Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

CrabLamb által

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... Több

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 21

1.1K 77 9
CrabLamb által

1978

Tulala lamang si Gareth habang nakatingin sa tulog na animnapu't anim na taong gulang niyang ama na si Lucas, tahimik ang buong bahay at sinag ng araw mula sa bintana ng sala ang nagpapakita ng pwesto nito sa sofa.

May dalawang bote ng alak ang nakalagay sa gitnang lamesa ng sala, ang isa ay ubos at ang isa ay mayroon pang laman ngunit wala na sa kalahati, katabi nito ay walang laman na baso na halatang oras na ang tinagal bago muling nahawakan.

Mula sa gilid ng sala ay napalingon si Gareth sa kaniyang ina na si Liva Lagard na lihim lang rin na nakamasid sa natutulog na asawa.

Kita sa mukha ng mag-asawa ang agwat ng kanilang edad, ayon sa alaala at kwento ni Liva kay Gareth ay dalawampu't taon ang tanda ni Lucas kay Liva.

Inilagay ni Liva ang kaniyang mga kamay pahaplos sa balikat ni Gareth padulas sa likuran nito.

"It's his birthday," pabulong na paalala ni Liva sa nag-iisang anak. "Why don't you play a song for him?"

Dumako ang tingin ni Gareth sa grand piano na pagma-may ari ng kanilang pamilya, hindi ito kalayuan sa pwesto ng kaniyang ama. Mula noon hanggang ngayon ay laging naka pwesto ang ama ni Gareth malapit sa grand piano na tila gwardya siya nito.

"But he'll be sad..." 

Bigla namang humigpit ang pagkaka kapit ni Liva sa balikat ni Gareth sa puntong mapaghi-hiwalay na nito ang buto sa balikat ng bata mula sa braso, "He'll be more depressed if his only son doesn't prepare him a present."

Pinaharap ni Liva ang sariling anak sakaniya at ginawaran ng isang matamis na halik sa buhok si Gareth.

Napangiti na lamang ng lihim si Gareth, tila naman nagkaroon siya ng kumpiyansa sa iginawad na halik ng kaniyang ina.

Marahan siyang itinulak ni Liva papunta sa grand piano, habang naglalakad ay hindi inalis ni Gareth ang paningin sa ama.

Talaga bang matutuwa ang kaniyang ama kapag tumugtog siya?

Ngunit sabi ng kaniyang ina ay matutuwa ito, walang sinasabing mali ang kaniyang ina.

"Kukunin ko lang ang cake na binake ko," may halong kasiyahan sa boses ni Liva at iniwan na si Gareth sa harapan ng grand piano.

Pahaplos na inangat ni Gareth ang cover ng piano keys habang pabaling baling pa rin ang kaniyang tingin sa kaniyang ama, kada gagalaw o ba-balikwas si Lucas ay kasing bilis ng tupa ang pag lingon ng ulo nito.

Pinindot ni Gareth ang unang piano key, agad naman siyang lumingon muli sa ama kung nagising ito sa ka-karampot na tunog na nilikha niya.

Nang makitang hindi man lang ito natinag sa kinahi-higaan ay tuluyan nang pinagpatuloy ni Gareth ang pagtugtog.

C C D C F E

C C D C F G

Napakuyom naman ng labi ang walong taong gulang na si Gareth at lumingon muli sa ama, tila naman nag ningning ang kaniyang mga mata nang makitang nakangiti ang kaniyang ama habang nakapikit.

Nasilaw naman si Gareth sa ngiting iyon, sabi na nga ba at hinding hindi magka-kamali ang kaniyang ina.

C C D C F E

C C D C F G

C C C A F E D

Bb Bb A F G F

Napapikit naman si Gareth, sa totoo lamang ay may inaral siyang kanta. Hindi nga lang niya ma-ensayo sa grand piano dahil kada makikita siya ng kaniyang ama na nalapit sa piano ay sinasakay siya nito sa sasakyan at i-iwan sa C-5 sa Pasay ng hindi binibigyan ng pera pang transportasyon.

Matandain at mabilis maka-kabisado si Gareth ng lugar kaya naman alam niya ang daan pauwi, marahil ay alam ito ng kaniyang ama kaya kung pa-parusahan man siya nito ay paniguradong maka-kabalik siya ng ilang oras sa tinitirhan nila sa Pasig.

Pipindutin pa lamang ni Gareth ang mga keys nang sumara na lang bigla ang cover ng piano keys.

Hindi aksidente, sinadyang isara ito nang nakalapat pa ang kaniyang mga daliri sa keys na naging sanhi ng nakakabahalang tunog nito.

Napapikit na lamang si Gareth at inantay ang susunod na sasabihin ng kaniyang ama.

"Yourmother instructed you to play it, didn't she?"nanggigigil na hula ni Lucas.

Gumuhit naman ang mga ngiti sa labi ni Gareth, pinilit pa nga niyang hindi humagikgik sa kabila ng kirot na nararamdaman ng kaniyang mga daliri.

"It's your birthday," sambit ni Gareth, tuluyan na siyang napahagikgik habang may luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata, "She just wants me to give you a present."

Mabilisang napakurap si Lucas sa sinabi ni Gareth, halos mapaluha ito sa sinabi ng anak habang marahas na bumubuntong hininga.

Mga ilang minuto iyong ginawa ni Lucas hanggang sa tumitig ito sa malayo, tila malalim ang iniisip at may inaalalang pangyayari.

"How many days have passed?" tumuon si Lucas sa cover kaya mas lalong nadiin ang pagka-kaipit sa mga daliri ni Gareth.

Nang hindi sumagot si Gareth ay kumuyom na ang kamao ni Lucas at inangat ang cover ng piano keys, pero hindi nito pinatakas ang daliri ng anak at binaba ito ulit ng may bwelo pa.

"HOW. MANY. DAYS. HAVE. PASSED?!"

Bawat sigaw ni Lucas sa mga salita ay inaangat at binabagsak nito ang cover ng piano keys, may halong pagkagigil rin ang kaniyang boses na magkahalong galit at lungkot ang tono.

Pakiramdam ni Gareth ay bali na ang kaniyang mga daliri, hindi na niya kasi maramdaman ang mga ito.

"490 days," walang kapiyok piyok na sagot ni Gareth.

"How deep?" sunod na tanong ni Lucas.

Napalunok si Gareth at tumingin sa mga nangingitim na niyang mga daliri, hinding hindi niya sasagutin ang tanong na iyon.

He hates that question. Kahit pa maiwan at mahiwalay ang mga nakaipit niyang daliri mula sa kaniyang mga kamay ay hindi niya sasagutin ang tanong na iyon.

Hindi nga siya nagkamali nang i-angat muli ng kaniyang ama ang cover at a-akmang ibabagsak muli ito pahampas sa kaniyang kamay.

Hindi nga lang ito natuloy dahil may isang kamay ang humarang dito, higit na mas malaki iyon at mas malapad kaysa kay Gareth kaya naman imbis na mas mapuruhan pa ang mga daliri ng bata ay sinalo niya iyon gamit ang mga batikan nitong kamay.

"Nakakita rin ng mga taong pinatay dahil sa bagal nilang mag lakad ang ama ko. Nagtiis sa ka-karampot na pagkain at inumin na binibigay ng mga Hapon, at naranasang umupo sa ilalim ng haring araw nang walang panaklob sa ulo—"

Tuyo ang mga mata ni Gareth habang pagilid na nakikinig sa nag-iisa nilang hardinero.

Padabog na inangat ng hardinero ang cover ng piano keys at hinila ang batang si Gareth patago sa likuran nito.

"—pero ni minsan, hindi sinubukan ng ama kong putulin mga daliri ko."



2005

KRUS ang dalawang braso ni Gareth habang nakatulala siya sa itim at puting litrato ng Bataan Death March.

Simula nang magkaroon siya ng opisina ay itong litrato lamang ang tanging palamuti ni Gareth sa kaniyang dingding maliban sa orasan. Hindi niya hilig ang mangolekta ng mga obra at iba pang disenyo sa lugar kung saan siya nagta-trabaho.

Nang bumukas na ang pintuan sa kaniyang likuran at naamoy ang isang pamilyar na pabango ay bahagya siyang napalingon.

"Ilang Amerikano ang namatay noong Death March?" tanong ni Eva Salazar habang ginagaya ang sarili upang makaupo sa pang-isahang upuan sa loob ng kaniyang opisina.

"Almost 500 soldiers were killed, while 1,500 died in starvation and disease," sagot ni Gareth sabay baling muli sa litrato.

"Your dad was one of the survivors, right?" ani ni Eva habang nakatulala sa flower vase na nasa gitna ng bilog na lamesa.

"Filipinos are more fascinating," sabi ni Gareth habang ginagala ang mga mata sa mukha ng mga mukhang Pilipino sa litrato, hindi sinagot ang tanong ni Eva, "2,500 of their soldiers were killed, while almost 26,000 of them died in starvation and disease."

"And one of them is your former gardener's father," tango tangong sabi ni Eva, nahulaan na kung saan papunta ang punto ni Gareth.

Tuluyan na namang napalingon si Gareth, mukhang handa nang pagtuunan ng atensyon ang kaniyang bisita, "You look exhausted."

"I'm old," ngiting ani ni Eva, "I'm not twenty-four years old anymore, magka-karoon na nga ako ng apo."

"Now you look happy," puna muli ni Gareth sabay upo sa kaharap na upuan ni Eva.

Napakibit balikat si Eva sa sinabi ni Gareth, "You did a good job at making my narcissistic husband kneel."

"He deserved it," sabi ni Gareth.

"Yes," tango tangong sabi ni Eva, nakita pa ni Gareth kung paano kumuyom ang kamay ng Ginang, "I still can't believe that he killed Fred, his own son!"

Naging pirmi ang reaksyon ni Gareth kahit pa bahagya siyang nabahala dahil krinedito ang kaniyang gawa sa ibang tao, daig pa niya ang ninakawan sa narinig.

Hindi nahugot ni Fred ang atensyon ni Gareth sa unang pagkakataon, matino itong lalaki at magalang, hindi katulad ng ama nito.

Ngunit nagbago ang lahat nang sinuhestyon nito na ipalaglag ang nasa sinapupunan ni Jane Zarzuela.

Matino ito at magalang, pero walang paninindigan. Kahiya hiya.

"Nalaman ni Fred ang tungkol kay Rona," komento ni Gareth at pinag salikop ang dalawa niyang palad, "Alam ni Mike na may kapangyarihan kang iluklok ang isang talunan na kagaya niya sa posisyon at alam niya ring kaya mo siyang alisin sa isang pitik lamang."

"Kaya niya nagawang patayin si Fred?!"

"May mga tao talaga na kapag nakatikim ng kapangyarihan ay hindi na nila ito pinapakawalan," kalmadong sabi ni Gareth, "Kung sakali man mag pumilit ang kapangyarihan na iyon na makawala sa kamay nila, gagawa sila ng hawla na gawa sa wolpramyo para dito."

Humugot naman si Gareth ng hininga at bumaling ang tingin sa iba, "Hindi lamang ako natutuwa na ginamit niya ang disenyo ko."

Masamang tingin naman ang iginawad ni Eva kay Gareth, na opensa siya dahil mas mahalaga sa taong kausap ang paraan nito ng pag patay sa mga biktima niya kaysa sa buhay ni Fred.

Ngunit, hindi niya kailanman ibinuka ang kaniyang bibig, hindi dahil sa natatakot siya sa kayang gawin ng Doktor kung hindi dahil sa respeto.

Hindi sila magkaibigan ni Gareth, magkasundo sila sa ilang interes at ang benepisyo mula sa mga interes na iyon ang tanging dahilan kung bakit sila mayroong koneksyon.

Walang pakialam si Gareth sa buhay ni Eva, ni Fred, o ninoman. Ang importante lamang dito ay ang misyon nito na siyang pinoprotektahan ng Ginang mula sa batas.

Napansin naman ni Gareth na sumama ang tingin sakaniya ng Ginang, sa totoo lamang ay maliit na ganti lamang iyon nang sabihin ni Eva na ang Gobernador ang pumatay kay Fred samantalang siya ang gumawa noon.

"You can't blame me. Ginawa iyon ng asawa mo para hindi mag mukhang siya ang may gawa," sabi ni Gareth. "Alam niyang may pagala-galang serial killer sa Canlubang kaya kinuha niya ang oportunidad."

Napapikit na lamang ang Ginang, malaki ang punto ni Gareth.

Tama, malaki ang punto ko. Pagmamalaki ni Gareth sa loob ng kaniyang isip habang nakatingin sa ekspresyon ni Eva. Iniba pa nga niya ng kaunti ang disenyo kay Fred upang mag mukhang kakaiba, imbis na tunay na damit ay kurtina lamang ang ginamit niya.

Ngunit, kahit pa magkaiba ay iisa pa rin ang bagay na gustong ipakita ni Gareth.

Walang sino mang mababang tao ang nakapansin noon, maliban sa isa.

"Manika."

Pinilit naman ni Gareth ang hindi mapangisi nang lumabas ang imahe ni Isabella sa kaniyang isipan. Para sa isang maamong tupa, hindi lamang mabilis umunawa ang babaeng iyon, mabilis rin itong tumakbo.

"Late kang nakarating sa party kagabi," panimulang tapika ni Eva.

Naputol naman ang pag-iisip ni Gareth.

Sa binuksang tapika ng Ginang ay nanumbalik ang mayuming imahe ni Isabella sa isipan ng lalaki at ang simpleng puting kasuotan nito kagabi.

Napaka puro. Napaka sariwa.

"Kung may inutusan ka kagabi upang pigilan ang mga pulis papunta sa bahay ko ay alam mo na ang kasagutan."

Napakurap naman si Eva sa narinig.

"Kung gayon ay hawak mo si Cardinal?" konkluda ng Ginang, napakibit balikat na lamang si Gareth.

"Tumawag sila sa istasyon upang mang hingi ng back up," kwento ng Ginang, "Agad nilang itinawag saakin nang marinig ang address na tinitirhan mo."

"Naiintindihan mo na ba kung bakit ikaw ang inakit ni Mike?" ngiting tanong ni Gareth, "Iyon ay dahil ikaw ang Reyna ng bayan na ito."

"Hah," natawang sabi ng Ginang, bahagyang tumaas ang baba ni Gareth, madali talagang mapaikot ang mga tao lalo na kung pumapanig ka sa kalakasan nila, "At akala naman niya sa oras na mapakasalan niya ako ay gagawin ko siyang hari."

"Halos lahat ng tao ay iniisip na kailangang magkabiyak ang hari at reyna, hindi mo siya masisisi," makahulugang sabi ni Gareth.

Napailing na lamang si Eva habang tinuturo si Gareth, "Hindi naman ako nagkamali sa pag pili ng hari."

Unang kilala pa lamang ni Gareth kay Eva ay alam na niyang magkaparehas sila ng uri. Tuso, mapag malaki ngunit propesyunal at matalino. Katulad niya ay ginagamit nito ang kapangyarihan sa matalino at sulit na paraan.

The woman is a lioness. Some people might underestimated her because she's emotional and cultured old woman, little did they know that it was her mask.

"Kung gayon ay ano ang susunod mong hakbang?" biglaang tanong ng Ginang, "Dalawang dulo na ng tela ang nasa kamay mo, Lagard. It's either you will sew it together to make it whole, or you'll add another fabric to make it long."

Napatingin naman si Gareth sa labas ng bintana ng kaniyang opisina kung saan makikita ang mga katapat na building ng kaniyang opisina, "Bumiyahe ka mula Canlubang hanggang dito sa Maynila upang itanong saakin iyan?"

"I'm bored," simpleng sagot ni Eva, "Hintayin mo lang na lumabas ang apo ko, may iba na akong pagkaka abalahan."

"Hawak ko ang katawan ng dalawang detective, obviously walang magpa-pasa ng weekly report sa NBI kaya paniguradong magpa-padala sila ng panibagong agents para i-take over ang kaso at hanapin ang nawawala nilang kasamahan," panimula ni Gareth.

"Gusto mong magpa pasa ako ng fake report sa NBI?"

"No, let them do it," iling na sabi ni Gareth, "I will let them catch the culprit by the time the new agents arrived."

"But YOU are the culprit," may halong diing pagpa-paalala ni Eva, "And I know that you'll never turn your hands up and surrender. I'm going to drown myself and let the sharks in the ocean feast my body if you do that."

Napangiti si Gareth sa sinabi ng Ginang, "To save face?"

Umikot lamang ang mata ni Ginang Eva.

"I'm not going to surrender, obviously," makahulugang sabi ni Gareth. Nagkatitigan naman ang dalawa at nagsukatan ng tingin.

Mukhang sinusubukan ni Gareth na sabihin kay Eva kung anong plano niya sa pagitan ng mga titig kaya naman nag pokus ang Ginang sa pagbabasa noon.

Napataas naman ang kilay ng Ginang, katulad ng inaasahan ay hindi madaling basahin kung ano ang nasa isip ni Gareth. Ngunit, sa mga ginawa ng Doktor nitong nakaraan lamang at sa magkapareho nilang interes ay mukhang nakuha niya.

"No way," natatawang sabi ni Eva.

"I guessed that if you are in my position, you'll do it too."

Napatango na lamang si Ginang Eva sa iniuntag ni Gareth, kahit kailan talaga ay hindi pumalya ang lalaki na pahangain siya.

"But, can you really do it?" may halo namang pagdududa sa boses ng Ginang.

"You know that I am capable of doing anything, Evangeline," banggit ni Gareth sa buong unang pangalan ng Ginang, "You husband's mistress is a solid proof."

Napataas naman ng kamay si Eva, silbi na sumusuko siya.

"What do you want me to do then?" ulit ng Ginang sa tanong nito kanina.

Napakapit si Gareth sa dalawang hawakan ng kaniyang upuan upang makaangat sa kaniyang kinauupuan. Naglakad papunta sa pintuan ng kaniyang opisina, inikot ang hawakan nito at binuksan.

"Leave and be a good grandmother."

Olvasás folytatása

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
The Senorita Raiselle által

Történelmi fikció

689K 25.3K 36
Sino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita...
1.2M 23.9K 66
Primo Suarez and Serenity Del valle story🖤 This is R-18 story, not suitable for young readers. Read at your own risk.
Astrid ain 𓆩♡𓆪 által

Ifjúsági irodalom

1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)