Wicked Witch

By crestnotfallen

30.7K 1.2K 215

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 7

660 34 4
By crestnotfallen

Dahan dahan kong minulat ang mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame na mistulang pamilyar sa akin. Inilibot ko ang tingin sa paligid saka napagtanto kung nasaan ako.

Bumangon ako agad doon saka mariing pumikit dahil sa pagkahilo nang bigla akong umupo.

May narinig akong tumikhim.

"How are you feeling?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakahilig si Levi sa pader na malapit sa kama na kinahihigaan ko rito sa infirmary. Magkakrus ang mga kamay nito sa dibdib habang seryoso ang mga mata nitong sinusuri ako. Nag-iwas ako ng tingin para sipatin ang sarili.

My blouse was torn dahil sa paghila ni Amanda kaya ang jacket pa rin ni Levi ang suot ko. Nakalislis lamang ang manggas dahil nilagyan ng gamot at bondage ang mga tinamo kong sugat.

Amanda, that bitch.

"Raegan nako talaga kayong bata bakit ba kayo nagpapatayan at sa rooftop pa? Paano kung walang nakakita sa inyo doon?"

My eyes went to Ate Lala. Mula sa pagkuha ng tubig sa water dispenser sa gilid ng clinic ay dali dali itong lumapit sa akin.

"Anong nangyari?"

I asked in a flat tone.

Binalik ko ang tingin kay Levi. Mariin pa rin itong nakatingin sa akin. I got immediately conscious. Pasimple kong hinawi ang buhok ko dahil naalala kong magulo pala iyon dahil sa pagsabunot sa akin kanina.

"Sumugod si Madam dito nang malaman ang nangyari sayo. Galit na galit siya Raegan!", si Ate Lala.

Pero hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil alam ko na iyon ang gagawin ni Mamita. Nakatutok lang ang mata ko kay Levi dahil siya ang gusto kong sumagot sa tanong ko dahil alam panigurado nito ang nangyari.

Kinabahan ako bigla nang humakbang siya palapit sa akin. Umupo ito sa bed na katabi ng kamang kinauupuan ko.

"You fainted. Ilang oras ka ring tulog."

Tinignan ko lang si Levi at naghihintay na dugtungan niya ang sinabi dahil gusto kong malaman kung nangyari ang inaasahan kong mangyari kay Amanda.

Bumuntong hininga si Levi dahil sa paghihintay kong magsalita pa siya.

"Your Mamita directly went to the Chairman. Pinatawan ng suspension si Amanda pati na rin ang tatlong babae kasama ang kapatid ko na pinuntahan ka sa rooftop. But Madam wants them to undergo expulsion lalo na si Amanda."

That is what I wanted to hear. I want to smirk but I refrain myself from doing so.

"The girls were interviewed at nalaman na kaya nangyari iyon was because you triggered Amanda to hurt you by throwing foul words against her Mother. Kaya pati ikaw ay napatawan ng suspension. Although mali nga lang na sinaktan ka niya nang ganoon to the point that she even wanted you to fall from the rooftop."

The school supports the Campaign against Bullying and the issue we're involved with falls under that case. Both of us did verbal bullying, I know. Kung salita lang ang ginamit namin para masaktan ang isa't isa ay ayos lang sana lalo na kung walang makakarinig na school personnel.

I wanted her to hurt me, yes. Because I want her to be suspended from school lalo na at may CCTV para sa ebidensya. But what she did is beyond that. She purposely wanted me dead by pushing me to the brink of the rooftop while gripping my neck. Amanda seriously put someone in danger while she was within the school grounds at bawal iyon. That's one rule she bent for her to be a subject for expulsion. Siguro naman hindi ko na kasalanan iyon.

I want her to hurt me but it's her own doing when she wants me dead.

That bitch. I told her that she was digging her own grave by going against me.

Why would I be guilty? I want her to learn her lesson. In her case, I want her to learn in a hard way. Para sa susunod, hindi niya na ako babanggain.

Ilang minuto akong nanatili doon sa clinic nang magsabi ako na gusto ko nang umuwi.

Paglabas namin ni Ate Lala doon ay lumingon agad sa direksyon ko ang mga estudyanteng malapit lamang sa clinic. Alam na siguro ng mga ito ang nangyari. Nagkaroon ng bulong bulungan pero hindi ko iyon pinansin.

Inalalayan ako ni Ate Lala habang nakasunod naman sa likod namin si Levi. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Siguro ay dahil kaibigan ng kapatid nito ang nanakit sa akin, maybe he partly felt responsible again.

Hindi pa kami nakakalayo papunta sana sa sasakyan namin na nasa parking lot ay nakita ko si Amanda kasama ng Nanay nito na naglalakad din papunta sa parking lot. Umiiyak ang Ina nito habang bakas kay Amanda ang galit. Mamita was nowhere to be found. Baka nandoon pa ito sa office ng Chairman.

Dumapo ang mata ni Amanda sa akin. Mas lumalim ang gitla sa noo nito saka nagmamadaling lumapit sa akin.

Levi immediately went in front of me.

"You!"

Dinuro ako ni Amanda. Nakita ng nanay nito kung sino ang nilapitan ng anak kaya natataranta itong lumapit sa amin. Ang mga atensyon naman ng nasa paligid ay nasa amin na rin.

"You planned this! Masaya ka na? Ikaw ang nag umpisa nito pero ako ang mas higit na pinarusahan! You manipulative bitch!"

My face remained impassive. Habang si Amanda, kitang kita rito ang pagkamuhi sa akin.

Pinigilan ito ng Nanay nito ngunit nagpupumiglas si Amanda.

"Tutal maeexpel na rin naman ako, susulitin ko nang sabihin kung gaano kabalahura ang ugali mo Raegan!"

Hindi na ako nag abalang magsalita. Ang ganti ko ay sobra pa para sa kaniya kaya hinayaan ko siyang sabihin ang mga bagay laban sa akin na matagal ko nang alam.

Hindi naman nagtagal ang kakangawa niya dahil tinulungan na ng mga guards ang Ina nito para ilabas siya sa school dahil gumagawa na ito ng komosyon.

Hinayaan ko si Levi na ihatid kami sa sasakyan. Masyado na akong pagod para ipagtabuyan pa siya.

While waiting for Mamita to finish talking with the Chairman, we waited for her from the car. Nasa labas ng sasakyan si Ate Lala at Kuya David habang nakaupo ako sa back seat. Naroon pa rin si Levi sa bukana ng pintuan ng sasakyan at tahimik na inoobserabahan ako.

I can sense how he wanted to talk to me just by the multiple deep sighs I can hear from him.

Bumuntong hininga ako. My eyes are still focused on the front without looking at him.

"Why? Are you disappointed with me too?", tanong ko dahil iyon ang nararamdaman kong iniisip niya dahil sa nangyari kanina.

"I didn't say that.", maagap na tanggi nito.

"Then stop making me hear you sigh only to let me feel like you are."

"I'm not disappointed. I just didn't expect you to do this.", marahang sagot nito.

I furrowed my brows.

"That's just the same."

"I understand why you did what you did, Raegan. I just didn't expect that you'd resort to ways that can bring harm to you as well."

Natahimik ako sa sinabi niya at hindi sumagot. Narinig ko ulit siyang bumuntong hininga.

"Do your bruises hurt?", tanong nito maya-maya.

"No.", sagot ko.

But when he touched my arm and slightly hold it, I winced in pain. Binitawan niya ako agad.

"Do you always find pleasure in pain?", he pointed out.

Tinapunan ko siya ng tingin.

"Ano ngayon sa'yo kung ganoon nga?", naiirita kong tanong. "You're overly prying on my life! Why? Who do you think you are?"

His eyes are still glued at me, void with any expression. Mistulang wala itong pakialam sa kung ano man ang mga sinasabi ko sa kaniya.

He slightly tilted his head to the side as he stared at me like I'm a complicated equation that he's trying to solve.

Naroon na naman ang mga mata niyang waring pinipilit akong basahin at intindihin.

"Why are you doing this?", maya-maya ay tanong niya. "Whenever you're hurt, you always try to inflict pain on others."

"Shut up, Zardeleja.", I said through gritted teeth ngunit nagpatuloy pa rin siya.

"Is this how you rebel against your father? By hurting others just because you're hurt?"

Nagpupuyos ang galit na gumalaw ang kamay ko para sampalin si Levi.

I'm shaking in anger as I look at him with complete animosity.

"Shut your mouth.", nangigigil kong pahayag.

Mula sa pagkakasampal ay unti-unti niyang binalik ang tingin sa akin. Ngumisi siya nang saglit na hinawakan ang namumula niyang pisngi na nasaktan saka muling bumaling sa akin.

"I really hate you, Zardeleja."

I'm already fuming with anger, but he remained calm kaya mas nainis ako.

Ngumisi siya.

"Well, I don't hate you. I just hate what you slowly become. You're not a monster, Raegan. It's what lives in you. But you always keep on letting it win. If you're strong enough as what you believe you are, destroy it before it eventually consumes you. Remember, a fire that is ignored is a fire that will grow more. You don't want that to burn you completely, do you?", makahulugan niyang sambit.

Saglit na naglaban ang mga tingin naming dalawa nang siya na ang unang bumitaw bago siya tumalikod at naglakad paalis.

I watched his retreating back while still fuming in anger.

Pag-uwi ay padabog akong umakyat sa kuwarto. I know that Mamita wants to talk to me. Si Dada rin na sinalubong pa ako sa pagbaba ng sasakyan ay tumahimik na lang nang nilampasan ko siya at dali-daling pumanhik sa hagdan para umakyat sa sariling silid.

Pagpasok sa kuwarto ay hindi na ako nag abalang buksan pa ang ilaw. After I loudly shut the door, I threw myself on my bed, reached for a pillow to cover my mouth, and screamed in utter annoyance.

Pinikit ko ang mga mata habang nanatiling ganoon ang posisyon.

All the things that Levi said keep ringing in my head.

I really hate him.

Kinabukasan, dinama ko ang sakit ng katawan. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod, sakit ng katawan, at inis kagabi.

Napasabunot ako sa buhok nang lingunin ang sarili. I'm still wearing my clothes since yesterday including Levi's jacket. And speaking of the devil, I was again reminded of what he said to me yesterday. Naiirita akong bumuntong hininga.

Marahas akong tumayo mula sa kama at tinignan ang wall clock na nakalagay sa gitnang bahagi ng malawak kong kuwarto. It's 7 am already.

It's a weekday today. May pasok pero nandito pa rin ako sa bahay. Today is the start of my suspension tulad na rin ng sinabi ni Levi kahapon.

Dali-dali na akong kumilos papunta sa banyo para maligo.

After taking a bath, I wore a comfy housewear. Ang hapdi ng mga sugat ko sa braso nang maligo ako kanina. Naiinis na sinuri ko ang mga kalmot ng kuko ni Amanda sa akin. There were too many scratches! Halatang halata pa ang pamumula nito dahil sa maputi kong balat.

Sinuklay ko na ang mahabang buhok ko na nasabunutan din kahapon para bumaba at kunin ang first aid kit sa kusina para gamutin ang mga sugat ko.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa harap ko si Ate Lala na may dalang tray ng breakfast ko. Akmang kakatok ito nang maunahan ko siyang buksan ang pinto kaya tumama sa akin ang daliri nito.

"Damn it.", naiiritang bulalas ko nang tumama sa noo ko ang kamay niya.

Nagulat ito sa akin at ngumiwi.

"Raegan! Naku pasensya na!", agad agad na agap nito.

I rolled my eyes at her irritatingly.

"Sa baba na ako mag-aagahan. Gagamutin ko pa itong sugat ko."

Bumaba ang tingin ni Ate Lala sa braso ko saka sumimangot.

"Tignan mo tuloy ang ginawa ng babaeng iyon sa balat mo! Naku! Eh kahit nga peklat o galos wala ka pero nagawa niyang kalmutin ka nang ganito! Dapat talaga na mapatalsik siya sa eskwelahan niyo!", maya-maya ay pagbawi na turan ni Ate Lala.

Umiling lang ako saka nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan. Nakasunod siya sa akin hanggang makarating kami sa dining area na karugtong ng kitchen.

Nadatnan kong kasalukuyang kumakain si Mamita at Dada roon.

Umangat ang tingin nila sa akin. Ate Lala immediately put down my breakfast on the table and fix it.

Nabaling ang atensyon ng mata ni Dada sa braso ko.

"That was from yesterday?"

Seryoso ang boses nito. Naglakad ako palapit sa usual seat ko doon at umupo.

"It's just a scratch.", balewalang sagot ko.

"That girl deserved to be expelled. I got a copy of the CCTV footage. Napanood ng Dada mo ang nangyari. Ipapakita ko ito sa Daddy mo.", Mamita furiously said.

Huminto ako sa pag-inom ng gatas. Binaba ko iyon at pinunasan ang bibig ko gamit ang table napkin.

"Don't bother.", walang gana kong sagot dahil alam kong wala rin namang pakialam iyon sa nangyari.

"But he should know! Muntik ka nang mahulog mula sa rooftop, Hija!"

Nag-iwas ako ng tingin kay Mamita.

"Things like those are serious issues Raegan! Dapat na mas higpitan ang security ng school niyo dahil sa mga ganitong sitwasyon!", dagdag pa nito.

I deeply sighed. I cut a small portion of my pancake and feed it to my mouth.

"It was my fault.", I admitted after.

Natigilan si Dada at Mamita sa pagkain. Ganoon na rin si Ate Lala na katatapos nag-ayos ng pagkain ko.

"What do you mean, Hija?", Mamita asked.

"The rooftop was forbidden for students pero pumunta pa rin ako doon. I lead Amanda to hurt me. Alam kong may CCTV doon. And once the accident happened, may patunay na siya lang ang nanakit at hindi ako gumanti. I intentionally want her to be kicked out of the school or get suspended at least. I orchestrated everything.", tuloy-tuloy kong pahayag like it's nothing serious.

Suminghap si Mamita na waring hindi inaasahan ang sinabi ko habang tahimik lang si Dada na nakatingin sa akin.

"Bakit mo ginawa 'yon Raegan? Ano bang iniisip mo? Paano kung mas masahol pa ang ginawa niya sa'yo dahil doon?"

Hindi alam ni Mamita kung papagalitan niya ako dahil sa nalaman ngunit mas nanaig ang bakas ng pag-aalala sa boses nito.

Pinaglaruan ko ang pagkain ko sa plato.

"I just feel like it. I thought it was fun.", I stated nonchalantly because I no longer want to explain myself anymore. I'll just let them think badly about me. That would be easier.

Narinig ko ang pagbaba ng kutsara at tinidor ni Dada sa plato nito dahil sa narinig.

"Raegan..."

Panimula nito.

I shrugged my shoulders and just ate silently.

Nasapo ni Mamita ang noo nito at umakma pang pagsasabihan ako ngunit nakita ko ang paghawi ng kamay ni Dada rito upang pigilan itong magsalita. The whole time of eating was like walking on eggshells because of me.

Nagmadali na lang akong matapos doon. I excused myself after I finished eating and then leave the dining area.

Nang makabalik sa kuwarto ay tinulungan ako ni Ate Lala sa paggamot ng mga sugat ko. Tahimik lang kaming pareho hanggang sa bumaba na rin ito at naiwan na akong mag-isa roon.

Hinanap ko ang bag ko. Nakita ko itong nasa study table ko. Siguro ay kinuha na rin ni Ate Lala noong nasa clinic ako kahapon.

Hinalungkat ko iyon para kunin ang cellphone ko. I searched for Zara's number.

Alam ko na hindi rin ito pumasok dahil kasali siya sa mga nasuspend. Kumpara sa akin na sampung araw nasuspend, si Zara ay tatlong araw lang dahil hindi naman ito nakigulo. Ang offense lamang nito ay pumunta ito sa rooftop kahit bawal at siya ang nag udyok kay Amanda na puntahan ako roon.

I hate what I'm starting to feel after I think about what had Levi said yesterday. Paulit-ulit na pumapasok ang lahat ng sinabi niya sa utak ko and I hate it more because I can't admit that he's right. And because of him I'm doing things that I really hate since I've never done it before.

Ilang beses nagring ang tawag bago sagutin iyon ng nasa kabilang linya.

"Hello?", I heard Zara answer in the other line with her hoarse voice. It looks like she just woke up.

"It's me.", panimula ko.

Saglit na natahimk ang kabilang linya at hindi siya umimik.

"What do I owe this call for?", maya-maya ay tanong niya nang mabosesan ako.

"Tell Amanda to meet me at the coffee shop near my house at 10."

"But you're not allowed to see each other because of what happened.", she hesitated.

"It won't take long. I just have something to tell her. We won't be alone anyway. You're coming with me.", I stated without even asking her permission to come.

"But Raegan--", nag-aalangan pa rin na sabi niya ngunit pinutol ko ito.

"10 am sharp at the coffee shop near my grandfather's house. Meet me there and make sure she'll come.", mabilis kong saad saka pinutol ang tawag.

I glanced at the wall clock and decided to go over to my closet.

It's about time I get ready for later.

----------------------------
Follow
wattpad: KM_wrights
IG: KM_wrights
facebook: KM wrights

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
22.9M 586K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
20.9K 1K 14
Mighty Jocks Series Book # 01