Chapter 2

19.7K 325 11
                                    

"Sama ka sa gimik mamaya, Max!" pag aaya sa akin ni Ella, tumingin ako sa table calendar ko at napansing Biyernes nga pala ngayon kaya gigimik ang mga officemates ko.

"ano Max?" untag pa niya sa akin..

"ah..eh, hindi na ako makakasama Ella..kailangan ko pang dumaan sa Drugstore mamaya bibili pa ako ng gamot ni tatay."

"give yourself a break girl, toxic na sa work toxic parin pagdating sa bahay."

"Ella, choice ko naman ito eh.."

"ay nako, tatanda kang dalaga niyan kapag ganyan ang attitude sa life dear.."

"hay nako, bakit ko rin ba ii-stress ang sarili ko sa mga lalaking yan.."

"oh kitams..uhm, diba si Errol--yung Public Relations Officer may gusto sa'yo? anyare naman ba? pogi naman sya, matangkad, hot na hot pa."

"si Errol? seryoso ka ba? ayoko sa kanya, saka friend lang talaga turing ko sa kanya..no more, no less."

"aber, sige nga ano bang mali kay Errol?"

"kasi naman, puro PR lang sya..alam mo yung parang lagi syang nagke-crave for attention..nakakaturn-off kaya."

"ay, oo nga no..pero crush ko parin siya, hehe.."

"hay nako, bahala ka nga Ella."

"so ano nga..sama ka na? boy hunting tayo..hehe."

"Ella--"

"oh, alam ko na yan, dadaan ka pa sa drugstore para bumili ng gamot ng tatay mo..maraming 24 hours na Mercury Drug na ngayon, kaya halika na! okay?"

"uhm--sino bang mga kasama?"

"lahat ng nasa Accounting Department sasama!! so..yehey dahil kumpleto tayo!!"

"ah..pati si Ma'am Carlene?" si Ma'am Carlene ang anak ng may-ari ng kumpanya at ang head ng accounting department. Mabait at parang ate na ang turing ko sa kanya, at hindi empleyado kung ituring niya kami kundi mga kaibigan kaya naman hindi na nakapagtataka kung kasama siya sa gimik ngayong gabi.

"yes my dear! treat daw ni boss Carlene yung nightout natin ngayon kaya buti at sumama ka.." tili pa ni Ella.

agad akong nagdial sa teleponong nasa aking harapan, at--

"hello tay?"

"oh Maxine, napatawag ka?"

"tay, gagabihin po ako ng uwi..wag niyo na po akong hintayin.."

"ganun ba anak? oh sige.."

"wag niyo pong kalimutan yung gamot niyo ha.."

"oo anak, sige na at baka may tinatrabaho ka pa dyan.."

saktong pababa na ko ng telepono ng biglang bumulaga nanaman si Ella at tila kilig na kilig ang itsura..

"huy Louella! ano't ganyan ang itsura mo ha?"

"buti at sasama ka..may ipapakilala ako sa'yo!"

"hay nako, baka naman sine-setup niyo ko ha!"

"gaga..ayoko lang namang maging forever member ka ng NBSB.."

"masaya ako sa pagiging full member ng organisasyon." gatong ko pa sa pangangatyaw niya sa akin..

"tse! basta ipapakilala ko sya later..pogi yun, walang tapon."

"ewan ko sa'yo..sige na lumayas ka na at di ko masimulang magrevise nitong financial statement.." pagtataboy ko kay Ella. Bakit nga ba wala pa akong bofriend sa ngayon? Di naman ako ganung kapihikan pagdating sa pagpili ng lalaki..napadukot tuloy ako sa bag ko at inilabas ko ang isang salamin--di rin naman ako pangit, habang sinisipat sipat ko pa ang bawat angulo ng aking pagmumukha. Ah, baka di pa ipinapanganak ang lalaking para sa akin..saka wala pa akong balak isipin yun sa ngayon. Masaya naman ako sa pagiging single..

5pm..

excited ang lahat ng nasa Department mag out sa opisina, kasama namin si Ma'am Carlene..wala akong dalang sasakyan dahil nasira nanaman ang preno ng aking lumang modelong honda civic na minana ko pa sa tatay ko.

"oh, ano pang tinatayo tayo mo dyan Max? lesgo!!" habang hinahatak pa ako ni Ella, napasulyap ako sa pupuntahan namin at isang lalaki ang agad kong nakita..hindi pamilyar ang mukha niya..

"hi Harley! pasensya na ha, mabagal kasi 'tong kaibigan ko eh--si Maxine nga pala." pakiramdam ko ay parang ipinagkakanulo ako ngayon ni Ella sa lalaking ito na nagngangalang Harley? hmm, infairness kay Ella ay gwapo naman talaga itong si Harley..at ang laki ng katawan teh, parang tambay ng gym..bakat na bakat ang muscle sa polo..

"h-hi.."

"hi, I'm Harley Perez..sa Marketing department ako actually."

"Maxine Mariano..account officer.." tipid kong sagot sa kanya, well..di ko sya type..walang spark sa'min kumbaga..paglingon ko kay Ella ay tila kilig na kilig ito at panay pa ang pa-cute kay Harley..parang gusto ko tuloy syang batukan at sabihing--hello? diba ako ang sine-setup mo kay Harley..bakit ganyan kang makaasta teh?

"ah..sasabay nalang ako kay Joey..sige Ella, sabay ka na kay Harley..kita kits nalang sa resto." sabay tulak ko rito at saka ako mabilis na tumalikod para tawagin si Joey na isa ring account officer..

"Jo, pasabay." tumango sya sa akin at saka ko ako tuloy tuloy na pumasok sa passenger seat.

The Proxy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon