Salamisim (Published by Bliss...

By UndeniablyGorgeous

9.7M 530K 1.1M

Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na n... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Epilogo
Ikalawang Serye: Hiraya
To Be Published by Bliss Books

Kabanata 29

197K 15K 24.6K
By UndeniablyGorgeous

[Chapter 29]

MALAMIG na dampi ng bulak na may alcohol sa aking kamay ang aking naramdaman dahilan para maalimpungatan ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, naaninag ko ang isang nurse na maingat na itinurok sa kamay ko ang dextrose.

"Miss, anong oras po dadaan si doc?" narinig ko ang boses ni Fate, nakaupo siya sa tabing silya habang hawak ang phone niya. Inilagay na ng nurse ang mga gamit sa dala niyang box, "Mayamaya po" tugon nito. Nagpasalamat naman si Fate saka tumayo upang kumutan ako muli ngunit napatigil siya nang makitang gising na ako.

"Okay ka na ate?" gulat niyang tanong. Tumango ako, sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako. "Wag muna, hintayin na lang natin si doc mamaya" saad niya, inilibot ko ang aking mata sa paligid, nasa loob kami ng patient ward. May tatlong kama pa sa loob ng ward pero isang batang babae lang kasama ang tatay nito ang nakahiga sa katabing kama.

Napahawak ako sa aking tiyan, makirot na mabigat ang aking pakiramdam. "Sabi ng nurse, makakauwi rin daw tayo mamayang umaga" patuloy niya saka umupo sa silya.

"Ano bang nangyari?" tanong ko, ang huli kong natatandaan ay nakaramdam ako ng hilo sa museum opening na dinaluhan namin. "Anong araw na ngayon?" patuloy ko, nakasuot na rin ako ng hospital gown na kulay pink.

Pinakita niya sa'kin ang phone niya, 11:41 pm, June 24, 2017.

"Nawalan ka ng malay sa party na pinuntahan mo. Ms. Crystal called us. Nandito sila kanina, hinatid sila ni mama sa parking" tugon niya, napatango na lang ako. Kanina lang pala 'yung museum opening. "Don't worry ate, no one blames you sa nangyari" napabuntong-hininga na lang ako. Ayokong mag-online ngayon. Mas mabuti siguro na hindi muna ako mag-open ng social media hanggang sa susunod na linggo.

Napahawak muli ako sa tiyan ko dahil kumikirot ito, "Alcohol poisoning daw ang nangyari sayo ate. Ang weird lang kasi ikaw lang 'yung sumama ang pakiramdam. Okay naman 'yung ibang nakainom 'nung alak na binigay daw sa party" wika ni Fate. Napatulala na lang ako sa kisame.

"Mababa talaga siguro ang alcohol tolerance mo" patuloy ni Fate. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ang bigat din ng puso ko.

"Fate. Wala bang pagkain diyan?" tanong ko saka ibinaba ang kumot na nakataklob sa'kin hanggang mukha. Napatigil siya sa pagbabasa sa phone saka tumingin sa'kin, "Bawal ka kumain ng kahit ano ate, tinurukan ka na ng gamot at mag-boblood test ulit mamaya" saad niya, napatitig na lang ako sa watermelon, oranges, at grapes na nasa mesa. Sila rin naman ang kakain niyon dahil bawal sa'kin.

Dumating na si mama, "Okay ka na?" tanong niya saka hinawakan ang kamay ko. Tumango ako. "Buti na lang nadala ka agad dito. Hindi na kita papayagan uminom ng alak" saad ni mama, natawa na lang kami ni Fate kasi hindi naman ako umiinom talaga. Nagkataon lang na natyempuhan ako ng kamalasan ngayon.


NAKATULOG na ako nang patayin na ang ilaw sa ward. Umuwi na si Fate, sinundo siya ni papa. Si mama ang kasama ko ngayon. May ilaw mula sa hallway ng hospital. Hindi ko alam kung bakit hindi talaga ako nakakatulog ng walang kakarampot na ilaw.

Alas-tres na ng madaling araw nang magising ako. Mahimbing nang natutulog sa mahabang hospital sofa sa gilid si mama. Buong sikap akong bumangon at napahawak sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang kirot sa aking kaliwang balikat pero wala namang akong bakas ng sugat o ano. Napilay ba ako?

Isinuot ko na ang tsinelas saka hinila ang aking dextrose. Pupunta ako sa C.R, hindi ko na ginising si mama dahil mahimbing na ang tulog niya. Maingat akong naglakad papalabas, nagkatinginan pa kami ng batang babae na nasa katabing kama. Yakap niya ang isang teddy bear at katabing matulog ang kaniyang daddy.

Hindi rin siguro siya makatulog, namamahay din siguro siya tulad ko. Paglabas ko sa ward, tahimik ang buong paligid. Walang ibang tao. Naglakad na ako papunta sa C.R na nasa dulo pa ng hallway. Sa bawat paghakbang ko ay ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kirot sa aking sikmura at balikat. Tumatalab na siguro ang gamot na binigay sa'kin.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto sa isang ward, at lumabas doon ang isang lalaki na nakasuot ng puting kamiso, brown na pantalon at sumbrerong buri. Wala siyang suot na sapatos o tsinelas. May bigote ito at sa tingin ko ay nasa edad apatnapu pataas.

Seryoso siyang nakatingin sa'kin, may dala rin siyang lampara. Napatingin ako sa paligid pero sa akin lang siya nakatingin. Naglakad na ako sa kabilang gilid para tumuloy sa C.R. Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa malagpasan ko siya. Hindi ko alam pero ang weird ng kinikilos niya.

Animo'y nasindak ako nang magsalita siya mula sa aking likuran. "Malapit na matapos ang nakatakdang oras" panimula niya dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. Muli akong lumingon sa paligid, wala namang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang.

Lumingon na ako sa kaniya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin. "Huwag mo nang subukang patayin muli ang sindi ng lamparang ito dahil pagsisisihan mo ito" patuloy niya saka itinaas ang lampara na parang inaabot niya sa akin iyon. Napansin ko ang pamilyar na kuwintas na hawak niya sa kabilang kamay. May crescent moon pendant ito.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang mga mata ko sa kaniya. Parang nakita ko na siya dati. Nagtataka akong napatingin sa paligid dahil pumapatay-sindi na ang ilaw at may hangin na nagpapalipad sa mga papel.

"A-ano pong nangyayari?" napaatras ako, gusto kong tumakbo na lang pabalik sa ward pero nakaharang siya sa daan. Patuloy ang paglakas ng hangin hanggang sa mamatay ang apoy sa lampara at kasabay nito ang pagdilim ng buong paligid.


MULI akong nakaaninag ng liwanag. "M-mama..." tawag ko at gulat na napatingin sa buong kagubatan. Madilim ang paligid at naaninag ko ang malamig na hamog na bumabalot sa gubat. Napatigil ako nang makita ang mahiwagang lampara na nasa lupa.

Ito ang lamparang hawak ng lalaki kanina. Sa pagkakataong iyon ay tila unti-unting pumasok sa aking alaala ang lahat. Ang mga pangyayaring natunghayan ko mula nang makapasok ako sa aking nobelang Salamisim.

Narinig ko ang papalapit na kaluskos mula sa tuyong dahon at sanga. Agad kong kinuha ang lampara at tumakbo papalayo. Nadaanan ko ang ilog kung saan ako nilunod dati ng mga tauhan ni Don Severino, mabilis akong tumulay sa malaking troso sa gitna at tumawid sa kabila.

Tumakbo ako nang mabilis habang inaalala ang huling nangyari sa kwentong ito. Binaril ako ng lalaking nakataklob ang mukha nang tambangan ang sinasakyan naming kalesa nina Sebastian at Maria Florencita.

Hindi ko alam kung anong araw na ngayon dito sa loob ng kwento at natatakot akong malaman na lumipas na naman ang ilang buwan. Tila nabuhayan ako ng pag-asa nang marating ko na ang kalsadang lupa na siyang daan papunta sa bayan.

Madaling araw na kaya malamig ang ihip ng hangin. May nadaanan akong bahay kubo, nakasampay sa labas ang isang itim na talukbong. Agad kong kinuha iyon at isinuot sa aking sarili. Alam kong masama magnakaw pero naninigas na ako sa lamig at hindi pwedeng makita ng ibang tao dito na nakasuot ako ng hospital gown.

Isinuot ko na ang talukbong saka nagpatuloy sa pagtakbo bitbit ang lampara. Napatigil ako sa gulat nang marinig ko ang sunod-sunod na pagputok ng baril na sinabayan ng malalakas na hiyawan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang malaking apoy mula sa isang barrio. Tinutupok ngayon ng apoy ang mga kabahayan.

Mabilis akong tumakbo papunta roon hanggang sa makita ko kung paano dinadakip ngayon ng mga guardia civil ang mga mamamayan. Tinutulak nila sa lupa ang mga lalaki, babae, bata at matanda. Hinahampas ng mga baril at ang mga nanlalaban ay walang awang binabaril sa harap ng pamilya nito.

Animo'y naistatwa ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Nilalamon na ng apoy ang mga bahay. Humahagulgol at nagmamakaawa ang mga babae na huwag dakpin ang kanilang mga asawa. Umiiyak sa sulok ang mga bata at matanda na hindi na magawang lumaban.

Nagkalat sa paligid ang mga dyaryo at papeles na may kinalaman sa mga rebelde. Ang mga sumusubok lumaban ay bumabagsak na lang sa sahig dahil sa tama ng baril. Umaalingangaw ang panaghoy at pagsusumamo ng lahat na huwag silang dakpin, wala silang nalalaman at mahabag ang mga opisyal sa kanilang kalagayan.

Tila nasa gitna kami ngayon ng impyerno. Sumisikip ang dibdib ko, ito na ang eksena kung saan pinangunahan ni Sebastian ang pagtugis sa mga rebelde. Ang sinumang mahuhulihan ng ebidensiya bilang kasapi ng rebeldeng grupo na nagbibigay pugay kay Don Imo Cortes ay dadakpin, ibibilanggo at papaslangin.

"Akin na ang iyong cedula!" wika ng isang guardia civil sabay tutok sa ulo ko ng baril. Nanginginig akong napalingon sa kaniya, itinaas ko rin ang aking dalawang kamay. "Akin na!" sigaw nito, napaluhod na lang ako. Wala akong maipapakitang cedula sa kaniya. Wala akong pagkakakilanlan dito.

Hinila ako ng guardia civil patungo sa grupo ng mga nadakip nilang kasapi ng rebelde at itinulak doon saka pinadapa sa lupa. Napatingin ako sa batang babaeng nakayakap sa tatay niya, ayaw niyang humiwalay dito kahit pa dadalhin na sa bilangguan ang kaniyang ama.

Tila bumagal ang takbo ng paligid nang makita ko si Sebastian. Nakasakay siya sa itim na kabayo hawak ang kaniyang baril.

Bumaba si Sebastian sa kabayo. Puno ng kasawian at galit ang kaniyang mga mata. Agad sumaludo sa kaniyang ang mga guardia civil at tumindig nang maayos upang salubungin siya. "Heneral, lahat ho sila ay napatunayan na kasapi ng mga tulisan" wika ni Eusebio na siyang kanang-kamay ni Sebastian.

Pinagmasdan ni Sebastian ang halos limampung katao ngayon na nakadapa sa kaniyang harapan at nanginginig sa takot. "Dakpin ang lahat at ibilanggo" saad ni Sebastian saka sumakay muli sa kaniyang kabayo.

Gusto ko siyang tawagin ngunit hindi ko alam kung bakit umurong ang aking dila. Natatakot din ako na harapin siya ngayon. Parang hindi na siya ang Sebastian na nakilala ko.


TULUYAN nang sumikat ang araw nang marating namin ang Fort Santiago. Nakagapos ang aming mga kamay at may lubid din na nakadugtong sa aming lahat na bilanggo para walang magtangkang tumakas. Nakapalibot din ang mga guardia civil na sinasabayan kami sa paglalakad.

Hinang-hina ang lahat at nababalot ng lupa ang mga suot na damit. Patuloy pa rin sa paghikbi ang batang babae habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ng kaniyang ama. Nasa unahan ko sila at tulalang sumusunod sa agos ng mga bilanggo.

Nakatingin ang ilang mga tao na nabibilang sa alta-sociedad. Nakasakay sila sa kani-kanilang magagarbong kalesa at nagsimulang magbulungan. Animo'y masaya pa sila dahil nadakip na ang mga rebeldeng nagbabadya ng panganib at kaguluhan.

Nagsimulang matakot ang mga bilanggo nang makita namin ang pitong pugot na ulo ng mga lalaki na nakasabit sa kawayan sa bukana ng Fort Santiago. Tila isang panakot iyon na ang lahat ng mabibilanggo ay hindi na makakalabas doon at sasapitin ang kamatayan.

"H-hindi ba't ang mga ulong iyan ay ang mga tulisan na umatake sa heneral at kay señorita Maria Florencita noong isang linggo?" bulong ng isang lalaki sa katabi niyang manong. Agad namang tinakpan ng ama ang mata ng kaniyang batang babaeng anak dahil sadyang karumal-dumal ang sinapit ng mga pugot na ulo.

"Oo, n-nawa'y hindi natin sapitin ito" naluluhang saad ng manong na nanginginig na rin ngayon sa takot. Napatulala ako sa kanila, ibig sabihin isang linggo lang akong nawala sa loob ng kwentong ito. Pinagmasdan ko ang buong paligid, may mga parol na nakasabit sa mga kabahayan. Pasko na.

Itinulak kami papasok sa mga selda. Pitong babae ang kasama ko sa iisang selda. Halos lahat sila ay nagdadasal, umiiyak at sinusumpa ang heneral. "M-marahil ay dahil sa nangyaring paglusob ng mga tulisan sa heneral at sa anak ni Don Florencio kaya labis na ang galit ngayon ni heneral Guerrero" bulong ng isang ale sa kaibigan.

Nagpalinga-linga ang dalawa sa takot na may ibang nakikinig sa kanilang usapan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpanggap na natutulog. "Ano na ang mangyayari sa ating samahan? Totoo ba na kagagawan ito nila Berning at Tadeo?" bulong ng isa, patuloy ang pagronda ng guardia civil sa bawat selda kung kaya't buong sikap silang tumetyempo kung paano makakapagpalitan ng kuro-kuro sa mga nangyayari.

"Nakita mo ba ang mga tulisan na pinupugutan ng heneral ng ulo sa labas? Itinuro ng mga iyon ang ating samahan"

"Ngunit wala silang sapat na ebidensiya. Ni hindi nga natin nakita kailanman sa ating samahan ang mga tulisan na iyon. Hindi rin naman nila nahuli sila Berning at Tadeo. Malakas ang aking kutob na may ibig sumira sa ating samahan na hindi naman natin kaanib"

"Mas mabuti pang heneral ang anak ni Don Severino kumpara kay heneral Guerrero" wika ng isa na sinang-ayunan nito. Magsasalita pa sana ang ale ngunit tumigil ang isang guardia sa aming selda at tumayo roon upang magbantay.

Napatingin ako sa isang sulok. Nasa loob din pala ng aming selda ang batang babae, umiiyak siya mag-isa at nakasiksik sa isang sulok. Lumapit ako sa kaniya, "Gusto mo bang kantahan kita?" panimula ko, napatingin siya sa'kin, patuloy ang pagbagsak ng mga luha sa kaniyang musmos na mga mata. Tumabi ako sa kaniya, hinawi ko ang magulo niyang buhok na tumatama na sa kaniyang mata.

"May kakilala ako na madalas magkaroon ng masamang panaginip. Natuklasan ko na kapag kinantahan ko siya habang natutulog. Nilulubayan siya ng bangungot" patuloy ko, saka dahan-dahan siyang pinahiga sa aking hita. Patuloy pa rin sa paghikbi ang batang babae.

"H-hindi ho ba nila sasaktan ang aking itay?" wika niya, kumirot ang aking puso. Sa kaniyang musumos nae dad ay ganito na agad ang nararanasan niya. Naalala ko si Sebastian, bata pa lang siya nang mamatay sa harapan niya ang kaniyang ina.

"Syempre hindi. Maniwala ka sa'kin. Hindi masamang tao si heneral Guerrero. Hindi tulad ng iniisip ng ibang tao sa kaniya..." napatulala ako nang sabihin ko iyon, patuloy kong hinihimas ang kaniyang buhok.

"Naniniwala pa rin ako na hindi masamang tao si Sebastian" saad ko saka sinimulan ko ang paghiging sa pag-asang makatulog siya tulad ni Sebastian na nakatulog nang maayos nang kantahan ko siyang habang natutulog.


MALAPIT nang lumubog ang araw nang dumating ang dalawang guardia civil at binuksan ang selda namin. "Sino rito ang babaeng nagngangalang Tanya?" tanong nito. Nagkatinginan ang lahat, magkahalong takot at pag-asa ang umusbong sa aming mga damdamin.

Takot na baka ang Tanya na tinutukoy ng guardia ay siyang susunod na isasalang sa parusa. Pag-asa na baka ang Tanya na hinahanap niya ay siyang papakawalan dahil wala naman itong kinalaman sa samahan.

"Walang aamin?" saad ng guardia saka inilabas ang mahabang baton na hawak niya. At dahil sa takot na parusahan niya ang lahat na naririto ay agad na akong tumayo. "A-ako" napatingin ang lahat sa akin. Maging ang batang babae na kinantahan ko upang makatulog kanina.

Tinitigan ako sandali ng guardia, "Sumunod ka sa akin" seryosong wika nito saka lumabas sa selda. Nagsimula na akong humakbang pero napatigil ako nang hawakan ng batang babae ang kamay ko. Muling bumagsak ang kaniyang luha at umiling siya sa'kin na para bang nakikiusap siya na 'wag ko siyang iwan doon.

Ngumiti ako nang marahan sa kaniya, "Hindi nila ako sasaktan. 'Wag kang matakot. Babalikan kita at ligtas kayong makakauwi ng iyong itay" saad ko dahilan para mapatango siya habang patuloy pa rina ng pagbagsak ng kaniyang mga luha.

"Labas na!" sigaw ng guardia, bumitaw na ang bata sa kamay ko at lumabas na ako sa bilangguan. Iginapos muna ng guardia ang aking kamay bago kami naglakad papalabas doon. Nilingon ko pa ang batang babae sa huling pagkakataon, gusto kong maging matatag siya at hintayin niyang maayos ko muli ang lahat.

Makalipas ang ilang sandali, tumigil kami sa isang tapat ng isang pinto. Binuksan iyon ng guardia, laking-gulat ko nang makita si Padre Emmanuel. Tinanggal ng mga guardia ang pagkakagapos sa'kin saka hinayaan kaming makapag-usap ni Padre Emmanuel sa loob ng isang silid.

"Padre, pinadala po ba kayo ni Sebastian?" namumuo na ang luha sa mga mata ko. Gusto ko na makausap si Sebastian. Gusto kong malaman niya na okay na ako. Na nakabalik na ako.

Napayuko si Padre Emmanuel, "Hija, ibig mo ba talagang baguhin ang kwentong ito?" tanong niya na ikinagulat ko. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Tumatagos ang liwanag ng papalubog na araw sa bintana na nakabukas ngayon.

"M-matagal niyo na po talagang alam na nasa loob tayo ng kwento?" gulat kong tanong. Tumango siya saka napabuntong-hininga. "K-kung gayon, alam niyo po na ako ang nagsulat nito?" patuloy ko, hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang naktingin sa'kin na para bang binabasa niya ang mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.

"Handa mo bang tanggapin ang lahat sa oras na malaman mo ang katotohanan?" wika ni Padre Emmanuel dahilan upang mas lalo akong maguluhan. Ilang segundo akong napatulala sa kaniya.

"A-ano pong katotohanan?" hindi ko siya maintindihan. Napayuko muli si padre Emmanuel saka tumalikod at naglakad papunta sa tapat ng bintana. Nakatalikod siya ngayon sa'kin.

"Muntik ka nang mamatay noong isang linggo. Marahil ay inakala mong tuluyan kang namatay ngunit hindi... Nailigtas ka ni Sebastian. Dinala ka niya sa pagamutan ngunit itinakas kita roon" saad ni Padre Emmanuel. Hindi ako nakapagsalita.

"Itinakas kita sa pagamutan dahil hindi maaaring malaman ni Sebastian at ng ibang mga tauhan sa kwentong ito na wala kang pagkakakilanlan. Wala kang cedula, wala kang pamilya, wala ka ring apelyido" naalala ko na kailangan ang mga detalyeng iyon sa oras na manatili ako sa pagamutan.

"I-ibig niyo pong sabihin... Hindi alam ni Sebastian kung nasaan ako ngayon? Hindi niya alam kung buhay pa ako?" tanong ko, tumango si Padre Emmanuel habang nakatalikod sa'kin.

"Mas mabuti na iyon. Hindi ka na niya dapat makita..." wika ni Padre Emmanuel saka lumingon sa'kin. "Ano sa tingin mo ang iisipin niya sa oras na makita niya ang kalagayan mo ngayon? Paano ka gumaling ng ganiyan sa loob lang ng isang linggo? Ni walang bakas ng sugat o bala ang iyong sikmura at balikat" napatingin ako sa aking sarili, maayos na maayos ang kalagayan ko ngayon.

Muling humarap si Padre Emmanuel sa bintana, "Sikapin mong hanapin kung sino ang nagtangkang pumatay sa iyo. Huwag mong hahayaang mamatay ka sa loob ng kwentong ito" nagtaka ako sa sinabi niya, nagsimula akong humakbang papalapit.

"Kahit subukan nila akong patayin. Hindi naman po ako mamamatay dahil hindi ako bahagi ng kwentong ito" saad ko saka pinakita ang aking kamay. "Makakablik po ulit ako dito ng maayos" patuloy ko, ipinikit ni Padre Emmanuel ang kaniyang mga mata at dinama ang sariwang hangin.

"Nagkakamali ka. Maaari kang mamatay sa loob ng nobelang ito" saad niya saka iminulat ang kaniyang mga mata at tumingin sa'kin. "At sa oras na mangyari iyon, hindi ka na makakalabas sa kwentong ito at hindi ka rin makakabalik dito" saad niya. Nakatitig siya sa'kin na para bang sinasabi niya na ito na ang huling babala na maibibigay ko sayo.

"Tumakas ka na. Ito na ang pagkakataon para makalayo ka dito. Hindi dapat malaman ni Sebastian na isa ka sa mga nabihag nila" wika niya sabay turo sa lubid na nakasabit sa bintana. Gusto niyang tumakas ako ngayon.

Gulat akong napatingin sa kaniya, "Mapapahamak po kayo kapag pinatakas niyo ako. Naghihintay ang dalawang guardia sa'kin sa labas" saad ko sabay turo sa pinto. Umiling lang si Padre Emmanuel.

"May paraan ako. Unahin mo na ang iyong sarili. Hindi nila ako masasaktan dito" wika ni Padre Emmanuel. Magsasalita pa sana ako ngunit sinabi niya na kung hindi ako susunod ay mas lalong magugulo ang kwentong ito.

Napapikit na lang ako saka tumakas doon sa tulong ni Padre Emmanuel na nakalimutan kong alamin kung paano niya nalaman ang lahat ng ito.


ILANG minuto na ako ngayong nagtatago sa likod ng isang tindahan na nasa tapat ng Panciteria. Gusto kong pumasok doon at alamin ang kalagayan nila pero naalala ko ang sinabi ni Padre Emmanuel. Kailangan kong iwasan ang mga tao dito dahil mas lalong magugulo ang kwento.

Aalis na lang sana ako ngunit napatigil ako nang biglang may lalaking nakasuot ng salakot ang nakatayo ngayon sa aking likuran. "Tanya" wika niya, hindi ako makapaniwala na narito si Lorenzo.

Alam ba niya na malubha ang tinamo ko 'nung nakaraang linggo?

"Ibig mo rin bang makausap sina Aling Pacing at Mang Pedro?" tanong niya sa'kin, mukhang papunta rin siya ngayon sa Panciteria. Pinagmasdan ko siyang mabuti, mukhang wala siyang ideya sa sinapit ko.

"Natanggap mo ba ang aking mensahe na pinakalat ko sa lahat ng kasapi ng samahan. Magtago muna tayo. Itigil ang lahat ng hakbang at plano na maaaring gamitin lalo laban sa ating samahan" wika niya, napatitig ako sa kaniyang mga mata. Mukhang inakala lang niya na nagtatago ako ng halos isang linggo. Hindi niya alam na nilusob kami nina Sebastian at Maria Florencita ng mga hindi kilalang lalaki.

"N-nakausap mo na si Maria Florencita?" tanong ko sa kaniya, siguradong mababanggit sa kaniya ni Maria Florencita ang nangyari sa'kin. Napailing siya, "Hindi. Matagal na kaming hindi nagkikita at nakakapag-usap" saad niya dahilan upang mapatulala ako at mapagtanto ko na kaya hindi na rin pala siya nababanggit ni Maria Florencita dahil mukhang hindi na natuloy ang dapat na pagtitinginan nilang dalawa.

"Saan ka tumutuloy ngayon? Sa aklatan pa rin ba? Sa puder ni Sebastian?" sunod-sunod niyang tanong. Napailing ako at hindi nakapagsalita.

"Bakit? Masama rin ba ang loob niya sayo dahil kaanib ka ng samahan? Hindi ba't matagal na niyang batid iyon?" patuloy ni Lorenzo, napailing na lang muli ako at napayuko.

"Hindi niya ako pinaalis. Kusa akong umalis" tugon ko, sandaling nanahimik si Lorenzo. "M-mas mabuti na siguro 'yon. Ayoko na manggulo" saad ko, naalala ko nang mapahamak si Sebastian dahil tinulungan namin si Amalia. At ngayon ay nalalagay naman sa panganib ang buong samahan dahil tinulungan ako ni Lorenzo na mapalaya si Sebastian.

"N-nakikitira ako ngayon sa tiyahin ko. Uuwi na rin ako mayamaya" patuloy ko, hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata dahil sa konsensiya. Kung hindi niya ako tinulungang mapalaya si Sebastian at mabalik sa pwesto bilang heneral. Hindi dapat tinutugis ngayon ang lahat ng miyembro ng kanilang samahan.

"Tanya, batid mo na rin ba ang---" hindi na natapos ni Lorenzo ang sasabihin niya dahil mabilis kaming nagtago sa likod ng tindahan nang dumaan ang hukbo ng militar sa pangunguna ni Sebastian.

"Magtago ka na muna Tanya, sa oras na maging maayos na ang lahat. Hihintayin kita sa Panciteria" bilin ni Lorenzo at naglaho na ito sa dilim. Malaki ang responsibilidad na hinahawakan nila ni Santino kung kaya't wala silang permanenting lugar na tinitirhan.


NAGPALIPAS ako ng buong gabi sa tapat ng simbahan. Payapa lang ang gabi kumpara sa madugo at magulong pangyayari kaninang madaling araw. Ang katahimikan sa buong paligid ay parang pagluluksa ng mga kaluluwang sumisigaw ng katarungan.

Alas-singko na ng umaga nang maisipan kong umalis sa tapat ng simbahan sa takot na may makakilala sa akin. Madalas pa naman mamalengke sa umaga sina Aling Pacing, Aling Lucia at Lolita.

Naglalakad ako ngayon mag-isa sa pamilihan suot ang itim na talukbong. Napatigil ako nang matanaw ko ang aklatan. Sarado pa iyon. Wala ng mga guardia civil na nakabantay sa labas. Wala rin doon ang kalesa ni Sebastian.

Hindi ko namalayan na dinadala na ako ng aking mga paa papalapit doon. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa labas habang nakatitig sa tindahang iyon na puno rin ng masasayang alaala namin nina Sebastian at Niyong.

Aalis na lang dapat ako pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Sebastian. Maging siya ay napatigil nang magtama ang aming paningin. Sinubukan niyang humakbang papalapit sa'kin pero muntik na siyang mawalan ng balanse.

May hawak siyang bote ng alak, nabitawan niya iyon at nabasag ito sa lupa kasabay ng pagbagsak din niya roon. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at sinubukan siyang itayo ngunit napatigil ako nang tumingin siya sa'kin. "Faye..." panimula niya, sumusuray din ang kaniyang mga mata kung saan may namumuong luha mula roon.

Sinubukan kong ngumiti at pilit na nilabanan ang pagbagsak ng aking luha. Kahit lango siya sa alak, natutuwa ako dahil naaalala pa rin niya ako ngayon. Dahan-dahang iniangat ni Sebastian ang kaniyang kamay upang hawakan ang mukha ko.

Naalala ko ang hitsura niya bago ako mawalan ng buhay. Nababalot din siya ng dugo habang umiiyak at pilit na ginigising ang diwa ko tulad nang kung paano niya tawagin ang kaniyang ina noong mamatay ito sa harapan niya.

Ibinaba na niya ang kaniyang kamay saka buong sikap na tumayo. Napailing siya sa kaniyang sarili, ngayon ko lang napagtanto na hindi naman pala siya gano'n kalango sa alak. Naglakad siya papunta sa isang tabi kung saan naroon ang kabayo niyang si Miguelito.

Tinanggal niya ang tali ng kabayo saka naglakad papalapit sa'kin at inilahad ang kaniyang palad sa tapat ko. "Maaari ka bang sumama muli sa akin?" saad niya, napatitig ako sa kamay niya at muling tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Nakainom siya pero hindi naman siya lasing na lasing.

Hindi ba siya nagtataka kung bakit nandito ako ngayon sa harapan niya?

Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong binuhat at pinasakay sa kabayo. "Sebast---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang umangkas din sa kabayo at pinatakbo papalayo.

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo, nakukulong ako sa bisig niya dahil nasa likod ko siya. Nang makalayo na kami sa bayan, binagalan na niya ang pagpapatakbo ng kabayo. Kasalukuyan naming tinatahak ang kalsadang lupa sa kagubatan.

"S-saan tayo pupunta?" sa wakas ay nagawa ko nang magsalita. Napatingin ako sa kamay niya na medyo maugat. Sinubukan kong lumingon sa kaniya pero hindi ako handa na muling magtama ang aming mga mata.

Hindi siya nagsalita. Muling nabalot ng katahimikan ang paligid. Papasikat na ang araw pero nakikita pa rin namin ang Crescent moon sa langit. Animo'y hinihiling nito na huwag maglaho kahit pa malapit na siyang masapawan ng paparating na liwanag mula sa araw.

Umiihip din ang marahan na hangin dahilan para mahulog nang dahan-dahan ang mga dahon mula sa nagtataasang puno sa kapaligiran. Hindi ko namalayan na napangiti ako sa aking sarili habang pinagmaamsdan ang pagbasak ng mga dahon. Inilahad ko ang aking palad upang saluhin ang mga dilaw na dahon. Tila unti-unting nawala ang lahat ng alalahanin ko dahil kasama ko na ulit si Sebastian. 

Nagulat ako nang dahan-dahan niyang sinuportahan ang palad. Nasa ilalim ng kamay ko ang palad niya na 'di hamak na mas malaki kaysa sa akin. "Aking nararamdaman na ito ay isang panaginip" wika niya dahilan para unti-unting mawala ang aking ngiti.

Lumingon ako sa kaniya, nakatitig siya sa kamay naming dalawa na naghihintay na makasalo ng dahon. "Matagal ko nang hinihiling na dumalaw ka sa aking panaginip" patuloy niya, naroon pa rin ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Inakala niya bang patay na ako at kinuha lang ng mga rebelde ang bangkay ko sa pagamutan?

Ngayon ko siya natitigan nang mas mabuti, maputla ang kaniyang mukha, malalim ang kaniyang mga mata na parang binawian siya ng liwanag sa buhay. Mayroon din siyang mga galos sa pisngi at leeg.

"Ito na marahil ang kauna-unahang panaginip na walang bahid ng aking kamatayan o kasawian" saad niya saka tumingin ng diretso sa akin. Pinatigil niya ang kabayo. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Iniisip niya bang panaginip ang lahat ng ito at ako ay bahagi na lang ng kaniyang panaginip?

"Matagal ko nang ibig gawin ito. Isa man itong kapahangasan sa iyong paningin ngunit aking pagsisisihan kung hindi ko gagawin ngayong narito ka sa aking panaginip" wika niya saka maingat na hinawakan ang aking mukha, ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan-dahang inilapit ang kaniyang labi sa akin.

Tila naistatwa ako sa aming sitwasyon hanggang sa pinili kong ipikit na rin ang aking mga mata at damhin ang kaniyang halik. Animo'y bumubulong ang hangin at nakikiisa sa damdamin naming dalawa habang patuloy ang mabagal na pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno.

Kung sakaling magising muli ako sa aking mundo, hahanapin ko muli ang daan pabalik sa loob ng kwentong ito. Pabalik kay Sebastian Guerrero.

********************

#Salamisim

Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.5K 26
PUBLISHED BY: VIVA PSICOM PUBLISHING CORP "Dear Kung Sino Ka Man, Totoo ba ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may true love? Na lahat tayo ay binig...
83.3K 2.4K 15
WATTYS 2021 WINNER - ROMANCE CATEGORY Cassidy Prim, a public figure who despises being in the spotlight, headed to a lesser-known island to get away...
32.9K 336 41
A compilation of my sweet thoughts. A compilation of his 4-Line messages. Its a Love Letter based on our Love Story. What are you waiting for? Read t...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!