganin ang ngiting ibinigay ko sa kanya sabay tingin kay Rucien.

   Rucien smiled at me, subtly shrugging his shoulders as he drank.

   "Oh, eh, sige, ha? Tuloy na ako, mga hijo. Alam niyo na, kailangan pang kumayod." Maliwanag ang ngiting paalam ni Ate Suzie saka isinukbit ang strap ng kahon sa balikat.

   Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang muli siyang lumingon.

   "Laban!" Panabay nilang sabi ni Rucien habang nakaikom ang mga kamao sa ere saka sabay na nagtawanan.

   Rucien and I waved goodbye with the bright smile on our faces.

   Iiling-iling akong ngumiti habang ihinahatid ng tanaw si Ate Suzie.

   "I like her." Mayamaya ay sabi ni Rucien.

   "Hmm." Tumatango kong sang-ayon. "She was just a little extra today."

   "Dahil sinapinan niya ang likod mo?"

   Tumango ako saka inubos ang.laman ng bote at ihinagis ang basyo sa kalapit na basurahan.

   "I don't think so. She's just being thoughtful. Natandaan mo noong isang araw? Binigyan din niya tayo ng bimpo."

   "Na hindi naman niya kailangang gawin. I mean, magkano lang ba ang kita sa pagtitinda ng tubig, Yakult, at iba pang drinks? She should be spending her income on her family's needs."

   It was not that I was not grateful. I just thought it would only make sense if she spent her hard-earned money on things that mattered.

   "Well, siguro masaya lang siya sa ginagawa niya. Let's just appreciate her. Hindi naman siya nanghihingi ng kapalit. She's not even accepting anything we offer her." Tinapos iyon ni Rucien ng isang ngiti bago tumayo. "Ano? Karera tayo pauwi?"

   Ngumisi ako saka tumayo. Ngunit bago iyon ay awtomatiko akong luminga sa paligid at hinanap ang tanawing ilang araw ko nang hindi nakikita.

   "Si Amber na naman."

   Nilingon ko si Rucien kasabay ng pagkunot ng noo ko.

   "Huh?"

   "Wala. Tara na." Sa halip ay nakangiti niyang sagot saka tumayo sa sidewalk.

   "What's in it for me?" Tanong saka pumwesto sa tabi niya.

   "A gallon of ice cream."

   "Deal. Let's shake on it." Nakangiti kong inilahad ang palad ko na agad naman niyang tinanggap.

   "If you win." Mataas ang ere na sagot niya habang nakabakas sa mukha ang nanghahamong ngisi.

   "Cocky." Komento ko saka naghanda sa pagtakbo.

   Ngumiti lang siya bago magbilang.

   "Wait." Pigil ko sa hudyat niya.

   "What?"

   "Give me a head start. I think it's only fair. You were always the winner in any running contest during high school."

   "Okay." Walang pagdadalawang-isip na sang-ayon niya.

   At hindi pa man siya nakatatapos sa pagbibilang ay tumakbo na ako.

   I knew I would lose to Rucien.

   Pero hindi naman talaga ang ice cream ang habol ko kundi ang masaya naming tawanan habang nag-uunahan sa pagtakbo.

   Just like the good old days we had.

•••

..okay..i know it's more of like a 'meh' update.. still, it's an update..andami ko lang iniisip these past few days..(gasgas na talaga tong rason ko, haha, but it's the truth..online classes, summer classes, etc.) Kung papasok kayo sa utak ko, gugustuhin niyo rin agad lumabas sa sobrang gulo..haha..hayy..

Anyway, I just wanted to share with you na ito yong pinakamahirap isulat sa story..story build-up..so please, bare with me..(haha..bare..hubad? Haha..) Bear with me, guys. Love y'all.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 35.3K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
419K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
67.7K 2.3K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.