Why Does it Matter?

By Menggguy

26.2K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... More

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 6: Origin
Chapter 7: Concentration
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 10: Chemical Reaction
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 14: Pressure
Chapter 15: Boiling Point
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 19: Heat Capacity

548 36 36
By Menggguy

"Bullshit." Mahina kong bulong sa sarili. Marahan ko pang hinampas ang manibela ko at inuntog ang ulo ko roon. I couldn't believe I would have gone this far. Tangina, Aryanna.

Lumingon ako sa bintana ng kotse ko ng makita ang malaking mansion doon. I have no idea Ven could be this rich! I know she work for her own living by the use of her sport. But this house, it can only screams wealth and power. Ang kulay gintong gate pa lamang nito ay malulula ka na.

It's a modern stylish property, mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ang malaking bahay sa loob. Its size is extensive and superb, along with its aristocratic ambience. The fountain on the outside and the massive manor before it. The vast lush of it, the whole empyreal aura of the house. Her mother really did great on digging up on their own wealth, ang alam ko ay ang Montevedra ang isa sa mga naglalakihang kumpanya, hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo. I wouldn't argue with her mother on making strict decision on her child.

"Name?" Nagulat na lamang ako ng biglang may lumapit na lalaki sa tabi ng kotse ko. His in a luxurious dark suit, may shades pa siya at diretsong-diretso ang tayo mula sa gilid. I can see a communication device on his ear as he looks down on me.

"Aryanna Gayle Alcantara, girlfriend of Veriane." Tumutok ang tingin niya sa akin ng banggitin ko ang huli kong mga salita. He whispers something on his device bago ibaling sa akin ang tingin niya ulit.

"She said, girlfriend..." Lumalim tingin niya sa akin ng sabihin niya iyon. Napalunok naman ako ng maramdaman ang kaba sa dibdib ko habang tinitimbang ang titig niya sa akin. Nang tumango ang lalaki sa harapan ko ay biglang bumukas ang gate kaya naman napapitlag ako lalo ng ibaba niya sa level ng bintana ko ang ulo niya.

"Good morning, maam. Sorry for the inconvenience, you can now continue to drive through the gate as you reach the front of the house. A maid will help you find your main to Mrs. Montevedra. Have a nice day." Hindi ko alam kung sarcastic ba ung huli niyang bati habang seryoso namang nakatingin lang sa akin ang mukha niya, tipid akong ngumiti sa kanya as I revive the engine of my car and continue driving till I reach the lavishly enormous house.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng kotse. A girl in a Japanese style uniform is now in front of me, nakatungo pa ang ulo niya habang nalilito naman akong nakatingin sa kanya. When she already raises her head, ang maamo niyang mukha ang bumungad sa akin. Sigurado ba siyang serbedora siya sa ganda niyang iyan?!

"Good morning, Maam. Please follow me as I direct you to the office of Mrs. Montevedra, she's already waiting for you there." Magalang niyang saad gamit ang malambot niyang boses. Hindi lang pala mansion ung maganda pati ung mga tao sa loob! How powerful can a Montevedra be?!

Kung gaano kaganda ang labas ay siya ring kinaganda ng loob ng mansion. The paintings plastered on the walls are beautiful, lalo pa ang family portrait nila.

Ven with her mother and brother. So they don't have a father figure, napatingin ako sa painting at halos hindi mapigilan ang ngiti ng mapansing nakadress si Ven doon. A champagne color evening dress, tamang-tama ang bagsak noon sa kanya while it hugged her body perfectly, her hair is a lot longer in this one, waving down her hips while her stoic face is steadily looking at me, parang buhay na buhay ang painting dahil sa titig ng mga mata niya, how can this painting justify her beauty.

Napalingon naman ako doon sa lalaki sa kaliwa ni Ven at halos magimbal ako ng makita kung gaano ka gwapo iyon, it's strong features are so evident! Lalaking-lalaking version ni Veriane! It's clean cut hair is so neat that he could shine so bright because of its effect on him. Ang anggulo ng panga niya ay sobrang makapangyarihan! Hindi lang si Ven ang blessed! Even her brother!

At sa gitna ay naka-upo ng magara ang kanilang ina. Her skin is screaming in its whiteness. She's in a maroon evening gown with a very deep neckline, kitang-kita ang kurba ng mayayabong niyang hinaharap. I couldn't believe that devil can be this beautiful and powerful on a painting!

Umakyat kami sa isang magarang staircase, even the carpet that is in the floor ay mukhang mamahalin. The light from the numbers of chandeliers in the ceiling is so beautiful as it struck the whole room. Every corner of the house is nothing but luxury and extravagantness.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto, the girl step aside when we both stop in front of it.

"Mrs. Montevedra is already inside." Saad niya habang nakatungo pa. Gusto ko mang magmura para maibsan muli ang kaba ay hindi ko na ginawa dahil nahihiya ako doon sa maganda babae sa tabi ko.

Inayos ko muna ang suot kong turtle neck top ko na naka tuck-in sa button down skirt ko. I look at the girl again pero nakayuko pa rin siya.

Marahan ko namang itinulak ang pinto at bumungad sa akin ang isang kwarto na puno ng libro. I want to show an amaze face pero pinigilan iyon ng puso ko ng makita ang isang babaeng prenteng nakaupo sa isang malawak na couch sa harap ko.

With a glass of wine in her hand, she gestures me to sit down on the sigle couch in front of her. Ang mahaba niyang biyas ay prenteng nakadikwatro. She's wearing a red summer dress na sobrang nagpatingkad pa ng kaputian niya. Her lips are painted with blossom red shade, at preskong-presko ang mukha niya dahil wala siyang suot na make-up ngayon.

"I didn't expect you to have the audacity to come this far." Mahina at maarteng niyang saad. Hindi maipagkakaila ang ganda ng ingles niya habang binibigkas iyon.

Dahan-dahan naman akong umupo sa harapan niya at lumunok bago tumingin ng diretso sa kanya gamit ang buong lakas ko. Tinaasan niya pa ako ng kilay habang sumisimsim sa hawak niyang kopita. The strong aura of a lion is really evident on her, mas kalmado siya ngayon kumpara sa mga araw na galit nag alit siya sa akin.

"I'm here to personally talk to you." Magalang kong saad sa kanya kaya naman napatigil siya sa pag-inom at diretsong tumingin pa sa akin. I look at her closely bago huminga ng malalim.

"Go on, talk." Matigas niyang saad bago ilapag ang baso sa maliit na coffee table niya, ipinagkrus ang mga kamay sa dibdib at prenteng tinignan ako habang ako naman ay parang susuka na sa kaba habang ginigisa ng mga titig niya.

"I want to sincerely apologize to you..." Mahina kong saad habang tinitignan siya ng direkta sa mata. Her eyes resembled Ven's eye so much that looking directly to it ay kitang-kita ko ang mga mata ni Ven.

"Elaborate..." Matapang niyang saad. I lick my lower lips before swallowing the thump in my throat.

" I want to apologize because I don't have the guts to tell you directly that I love your daughter. I'm sorry because I didn't tell it to you the first time we laid eyes on each other. I want to apologize when I couldn't fight for your daughter when you're screaming your rages on me. I'm sorry for being weak. I want to be deserving of her, that's why I'm starting with you." Puno ng emosyong kong saad, ang anino ng pag-aalala at pagiging ina ang lumamon sa mata niya. She looks intently in me before giving me a small smile. Biglang naglaho ang leon sa kanya at isang maamong ina ang nakita ko.

"I don't like you for my daughter. No... I don't want my girl to be like what she is right now. I'm mad... so mad all I could do is lash it out to you because my stupid daughter won't listen to me." Ang tono ng isang nag-aalalang ina ang narinig ko. There is no angst in her face but full of emotion as I can see my mother's feelings and reflection on her face. Napasinghap pa ako ng marahan niya akong inilingan pagkatapos noon.

"My husband left us, at si Veriane ay nasa tiyan ko pa lamang noon. From that day, I only want the best for both of my children. I know I'm no saint, nakita mo iyon first hand, I know that from the very start. But with my children, I only want to give them the world that they deserve. Do you know how wonderful it is to have a child? Gusto kong maranasan ni Veriane iyon. I want her to feel the love that you can have when you see a child born from you. Hija, I wouldn't want to take that chance from her. she might be still confused now but in the long run, she will want it... and you and all the other women like us cannot procreate without a man in are life. I know most men are stupid but they carry the best gift that a woman can have, and that is to be a mother." Ang mahinahon niyang pagpapaliwanag sa akin ay nakakapanibago. No curses, no raising of voice, just a loving mother in front of me. I can see the sincerity in her eyes while she is saying those things to me. Marahan siyang tumayo at lumapit sa harapan ko.

" I've been the worst person I know my whole life. I'm a monster, and my children are my redemption. Go now, where done talking." Mahina niyang saad. Para akong nanghina sa sinabi niya. Is it even possible to see an angelic face in her devilish remarks?

Hindi ko na nakontrol ang susunod na nangyari as I tremble and stump upon my knees on the floor. Ang pagluhod ko sa harapan niya ay mabilis na nangyari na kahit siya ay napasinghap. I can even hear the shock on her face as I look down on her feet. Hindi ko na napigilan ang mga luhang tumulo sa akin ng maramdaman ang marmol na sahig sa tuhod ko. Even my pride, ego and all. Para lang matanggap niya ako para sa anak niya. I will. For Ven, I will...

"Hija..." She said in shock pero natahimik din siya ng marinig ang mahina kong pag-iyak.

"I u-understand you... I know... I know... I can't give her a life that you want for her... I've consider a lot of ways to give her a child in the future... I-I cannot promise you to give her what you can provide her... b-but I will die trying... Trying to give her anything that she will want and need in the future... But for now... p-please just let me love her first... parang awa mo na... hayaan mo lang ako na mahalin siya..." Putol-putol na saad ko sa kanya, hindi na pinipigilan ang mga luhang tumutulo sa akin. I can hear her utter a curse as I'm still kneeling in front of her. I grasp on my bare knee as my tears fell on it.

"Just... please... let me love her..." Hindi ko na mapigilan ang mga salitang lumalabas sa akin. I can feel my whole body breaking habang tumatagal ako sa posisyon ko. I can feel her stares penetrating me...

"Mahal na mahal ko po siya... parang awa mo na." my voice breaks as I plead on my knees in front of her. I can even hear myself shaking as she stares down on me.


Hindi ko napigilan ang marahang pagbagsak dahil sa panghihina ng itukod ko ang kamay ko sa harapan ko. I can feel myself shattering in pain as I ache more on my insides.

"Please... Please... accept Ven for who she is... mahal na mahal ko po siya..." I covered my mouth with my free hand ng lumakas ang mga iyak ko. I bit the back of my hand to suppress my sobs. Ang gulat na gulat niyang reactions ay rinig na rinig ko, namutawi pa sa kanya ang iilang mura.

"Please... let your child live the life that she wants... let p-people love her f-for who she i-is..." At hindi ko na napigil pa ang tuluyang pagluha sa harapan niya. I stumble on my knees and fell slightly at the back of my legs.

Kitang-kita ko ang bakas ng gulat at pagkamangha sa mga mata niya. Her eyes are tearing up upon looking at me, ni hindi ko pa siya maaninag ng malinaw habang nakatingala ako sa kanya at patuloy na lumuluha sa harapan niya.

I'm taken back ng bigla niya akong nilapita. She levels herself in front of me. Bakit ang ganda pa rin niya kahit pa lumuluha na siya? How could I possibly praise her while looking so stupid in front of her! Mas nakakaiyak!

"Damn you, stupid girl. Tama ako ng tinawag kitang estupida noon. You are so idiot. How could my daughter possibly deserve you..." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya and as I look at her with full of tears in me, nakita ko ang marahan niyang pagngiti. She looks like an angel in front of me now. Para akong mamatay kakaiyak sa harapan niya as she cries in silent in front of me too!

"Okay then, love my daughter the way she deserves to be love. You are really are full of surprises, Aryanna Alcantara." And with that, marahan niya akong ikinulong sa isang yakap na mas lalong nagpabuhos sa mga luha ko.

I feel so happy that I'm literally aching as I hug her tight too...



"Aryanna, andito kami sa Katipunan!" Sigaw ni Dwayne sa phone. I look at Monique at inabutan pa ako ng wipes. I immediately clean my face with it habang nasa loob kami ng kotse. Ang lagkit pa rin kasi ng mukha ko kakaiyak.

After our crying session, her mother in my surprise asked me to have tea with her. Halos maloka ako sa ka-abnormalan niya, after our crying shesta, aayain ako magtsaa! I couldn't have the heart to disapprove to her, so we did. Pinakwento niya lang naman sa akin ang love story kuno namin ni ven, she even asked for my personal information, my birthday, our anniversary dates. Ako ang kinakabahan sa mga naiisip niyang gawin dahil mukhang excited talaga siyang dumating ang mga araw na iyon. The duality of her mom from a demonic figures turned to be a santa in a rd summer dress a while ago, halos paliguan niya ako ng suhestyon na pwede niyang gawin sa susunod na anniversary daw naming ni Ven! Ni hindi pa nga ako kinakausap ulit ng anak niya!

"Anong ginagawa niyo diyan?" Nagtatakang tanong ko, Monique on the other hand give me the cup of coffee that I asked her a while ago. I called both of them ni Annica kanina but the girl is so busy daw she's going to this guy that we don't know at pareho na kaming nagulat ni Monique. Annica is the one who's expert on making a guy worship her, pero ang si Annica ang sumunod sa lalaki, that's new.

"E, Arya... Si cap kasi nag-aya mag-inom. Pasorry niya raw sa amin, kahit ayaw niya ng alak." Saad ni Dwayne sa kabilang linya as the roaring of the loud music faded, mukhang lumabas pa siya ng bar just to talk to me clearly. Natahimik naman ako ng marealize that Ven made an effort on making it up for them but doesn't have the guts to even talk to after what happen, sinasagad talaga ako ng babaeng ito! Pwede namang daliri niya ang isagad niya sa akin, bakit ang pasensya ko ang sinusubok niya!

"Pwede ba akong pumunta diyan, gusto ko lang kausapin si Ven." Mahina at puno ng paki-usap ko kay Dwayne, nilingon ko pa si Monique na nginitian lang ako.

"A... Dalian mo, Arya. Para kasing lasing na si Captain, e." Alinlangan niya pang sagot kaya napailing na lamang ako sa narinig, nung nakaraan Gatorade ang tinitira niya, ngayon alak na talaga, Pwede ako next? Chos.

I feel light headed, magaan na rin ang pasan-pasan kong bigat sa dibdib ko dahil sa naging pag-uusap namin ng mama ni Ven. I couldn't say she's entirely good, but she is striving to be better when it comes to her children and I salute her for that. Iyong galit ko sa kanya noong mga nakaraang araw ay napalitan ng pag-unawa bilang isang ina.

"Monique sa Katipunan tayo." Saad ko sa kanya pagkatapos ibaba ang tawag kay Dwayne. She instantly starts the engine matapos kong sabihin sa kanya iyon. I asked her to fetch me kanina mula doon sa mansion nina Ven. Ngayon siya na ang nag-dridrive ng kotse ko while her car was left on one of the butler of Mrs. Montevedra para ihatid sa bahay nila.

"You feel better now?" Tanong niya habang nagmamaneho, marahan naman akong tumango habang tinitignan siya.

"I'm so happy for you, Arya..." mahina niyang saad habang diretso pa rin ang tingin sa daan. I feel my heart flutters because of her sweet words.

"Naku, you'll find your happiness din. Malay mo, si future attorney na pala iyon." Natawa naman siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"He! Iyong suplado na iyon na laging nagtatangis ang panga." She said while smilling widely.

"Ayun, may pagtatangis ng panga." Pang-aasar ko pa kaya naman pareho na kaming natawa.

Narating na rin namin ang bar na sinabi ni Dwayne sa Katipunan, mabuti na lamang at hindi ganun kabigat ang traffic kaya in no time we are here already. Bumaba kami ni Monique at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng isang malaking bar doon. It's already past seven in the evening kaya naman nagsisimula ng mag-init ang lugar.

I have never been to a bar before, only Annica among us have the experience about this place. Pagkapasok ko pa lamang ay bumungad na sa amin ni Monique ang pinahalong usok ng sigarilyo at amoy ng alak. I want to cover my nose as I unconsciously inhale those substances.

Monique looks uncomfortable too, mabuti na lamang at hindi pa crowded ang buong bar. I look around at nakita ang seniors at iilang juniors sa isang circular couch sa gilid. They didn't notice me dahil busy silang lahat na nakatuon ang atensyon sa babaeng nakatalikod sa pwesto naming.

When we walk closer to them, kitang-kita ang ibat' ibang klase ng mga ubos na bote ng alak sa table nila. I can see some of them are heavily drunk already. Ni hindi na nila ako napagtutuunan ng panisn, siguro the light is heavily dim na ang tangin ilaw sa table nila at ang disco lights lang ang naaninag nila.

"Putangina ko! Putangina ko sagad!" That voice made me freeze in my position, hindi na kami gaanong kalayuan sa kanila. Her familiar back is what I can only see as her voice has the hint of drunkenness. Hindi na rin niya kontrolado ang sarili ng marahan niya pang itaas ang kamay na may hawak na isang boteng tequila.

"Cap... Tama na lasing ka na eh..." Bulong ni Dwayne sa kanya ng tunggain niya ulit ang bote na iyon. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya ng iangulo niya iyon pagilid. Tahimik lamang akong pinapanood sila na pigilan na siya.

Kierra and Kim are immovable dahil mukha na silang waisted, even Dwayne's face is burning red at si Mina, mukhang gusto ng matulog. Syd on the other hand is sleeping on the shoulder of Kim.

"Tangina ko kasi! Hindi ko napigilan! Ang hina ko! " Sigaw ni Ven habang patuloy na inaagaw ang bote kay Dwayne. Puno ng galit ang malakas niyang boses, bakas doon ang pagsusumao at ang inis sa bawat salitang binibitawan niya.

"No... Cap... Lasing ka noon. Hindi mo alam ang nangyayari..." Dwayne rebutted her argument pero marahas lang siyang inilingan ni Ven. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan nila pero hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.

"No! Pumayag ako! Alam ko lahat! I can even recall every second! Damn, liit. Hindi ko siya kayang tignan dahil doon." She said and started to tear up habang unti-unting pinapaubaya kay Dwayne ang bote ng alak.

"Cap..."

"No... Hindi ko siya matignan sa mata! Hindi ko siya mahawakan dahil sobrang naguguilty ako! She's doing everything for us, pero ako tinarantado ko siya! Tangina, Hindi ko masabi sa kanya... hindi ko kayang sabihin sa kanya!" Her silent tears became loud as she told that to Dwayne, hindi ko namamalayan na kahit ako ay naiiyak na habang tinitignan siyang nagkakaganon. Ang bawat hagulgol niya ay parang patalim na tumatarak sa dibdib ko. Ang sakit-sakit niyang tignan na ganito, sirang-sira.

I can feel my inside heating, ung loob ko napupuno na... Sobrang init ng pakiramdam ko na hindi ko na siya kayang panoorin ng ganoon ang ayos at hindi ko na kayang irehistro ang mga sinasabi niya. I could almost conclude what she is pertaining pero itinatanggi ng utak ko!

"Liit, baka hindi na niya ako tignan ulit kapag sinabi ko, baka hindi ko na siya mahawakan ulit kapag sinabi ko. I don't want to lose her pero hindi kaya ng konsensya kong tanggapin ung pagmamahal niya, hindi ko deserve 'yun... ang sakit-sakit." I can feel my heart breaking, again... by just hearing her say those thing.

Nararamdaman kong nasasagad na bawat pagtitimpi ko at pag-unawang meron ako sa kanya... Hindi ko kayang marinig kung ano man ung sasabihin niya pero hindi ko rin magawang umalis...

"I had sex with Bea, I cheated on her... I fucking did that..."


Para akong nabasag ng marinig iyon, panandalian pa akong nabingi habang tintignan siyang umiiyak sa harapan ni Dwayne...

I can feel my body reaching its maximum capacity to do work, ramdam ko ung pagod at hina ko ng marinig ko iyon sa kanya. I can even feel how I overworked myself for the past few weeks ng hindi napapansin but now, hearing her tell me this... alam ko... alam kong hindi ko na kaya.

Sagad na sagad na ako...

Even Dwayne is tearing up in front of her, naramdaman ko pa ang hawak ni Monique sa balikat ko pero hindi ko nilihis ang mga mata kong lumuluha at tinitignan si Ven, she's drunk and her drunk thoughts are more painful... ang sakit-sakit niyang panoorin habang patuloy na nilulunod ang sarili sa alak.

Kung netong mga nakaraang araw ay paulit-ulit niya lang akong sinasaktan and I feel so hurt not knowing the truth behind her coldness in me and the avoidance that she is doing... ngayong alam ko na... gusto kong humiling n asana hindi ko na lamang narinig... nalaman... tangina.

Galing na mismo sa bibig niya... ang sakit, putangina.

"I can't tell her, hindi ko kayang makitang galit siya sa akin... I couldn't have the guts dahil naiisip ko pa lang na kamumuhian niya ako dahil sa pagkakamali ko pakiramdam ko pinapatay na ako..." patuloy niyang bigkas kay Dwayne.

"Cap..."

"Ang tanga-tanga ko! Isang gabi lang! Isang gabi! Tinapon ko lahat! Dwayne naghanda siya para lang makausap ako! Tangina, nakatulog na nga siya habang inaantay ako, tinititigan ko lang siya! Tumitig lang ako habang natutulog siya! Ni hindi ko siya mahawakan. Pakiramdam ko hinding-hindi ko na siya pwedeng hawakan ulit!" She's lashing out while I cry there in silence while watching her pain.

"Aryanna..." Ang tawag ni Monique ay hindi ko napansin dahil kahit ako ay nablablangko na sa kanya.

"I want to tell her I love her, sobra... sobra... pero hindi ko na magawa. I even joined that national team, no distractions allowed para lang makaiwas sa kanya... tangina bawat araw na dumadamadaan na hindi ko siya kasama para akong nauubos, liit." Hindi ko na napigilan ang paglapit sa kanya ng malaglag na siya sa kinauupuan niya sa sobrang kalasingan.

Dwayne's figure cannot support her na sumalampak na siya sa sahig.

"Aryanna..." Gulat na gulat na bigkas niya pero I don't have time to even look at her, my blurry vision because of tears are only focused on Ven.

"Don't tell her I picked her up. Monique tulungan mo ko." I said kaya agad naman gumaya si Monique para tulungan akong itayo si Ven. Her body is screaming the aroma of mixed liquors and cigarettes!

Walang salita akong lumabas ng bar akay-akay si Ven habang si Monique naman ay inaalalayan din siya. Dwayne was just left frozen there, mukhang hindi alam ang gagawin.

Monique immediately open the door of the backseat at tinulungan akong ipwesto si Ven doon. Matapos iyon ay agad niya akong binalingan.

"Aryanna..." Umiling ako sa kanya bago napaupo sa mga binti ko. Hindi ko na napigilan pa ang hagulgol ko sa nangyayari.

I can feel my heart breaking ng yakapin na ako ni Monique. Her soft comforts make me bleed more figuratively on the insides. Sukang-suka na ako sa mga nangyayari. Para akong nabablangko habang umiiyak sa mga braso ni Monique.

"Ayoko na... pagod na pagod na ko..." mahina kong bigkas kaya mas lalo lang hinigpitan ni Monique ang yakap niya sa akin.

"Ubos na ubos na ako..."













Tahimik ako buong byahe papunta sa condo namin. Even Monique couldn't talk to me dahil parang lumulutang na ako. She just let both of us go, kahit pa hirap ako kay Ven dahil sa bigat niya ay mukhang hindi ko na nararamdaman dahil blangko na ang utak ko sa kanya.

When we reach her unit ay agad ko siyang isinalampak sa sofa.

She's half asleep already. Hindi ko magawang tignan ng matagal ang mukha niya dahil para akong paulit-ulit na pinapatay habang tinitignan siya. She's so wasted.

Marahan kong tinanggal ang sapatos niya, kumuha na rin ako ng pamalit niya kahit pa hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan. When I reach back to her, I fix the basin next to me and slightly damp the towel there para mapunasan ko siya. I remove all her clothes and leaving only her undergarments.

Kada haplos ko sa kanya ay para akong napapasao, hindi dahil sa sensasyon kundi dahil sa sakit.

"Y-you look... familiar..." Mahina niyang bulong habang pinupunsan ko ang katawan niya. Her eyes are open a little kaya mukhang naaninag niya ako. I bit my lower lip ng marinig ko na naman ang boses niya at parang guguho na naman ako anymoment.

"Y-you know Y-yanna?" She lowly whisper pero hindi ko pinansin iyon at mariing kinagat ang labi ko. I can feel my eyes crying again upon hearing her.

As I can be quickly enough with cleaning her, sinuotan ko na agad siya ng damit. I couldn't even touch her properly. Nanginginig na ang buong katawan ko sa emosyonal na sakit...

"Please t-tell her I love her..." Hindi ko na pigilan ang mga luha ko at napalingon kay Ven.

Her eyes are shut but series of tears are flowing there, I don't know if she sobers up per nakapikit lang siya doon.

Naestatwa na ako roon habang palihim siyang pinapanood.

"T-tell her, I'm sorry... I'm so sorry... Mahal na mahal ko siya..." Mahina niyang bulong at unti-unting binuksan ang mga mata niya. She's still crying at deretso lamang ang tingin sa kisame.

Marahan ko namang tinakpan ang bibig ko ng parehas kong kamay para hindi ako makagawa ng ingay sa pag-iyak as I can feel the pain in front of her.

"P-please tell her that I'm sorry... sorry... sorry... I love her... I'm sorry... love her... sorry... Yanna..." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko matapos makitang ipinikit niya ang mga mata niya para makatulog na.

Ang bigat-bigat sa puso ko habang tinitignan siya ng ganon kalapit pero hindi ko siya maabot dahil ubos na ubos na ako. Walang-wala na ako.

I try to come closer to her... I bite my lower lips hard enough para hindi iyon manginig sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Her beautiful face is now soundly sleeping in front of me. Marahas pa akong tumingala para pigilan ang mga luha ko. I can feel my whole body shaking as I look at her subsiding into her sleep.

"I love you... and I guess I will always do. Pinapatawad na kita, pinapatawad ka na ni Yanna." Mahina kong bulong sa kanya.

"Please be happy, Ven. Kahit hindi na ako ang dahilan, kahit wala na ako. I don't want you to blame yourself for this... Hindi ko kayang unti-unti mong sinisira ang sarili mo sa isang pagkakamali lang... I'm hurt but I don't want to hurt you in return. So please be happy..." I said at marahan ko siyang hinalikan sa noo, crying myself for the last time and feeling her for the last time.

"Thank you, Ven. You are the most precious matter that I've ever known... I hope the universe itself would know about you too... how amazing you can be... how you can fill up every void in my life and how you can stabilize me... Good bye, my love."

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
Thorns Of Juliet By ㅤ

General Fiction

30.7K 1.4K 28
thorns are buried deeply in her bones.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.3K 177 26
Can a damaged soul love again? Could you mend the shattered crystals inside my heart? Could you find the misplaced pieces inside my brain? They say...