Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 45

1.3M 36K 28.8K
By jonaxx

Kabanata 45

Papaiyakin

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako makakuha ng tamang salita. Nakaawang lang ang bibig ko habang naririnig kong sumarado ang pintuan ng elevator. Hinawi ni Ysmael ang kamay kong nakahawak sa kanyang coat. Inayos niya ang kanyang suot tsaka ako tinalikuran dahil sa pagwawalang kibo ko.

Nang nakita ko siyang nakalayo ng ilang metro sa akin ay tsaka pa lang ako nagising sa aking pagkakagulat.

"Ysmael, wait!" Tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon.

Dire diretso ang labas niya sa building. Naisip ko ang naiwang trabaho ko ngunit saglit lang iyon. Mas inisip ko ang pagiging galit ni Ysmael sa akin.

"Ysmael!" Tawag ko bago siya pumasok ng kanyang sasakyan. Nilingon niya ako sa isang malamig na ekspresyon.

"What is it, Meg?" Tanong niya.

"I-I'm sorry." Hindi makatingin ng diretso ang mga mata ko sa kanya. Para bang napapaso ako sa kanyang titig. "I'm really, really sorry. I mean it."

Tinitigan niya lang ako. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri kong naglalaro sa isa't-isa, nililibang ang mga mata kong walang mapuntahan.

"Let's have dinner." Aniya pagkatapos ng ilang sandaling tinitigan ako.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Binuksan niya ang kanyang pinto para sa akin. Tinuro ko ang daan pabalik sa building.

"Hindi pa ako tapos sa mga ginagawa ko. Tsaka 'yong gamit ko." Sabi ko.

"I don't care." Nag iwas siya ng tingin.

Tinikom ko ang bibig ko at tumango. Sumalampak ako sa loob ng kanyang sasakyan at nag angat ng tingin bago niya iyon sinarado. Umikot siya at pumasok sa driver's seat. Pinagmasdan ko ang pagtagilid ng kanyang ulo para paandarin ang sasakyan. Kahit na may ginagawa ay batid kong malalim ang kanyang iniisip.

Nanahimik ako sa buong byahe. Iniisip ko kung paano siya kakausapin mamaya pag nasa restaurant na kami. Hindi ko makuha kung bakit niya ako gustong maging girlfriend. Hindi naman ako nagbubulag bulagan. Noong una pa lang ay alam ko nang may malisya itong paglabas namin. I opened my doors for another man because I think I won't forget Noah if I don't. Pero hindi niyon ibig sabihin na kaya ko ring samantalahin ang kagustuhan ni Ysmael na maging kami para lamang kalimutan si Noah. Who am I kidding? Kung gagawin ko iyon ay mas lalo lang kukumplikado ang sitwasyon.

Nakaupo na kami pareho sa restaurant at kakasabi ko lang ng order ko. Hindi ako kakain ng buong meal. I ordered mango shake. Hindi rin naman kasi siguro ako makakakain ngayon dahil sa iniisip kong pag uusapan namin ni Ysmael.

"Ysmael, tungkol don sa-"

"Did you receive the invitation? 'Yong sa training, Meg?" Hindi niya ako pinatapos at nilihis niya pa ang usapan. Siguro ay hindi siya kumportableng pag usapan namin iyon.

"Oo. Uh, binigay ni Fiona sa akin kanina." Sabi ko.

"It's in two weeks." Nakapag desisyon ka na ba? You'll be alone." Aniya at ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Yup. It's an asset din naman." Tumango ako.

Katahimikan ang siyang bumalot sa amin pagkatapos kong magsalita. Uminom si Ysmael ng wine at pinanood ko lang ang kanyang ginawa. Seryoso parin ang kanyang mukha. Abot abot ang kaba sa aking puso. Hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa takot sa galit niya o sa komprontasyong alam kong siyang kahihinatnan ng gabing ito.

"Ysmael." Matapang kong sambit. "Tungkol sa sinabi mo sakin kanina..."

Tumingin siya sa akin, matalim ang mga mata.

"I-I-I just want to say that... it's too early to, you know," hindi ako makahanap ng tamang salita. "engage in a relationship with you."

"Binabasted mo ba ako, Megan?" Katakot takot ang tono niya. It kind of reminded me of Noah.

"No. I mean. No. I mean," umiiling ako sa bawat pabalik balik na salita. "I mean, we can stay friends and see if we should take it to the next level. Hindi naman pwedeng agaran-"

"You know I waited for years." Kumunot ang noo niya. "Pinili mo si Noah kahit na malupit siya sa'yo. Ngayon ay siya parin ba?" Tumikhim siya. "But I will respect your decision. But this time, please know that I won't accept bullshits and rejections, Meg. Dati mo na akong pinaasa sa wala. Dati mo na akong binilog. We didn't have our proper closure and this time, I don't want the damn closure. I want to see a good ending." Diretso niyang sinabi na para bang may business proposal siya sa akin.

Nilapag nong waiter ang pagkain niya at ang shake ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa presensya ng ibang tao ngunit nang umalis ang waiter ay tsaka pa lang ako nagkatyempo.

"Ysmael, wag mo akong ipressure-"

"I am not, Meg. I just want to be fair. Hindi ako martyr. If you want me then you can have me right now. But if you don't, you have to tell me immediately so I can burn the bridge between us."

"What?" Nanlaki ang mata ko. Gusto kong magprotesta ngunit ayaw kong ipakita sa kanya na kinabahan ako sa pangalawang desisyon. Ibig sabihin pag binasted ko siya ay magagalit siya sa akin at hindi na ulit kami mag uusap? Kung tama ang naiintindihan ko sukat sa sinabi niya ay iyon nga ang mangyayari!

Nagtaas siya ng kilay. "If you're scared of losing me, then you should choose to have me. That's the thing about you. You only like the chase. You like rejection so much. It's your drug. Kaya nong hindi kita pinansin nong una ulit tayong nagkita ay nagtaka ka. You want the attention. You want the people who can't give it to you. You like to like those who can't like you back. And when they do, you'll drop them." He said matter of factly.

Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Those words kept me awake the whole night. Hindi ako makatulog lalo na't panay na naman ang balita nina Wella sa akin tungkol sa pagkaka full ng gig nina Noah kung saan. Kahit si Everlyse ay naroon. I just couldn't go out tonight. Masyadong malalim ang iniisip ko.

Tinulugan ko ang pag iisip ko. Sa Sabado ay tinapos ko ang mga hindi ko nagawang tapusin kahapaon. Ang tanging naging libangan ko habang ginagawa iyon ay ang mga munting texts ni Noah na kahit nakakairita ay inaamin kong nakakapagpangiti sa akin.

Noah:

Just woke up. What are you doing?

Kahit na unknown number ay pakiramdam ko ay alam na alam ko nang siya iyon. Napatingin pa ako sa orasan na ala una na ng hapon. Ganitong oras siya nagising ngayon dahil sa gig nila kagabi? It must have been very good, huh?

Ako:

Work.

Noah:

Nag lunch ka na? It's 1pm. We'll record today. Pupunta ka ba sa Moon?

Kinagat ko ang labi ko. Is this their first recording with Stan? Oh god! But I shouldn't right?

Ako:

Wala si mommy sa Moon. I don't care what you'll do for today.

Hindi ko matapos tapos ang pagtitig sa cellphone ko. These past few days I have been so harsh on him. Maybe it's my defense mechanism. Ayaw kong masaktan niya ulit ako. Ayaw kong maisip ng Zeus na nagpapakadesperada ulit ako.

Noah:

I know. Sinasabi ko lang naman. Sabihin mo na lang sakin anong gagawin mo ngayon. That would be better.

Parang may kaonting kirot sa puso ko. In my ass, Noah Elizalde!

Ako:

I'm working nga!

Medyo matagal siyang nagreply. Siguro ay mga isang oras. Isang oras din akong walang magawang matino. Halos magmura na ako sa harap ng monitor dahil wala na akong ginawa kundi ang abangan ang lintik niyang mensahe. Oh damn it!

Noah:

You have work tomorrow? It's a Sunday.

Nag reply ka pa, huh?

Ako:

Wala. Wag mo nga akong itext!

Ginulo ko ang buhok ko at humilig sa swivel chair. Tinitigan ko ang isa sa mga video na ineedit ko for an advertisement. Hindi ko matapos tapos kahit na kaninang umaga ko pa ito ginagawa. Imbes na nasa huling parte ako ay tsaka pa ako nagkakaroon ng block!

Noah:

I want to text you now because I can. Mamaya hindi na ulit ako makakapagtext. Do you have your car? Makakauwi kang mag isa?

I want to throw away my phone and stop replying! Nakakafrustrate at hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi. Sa huli ay napagdesisyunan kong wag na lang pansinin ang kanyang mga text. Pagkatapos ng trabaho ay nagbabad ako sa gym ng ilang oras. Ilang messages at tawag sa mga taong malapit sa akin ang natanggap ko. Si Wella na nag yayayang sumama sa gig, si Everlyse na ganon din, si Ma'am Alice na may bilin sa opisina, at si Ysmael na nagsasabing nasa isang business trip siya.

Pagkatapos ko sa gym ay dumiretso ako sa isang kilalang vegetarian restaurant. Kakatapos ko lang kasing mag work out at ayaw kong ma guilty sa kakainin ko kaya napag desisyunan kong doon kumain.

Bumagsak ang mata ko sa menu. Alas nuwebe na ng gabi at kaonti lang ang kumakain doon. Naghihintay ang waiter sa oorderin ko habang nasa tapat ko.

"We have Garden Salad, ma'am. Lettuce, pineapple, olives, cherry, cheese, ceasar dressing 'yong nandyan. We can also add ham if you want." Ngiti niya.

Umiling ako. "I'll have that without the ham." Sabi ko at binigay sa kanya ang menu. "And water please."

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at napansin ang isang babaeng titig na titig sa akin. Tingin ko ay may sira ang mata ko at hindi ko gaanong makita ang mukha ng babae gayong hindi naman siya kalayuan. Nanliit ang mata ko at nakita ko kung sino iyon.

"Coreen." Napabulong ako sa aking sarili.

She smiled at me. Kinakausap siya ng lalaking kaharap niya na alam kong si Rozen. Bumaling si Rozen sa akin at tumango ako sa kanya. Ngumiti siya at binalik ko ang tingin ko kay Coreen na mas lalong humaba at umalon ang buhok. She looked blooming pero mas lalo yata siyang pumayat ngayon at medyo pumuti ng husto.

Ikinagulat ko ang pagtayo niya habang nakatingin sa akin. Pinanood ko ang pagpanhik niya patungo sa kinauupuan ko. Nagtawag si Rozen ng waiter at kinausap niya iyon para sa order nila ni Coreen.

Nang nakalapit si Coreen sa mesa ko ay inilahad ko ang upuan sa harap ko. I don't know what she's up to but I'm not rude.

"Is it okay?" Tanong niya, tinuturo ang upuan sa harap ko.

"Of course." ngumiwi pa ko. Bakit naman hindi magiging okay ang pag upo niya kasama ako?

"Kamusta kayo ni Noah?" Iyon agad ang tanong niya, tinatagilid ang ulo.

Para akong ginyera nang hindi pa handa. "Wha-What? Walang kami ni Noah." Bahagya akong natawa.

Ngumiti siya. Isang matamis na ngiti. Probably the reason why despite of Noah's cruel nature, she got him. I won't deny that. She got him. Kahit na sabihin nating nangyari lang iyon dahil gusto ni Noah na patunayan sa akin na kaya niyang mag mahal ng iba sa katauhan ni Coreen ay alam kong kahit paano ay nakuha rin nitong si Coreen ang loob ni Noah. "Hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Noah. Honestly, hindi ko talaga alam. He's too secretive. I thought I was his bestfriend, hindi pala."

"Ah! That's okay. Siguro ay iyon ay dahil hindi naman ako importante para malaman mo pa. And maybe ayaw niya rin talagang malaman mo. Masisira ang diskarte niya sayo pag nangyari." Tumawa ako.

Umiling siya. "Diskarte? He has his own way with his words, Megan. I'm sure you know that. But I have never seen or felt it. Iyon ang totoo. Hindi siya dumiskarte sa akin. Mahal na mahal ko siya noon at kahit nong sinabi niyang nagustuhan niya na ako simula pa lang noong high school ay alam kong hindi iyon sapat. Hindi sapat 'yong feelings niya para sa akin dahil hindi niya pinaglaban. Well, not that I'm not greatful that he didn't. I'm in love with Rozen. I just want you to see it."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong punto ni Coreen. "Kailan mo nalaman ang tungkol samin?"

"Last Thursday. May family dinner kasi sa aming bahay. Late nga iyong dumating tsaka pagod. Nagkausap kami. May sinabi na rin si Rozen sa akin tungkol sa inyo ni Noah."

Tumango ako. Why does it matter to me?

"Ikaw... pinaglaban ka niya ng husto." Marahang sinabi ni Coreen.

Ngumiwi ako. Sinubukan kong ngumisi pero nabigo rin. "What song did he sing for you?" Halos mabasag ang boses ko.

"He did not sing for me. I just heard him sing it a couple of times. That's all." Sabi niya, nalilito.

Tumango na lang ako at ayaw ko nang magtanong ulit.

"Half Crazy." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Siguro ay iyon lang ang alam niyang kanta? Who am I kidding? Nag init ang gilid ng aking mga mata pero hindi ko hinayaang bumuhos ang luha ko.

"I'm sorry. Did I say something wrong?" Kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Tumagilid pa ang kanyang ulo.

"I'm sure Noah cried for you. Kahit na malupit iyon ay alam kong natamaan iyon sa'yo. He wants to get rid of me through you. He's not usually like that. Espesyal ka sa kanya. Minahal ka niya." Sabi ko.

Tumango siya. "Now that you mentioned it... I saw him teary eyed once." Umangat ang tingin niya sa kisame. "I'm not sure if he did cry. You know..."

Sabay kaming dalawa. "Noah never cries!"

Nagtawanan kami sa sinabi naming iyon. Humilig pa siya sa akin nang napasarap ang tawanan namin sa di malamang kadahilanan.

"Si Rozen ilang beses ko nang nakitang umiyak. Si Noah, pakiramdam ko mahal yata ang luha non."

Kinagat ko ang labi ko. He never even cried when I let him go. He never cried when I pushed him away. Some damn girl will someday make him cry, huh?

"Hey, girls! What are you talking about? Pinag uusapan niyo ba ako?" Kumindat pa si Rozen sa akin. Ang kapal din ng isang ito.

"No, Rozen. I'm sorry but we're talking about your brother." Tawa ko.

"Noah's girls..." Umiling siya at tumingin kay Coreen.

"Can we sit here instead, babe? Parang gusto kong paglihian si Megan." Tumawa si Coreen.

Ngumuso si Rozen at tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Coreen is pregnant? "Oh my gosh, you're pregnant!?" Halos sigaw ko.

"Is that impossible, Meg?" Sarkastikong tanong ni Meg.

Tinuro ko si Rozen. "This jerk here did that?"

Hinawi ni Rozen ang kamay ko. Tumawa si Coreen. "I'm not a jerk!" Umupo siya sa tabi ni Coreen.

"Oh you are." Ngiti ko.

"Nagsalita naman ang hindi." Ngumiti siya pabalik at hinalikan sa tainga si Coreen. "Asan ba 'yong kapatid ko?"

"Ewan ko. Busy sa gig. Hayaan mo na. Malaki na 'yon." Uminom ako ng tubig.

"You should stop teasing Noah and Megan, Rozen." Sabi ni Coreen.

"Nakakainis kasi ang isang iyon. Masyadong torpe. Ang tayog ng pride. Paiyakin mo, Meg. I don't believe na hindi umiiyak ang isang iyon." Umirap si Rozen.

"I'm moving on." Sabi ko at sabay pa silang dalawang ngumiwi.

"Papaiyakin niya talaga yata." Sabi ni Coreen habang tinitingnan ang nakangiting si Rozen.

Alas onse na nang nakauwi ako sa bahay. Napasarap yata ang kwentuhan namin nina Rozen at Coreen. Nagawa pa naming uminom ng champagne ni Rozen habang nag kukwentuhan. They invited me to their wedding. Next week na pala iyon at naisip kong pumunta nga. Pupunta rin naman ang Zeus dahil tutugtog sila maging ang Going South. Sina Everlyse at Carlos ay nasa guestlist na rin. Pag iisipan ko munang mabuti iyon.

Sumalampak agad ako sa kama dahil sa pagod. Damn it! Sakit ng katawan ko sa kaka squat kanina. Hindi na ako nakapagbihis man lang dahil sa pagod. Mabuti na lang at kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa araw na ito ay wala akong gagawin. Pwede akong matulog buong araw pero kailangan ko pang itext si Everlyse tungkol sa wedding ni Rozen at Coreen.

Bumaba ako at nag isip na kakain ng cereals ngayon para sa breakfast nang bigla kong naamoy ang bango ng iba't ibang klase ng pagkain sa aming kitchen.

"Manang?" Tawag ko sa pagtataka ngunit bago pa ako masagot ni manang ay isang hubad na likod ang bumungad sa akin habang nag luluto sa aming stove.

Holy shit! Noah Elizalde in our kitchen?

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 51.4K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
920K 33.9K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
511K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...