Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

463K 14.6K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 9

10.9K 486 45
By wwiittyyccuuttiiee

JEREMIAH GARCIA

Kasalukuyan akong nandito sa rooftop. Nakahiga, nagpapahangin. Dalawang araw na ang lumipas ng matapos ang sportfest. At ngayon naman ginaganap ang exihibit. Napaisip ako, mahigit isang buwan na din pala ang lumipas na maging ganap ako na slave ni lila. At mahigit dalawang araw na ang lumipas mula ng iwasan niya ko. Hindi naman ako nagtataka kung bakit at ano ang dahilan niya. Sa katunayan nga, alam na alam ko ang dahilan.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa'kin at nagawa ko na naman bagay na 'yun sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon, ninakawan ko na naman siya.

Hindi siya nagpaparamdam sa'kin. Miski magtext sa'kin para papuntahin ako sa kanya at utusan ng kung anu-ano ay di niya ginagawa.

Napabuntong hininga ako. Nakakamiss din ka pala lila.

Sa katunayan nga dapat matuwa na ko. Kasi, ito na 'yung katahimikan na hinihiling ko. Bumalik sa normal ang buhay ko. Walang lila, walang utos dito, utos doon, walang mage-english habang kausap ako at walang tatawag sa'kin ng stupid. Pero kabaligtaran no'n ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako masaya.

Pakiramdam ko kulang ako.

Hindi ko alam pero gusto ko kasa-kasama siya. Gusto ko inuutusan niya ko. Gusto ko minumura niya ko. Gusto ko makita siya.

Hay. Siguro nasanay na ko. Nasanay ako sa presensiya niya. Argh. Isang buwan din mahigit 'yun 'no. Malamang naninibago lang ako.

Oo! Tama! Naninibago lang ako.

Maglalakad-lakad na lang ako mamaya sa mga booth na nakatayo sa buong campus.

Napapikit ako. Bakit ba ko pumasok pa? Exihibit lang naman ang ganap dito sa campus. Sana pala nagtulog na lang ako sa dorm. Tutal hindi din naman ako makakalabas ng campus dahil mahigpit na pinagbabawal ng admin na wag magpapalabas. Nakakainis sa part na 'yun. College na kami, at hindi high school. Hay. Buhay!

Mag-isa lang ako ngayon. Si Lauren, hindi ko alam kung saang lupalop siya naroroon. Ano kayang pinagkakaabahalan nun. Laging missing-in-action ang babaitang 'yun. Si Jazmine naman, malamang busy sa pag-aasikaso nitong exhibit.

Makalipas ang ilang minuto, bumangon na ko at napag pasyahang maglibot-libot na lang.

Unang booth na nadaanan ko ay nagtitinda ng cup cake. Kumalam ang sikmura ko. Nakakagutom ampucha!

Agad akong bumili ng isang box, mura lang naman siya kaya isang box na binili ko.

Natuwa pa ko ng malaman kong sulit ang pagbili ko dahil sa sarap. Bibigyan ko na lang si Jaz at Lau kapag nakita ko sila. Pero kung hindi man, ako na lang kakain. Hihi

Bahagya pa kong napangiwi ng may madaanan akong booth para sa mga hopeless romantic. Ito 'yung naka blind date sila sa taong hindi nila kilala. Nasan ba si Jaz at ng makutusan. Hindi pa naman Valentines ah? Bakit may ganitong pakana? Napailing na lang ako.  

Nang mapagod ako sa pag lilibot umupo na muna ko sa may bench sa tapat ng fountain. Yes, may fountain dito sa Brandon. Sosyal 'no. Sana all may fountain.

Napahinga ako ng malalim. Nakakapagod. Ang sakit na ng paa ko. Ee kung bumalik na lang kaya ako sa dorm at magtulog doon?

Oo tama! Magtutulog na lang ako.

Kaso naalala ko, hindi din naman pala ko makakalusot gawa ng may bantay na ROTC. Argh! Wala kong lusot kundi ang maghintay na matapos ang ka ek-ekan ng Student Council.

"Jeremiah"

Agad akong napatingin sa taong tumawag sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

"Pwede maki-upo?"

"Oo naman. Wala naman akong pangalan na nakalagay dito para magpaalam ka pa sa'kin."

Agad akong umusod para makaupo siya. Malaki naman 'tong bench, kasya ang tatlo.

She chuckled "You're so adorable. That's why, Vi is interested in you." bulong niya sa huli

"Ha? Ano 'yun Selene? May sinasabi ka?" tanong ko

Ngumiti lang siya bago umiling. Napatango na lang ako bago muling binaling ang atensyon sa fountain.

"Nga pala, bakit mag-isa ka lang?" pagkaraa'y tanong ko

"Dapat ba may kasama ako?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi na ko magtataka na magkaibigan nga sila ni lila. Parehong pilosopo.

"Ang ibig kong sabihin, bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?" pagtatama ko

"Hmm. Busy sila ee. 'Yung iba may kanya-kanyang lakad." kibit balikat na sagot niya

Napatango na lang ako. Si lila kaya. Nasan? Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ilang araw ko na siyang di nakikita. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasan ang kaibigan niyang pinaglihi sa sama ng loob, kaso wag na lang. Baka kung ano pa isipin nitong kasama ko.

"Si Vi, nasa mansion. Wala siyang balak umattend ngayon. And I don't know why." saad niya parang nabasa niya ang nasa isip ko

Napakunot noo ako. Hindi ko naman tinatanong kung nasan siya ah!

"Your face says it all. Haha." dagdag pa niya

Napayuko na lang ako.

Bakit hindi siya aattend? Talaga bang ayaw niya ko makita? Final na 'yun?

Pinaglaruan ko na lang ang ribbon ng box na cup cake na hawak ko. Buti pa 'tong ribbon, abot kamay ko. Pero ang lilang 'yun! Para siyang bituin, ang hirap sungkitin.

Ha? Ano daw? Tangina Jeremiah! Anong bituin? Anong sungkitin? Nababaliw kana. Juskodai!

"Para kanino 'yang cup cake?" pagkaraa'y tanong ni Selene

"Para sa lahat." nakayukong sagot ko

"Ahh. Akala ko kasi para kay Vi 'yan."

"Hindi 'no. Ako ang para sakanya." walang kagatol-gatol na sagot ko

Biglang natahimik ang paligid. Agad akong nagbaling ng tingin kay Selene na sobra sa laki ang pagkakangiti. Napakunot noo ako. May nakakatuwa ba sa sinabi ko?

Agad akong napatampal sa noo ko ng maalala ko ang katangahang sinabi ko. Tangina Jeremiah! Ano ba naman yang lumalabas sa bunganga mo?

Agad akong nag-iwas ng tingin at bumaling ulit sa fountain na nasa harap ko. Agad ding nanlaki ang magagandang kong mata ng makita ko si Lila sa harap namin na matamang nakatingin sakin.

T-teka, wala naman siguro siyang narinig diba? Nahuli siguro siya ng dating diba?

Napalunok ako. Takte! Hindi ko sinasadyan na masabi 'yun. Promise!

"Ow. Hi Vi! Nandyan kana pala. Oh Jeremiah, una na 'ko. Nandyan na si Vi ee. Good luck!" nakangising saad sa'kin ni Selene

Pinagmasdan ko lang siya na masayang naglalakad papalayo samin. Napairap ako sa loob loob ko. Taena ka Selene! Pareho lang kayo ni Juno! Lagi niyo kong pinagtutulakan dito sa kaibigan niyong hilaw.

"Ehem!"

Agad akong humarap kay lila na masama ng nakatingin sakin. Uh-oh! Patay na!

"Anong ginagawa mo dito? Kasama si Selene?" malamig na tanong niya

"Nakaupo. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" ganting tanong ko

"Walang kang paki."

Agad naman siyang pumihit patalikod at iniwan ako. Syempre dahil ako si Jeremiah Garcia, sinundan ko siya.

"Cup cake? Gusto mo?" alok ko

Pero ang bruhilda, inirapan lang ako. Napangiti ako. Okay na! Bati na kami. Tinatarayan na niya ko ee.

"Bakit kaba sumusunod?" naiiritang tanong niya

"Ee bakit kaba naglalakad?"

Tiningnan niya lang ako na tila ba tinubuan ako ng isa pang ulo. Napangiti ako. Cute  niya talaga pag napipikon.

"Hindi kasi ako susunod sayo kung hindi ka titigil sa paglalakad mo." mahinahong pagpapaliwanag ko.

"Stupid ka talaga." tugon niya

Napangiti ako. "Alam ko."

"Tss. Diyan kana nga."

Natatawang sumunod ako sa kanya.

Kung tatanungin niyo ko kung masaya ako.



Alam niyo na ang sagot.

Nakasunod lang ako sa kanya. Paminsan-minsan napapatingin ako sa mga booth na nadadaanan namin. Napapangiti na lang ako sa mga taong masama ang tingin sakin. Alam ko namang inggit lang sila, edi lalo nating inggitin. Dilaan ko nga! HAHA

"Lila. San kaba pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot dito." saad ko

Totoo. Nagpapaikot-ikot na lang kami. Bukod sa masakit na ang paa ko, kung kani-kaninong pawis na ang naghalo sa katawan ko. Ew. Kadiri.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na sundan mo 'ko?" mataray na sagot niya

"Ee kasi diba slave mo ko? Kaya kung nasan ka, nandun ako." sagot ko

Saglit siyang tumigil at humarap sakin "You're right. You are my slave, but you're not my bodyguard. So, stop following me."

Bodyguard? Slave? Ano bang pinagkaiba nun? Parang iisa lang naman kasi pareho ko namang ginagawa yung trabahong 'yan sa loob ng isang buwan.

Napakamot ako sa ilong ko. Ang kulit talaga ng lilang 'to!

Akmang maglalakad na naman siya ng pigilan ko na siya at hawakan siya sa kamay.

Natigilan ako.

Nakaramdam ako ng libo-libong boltahe sa buong sistema ko na para bang kinukuryente ako. Napalunok ako ng makitang masama siyang nakatingin sakin.

Akmang bibitawan ko na siya ng may biglang nagkabit ng posas sa kamay ko at sa kanya.

Teka, posas? Ano na namang pakana 'to?


"WHAT THE HELL IS THAT?"

"Sorry Miss Summerhold. Napag-utusan lang kami." nakangiwing sagot nung isang estudyanteng nagkabit samin ng posas.


Napakamot ako sa noo ko. Tangina! Sa lahat ng pwedeng mabiktima ng ganito, ako pa talaga. Kami pa talaga.

"Sinong nag-utos sayo?" kalmadong tanong ko.

Ako na ang nagtanong dahil kita ko kung pano mamula sa galit si lila. Mahirap na pag nagalit pa lalo 'to. Baka bigla siya sampalin kahit na nakaposas kami. Sakit pa naman makasampal niyan. Proven and tested!

"Kami"

Napatingin ako sa mga taong may pakana ng lahat ng 'to. Oo! MGA! Kasi apat lang naman sila! Anak ng tokwa talaga! Ano bang pumasok sa kokote nila at naisipan nilang gawin samin 'to?

"WHAT THE F-CK?! ARE YOU REALLY OUT OF YOUR MIND?"

Napalunok ako. Pakiramdam ko dumagundong ang sigaw niya sa buong campus. Tila ba nagsiliparan ang mga kalapati dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Okay. Nagtatransform na si lila!

"Hey! Chill. Calm down Haha. Masyado kang G na G ee." Selene said

"Selene's right. Kailangan mo din mag relax kahit papaano. This past few days kasi, napapansin naming masyado ka ng stress." segunda ni Cassandra na bahagya pang sumulyap sa'kin.

Napailing na lang ako. Bahala sila sa buhay nila, basta dapat hindi ako madadamay sa galit ni lila ahh. Sila may pakana nito, labas ako diyan. Biktima din ako dito.

"Relax? Sa tingin niyo makakapag relax ako kung nakakabit ako dito sa stupid na 'to?"

Napangiwi pa ko ng biglang itaas niya ang kamay niya kung saan nakakabit ang posas, kaya napataas din ang kamay ko.

"Bakit hindi Vi? Haha. Nagkiss nga kayo ee." pang-asar ni Penelope

Pakiramdam ko pinamulahan ako ng pisngi dahil sa narinig ko. Pinalobo ko na lang ang pisngi ko dahil hiyang-hiya ako.

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun. Jusko. Ang araw na 'yun ang nagpapatunay na isa nga talaga akong ganap na magnanakaw.

'Yong araw na din 'yun ang araw na nameet ko si Penelope. Siya 'yung babaeng kasama ni Lila sa Mall nung nag-away kami. At sobrang nakakahiya ang araw na iyon dahil nahuli pala kami ni Penelope na nag... Ahm... basta 'yun!

"Shut up Moron! Argh!" naiinis na tugon ni lila

"Oh my gosh! Is it true? Pen? Totoo?" gulat na tanong ni Thalia

Napailing na lang ako. Mayron akong hint na si Thalia ang lagi huli sa balita sa kanilang magkakaibigan.

"Tss!" agad na humarap si Lila sa estudyanteng nautusan nung apat "Ikaw. Ialis mo na kami dito! Now!"

"T-tara po Miss Summerhold." nauutal na tugon niya

"Enjoy Vi! Jeremiah! Ingatan mo 'yan ah. Second base naman." Selene said

Napailing na lang ako. Puro talaga siya kalokohan. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawang pagpapahamak niya sakin kani-kanina lang.

Napipilitang sumunod na lang ako kay lila dahil wala naman akong choice.

Nakarating kami sa Architecture and Engineering Building at pinasok sa isang room dito. Akmang iiwan na kami nung babae ng bigla akong magsalita.

"Teka lang! Ano? Aalis ka agad ng tinatanggal 'tong posas samin?" agarang tanong ko

"Sorry Miss. Tatanggalin lang namin 'yang posas kapag may tutubos na sa inyo."

"Edi pwede na din kaming makalabas kung sakaling may tutubos na samin?" tanong ko

Tutal kailangan lang naman pala tubusin kami dito, itetext ko nalang si Lau o kaya si Jaz na tubusin kami. Hindi ko hahayaang maiwan ako mag-isa dito kay lila 'no! Baka mapatay pa 'ko nito. Mahirap na.

"Hindi parin." simpleng sagot niya

"Ano? Ee kala ko ba kailangan tubusin kami?" naguguluhan kong tanong.

"Makakalabas lang kayo dito kung gagawin niyo ang hiling ng mga kaibigan niyong nagpahuli sa inyo. 'Yan ang rules namin dito sa Jail booth." paliwanag niya

Napakunot noo ako. Ano bang klaseng rules 'yan? Tangina! Sino ba nagpauso niyan at sasapakin ko Pikang-pika na ko ah.

"Then, ano 'yung hiling nila?" biglang singit ni lila

Napaismid ako.

Oh? Buhay pa pala 'to? Akala ko kasi ako lang mag-isa ikukulong dito at hindi siya nakibo.

"Miss Burns want you to kissed her, Miss Summerhold." kalmadong sagot nung babae

Napanganga ako. Anak ng! Ano bang klaseng kaibigan mayroon 'tong si lila? Grabe ah!

"Hanapin mo si Selene. Sabihin mong pagsisisihan niya ang ginawa niyang 'to. Now. GET OUT!"

Agaran namang tumakbo papalabas 'yung babae. Rinig ko pa kung pano nila ikandado ang pinto para masigurong hindi kami makakalabas dito. Kala mo naman makakatas pa kami.

Bagsak balikat na hinawakan ko si Lila at iginiyang maupo. Nakakapang lata sa totoo lang. Kung alam ko lang na ganito pala kahahantungan namin edi sana hindi ko na siya pilit na sinundan pa. Nadamay pa tuloy ako sa kalokohan ng mga kaibigan niya.

Napatingin ako sa kamay naming nakaposas. Hindi ko akalain na eto ang unang beses na makakapag suot ako nito. At talaga kashare ko pa si lila.

"Alam mo, kasalanan mo lahat ng 'to ee." she started

Maang napatingin naman ako sa kanya. Ako ba talaga? Kasalanan ko ba talaga?


"Sunod ka pa kasi ng sunod." dagdag pa niya

"Pahabol ka pa kasi ng  pahabol. " mabilis na ganti ko naman.

"So bakit mo ba ko hinahabol?" naiinis na tanong niya

"Kasi nga nagpapahabol ka." simpleng tugon ko.

"WHAT?"

Napapikit ako.

Kailangan sumigaw? Ang tinis kaya ng boses niya. Saka hello! Nasa iisang room lang kami, worst magkatabi pa kami kaya di niya kailangang sumigaw pa.


"Huwag ka ng sumigaw pwede ba. Magkatabi lang tayo oh." kalmadong sagot ko

"Argh! Stupid! Stupid!"

"Oo na! Stupid na kung stupid. Basta wag ka lang sumigaw."

Napasandal na lang ako sa dingding. Habang si lila masama ang tinging pinupukol sa sahig. Sa sahig kasi kami nakaupo at walang upuan. Inalis siguro nung may pakana sa Jail booth na 'to.

"Lila" pagtawag ko

Hindi niya ko pinansin. Napatingin ako sa kanya. Ano bang nasa isip nito ngayon? Huwag niyang sabihin na pinagpaplanuhan niya kung paano ako papatayin ngayon mismo! Nako!

"Lila" pagtawag ko ulit

Hindi niya parin ako pinapansin

"Lila. Lila. Lila. Li-"

"Shut up stupid! Ianthe ang pangalan ko. Ianthe Violet! Hindi lila!" pagputol niya sa sasabihin ko

"Oo nga. Ianthe Violet ang pangalan mo kaya lila."

"I said shut up! Nag-iisip ako ng paraan para makalabas tayo. Kaya pwede ba? Maki-operate ka!"

Napaismid ako.

Oh edi ikaw ng busy sa pag-iisip. Kala mo naman makakatakas tayo sa simpleng pag-iisip niya na 'yan.


"Hindi na tayo makakalabas dito lila, unless hahalikan mo ko." nakangising pang-aasar ko.

Hindi ko alam kung saan ko ba nakukuha ang lakas ng loob ko para asarin siya. Basta ang gusto ko lang may makausap dahil nabuburyo na ko dito sa totoo lang.

"Kapal mo! Never kitang hahalikan!" sagot niya

"Talaga lang huh." nakangising saad ko


Never daw niya kong hinalikan. Pero nagreresponse siya sa kiss ko. Liar! Liar ka lila. Tsk tsk.

"Stop smiling! You look like a idiot." naiiritang saad niya

Lalo akong napangiti. Napaka sungit naman talaga.

"Oo na. Oo na!" sumusukong saad ko.

Sandali kaming natahimik. Nakapikit  siya habang nakasandal sa dingding. Kaya malayo ko siya mapagmasdan.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Napaka amo niya pag ganitong nakapikit siya.

"Stupid"

Dali-daling nag-iwas ako ng tingin bago pa niya ko mahuling nakatingin sa kanya. Mahirap na. At baka kung ano pang isipin niya.


"Why did you kissed me?" biglang tanong niya


Nasamid naman ako dun. Anak ng nanay niya! Bakit ba niya naisipang itanong pa 'yun? Dito pa talaga mismo?

Akala ko pa naman hindi na niya bubuksan ang topic na 'yun. Akala ko lang pala.

"Stupid"

"I.. I don't know." kinakabahang tanong ko.




Totoo naman ee. Hindi ko talaga alam. Bigla-bigla na lang nakilos ang katawan ko. Gusto ko 'mang pagilan dahil 'yun ang sinisigaw ng isip ko, pero kabaligtaran naman 'yun ng kagustuhan ng katawan ko.

"Hindi lang first ko ang kinuha mo sakin. Pati na din second kiss." panunumbat niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Oo na nga ee. Ako na mahilig manguha ng halik niya. Pinapamukha pa sakin. Hiyang-hiya na nga ako ohhh.

"Hindi ko alam okay? Basta.. Nagulat na lang ako.. Na .. ano.. Ginawa ko pala 'yun." utal kong sagot

"You stole my first and second kiss." saad niya

"Oo na. Ninakaw na kung ninakaw. May magagawa paba tayo? Wala na diba?"

Ngunit laking gulat ko ang sunod niyang ginawa.

Eto na naman 'yung pakiramdam na para bang sinisilaban ang buong sistema ko sa tuwing maglalapat ang labi namin sa isa't isa.

Marahan akong sumabay sa galaw ng labi niya. Napahawak ako sa baywang niya para iangat siya at ipuwesto paharap sakin. Hindi naman niya ko binigo at malugod siyang umupo sa hita ko paharap sa'kin habang magkadikit ang mga labi namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kung ano ang demonyong sumanib sakin sa oras na ito. Pilit mang sinisigaw ng isip ko na itigil na 'to pero ayaw naman sumunod ng katawan ko.

Siya na mismo ang nagputol ng halikang 'yun para makasagap kami ng hangin. Mataman lang akong nakatingin sa kanya.

Aaminin ko, napaka sarap labi niya. Nakakatakot na baka masanay ako at hanap-hanapin ko na.

"Jeremiah" she said in a husky voice

Bahagya pa kong nagulat. Ito ang kauna-unahang beses na tinawag niya ko sa pangalan ko mismo.

Napaka ganda talaga pakinggan ng pangalan ko. Lalo na kung siya ang bibigkas nito.

"Don't you ever kiss me.... without my permission. Understood?"

Wala sa sariling napatango ako.

Kita ko ang pagsupil ng ngiti sa labi niya. Napaka ganda niya. Lalo na kung nakangiti siya.

Sumandal siya sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin. Natatakot, na baka marinig niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Niyakap ko na lang siya gamit ang kaliwang kamay ko. Hay lila. Ano bang ginagawa mo sakin?

Bakit mo ba ko pinapahirapan?



Bakit ba...





Bakit ba ang sarap mong halikan? Ha?

Tama nga siguro si Laurena.

Natitibo na nga siguro ako.

----

Continue Reading

You'll Also Like

15.4K 929 48
AnSingh University (G×G) Loving someone who's in love with someone else.....but the person she loves isn't just someone, she's my twin sister. What w...
59.9K 2.1K 21
Aerin Sandiego Faith Chandra Ramirez Warning: gxg story
42K 1.3K 21
I'll only use you Tyler! Ginamit lang kita at alam ng mga kaibigan ko yon! - Zandra Ruiz Mercado I know I'll let you use me baby.... gamitin moko ha...
42.2K 1.6K 12
The first time I saw her, my heart stop from beating and clichè as it may sound but whenever I'm with her, it seems like we're just the only people i...