wish i could see your smile

By niickblack

28.8K 2.3K 789

"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko... More

Disclaimer
Wish I Could See Your Smile
Prologue
1. Can I Get A Hug?
2. Hello, Zara!
3. Peace Offering
4. Who Is Zara Guerrero?
5. Her Bruises
6. Suicidal Thoughts
7. Finding Inspiration
8. Her Secret Job
9. Keep It As Our Secret
10. Suddenly Lost My Confidence
11. You Are Blushing
12. I Got Frozen
13. This Awkward Feeling
14. Look Into My Eyes
15. The Real Reason Behind Her Bruises
17. Pinky Promise
18. PTSD
19. Just Shout It Out
20. Freya's Problem
21. To Make Her Happy Again
22. Are You Okay?
23. New Neighbor On The Ward
24. Can You?
25. Deep Talks With You
26. Good Luck!
27. Bucket List
28. Broken Cup
29. See You Again, Soon!
30. Is This The Right Time To Admit?
31. Truth
32. I'm The One Who Surprised
33. A Night With You
34. Zara's Promise
35. Finally, I Saw Your Smile
36. Let's Boost Up Your Confidence
37. A Bit Nervous
38. Pajama Party
39. Because She Is Now In A Better Place
40. I Won't Leave You
41. Kuya Cody
42. You Are The Best Brother
43. Where Is She Heading To?
44. That's Not Good For Your Health!
45. Big Shocked
46. She Got A Bald Head
47. What's Happening To Me?
48. She Didn't Come Back Yet
49. She Is Fine Now
50. Mrs. Guerrero
51. Please, Listen To Me!
52. 11:11 PM
Last Chapter
Epilogue
Lyrics of 'Aayusin Kita' written by Landon
Nick's Note

16. Stop

302 35 15
By niickblack

Chapter 16: Stop

Landon

Halos treinta minutos na akong nakaupo dito sa gilid ng pintuan at nakasandal ang ulo sa pader. Hindi ko pa naiisipan para umuwi dahil nagbabaka sakali pa akong buksan niya agad ang pintuan ng kuwarto niya. Hindi ako aalis dito, hangga't hindi kami nagkakaayos, hangga't hindi ko pa naka-klaro na hindi ko sinuway ang napagkasunduan namin noon, hangga't hindi pa siya tumatahan.

Idinikit ko muli ang aking kaliwang tainga sa pintuan para pakinggan kung umiiyak pa ba siya, bigla kasing parang tumahimik. Hindi katulad kanina, rinig na rinig ang paghagulgol niya kahit hindi ko itapat ang tainga sa pinto.

"Zara..." tawag ko sa pangalan niya at mahinang kumatok ng dalawang beses. "Naiyak ka pa ba?.."

Wala akong natanggap na kahit anong sagot galing sa kanya. Pero, narinig ko siyang humihikbi-hikbi. Ibig sabihin, hindi pa rin siya tumatahan.

"Zara.. Nandito lang ako."

Napasandal ulit ako sa pader. Makulit na kung makulit pero hindi ko maiwasan para mag-alala sa kanya. Sa halos isang buwan ko na siyang nakakasama, kabisado ko kung gaano kanegatibo ang kaniyang pag-iisip. Ayaw ko man isipin pero hindi imposible na may gawin siyang bagay na ikapapahamak ng sarili niya. In case man gawin niya iyon, nakabantay ako para pigilan siya.

"Landon!" Napatingin ako sa bintana nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa labas ng bahay. "Anak!" Marahas akong napakamot ng ulo ko, alam kong pauuwiin na niya ako. Nakakainis.

"Landon, 1 PM na! Kailangan mo nang kumain dahil kailangan mo nang uminom ng gamot! Alam mo naman na masama para sa iyo na ma-late ng pag-inom ng gamot, 'di ba? Umuwi ka na muna!"

Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mama. Karipas na 'ko sa pagtakbo hanggang makarating ako ng front door. Halos habulin ko ang hininga ko nang buksan ko ito.

"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako kay Mama. "'Ma, huwag niyo nang ipagsigawan 'yong tungkol sa pag-inom ko ng gamot. Baka marinig ni Zara. Alam niyo namang itinatago ko nga 'yong sakit ko sa kanya, 'di po ba?"

Napangiwi siya. "Ay, sorry, anak," paumanhin niya. "Tara, kain ka muna."

Kahit ayaw ko pa munang umuwi, hindi rin pala pu-puwede iyong kagustuhan kong iyon. Panandalian ko munang iiwan si Zara at bibilisan ko na lang kumain para makabalik ako agad sa bahay niya. At kapag nakabalik na ako, magdadala ako ng pagkain para sa kaniya, piraso ng mga papel at gitara.

-

"'Ma?" tawag ko kay Mama habang nanonood siya ng TV sa sala. Ako na lang ang kumakain ng tanghalin dahil silang tatlo nina Tito Ferdy at Kuya Cody ay mga tapos na kanina pa.

"Ano iyon?"

"Puwede po bang dito na lang kumain si Zara araw-araw?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Biscuit lang po kasi 'yong madalas niyang kinakain."

Nagulat siya. "Totoo? O s'ya, ayos lang. Dito na lang siya kumain. Puwedeng-puwede naman iyon dahil tuwing kumakain naman tayo ay palaging may natitirang sobra. Walang problema."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po."

"Sus, huwag kang mag-alala. Palagi akong magluluto ng mga masasarap na ulam para tumaba-taba manlang ang Zara mo. Gusto mo lang yata siyang makasamang kumain dito, eh."

"'Ma! Hindi. Gusto ko lang siyang tulungan," suway ko sa kanya.

"Sus," kumurba ang nakakaloko niyang ngiti sa labi. Hindi na lang ako umimik, bagkus mas binilisan ko pang kumain para iwasan na lang siya at makaalis na.

-

Hawak-hawak ng kanan kamay ko ang asul kong gitara at ang mga piraso ng papel, samantalang sa kaliwang kamay ko naman ay ang nakaplatong pagkain na ibibigay ko kay Zara. Kung anong naiwan kong bukas na pinto ng front door kanina, ganoon din no'ng nadatnan ko ngayon.

Walang alinlangan akong pumasok at dumaretso sa tapat ng kuwarto niya. Idinikit ko muli ang tainga ko sa pintuan para siguraduhin ulit kung tumigil na ba siya sa pag-iyak. Napangiti ako nang wala na akong naririnig na kahit anong hagulgol o kahit paghikbi manlang.

"Zara?" tawag ko sa pangalan niya pero tulad ng inaasahan ko, hindi siya ulit sumagot. "Hindi ka ba talaga magsasalita?"

Napakagat ako ng ibabang labi at napabuntong-hininga. Muli akong umupo sa tapat ng pintuan at sinimulang sulatan 'yong papel na dala ko.

Ayos ka na ba?

Iyan ang isinulat ko at isiniksik ang papel sa maliit na awang ng pinto sa ibabang parte nito. "Zara, may ibinigay akong papel sa iyo. Please, sagutan mo na lang iyon kung ayaw mo talagang magsalita."

Naghintay ako ng ilang minuto pero nadismaya ako nang wala pa siyang naibabalik na papel sa akin. Naisipan kong magsulat na lang ulit ng panibago.

May dala akong pagkain dito. Kailangan mo nang kumain. :) Siguradong gutom na ang sikmura mo.

Dalawang beses akong kumatok sa pintuan, umaasa na baka tumugon na siya kaso bigo pa rin. Napakamot ako ng ulo at napagdesisyunan na magsulat na lang ulit. Mabuti na lang, marami akong extrang papel ditong nakahanda.

Nandito lang ako. :)

Muli akong huminga nang malalim at binuhat ang gitara ko. Alam kong ito lang 'yong paraan para makuha ang atensiyon niya at pansinin niya ako. Sinimulan ko nang patugtugin 'yong gitara at sinundan ko namang ito ng pagkanta. 'Huwag kang Matakot by Eraserheads'

"Huwag kang matakot. 'Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi. 'Di kita pababayaan kailan man at. Kung ikaw ay mahulog sa bangin ay sasaluhin ki—"

Napahinto ako sa pagkanta at authomatic na umukit ang ngiti sa aking labi nang makita kong may ipinadulas siyang papel papunta sa akin. Nakahinga rin akong maluwag kasi akala ko, may ginawa na siyang hindi maganda sa sarili niya kaya hindi niya ako magawang tugunan.

Sorry.

Sinusulat ko pa lang 'yong i-rereply ko, meron ulit siyang pinadulas na papel.

Sorry kung sinisi kita.

Napasinghap ako pagkatapos ko iyon mabasa. Pagkatapos kong sulatin 'yong i-rereply ko, agad ko na itong pinadulas papunta sa kanya.

Ayos lang :) Naiintindihan ko naman, eh.

Habang naghihintay ako ang reply niya, ipinagpatuloy ko muli ang pagkanta.

"'Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako. 'Wag kang matakot na umibig at lumuha. Kasama mo naman ako. Huwag kang ma—"

Napahinto muli ako nang mag-reply na siya.

Sorry rin kung inilihim ko iyon sa 'yo. Sorry kung nagsinungaling ako sa iyo na hindi ko inaamin na galing sa bugbog 'yong mga pasa sa mukha ko noon. Sorry talaga, Landon.

Napabuntong-hininga ako at agad nag-reply. Hindi biro 'yong pinagdadaanan ni Zara, binubugbog siya ng nanay niya.

Huwag ka na munang magpaliwang. Hindi ako galit, Zara. Huwag kang mag-alala. Basta, ang mahalaga ngayon ay kumain ka na. Sayang 'yong dala kong pagkain dito kung hindi mo papansinin.

-

Puwedeng favor?

-

Ano iyon?

-

Ayaw kong makita mo akong ganito ang hitsura ko. Puwedeng iwanan mo muna ako kasi gusto ko rin mapag-isa muna ngayon. Bukas ka na lang bumalik.

-

Sigurado ka?

-

Oo. Huwag kang mag-alala. Kakainin ko 'yong dala mong pagkain kapag umalis ka na.

-

Ayos ka na ba?

Isang minuto ang lumipas saka siya may ipinadulas na papel papunta sa akin pero bago iyon, narinig ko munang may kini-crumple siyang isa pang papel sa loob ng kuwarto. Bigla tuloy akong na-curious kung anong isinulat niya doon kung kaya't bakit pinili niya i-crumpled na lang kaysa ipabasa sa akin.

Umalis ka na, Landon. Please? Bukas na lang tayo magkita.

Hindi ito 'yong sagot na gusto kong makuha. Marahil, hindi pa siya talaga ayos dahil nakita kong may isang patak ng luha ang papel na ibinigay niya sa akin. Siguro, umiiyak na naman siya. Bago ako umalis, itinapat ko muli ang tainga ko sa pinto kung tunay nga ba siyang umiiyak, at totoo nga dahil rinig ko ang tahimik niyang paghikbi.

Hindi na ako tumugon pa at pinili nang umalis katulad ng ninanais niya. Pero bago iyon, nagtago muna ako sa gilid ng isang pader at gustong kumpirmahin kung lalabas ba siya para kunin 'yong pagkain na dinala ko. Napangiti ako nang makita ko siyang lumabas pero nabura rin iyon agad nang makita ko ang pagiging mugto ng mga mata niya at kung gaano kalumbay ang hitsura niya. Naisin ko man lapitan siya pero mas mabuting respeto muna ang ibigay ko sa kanya.

-

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ng umagahan, agad akong pumunta sa bahay ni Zara para dalhan siya ng pagkain at kumustahin na rin siya. Hindi ko siya nabigyan ng pagkain kagabi kaya siguradong nagugutom na iyon ngayong umaga.

Napakunot ako ng noo nang madatnan kong bukas ang pintuan ng bahay niya. Sa pagkakaalam ko, iniwan ko itong nakasarado kahapon. Imposible bang lumabas siya ng bahay niya o bumalik 'yong nanay niya?

Hindi ko na lang ito mas binigyan pa ng atensiyon dahil nagpatuloy na muli ako sa paglalakad. Madilim ang paligid at ewan ko, pero bumibilis ang tibok ng puso ko dahil siguro sa... kaba. Kaba na ewan kung para saan. Binilisan ko ang paghakbang paakyat ng hagdan patungo sa kuwarto niya. Napaawang ang bibig ko at tila, gulat nang makita kong bukas din ang pintuan nito. Nagtataka na ako. Dahan-dahan akong naglakad papasok dito.

"Zara?"

Nang pagkapasok ko sa kuwarto, hindi ko siya nakita, miski anino ay wala. Bukas pa rin ang LED lights pero hindi na kulay pula ang iniilaw nito dahil napalitan na ng kulay dilaw, tulad ng paborito niyang kulay.

"Zara? Nandito ka ba?" Ipinatong ko 'yong pagkain dala ko sa isang lamesa.

Nag-aalala na ako. Napatigil ako sa paglilibot sa loob ng kuwarto niya nang mapadako ako sa pintuan ng banyo, nakabukas din ito tulad ng mga dalawang pintuang napasukan ko kanina. Sa isang iglap, binalot ng matinding panginginig ang buong katawan ko nang may makita akong handprint na likido sa pintuan habang tumutulo. Hindi ko alam kung anong klaseng likido iyon dahil sa pagtama ng liwanag mula sa LED lights. Ibig sabihin, nagmumukha siyang kulay dilaw na likido.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil agad na akong naglakad patungo sa loob ng banyo. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa gulat. Nadatnan ko ang mga dugo at mga buhok na nagkalat sa sahig at sa lababo. Malakas na suntok ang pinakawalan ko sa pader dahil sa inis at dismaya.

Hindi ko alam kung nasaan man si Zara ngayon pero isang lugar lang ang sumasagi sa isipan ko at sigurado ako, — Hanging Bridge. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil agad na akong nagsimulang tumakbo papunta doon.

Heto na nga ba 'yong sinasabi ko, dapat sinuway ko na lang siya kahapon para hindi humantong sa bagay na tulad ng ganito. Nakakainis. Hindi niya kailangang gupitan at sugatan ang sarili niya.

-

Takbo lang ako nang takbo. Kahit mabilis akong mapagod dulot ng sakit ko, hindi ko na lang ito iniinda. Habulin ko man ang hininga ko, umikot man ang paningin ko o tumagaktak man ang mga pawis ko. Wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga, mailigtas ko si Zara.

Pagkarating ko sa Haging Bridge, laking tuwa ko nang may maaninag akong babaeng nakaupo doon. Sigurado akong siya iyon kahit maikli pa ang buhok nito.

"Zara!" tawag ko sa kaniya habang tumatakbo pa rin palapit sa kaniya. Tuluyang nang nagbagsakan ang mga luha sa aking mga mata na kanina pang naiipon at gustong-gustong bumagsak.

Napalingon siya sa akin. Luhaan ang mukha nito. "L-Landon..." bulong niyang sabi. Kahit bulong lang iyon, sigurado akong pangalan ko ang binanggit niya. Thanks God, may malay pa siya.

"Itigil mo iyan!" sigaw ko sa kanya at mas binilisan pang tumakbo.

Nang tuluyan na akong nakalapit, agad kong inagaw sa kanyang kamay 'yong hawak niyang cutter blade at itinapon iyon sa ilog. Nanghina ako nang masulyapan ko 'yong kaliwang pulso niya, hindi mabilang ang mga hiwa rito at hindi nagpapaawat ang mga dugo sa pagtulo, patuloy lang sa pagbulwak. Naglaslas siya. Punong-puno rin ng dugo ang kaniyang suot na dilaw na damit.

"Bakit mo 'to ginagawa?!" pasigaw at halos mabasag na ang boses kong tanong sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko habang umiiyak. "S-sorry, Landon. H-Hindi ko na napigilan. Gustong-gusto ko nang tapusin ang lahat."

Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Natataranta ako dahil sa mga dugo niya. Baka mapahamak pa siya lalo kapag hindi ko inaksyunan agad iyon. Kahit binabalot ng panginginig ang buong katawan ko, lalo na ang mga kamay ko, hinati at sinira ko sa gitna ang suot kong sando para gamitin sa pangtali sa mga sugat niya, para tumigil iyon kahit papaano sa pagdurugo.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Hindi mo ito kailangang gawin!" Sunod, agad ko siyang niyakap at bahagyang hinihimas-himis ang maikli niyang buhok. Isiniksik ko siya sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang malamig niyang mga luha. Hindi ko alam kung ano pa ang puwedeng mangyari kung hindi ko siya pinigilan.

Bakit kailangang humantong palagi sa ganito kapag nahihirapan at nalulungkot?

-------

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.9K 48
Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man...
6.3K 825 104
[Epistolary] Vincent is a well known cheater while Frankie is a low-key cheater. In short they're both a cheater. And what happens if a cheater meets...
15.8K 548 20
Liz, an Architecture Student, met Yildiz, an Engineering Student. At first, they were not compatible. But when the perfect time came for them, they'd...
9.3K 508 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...