The Proxy Wife

By nimbus_2000

630K 10.4K 852

si Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pe... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Sakin na muna ang spotlight
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
TEASER LANG!
Chapter 40
Finale
Thank YOU!!
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 34

12.9K 229 38
By nimbus_2000

-34-



"Vlad, wake up..7 na, lets have breakfast.."

"Maxine?!" Napabalikwas ako ng bangon..only to see the priceless emotion on my sister's face.

"--Bakit nandito ka?" Irritated kong tanong sa kanya pagkatapos ay tuloy tuloy akong bumangon..Inaayos niya ang kurtina sa kwarto ko.

"Ang aga, ang grumpy mo. Missed Maxine that much huh?" Turns out si ate pala yung gumising sakin.

"Shut up."

"Breakfast is ready..halika na."

"Who cooked?"

"May ineexpect ka bang iba?" I dunno if she's fishing for something or what.

"Halika na.."

"Uuwi na pala si Jonas.."

"Yeah..napaaga."

"Kamusta naman pala ang wife mo.." She smirked..nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

"O-okay naman.." I can't tell her right now anything about sa plano kong divorce.

"I see..Well, I'm off for two weeks." She said in between bites.

"Whoa, where are you going?"

"Canada..I need some time off. Andami kong nahandle nung wala ka ha.."

"Canada? Sinong kasama mo? Si Erik?"

"Nope, ako lang.."

"Ikaw lang for two weeks?"

"Yeah, well I wanna go there naman.."

"Where are you staying there? I mean hotel?"

"I'll be staying on a friend's place.."

"Friend? Sino naman yan?"

"Si--Ah..Lianne! College friend..remember?"

"Ah..okay..when's your flight?"

"Saturday.."

"Bakit ambilis..kelan ka pa nagpa-book?"

"Actually nagbusiness class na ako..hehe."

"You want to left that soon huh..direct flight?"

"Yep..kaya ikaw na muna ang maiiwan dito, before Christmas andito narin ako."

"Ingat ka.."

"Yeah.."

Ano namang gagawin ng ate ko sa Canada?

_____________________________________________________________________________

[Maxine's POV]

"Ate, alam ba nilang dito ka pupunta?"

"Nope..ang alam nila magbabakasyon lang ako dito."

"Buti at di nila chineck kung saan ka tutuloy.."

"Actually, Vlad did.." My heart skip a beat..

"W-what did you told him?"

"I said I'll be staying over Lianne's.."

"Ah.."

"How's the baby?" Excited nitong baling sa tyan ko..di pa naman kita masyado ang baby bumps.

"Okay naman ate..halika may ipapakita ako sa'yo." Agad ko syang hinatak sa kwarto ko at pinakita sa kanya ang isang folder na nakapatong sa kama. Pag open nya puro prenatal brochures at pregnancy record book na galing sa ospital. Ang cute cute nga eh kasi colorful yung record book na binigay sakin nung Pilipinang doktor.

"Kelan malalaman ang gender niya?" Nakatingin siya sa mga sonograms na idinikit ko sa pregnancy record book ko.

"Pag 12 months na ata ate.."

"Second trimester pa? Antagal naman..excited na akong makita sya.." Halata nga sa mukha niya ang excitement..

"Oo nga eh..nagiisip narin ako ng magandang ipapangalan sa kanya.."

"Ay, oo nga. What if girl sya, anong ipapangalan mo?"

"Ilona..ang cute diba.."

"What if lagyan pa natin ng second name..hmm, Venice?"

"Ilona Venice?"

"Cool..hehe..if boy?"

"Wala pa akong maisip eh.."

"Kristoffer!"

"Ha? Saan naman galing yun?"

"Sa second name ng papa niya.." Napalunok ako..sa second name ni Vladimir? Ano ba second name ni Vlad? Never heard.

"--He's Vladimir Kristoff.." She smiled again..

"A-ah.."

"Naku..ako ang naeexcite Maxine.."

Nagdinner kami sa labas at naglakad lang sa neighborhood, nagustuhan niya ang apartment na tinitirhan ko..

"Maxine!" Nakaupo kami sa bench ng katabing park ng biglang may nagsigaw ng pangalan ko--

"Ethan! Saan ka galing?"

"Sa grocery lang.."

"Ah, Ethan si ate Carlene pala.."

"Hi, I'm Ethan.." Nakita ko kung paano biglang sumama ang timpla ng mukha nito kaya naman siniko ko ito. Mabuti nalang at tinanggap nito ang pakikipagshake hands sa kanya ni Ethan.

"Ah, Ethan saan mo pala nakilala si Maxine..?" Biglang tanong ni ate Carlene kay Ethan..

"Ah, were officemates..I'm a Pharmacist. Sa Accounting department si Maxine.." He smiled..

"Ah, I see..did you know that Maxine's pregnant?"

O____________________O

Di ko alam kung ano gustong palabasin ni ate Carlene sa tanong niya..straight kung straight to the point ang paguusapan. Wala nang maraming seremonyas kumbaga.

"Yeah.."

Saktong pumatak ang snow..kaya nagkaayaan naring umuwi..

Nasa tapat kami ng fireplace ni ate carlene habang sya ay nagkakape..ako naman kumakain, well sabi okay lang na kumain ako ng kumain eh.

"I think he likes you.."

"Who? Ethan?"

"Yeah..matagal na ba sya dito sa Canada?"

"Yep, immigrants.."

"I don't like him.."

"Eh sino bang gusto mo.."

"Syempre mas bet ko parin for you si Vlad.." Bumagsak ata ng 90% ang energy level ko nang marinig ko ulit ang pangalan niya..

"Imposible.." Ang sabi ko habang umiiling iling..

"Di hamak namang mas gwapo ang kapatid ko kaysa sa hilaw na yun?"

"Ethan ang pangalan niya.."

"Ah basta.."

"Di ako gusto nun.."

"And how sure are you?"

"She has a wife.." I said in between bites.

"Wife? You mean he's already married?"

"Yes.."

"So you two are just friends?"

"Plain friends..he's my first Pinoy buddy here."

"Good to know that.."

"Good to know what?"

"That he's married..hahaha!"

Ewan ko ba dito kay ate Carlene. Imposible namang magustuhan ako ng kapatid niya. (-____-")

"K-kamusta pala si Kyle?" Parang natuyo bigla ang lalamunan ko, di naging maayos ang huling paguusap namin.

"Brokenhearted.."

"Yung totoo.."

"Chos, pupunta na sya sa U.S. Pupuntahan na niya yung in-apply-an niyang ospital doon. Gusto na daw niyang makalimot."

"Di ko sinasadya ate.."

"Wala ka namang kasalanan dun, Maxine.."

I smiled at her..gusto ko sana syang makausap pero parang di ko pa kaya..tatlong taon pa ang kontrata ko dito sa kumpanya. Saka palang ako uuwi sa Pilipinas kapag tapos na. Wala rin naman akong balak sabihin kay Vladimir ang lahat pati itong laman ng tyan ko, wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

Ang bitter ko parin kapag naaalala ko yung oras na magkasama sila ni Patrice.

_____________________________________________________________________________

[Vlad's POV]

Kumpleto nanaman ang barkada dito sa condo..

"Tangina Erik, buti at binuhay ka pa nitong si Vladimir?" Sabay hagis ni Dale ng isang lata ng beer sa akin.

"Subukan niyang paiyakin ang kapatid ko, ipapakita ko sa kanya ang impyerno.." Nakangisi kong baling kay Erik.

"Erik chance mo nang makita si Satanas!" Komento naman ni Carlos..

"Lul..konti nalang magiging kuya na ko niyan.." Turo sakin ni Erik..tarantado talaga kahit kailan ang hinayupak..

Nagpopoker kami habang nagiinuman. Aba hindi lang mga babae ang magaling sa multitasking, hahaha.

"Tumawag na ba sa'yo si ate?" Seryoso kong tanong kay Erik, buhat kasi nung umalis ito di na ito tumawag sa akin.

"Pabayaan mo ang kapatid mo Vlad, kaya nga siya umalis para magrelax eh."

"Di naman kasi sya tumawag sa akin.."

"Baka nageenjoy pa..matagal din kasi silang di nagkita ni Max--Lianne.." Maxine?

Sigurado ako eh..

Maxine dapat ang sasabihin ni Erik..

"Nino?"

"Lianne.."

"Okay.." Tangina di ko mapiga itong si Erik ah, lasingin ko kaya?

*buzz buzz buzz*

Binuksan ni Dale ang pinto..

"JONAS!!"

"Welcome me home guys!!"

"Kelan ka pa dumating?" - Carlos

"Kahapon lang.."

"Walanjo, di ka man lang nagsabi.." - Erik

"Pag nagsabi ako siguradong hanggang ngayon eh may jetlag pa ko."

"Sali ka sa poker pre.." Aya ko naman sa kanya..agad naman syang humiga sa sofa..

"Mamaya na ko..next round." Inilabas niya ang iPad niya at nagtype na nang kung anu ano.

Nasa kalagitnaan palang kami ng paglalaro nang biglang napatayo si Jonas..

"Tangina naman Jonas, nanonood ka ba ng porn? Pakihinaan naman..nakakahiya naman kasi sa music mas malakas pa iyan eh.." Natatawang sabi ni Dale kay Jonas..

"Tangina. Tangina talaga." Hawak ni Jonas ang iPad niya at kung makatingin sya dito eh yung sa paraang parang di sya makapaniwala sa nakikita niya..

"Ano ba yan..?" Tumayo ako at akmang lalapit sana kay Jonas kaso bigla niyang iniwas ang iPad.

"KJ mo..ano ba yan ha?" Agaw ko ng iPad niya.

Pinindot ko ang play button..tangina eh mas malinaw pa ata yung scandal ni Hayden Kho at Katrina Halili kesa dito eh.

"Cheap mo naman pre..ano ba yang pinapanood mo?" Sabi ni Carlos habang nakikiusisa sa pinapanood ko..

"Si Patrice yan..mga tanga."

Biglang tumahimik ang lahat.

Pinindot ko ang stop button at ibinalik sa kanya ang iPad niya.

"Oh iPad mo.." Saka ako umupo ulit..

Walang kumikibo..

Umupo rin sila sa paligid ng poker table.

Lahat ng tingin nasa akin.

"Tangina Vlad..magwala ka nga please." Biglang basag ni Erik sa katahimikan..

"Nakakakaba ka Vladimir ah..baka mamaya tumalon ka na dyan.." Dagdag pa ni Carlos..sabay turo sa terrace ng unit ko.

I chuckled.

"Leche lang Vladimir Zaldivar, hinahangin na ba utak mo?" Sabi naman ni Dale.

"Relax lang kayo..iinit ng ulo niyo?" Sagot ko sa kanila.

Epic lang yung mga itsura nila..

O_________________________________O

"Okay guys..wala lang sa akin yun."

"In denial?" Singit ni Jonas..

"Hindi..nabagok lang siguro." I smiled..

"Tangina pare sa wakas!"

"CONGRATS!!!"

"MABUHAY ka Zaldivar!"

Sabay sabay na komento ng mga kumag..

"Kelan pa tumama sa bato ang ulo mo?" Tanong ni Dale.

"Ilang linggo narin, balak ko nang magfile ng divorce hopefully next month."

"Bakit wala ka man lang napagsabihan?"

"Itinatago ko talaga muna, narealize ko lang antagal kong nagpakatanga. Buti at gising na ko."

"Ilang taon ka ring comatose dahil dyan ah!" Pabirong sabi ni Erik habang tinatapik tapik ang balikat ko.

"Kelan ka pala pupunta sa L.A. para masettle mo na yang divorce niyo?" Tanong naman ni Carlos.

"Probably next month.."

"There's no need for that.." Napatingin naman kami kay Jonas.

"What do you mean?" I asked him..

"Hindi naman talaga kayo kasal ni Patrice.."

"H-ha?" Sabay sabay naing sagot..anong pinagsasasabi nitong si Jonas?

"Diba ako ang nag ayos ng kasal niyo sa judge?"

"Oo.."

"Lets say parang mock wedding lang iyon.."

"H-ha?" Tangina di ko alam kung lumiit ba ang utak ko dahil sa aksidente pero di ko talaga maabsorb eh..

"Tito Miguel interfered with the wedding..nahuli niya akong nag aayos ng wedding niyo.."

"Si dad?"

"Yeah, He gave me the number of the judge. Turns out, a fake one. Artista atang binayaran ng tatay mo."

"S-so..all this time...?"

"Yeah..you just played husband..the show's over now Vlad.."

Ano pa ba ang di ko alam?

Ilang oras na buhat ng makaalis sila, nakahiga narin ako sa kama pero di parin ako madalaw ng antok..Nakapa ko ang snow ball sa may bed side table at tinitigan ulit ang laman niyon..kung may stress ball, eto na ata ang katumbas nun para sakin..

I went to sleep with a big smile on my face.

Suddenly I became ready to face tomorrow...freely.

_____________________________________________________________________________

[Maxine's POV]

Gusto ko nang bumalik ng Pilipinas.

Andami ko nang namimiss doon.

Ilang buwan palang ba ako dito?

Napahawak ako sa tyan ko..I smiled bitterly, ang saklap naman ng buhay ko.

Sorry baby, di ka kayang bigyan ng buong pamilya ni mama. Pero promise ko naman kakayanin kong ako nalang kahit all around pa ako para sa'yo.

Kamusta na kaya si Vlad? Sila ni Patrice? Siguro masayang masaya na sila ngayon?

"Reminscin'?" Inabot sa akin ni Ethan ang isang mug ng hot chocolate..

"Hindi ah.."

"Paano kung nabaligtad pala ang istorya.."

"Paano naman tatakbo iyon?"

"Simple..ikaw pala ang mahal ni Vladimir at di si Patrice.."

"Imposible, saka kung ako man yun..ano ako--kabit? Mag asawa yung dalawa." Harsh and bitter truth..

"Paano lang naman..ayaw mo naman sigurong lumaki ng walang tatay ang anak mo."

"Ano talaga ang gusto mong ipahiwatig?"

"Wala ka bang balak sabihin talaga kay Zaldivar na nabuntis ka niya?"

Umiling lang ako..

"May karapatan siya Maxine.."

"Di ko naman tinatanggal iyon, ang sakin lang ayokong makasira ng pamilya."

"Iyon nga lang ba?"

"Oo.."

"Paano pag nagkita kayo ulit?"

"E-ewan.." Di ko talaga alam..paano nga ba kung dumating ang araw na iyon? Kailangan ko palang maihanda ang sarili ko..

"See..you're not even ready."

"Uuwi din ako..pag handa na ako.."

"Kelan pa iyon?"

"Di ko alam.."

"Paano kung di ka dumating sa oras na iyon?"

"Dadating ako dun, sigurado ako..and by that time kaya ko ng kontrolin ang nararamdaman ko..para sakin, para kay baby.."

"Matigas ka masyado Maxine.." Stubborn nga siguro ako pero kung kay Patrice sasaya si Vladimir, hahayaan ko nalang sya dun.

"Halika na sa loob..malamig na dito, you might catch a cold." Kinuha niya sa kamay ang mug na hawak ko at inalalayan ako patayo.

"Mauna ka na sa loob.."

Naupo ulit ako sa swing dito sa may porch nila..dito na muna ako tumutuloy dahil wala akong kasama sa bahay, walang tumitingin tingin sa akin..parang bunso lang akong kapatid ni Ethan kung ituring ako ng mommy't daddy niya..kaya nga mommy at daddy narin ang tawag ko sa kanila. Namatay kasi ang bunsong kapatid ni Ethan kaya naman ako ang bine-baby dito. Yung ate naman niya ay Engineer.

Tumayo na ako..pero napasapo ako bigla sa tyan ko..

Ansakit..

"ETHANNNN!!!"

Patakbo syang lumabas..

"Shit..not now!! MOM!!! DAD!! Yung gamit ni Max--" Agad namang napatakbo palabas ang mommy at daddy niya..dala ang mga nakaready ko nang gamit..

"AHHHH..Ansakit!!"

"Hold on..please.." Inakay niya ko hanggang makarating kami sa kotse niya..

"AHHH!! Bilisan mo..paandarin mo na makina..!!" Sigaw ko, habang hawak ko ang sleeves ng sweatshirt niya..shit, parang anytime soon ay lalabas na sya..

"Saglit Maxine, please hold on..natataranta ako sa'yo eh!"

09:45 pm, Vancouver, Canada.

05:45 am, Manila Philippines.

I heard him cry..

Napaluha narin ako..

"What do you want to name him ma'am?" The nurse smiled at me..

"Vaughn Kristoffer.." I said, before drifting into dreamland..probably the med that they injected on my dextrose at sa pagod narin..

_____________________________________________________________________________

[Vlad's POV]

I checked the digital clock at the bedside table..

Tangina naman, naunahan ko ang alarm?

05:45am palang.

I went out of my room, nasa mansyon ako ngayon..bababa na muna ako para kumuha ng tubig. Napadaan ako sa kwarto ni ate..bukas ang ilaw..gising sya ng ganitong oras? Nakaawang din ang pinto..Nakaupo sya sa tapat ng study table. May kausap sa telepono--ng ganitong oras?

Ayos din tatawag itong si Erik eh?

"W-what?!" Biglang bulalas ni ate..

"Where's Maxine now?" Napahigpit ang hawak ko sa door knob..

"Is she okay?"

"Good..good, just stay beside her, Ethan. Wag mo syang pababayaan. I'll send an SMS to you okay?"

"Okay..yung bilin ko Ethan.."

"Yeah..yeah..okay, bye!"

Ethan?

Sino iyon?

May iba nang mahal si Maxine?

Parang ang hirap huminga..

Tangina naman.

Ano na bang nangyayari?

It's been months..

Kamusta ka na Maxine?

Kailan ulit kita makikita?

Totoo bang mahal mo ako?

Sino si Ethan?

Ang gay pucha naman..kung anu ano mga sumusulpot na tanong sa isip ko. Gusto kong sumapak. Tangina, aga agang nagiinit ng ulo ko.

--------------

actually mas nagtagal ako sa pagisip ng pangalan ng baby niya..lels..oh diba parehas ng initials ang mag ama? trolololol...sorry pala kay mareng hunny at pareng erin dahil bukas..matutuloy din ulit tayo. Promise yan. lels.

Continue Reading

You'll Also Like

69.8K 1.4K 31
"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.
41.1K 1.1K 31
Ano na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para maku...
29K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...
98.7K 2.4K 19
Seducing Dmitri "Open your eyes.. Look at me..." he said in a husky voice. Ako naman parang namamahika na binuksan ang mga mata at tiningnan sya. Ala...