Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love

1.4K 51 1
By aefanfiction


HAPPY BIRTHDAY sa nag- iisa at habang buhay kong sinisinta. (panis, ang lalim nun!) Happiest birthday Love. Always remember that I got you no matter what, ikaw ang ligaya't pag ibig ko. I love you and I always will. See you later!

Love, Pogs

Napangiti ako nang paggising ko ay yun ang unang bumungad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Itinabi ko ang card sa bedside table tsaka inamoy ang bulaklak.

Hay ang sarap naman ng ganito. Saktong sakto, may ngiti kaagad pagkagising mo.

Today is my birthday.

Ang bilis ng panahon, akalain mo nga naman, ilang taon na lang ay lalampas na ang edad ko sa kalendaryo.

Pero ayos lang, tatanda naman ako kasama ang taong mahal na mahal ko.

Pero nagtaka ako nang maalala ko ang nakalagay sa sulat. Anong see you later e magkasama kami---

I looked around the whole room pero walang ni isang bakas niya.

Nasaan na nga pala si Erik?

------------------------

"ATE Irene, nasaan po si Erik?" kaagad na tanong ko pagkababa ko sa hagdan

Nakangiti naman akong nilingon ni Ate Irene habang abala siya sa paghahanada ng almusal sa lamesa.

"Aay good morning ma'am gising na pala kayo. Happy Birthday!"

"Naku, salamat po ate!" nakangiting tugon ko naman at dahan dahan na muling bumaba sa hagdan. Ang bigat naman kasi nitong Santos na nasa tiyan ko.

"Si Erik po?" tanong ko ulit

"Aaah si Sir Pogs? Hindi ko alam eh, maagang umalis kanina. Ang bilin niya lang sa akin, asikasuhin ka daw pagkagising mo."

"Saan naman daw po ang lakad niya?"

"Ay ayun lang. Hindi naman sinabi kung saan siya pupunta."

Nakakapagtaka.

Hindi rin siya nagpaalam man lang sa akin kahit sa text, wala rin naman siyang trabaho ngayon at isa pa, umalis talaga siya sa araw ng birthday ko?

Kagabi kasi ay dito siya natulog sa bahay ko dahil nga gusto ko na nandito siya sa araw na 'to at bukod doon wala namang bago sa ganoong sitwasyon.

Walang bonggang selebrasyon dahil sa hindi na nga ako pwedeng lumabas ng bahay.

Plano lang talaga namin na kumain at magtanghalian kasama ang pamilya ko at pamilya niya. Tama lang para ipagdiwang ang kaarawan ko.

Nakakapagtaka tuloy talaga, ano nanaman kayang pinagkakaabalahan niya sa labas samantalang dito lang naman kami magcecelebrate mamaya?

Hmmmn hindi kaya?

"Ah, mukhang alam ko na." tanging sabi ko na lang at napangiti sa naisip ko.

Hmmn baka isusurprise niya ako no?
-------------------------
NANG magtanghalian dumating na si Erik. Nakaupo lang ako sa may sala habang nagi-internet nang pumasok siya sa pintuan.

Nakita ko naman na sumunod na pumasok sila Kuya Boy na may mga dalang pinamili na cake, ice cream at kung ano ano pa.

Siguro yun ang dahilan kung bakit siya lumabas. So, yun lang yun?

Walang surprise?

"Hi Love, happy birthday misis ko." sabi niya at humalik sa akin.

"Misis ka dyan, saan ka galing ha? Ang aga aga wala ka dito sa bahay." pagtataray ko.

Wow naman, feel na feel ko talaga ang pagiging misis niya sa part na yun.

He shrugged, "Sungit. Uhm wala, dyan lang. Bumili lang ng pagkain para mamaya."

"Weh talaga?"

"Opo nga, bakit ano bang iniisip mo?"

Tiningnan ko siyang mabuti, para namang seryoso siya pero basta hindi pa rin.

Nagkibit-balikat din "Hmmmn wala din. Bakit may dapat ba akong isipin ha? " nakakalokong ngiti kong sabi

"Ha? Ewan ko, parang wala naman? Bakit?"

Ito nanaman siya at nagpapaka best actor. Umaartista ah.

I just shrugged at pinigilang hindi mapangiti, "Sige okay lang yan, hindi mo naman kailangang gawin yan kasi matagal na tayo pero sige, gusto mo eh."

Sus if I know isusurprise ako nito kunyari pa. Okay lang Pogs, hindi mo kailangang aminin kahit na halata na.

I saw how he frowned. Sandali niya akong tinitigan nang may halong pagtataka.

Maya maya ay tumawa naman siya bigla.

"Oh bakit?" balik atensyon ko sa kanya

"Mukhang nakuha ko na kung bakit ka ganyan. Ang assuming mo talaga minsan Love."

I frowned, "What did you say?!"

AYAN NAPAPA-ENGLISH TULOY AKO.

Lumuhod naman siya sa harap ko para magkalebel ang mga mukha namin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Iniisip mo siguro na isusurprise kita 'no? Hahahahaha Love nakakatawa ka." tumawa siya nang malakas

I rolled my eyes while looking at him. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

WOW SO ANO WALA TALAGA? WALANG SURPRISE? YUN NA YUN?!

"E kung hindi saan ka nga galing ha? Nambabae ka?!"

Tumawa ulit at itinuro pa ako "Hahahahaha nako Angeline, napapraning ka nanaman. Galing ako ng gym, pagkatapos naggrocery ako ng handa mo para mamaya. Wala akong ibang pinuntahan ano, okay na po?"

"Gym talaga?!"

"Oo nga promise kahit amuyin mo pa ako ngayon eh pero Love..." sabi niya at hinaplos niya ang pisngi ko bago nagsalita nang kunyari ay seryoso pero halatang pinipigil ang pagtawa. "Pasensya na pero wala talaga. Yung bulaklak? Yun na yon. H'wag kang mag expect masyado. Grabe nakakaaliw ka."

ERIK!!!

Dahil doon ibinato ko sa kanya yung cellphone ko. Wala na akong pakialam kung saan siya tatamaan buti nga nasalo niya.

"Ugh I hate you! Lumayas ka nga sa harapan ko! Birthday na birthday ko naiinis ako sayo!"

"Pikon ka nanaman di ka ba natutuwa na nandito ako? Nandito ang poging future husband mo." natatawang sabi niya at kumindat pa

"At bakit ako matutuwa ha, bakit may nakakatuwa ba sayo ha?"

Pasalamat lang talaga 'to at nasa tiyan ko ang anak niya kundi kanina ko pa siya tinadyakan.

"Ouch naman, Love ako ang pinakamagandang regalong natanggap mo. Wala ka nang mahihiling pa sa Maykapal." madramang sabi niya

"'Love ako ang pinakamagandang regalong natanggap mo.' Tse! maghanda ka na nga lang ng pagkain doon, dadating na sila Nanay Litz!" sabi ko para umalis na siya nang sala.

"Sa ayaw mo at sa gusto, ako ang greatest blessing mo, mahal ko." he even winked.

Nakatawang umalis naman ito sa harap ko. Nakakaloka, hindi naman sa nag eexpect ako pero kasi talaga ba?

Totoo naman yun, corny mang sabihin pinakamagandang regalo na siya na natanggap ko bukod sa magiging anak namin.

Yung nandito lang siya sa tabi ko sapat nang bagay para magpasalamat ako. Pero talaga? Sa loob ng ilang taon na magkasama kami taun-taon sa tuwing sasapit ng araw na 'to ngayon pa talaga siya walang ginawa samantalang sa bawat taon na dumaan ay marami siyang gimik?

Okay, siguro nga dapat ko na lang tanggapin na siya ang greatest gift ko ngayong taon.

-----------------------

LUMIPAS ang buong araw na parang simpleng araw lang. Kanina ay kumain kami dito sa bahay kasama ang buong pamilya ko at pamilya ni Erik.

Nagkwentuhan, videoke at kung ano ano pa. Halatang nag enjoy ang mga pamilya namin at masaya din ako na makita silang lahat nang magkakasama.

Hindi naman sobrang normal kung tutuusin pero simple at memorableng araw naman ito dahil ngayon lang ako nagcelebrate ng birthday ko sa ganitong pamamaraan.

Hindi na kasi ako pwedeng lumabas dahil sa susunod na buwan lang ay manganganak na ako. Mahirap na at baka ngayon pa kami magkaproblema sa career namin kung kailan malapit nang dumating ang araw na inaantay namin.

Ngayon ay hapon na. Medyo napagod ako kanina kaya natulog muna ako ulit sandali sa kwarto kahit na nandoon pa rin silang lahat ngayon sa baba.

Si Erik naman ay hindi ko alam kung nag inom ba kasama sila Rudy, Ron, Kuya Noy at Kuya Boy. Hinayaan ko na lang siya tutal ay nandito lang rin naman kami sa bahay.

NAGISING naman ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

Kamay pa lang niya ay alam ko na. I turned around to face him and I saw him smile nang makita niyang gising na ako.

"Love," tanging sabi ko lang.

He smiled at dumiretso nang upo sa kama kaya umupo rin ako.

"Nakapagpahinga ka na ba?"

"Hmn yeah. Ikaw, lasing ka na ba?" pabiro kong sabi kahit na alam ko namang hindi. Kasi kung lasing yan ay kanina pa yan nangulit at naglambing sa akin.

"Hmmn no. Hindi ako nag inom."

"Bakit naman? Hindi naman kita pinagbabawalan ah. Dapat sinamahan mo sila Rudy doon."

Umiling, "Hindi, mamaya na lang. May importante pa akong gagawin kaya hindi pa ako pwedeng malasing."

May event ba siya? Tatayo na sana ako para ihanda ang mga gamit niya kagaya ng palagi kong ginagawa.

"Hmmn may biglaang event ka ba? Ano, anong oras ka aalis, teka ihahanda ko na yung damit mo. Anong susuot---"

"Hindi, basta mamaya na natin pag usapan yan. May surpresa muna ako sayo." he cutted me off at tumayo siya mula sa kama at tumayo sa gilid nito.

"Surprise? Oh akala ko ba wala kang bala ngayon ha? Umalis alis ka pa nang bahay e alam mo namang birthday ko." maloko kong sabi

"Well, ako pa ba mawawalan? Actually, pinaghirapan ko nga talaga tong surprise ko sayo eh. Kaya siguradong matutuwa ka." natatawang sabi niya

Hindi ko alam pero feeling ko kalokohan lang nanaman 'to kaya sinakyan ko na lang ang mga pinagsasabi niya.

Mukhang gusto niya lang akong pagtripan buong araw.

"Talaga lang ha? Sige nga ano ba yan ha?" kunyari ay interesado kong sabi at itinaas pa ang isa kong kilay.

"Actually, ireregalo ko sana yung bagay na pinakagusto mo kaso wala eh hindi na kasya sa box kaya hindi ko na ibinalot so ayan, eto na yun."

"Ano? ang alin?!"

Kumuha siya ng bowtie sa bulsa niya at kahit naka t-shirt siya ay sinuot niya ito sa leeg niya.

"Gusto ko pa sanang mag effort sa pagreregalo kaso wala Ge eh, eto na yun, alam ko naman na ako lang sapat na kaya sarili ko na lang ang regalo ko sayo. Tutal katawan ko naman ang pinakagusto mo."

WOW TALAGA.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa sinabi niya. He is so full of himself.

Pumalakpak ako sa sobrang galing niya.

"Wowwww grabe Love! Grabe sobrang nagustuhan ko yang regalo mo, parang gusto kong maiyak, best gift ever!" I sarcastically said.

Napakacorny niya sa totoo lang.

"Oh diba? sabi ko na eh, ako talaga ang pinakamagandang natanggap mong regalo sa buong universe."

Talagang confident siya sa itsura niya diba?

Infairness, mukha siyang tuta dahil sa pabowtie nya.

Tumawa naman ako then I sighed.

"Ang saya ko ngayon, Love. Salamat." I sincerely said.

Totoong masaya ako. Wala mang bonggang selebrasyon ay narealize ko na mas masarap sa pakiramdam yung ganito.

"Nag-enjoy ka ba, Love?" nakangiting sabi niya.

I nodded, "Sobra. Thank you sa pagluluto ng handa ko, Chef Erik."

Si Erik ang nagluto ng lahat ng pagkain para sa birthday ko ngayon hindi kagaya ng nakasanayan namin na ako ang master chef. Natuwa nga ako na panoorin siya kanina, ang pogi lalo.

Sa halos araw-araw na magkasama kami ay natuto na rin siya ng mga bagay na ginagawa ko. Infairness naman sa poging ito, masarap na siya ngayong magluto.

"Masarap ba yung mga luto ko?"

"Mmmmm, sobra. Pwede na mag-asawa." I joked,

"Alam ko. Kaya nga ako nag-aral eh. Pero mas masarap pa rin ako mismo kesa sa mga luto ko." malandi niyang sabi.

Sabay na lang kaming natawa.

"So wala talaga? Todo na to? Happy birthday Angge?"

Doon ay nakangiting tumabi siya sa akin sa kama at yumakap.

"Syempre... hindi. Love naman, ako pa ba? Pwede ba namang hindi ko paghandaan ang araw na'to e ikaw lang naman ang tumatakbo sa isip ko araw-araw ha?" sabi niya at may kinuha sa drawer ng bedside table.

Isang box.

"Buksan mo, diyan magsisimula ang surpresa ko sayo ngayong gabi."

So I opened the small box. Pero natawa lang ulit ako.

"Ano to?!" sabi ko naman at kinuha ko yung 2x2 ID picture niya na bumungad sa akin sa pagbukas ng box.

"Di nga kasi ako kasya sa box kaya ayan picture ko na lang muna ang ibibigay ko sayo. Ang pogi ko diyan 'no? Parang heartthrob sa college." sabi niya.

(A/N: Isipin niyo na lang kung gaano kagwapo si Erik sa 2x2 picture haha)

Natatawang umiling na lang ako bago muling tiningnan ang talagang laman ng box.

Relo.

"Wow Love, ang ganda." tanging sabi ko lang.

He smiled. "You like it? Natatandaan mo?"

"Yes Love." Tumango naman ako, I'm speechless. Pati ba naman ito hindi niya nakalimutan?

"Yan yung relo na dapat bibilhin mo noong nakaraan sa US pero sabi mo sa pasko na lang. Kaso naisip ko, mukhang hindi kaagad tayo makakabalik sa US kaya ayan, binili ko na."

"Paano mo naman naisip na hindi kaagad tayo makakabalik ha?"

Minsan talaga, nahihiwagaan ako sa mga sinasabi ng lalaking 'to.

He just shrugged, "Wala lang, instinct? Anong tingin mo, ikaw lang ang magaling sa mga hinala? At tingnan mo naman, tumama nga ako."

Natawa naman kami pareho. Magaling akong maghinala tungkol sa mga babae niya.

Kinuha niya ito sa box at isinuot ito sa kamay ko. Napangiti na lang ako, he is really good at remembering things even the simplest ones. Bagay na sobra kong hinahangaan kay Erik.

Nakalimutan ko na rin halos ang relo na 'to pero akalain mo nga naman na siya ay naalala pa niya.

"I love it, Love! Thank you!" sabi ko at niyakap siya.

"Anything for you my queen." he hugged me back. "Pero yan palang ang simula ng sorpresa ko sayo. Anong oras na?" he asked me.

So syempre ano pa bang silbi ng relo na to kung hindi ko titingnan ang oras diba?

"Hmmmn alas singko."

"Alas singko na? Sige, tara magbihis ka may pupuntahan tayo."

"Ha? Saan?"

"Basta may pupuntahan tayo na sigurado akong namimiss mo nang puntahan. Siguradong sabik na sabik ka nang pumunta doon matagal na." malokong nakangiting sabi niya.

Bigla naman akong nacurious sa tinutukoy niya.

"Ha ano ba kasi yan? At saan?"

"Basta di ko pwedeng sabihin. Masisira ang plano."

"Aaay kahit clue lang?" I pouted, effective to sa kanya promise.

He looked at me kita mo na, hindi ako natiis.

"Naku naman, huwag mo nga akong ginaganyan Angeline!" sabi pa niya na parang pigil na pigil.

"Hmmmn clue na kasi, Love. Please?"

"Sige, ang clue... may kinalaman sa..." binulong niya  "heaven." he sexily said,

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya hinampas ko siya, "Erik! Yung bibig mo talaga!"

Tumawa naman siya.

"Oh bakit, anong masama dun ha? Ayaw mo na bang maramdaman ang langit ngayon? Parang dati lang gustong gusto mo." malokong sagot niya.

NAPAKA!!!!

"Ngayon pa talaga ha? Di ka na nahiya ang laki na ng tiyan ko!?"

He laughed "Anong konek? Bakit bawal ba yun? Hindi ba mas dapat nga nating maramdaman ang heaven lalo na ngayong palabas na si baby?" sabi niya at yumakap sa akin.

"Aahh ang bastos mo talaga! Bahala ka mga dyan. Mag isa ka dyan sa heaven mo." sabi ko at tumayo na.

Nakakahiya yung pinagsasabi niya. Kahit naman magkakaanak na kami ay... ah basta!!!

"Hahahahaha sige na kasi bihis na. Inaantay na tayo doon o gusto mo tulungan pa kita? Tinulungan nga kitang gawin yan." sabay turo sa tiyan ko.

"Tse! Doon ka na sa labas magbibihis na ako!" sabi ko at itinuro ang pinto.

Tumatawa pa rin siyang tumayo sa kama at bago lumabas ay bumanat pa ulit siya.

"Ngayon ka pa aarte sa akin e nakita ko na lahat yan. Kabisado ko na nga kahit madilim. Bye Love, see you later!"

------------------------

"MALAYO pa ba? Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Wait lang Love, malapit na talaga."

Panglimang beses niya nang sinabi yan, sabagay palagi naman siyang ganyan sa tuwing lumalabas kami, ano bang bago?

"Bakit ba kasi ngayon lang tayo aalis? Gabi na oh, saan ba tayo pupunta? Akala ko ba magdidinner pa tayo ulit nila Nanay Litz sa bahay niyo ha?"

Tumingin ako sa relong bigay niya. Alas syete na ng gabi.

Yun kasi ang usapan namin pagkatapos ng pupuntahan naming ito na surpresa niya daw sa akin pero hanggang ngayon naman ay hindi pa rin kami nakakarating.

"Hmmn oo nga pero mamaya na yun
Love, mas importante kasi 'to. Excited na ako." hyper na sabi niya.

Inikutan ko lang siya ng mata. Sanay na naman siya sa akin na sinusungitan ko siya lalo na kapag para siyang bata.

"Ewan ko sayo. Pa-heaven heaven ka pa diyan e pwede namang sa bahay na lang." naiiritang sabi ko.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" painosenteng sagot niya.

"Bakit ba ayaw ba mo na sa bahay na lang? Hindi naman kailangang mag-hotel pa."

"HOTEL?! Bakit saan mo ba iniisip tayong pupunta?"

Heaven edi...

"Sogo. Hindi ba?" diretso kong sabi.

Doon ay malakas siyang tumawa. Uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Pinagtitripan nanaman ako nito.

"ANONG NAKAKATAWA HA?! UMAYOS KA NGA, BAKA MABANGGA TAYO!" humawak naman ako sa dashboard ng kotse.

Pero imbes na tumigil aba'y lalong lumakas ang tawa niya habang nakatingin pa rin sa kalsada.

"Love naman, hahahahahaha Sogo talaga? Kelan pa ba kita dinala sa ganon?" tumatawa pero amused niyang sabi.

Inirapan ko lang siya,

"Aba malay ko sayo. Baka ako hindi mo pa nadadala ewan ko na lang yung mga babae mo. Baka may suki card kayo doon." iritang sabi ko.

Naiinis lang ako pero hindi ako nahihiya sa sinabi ko dahil yun naman talaga ang naisip ko. Ganoon siguro talaga kapag kilala niyo na ang isa't isa, sanay na kayo at komportable. Pero kasi naman, heaven daw kaya yun ang naisip ko.

Natatawa pa rin siyang umiling at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Hindi ka pang-ganoong lugar lang, Love kaya hindi kita dadalhin sa ganon. Hindi mo deserve. Tsaka hintayin muna nating lumabas si baby, tiis muna ako ngayon." hinalikan niya pa ang kamay ko bago itinigil ang kotse kaya lumingon ako sa labas para makita kung nasaan kami.

Nasa tapat kami ng 7eleven.

"Teka lang may bibilhin lang ako, dito ka lang ha?"

"At ano namang bibilhin mo?"

"Hmmn yung kailangan natin bago pumunta sa langit? Para safe." sabi niya at kumindat pa bago bumaba ng kotse.

Napailing na lang ako, puros talaga siya kalokohan.

Mga ilang minuto lang ay bumalik na siya, may dala siyang paper bag. Ilalagay niya sana ito sa likuran ng sasakyan pero kaagad ko itong nahablot sa kamay niya

"Ano ba kasi to ha?"

"Love h'wag, mamaya mo na----"

Kandila

"Ano to? Para saan mo gagamitin 'to?"

Tumawa naman siya

"Pwedeng sindihan, pwede ring ulamin natin." pilosopong sagot niya kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Biro lang. Maglalaro tayo ng apoy kagaya nang dati. Basta kailangan natin yan. May isa pa tayong dadaanan." sabi niya at hinawakan ang kamay ko bago pinaandar muli ang sasakyan.

Pero dahil talagang nahihilo na ako sa sobrang dami ng hanash niya at paikot ikot lang din naman kami sa Maynila ay natulog na lang muna ako sa byahe. 

"Love? Love, gising na."

"May bibilhin ako tara, kailangan ko ang tulong mo para dito." sabi niya. at ipinasuot sa akin ang sombrero at shades ko at ganoon din ang ginawa niya.

Lumingon muli ako sa bintana.

Flower shop.

I looked again at Erik he smiled, "Tara na?"

--------------------------

NAKAKATITIG ako sa daanan habang binabaybay namin ang daan patungo sa sinasabi ni Erik na sorpresa niya sa akin.

Tiningnan ko yung bulaklak na nasa kandungan ko. Napangiti ako. Siguradong magugustuhan niya ito.

Kanina nung bumili kami ni Erik ng bulaklak ay doon ko na naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin at kung saan kami pupunta.

Bulaklak

Kandila

Heaven

Tama, heaven nga at totoo sabik na sabik na rin akong makita siya. Sa puntong ito, dapat na nga namin SIYANG maramdaman.

"We're here, Love." sabi ni Erik pagkahinto niya ng sasakyan at tinanggal ang seatbelt naming dalawa. "Tara na? Let's go visit him."

Tumango naman ako at bumaba na kami ng kotse.

Madilim na ang paligid pero may mga ilaw naman sa mga poste at sa puno na katabi ng pupuntahan namin.

Kung tutuusin ay nasa isang nakakatakot kaming lugar pero hindi ko na naisip yun.

Namiss ko 'to, namiss ko SIYA.

Umapak ako sa damo. Hawak ni Erik ang kamay ko habang nakatitig lang ako nang diretso habang naglalakad papunta sa kanya...

Sa taong sobrang halaga sa buhay ko.

Sa unang lalaking minahal ko sa buhay ko.

Pagkatapat ko sa kanya ay kaagad na lumuhod ako sa harapan niya at pinunasan siya.

Inilagay ko sa harapan niya ang mga bulaklak na binili namin ni Erik pati na ang mga kandila.

"Hello papa, namiss po kita."

Si Papa.

Ang papa ko ang pinuntahan namin ni Erik. Ito yung kanina pang sinasabi niya na heaven daw.

Tama nga naman kasi siya, nasa heaven na si papa.

"May kukunin lang ako saglit sa sasakyan Love ha? Dito ka muna, kausapin mo na si papa mo." sabi niya at tinapik ako sa likod.

I smiled as I see Erik go back to the car bago ako lumingon ulit at ngumiti habang nakatitig sa lapida ng aking ama.

"Hi papa nandito po ulit ang nag iisang prinsesa niyo. Kamusta po kayo? Papa birthday ko po ngayon, pasensya na Pa ha? Hindi kita nadalaw ng halos ilang buwan. Hindi pwede eh. Pero kahit na ganoon, hindi naman po kita nakalimutan."

"Papa sa totoo lang hindi ako prepared na makita ka ngayon, kaya tingnan mo oh ni wala man lang akong dalang pagkain na paborito mo. Si Erik kasi eh, akala ko talaga magdedate kami ngayong birthday ko."

"Siguro Pa kung nandito ka, mas masaya tayo. Alam ko naman na alam mo na lahat ng ginawa ko noon para yun sa inyo. Hindi man ako lumaki na buong buhay ko ay ikaw ang laging kasama masaya ako kasi minahal mo ako nang sobra-sobra. Salamat sa lahat Pa kasi kung wala kayo, wala din ako sa mundong ito. Alam ko na proud na proud kayo sa mga naabot ko."

Hinawakan ko ang tiyan ko.

"Ngayon ito, magkakaapo ka na ulit. Naku tuwang tuwa ang Mama Bob at Nanay Susan. Sayang hindi mo na siya makakarga pero ayos lang Pa. Bantayan mo kami ng apo mo ha? H'wag kang mag alala Pa sinigurado ko na maganda ang lahi nito, halata naman sa itsura ng tatay diba?" I jokingly said.

Siguro kung buhay ang tatay ko ngayon baka binatukan niya na ako sa mga pinagsasabi ko.

"Papa, mahal ko po si Erik. Mahal na mahal. Alam ko na nakita mo lahat ng mga pinagdaanan namin nang magkasama. And I know na isa ka sa mga tumulong para maging matatag kaming dalawa. Masayang masaya ako na nakasama kita ngayong birthday ko, hindi ko akalaing ikaw pala talaga ang kukumpleto sa araw ko."

My day is really complete for I have the best people with me today. Salamat lahat kay Erik.

🎼: MARRY YOUR DAUGHTER

🎶Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time🎶

Napalingon ako sa narinig ko. Si Erik, dahan dahang naglalakad sa likuran ko habang kumakanta at tumutugtog ng gitara.

🎶See in this box is a ring for your princess
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Cause very soon I'm hoping that I...🎶

🎶Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
Can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter🎶

I cannot help but to smile. Ngayon ay nasa tabi ko na siya and he's actually singing that song infront of my father's grave.

🎶She's been here every step
Since the day that we met
So don't you ever worry about me ever treating her bad
I've got most of my vows done so far
And till death do us part
There's no doubt in my mind
It's time
I'm ready to start
I swear to you with all of my heart...🎶

Siguro isa to sa mga pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.

Lahat naman siguro ng babae pangarap na hingin nang pormal ang kamay niya ng lalaking mamahalin at makakasama niya habangbuhay sa harap ng mga magulang niya.

Nasa langit man si Papa, still, Erik made a way just to talk to him.

🎶I'm gonna marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
As she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter🎶

🎶The first time I saw her
I swear I knew that I'd say I do🎶

🎶I'm gonna marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
As she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter🎶

At this moment, I am certain of one thing, this is really the man that I would marry.

Nang matapos siyang kumanta ay ibinaba niya ang hawak niyang gitara. I smiled and then I looked at my father's grave.

"Pa kilala mo naman po siya di'ba? Si Erik nga po pala. Hindi ko po siya boyfriend." natatawang sabi ko.

"Hindi niya po ako boyfriend, ako po ang future husband niya." titingin at mapapangiting hinawakan niya ang kamay ko.

"Hi po, ako po si Erik Santos. Kilala niyo pa naman po ako diba? Uhhmm ako po yung laging pumupunta noon sa condo ng anak niyo. Hanggang ngayon pa rin naman po akyat-bahay pa rin naman po ako sa kanila. Pero h'wag po kayong mag-alala puso niya lang po ang ninakaw ko sa kanya."

Bigla naman siya sumeryoso.

"Sir, gusto ko pong pormal na magpaalam sa inyo na kunin ang kamay nang nag-iisang prinsesa niyo. Alam ko pong hindi ko 'to nagawa noon noong nabubuhay pa kayo kaya po ngayon gusto ko pong pormal na magpakilala bilang magiging asawa ng anak niyo at ama ng mga magiging apo niyo. I want to ask for your blessing and permission. Hindi ko man po maipapangako na hindi siya iiyak sa piling ko pero pangako na hindi ko hahayaan na mag-isa siya sa bawat bagay na pagdadaanan niya. Sir, I love your daughter so much. Please, let me marry her and be with her for the rest of our lives."

Magmula nang mawala si Papa ay si Erik na ang nagsilbing tagapagprotekta ko. Siya na ang naging sandalan at kakampi ko noong mga panahong pinanghihinaan ako. He became my strength. Si Erik ang nasasabihan ko ng lahat ng problema ko at nagpapayo sa akin sa lahat ng mga pinagdadaanan ko

Kaya nga Erik is more than just a man to me. He is my everything.

I know na nakita ni Papa ang lahat nang pinagdaanan namin at sigurado akong masaya siya ngayon para sa amin.

Papa, you will always be my first love.

"Papa naalala mo po yung sinabi ko sayo noong Father's Day na nakita ko na yung lalaking pangarap kong makasama habang buhay? Papa siya po yun. Kaya Pa, pakakasalan ko po siya ha?"

Hindi ako noon nagkaroon ng isang kumpletong pamilya kasama si Nanay Susan at si Papa kaya sisiguraduhin kong maibibigay ko yun sa magiging anak ko.

"Sir pangarap ko pong makasama habangbuhay ang anak niyo. Pangarap kong ibigay at iregalo sa kanya ang trono sa buhay ko bilang reyna ko. Kaya sir, I am asking for your permission na palitan ang apelyido niya. Maaari po ba?"

Sandali kaming tumahimik.

"Oh, oo daw Ge sabi ng Papa mo. Salamat po Sir." he said kaya tumawa kaming dalawa.

"Pa, miss na miss na po kita. Excited na akong dalhin dito sayo yung apo mo."

"Sir, aalagaan ko po ang anak at apo niyo, makakaasa po kayo na tutupad ako sa usapan. Pag hindi po, sige, multuhin niyo po ako."

Natawa naman ako at yumakap ako kay Erik at tiningnan ko siya.

"Love, thank you so much. Thank you, thank you, thank you!" I said.

"At para saan naman yng apat na thank you na yan ha?"

"Para sa lahat ng nangyari sa araw na 'to. Siguro ito na ang pinakamemorable na birthday ko sa lahat."

Hindi ko talaga kasi inaakala na ito pala ang plano niya. Hindi ko alam pero hindi man ito kasingbongga ng mga nagdaan kong birthday pakiramdam ko sobrang saya ng bawat tagpo.

He just asked my father's permission infront of his grave. Sobrang saya ko ngayon.

"Talaga ba? Masaya ka ngayon?"

I nodded, " Sobra! Thank you for bringing me here. Sobrang namiss ko si Papa, Love."

"Anything for you. Tsaka ginagawa ko ito kasi ito ang tama. Before I could make you my queen, I should first ask the permission of the man who made you a princess long ago."

I am so proud of him. Alam kong korni ito para sa iba but this thing is the sweetest thing ever.

"Salamat talaga Love. Atleast ngayon talagang legal na tayo kay papa. hindi na tayo pupunta dito nang magkasama nang sasabihin kong 'Pa si Erik po, kaibigan ko' ang plastik kasi, para bang kapartner lang kita sa baby thesis ganon?"

"Oo literal na baby thesis kasi magkakababy na tayo. Takot kaya ako sa papa mo."

"Takot ka pa e patay na nga siya?"

"Aba syempre mas nakakatakot, hindi ako kayang habulin ng itak niyan pero talagang manlalamig ako sa presensya niya." he joked, "so ano masaya ka naman sa heaven ko?"

"Hmmn yeah, sobrang heaven sa pakiramdam."

Kung ito ba naman palagi ang heaven, bakit naman ako matatakot diba?

"Oh diba, sabi ko na sayo magugustuhan mo ang pa-heaven ko eh. Hmmn pero sure ako mas gusto mo yung isang version ko ng heaven." malokong sabi niya.

"Sira! Ayan pa rin talaga ang naiisip mo ha? Mahiya ka naman Pogs malapit nang lumabas yung anak mo oh!"

"Oh bakit anong mali dun? Pagdating ni baby, gagawa ulit agad tayo ng bagong baby? Diba?" sabi niya at itinaas-baba pa ang kilay na para bang nakakatuwa ang ideya niya.

"Ewan ko sayo! Akala mo ba madaling magkaanak? Mahirap manganak Pogs! Kung gusto mo pa, ikaw ang gumawa mag isa." pabiro kong sabi

Akala niya ba madaling magtimpla ng gatas ha? Itong lalaking 'to.

"Sus sinasabi mo lang yan ngayon tsaka ako naman ang mag aalaga eh. Tingnan mo, bibilib ka sa powers ko." sabi niya "Nga pala speaking of powers, sige na, ito na yung huling surpresa ko sayo."

"Wow, meron pa?" parang hindi yata siya ngayon nauubusan ng sorpresa.

Tumingala siya. "Nakikita mo yang mga bituin na yan? Naaalala mo ba, pareho tayong bunga ng mga bituin? Ikaw si Star Power, at ako naman si Star In A Million. Pareho tayong kumikinang. We shine the brightest during our winning moments. Pero para sa akin Love, ikaw ang pinakamaningning na bituin ng buhay ko. Because you are my guiding light whenever I am losing the sight." sabi niya at hinaplos ang mukha ko.

We both smiled.

"Kaya naman hindi man kagaya ng sabi ko sa kanta ko na kaya kong sungkitin ang mga bituin alang-alang sayo, kaya ko namang ipahatid sa langit at sa buong mundo ang pagmamahal ko sayo na parang mga bituing kumikislap katulad nito."

He then pointed his hands in the sky at kasabay noon ay ang pagkislap ng langit.

Fireworks.

This is definitely not my first time to see a colorful fireworks display but for me, this one's very special.

"Wow" yun lang ang nasabi ko habang pinagmamasdan ang kalangitan.

Sa una ay simpleng fireworks lang siya. Iba't iba at magagandang kulay.

Para bang mga sumasabog na bituin sa kalangitan. Parang naglalaro.

I am really enjoying the sight. Akalain mo bang literal nga ang langit na sinasabi niya?

Pero habang tumatagal ay lalo itong gumaganda sa paningin ko hanggang sa pinakadulong bahagi nito.

'HAPPY BIRTHDAY ANGELINE'

Yung ang unang mga salitang iginuhit ng mga pakulay sa kalangitan.

I smiled.

Tama nga siya. Literal na abot langit at bituin nga ang pagmamahal niya

'THANK YOU SO MUCH SEXY KO'

'YOU ARE MY LIFE'

'MY EVERYTHING'












'I LOVE YOU.'

'LOVE, YOUR POGS'

"I may not be able to give you everything but I promise to do anything for you. Happy birthday Love!"

I smiled.

I literal lost the words on how much I am thankful to have this man. All I know is that he is my life now.

Habang tumatanda kami, ang buhay namin ay patuloy ring nagbabago sa bawat mga bagay na pinagdadaanan naming dalawa.

Pero lumipas man ang marami pang taon at mga panahon, siya lang ang gusto kong makasama.

Words are really not enough, so I just kissed him.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...
509K 21.2K 57
Meet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind...
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™