wish i could see your smile

By niickblack

28.8K 2.3K 789

"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko... More

Disclaimer
Wish I Could See Your Smile
Prologue
1. Can I Get A Hug?
2. Hello, Zara!
3. Peace Offering
4. Who Is Zara Guerrero?
5. Her Bruises
6. Suicidal Thoughts
7. Finding Inspiration
8. Her Secret Job
9. Keep It As Our Secret
10. Suddenly Lost My Confidence
11. You Are Blushing
12. I Got Frozen
13. This Awkward Feeling
14. Look Into My Eyes
15. The Real Reason Behind Her Bruises
16. Stop
17. Pinky Promise
18. PTSD
20. Freya's Problem
21. To Make Her Happy Again
22. Are You Okay?
23. New Neighbor On The Ward
24. Can You?
25. Deep Talks With You
26. Good Luck!
27. Bucket List
28. Broken Cup
29. See You Again, Soon!
30. Is This The Right Time To Admit?
31. Truth
32. I'm The One Who Surprised
33. A Night With You
34. Zara's Promise
35. Finally, I Saw Your Smile
36. Let's Boost Up Your Confidence
37. A Bit Nervous
38. Pajama Party
39. Because She Is Now In A Better Place
40. I Won't Leave You
41. Kuya Cody
42. You Are The Best Brother
43. Where Is She Heading To?
44. That's Not Good For Your Health!
45. Big Shocked
46. She Got A Bald Head
47. What's Happening To Me?
48. She Didn't Come Back Yet
49. She Is Fine Now
50. Mrs. Guerrero
51. Please, Listen To Me!
52. 11:11 PM
Last Chapter
Epilogue
Lyrics of 'Aayusin Kita' written by Landon
Nick's Note

19. Just Shout It Out

339 29 5
By niickblack

Chapter 19: Just Shout It Out

Landon

Tulad kahapon, dito ulit ako sa bahay niya magpapalipas ng gabi para mabantayan siya. Napainom ko na siya ng gamot at nakainom na rin ako ng sarili kong gamot.

Hating gabi na pero hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok kaya heto ako, nakatulala sa kisame. Ewan ko ba pero gumugulo pa rin sa isipan ko 'yong mga sinabi ni Zara sa akin kanina. Hindi ko alam na may plano pala siyang pumuntang ibang bansa. Nakakabigla man pero nagagawa kong unawain na lang iyon.

"Landon?" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko. May kasamang pagtataka nang tumingin ako sa kanya kasi akala ko'y tulog na siya.

"Uhm?.." tugon ko sabay hikab.

"Tulog ka na ba?"

"Oo."

"Talaga?"

"Oo nga. Nanaginip na nga ako, eh."

"Eh, ba't ka nagsasalita?"

Napatawa ako nang bahagya. "Siyempre, ganoon ako kapag kailangan mo ako. Kahit tulog, tutugon para sa 'yo. Ikaw, ba't gising ka pa?"

"E di, wow," komento niya. "Hindi rin ako makatulog. Nagugutom ako," aniya.

"Gusto mo bang kumain?"

"Siyempre, nagugutom nga ako, 'di ba?" pagpipilosopo niya sa akin.

Napakamot na lamang ako ng ulo at saka dahan-dahang bumangon mula sa sofa. Aminado ako na kahit hindi ako makatulog, tinatamad na ang buong katawan ko para bumangon pa pero wala akong magagawa kasi nagugutom daw siya. Kailangan ko siyang pagbigyan. At gutom lang siguro ito kaya hindi rin ako makatulog.

Napatingin siya sa akin nang mapansin niya akong tumayo.

"Tara," yaya ko sa kanya.

Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Kinuha niya ang kaniyang dilaw na hoody at isinuot ito. Pagkatapos, sabay kaming lumabas ng kuwarto.

"Saan ba tayo kakain?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang front door.

"Bawal tayong lumabas ng subdivision nang ganitong oras, 'di ba? At wala ka rin namang pagkain rito sa bahay mo kaya sa bahay na lang namin tayo kakain."

"Okay. Pero Landon, request ko, gusto kong pumapak ng gatas. 'Yong powdered. Puwede ba?"

Napakunot ako ng noo. "Sigurado ka? Akala ko ba, gutom ka? Iyon lang pala ang gusto mong kainin, eh. Hindi ka mabubusog doon."

"Sinabi ko bang iyon lang? Gusto ko rin kayang kumain ng kanin. Sana nga may tira pa no'ng hapunan na kinain natin kanina."

"Ang takaw mo," natatawa kong sambit.

"Hayaan mo na. Hindi naman ako nataba."

-

Pagkatapos niyang kumain ng kanin ay agad niyang nilantakan 'yong powdered milk. Mabuti na lang kasi meron kaming stock na ganoon dito sa bahay kahit wala sa amin nina Mama, Tito at Kuya na mahilig magtimpla no'n. Kadalasan kasi kami ay kape.

Kumain lang ako ng kanin at hindi na naisipan para makipapak din ng gatas. Kasalukuyan kaming nakatambay muna ngayon dito sa sala namin para magmunimuni. Kanina, nahirapan pa kaming pumasok dito sa loob ng bahay kasi akala ko'y wala akong susi ng pintuan. Mabuti't naalala kong binigyan ako ng spare key ni Mama na nasa loob lang ng bag ko. Hindi na namin sila nadatnan no'ng pumasok kami rito, siguro kasi mahimbing na silang natutulog ngayon. Kaya kung maaari, iniiwasan naming ni Zara na gumawa ng ingay para hindi sila maabala sa pagtulog.

"Ang ganda ng bahay niyo, 'no?" sambit ni Zara habang iniikot ang paningin dito sa sala. First time nga lang pala niyang nakapasok dito.

Napangisi ako. "Palibhasa, kulay dilaw 'yong pintura ng pader?"

"Oo, kaya maganda," saad niya. Napatawa na lang ako. Sunod, dahan-dahan niyang ipinatong sa lamesa 'yong hawak niyang basong may laman na gatas. Yumuko ito at pansin kong humugot siya nang malalim na hininga.

Bigla akong nagtaka.

"Bakit ka nakayuko?" tanong ko at hindi inaalis ang paningin ko sa kanya.

Nakita ko siyang lumunok ng laway. "Sa totoo lang, Landon. Hiyang-hiya na ako sa iyo."

"Bakit naman?"

"Sobra-sobra mo akong tinutulungan. Palagi kang nand'yan kahit hindi naman kita kailangan. Lahat gagawin mo para mapangiti ako. Landon, ipapaalala ko lang sa iyo, aalis din ako. Hindi na ako magtatagal rito. Maninirahan ako sa ibang bansa para makatakas kay Mama. Noon pa lang, sinusubukan kong dumistansiya sa iyo kasi ayaw kong magdalawang-isip para manatili pa rito, ayaw kong mas ma-attach pa sa iyo kasi ayaw kong magkaroon ng rason para hindi umalis. Kaunting pera na lang 'yong kailangan ko, Landon, eh. Pero ginugulo mo 'yong isipan ko. Nasa Canada na 'yong buhay ko. Nandoon 'yong Tita ko at sabi niya, kapag nabuo ko na 'yong halaga ng perang kakailanganin, pag-aaralin niya na ako doon at bibigyan ng buhay na ninanais ko. Sigurado akong doon na ako sasaya at giginhawa. Kaso ikaw, eh. Nagiging problema ka sa akin. Pinapasaya mo ako rito."

Napaawang ako ng bibig at sandaling natigilan. "G-Gusto mong lumayo na lang ako sa iyo para mas mada—"

"Hindi! Ayaw ko rin. Jusko. Ewan ko, gulong-gulo na ako." Napahilamos siya ng mukha. Dahan-dahan kong inilagay sa likod nito ang kamay ko para hagurin iyon. Pakiramdam ko, unti-unti na siyang iiyak kahit hindi ko makita ang mga mata niya.

"Ano ba kasing problema at sinasaktan ka ng nanay mo? Huwag kang mag-alala. Susubukan namin kausapin siya at ayusin ito para hindi ka na niya sak—"

"Hindi iyon ganoon kadali. Hindi niyo magagawa iyon. Hindi niyo mababago na malaki talaga 'yong galit niya sa akin. Hindi niyo mababago na bunga ako ng kasalanan."

"Ha? Bunga ng kasalanan? Anong ibig mong sabihin? Sabihin mo nga sa akin iyan. Ilabas mo iyan sa akin. Promise, no judgement pero yes to understand," nag-aalala kong sabi sabay taas kamay pa.

Sandali itong natahimik bago magsalita. "Gusto kong maramdaman 'yong normal na buhay. Ewan ko kung bakit kasi ipinanganak ako sa napaka-tangin*ng kumplikadong sitwasyon na ganito." Tumingin siya nang deretso sa mga mata ko. Pansin kong nagsisimula na ring gumilid ang mga luha niya. "7 years old ako no'ng nalaman kong ginahasa pala si Mama at hindi ko alam na ako pala 'yong naging bunga. Kaya pala nagtataka ako kasi ang layo-layo ng loob niya sa akin. Patay na 'yong gumahasa sa kaniya habang nasa kulungan ito. Dapat nga wala ako ngayon dito sa mundo, eh. Dapat ipapalaglag niya raw ako kasi malaking kasalanan lang naman daw ako sa kanya. Hindi ako karapat-dapat para mabuhay. Kaso si Lola, nagpumilit kay Mama para bigyan ako ng pagkakataong mabuhay. Siya ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko maramdaman kay Mama kaso punyeta, naaksidente, eh. Kaya ang ending, namatay. Nawalan ako ng kasama, nawalan ako ng katuwang, nawalan ako ng karamay. Nagagalit ako kasi pakiramdam ko, bakit parang ako 'yong may kasalanan ng lahat? Ba't parang kailangan isisi ni Mama sa akin iyong pagkamatay ni Lola at 'yong paggahasa sa kanya noon? Bakit kailangan niya akong saktan kahit sariling dugo niya naman 'to? Hindi ko naman ginusto na gahasain siya ng ibang tao at ako 'yong nabuo. Wala naman ako kinalaman doon."

Napalunok siya ng laway bago magpatuloy. Tumingin ito sa ibang direksyon.

"Wala akong magagawa, mahal ko 'yong Mama ko kasi nanay ko siya. Iniluwal niya ako, eh. Kaya heto ako, tanggap lang nang tanggap ng sakit at hirap. Kahit anong pagod, lulunukin ko na lang para mabuhay. Gusto kong maramdaman na kontrolado ko pa rin itong sarili ko. Hindi sunod lang nang sunod sa kanya. Ayaw niya akong pag-aralin at ayaw niya rin akong pagtrabahuin. Anong gusto niyang gawin ko? Mabulok diyan sa bahay? Ikulong? Mamatay na lang diyan?"

Nanginginig ang ibabang labi nito. Tahimik akong nakikinig kahit sa loob-loob ko, parang pinipiga ang puso ko para mas lalong maawa at mag-alala sa kanya. Naiintindihan ko siya. Kitang-kita sa mga mata niya ang naghahalong iba't ibang klaseng emosyon; poot, galit, pagkadismaya at lungkot.

"Nag-stop ako sa pag-aaral kasi no'ng time na namatay si Lola, saktong may final exam kami no'n. Hindi ako nakapag-aral kasi hindi ako makapag-concentrate kaya ang nangyari, gumawa ako ng kodigo, umaasa para makapasa kaso nahuli ako ng teacher ko. Sising-sisi ako no'n, kasi kung hindi ako nagkodigo, nasa kamay ko na sana 'yong pagiging valedictorian. Mas lalo pa akong lumubog no'ng mas nagalit pa sa akin si Mama at ipinatigil na niya 'yong pag-aaral ko kasi sabi niya, malaking kahihiyan lang naman daw ako. Teacher kasi siya sa school na pinapasukan ko at walang nakakaalam na anak niya ako. Isipin mo, guro ta's ganoon siya sa akin? Ewan. Hindi ko alam. Sinubukan kong maglayas kasi galit na galit ako sa kanya, pumunta akong sa mga kaibigan ko para humingi ng tulong kasi sila 'yong mga taong inaasahan kong kayang i-comfort ako. Kailangan na kailangan ko ng taong ipaparamdam sa akin na nand'yan sila sa tabi ko para intindihin ako. At alam mo ba, ang dami kong kaibigan pero ni-isa walang gustong makinig sa akin. Walang tumulong sa akin. Nilayuan lang nila ako. Iniwasan. Potek, gusto ko silang murahin isa-isa kasi nandiyan lang sila kapag kailangan nila ako. Ba't ganoon? Anong nangyari? Akala ko ba kaibigan ko sila. 'Pag may mga problema naman sila, tinutulungan ko naman agad sila para maresulba iyon. Pero bakit ako? Heto, nagtitiis mag-isa para maayos-ayos itong problema ko kasi para silang mga bula na nawawala na lang bigla. Simula no'n, pakiramdam ko, taksil ang mundo sa akin. Sinisira nila ako. Wala akong pamilyang nagmamahal sa akin, wala akong mga kaibigan na umiintindi sa akin. Walang-walang akong makapitan."

Tumingin siya sa akin.

"Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas ito. Ipon na ipon na dito sa dibdib ko, gusto kong naman gumaan 'to," sabi niya sabay turo sa dibdib niya.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay nito. "Tara, sumama ka sa akin," sambit ko at hindi na hinintay na tumugon pa siya dahil agad ko na siyang hinila palabas ng bahay.

-

"Landon, ang dilim na rito. Nakakatakot, balik na lang tayo sa bahay," sabi niya habang kapit na kapit sa kaliwang braso ko. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad patungo sa Haging Bridge kahit liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa nilalakaran namin, gusto ko pa rin tumuloy. Wala kaming dala kahit anong lente.

"Gusto mong sumigaw, 'di ba? Tayong dalawa lang naman ang nandito. Walang makakarinig. Saka, kasama mo naman ako. Huwag ka nang matakot."

"Bukas na lang." Bakas sa mukha nito ang takot.

"Kailangan mo ito ngayon. Saka, kaunting hakbang na lang ay nandoon na tayo, huwag ka nang kumontra," wika ko. "Ganito na lang, pumikit ka para hindi ka matakot at huwag ka na lang bumitaw sa akin para maalalayan kita."

Napakagat muna siya ng ibabang labi, bago tuluyang sinunod ang utos ko. Bahagya akong napangiti no'ng sinunod niya iyon. Nang pagkarating namin sa Haging Bridge, sobrang dilim na ng paligid at tanging kuliglig lang 'yong umaalingawngaw.

"Imulat mo na ang mga mata mo, nandito na tayo," utos ko.

Dahan-dahan siyang bumitaw ng pagkakahawak sa akin at iminulat ang mga mata. Pareho kaming nanatiling nakatayo habang nakahawak sa lubid ng tulay.

Napatingin siya sa akin. "Go, sigaw ka na. Ilabas mo na lahat ng sama ng loob mo," nakangiti kong sabi sa kanya. "Tulad ng sabi ko sa iyo, tayo lang ang nandito. Walang ibang makakarinig sa iyo."

[Play 'Dasal' By Yeng Constantino]

Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumigaw. "Punyeta kayo! Asaan na kayo?! Bakit niyo ako pinabayaan? Bakit niyo akong iniwang mag-isa?!" Kasabay ng pagsigaw niya, gad tumulo ulit ang mga maaalat niyang mga luha.

"Bakit ganito 'yong buhay ko?! Ilan taon pa ba ang titiisin ko para mapatawad ako ni Mama sa kasalanang hindi ko naman ginusto?! Sorry, ha! Hanggang kailan pa ba itong problema ko? Kailan mawawala? Kailan mauubos? Kailan maayos? Kailan mareresulba? Please! Gusto ko ulit maging masaya! Sana nandito pa si Lola sa tabi ko, gusto ko siyang makasama! Mahal na mahal ko si Lola! God?! Bigyan mo ako ng buhay na hindi ko itataya ang buong sarili ko! Ibalik mo ako no'ng bata pa lang ako na walang mga problema. Pero God?! Asaan ka ba talaga?! Tulungan mo ako! Magparamdam ka naman!"

"Ahhhh! Pagod na pagod na ako! Hindi pa ako handa sa ganito. 18 pa lang ako! Miserable na agad ako? Sawang-sawa na akong masaktan at umunawa," halos pabulong na lamang niyang sinabi 'yong huling sinabi niya. Nanginginig, sumablit mahigpit ang pagkakakapit niya sa lubid ng tulay.

Dahan-dahan siyang yumuko at hinayaang tumulo ang mga luha. Sa isang iglap, naramdaman ko ang isang patak na tubig na inilabas ng kanang mata ko. Hindi ko man sabihin sa kanya pero katulad niya, may problema rin ako. Kaya hindi ko maiwasang maiugnay 'yong sarili ko sa ibang mga sinabi niya.

"Zara..." banggit ko sa pangalan niya at mabilis siyang niyakap.

---------

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 508 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
10.1K 454 45
Sarinah Franshey Monteverde has this life that every girl dreams to have. She can easily get what she wants with just one snap of her finger. She has...