Episode 3 - Mokujin

63 5 1
                                    

•••

*Primo*

   I turned off the shower and looked at myself in the mirror.

   Disgusting.

   Iyon ang nag-iisang salita na nakikita ko sa aking repleksiyon.

   I couldn't blame mom and Alexis if they hated me. Sino ba ang magkakagusto sa isang matabang katulad ko?

   Wala.

   Not even Amber. Sarili ko ngang pamilya, isinusuka ako, ibang tao pa kaya?

   I picked up my toothbrush and threw it at the mirror then walked out of the bathroom.

   Nagbihis lang ako at bumaba na. Wala na akong ganang magkulong sa kwarto ko.

   No. Erase that. Actually, I didn't want to stay in this house for another minute.

   "Evo, hijo. Gusto mo ba ng merienda? Igagawa kita." Ang salubong sa akin ni Manang Maria pagbaba ko sa hagdan.

   Agad niyang in-off ang vacuum cleaner at sinalubong ako ng ngiti.

   I didn't feel like talking to anyone right now, but Manang Maria was the only person in this house that actually had genuine concern about me.

   I gave her a small smile, shaking my head.

   "Doon lang ako sa bahay ni Rucien."

   Nakauunawa siyang tumango at ngumiti. It was the kind of smile she would always give me whenever she felt sorry for me.

   "Pagpasensiyahan mo na lang ang kuya mo, hijo."

   Ibig sabihin ay narinig niya kami kanina. Mataman akong tumango at tumuloy na sa paglabas ng bahay.

   I didn't want to see pity in her eyes which was surely written all over her face as she watched me walk out of the door.

   Sawa na akong kaawaan ng ibang tao. Sympathy wasn't what I needed but acceptance. At iyon ang hindi ko maramdaman sa mga tao sa paligid.

   Nilakad ko ang ilang blocks na pagitan ng bahay namin sa bahay ni Rucien. I pressed the doorbell when I noticed the gate was locked.

   Ilang sandali na ang lumipas ay wala pa ring nagbubukas. Muli akong nag-doorbell at naghintay.

   Again, I tried. Pero hindi yata ako naririnig ni Rucien.

   Napapabuntong-hininga akong lumayo sa gate at bagsak ang mga balikat na naupo sa gilid ng driveway.

   Pumulot ako ng maliit na bato at ihinagis iyon sa mga halaman. At sakto naman ang pagparada ng isang pamilyar na kotse.

   Bahagya akong nakaramdam ng saya nang makita kong bumaba ang bintana niyon at mula roon ay sumilip si Rucien.

   "Primo, anong ginagawa mo r'yan?" Nakangiti niyang tanong saka itinapat ang remote sa gate.

The Desperados I : Primo "Always You"Where stories live. Discover now