Wicked Witch

Da crestnotfallen

31.4K 1.2K 216

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 3

990 51 2
Da crestnotfallen

It's Monday already and I'm late again. Nasanay akong tanghali na magising noong sabado at linggo kaya nakalimutan ko na namang gumising nang maaga.

Just great.

Just as when I thought I could have a clean record just for a month. I mentally scolded myself.

Wala nang mga estudyante sa hallway dahil kanina pa nag start ang klase. Kung may mga lumalabas man, yun ay galing sa Senior High na katabi lang ng building namin.

I walked like a snail. I know that I'm late kaya bakit pa ako magmamadali? Kahit naman dalian ko late na talaga ako.

Bakit pa kasi naimbento ang snooze sa alarm. I've been snoozing my alarm repeatedly until it stopped ringing on its own. Nasakto pang nasa business trip si Dada kasama si Mamita simula pa nung isang araw kaya walang gumising sa akin.

"You walk like you have all the time in the world."

Natigilan ako. I heard a strict and authoritative voice thundered behind my back.

Pumikit ako nang mariin. Lumingon ako sa likod ko.

Ilang dipa ang layo ni Levi sa akin. Hindi ko alam kung kanina niya pa ako pinapanood dahil nakasandal ito sa pader ng classroom sa may pinakadulong hallway at nakakrus ang mga braso nito sa dibdib. Nakatitig ito sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko.

Tumayo nang maayos si Levi at naglakad papunta sa akin.

Nang huminto ito sa harapan ko ay tinaas nito ang kaliwang braso para tignan ang oras sa wristwatch nito.

"You're 30 minutes late."

He stated the obvious.

Umangat ang gilid ng labi nito nang ibalik ang tingin sa akin. He clicked his tongue.

Umismid ako at inilahad ang kanang kamay ko sa harap niya. Binaba niya ang tingin dito saka ako tinaasan ng kilay.

"Admission slip."

Inunahan ko na siya. Alam ko naman na hindi ako papapasukin pagkarating ko sa room kaya nanghingi na ako agad ng admission slip.

He chuckled.

"I don't bring admission slip with me all the time. But looks like I should always have one ready for you now...just in case."

Nilagpasan na ako nito at nagsimulang maglakad.

Nanatili akong nakatayo doon.

"Wala ka bang balak pumasok?"

Lumingon ulit ako rito at nakitang hinihintay ako nitong maglakad. Sumimangot ako.

He walked me in front of my classroom. Nakasarado ang pinto. He glanced at me first before knocking three times.

Bumukas iyon at lumabas ang teacher namin sa first period. Ngumiti ito nang malawak kay Levi. The latter smiled politely.

"What is it Mr. Zardeleja?"

Tanong nito. Levi glanced at me again kaya lumipat ang tingin ni Miss Jessica sa akin. Bumuntong hininga ito.

Pinakiusapan siya ni Levi na papasukin ako. Because it was Levi who requested, Miss Jessica granted it. But as expected, I'll have after class detention again.

"Come inside Raegan."

Miss Jessica opened the door widely. Sumulyap ako kay Levi. Nakatingin pa rin ito sa akin.

He gave me a lopsided smile.

"See you later, Castañeda.", tipid ang ngiti na turan nito.

Inirapan ko siya agad saka tinalikuran para pumasok sa loob.

Break time came at imbes na dumeretso sa canteen para mag recess, pumunta ako sa locker room para kumuha ng libro para sa next class.

May ilang estudyante roon na lumingon sa akin pagkapasok ko. Some girls hissed as they saw me. I didn't bother to give any reaction.

Lumapit ako sa locker ko. I keyed my password and opened it when something caught my attention from the top of my locker. My brows furrowed again. May snacks na naman na nakalagay roon.

May ibang nakiusosyo.

"Naks. Iba ka talaga Raegan!"

Narinig kong komento ng isang lalakeng sophomore sa tabi. I awkwardly stood there. Inabot ko ang pulang paper bag na punong puno ng mga snacks. Sinipat ko ito para makita kung may nakasulat doon para malaman ko kung kanino galing.

Wala na naman akong nakita.

"You have a present? Malayo pa ang Valentines."

Tanong ng kakapasok na si Chesca nang makita ako doon at lumapit sa sariling locker. Kasosyo ng pamilya nito sina Daddy sa isang business.

Hindi ko sila pinansin at pinagkasya nalang ulit sa dala kong leather bag ang paper bag na may lamang snacks. Kaso hindi ito maipasok nang mabuti. I sighed. Nagsisi nang pinalitan ko pa ang dating bag kagabi. Binaba ko nalang muna ito sa sahig at kinuha ang isang libro sa locker at iyon ang nilagay sa bag.

Sinarado ko ang locker ko at binitbit ang paper bag bago lumabas na sa locker room para makaiwas sa mga ususerong schoolmates.

Pabalik na ako sa classroom nang pagkaliko ko sa hallway, bahagya akong napapiksi nang matamaan ang ilong ko dahil sa nakabangga.

"Oops!"

I heard a guy muttered.

Nag-angat ako ng tingin at tumingin rito nang masama.

Grey Sylvester Montilvan. The devil in flesh.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita kung sino ang nakabungguan. His tall frame is towering me.

When he recovered, he grinned at me like an idiot.

"Raegan."

Tango nito sa akin bilang pagbati.

"Douchebag."

Tango ko rin sa kaniya nang walang kapreno preno ang bibig.

He laughed.

"Hindi ka pa rin nagbabago ang taray mo pa rin."

"Ikaw rin hindi nagbabago."

Tumaas ang kilay nito sa akin na waring natutuwa.

"Gago ka pa rin."

Mas lumakas ang tawa nito sa dinugtong ko.

Grey is one of my suitors pagkatuntong ko pa lang ng High School.

He's years older than me pero mahilig pumatol sa mga bata. Buti na lang hindi ko pinatulan.

I don't date older guys.

I want guys my age. I want guys who will never have power over me. Older guys usually loves to order someone around. I don't like it. It sounds so submissive.

"Kumusta?"

Maya-maya ay tanong nito. Gusto kong alisin ang nakakaloko nitong ngiti.

"Fuck off."

He grinned.

"Come on Raegan huwag mo naman akong itaboy agad. Kinakamusta lang kita."

Napapatingin ang mga estudyanteng nadadaanan kami sa hallway. Bumubulong bulong ang mga ito sa isa't isa.

Umirap ako.

Grey have the looks I won't deny it but he uses it as a privilege to fool his opposite sex. He's a certified playboy. Marahil ay dahil na rin sa maraming babae ang may gusto rito. That's one of the factors why there are a lot of girls who hate me.

Aside from they don't like my guts, they also spread rumors about me just because Grey started to show interest on me before.

Nang hindi ako sumagot ay ngumisi si Grey at umiling. Bumaba ang tingin nito sa hawak ko.

"Dami niyan ah?"

Nagtatakang tanong nito saka suminghap.

"The rumor about someone giving you treats is true all along!"

Bumalik ang tingin nito sa akin.

"Sino 'yang gago na yan?"

Pagkatanong niya ay biglang dumaan si Zara na mistulang naglalakad sa isang fashion show. Huminto ito pagkakita sa amin. Lumipat lipat ang mata nito sa akin at kay Grey.

"Hi Zara!"

Grey, the incorrigible flirt, smiled at her.

"What are you two doing?"

Nakakunot noo itong nagpapalit palit ng tingin sa akin at kay Grey. Maya-maya ay bumaba rin ang tingin nito sa hawak kong pamilyar na paper bag. Suminghap ito.

"What the hell? Montilvan's the one giving you that?!"

Hindi makapaniwalang bulalas nito. Unti-unting natawa sa Grey habang umiiling.

"Hindi 'no! I'm not the type who'll give something to the person I like secretly. Hindi ako duwag. Kapag gusto ko, harap harapan kong liligawan agad!"

Depensa ni Grey saka sumulyap sa akin. I averted my eyes from him. Umiiling na nilampasan ko si Grey para dumeretso na sa room.

"Nice to see you again, Raegan!"

Pahabol na sabi ni Grey nang naglakad na ako palayo. Hindi ako sumagot. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Zara sa akin sa paglalakad papunta rin sa classroom.

After class, walang gana akong naglakad papunta sa office ng Council. Zara came with me dahil sasabay raw ito sa Kuya nitong umuwi.

Pagkarating sa tapat ng Office, si Zara na mismo ang nagbukas ng pinto nang hindi kumakatok. Pumasok kaming dalawa. Iilan na officers na lang ang naiwan doon kabilang si Levi. Nagtatawanan ang mga ito habang tinutukso ang pulang pula na si Vivienne at ang ngumingiti ngiti lang na si Levi sa gilid.

Pagpasok namin ay lumingon sa gawi namin ang ilang officers.

"Oh Raegan! Hi Zara!"

Jomarie greeted us. Ngumiti naman ang ibang naroon nang makita kami. Zara greeted back. Samantalang hindi ko sila pinansin.

Napaangat din ng tingin sa amin si Levi. Tumingin ito sa kapatid bago bumaling sa akin. Nawala ang ngiti nito at bumalik ang kaseryosohan sa mukha.

"Wait a sec."

Tipid na sabi nito sa mga kasamahan at tumayo mula sa upuan.

"Nalate ka na naman ba Raegan? Perfect na yung record mo last week ah."

Juaquin stated. Ngumiwi ako.

"Kayo ang may duty ngayon Jom diba?"

I heard Vivienne's soft voice. Tinutukoy nito ang may duty ngayon sa pagfafacilitate ng may mga punishment sa paglilinis.

"Ako na muna.", si Levi ang sumagot.

"You're all exhausted fixing the garden. Magpahinga na muna kayo rito bago umuwi. I'll facilitate."

Dagdag pa nito na tinutuukoy ang garden na project ng mga ito sa likod ng school.

"Pagod ka rin ah?"

Puna ni Juaquin. Naglakad na si Levi papunta sa pinto kung saan ako nakatayo.

"I'll facilitate.", ulit ni Levi habang nakatingin sa akin, kaya wala nang nagawa ang mga kasamahan nito kundi ang tumahimik.

Bumaba ang tingin nito sa hawak kong paper bag. Huminto ang titig nito roon bago binalik ang tingin sa akin.

"You can leave your things here for the mean time."

I shrugged my shoulders. Binaba ko nga ang bag at ang hawak ko sa couch dahil abala nga ang mga ito kung maglilinis ako.

Nakarinig ako ng mga tukso sa mga members ng Council.

"Ilang beses na kitang nakikita na may hawak na pulang paper bag Raegan ah."

"Nililigawan ka ba ng nagbigay niyan?"

Sunod sunod ang tanong nila sa akin. I was put in a hot seat and I don't know how to respond so I didn't.

Sinaway naman sila ni Vivienne at nahihiyang humingi sa akin ng paumanhin dahil sa pakikialam ng mga kasama. Tumango lang ako at nauna nang lumabas mula sa pinto.

Halata naman na hindi ako maglilinis ngayon sa office nila. Malinis na kasi ito. Siguro ay nalinisan ng mga nadetention din noong nakaraang araw.

"Wait for me here, Zara."

Utos pa ni Levi sa kapatid na umupo na ng couch bago lumabas din sa office at sinarado ang pinto.

"Follow me."

Sabi naman nito sa akin at nauna nang maglakad. Hindi na ako nagreklamo at sumunod na lang sa kaniya.

Napanganga ako nang makita kung saan ako dinala ni Levi.

Nasa likod kami ng school kung nasaan ang ginagawa nilang garden. May mga kawayan doon na itinayo nila na nakahilera sa walo na column. May alambreng nakatali sa bawat kawayan. May mga bote rin ng softfrinks doon na kulay neon green na nakabaon ang kalahating katawan sa lupa. Pinaligiran nito ang paligid ng mga kawayan. Wala pang kahit anong nakatanim doon pero may mga bakas na ng hindi natapos na pagbubungkal sa lupa.

"Don't tell me pagbubungkalin mo ako ng lupa?!"

Naiirita kong tanong kay Levi na nakapamulsa sa tabi ko habang kanina pa pinagmamasdan ang reaksyon ko. Umigting ang panga nito habang seryoso pa rin ang matang nakatutok sa akin.

"Hindi ako marunong magbungkal ng lupa para lang sa alam mo. Ni paglilinis nga hindi 'yon pinapagawa sa'kin!"

Tumaas ang sulok ng labi ni Levi saka humakbang palayo sa akin. Lumapit ito sa isang pader kung saan nakasandal ang isang walis na may mahabang stick. Dinampot nito iyon at naglakad pabalik sa akin.

Iniabot nito ang walis.

"Sweep the dried leaves around the garden and throw it to the dump yard over there."

Tinuro ni Levi kung saan itatapon ang wawalisin ko. He ordered me like he's expecting me to follow him in an instant.

Nagkasalubong ang kilay ko nang makita na maraming nakakalat na dahon sa paligid ng garden. How am I supposed to finish that?

"Ayoko."

Matigas ang ulong sagot ko kay Levi at ibinalik sa kamay nito ang walis. Kumunot ang noo nito dahil sa ginawa ko. Mariin nitong ipinikit ang mga mata saglit bago bumuga ng hangin at iniwas ang tingin sa akin.

"Do you think you can go home without doing this?"

Kalmado ang boses niya nang sinabi niya iyon ngunit hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Hindi talaga ako makakauwi kung ganyan karami ang pinapalinis mo sa'kin!"

Humarap ulit ito sa akin at bahagyang natawa. Mas nagsalubong ang kilay ko sa kaniya.

"You dummy. I didn't ask you to finish the work. What I mean is just sweep what you can until the time is enough to dismiss you."

Mahinahon niyang pagsasalita.

Sinimangutan ko siya. Marahas kong hinablot sa kaniya ang walis para magsimula nang maglinis para makauwi na dahil sa inis.

"I hate you."

Puno ng iritasyon kong bulong pero sadyang iparinig sa kaniya.

He chuckled without humor.

"I know."

Sagot nito. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang magwalis. Iniingatan kong hindi madumihan ang puti kong medyas pati na rin ang suot na uniform habang naglilinis. Hindi ko pinapansin o nililingon ang nakaupong si Levi sa isang armchair na malapit sa pader. Nakadekwatro pa itong nakaupo roon habang pinapanood akong maglinis.

Nagngingitngit ang loob ko sa inis nang sulyapan siya saglit.

Levi's a boyfriend material, I admit. He has a sharp feature, a well built body, a good sense of clothing, and he's also intelligent. Very intelligent for that matter. Matangkad din ito na kahit matangkad din ako ay hanggang tenga lang ang taas ko sa kaniya. Levi possesses the characteristics of a mature and a well-mannered guy. Kaya marami ring nangangarap na magustuhan nito. Pero kung anong kinagusto ng mga tao rito, yun naman ang kinaayaw ko sa kaniya.

Nasa elementary pa lang ako ay matunog na ang pangalan ni Levi. Paborito ito ng mga teachers ko na naging teachers din niya. With all his achievements and the honor he brings to whatever school he went to, he always leaves with legacy.

Kaya nang mag high school ako kung saan siya nag-aaral, hindi na bago ang mga naririnig kong papuri para sa kaniya. Even if I don't know him personally, parang kilala ko na rin siya dahil halos lahat ng mga tao sa school ay siya ang bukambibig.

Levi is authoritative. Sanay ito na sinusunod sa isang sabi lang. Habang ako, sanay akong bumabali ng inuutos sa akin. He's well-loved by people pero lahat naman ng mga tao ay nabubwisit sa akin. Nakikita ko sa kaniya si Daddy. He is very serious in his craft at ang taas ng tingin dito ng mga tao. While he sets the standard beyond reach, I'm just here glaring at him at the bottom most pit.

We're different. And because of our difference, I hate him.

Inipon ko ang mga nawalisan na tuyong dahon sa isang tabi. Luminga linga ako para tignan kung may dustpan ba. Nang may makita ay agad ko itong kinuha.

I saw Levi stood up from his seat and walk near me through my peripheral vision.

Nagsimula naman akong hakutin ang mga dahon gamit ang dustpan at pinuno ang isang malaking pail ng basurahan. Nang mapuno, hinila ko na ito at lumapit doon sa compost pit.

Medyo malalim ang pagkakahukay roon at medyo hindi maganda ang lupa sa paligid nito kaya nag ingat ako sa paghila ng may kabigatang basurahan.

Tinumba ko ang basurahan para buhatin ito mula sa puwitan para maitapon ang laman nito sa compost pit. Nahirapan ako nang pinilit ko itong inangat.

"Careful!"

Narinig ko ang medyo pagtaas ng seryosong boses ni Levi. Dahil sa gulat, nahulog ko iyong basurahan sa compost pit at nawalan ako ng balanse. Natapakan ko ang bato malapit sa kinatatayuan ko. Muntik na akong sumamang mahulog sa compost pit tulad ng basurahan kung hindi ako maagap na hinila ni Levi. I twisted my ankle in the process of balancing myself.

"Shit."

Napamura ako nang maramdaman ang sakit. Tinayo ako nang mabuti ni Levi at inalalayang maglakad palayo sa compost pit nang pumiksi ako sa pagkirot ng paa ko. Natigilan siya.

"Sandali.", nakangiwi kong turan.

Kumalas ako sa hawak niya at napaupo sa lupa. Hinawakan ko ang paa. He hissed.

"Don't move it."

Utos nito sa akin habang yumuyukod sa harap ko.

"It's just a sprain."

I informed him nang ilabas nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

He called the nurse on duty at the infirmary. Tinanong nito kung naroon pa ito sa school. Paalis pa lang daw ang nurse. Levi kindly told her to wait. He suddenly scooped me from the ground and carried me bridal style without consent.

I was caught off guard by his bold move.

"Ano ba?!", iritado kong bulyaw sa kaniya ngunit hindi siya sumagot.

Even if I persistently want to be freed from his hold, he still held on to me firmly, adamant to let me go.

"Stay still, Castañeda.", mahinahong saway nito.

Kung puwede lang na sabunutan ko si Levi ngayon ay ginawa ko na ngunit wala na akong choice kundi tumahimik dahil alam kong magsasayang lang ako ng laway.

His jaw clenched as he started to walk.

Napayuko ako sa kahihiyan. Mabuti na lang at kanina pa ang uwian at bilang na lang sa daliri ang mga estudyante sa paligid. Nakarating kami sa infirmary at sinalubong kami ni Nurse Joy.

"Anong nangyari?", tanong agad nito nang makalapit ito sa amin.

"She twisted her ankle."

Inutusan ni Nurse Joy si Levi na ilapag ako sa isang bed doon. Tumalima naman ito. Inasikaso ako ni Nurse Joy at inexamine ang masakit sa akin. Levi stood there, silently watching.

4:30 ang dismissal namin at nakita kong 5 pm na sa wall clock ng clinic.

Nang mapansin siguro nito ang pagsulyap ko sa kaniya ay mula sa paa ko, bumaling ang tingin niya sa akin.

Nag alangan pa muna akong magsalita.

"What?", tanong nito saka lumapit sa akin.

"Can you get my phone from my bag? Baka kasi tumatawag na si Mamita."

Tumango ito.

"Alright. I'll just get our things. Babalik ako mamaya."

Mabilis itong tumalima saka lumabas na ng infirmary.

Pinanood ko si Nurse Joy habang dinadampian nito ng ice pack ang kanang ankle ko. Marahan ang kamay nito habang ginagawa iyon. She did that when Levi returned.

Umangat ang tingin ko rito nang pumasok ito sa infirmary. Bitbit nito ang bag ko tsaka ang paper bag. Nagsalubong ang mata namin.

"Your Mamita called. Sorry, I answered your phone."

"It's okay. Anong sabi niya?"

"She's asking for you. Sinabi ko na pinaglinis kita sa garden and you twisted your ankle. She's worried. Nandyan na yung driver niyo sa labas."

Pahayag nito. Tumango na lang ako. Binaba nito ang mga gamit ko sa isang upuan doon.

"You can leave now. I'll just call Kuya David to fetch me here."

Pagtataboy ko sa kaniya.

"I'll send you home first."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"How about Zara?"

"Pinauna ko na. Inuwi niya na rin ang mga gamit ko. Sasabay muna ako sa'yo pauwi. Tatawagan ko na lang ang driver namin para magpasundo sa inyo mamaya."

Umismid ako. Levi's too gentleman for my liking. Ito rin ang dahilan kung bakit nagpipilahan ang mga babae sa harap nito. Kung nakita man ng mga babaeng iyon ang pagbuhat sa akin ni Levi kanina, mas dadami ang maiirita sa akin tulad kay Grey noon.

Mas Lalo akong nairita.

"Hindi mo naman kasalanan na natapilok ako. You're the one who ordered me to clean there, yes, pero ako ang nagmamagaling magbuhat ng mabigat that's why the fault is all on me. You already carried me here. That's enough help already. Umalis ka na."

Patuloy ko na pagtataboy sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Umupo lang ito sa isang stool doon at sinuri ng mga mata nito ang ginagawa ni Nurse Joy sa paa ko.

Bumuntong hininga ako sa inis.

Kung matigas ang ulo ko, mas may ititigas pa pala ang ulo ni Levi.

"What procedure should be done to treat that?"

Seryosong tanong maya-maya ni Levi kay Nurse Joy.

"Her ankle needs to rest first. A lot of movements can make it worse. Kailangan munang lagyan ng ice pack 15 to 20 minutes every two to three hours then compression to stop the swelling. Elastic band will do."

Tumayo saglit si Nurse Joy saka kumuha ng elastic band para sa paa ko.

"When you sleep, you should elevate your ankle to reduce the swelling."

Sabi naman nito sa akin. Marahan lang akong tumango.

Natapos na si Nurse Joy sa pag aasikaso sa akin. Kasalukuyan na lang akong nagsusulat sa log book.

Ate Lala arrived earlier kasama nito si Kuya David sa pagsundo sa akin. Pinasama raw ni Mamita. Bitbit na niya ang mga gamit ko pati na rin ang hinubad na school shoes.

Looks like my grandparents are already home from their trip.

Nakaupo pa rin ako sa kama nang lumapit na si Levi sa akin pagkatapos kong magsulat.

"I can walk."

Mataray kong sabi pero waring wala itong narinig at tulad kanina, binuhat ako nito nang walang kahirap hirap.

Nagsimula na naman akong nakipagtalo ngunit waring walang pakialam si Levi na nagpasalamat na lang kay nurse Joy saka kami lumabas ng infirmary.

I huffed in irritation. Nanahimik na lang ako habang buhat buhat ni Levi hanggang sa sasakyan.

Kuya David opened the door for me. Maingat naman akong nilapag doon ni Levi. Tumabi ito sa akin. Doon naman si Ate Lala pumwesto sa passenger's seat.

Pagkarating namin sa mansion ay nandoon na nga si Mamita at Dada sa front door. Lumapit agad si Mamita sa amin. Dada stayed there, watching us.

"Hay nako Raegan!"

I heard Mamita said multiple times already. I bit my lip. It's just a simple sprain, my goodness.

Binuhat na naman ako ni Levi hanggang sa sala. Nilapag niya ako sa isa sa mga couches doon.

Bumati ito kay Dada at Mamita nang maayos at magalang na pinaalam kung anong nangyari. Not that it's important but because it's Levi, hinayaan ko na lang.

"How thoughtful of you Hijo. Naabala ka pa tuloy.", saad ni Mamita.

"It's my fault so I should be responsible for it. I'm sorry Madam."

Hinging paumanhin na naman ni Levi. Mahinang humalakhak ang kanina pa nagmamasid na si Dada sa amin.

"As expected from the heir of the Zardelejas."

Komento ni Dada. Hindi ko gusto ang uri ng tingin nito sa akin at kay Levi.

Inimbitahan pa ni Mamita si Levi para dito na maghapunan ngunit tumawag na rin ang Mommy nito para sabihin na parating na ang driver nila.

"Maybe next time po."

Sagot nito kay Mamita.

He bid his goodbyes to my grandparents when his eyes landed on me. Tumango ito sa kin bilang paalam saka lumabas na ng mansion. Sinamahan ito ni Mamita palabas.

Tumayo ako pagkatapos sinuot ang pambahay kong tsinelas na inabot ni Ate Lala. Hindi pa ako nagsisimulang humakbang ay nahuli ko na naman ang makahulugang tingin ng abuelo.

"Dada."

Seryoso ang tono ng boses ko.

"Don't..."

Mariin kong pahayag dahil alam ko na agad ang tumatakbo sa isip nito. Mahina lang itong humalakhak at umalis sa harap ko.

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

46.3K 1.1K 13
Francine dela Luz lived her life afraid of feeling happy. Para sa kaniya, may kapalit ang kasiyahan. Buhat ng mga naranasan niyang trahedya sa buhay...
179K 572 5
Keila Adrienne Ferrell Montenegro a cold hearted woman but it all changed when she laid her eyes on a hot and sexy conceited man. Will she be able to...
230K 4.4K 44
COMPLETED. MFBB SEQUEL MY FLOWER BOY BROTHER (BOOK 1 ans 2) IS NOW AVAILABLE AT PRECIOUS PAGES STORE FOR ONLY 119 PESOS :) Grab your copy now :) Pa...