Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳѵ | զųıŋƈє

2.2K 207 105
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

𝟷 𝟾 𝟾 𝟾 , 𝙾 𝙺 𝚃 𝚄 𝙱 𝚁 𝙴 𝟸 𝟹
𝚂 𝙰 𝙽 𝙳 𝙸 𝙴 𝙶 𝙾
𝙻 𝚄 𝙽 𝙶 𝚂 𝙾 𝙳 𝙽 𝙶 𝚂 𝙰 𝙽 𝙿 𝙰 𝙱 𝙻 𝙾 𝚂 𝙰
𝙻 𝙰 𝙶 𝚄 𝙽 𝙰

"Señorita!"

"Hija, anong nangyayari sa iyo?"

"Hija..."

"Señorita Mirasol!"

Nagitla ako nang may mga malalamig na kamay ang humawak sa magkabila kong braso at niyugyog ito.

Impit akong napatili sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako natatakot. Sa akin bang nasaksihan o sa paghawak ni Crispin sa braso ko.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" tila nauubos na ang pasensya ng doña base sa kanyang tono ng pananalita.

Inalis ko kaagad ang pagkakahawak ni Crispin sa aking balikat at balisang iginala ang paningin.

Gumagalaw na muli ang lahat. Hindi na tila papel ang buong paligid at wala na 'yung babae sa loob ng kampanaryo.

Para bang isang ilusyon lamang ng malikot kong imahinasyon ang aking nasaksihan kanina.

(My God!)
"Maghunus-dili ka nga, Mirasol. Dios mio! Kanina ka pa napapatigalgal sa simbahan at walang imik! Ngayon ay bigla ka na lamang hihiyaw." Sermon ni Doña Soledad matapos isarado ang kanyang hawak na abaniko.

Nanlaki ang aking mga mata sa kahihiyan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka nagde-delusyon na ako dahil sa aking trauma. Hindi ko naman ito makompirma dahil kahit na nakapagtapos ako sa kursong medisina ay hindi ako bihasa sa utak ng isang tao. Nag-aral ako bilang surgeon, hindi psychiatrist.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aking kahihiyang ganawa, Doña Soledad," paghingi ko ng tawad sa doña.

"Ano bang nasilayan mo sa labasan at napatili ka, hija?" wala nang bahid ng pagkainis ang tono ng pagtatanong ni Doña Soledad ngayon.

Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko alam ang sasabihin. Magmumukha akong baliw kapag sinabi ko ang totoo. Iba pa naman ang pananaw nila sa may mga sira ang ulo. Sa tingin nila'y sinasapian ito ng demonyo.

Hindi pa gumagana ng maayos ang aking utak dahil nawiwindang pa ito sa nakita ko kanina. Napatingin na lamang ako sa labas upang makahanap ng idadahilan.

Nasa harap pa rin pala kami ng simbahan dahil maraming tao ang nagsisilabasan. Siguro'y kakatapos lang ng pang-umagang misa.

Mula sa ingay ng mga nagkukumpulang tao, isang brusko at malakas na tinig ang nangingibabaw sa lahat.

"Punyeta! Alis! Lumayas ka sa harap ko! Pobre! Indio!" marahas na panunuya ng isang matabang prayle sa isang matandang babae na mukhang nanghihingi lamang ng barya sa kanya.

Hindi naman sumagot o lumaban ang pulubi ngunit patuloy pa rin ito sa pangungulit sa matabang prayle. Hindi na nakatiis ang prayle at sinipa niya ang matanda dahilan upang mapasubsob ito sa lupa. Nagsi-tapunan ang mga nakolekta nitong barya't pilak na siya namang pinag-agawan ng iba pang pulubing malapit sa kanila.

Dumaing man ang matandang babae upang sila'y mahabag at tumulong, walang pumansin dito ni isa.

Gusto ko sanang tulungan ang matanda kahit sa pagtayo man lang dahil wala rin naman akong salaping maibibigay ay hindi ko magawa. Lulan kami ng karwaheng umaandar at ayokong maabala pa ang doña sa aming lakad lalo pa't may nagawa akong kahiya-hiya sa harap niya kanina.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang matanda hanggang sa makalayo kami sa simbahan at maglaho ito sa aking paningin.

Ilang minuto pa ang itinagal ng aming biyahe bago ipahayag ng kutsero na narating na namin ang aming patutunguhan.

Unang bumaba ang doña na inalalayan naman ng kutsero. Sumunod ako ngunit bago ako bumaba ay hindi ko mapigilang hawakan ang singsing na nakasabit sa aking leeg.

Kung sana naandito ka lang, Yuan...

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang bumaba.

Napawi ang lumbay na nararamdaman ko nang masilayan ang bahay na aming tutuluyan.

Humahanga ako sa traditional Japanese houses namin ngunit hindi rin mapagkakaila ang kagandahan ng Spanish vintage houses sa panahong ito.


Gawa sa bato ang mga haligi ng bahay sa unang palapag habang gawa naman sa matitibay na kahoy ang ikalawang palapag.

Naglalakihan din ang mga bintanang gawa sa capiz habang napaka-elegante ng mga nakaukit na disenyo sa kahoy nito.

Napakagandang tignan at tirhan ng bahay na ito.

Sa ganda ng bahay ay saka ko lamang napansin ang ilang ginoong nag-aabang sa azotea.

Azotea : Balcony

Nang mapansin nila kami ay masigla silang tumawa at lumapit sa amin.

"Magandang umaga sa inyo, Señora Marqueza! Maligayang pagdating sa pueblo ng San Diego!" malakas at masiglang pagbati ng isang matangkad na may katabaang ginoo. Nakapangmilitar din siyang uniporme ngunit hindi kasing rangya ng kasuotan ni Juan Vicente.

Kinuha niya ang suot na sumbrero at inilagay sa kanyang dibdib bago yumuko.

Gayon din naman ang ginawa ng isa pa niyang kasamang ginoo. Mas maliit ito kumpara sa naunang bumati at patpatin.

"Ikinagagalak namin ang inyong pagbisita," nakangiting pagbati naman ng maliit at payat na ginoo.

Matapos nilang yumuko ay sabay silang bumaling sa akin at kapwa nanlaki ang mga mata. Hindi ko tuloy mapigilang mapaatras kahit na wala namang bahid ng malisya ang kanilang tingin.

(Good morning.)
"Buenos diaz, Tinyente Guevarra at Don Filipo. Salamat sa inyong malugod na pagsalubong," nakangiting pagbati naman ng doña sa dalawa naming bisita.

Muling tumawa ng malakas si Tinyente Guevarra matapos silang magkatinginang tatlo ng doña at ni Don Filipo.

(Personal maid)
"Kasama ko nga pala ang aming mucama personal. Si Crispin," ipinakilala ng doña si Crispin sa dalawa na bahagya namang nabigla.

"Magandang umaga po, mga ginoo," magalang na pagbati ni Crispin.

"Ikaw pala'y napadpad sa tahanan ng mga Marqueza. Malaon na rin mula ng huli kaming nagkaroon ng balita sa iyo," pagkukuwento ni Don Filipo habang nakatingin kay Crispin.

Nagtaka naman ako kung bakit nila kilala si Crispin. Itatanong ko sana ngunit naunahan ako ni Doña Soledad sa pagsasalita.

"Ang marilag na binibining ito ay kasama namin tungo rito. Bagong salta lamang siya sa Filipinas kaya naman ibig kong si Crispin ang maging kasa-kasama niya habang namamalagi siya rito," tumigil ang doña sa pagsasalita upang hawakan ako sa likod at igiyang lumapit sa kanila.

"Siya si Maria Sol Marqueza, isang Mestizang nagmula sa Bagong Espanya. Matalik siyang kadaupang palad ng aking anak," nakangiting pagpapakilala sa akin ng doña.

Ngumiti naman ako kina Tinyente Guevarra at Don Filipo bago gayahin ang ginawa ni Crispin na pagtungo.

"Magandang umaga po sa inyo, Tinyente Guevarra at Don Filipo. Marapat lamang na akong tawagin ninyo sa ngalang Mirasol," magalang kong pagbati.

Tumango-tango naman si Don Filipo at sinuklian din ako ng ngiti.

"Ah! Ang batang heneral ng Santa Cruz? Hindi ko lubos maisip na makakabihag siya ng ganito kayuming binibini. Tignan mo nga naman ang tadhana," bulalas ni Tinyente Guevarra matapos ang maikling pag-iisip.

Nagpatuloy pa ang kanilang pagkukuwentuhan ng ilang saglit bago kami tuluyang makapasok sa bahay.

Base sa kanilang pagpapalitan ng salita kanina'y isa palang tinyente mayor ng San Diego si Don Filipo. Hindi mababatid ang kanyang ranggo sa unang tingin kung hindi ko pa nakita ang pag-uutos niya sa ilang mga guardia civil na kasama nila upang bantayan ang paligid ng aming titirhan.

"Hindi na natin namalayan ang paglipas ng oras sa sarap ng ating pagbabalik tanaw. Nakausap ko na nga pala ang tagapamahala ng bahay na ito. Siguradong luto na rin ang tanghalian," pagkukuwento pa ni Tinyente Guevarra habang umaakyat kami sa batong hagdan papasok ng bahay.

Hindi ko mapigilang tumingin sa bawat panig ng bahay dahil kamangha-mangha ang disenyo at ayos nito.

Napupuno ng naglalakihang marbol na gusi ang bawat poste at gilid ng bahay na may tanim na kulay dilaw na peacock flower.

Gusi : Jar

Ang bawat poste rin ay may nakasabit na lamparang pangdingding na sa tingin ko ay gawa mismo sa tunay na ginto. May mga upos na mitsa sa gitna ng mga ito habang napupuno naman ng gasolina ang sisidlan.

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng hindi bababa sa labing pitong tauhan at mga kasambahay. Isa-isa rin silang nagpakilala't bumati sa amin bago nagsipagbalikan sa kani-kanilang puwesto.

Kulay krema naman ang kurtina ng bawat bintanang capiz. May mga nakasabit ding kuwadro. Bagamat hindi tulad sa hacienda ng mga Marqueza na puro larawan ng kanilang pamilya, ang mga kuwadro rito ay puro tanawin at pangyayari.

Dumiretso kami sa hapagkainan kung saan nakahain na ang aming kakainin.

Simple lang din ang putaheng niluto sa amin. Bagay na ikinatuwa ko. Sa hacienda kasi ay palaging hindi bababa sa tatlo ang putaheng niluluto araw-araw.

Tinolang manok, nilagang saba, mapuputing kanin at maligamgam na tubig lang ang nakahain sa lamesa ngunit sapat na sa kumakalam naming sikmura.

Unang umupo si Doña Soledad sa kabisera. Sumunod akong umupo sa gawi niyang kaliwa. Samantalang sa tapat ko naman umupo sina Tinyente Guevarra at Don Filipo.

Agad kaming nagdasal sa pamumuno ng doña. Saka kami nagsimulang kumain.

Habang nakain ay may pinag-uusapan silang tatlo na hindi ko naman maintindihan. Marahil ay tungkol ito sa planong pagpapalawig ng pagawaan ng lambanog ng mga Marqueza rito sa San Diego.

Ilang minuto pa ang itinagal ng kanilang diskusyon. Kahit na tapos na akong kumain ay minabuti ko na humigop muna ng sabaw hanggang sa sila'y matapos.

Pagkaraan ng tanghalian ay tumuloy sila sa salas upang doon ipagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.

Kinahapunan ay nagpaalam na rin ang dalawa naming. Kaya naman ay hinatid namin sila hanggang sa azotea.

"Kami'y tutuloy na, señora. Maikli na lamang ang oras na nalalabi bago lumubog ang araw. May aasikasuhin pa kaming importante," pamamaalam ni Don Filipo na siyang unang lumabas sa azotea.

"Dadako pa kami sa himpilan at tutungo sa tahanan ni Don Santiago upang mapag-usapan na rin ang tungkol sa pag-angkat ng inyong lambanog," dagdag na paliwanag ni Tinyente Guevarra.

Napakunot naman ang noo ko sa narinig. Napatingin ako sa doña at kina Tinyente Guevarra upang kumpirmahin kung tama nga ang nadinig ko.

Don Santiago... At itong bayan ng San Diego. Pamilyar ang mga pangalang iyon ngunit agad ko namang ipinagsawalang bahala dahil imposible ang aking naiisip.

Sa Kalye Anloague nakatira si Kapitan Tiyago samantalang ang San Diego naman ang bayan ni Don Rafael na ama ni Crisostomo Ibarra.

Nakatatak pa ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal sa aking isipan dahil isa ito sa mga huling paksang tinalakay namin sa kolehiyo.

Sa pag-iisip kong ito ay sumasakit na naman ang aking ulo kaya minabuti ko na lamang itigil na ang pag-iisip.

"Mirasol, ibig kong isama si Crispin sa aking patutunguan. Mabuti pa'y magpahinga ka na muna habang kami'y wala rito. Hindi ko pa rin nalilimot ang nangyari kanina at sa tingin ko'y kailangan mo ng pahinga," malumanay na sabi sa akin ni Doña Soledad pagkatapos ay sandaling hinawakan ang aking pisngi.

Ako ay nagitla sa kanyang ginawa. Mabuti na lamang at sandali lang iyon dahil kung hindi ay mararamdaman ng doña ang panginginig ng aking katawan.

Tumango na lamang ako at nagpasama sa isa sa mga katulong upang ituro ang aking magiging silid.

Mas maliit ang kuwartong tutuluyan ko kaysa sa hacienda ngunit bawing bawi ito sa tanawin na makikita sa pagdumungaw ko ng bintana.

Hindi ko alam na sa likod ng bahay na ito ay may kapatagang damuhan at may isang malagong puno ng bulalak na hindi ko pa mapagtanto kung ano dahil sa layo.

Ilang minuto ko ring nilasap ang sariwang hangin bago mapagpasyahang i-ayos ang aking mga gamit.

Hinanap ko ang tampiping sumisilid sa aking mga damit ngunit nakita kong bukas na ito't walang laman.

Malamang ay nai-ayos na ni Crispin ang mga gamit namin habang ako ay nakain ng tanghalian kanina.

Nagpalit na lamang ako ng simpleng bistida at maingat na itinupi't ipinasok sa tampipi ang bigay na baro't saya sa akin ni Juan Vicente.

Sinubukan kong humiga sa malambot na kutson ng kama at matulog ngunit gising na gising ang aking diwa.

Tulad ni Doa Soledad ay hindi ko rin makalimutan ang pangyayaring iyon kahit na iba ang nasa isip ng doña.

MARIA! PAGMASDAN MO ANG ATING PAGBABALIK! MARIA! MARIA!

Hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang nakakapangilabot na sigaw ng babaeng iyon sa kampanaryo.

Alam kong maraming Maria sa mundo. Pero hindi ko maiwasang isipin na ako ang tinutukoy ng babae lalo pa't sa akin siya nakatingin ng mga oras na iyon.

Hindi naman ako naniniwala sa multo pero iyon talaga ang aking naiisip kapag naaalala ko ito.

Ayoko nang isipin ang nangyari dahil nagtataasan na naman ang mga balahibo ko. Umisip na lang ako ng mapagkaka-abalahan ngunit bigo akong makatuklas. Kaya naman nagpasya na akong magtungo sa likod ng bahay kung nasaan iyong malagong puno.

Abala ang lahat sa pag-aayos ng ilang muwebles at mga kasangkapang aming dala. May ilang nakakapansin sa akin at magalang silang bumabati.

Nagtanong ako sa isa sa kanila kung saan ang daan patungo sa bakuran nitong bahay at agad naman silang nagprisintang samahan ako.

"Ako na lamang ang tutungo sa likurang bahagi nitong balay upang hindi na kayo makinlam sa inyong mga gawain. Ituro n'yo na lamang ang daan," nakangiti kong pagtanggi sa alok nila.

Balay : House             
Makinlam : Disturb

Ngumiti rin naman sila at itinuro na ang direksyon tungo sa bakuran. Nagpasalamat ako bago sundin ang kanilang sinabi.

Puro mga binibini ang karamihan sa mga katulong. Sa tingin ko'y hindi lamang lalagpas sa lima ang mga ginoo na siyang taga-sibak ng kahoy at tagakumpuni ng mga nasisirang parte nitong bahay.

Paglabas ay namangha ako sa aking natunghayan. Malayong malayo ang hitsura ng bakuran sa tarangkahan ng bahay. Ang harap nila'y puno ng mga tao at kabahayan samantalang ang kanilang bakuran ay parang kabundukan. Napakaberde ng lahat ng aking nakikita.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa nag-iisang puno rito.

Malakas ang ihip ng hangin at hindi rin masakit sa balat ang sinag ng araw. Puro huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon ang maririnig sa paligid.

Nauulunigan ko rin naman ang ingay sa kalsada ngunit nangingibabaw pa rin ang ihip ng hangin dahil malayo-layo ang bakurang ito sa daan.

Nang makalapit ako sa puno'y napagtanto ko na isa itong puno ng banaba. Hitik sa mala-rosas na bulaklak ang malagong puno. Ang mga dahon at bulaklak nito'y sumasayaw sa ihip ng hangin.

Napakagandang pagpasdan ng senaryong ito.

Tumigil ako sa lilim ng puno at pinikit ko ang aking mga mata. Nilasap ko ang sariwang hangin at pinakinggan ang tila musikang siyap ng mga ibon sa himpapawid.

Siyap : Chirp

"Iniibig ko rin po ang tanawing ito, binibini," isang malumanay na tinig ang biglang umatungal sa aking likuran na ikinagulat ko.

Sa pakabigla'y napadilat ako at hindi ko napigilang mapaatras. Sa aking pag-atras ay hindi ko napansin ang isang maliit na bato kaya naman muntik pa akong madapa. Ngunit may bisig na sumalo sa akin upang pumigil sa pagkahulog ko.

Muli na naman akong nanginig nang maglapat ang aming mga balat.

"Ipagpaumanhin mo ang aking kalabisan. Ngunit hindi ko naman po hahayaan na ang isang binibining tulad mo na mabuwal sa aking harapan," nahihiyang paliwanag ng bagong dating.

Ini-angat ko ang aking tingin upang masilayan ang ginoong tumulong sa akin. Pero hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil salungat ito sa sinag ng araw. Gusto kong kumawala sa kanyang bisig dahil sa takot na aking nararamdaman.

Naiinis na ako sa nangyayari sa akin. Kasalanan ito ng Fujiwara'ng iyon.

Agad naman niya akong binitawan matapos kong i-ayos ang aking tayo. Para bang napaso siya nang ako'y hawakan dahil namula ang kanyang tainga. Ang kanang kamay niyang dumampi sa aking balat ay inilagay niya sa tapat ng kanyang dibdib at iniyukom.

Akala ko'y isang ginoo ang tumulong sa akin ngunit mas bata pa pala siya sa inaasahan ko.

Isang binatang sa tingin ko'y mas bata pa sa akin ang nakatayo sa harapan ko. Ilang pulgada na lamang at mahihigitan na niya ang tangkad ko. Mahaba-haba rin ang buhok niyang itim na itim ngunit maikli ito kaysa sa kulay kapeng buhok ni Juan Vicente.

Kayumanggi ang kanyang balat ngunit mapula-pula ang kanyang labi. Bilugan ang kanyang mata habang hindi gaanong katangos ang ilong ngunit hindi rin naman ito kapanguan.

"M-Magandang hapon, ginoong..." nau-utal kong pagbati dahil sa kanyang pagkahiya'y nahihiya na rin tuloy ako.

Nang magsalita ako ay nanlaki naman ang kanyang mga mata at napa-ayos ng tayo. Ngumiti siya at yumuko sa akin bilang pagbati.

"Ah! Magandang umaga rin, binibini. Ang ngalan ko'y Lucas, pangalawang anak ng isa sa mga katulong ng familia de Espandaña," pagpapakilala ni Lucas matapos niyang yumuko.

Ngumiti ako sa kanya bagamat napapa-isip sa pamilyang binanggit niya.

"Ikinagagalak kitang makilala, Ginoong Lucas. Ako si Mirasol. Pansamantala kaming manunuluyan sa bahay na ito habang naririto sa San Diego," pagpapakilala ko rin habang yumuyuko at hinakawakan ang laylayan ng aking saya sa magkabilang gilid.

Nakakasiguro akong si Lucas ay isang Indio.

Bagamat nahihiya si Lucas sa tuwing kinakausap ko siya ay marami naman kaming nalaman sa isa't isa sa sandaling nagkapalagayan ang aming loob.

Napag-alaman kong mas bata pa pala si Lucas kaysa kay Juan Vicente na labing-siyam na taong gulang. Si Lucas ay labing lima samantalang siyam na taong gulang pa lamang si Crispin.

Nang sabihin ko ang aking edad kay Lucas ay muli na naming namula ang kanyang tainga sa kahihiyan. Humingi ang binata ng tawad dahil sa kawalang galang niya tuwing ako'y kinakausap.

"Iwaksi mo na lamang ang pagkakaiba ng ating edad dahil wala naman akong pakialam doon, Ginoong Lucas," pangungumbinsi ko sa kanya.

Wala namang pagkakaiba ang edad kong dalawampu't dalawa sa labing lima ni Lucas. Si Crispin nga ay hinahayaan kong tawagin ako sa aking ngalan. Siya lang ang naggigiit na tawagin akong señorita.

Alanganin siyang tumango at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kung mamarapatin mo, binibini, ay Lucas na lamang ang iyong itawag sa akin," nakangiting pahintulot niya sa akin.

Lihim akong napapangiti dahil sa ka-cute-an ni Lucas. Binata pa nga siya at isang nagpapatunay sa maginoong Filipino nitong panahon ng mga kastila. Nawala sa isipan kong ganito nga pala ang ugali ng mga ginoo noon dahil hindi naman ganito si Juan Vicente sa akin.

"Kung ang magulang mo ay namamasukan sa familia de Espandaña, bakit ka naririto ngayon?" pag-uusisa ko.

Nangangalay na akong tumayo. Kaya naman umupo at sumandal ako sa katawan ng puno nilililiman namin. Lumapit naman sa akin si Lucas at patagilid na sumandal habang nakatayo.

"Ang bahay na ito ay pagmamay-ari po ng isa sa mga kamag-anak ng familia de Espandaña na kasalukuyang naninirahan sa Europa. Matalik pong magkaibigan sina Don Tiburcio Marqueza at si Don Tiburcio de Espandaña. Hindi na nakakapagtaka na walang alinlangang ipinahiram ang bahay na ito sa inyo," paliwanag naman ni Lucas habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw na dahon sa aming itaas.

Huh?

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa sinabi niya.

Una, si Crispin tapos si Don Santiago at itong bayan ng San Diego.

At ngayon, mga de Espandaña naman?

Baka naman pagpunta namin sa simbahan ay makita ko si Padre Damaso? O kapag natagpuan ko ang bahay ni Tiya Isabel ay makakasalubong ko si Ibarra o hindi naman kaya'y si Maria Clara?

Ang lahat ng taong nakikilala ko ay napakapamilyar ang pangalan. Hindi ako naniniwala at hindi ako maniniwala na sila't ang mga karakter sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal ay may pagkakapareha.

Ni hindi ko na nga matandaan ang ibang tauhan sa nobela maliban sa mga karakter na may malaking ambag sa kuwento.

"Kaya siguro sila'y magkaibigan sapagkat ang kanilang ngalan ay iisa," pagbibiro ko at tumawa nang may kalakasan upang malimot ang aking mga naiisip.

Ibig ko lang sanang pawiin ang gulo sa aking isipan ngunit tuluyan akong natawa sa naisip ko.

Natigil ako sa pagbungisngis nang mapansing natahimik si Lucas. Napalingon ako sa kanya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin nang may nanlalaking mata.

Naitikom ko tuloy ng mariin ang aking labi dahil sa napagtanto. Mahinhin nga pala ang mga binibini rito at kung sila'y tumawa ay may takip na abaniko ang kanilang bibig. Hindi rin sila wagas kung makatawa.

Nahiya na naman ako sa aking ginawa. Hindi pa ba sapat ang kahihiyang ipinakita ko kay Doña Soledad kanina at ipinahiya ko na naman ang aking sarili sa harap ni Lucas?

Alanganin akong tumingin muli kay Lucas upang makita ang magiging reaksyon niya ngunit nagulat ako nang makitang nakangiti na ito sa akin.

Lumipas ng ilang segundo ang pagtititigan namin bago muling nanlaki ang mata ni Lucas at napaiwas ng tingin.

"Nakakawiling pakinggan ang iyong pagtawa, binibini," papuri sa akin ni Lucas sa kabila ng pamumula ng kanyang tainga.

Nahihiya na naman siya. Lihim akong natawa sa reaksyon niya. Napaka-inosenteng binata naman nitong si Lucas.

Pumitas siya ng isang bulaklak ng banaba na nasa kanyang uluhan at ibinigay ito sa akin.

Itinaas ko naman ang aking dalawang kilay bilang pagtatanong ng bakit habang kinukuha mula sa kanya ang bulaklak.

"Kagamay po ng mahalimuyak na bulaklak na ito ang iyong karikitang taglay at ng kapurian ng inyong kasuotan, binibini. Hindi man matutumbasan ng isang pirasong bulaklak ang marilag mong ngiti ay ibig ko pa rin pong tanggapin mo ang aking handog kasama ang buong puso kong kagalakan na ika'y makadaupang palad," makapagdagdag damdaming salaysay ni Lucas na nakapagpabilis tuloy ng tibok ng puso ko.

Akala ko si Yuan na ang pinaka-hype sa mga ganitong banatan. Iba pa rin talaga ang mga ginoo noong unang panahon.

Ganito ba talaga sila manalita? Puno ng mabulaklak na salita't nag-uumapaw na damdamin? Parang hindi ko yata kakayanin at sa tuwing makakarinig ako ng mga ganitong linyahan ay kikiligin ako.

Napasulyap tuloy ako kay Lucas na nakangiti pa rin sa akin.

Sa ganitong gulang niya ay malakas na ang kanyang dating sa mga binibini. Sa pagtanda niya ay siguradong marami ring mahuhumaling kay Lucas.

"Señorita!"

Isang matinis na boses ang nakapukaw ng aming atensyon. Nakita namin si Crispin na tumatakbo palapit sa amin.

Kakabalik lang siguro nila mula sa pamilihan.

"Señorita, ibig kang maka-usap ni Doña Soledad," sabi sa akin ni Crispin nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

Humarap naman siya kay Lucas at saglit na yumuko bago muling bumaling sa akin.

Napatingin naman ako kay Lucas na namumula na naman ang tainga at nanlalaki ang mata. Nahihiya na naman siguro siya dahil binati siya ni Crispin.

"Ako po'y lilisan na upang hindi maka-istorbo pa sa inyong pag-uusap, binibini," humarap si Lucas sa akin at muling yumuko bago magpatuloy sa pagsasalita, "Sa muli nating pagkikita."

Tumakbo na siya papasok ng bahay samantalang hinatid naman namin siya ni Crispin ng tingin. Pagkaraan na makapasok si Lucas ay nagkatinginan kami ni Crispin at sabay na napangiti.

Iniisip din siguro niya na ang kyut ni Lucas.

"Hindi mo ba kasama ang doña?" pagbabalik ko sa aming paksa.

"Nagpaiwan po si Doña Soledad sa pamilihang bayan ng San Diego upang hintayin ang ating pagdating," paliwanag naman ni Crispin.

Tumango na lamang ako upang hindi na siya kapusin pa lalo ng hininga dahil sa kanyang pagtakbo kanina.

Nang ako'y tumayo agad na inalalayan umalalay si Crispin bagamat sa baro ko lamang siya nakakapit.

Tumuloy na kami lumabas upang magmadali tungo sa pamilihan dahil nagsisimula nang lumubog ang araw.

Pagkababa namin sa batong hagdan ng tarangkahan ay nakita namin si Lucas na nagtatabas ng mga mahahabang damo sa gilid nitong bahay.

Hindi ko na siya inabala pa't nagpatuloy na kami sa paglalakad.

(Halt!)
"Alto!" Isang bruskong pag-atas sa amin ng isang guardia civil na nagbabantay sa pultahan nang aming silang lagpasan.

Agad kaming tumigil at humarap sa kanya. Umatras si Crispin at nagpunta sa likod ko. Ito ay isang simbolo ng paggalang sa isang opisyal o may katungkulan.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, mga ginoo?" magalang ko ring tanong.

May tatlong nakabantay sa pultahan ng bahay ngunit isa lang sa kanila ang lumapit sa amin.

Pultahan : Gate

"Mahigpit ang panukala ng Gobernadorcillo na magsama ng kahit isang guardia civil ang kahit sino mang aristokratiko bilang pag-iingat sa mga tulisan, binibini," ma-otoridad na paliwanag ng guardia civil matapos ay bumaling sa isa sa mga kasama niya.

Tinawag niya ang pinakamalapit sa amin at pinalapit. Matikas na tumigil ang tinawag na guardia civil at sumaludo sa nagpahinto sa amin.

"Siya na ang bahala sa inyo, binibini. Mas mainam na huwag kayong lalayo sa inyong bantay upang matiyak niya ang inyong kaligtasan," pahayag ng nagpatigil sa amin bago umalis at iniwan ang kanyang tinawag.

Humarap naman ang bagong guardia civil sa amin at nakangiting yumuko bilang pagbati.

(Good afternoon, ladies.)
"Buenas tardes, señoras," pagbati niya sa amin sa wikang Espanyol.

Nakangiti rin akong yumuko habang hawak ko ang magkabilang gilid ng laylayan ng aking baro.

(Good afternoon, sir.)
"Buenas tardes, señor," balik kong pagbati.

Hinubad niya ang suot niyang sumbrero at nilagay ito sa kanyang dibdib.

"Ang ngalan ko'y Alfredo Escobíno, binibini. Personal kayong inihabilin sa akin ni Heneral Juan Vicente na kababata ng aking pinsan," pagpapakilala ni Alfredo sa amin.

Nagsimula na siyang maglakad kaya naman ay sumunod na kami ni Crispin.

Natuwa ako ng malamang kilala niya si Juan Vicente at sa kaalamang hindi niya pa rin ako pinapabayaan kahit malayo kami sa isa't isa.

Napahawak ako sa punseras na kanyang bigay habang ginugunita si Juan Vicente sa aking isipan.

"Ikinagagalak kong makilala ang pinsan ng kababata ni Juan Vicente. Ako nga pala si Mirasol at ito ang aming mucama na si Crispin, Ginoong Alfredo," pagpapakilala ko at kay Crispin habang naglalakad kami.

Bumaling naman si Alfredo kay Crispin at ngumiti.

"Nababatid kong ang kasama ninyo ay si Crispin na nakababatang kapatid ni Basilio. Matagal na rin mula ng huli namin siyang nasilayan sa bayang ito," paliwanag naman ni Alfredo habang si Crispin naman ay nahihiyang napangiti, "Iwaksi mo na rin ang pormalidad sa ating dalawa, binibini. Kokonti lamang ang nakakakilala sa akin bilang Alfredo kaya't mas mabuting Albino na rin ang itawag ninyo sa akin."

Albino?

Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?

Saka isa pa, binanggit niya rin ang pangalang Basilio.

Alam kong imposible pero... Hindi kaya—

Natigil ang aking pag-iisip nang makarinig kami ng isang matinis, malakas at pagalit na boses.

Ang halos lahat ng nakarinig ay napalingon sa isang ginang na puno ng kolorete ang mukha at ang buong katawan. Mahahalata na ang edad nito dahil nag-uumpisa ng mangulubot ang kanyang balat.

Hindi ko na sana ito papansinin ngunit sa amin siya nakatingin— o mas magandang sabihing kay Crispin siya nakatingin.

"Anong ginagawa ng paslit na iyan dito? Hindi na nahiya sa kawalang hiyaan ng kanyang ina!"

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on every second and fourth Saturday of the month.

Gobernadorcillo Tumutukoy sa pinuno o gobernador ng mga bayan sa Filipinas.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.5K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
445K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
632K 35.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...