HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

236M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 191

2.3M 51.1K 87.9K
By maxinejiji

MAX'S POV

"ARE YOU okay?" pasigaw kong tanong habang sinisipat ang kabuuan ni Maxrill. Napakainutil ko, hindi ko malaman kung sino sa kanila ni Maxwell ang uunahin.

"Yes, Noona, I am okay. Thank you," gumagaralgal ang boses niya, gano'n talaga kahina ang loob niya. Muntik na siyang makuha sa 'min. "I was so scared, Noona. Who are those people?"

"Did you see their faces?"

"No, they did not removed their masks."

"What did they do to you?"

"Nothing." Ngumuso siya, tila maiiyak na. Ang mga titig niya ay nagsusumbong.

Hindi ko magawang kumalma. Pawang mga nakamaskara ang apat na lalaki. Tanging ang mga mata, butas ng ilong at bibig lang ang makikita. Pare-parehong malalaki ang pangangatawan, nakaitim na faded jeans, itim din at saradong jackets.

Bakit nila ginawa 'to? Natutuliro kong tinanaw ang umuusok nang sasakyan ni Maxwell. Malakas ang kutob kong sinadya nilang gawin 'to, nakaplano. Pero bakit, bakit kami?

Nakaririndi ang papalapit nang papalapit, papalakas nang papalakas na sirena ng mga pulis. Batid kong malapit na sila sa 'min ngunit huli na ang lahat, nakatakas na ang mga salarin. At sa sandaling iyon ay wala akong naisip kundi ang mga kapatid ko.

Sabay kaming tumakbo papalapit sa kotse ni Maxwell, hindi inalintana ang makapal na usok na mabilis na kumalat mula sa kotse nito. Ang unahang bahagi ng sasakyan ang nabangga. Sa sobrang lakas ay hindi kataka-takang umuusok iyon na para bang handa nang sumabog.

"Hyung! Hyung!" palahaw na Maxrill, kaunti na lang ay parang maluluha na. Paulit-ulit niyang kinatok ang bintana ni Maxwell.

Kamalas-malasang pareho naming hindi mabuksan ang pinto. "King ina, Maxwell, buksan mo 'tong pinto!" pasigaw kong utos pero wala akong natanggap na tugon. Gusto kong pagsisihang hindi ko agad siya nilapitan.

Pilit kong hinawi ang mga usok ngunit naghisterya nang makitang nagsisimula nang kumapal ang usok sa loob. Nawalan siya ng malay.

Lalo akong nagmadali, sapilitan at marahas nang binubuksan ang pinto pero bigo pa rin ako.

"Give me your coat," utos ko kay Maxrill, dali-dali siyang sumunod.

Ibinalot ko iyon sa kamao at walang alinlangang binasag ang salamin ng bintana sa likurang upuan. Nang mabuksan ko ang pinto ay siya namang paglapit nina Chairman, agad na tumulong sa 'kin ang mga pulis para mailabas si Maxwell.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong ng pulis pero parang wala akong narinig.

"Take him to the hospital! Now!" bulalas ng Chairman. "Maxpein, Maxrill, let's go!"

Wala akong naririnig sa sandaling iyon. Parang makapal na usok ang humarang sa tainga ko. Tinanaw ko ang kalsadang tinahak papalayo ng van. Wala na iyon sa paningin ko pero parang nakikita ko pa rin ang likurang bahagi niyon.

This is not funny anymore.

Nakakatakot ang nararamdaman kong galit. Para bang anumang oras ay may dahilan akong makapanakit ng tao. Napakahirap ng sitwasyon, kulang kami sa impormasyon pero pare-pareho ang pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa 'min. Kung totoo mang nalalaman na ng may pakana ang mga hakbang namin, hindi sapat 'yon para umabot kami sa ganitong punto.

Masiyadong masasama ang mga taong 'to. Hanggang saan ang kaya nilang gawin?

Hindi mawala sa isip ko kung paanong binangga ng puting van ang sasakyan ni Maxwell. Dere-deretso, malakas at harurot, walang bahid ng pag-aalinlangang makadisgrasya ng tao!

Halos apat na oras kaming nanatili sa ospital bago naiuwi sa mansyon si Maxwell. Doon ay tahimik kaming nagharap-harap ng aking pamilya. Maliban kay Maxwell na nagpapahinga sa kwarto kasama ang dalawang private nurse. Halos wala kaming napag-usapan, pare-parehong tahimik na nag-iisip sa nangyari.

Magulo ang isip ko, naro'n pa rin ang makapal na usok. Hindi ko na iyon makakalimutan pa.

Hindi 'to patas. Kilala nila kami pero kami ay walang patunay kung tama ba ang aming ideya. "Handa silang manakit ng tao," wala sa sariling sabi ko, nilingon ako ng lahat. "Nakakatakot ang mga taong 'yon," tiningnan ko si daddy, nag-aalala siya.

Lumapit siya at niyakap ako, hindi ko inaasahan. "We're home, and no one's allowed to hurt us here. No one."

Nanginginig pa rin ang kalamnan ko, nagagalit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip. Sobra-sobra ang nararanasan namin para sa hindi malamang dahilan. Kung meron mang nagawang mali ang mga Enrile, gaano iyon kalaki para gawin nila ang lahat nang 'to?

Nakiusap ang pamilya kong manatili ako sa mansyon pero nagpumilit akong umuwi. Inihatid ako ni daddy at isusunod ang motor ko bukas. Tulog na ang magkapatid nang makarating.

Mababaw ang tulog ko, napapraning. Tuloy ay nagising ako nang may marinig na kaluskos. Kung saan nagmumula iyon ay hindi ko alam. Marahan akong nagmulat, tumama ang paningin sa kisame. Nilingon ko ang bintana kung saan may nagmumulang liwanag. May kung ano sa 'king umaasang may makikitang anino pero wala.

Muli kong narinig ang kaluskos. Sa sandaling iyon ay batid ko nang may tao at hindi 'yon taga-rito.

Marahan at maingat akong bumangon, sinikap na hindi makagawa ng ingay at iningatang ipakita anumang anino o bakas ko. Lumapit ako sa electric fan, sabay na pinindot ang number 1 at 0 para mamatay nang tahimik. Kinuha ko ang cellphone at tanging pag-off no'n ang pinakamabilis kong nagawa. Lumangitngit ang pinto sa ibaba, doon bumulusok sa kaba ang dibdib ko.

"I think someone's inside my house..." Parang nangibabaw sa pandinig ko ang sinabing 'yon ni Maxwell. Napapikit ko. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam. Pakiramdam ko ay may tao ngayon dito. Magkakahiwalay kami ng kwarto, ano ang gagawin ko?

Kampante ako kay Yaz pero hindi kay Naih, kinakabahan ako para sa kaniya. Pero paano ako makakapunta sa kwarto niya? Parati pa namang naka-lock ang pinto no'n at hindi nagigising sa mahinang katok. Hindi ko 'yon mabubuksan, at kung magawa ko manay posibleng huli na ang lahat. Paniguradong makikita na ako ng kung sino man ang nasa ibaba ngayon.

Marahan akong nagpunta sa likod ng pinto, may mga nakasampay akong damit doon kaya hindi ako madaling makikita. Ngunit sa hindi inaasahan ay gumalaw ang doorknob ko sa maingat din na paraan. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at halos mapapikit sa sobrang kaba.

Hanggang sa marahan iyong bumukas...

Nanatili akong nakapikit habang ang likod ng ulo ko ay nakasandal sa kahoy na dibisyon ng kwarto. Kunot na kunot ang noo ko habang nakikiramdam. Nangingibabaw ang kaba ko, binabawasan ang malakas kong pakiramdam. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko, at maging ang paglunok ay dinig ko na. Kaunti na lang ay parang lalabas na ang puso ko sa aking dibdib!

Marahan akong nagmulat, sinisikap na hindi makagawa ng ingay. Doon ko nakita ang malaking bulto sa aking harapan, iginagala ang paningin sa madilim at magulo kong kwarto. Gaya kanina ay naka-mask iyon at nakasuot nang pulos itim. Hindi na ako magtataka kung isa 'yon sa mga sumugod at nagtangkang dumukot kay Maxrill kanina.

Pinigil ko ang paghinga, pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal na sandali sa buhay ko. Sa isip ay hinihiling kong umalis na ito, parang malalagot na ang hininga ko. Parang mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang kaba.

Matapos ang mahabang sandali nang hindi nito paggalaw at pagmamasid sa kwarto ko ay tumalikod ito at lumabas, iniwang nakabukas ang pinto ng kwarto. Maging ang paglalabas ko ng hangin mula sa aking lalamunan ay sinikap kong gawing tahimik. Kailangan kong mag-ingat nang higit pa sa sobra.

Dahil kahoy ang karamihan sa pundasyon at sahig ng bahay ay naging matunog ang suwelas ng suot nitong sapatos. Batid kong patungo na 'yon sa sumunod na kwarto at kay Yaz na 'yon. Napapikit ako at tahimik na hiniling na sana ay nakikiramdam na rin itong gaya ko. O sana ay nagawa niya nang puntahan si Naih para makapagtago na silang magkapatid.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang paglangitngit ng pinto. Paniguradong nabuksan na nito ang kwarto ni Yaz na siyang pinaggigitnaan ng parehong kwarto namin ni Naih. Sa oras na 'yon ay hindi ko na alam kung ano ang hihiligin ko. Naghahalo-halo ang plano at takot sa utak ko at masyado ako niyong nililito. Gusto kong sumigaw at magmura sa sobrang galit pero hindi 'yon makatutulong sa 'kin ngayon. Mapapahamak kaming pare-pareho.

Natulili ako nang marinig ko ang pagtili ni Naih, mukhang nagkamali ako. Hindi si Yaz ang pinasok nito.

Ang sumunod na ingay ay pagtakbo na, may kasama ang kung sinumang pumasok! Napakatanga ko upang isiping nag-iisa lamang ito. Tumakbo paakyat ang isa pa, napapitlag ako nang magmadali itong pumasok sa kwarto ko at muli na lamang nakahinga nang maluwang nang lumabas ito.

Pinakiramdaman kong muli ang mga sumunod na mangyayari at sa sandaling iyon ay alam kong hawak na nila ang magkapatid.

"Bitiwan mo 'ko!" mapangahas na sigaw ni Naih.

"Huwag kayong mag-iingay kung ayaw ninyong masaktan!" bagaman mahina ay pasinghal na sinabi ng kung sino. Lalaki. "Ilan kayong narito?"

"Dalawa, dalawa lang kami," dinig kong sabi ni Yaz.

"Nasaan 'yong isa ninyo pang kasama?"

"Hindi siya umuwi, nando'n siya sa pamilya niya," kabado, natatakot, magwawala nang ani Naih.

Napapikit ako, kabado ngunit nagpasalamat na hindi ko sinabi sa magkapatid na umuwi ako. Pero hindi ko sila pwedeng pabayaan. Hindi pwedeng wala akong gawin. Pero paano? Sa ganitong sitwasyon ay paniguradong lugi kaming pare-pareho. Kaduwagan at kawalan ng kwenta ang ginagawa kong pagtago. Wala na naman akong silbi.

Muli akong nakiramdam sa susunod na mangyayari. Narinig ko na ang mga yabag nila papalapit sa kwarto ko at nasisiguro kong pababa na ang mga ito. Kung ano ang mga hitsura nila ngayon ay hindi ko na alam. Masyado akong nag-aalala para sa dalawa, maiksi kung magsuot ng pantulog si Yaz at gano'n din si Naih. Nag-aalala ako sa pwedeng gawin ng mga lalaking 'to sa kanila. Pero hindi ko alam kung anong kilos ang gagawin. Lalo pa at sa isip ko ay nai-imagine kong hawak na sila sa leeg ng mga ito.

Nang maramdaman ko sila sa ibaba ay 'tsaka ko dahan-dahang kinuha ang jacket at maingat na isinuot iyon. Maingat akong lumabas upang mapagtanto lamang na may nakaabang na pala sa 'kin!

"Hindi lamang ikaw ang mautak sa mundo, Maxpein Zin del Valle," halos bumungisngis nitong sinabi.

Humakbang siya papalapit sa 'kin. Umikot ako kasabay nang paghakbang patalikod at sa pagharap ko ay nagawa ko nang itutok sa kaniya ang nakatago kong balisong. Nanlaki ang mga mata niya, hindi inaasahan ang kilos ko. Pero nakuha niyang ngumiti matapos, nakalabas pa ang mga ngipin.

"Mahusay," pumapalakpak pang aniya. "Napakabilis mong kumilos." Hindi ako sumagot. "Mukhang mahilig ka sa madugong paraan, Maxpein Zin? Napakaganda ng iyong pangalan. Hm..." Hindi ako nagsalita, hindi rin kumilos. Nakatitig ako sa mga mata niyang nakapako sa akin.

Nalito ako nang malakas siyang pumadyak-padyak sa sahig. Natuon do'n ang paningin ko dahilan upang hindi makita ang kaniyang pag-atake.

Napasinghap ako nang umiwas, sinamaan agad siya ng tingin. Muli siyang sumugod ngunit muli rin akong nakaiwas, inaambaan siya ng balisong.

Ang mamahalin kong balisong.

"Makikipagpatentero ka pa ba naman sa akin?" nakangisi niyang tanong. Nagpaikot-ikot kami sa makipot na espasyo ng pasilyo.

"Ano ang kailangan mo?"

"Ikaw mismo."

"Bakit?"

"Sumama ka sa akin at ilalahad ko sa iyo ang mga dahilan."

"At ang mga kaibigan ko?"

"Iiwan namin dito. Naudlot ang kanilang pagtulog nang dahil sa hindi inaasahang bisita, kami. Hindi agad kita nakita."

Sasagot na sana ako nang dumating ang isa pang lalaki, nasa pintuan. Hindi ko na iyon nilingon pa, natatakot maisahan ng kaharap.

Pilit kong kinikilala ang boses ng kaharap ngunit nabigo ako. Hindi ko malaman kung nilalakihan ba nito ang boses o sadyang gano'n. Posible ring nagbabago ang boses niya dahil sa maskarang halatang masikip sa kaniyang ulo. Halos pumutok ang nguso niya dahil hindi iyon akma sa hugis ng panga niya.

Inilahad ng kaharap ko ang kamay. "Sumama ka sa amin nang tahimik, magiging tahimik din ang buhay niyo."

"Hindi."

"Ah, ano ang gusto mo kung ganoo—" Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin nang sipain ko siya sa dibdib. Tumumba siya dahilan upang sumugod ang isa pa!

Sinalubong ko ang braso ng ikalawa nang sumubok itong hawakan ako. Sinuntok ko ang buto nito sa siko. Napasigaw ito sa pagmamakaawa hanggang sa bitiwan ko.

Agad na kumilos ang nauna. Bago pa man ito makasugod ay patalon ko na itong sinipa at natumba sa loob mismo ng kwarto.

Halos talunin ko ang hagdanan para makababa. Pasunod na sa 'kin ang ikalawang lalaki. Ang paningin ko ay natuon na sa ikatlong lalaking nakangisi sa harapan ko. Nasa likuran siya ng magkapatid, tutok ang parehong balisong sa mga leeg nito.

"Sumama ka na lang kung ayaw mong magkasakitan pa tayong pare-pareho," pormal nitong sinabi. Nagpatuloy ako sa paglapit, nawala ang ngiti sa kaniyang labi.

"Bitiwan mo," sabi ko, isang hakbang na lang ang layo.

Umatras sila. "Sumama ka na sa—ah!" Hindi niya na rin natapos ang sasabihin nang isaksak ko ang hawak kong balisong sa mismong kamay niya. Napabitiw siya kay Naih, sapilitang kumawala si Yaz.

Padarag kong hinila ang balisong na nakatarak pa rin sa kamay nito. Walang nagawa ang lalaki kundi ang sabayan ako. Kung hindi kasi ay mahihiwa ang kamay at buong braso niya na para bang cake. Itinarak ko ang balisong at kamay nito sa kahoy na pader, napahiyaw ito sa sakit no'n. Inikot ko ang isa nitong braso papunta sa likuran at siya ang iniharap sa ikalawang lalaki.

"Magaling ka," anang kabababa lang, hindi ko malaman kung biro iyon o paghanga. Seryoso na ito masyado kompara kanina na nagagawa pa niyang ngumiti at ngumisi. "Bitiwan mo ang kasama ko, isa iyong pag-uutos."

Sa sandaling iyon ay narinig ko ang paghugot ni Yaz sa kanyang espada. "Umalis kayo nang tahimik dito, ngayon mismo," tugon ko.

"Wala ito sa plano!" biglang sigaw nito. Nababasa ko na ang galit sa mga mata niya. "Bitiwan mo ang kasama ko o magkakasakitan talaga tayo, del Valle!"

"Nang sandaling pasukin mo ang bahay na 'to, inaasahan kong isasaisip mong lalabas kang masakit ang katawan at may tama sa kung saan. Maling bahay ang pinasok ninyo."

"Handa kang masaktan kung ganoon?"

"Handa akong lumaban," mapangahas kong sagot. Natigilan ito, tumaas ang noo habang humahangos sa paghinga.

"Isa kang hangal na babae!"

"Totoo 'yan. At sa sandaling inilalagi mo dito ay unti-unti kitang nakikilala," mariin kong sinabi.

Pinakadiinan ko ang patalim sa kamay ng lalaking hawak ko, halos umikot ang ulo nito sa pagpalag. Batid ko kung gaano 'yon kasakit, kaya kong mas pasakitin pa 'yon. Hinawakan ko ang bonnet ng hawak kong lalaki, agad na nanlaki ang mga mata ng kaharap ko at kumilos! Talagang hindi ako magdadalawang-isip na hubarin ang bonnet nito, maasar lang sila.

"Ibibigay ko siya nang maayos," nakangisi kong sinabi na siyang pumigil sa akmang pagsugod ng kaharap. "Pero isang maling pagkilos ninyo pa ay may mangyayaring hindi ninyo inaasahan," banta ko.

Pare-pareho silang nabigla nang hugutin ko ang balisong at sipain sa likuran ang lalaking hawak ko. Patapon itong napayapos sa kasamahan. Nagulat sila nang mabasa ang galit sa aking mga mata.

Bumaba ang isa pang lalaki at inakay ang sugatan palabas. Nanatiling nakatitig sa 'kin ang kaharap ko, batid kong siya rin 'yong naghihintay sa 'kin kanina sa labas ng pinto ko.

"Tandaan mo ang sinabi ko dahil madalang akong magbiro," sabi 'tsaka ibinato ang balisong na siyang tumarak sa pintong nasa likuran niya. Tinalikuran niya ako at akmang kukunin 'yon. "Don't you dare touch it," patungkol ko sa balisong, hinarap akong muli nito. "Not only will it kill you, it will hurt the whole time you're dying, I'm warning you."

Wala man lang nagbago sa reaksyon ng mga mata nito. Walang senyales ng kaba o gulat sa kilos, hindi man lang natinag sa ginawa ko. Tinitigan ako nito nang matagal at malalim, tumango bago tuluyang umalis.

Nasulyapan ko ang pintuan kung saan lumabas ang tatlo. Hindi biro ang lakas ng loob nang huling nakaharap ko. Hindi ko malilimutan kung gaano kalalim ang mga titig niya. Mukhang gano'n din kalalim ang kaniyang galit.

"Fuck!" bulalas ni Yaz.

Sa sandaling iyon ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapapikit at mapaluhod. Hindi kumakalma ang nagwawala kong dibdib kahit na anong gawin ko. Delikado ang gano'ng sitwasyon ko, kailangan kong pigilan ang sarili.

"Sinaktan ba kayo?" tanong ko. Pareho silang umiling.

"Sino ang mga 'yon, Max?" naiiyak na tanong ni Naih, panay ang ubo habang hawak ang leeg niya.

"Hindi ko kilala," tinanaw ko ang labas.

"Eh, bakit kung makipag-usap ka ay parang tropa kayo?"

Hindi ko na siya sinagot pa. Sumakit bigla ang ulo ko at nahilo. Napaupo ako sa sofa at inihilamos ang mga kamay sa mukha.

Paano nila nalaman ang tungkol sa 'min? Nauna si Maxwell, sumunod si Maxrill at ngayon naman ay ako. Ano ba ang ginawa namin sa inyo? Sino kayo?

"Maxpein, please tell us what is going on?" tumabi sa 'kin si Yaz.

"Hindi ko nga alam," pagsisinungaling ko, hindi magawang tumingin sa mga mata niya.

"I know you know something. Please tell us. We're not safe here anymore, Maxpein. Pinasok tayo at nag-aalala ako para sa lagay nating pareho—"

"Ate," pinigilan siya ni Naih. "Hayaan na muna natin na makapag-isip si Max."

Walang nagawa si Yaz kundi ang mapabuntong-hininga, dali-daling lumapit sa pinto at takot pa ring isinara 'yon. Hindi ko alam kung paanong sasabihin 'to sa pamilya ko. Natatakot din ako at nag-aalala, nililito sa halo-halong emosyon at naaapektuhan ang pagdedesisyon.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng magkapatid. Sa sala ako nakatulog. Dali-dali akong bumangon para tingnan iyong mga nagkakalampagan. Nagulat ako sa nakahilera nilang maleta.

"Saan ang punta ninyo?" Lumapit ako sa magkapatid.

Nagkatinginan ang dalawa bago sumulyap sa 'kin. Kunot-noong bumuntong-hininga si Yaz. "We're not safe here, Maxpein, we're leaving. And you're coming with us."

"Tss."

"I'm not joking, Maxpein."

"Wala akong planong makipagbiruan sa 'yo," inis kong sagot.

Lumapit si Naih. "Natatakot kami ro'n sa mga pumasok dito kagabi, Max, sana maintindihan mo. Kapag nakarating 'to kina mommy't daddy ay paniguradong ganito rin ang sasabihin sa 'min. O baka nga pauuwiin kami bigla," mahabang kuda niya.

"Hindi na babalik ang mga 'yon," paniniguro ko.

"How sure are you?" mataray niyang tanong, halatang naiinis. "Kahit pa hindi sila bumalik, we're no longer safe here, Max. Besides, hindi na 'to ang unang beses na may nangyaring ganito and you're aware of that. Tayo na mismo ang hindi ligtas sa lugar na 'to kaya kailangan na nating umalis."

"And where do you plan to go?"

"Anywhere safe!"

Tss. Gusto kong matawa. Kung sa school nga ay walang-habas silang nagmimilagro, ano pa kaya kung kami lang ang tao?

"May nakita si ate na apartment sa The Venice," sabat ni Naih.

"Walang apartment do'n," kunot-noong sabi ko.

Kahit kailan ay hindi nagkaro'n ng apartment sa exclusive village na 'yon at nasisiguro ko 'yon.

"Meron, kapo-post lang online, six hours ago," giit ni Yaz.

"Apartment o binili mo?" maangas kong tanong, lumabi siya. "Tss," inis akong nag-iwas ng tingin. Pinasok na rin si Maxwell do'n. Hindi na sila mahihirapang hanapin kami kung doon kami lilipat. "Subukan ninyo pang humanap sa ibang lugar."

"Wala na kaming mahanap," pagmamatigas ni Yaz. "And besides, ngayon pa ba naman tayo mamimili o maghahanap? What if pasukin na naman tayo mamayang gabi? Magagaling ang mga 'yon, Maxpein. Look, maayos nilang nabuksan ang doors."

"Doon na lang tayo, Max. Nando'n naman si Maxwell," sang-ayon ni Naih. "Tama si ate, hindi yata tamang ngayon pa tayo maghanap. Feeling ko nga dapat ay kagabi pa tayo umalis."

"'Wag na ro'n," pagmamatigas ko rin.

"Bakit naman hindi?"

Hindi ko masabi ang nangyari kay Maxwell. "Basta, 'wag do'n."

"You're coming with us or you'll stay here?" mataray na tanong ni Yaz, namaywang pa.

"Kahit naman lumipat tayo ay gano'n pa rin," inis kong sabi. "Doon na lang muna tayo sa mansyon habang naghahanap tayo ng malilipatan—"

"Anong gano'n pa rin?" inis na ani Yaz.

"Makikita at makikita nila tayo kung talagang tayo ang puntirya. Ikaw na nga ang nagsabing magaling ang mga 'yon, eh, di bale-wala ang paglilipat."

"Hindi ba nakakahiya sa mansyon?"

"Bakit ka naman mahihiya?"

"Syempre," pag-iinarte niya.

"Hindi na 'ka mo ligtas dito, hiya pa ba naman ang uunahin mo?"

"Pero—"

"Nando'n si Maxwell."

"My god," agad na nagliwanag ang mukha ni Yaz.

"Tss. Sige na, tapusin niyo na 'yan, maliligo na 'ko."

"Oo sige, ang baho ng hininga mo, eh," ani Naih.

Bwisit!

DEIB'S POV

HINDI mawala sa isip ko ang huling usapan namin ni Eerah Anitha. Nag-aalala ako sa lagay ni Noona at kaniyang pamilya. Panay ang bangon ko sa kama at paikot-ikot na naglalakad. Iniisip, nag-aabang sa kung ano ang mangyayari. Bitin na bitin ang tulog ko pero hindi naging hadlang 'yon para magising ang diwa ko. Tinawagan ko si Noona para mangumusta.

"Ang aga mo namang tumawag?" nagrereklamo niyang sagot.

"Noona!" excited kong tawag. "Kumusta kayo kagabi? Okay lang ba kayo diyan? Wala bang... ano?"

"Huh?"

"I mean...how are you?"Napabuntong-hininga ako.

Sa pag-iisip ko kagabi ay nahati ang utak ko sa dalawa. Ang 60% ay nagsasabing wala akong tiwala kay Eerah Anitha, ang 40% pa ay naniniwala sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nanaig pa rin sa 'kin ang 40% na 'yon at nauwi sa desisyong 'wag na lang sabihin ang mga nalalaman. Nag-aalala akong baka makarating sa mga Rewis na may nalalaman na rin kami at lalong mapahamak. Nakakabobo ang pagdedesisyon sa ganitong sitwasyon. Kulang na kulang ang mga nalalaman ko lalo na pagdating sa decision-making. Maging kay Taguro ay napagdesisyunan kong hindi na sabihin.

"We're always fine, dongsaeng. Masaya, syempre, kasi gumigising ako araw-araw kasama ang baby ko at ang daddy niya," masaya nga niyang kwento, hindi ko halos naintindihan ang karamihan sa kaniyang sinabi. "Bakit bigla ka yatang nangumusta ngayon? May kailangan ka, 'no?"

"Ano? Tch! Wala, ah!"

"'Sus, eh, bakit malambing ka yata?"

"Kailan pa naging lambing ang pangungumusta? Tch! You're stupid!" kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.

"Oh, come on, brother, ang sabihin mo, nami-miss mo 'ko!"

"Si RD, oo! Ikaw at 'yang bibig mo, hindi!"

"Really?"

"Tch."

"Don't worry, pupunta kami dyan sa Sunday. Pag-uusapan namin ni mommy ang tungkol sa celebration mo. Syempre, dalaga na ang bunso niya kaya kailangang en grande."

"Huh?"

"It's your birthday, right?"

Oh! Oo nga pala! "Nawala sa isip ko, Noona." Ang dami ko kasing iniisip, Noona. Parang lalo akong tatanda nito! "Bakit hindi pa ngayon? Sasali ako sa usapan ninyo."

"It's too early to plan now, dongsaeng," natatawang aniya.

"Eh, di mamayang tanghali?"

Natawa siya. "I mean, it's too early to talk about it. Ilang araw pa bago ang birthday mo. Besides, kaunting preparation na lang naman dahil kilala mo si mommy. Lahat ay idinadaan sa planner at catering niyan."

"Pero, Noona..."

"What?"

"Stay here for a few weeks."

Natawa siya. "Bakit ba?"

"Gusto ko ngang nandito kayo."

"Dongsaeng, malalayo ang hospitals kung saan nagdu-duty si Randall."

"Ilang kilometro lang naman ang layo nito. Sige na."

"Nami-miss mo 'ko, 'no?"

"Oo na, kayo ni RD!" Ang totoo ay gusto ko lang na nandito sila para hindi na ako isip at mag-alala.

It's better if they're here. Makikita at mababantayan namin sila. Kaysa doon, hindi ko malalaman kung kailan mangyayari ang sinabi ni Eerah.

Magsasalita na sana uli ako nang matinag sa ingay mula sa labas. "Ano 'yon?"

Lumabas ako sa terrace. Nagulat ako nang makita ang napakaraming taong nagwewelga sa harap ng bahay namin.

"IBALIK ANG KAPAYAPAAN NG BIS! IBALIK! IBALIK! IBALIK ANG SEGURIDAD NG BIS! IBALIK! IBALIK!" paulit-ulit at sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

"What's that noise?" ani Noona. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at napalunok.

Totoo ba 'yon?

"Deib Lohr?"

"May nagwewelga sa labas ng bahay," natutulirong sabi ko. "I'll talk to you later, Noona, I'll go downstairs. Bye."

Mukhang hindi lang ako ang nagulat nang makababa. Nagmamadaling sumilip sina mommy at daddy sa bintana kung saan kasalukuyang nakatunghay si Manang.

"What's the meaning of this?" asik ni daddy.

"IBALIK ANG KAPAYAPAAN NG BIS! IBALIK! IBALIK! IBALIK ANG SEGURIDAD NG BIS! IBALIK! IBALIK!"

Paulit-ulit na isinigaw ng mga tao ang ipinaglalaban. Pinigilan sila ng guards ngunit walang nagpatinag.

"Oh, god," natutop ni mommy ang sariling bibig.

Sa sandaling iyon ay pare-pareho kaming natahimik, pinanood ang mga taong iyon sa labas. Lahat kami ay hindi alam ang gagawin, binalot nang matinding kahihiyan. Kahit hindi nila sabihin alam ko na ang dahilan nito.

Mayamaya lang ay mas nadagdagan pa ang mga nagwewelga. Nagkalat na rin ang media. Nasa unahan ang reporters, nakatutok sa bahay ang cameras nila.

Nang sandali ring iyon ay pumarada ang sasakyan ni Chairman. Agad na humarang ang mga tao, mas lumakas ang ingay. Salamat sa guards ng mga Moon, may prumotekta sa Chairman nang bumaba ito.

"IBALIK ANG KAPAYAPAAN NG BIS! IBALIK! IBALIK! IBALIK ANG SEGURIDAD NG BIS! IBALIK! IBALIK!"

"Sesanghe!" agad na bulalas ng Chairman, dali-daling naupo at sinapo ang noo. "I can't believe this is happening!"

"Chairman, please calm down," pakiusap ni mommy.

"How can I calm down in this kind of situation?" nakalahad ang mga kamay na tugon nito. "Napakaraming tao ang nagrereklamo. Ngayon naman ay nagsisipagwelga ang mga iyan? Sesanghe! Nananakit ang dibdib ko!"

"Chairman," agad na umalalay si mommy.

"Nakausap ko ang mga lecturer, faculty at staff," salaysal ni lolo. "Wala maski isang estudyanteng pumasok."

Totoo?

"May mga magulang at ilang estudyanteng nagra-rally sa labas ng school. Agad akong ipinatawag nang dahil doon," dagdag ni lolo. "Sinubukan kong makiusap pero hindi umubra. Galit ang mga magulang, naiintindihan ko naman sila. Pero hindi ko alam kung anong dapat gawin. Wala akong kakayahang pigilan ang mga insidente. Hanggang ngayon nga ay hindi matukoy kung sino ang nasa likod nito."

"Ano na lamang ang masasabi sa atin ng mga tao? Diyos ko!" bulalas ng Chairman, yumuko, humahangos.

Natahimik ako sa tensyonadong usapan. Inilahad pa ng Chairman ang problema. Maraming gustong magsampa ng kaso laban sa BIS dahil sa sunod-sunod na insidente. Malaking problema at kahihiyan 'yon.

At nakakapraning ang laman ng isip ko. Panay ang pagsulpot ng mga napag-usapan namin ni Eerah Anitha sa pandinig at utak ko. At parang gusto kong ilabas ang lahat ng iyon ngayon. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko na para bang mareresolba no'n ang problemang kinakaharap namin. Pero natatakot ako, kinakabahan, naduduwag. Paano kung magkatotoo ang sinabi niyang lalo kaming mapapahamak kapag ipinaalam ko 'to sa iba? Paano kung maging mitsa pa 'yon ng buhay namin? Mas maigi bang manahimik na lang ako? O magsalita para makatulong kahit papaano?

Hindi ko alam.

"IBALIK ANG KAPAYAPAAN NG BIS! IBALIK! IBALIK! IBALIK ANG SEGURIDAD NG BIS! IBALIK! IBALIK!"

"Hah! At isinisisi pa nila sa mga Rewis ang nangyayaring insidente?" mayamaya'y bulalas muli ni Chairman. "Hindi lamang nila nalalaman ang naitutulong sa atin ng mga iyon! Nakakahiya para sa pamilya nila dahil nadawit ang pangalan!"

Ilang saglit pa ay mas nangibabaw ang ingay. Agad na lumapit si Manang sa bintana at sumilip. "Nandito ang mga Moon."Pakiramdam ko ay nanindig ang mga balahibo ko. Kakaiba talagang kumilos ang pamilyang ito.

Nilingon ko ang Chairman, sumama ang kaniyang mukha. Napatayo at galit na sumulyap sa amin.

Bumuntong-hininga si lolo. "Tinawagan ko sila upang pumarito—"

"Ano?" singhal ni Chairman.

"Kailangan nilang malaman ang tungkol dito, Chairman."

"At bakit?"

"Dahil karapatan nilang malaman iyon."

"Hindi nila pag-aari ang BIS at maging ang lupaing kinatatayuan niyon ay wala na silang karapatan! Ano ang karapatang sinasabi mo ngayon, Dei Min? Ako ang may karapatan! Karapatan kong malaman na ipinatawag mo sila pero hindi mo sinabi sa akin!"

"Dahil alam kong hindi ka papayag, Chairman."

"Kung mayroon kang dapat na hingan ng tulong—iyon ang mga Rewis! Hindi ang mga Moon na iyan! Ano ang maitutulong nila sa atin?"

Rewis? Bakit sila?

Napamura ang Chairman sa galit. Ngunit wala nang nagawa nang patuluyin ni daddy ang mga Moon.

May kung anong nabuhay sa 'kin nang makita si Taguro. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na parang ayos na ang lahat. Iyong pakiramdam na ligtas na kami. Iyong pakiramdam walang pwedeng mangyaring masama sa aki dahil nandoon siya. Nagtama ang paningin namin, wala man lang nagbago sa reaksyon niya. Silang tatlo lang nina Mokz at Chairman Moon ang naro'n.

"Magandang umaga," bati ni Chairman Moon, pormal at seryoso ang mukha.

"Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo, Chairman Moon?" naging mahirap para kay Chairman ang magbigay respeto. Bakas na bakas ang galit at pagkainsulto sa tinig at hitsura niya.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa mga taong narito ngayon," ipinilig ni Chairman Moon ang ulo. "Alam ko na ang tungkol dito."

"May maitutulong ba kayo kung ganoon?" hindi napigilan ni Chairman ang maging sarkastiko.

"Taguro..," bulong ko. Nilingon niya 'ko pero walang nagbago sa hitsura niya. "Ayos ka lang ba?"

"Oo, ikaw?"

"Ayos lang din,"pagsisinungaling ko.

Masaya akong makita siya ngayon pero pakiramdam ko ay may kulang. Hindi kompleto ang saya ko dahil may napakalaking problemang nakaharang.

Sasabihin ko ba sa kaniya? Kung gagawin ko ba 'yon ay maniniwala siya? Kung maniwala man siya, papayag ba siyang ilihim ang mga 'yon sa lahat at manatiling sa 'ming dalawa? Tsk. Damn it! Nalilito ako! Hindi ko alam ang gagawin ko, Taguro. Pati sa 'yo ay natatakot ako. Bukod do'n ay ikinatatakot ko ang mararamdaman mo. Bakit kailangang mangyari lahat nang 'to? Kailan tayo magsasama nang matino, tahimik at payapa? Bakit simula nang dumating ka sa buhay ko ay naging masaya ako pero parang naging delikado rin ang buhay ko? Hindi kita sinisisi, nalaman ko ang tunay na ibig sabihin at pakiramdam ng saya. Pero hindi ko maintindihan ang pagkakataon, bakit kasunod mo ay ang mga kakaibang pangyayari sa buhay ko? Ano ba 'tong iniisip ko?

"Hindi natin masisisi ang pamilya ng mga estudyante, ako man ang nasa kanilang lagay ay magrereklamo rin," ani Chairman Moon na siyang tuminag sa 'kin.

"Ano ang nararapat naming gawin sa ngayon? Paano namin mapapahinto ang mga bagay-bagay na hindi namin malaman kung ano ang pinagmumulan?"

"Bakit kaya hindi mo subukang makipag-ugnayan sa misteryosong tao na pinupuntirya ang buhay mo? Alamin mo kung bakit kailangang umabot sa ganito?" suhestiyon ni Chairman Moon.

"Sinasabi mo bang hintayin ko ang pagbabalik nila?"

Nagkibit-balikat si Chairman Moon. "Mukhang hindi mo naman alam kung saan sila pwedeng puntahan, siguro ay ganoon na nga."

"Paano ko gagawin iyon kung sa tuwing darating sila ay namemeligro ang buhay ko?" bulalas ni Chairman. "Hindi nakakatulong ang usapang ito, Chairman Moon. Pasensya na pero ako at ang pamilya ko ang kailangang humarap dito. Hindi namin kailangan ang tulong ninyo."

"Paano ang pamilya namin?" sa hindi inaasahan ay sumabat si Taguro.

Nilingon siya ni Chairman Enrile. "Ano naman ang kinalaman ko sa pamilya ninyo?"

"Nadadamay kami sa nangyayari, Chairman Enrile."

"Ano ang ibig mong sabihin, Taguro?" hindi ko napigilang magsalita.

Bumuntong-hininga siya, sumulyap sa 'kin bago tumingin kay Chairman. "No'ng isang gabi ay pinasok ang bahay ni Maxwell. Kahapon ay tinangkang dukutin si Maxrill. At kagabi ay pinasok ang apartment na tinutuluyan ko."

"Ano?" nagulat kaming lahat.

Nanatiling nakatingin kay Chairman si Taguro. "Ano ang ginawa ninyo para umabot sa ganito ang lahat, Chairman Enrile?"

"Taguro..."

Napatayo sa gulat si Chairman Enrile, galit na lumapit kay Taguro. "At sino ka para sisihin ako sa mga bagay na maging ako ay hindi nalalaman ang dahilan? Ano ang patunay mo para pag-isipan ako nang ganiyan?! Wala kang modo!"

"Nagsimula ang lahat sa Palawan, Chairman Enrile. At lahat nang nando'n ay iniisa-isa nila ngayon."

"At ako nga ang iyong sinisisi?"

"Kayo ang target."

"Kung ganoon ay ako nga ang iyong sinisisi?"

Hindi agad sumagot si Taguro. "Ikinahihiya kong sabihing oo, pero ayaw kong magsinungaling at sumagot nang hindi."

"Bastos ka at walang-modo!"

"You have to control your anger, Chairman, it's a letter away from danger." Kalmadong kalmado si Taguro nang sabihin 'yon. "Humingi ka na ng tulong sa kinauukulan, Chairman Enrile. Sa tingin ko ay hindi basta-bastang tao ang nakabangga mo. Alalahanin mo rin kung sino ang nagawan mo nang mali, makakatulong 'yon..." Natigilan si Taguro sa sinasabi at inilabas ang cellphone mula sa bulsa. Sandali niyang tinitigan ang screen saka sinagot. Hindi siya nagsalita, pinakinggan lang ang kabilang linya. Nakita ko nang bahagyang manlaki ang mga mata niya saka nangunot ang noo.

"We have to go," baling niya kay Mokz. Nag-alala ako at kinakabahan sa pagiging seryoso niya.

"Taguro," agad akong lumapit upang pigilan siya, natutuliro. "I have to tell you something important—"

"We have to go now, Sensui. Let's talk next time."

"May gusto akong sabihin sa 'yo," wala sa sariling sabi ko. "Importante 'to, maniwala ka sa 'kin."

Napabuntong-hininga siya, inalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Kailangan ako ng pamilya ko ngayon, Sensui. 'Tsaka na tayo mag-usap," aniya 'tsaka sumunod sa mga lolo niya.

Bumagsak ang mga balikat ko habang tinatanaw ang paglayo niya. Napapikit ako sa panghihinayang. Kung hindi lang ganito ang naging sitwasyon ngayon baka sakaling mas nakapag-isip ako nang tama. Pero hindi ko rin malaman ang sarili ko kung bakit biglang gusto ko na lang sabihin kay Taguro ang nalalaman ko.

Makasarili ako. Hindi ko man lang naisip kung ano ang nangyari bigla sa kaniyang pamilya.

SIN'S POV

"NAGKAKAGULO na ang mga hangal," ani daddy mula sa aking harapan.

Pareho kaming palihim na nakamasid sa di kalayuan sa bahay ng mga Enrile. Tinatanaw naming pareho ang paglabas ng mga Moon mula sa bahay niyon.

"Bibigyan natin sila nang maikling bakasyon 'tsaka natin paunlakan ng ultimatum."

"Pero kung pwede ay 'wag na sa paaralan para matahimik naman ang mga estudyanteng hangad lamang ay ang makapagtapos ng pag-aaral."

"Tama," tumango-tango si daddy. "Sila na lamang ang ating pupuntiryahin," natawa siya bago tuluyang humarap sa akin. "Tawagan mo ang babaeng iyon ng mga Moon saka mo tawagan ang mga Enrile. Nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa kanila. Kaarawan ng binatang Enrile."

"Ano ang mapapala natin sa babaeng Moon?"

"Mahusay siya ayon kay Christian. Gusto kong malaman kung uubra siya sa iyo."

Nakangisi akong tumango. Kanina pa man ay sabik na sabik na akong makausap ang Maxpein na iyon. May kung ano sa kaniyang nakakaagaw ng atensyon at interes.

Ginawa ko nga ang sinabi ng aking ama. Tinawagan ko ang babae at matapos ang limang ring ay sinagot niya iyon. Ngunit hindi siya nagsalita, pinakinggan lang ako. Nagtama ang paningin namin ng aking ama. Nagtaas siya ng noo habang nanlilisik ang matatalim na mata.

"Kumusta, Maxpein Moon? Nagustuhan mo ba ang mga munting regalong nangyayari sa pamilya mo?" natatawa kong tanong.

"Sino 'to?"

"Ako ang nagmamay-ari ng mga mata sa likod mo."

"Ano ang kailangan mo?"

Maangas talaga. Gusto kong humalakhak. "Buhay," mariin kong sinabi 'tsaka nawala ang ngiti sa aking labi. Napalitan iyon ng kakaibang galit na tanging sila lamang ang may kakayahang buhayin. "Buhay ang kailangan ko. Kaya mo ba iyong ibigay? Buhay ang nawala sa amin kaya buhay rin ang aming kukunin."

"Iisa lang meron ako, ilan ba ang kailangan mo?"

Natigilan ako, nanlaki ang mga mata. Nagtiim ang aking mga bagang bago sarkastikong ngumisi. "Mapagbiro ka." Pinilit kong ngumiti.

"Hindi sa mga taong mabagal makakuha."

"Isa kang hangal, Maxpein. Magdahan-dahan ka sa iyong sinasabi, hindi malayong pagsisihan mo iyan sa huli." Sinikap kong kumalma pero nabigo ako. Sa sandaling iyon ay parang gusto kong bumaba ng sasakyan at batuhin ng granada ang kotse nila. Nangangatal ako sa galit. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo. Huwag kang mag-aalala pauunlakan kitang muli at ang iyong pamilya. Sisiguruhin kong higit pa sa naranasan ninyo ang mangyayari. Mamemeligro kayo sa lahat ng oras at pagsisisihan mong nagbiro ka sa akin."

"You speak too much of danger," natatawang aniya.

Lalong nag-igting ang galit ko at nakukuha iyon ng Chairman. Dahilan upang mas manlisik ang mga mata niya. "Mukhang hindi ka natatakot sa akin?" patanong kong sinabi.

"Hindi ako naniniwala sa multo, masyado na akong matanda para ro'n. Hindi rin ako natatakot sa banta ng tao, puwera na lang kung haharapin ako ng mga 'yon."

"Hinahamon mo ba ako?"

"Kung gano'n ang dating sa 'yo."

Humalakhak ako. "Sinisiguro kong magsisisi ka sa lahat ng sinabi mo ngayon," nagpatuloy ako sa pamemeke ng tawa, pikong-pikon na. Natutuwa ako sa kaniya at nalilibang, pero lamang ang galit sa 'kin at lalo iyong nadaragdagan. "Dahil bawat lugar na puntahan mo at ng iyong pamilya ay magiging mapanganib. Sinisiguro ko sa iyo iyon."

"But you're already in the wrong place. This is a danger zone." Hindi kapani-paniwalang sinabi niya pa rin iyon sa malumanay na paraan, sa kabila nang pagbabanta ko sa kaniyang buhay. "Mas takot pa ako sa insekto kaysa sinasabi mo."

Hindi ko napigilan ang sarili at ibinaba ko ang linya. Sasabog na ang galit ko. At kung hindi ko iyon pipigilan ngayon ay kikilos na ang katawan ko ayon sa aking naiisip.

"Kumalma ka, anak, may tamang oras para riyan," ani Chairman. Hindi ko na siya nagawang tingnan.

Napako ang paningin ko sa sasakyan ng mga Moon na noon pa lamang nilisan ang lugar.

Magsisisi ka, Maxpein. Ang bawat salitang binitiwan mo ay may kaukulang pagsisisi.

~To Be Continued. . .~

Continue Reading

You'll Also Like

63M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
31.4K 924 35
Who wouldn't have thought in just a one dare, a one kiss her life began to change. Tila ba isang panaginip na ang man of her dreams niya ay napansin...
119M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
117K 1.4K 86
Yes I am a typical girl. Simple but Smart. I don't know what made us together.. Destiny ba or isa lang pagkakataon. May dahilan ba o Wala.. Hello po...