Chapter 32

11.2K 197 17
                                    

-32-

HATERS GONNA HATE NA..hahaha

_____________________________________________________________________________

"Maxine?"

O_______O

Holy Shit..

N-nakakakita na sya?!

"Vla--S-sir.." Di ko alam kung ano ba ang uunahin kong sabihin eh..oh di ko naman talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

Kumbaga sa Bible andito na kami sa revelations, malapit ng matapos.

Apocalypse na ata.

Kailangan ko nang umalis sa buhay niya.

Hanggang dito nalang ba ako? kami?

"W-why are you--"

"Dumadalaw lang po." I cut him, mas mabuti nang pagtakpan ang kasinungalingang ako din ang nagumpisa.

"Maxine.." Sabi ni ate Carlene, nakatingin siya sakin..iniisip siguro na baka anytime ay magbreakdown ako dito or what. Tinatagan ko ang loob ko. Siguro habambuhay nalang naming itatago sa kanya ang nangyari. Aalis narin naman ako, lalayo. Doon na ko sa lugar na di niya makikita, di niya maabot.

"Uuwi narin ako mamayang pagliwanag ate.." Baling ko kay ate Carlene..

Napatango na lamang si Vlad. Di ko magawang tumingin sa kanya ng diretso sa mata. Baka iba pa ang mabasa niya sa kinikilos ko. Kumbaga sa nangyari, back to normal na ang lahat.

Nang masiguro na naming nakatulog na ulit si Vlad ay saka naman kami nagharap ni ate Carlene.

"Maxine.."

"Alam kong darating ang araw na ito ate.."

"Di mo naman kailangang umalis."

"Kung di ako aalis parang hinayaan ko na siyang saktan ako ng paulit ulit."

"Andito pa naman ako.."

"Ayoko na ate.."

"Please, if not for him..then stay for me.."

"Nagpromise na ako sa'yo dati diba, di naman mawawala ang communication natin.."

"Final na ba talaga ang decision mo?"

Tumango nalang ako..

"Pagdating nina mommy at daddy, tutulungan kitang magmove out.."

The Proxy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon