SUBSTITUTE LOVER (R-18)

By maricardizonwrites

4.4M 123K 5.8K

[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estran... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54 [END]
Substitute Lover Physical Book Advance Selling Details

Part 35

71.2K 2K 149
By maricardizonwrites


ISANG LINGGO ang lumipas bago nagawang lumabas ng bahay ni Andrea. Mula nang araw na bumalik siya sa tunay niyang buhay at magkasagutan sila ni Veronica hanggang sa mga sumunod na araw, wala siyang ginawa kung hindi ang mag-isip.

Madalas si Denver ang naaalala niya. Okay lang ba ito? Napansin ba nitong hindi na siya ang Veronica na kasama nito? Naoperahan na ba ito? Nakakakita na ba? Maraming beses na-tempt siyang tawagan o i-text ang kakambal niya para mangumusta. Pero hindi niya ginawa. Sa tingin niya makakabuti para sa kaniya at para kay Denver kung hindi na siya magpaparamdam pa sa mga ito.

Kapag hindi niya naiisip ang binata, nakatitig naman si Andrea sa folder na iniwan ni Veronica sa maliit niyang kitchen table. Binuklat niya iyon pagkaalis nito at nanghihinang napaupo. Naroon nga ang lahat ng impormasyon na kailangan niya. Lahat ng sagot sa mga tanong niya noon sa parents niya, naroon lang sa dalawang pirasong photocopied documents. Paulit-ulit niya iyong binasa hanggang makabisado na niya bawat detalye.

Pero kahit ganoon kinailangan niya ng isang linggo bago magkaroon ng lakas ng loob na lumabas ng bahay para puntahan ang address na nasa dokumento. Ilang oras ang naging biyahe niya bago narating ang destinasyon. Mabilis ang tibok ng puso niya pagkababa niya ng jeep. Maraming beses siya huminga ng malalim at tumitig lang sa nakabukas na gate. Humigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya bago humakbang papasok sa sementeryo.

Hindi siya nahirapan hanapin ang libingan na pakay niya. Nasa bungad lang ng gate iyon, malapit sa pader at sa isang malaking puno ng acacia. May bumikig sa lalamunan ni Andrea, namasa ang kanyang mga mata at kinailangan niya kagatin ang ibabang labi para huwag mapahikbi. Tumalungko siya sa harap ng puntod at hinaplos ang lapida. Wala iyong bahid ng alikabok, patunay na bagong linis. May basket din ng fresh flowers doon na para bang kalalagay lang niyon.

Angelo Lauzon. They gave him the name I want for him. "I'm sorry it took me eight years bago kita napuntahan. Hindi ko intensiyon na hindi ka dalawin. Hindi rin kita nakalimutan kahit sandali lang, anak."

Tuluyang tumulo ang mga luha niya. Hinayaan na rin niya ang sariling humikbi tutal wala namang ibang tao doon. Her heart just hurts too much and she badly needed to cry. Nasasaktan siya na doon nakalibing si Angelo, malayo sa sementeryo kung nasaan ang family mausoleum ng mga Lauzon. Bakit? Bakit dito ka nila dinala, baby?

"Kung buhay ka, mag e-eight years old ka na sana ngayong taon," bulong ni Andrea.

Si Angelo ang naging resulta ng kapusukan niya noong eighteen years old siya. Noong nagpadala siya sa peer pressure at nakipagtalik sa isang estranghero. Ayaw niya ma out of place sa barkada. Kaya sa isang party, nang may lumapit sa kaniya at magpakita ng interes, bumigay agad siya. Ni hindi niya naisip na wala palang ginamit na protection ang lalaki at ni hindi nito tinanong kung safe ba siya.

She did not mind it during that time because she enjoyed herself. Weeks later, she learned that she was pregnant. Nataranta siya at natakot kaya ilang buwan niya iyon nilihim hanggang sa hindi na talaga maitago ang paglaki ng kanyang tiyan.

Si Veronica ang una nakapansin. Sinamahan siya nito kausapin ang parents nila. Naturally, nagalit ang mga ito lalo na nang wala siyang maibigay na pangalan ng lalaki. She got grounded. They forced her to drop out of school and confiscated her cellphone. Muntik na nga siya ipadala sa Amerika kung hindi lang halata na ang malaki niyang tiyan at takot ang mga itong may makakita sa kaniya. Nakulong lang si Andrea sa kuwarto niya. Doktor ang bumibisita sa kaniya at kapag kailangan talaga niya magpunta sa ospital ginagawa niya iyon sa gabi.

Hindi nagreklamo si Andrea kasi alam niyang siya naman talaga ang may kasalanan. That time thankful na siya na hindi siya pinalayas ng parents niya. Hindi niya ininda kahit hindi siya kinakausap ng mga ito. Dahil mag-isa lang siya palagi at walang ibang mapagkakaabalahan, maghapon lang niya kinakausap ang baby sa tiyan niya. Natatakot siya at kinakabahan kung mapapanindigan ba niya maging ina pero isa lang ang sigurado niya. Mahal niya ang baby niya. The only thing that was keeping her sane and strong was the thought of seeing her baby get born.

Kaya matindi ang naging epekto sa kaniya nang pagkatapos ng ilang oras na hirap sa panganganak ay hindi niya narinig ang iyak ng sanggol. The doctor said her baby boy was stillborn. They said it probably happened because she had an intense bleeding during her labour. Nadurog ang puso ni Andrea nang ipatong ng nurse ang walang buhay na baby sa dibdib niya. He was so beautiful but smaller than normal. He looked like an angel. And she will never see him smile.

Nag breakdown si Andrea nang araw na iyon. Hindi lang siya basta umiyak, humagulgol siya ng malakas. Niyakap lang niya ang baby niya at hindi iyon binitawan. At nang sapilitan iyon kinuha ng nurse nagwala siya. "No! Angelo! Angelo! Don't take him away from me. Please!" Iyon ang paulit-ulit niyang sinigaw hanggang turukan siya ng gamot at antukin siya.

Nang magising siya, nasa loob na siya ng isang private room. Wala na ang baby niya. Three days na pala siyang tulog at kinailangan na ilibing ang sanggol the same day na ipinanganak niya ito. Sabi ni Veronica ang secretary daw ng kanilang ama ang nag asikaso ng lahat. Ni hindi tumapak sa ospital ang parents niya kahit isang beses lang. Pag-uwi niya sa bahay nila kinausap niya ang mga magulang para malaman kung nasaan nakalibing ang baby niya. They never told her and even acted like she never even gave birth.

Pakiramdam ni Andrea mundo lang niya ang tumigil. Na para bang relieved ang pamilya niya na namatay ang baby niya. Siguro dahil nakaligtas ang pamilya para sa 'kahihiyan' na siguradong lalabas kung nabuhay ang anak niya. She tried to share her sadness with Veronica but her twin sister got busy with her own social life. She rarely goes home. Kahit ang parents niya bihira umuwi. So she grieved on her own. Lahat ng sakit, kinimkim lang niya lahat sa loob niya.

"Kung buhay ka, mas naging okay kaya ang buhay ko Angelo?" bulong ni Andrea sa puntod. "I bet you are not proud of me. Sorry that your mommy was a weakling who self-destructed trying to fill the void you left in her heart. Walang umepekto at lalo lang ako nasaktan pero huli na nang marealize ko iyon. How about you? Kamusta ka diyan sa heaven? Are you happy, baby?"

Tumahimik siya at patuloy lang na hinaplos ang naka engrave na pangalan ni Angelo. Wala siyang inaasahang sagot nang biglang umambon. Natigilan siya at napatingala sa langit. Ni hindi niya napansing dumilim ang mga ulap kasi may araw pa nang pumasok siya sa sementeryo kanina. It was just a light drizzle but enough to wet her face.

Kumirot ang puso ni Andrea nang may maisip. Are you crying? Did you see me for the past years and cried for me, Angelo?

Bigla bumalik sa isip niya ang mga sinabi ni Veronica. Tama ang kakambal niya. Hindi niya dapat hinahayaan ang sariling maging miserable dahil sa nangyari sa kanyang nakaraan. Hindi nabigyan ng pagkakataon mabuhay sa mundo ang baby niya. Siya ang buhay kaya hindi niya dapat sinasayang ang pagkakataong ibinigay sa kaniya. For her and for her child who didn't get a chance to live, she should move forward and make her life worth it.

Alam ni Andrea na mas madali iyon isipin kaysa gawin. Sigurado rin siya na masasaktan na naman siya habang sinusubukan ayusin ang buhay niya. Pero kailangan niya gawin at alam niya kung saan siya dapat magsimula. Sa parents niya.

Kung gaano kabilis umambon ay ganoon din iyon kabilis huminto. Gumalaw ang makapal na ulap at sumikat uli ang araw. Mahinang natawa si Andrea at ibinaba uli ang tingin sa puntod ni Angelo. Masuyo siyang ngumiti. "Dadalasan ko ang dalaw sa 'yo, anak. Promise."

Matagal pa siyang nanatili roon bago tumayo at umalis. Pag-uwi niya sa apartment niya tinawagan niya agad si Veronica.

"It took you one week to call me?" bungad ng kakambal niya. Nakikinita niyang nakataas ang kilay nito nang sabihin iyon.

Napangiwi siya. "Sorry that it took me too long."

"No. Actually I expected you to take months. I guess I underestimated you." Sandaling tumahimik ang kakambal niya bago nagsalita uli sa mas malumanay na tinig. "Binisita mo na siya?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Yes. Ngayon lang."

"So anong plano mo ngayon?"

Nanuyo ang mga labi ni Andrea at humigpit ang hawak sa cellphone. "Gusto kong makausap ang parents natin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero gusto ko silang harapin."

"Okay. It's better if we do it within this week. Habang hindi ko pa sinasabi ang plano ko na... alam mo na. Habang masaya pa sila at hindi pa sila galit sa akin."

Kumirot ang puso niya nang maalala ang tungkol sa engagement ni Veronica at Denver. Na-tempt siyang tanungin kung kamusta ang binata pero mariin niyang kinagat ang ibabang labi. One at a time. Focus, Andrea. "Okay. Puwede ako anytime."

"Good. Let's meet tomorrow. Nag aaya sila mag family breakfast. Be prepared because we are going to surprise them, okay?"

Napalunok si Andrea. "Okay. Saan tayo magkikita bukas?"

"Dito sa Makati Med. I was able to avoid it for the past days but today I was tasked to stay here with him. Hindi naman talaga kailangan ng bantay dito. I guess they think spending time with him at night will make us closer. Bukas naman ng umaga makakaalis na ako kasi kasama naman niya sa araw ang executive assistant niya."

Kumirot ang puso ni Andrea at kinapos ng paghinga. "O-okay."

"Hindi mo talaga siya itatanong sa akin?" curious na tanong ni Veronica.

Mariin siyang pumikit. "N-no. Basta pupuntahan kita bukas."

Ilang segundong natahimik si Veronica. "Okay then. See you tomorrow."

They ended the call.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 94.9K 44
COMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that...
1.4M 23.4K 62
Señorita Series 1: AMANDA R18 SPG🔞🔞 EXCLUSIVE UNDER DREAME/YUGTO ONLY AVAILABLE ON DREAME/YUGTO APP‼️‼️ PAY TO READ ‼️‼️ Dreame Username: maikitama...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
424K 5.9K 22
She's everything you want to be: Filthy rich, undeniably famous, has a hot bod and a beauty that even the blind will envy. but she's also everything...