Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 23

1.1K 63 3
By CrabLamb

To Nathalie,

Sorry hindi ako nakapag text ng tatlong araw, bugbog kasi ang katawan ko dahil sa mga mall shows. Gigising ako ng late, tatawag si Kieffer ng galit para bigyan ako ng maagang sermon, mag ma-mall show tapos uuwi ng condo na kama na lang ang hinahanap hanap ko. 

Oh? huwag kang mag alala, bago mo ako sermunan ay nagpapabili ako kay Vicky ng giniling sa 7Eleven bilang tanghalian ko palagi. Iyon yoong sinasabi mong pang lamang tiyan mo noong tinuruan mo ako sa role ko dati, hindi ba? Noong itinuro mo saakin iyon ay hindi man lang ako nakatikim dahil hindi ko talaga gusto ang itura niya, akala ko talaga ay sasabihan mo akong maarte noon pero sa halip ay sinabi mong 'candy na lang ang sipsipin mo'. 

Ngayong natikman ko na, mukhang alam ko na ang ipangbabawi ko saiyo pag-uwi mo dito sa Maynila. Kailan ka ba babalik? Sana matapat sa magandang schedule, kung hindi man ay handa akong umabsent ng isang araw na shoot para saiyo.

May regla ako kaya detalyado ang message ko, miss na miss na kita Nath. Kahit pa noong chineck ko ang phone ko after 3 days at wala kang message ay hindi ako nagtampo, slight lang. Baka kasi inaayos mo na ang paper works dahil nahuli niyo na ang salarin, hindi ba matrabaho iyon? Hehehe.

Reply ka kapag nagkaroon ka ng free time. I love you.

Sarah.


Pinaikot ikot ni Sarah ang kaniyang cellphone gamit ang mga daliri. 

Ang mensaheng iyon ay halos isang linggo na mula nang maipadala, akala ni Sarah ay hindi lilipas ang bente kwatro oras bago makapag reply si Nathalie pero walang dumating. 

Ang mga sumunod niyang mensahe roon ay maiikli na lamang, minsan may panunuyo at minsan naman ay may pag-uuyam. Iniisip kasi ni Sarah kung nagtatampo ba ang kaniyang nobya kaya hindi siya nito nire-replyan o talagang abala lang ito sa trabaho.

Sinubukan na rin niyang tawagan si Wojtek kaso hindi rin ito nasagot, pabiro pa nga siyang nag konkluda na nagtanan ang dalawa pero alam naman niyang kahit ayain ni Wojtek si Nathalie ay hindi iyon papayag. 

Hindi naman niya matawagan ang ibang kasamahan nito sa NBI dahil wala siyang contact, kung mag-aabala pa siyang pumunta roon ay hindi iyon makakaligtas sa kamera. Kung uutusan naman niya si Kieffer o ilang assistant niya ay masyado nang marami itong pinagkakaabalahan para dagdagan pa niya.

Napahinga na lamang ng malalim si Sarah, wala talaga siyang magagawa kung hindi ang maghintay. 

Naputol naman ang pag-iisip ni Sarah nang may kumatok sa kaniyang pintuan.

Medyo nagtaka naman siya dahil wala siyang inaasahang bisita, hindi naman din Sabado para pumunta ang taga linis ng kaniyang condo.

Baka ang kaniyang manager na si Kieffer? Pero nagbibigay ito ng abiso bago pumunta sa condo niya. Kung biglaan man ay sasabihin nitong siya iyon matapos kumatok.

Naglakad si Sarah patungo sa harapan ng kaniyang pintuan at tumingin sa peep hole.

Napakunot naman ang noo niya nang walang makitang tao sa kabilang parte ng pinto, pinihit niya ang doorknob upang buksan ang pintuan.

Bahagya siyang lumabas ng kaniyang condo upang tumingin ng kaliwa't kanan, ngunit naputol rin yoon nang madanggi ng kaniyang paa ang isang kahon.

Napakunot naman ang noo ni Sarah nang makakita ng isang pulang regalo na nababalot ng kulay pilak na laso sa kaniyang paanan.

Pribado ang condo na tinutuluyan niya at may ilang artista rin na dito namamalagi dahil hinding hindi pinapayagan ng may ari na pumasok ang fans dito. Imposibleng galing ito sa isang fan niya. 

Lumuhod naman si Sarah ng bahagya upang kunin ito, matapos ay pumasok muli sa kaniyang condo.

Inilagi niya ito sa ibabaw ng Island counter at dinial ang numero ni Kieffer, hindi niya kaarawan kaya medyo kahina hinala ang makatanggap ng regalo. Sigurado rin naman siyang hindi nila monthsary ni Nathalie. 

Umikot naman ang mata ni Sarah, as if naman na mage-effort ang kaniyang nobya sa materyal na bagay. 

"Hello," bungad ni Sarah nang sagutin na ni Kieffer ang tawag.

Dumako ang tingin nito regalo, "Nasaan ka?"

"Bakit?" tanong ni Kieffer sa kabilang linya, "Marami akong ginagawa Sarah, wala akong oras para samahan kang bumili ng damit mo."

"Hindi iyon," tanggi ni Sarah habang hinahaplos ang regalong natanggap, "May nagpadala lang saakin ng regalo, I wonder kung galing saiyo?"

"Oh?" tanging nasabi ni Kieffer tila ba nagulat.

Namutawi naman ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, tatlo lang naman ang nakakaalam ng condo na tinutuluyan ni Sarah.

Si Sarah, si Kieffer, at si Nathalie. May ibang artista rin namang nakakakilala sakaniya sa condo ngunit hindi nila sila ganoong close para bigyan si Sarah ng regalo.

Isa malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Kieffer, "Nasa Glorietta ako Sarah, hinding hindi ako magkakaroon ng oras para bigyan ka ng regalo."

Nakumpirma iyon ni Sarah dahil maingay ang paligid ni Kieffer sa kabilang linya, kung gayon ay si Nathalie? Ito na ba ang sagot na isang linggo na niyang inaantay.

"Buksan mo na lang, Sarah. Malay mo naroon ang sagot," suhestyon ni Kieffer na tila iyon ang pinaka mainam gawin.

Bahagya lang nag-alala si Sarah, sa isang artistang tulad niya ay dapat alarma siya sa mga regalong natatanggap. 

Naalala pa niya noong nag bukas siya isang beses ng mga regalo noon galing sa fans niya, isa sa mga iyon ay patay na pusa, halos tatlong linggo rin siyang hindi nakakain ng maigi noon dahil may kasamang pagbabanta pa sa buhay niya ang letra doon.

Inilapag ni Sarah ang kaniyang cellphone sa tabi ng Island counter, "Wag mong papatayin ang tawag."

Hinila ni Sarah paluwag ang laso at lakas loob na binuksan ang kahon.

Ang unang bumungad sakaniya ay isang letra na naglalaman ng pangalan niya. Napakurap siya nang mapansin ang pamilyar na sulat kamay.


Sarah,

Natatanggap ko ang mga mensahe mo at gusto kong manghingi ng pasensya dahil hindi ako nakakapag reply. 

Dahil ba sa nagtatampo ako? Hindi, hindi ko nga mapigilang mapangiti habang pinapanood ka sa telebisyon dito sa Inn na tinutuluyan ko. Katulad ng pangako mo ay hindi mo nga hinahayaan ang kapal-kilay mong ka love team na hawakan ka sa baywang.

Dahil ba sa trabaho ko? Siguro, may koneksyon. Masyado ko yatang nilublob ang ilong ko sa tubig ng matagal kaya nangyari saakin ang pinaka dahilan ng hindi ko pag sagot. 

Napakunot naman ang noo ni Sarah sa bandang iyon ng sulat.

Gusto ko rin humingi ng tawad, noong huling magkausap tayo ay nag jogging ako sa labas at nakalimutang magpaalam saiyo. Mayroon kasing tanong na sumagi sa isip ko na sa huli ay maling desisyon rin ang aking napili. 

Pinadala ko itong regalong ito, tanda ng pagtupad sa huli nating usapan. Sana ay magkaroon ka ng pasensya na hintayin lahat ng susunod.

Lubos na nanghihingi ng pagpapatawad,

Nathalie.


Ibinaba ni Sarah ang sulat sa labas ng kahon.

"Anong nakita mo?" tanong ni Kieffer.

Hindi naman nakasagot si Sarah dahil hindi pa niya sigurado, tunog ni Nathalie pero sulat kamay ni Wojtek ang liham.

Nag-uyam ang loob ni Sarah at napapikit, pinilit na huwag bumuhos ang pagdududa sa kaniyang ulo at kinuha ang sumunod na bagay sa loob ng kahon.

Voice recorder.

Dalawa lang naman ang pindutan roon at halata naman kung alin ang pang record, pinindot ni Sarah ang isang pindutan upang pakinggan ang pinaka bagong record.

"Bumalik ka sa akin ng buhay ha? Kailangan buo."

Halos mabitawan ni Sarah ang video recorder nang marinig niya ang sariling boses, inabot lamang iyon ng halos limang segundo pero sapat na upang manindig ang kaniyang mga balahibo.

Iyon ang mga huling katagang sinabi niya kay Nathalie nang huli silang mag-usap sa telepono, pero masyado na itong busy kaya hindi niya inisip na maririnig pa ng nobya iyon. 

Paanong na record ang mga sinabi niya? May nangialam ba ng cellphone ni Nathalie.

Dumako naman ang paningin muli ni Sarah sa kahon, may isa pang laman iyon na nakabalot sa itim na tela.

"Sarah?" pagkuha ni Kieffer sa atensyon ni Sarah pero hindi ito natinag, sa halip ay kinuha ng dalaga ang itim na tela at dahan dahang binuksan ang laman nito.

Sa lakas ng sigaw ni Sarah ay paniguradong narinig siya ng mga kalapit niya sa condo.

"Sarah?!" tawag muli ni Kieffer sa kabilang linya, "Anong nangyayari?! Bakit ka sumigaw?!"

Kaliwang kamay ni Nathalie ang nakabalot sa tela.

Mutilated.

Nakilala ni Sarah dahil sa tattoo na singsing nito sa palasingsingan, mayroon siyang tattoo na kaparehas na tinatakpan niya lang ng concealer. 

"Nathalie..." hindi makapaniwalang sambit ni Sarah habang nakapikit at umiiyak. 



ITO na ang pangatlo para sa araw na ito.

"Tek," panimula ni Isabella sa kanyang voice message. "It's been four months simula nang huli tayong magkausap at simula rin nang ilabas na ikaw ang primary suspect sa pagkamatay ni Nathalie."

Napakuyom ng labi si Isabella. Dapat bang sabihin niya iyon?

"Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako naniniwala doon." Lumunok si Isabella. "Kaya ka lang naman naging primary dahil ayon doon sa artista na nobya ni Nathalie. Sulat kamay mo daw ang nasa liham na pinadala sakanya kasama noong—"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Isabella.

"Sinungaling ka rin e, 'no? Sabi mo may gusto sa iyo si Nathalie, e'yon pala ay hindi siya interesado sa lalaki. Pinagse-selos mo ako?" biro ni Isabella habang nakatapat ang kanyang cellphone sa labi.

Agad rin naman iyong napawi dahil biglang pumasok ang isang negatibong isipin sa utak ng dalaga.

"Asan ka ba?"

Kinuha ni Isabella ang manikang ginawa niya na kamukha ni Wojtek. Sunod kasi niyang ginawang modelo ang binate matapos ang kanyang ate.

"May sagot na sana ako sa tanong mo."

Pinisil ni Isabella ang mukha ng manika at niyakap ito.

Pinatay na ni Isabella ang recording at pinadala ito kay Wojtek.

Sabado ngayon. Dapat ay may piano lesson siya kasama ni Gareth, pero may medical mission daw itong dadaluhan sa Bataan.

"Isabella."

Naputol ang pag-iisip ni Isabella at naalarma nang marinig ang boses ng kanyang ina.

Kasabay ng pag-bukas ng pintuan ng kanyang kwarto ay ang basta niyang pag hagis ng manika ni Wojtek patago, pero huli na at nakita na ito ng kaniyang ina.

Isang nakakabinging katahimikan naman ang namutawi sa buong kwarto.

"Mas maayos ata ang pagkakagawa mo kay Wojtek kaysa sa Ate mo?"

Napakurap si Isabella sa narinig.

"Alam mo, Ma?" tanong ni Isabella nang lumipat sa kanyang tabi ang ina.

"Pamilya tayo ng mga hindi marunong magsinungaling," ani ni Quiorra, "pero alam kung paano makakita ng sinungaling."

Napa-krus ng braso si Isabella at umikot ang mata.

"Hindi ako suportibo, pero dahil hinayaan ka ng papa at ng ate mo, may magagawa pa ba ako?" sabi Quiorra. Naglapag siya ng isang kumpil ng papel sa ibabaw ng kama ni Isabella.

Napakunot ang noo ni Isabella at kinuha ang papel. "Ano ito?"

"Sa sobrang tagal ay hindi ko na naalala kung saan galing."

Napataas ang dalawang kilay ni Isabella nang mabasa ang titulo at ang pangalan ng kanyang lolo sa unang pahina.

Hindi niya napigilang haplusin ang kalumaan ng tinta na nakatatak sa papel. Nakalagi sa ibaba ng pangalan ng kanyang lolo ang petsa kung kailan ito unang sinulat at kung kailan natapos.

Binuklat niya ang sumunod na pahina, at doon nga niya nakumpirma na isa itong manuskripto. Isang nobela na gawa ng kanyang lolo.

"Akala ko naapula ng apoy ang lahat ng ginawang nobela ni Lolo?"

Napakibit-balikat lamang si Quiorra, "Hindi ko rin alam."

"Bakit mo pa ito itinago, Ma?"

Napatigil si Quiorra sa tinanong ng kanyang anak.

"Ma..."

"Palagay ko lang ay kailangan mo iyang mabasa," walang lingunang sabi ni Quiorra, "Nagandahan lang ako sa paraan ng pagkakasulat ng lolo mo."

Iyon lang ang sinabi ni Quiorra, at matapos ay lumabas sa kuwarto ni Isabella.

Napakuyom ng labi si Isabella at bumaba muli ang tingin sa manuskripto.

"The Puppet Master."

Agad na nilipat ni Isabella ang pahina upang basahin ang unang kabanata.

Wala na sigurong mas sasakit pa kapag namatayan ka ng kabiyak.

Kasabay ng patak ng ulan ay ang tuloy-tuloy na daloy ng luha ng kabiyak nang pumanaw na si Helen. Panay ang habol nito sa kabao ng asawa na unti-unting binababa sa ilalim ng lupa.

Anim na paanan mula sa mundong ibabaw. Sa ganito kalalim, makakaahon pa ba siya?

Iyan ang tumatakbo sa isip ng bunga ni Helen at Mauro na si Noah habang suot-suot ang kurbata na paborito ng kanyang ina.

Oo, naniniwala si Noah. Makakaahon ang kanyang ina mula sa lupang iyon, ngunit sa ibang katawan at hindi sa naagnas na balat.

Sa paanong paraan?

Dala-dala ang nakaugalian mula hilaga kung saan ang mga baba ay laging nakataas, ibinuhos ito kay Noah noong siya ay walang malay.

Dito nga ba nagsimula ang lahat?

Hindi, sapagkat kung dito, magiging isang hamak lamang siya na taga sunod. Mas pipiliin niyang siya ang nakatali habang may hineteng humahampas sa kanya na gumalaw.

Inilipat ni Isabella ang sumunod na pahina na naputol ng malalaking ang sulat ng kanyang Lolo.

Nagsimula ang lahat nang idiretso ng isang hardinero ang mga bali niyang daliri, gamit ang mga stick at sanriyo na magpapagaling ng kanyang mga buto.

Humanga si Noah dahil kahit hindi niya maigalaw ang iba't ibang lastiko sa kanyang mga daliri, napapagalaw niya ang ka-karampot na katawan na gawa sa kahoy. Naka sabit ang mga ito sa sinulid na nakatali sa stick.

Pakiramdam niya ay kahit wala siyang mga buto ay kaya niyang mabuhay, kaya niyang gumalaw, kaya niyang buhayin ang kanyang ina.

Napakurap naman si Isabella. Hindi niya gaanong naintindihan ang binasa.

Binasa na lamang niya ang huling pangungusap sa unang kabanata.

Doon nagsimula ang lahat. Doon rin siya nagsimulang maghanap.

"Maghanap ng ano?" tanong ni Isabella sa huling pangungusap ng unang kabanata.

Sinubukan ni Isabella na sagutin ang kanyang tanong sa pagbabasa ng mga sumunod na kabanata, ngunit tila iba na ang daloy nito.

Para bang ang unang kabanata ay galing sa ibang nobela.

"Anong inspirasyon mo dito, Lolo?"

Hindi alam ni Isabella, ngunit pakiramdam niya ay may mali sa kanyang tanong.

Continue Reading

You'll Also Like

98.6K 6.9K 59
Hallienia, ang babaeng limang taon ng may crush kay Fire Gabis. Sa kagustuhan niyang mapasa-kaniya ang binata, ginamitan na niya ito ng dahas. Nagtun...
1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
2.7K 262 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
7.3M 374K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...