Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 10

82.2K 5.9K 534
By VentreCanard

Chapter 10

Lihim

Simula nang ako'y isilang mula sa mahiwagang puno ng Deeseyadah at magkaroon ng isipan at pananaw sa buhay, kailanman ay hindi dumating ang pagkakataong maiisip kong may salitang gandang makikita sa isang uri ng labanan. Labanang may nakatayang buhay.

Ang labanang umiiral ay karahasan, danak ng dugo at matinding galit ay kailanman ay walang maidudulot na maganda. Bilang isang diyosa, iyon ang siyang pinakamatinding iniiwasan ko. Iyon ang pananaw na siyang iminulat sa akin.

Ngunit isa na bang kapangahasan bilang isang diyosa ang humanga at makakita ng kakaibang uri ng ganda sa kasalukuyang nasisilayan ng aking mga mata?

Tila nagkaroon ng malaking sapot ng gagamba sa himpapawid na gawa sa mga halamang baging may tinik, patuloy sa pag-ulan ng mga piraso ng rosas, ang maliliit na asul na apoy ay tila mas dumadami at ang aking mga punyal ay hindi tumitigil sa pagliliwanag.

Hindi na makagalaw ang mga bampirang lulan ng kanilang malalaking ibon dahil sa mga halamang ngayo'y mas pumupulupot sa kanila. Ngunit wala na sa kanila ang aking atensyon, kundi kay Nikos na sa unang pagkakataon ay ipinakita ang kanyang kapangyarihan.

"Pakawalan mo kami, Le'Vamuievos!"

Muling humalakhak si Rosh, hindi alintana ang hanging ngayo'y nililipad ang perpektong ayos ng kanyang buhok.

"Mukhang kayo'y nagkakamali. Ako'y isang hamak na kawal lamang." Sinalubong niya ang aking mga mata.

"Mahal na diyosa, ano ang siyang nais mong gawin ko sa mga hangal na ito?" Hindi agad rumehistro ang kanyang katanungan sa akin dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako kay Nikos.

Katulad ni Hua ay nanatili siyang nasa likuran ni Rosh habang gabay ng mga halaman sa himpapawid. Si Rosh lang ang siyang nasa gitna at unahan na may hawak na isang rosas at nakaharap sa mga kalaban.

Ang tanging nais lang namin ay makarating sa kubo kung saan nagsimula sina Haring Thaddeus at Reyna Talisha, wala akong balak kalabanin ang kanilang emperyo at lalong may saktan.

Ngunit sa sandaling pakiusapan ko ba sila'y pakikinggan nila ako? Hindi lingid sa aking kaalaman na ang Parsua Sartorias ay mainit sa mga mata ng iba't ibang emperyo.

"Nais ko silang kausapin muna, Rosh."

"Masusunod."

Hinayaan ako ni Rosh lumipad papalapit sa kanila at pumosisyon mismo sa kanyang unahan, ang nagliliwanag kong katawan ay pinanatili ko at maging ang aking mga punyal.

"Ako ang namumuno sa grupong ito at naririto kami sa inyong emperyo sa isang payapang misyon. Ipinapangako kong wala kaming hatid na gulo at kapahamakan sa inyo..."

Patuloy sila sa pagpiglas sa halamang nakagapos sa kanila at wala silang balak pakinggan ang mga sinasabi ko.

"Sa tingin mo ba'y ang iyong presensiya'y isa nang dahilan upang si Gazellian ang ituring hari ng lahat?! Isang kahangalan!"

Ramdam ko ang biglang paggalaw nina Rosh, Nikos at Hua nang marinig iyon, ngunit mabilis kong iginalaw ang aking mga punyal upang harangan sila.

"Hayaan n'yo ako..."

Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. "Kung ganoon, sinong hari ang siyang nais n'yo at kinikilalang nararapat?"

Hindi sila sumagot sa akin sa halip ay tinapulan lang nila ako ng titig ng panunuya. Isa-isang naglakbay ang aking mga mata sa bawat bampirang ngayo'y nakagapos at kumuyom na ang aking mga palad nang may maramdaman akong kakaibang presensiya.

May bahid sila ng ihip ng panibagong diyosa... diyosa mula sa Deeseyadah. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Naunahan tayo, Rosh..."

Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng susunod na mangyayari, dahil maging ang tatlong nasa likuran ko'y higit na naging alerto.

Hindi ako bumilang ng minuto dahil sa isang iglap ay sabay-sabay ang mga bampirang nakawala sa mga gapos ni Rosh, ngunit hindi iyon naging dahilan upang masurpresa kami at makatanggap ng hindi inaasahang atake.

Dahil mabilis kaming nakaposisyong apat sa gitna habang kapwa kaming magkatalikuran. Nagawa nang manipulahin ni Rosh ang lima sa mga ibon dahilan kung bakit nahuhulog na ang lima sa aming mga kalaban. Ngayo'y ang limang malalaking ibon ay nasa panig na namin na kasalukuyang sinasakyan nilang tatlo.

Aking puting kasuota'y hindi mawala ang pagniningning at patuloy ang paghampas ng hangin dahilan kung bakit aking mahabang buhok ay tila sumasayaw. Malalakas na pagaspas ng pakpak ng mga ibon ay mas namayani sa aking paligid.

Sina Rosh at Nikos ang siyang kapwa nasa tagiliran ko habang si Hua ang siyang nasa likuran, kanilang mga kamay ay handa sa anumang atake.

Mas pinaliwanag ko ang aking mga mata, aking kanang kamay ay ikinumpas sa harapan dahilan kung bakit ang libong mga punyal ngayo'y umiikot sa palibot naming apat. Mga punyal na ang talim ay nakatutok sa aming mga kalaban.

Alam kong nararamdaman nina Rosh ang aking pag-aalinlangan sa pag-atake, dahil pilit ko man itago hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong makipaglaban sa gitna ng mga karahasan. Ngunit ito ang sitwasyon na siyang nais ni Reyna Talisha na siyang magyaman sa akin.

Mawala ang aking pag-aalinlangan.

"Leticia... maaaring kami na—" tipid kong iginalaw ang mukha ko sa direksyon ni Rosh. Sa sulok ng aking mata'y nakikita ko ang matindi niyang pag-aalala.

Mahina kong iniling ang ulo ko. "Tutulong ako. Lalaban ako..."

Nang sandaling sabihin ko iyon, mabilis nang nawala sa likuran ko sina Rosh, Nikos at Hua na ngayo'y nasa harap na ng bawat grupo. Nanatili ako roon sa posisyon ko habang pinalilibutan ng mga punyal.

Marahan akong nag-angat ng tingin sa buwan. "Ito ba ang nais mong gawin ko? Ang aking mga desisyon ba'y hanggang ngayon ay naaayon pa rin sa 'yong liwanag?"

Walang katagang binanggit ang buwan, ngunit nang sandaling umuhip muli ang hangin, ramdam ko ang mas pag-iinit nito o tamang sabihin na mas nagliwanag ang buwan upang ipadama sa akin ang kanyang sariling bersyon ng yakap.

Tipid na sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ang paraan ng pakikipag-usap sa akin ng buwan ay isang palatandaan na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napipiling diyosang muling uupo sa kanya.

Ako pa rin... ako pa rin ang kanyang niyayakap, pinapatnubayan at kasalukuyang dinudungaw.

May tumakas na luha sa sulok ng aking mga mata kasabay nang unti-unting pag-angat ng dalawa kong kamay patungo sa kalangitan... sa buwan. Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata at nang sandaling higit kong maramdaman na tila ang buwan ay mas lumapit sa akin, pagmumulat ng aking mga mata'y katumbas ng pagsilang ng bagong ako.

Hindi lang isang diyosang bumaba mula sa buwan, diyosang tinalikuran ang sariling mundo, diyosang umibig sa isang bampira, kundi isang diyosang marunong nang makipaglaban.

"Rosh, Nikos, Hua!"

Kung bilang ang pag-uusapan, higit na lamang ang aming mga kalaban. Ngunit kung pag-uusapan ang kapangyarihan, hindi nila kami maaaring mapantayan. Siguro'y dahil hindi nila inaasahan ang biglaang pagdating namin dito at hindi nila naihanda ang kanilang magigiting na mandirigma o kaya'y anumang oras ay darating na sila.

Sunud-sunod kong hinuli ang mga mata nilang tatlo. "Dalhin n'yo sila sa akin..."

Ramdam ko na ang tatlong bampira na ngayo'y susugod na sa akin mula sa iba't ibang direksyon, sina Rosh, Hua at Nikos ay ginamit ang kanilang mga kapangyarihan upang ang natitira pang mga bampira'y magtungo sa akin.

Sa labanan, hindi lang pagkitil ang siyang katapusan, maraming paraan... paraan na tanging isang reyna lamang ang siyang mangangahas gawin iyon.

Ang halamang baging ni Rosh ay naging malaking latigo dahilan kung bakit marahas iyong humagupit sa likuran ng kanyang mga kalaban, dahil sa pagkabigla ay hindi na nila mapigilan ang kanilang sarili patungo sa aking direksyon, ang mga asul na apoy mula kay Nikos ang siyang kanyang ginamit upang gipitin ang kanyang mga kalaban at umatras patungo sa akin habang si Hua'y biglang dumami at marahas itinulak ang mga kalaban.

Nang ibaba ko ang aking dalawang kamay at magpantay iyon, unti-unting umikot ang aking katawan, sinabayan iyon ng mga punyal at ng mahinang dasal mula sa aking mga labi.

Liwanag ng buwan ay nakadungaw...

Sa himpapawid na yakap ng pulang sapot...

Mga matang nagniningas...

Tibok ng mga puso'y lason...

Panalangin sa hangin...

Hatid ay kakaibang talim...

Dala'y haplos...

Pagtagos na may basbas ng kalinisan...

Kasabay ng mga katawang patungo sa akin, pag-ikot ng mga punyal, pagliliwanag ng buwan at ang tuluyang pagtigil ng aking katawan sa patuloy na pag-angat. Saglit na nag-angat ang aking mahabang buhok kasabay nang pwersang isinalubong ko sa mga bampira.

Aking mga punyal ay sunud-sunod na tumagos sa kanilang mga dibdib.

Sina Rosh, Nikos at Hua ay kapwa nakaawang ang mga bibig nang makita sa unang pagkakataon na ang diyosa ng buwan ay umatake sa mismong dibdib.

Iisa ang siyang naging reaksyon ng mga bampirang siyang tinamaan ng mga punyal, pagsalubong sa kamatayan.

Huminga ako nang malalim kasabay nang unti-unting paglalaho ng mga punyal sa ere. Ang katawan ng mga bampira'y kasalukuyan nang bumubulusok pababa sa lupa.

"Leticia..." usal ni Hua na ngayo'y nakatulala sa mga katawan na bumabagsak.

Si Rosh na nakasakay sa malaking ibon ay marahang iginalaw ang kanyang isang kamay upang utusan ang kanyang mga halaman na sambutin ang katawan ng mga bampirang bumubulusok.

Tipid siyang nailing nang sumulyap sa akin. "Saglit akong nagulat, Leticia..."

"They are safe now..." ani ni Nikos.

"C-Cleansed?" nag-aalinlangang sabi ni Hua.

"Ikaw ang siyang pinakamatagal na kasama ni Leticia, hindi ba? Bakit tila ikaw pa ang higit na nagulat sa amin ni Nikos?"

Ang kamatayan na siyang inakala ng mga bampirang siyang kalaban namin ay isang uri ng paglilinis. Ang mga punyal na tumagos sa kanila'y liwanag lamang na magagawang linisin ang kanilang puso mula sa manipulasyon.

Pinasya na namin bumaba sa lupa. Ang malalaking ibon na siyang gamit ng mga bampira kanina'y tuluyan nang nasa kapangyarihan ni Rosh o tamang sabihin na wala na sa mahika dahilan kung bakit nagagawa na silang kausapin ng prinsipe.

Maging ang aming karwahe ay nakababa ng ligtas na wala man lang gasgas. Inilapag ni Rosh ang mga bampira sa ilalim ng malaking puno.

"Ilan pang mga bampira ang nais nilang manipulahin?" nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa kanyang mga kauri.

"Kung hindi mo man masamain, Leticia... nais kong tanungin kung bakit ganito ang ibang mga diyosa? Mataas ang tingin sa kanila ng mga bampira ngunit tila pinaglalaruan nila..." hindi na niya magawang ituloy ang kanyang gustong sabihin.

Nauna na siyang tumalikod at nagtungo na siya patungo sa karwahe. "Kailangan na nating magmadali, nasisiguro ko na doble ang bilang ng mga darating laban sa atin..."

Muli kong pinagmasdan ang mga bampirang siyang nakalaban namin. "Sana'y sa susunod nating pagkikita'y nakikilala n'yo na kung sino ang mga totoong kalaban..."

Nang tumalikod na rin ako at humakbang patungo sa karwahe ay si Nikos agad ang siyang nakita ko. Agad niyang inilihis ang kanyang mga mata mula sa akin dahil sa nangyari.

Hindi ko iyon palalampasin, ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan na naming umalis. Bumalik na siya sa unahan ng karwahe, naroon na rin si Hua na kanina pang naghihintay. Nang pumasok ako sa loob ay tahimik nang nakakrus ang hit ani Rosh at nakatanaw sa labas.

"Patawad..."

"Hindi mo kasalanan, Leticia..."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. Hinayaan kong ganoon ang sitwasyon namin sa makalipas na ilang oras, dahil alam ko na kailangan din namin ng pahinga.

Ngunit tila hindi lang ako ang siyang kasalukuyang binabagabag sa aming nasaksihan kanina sa labanan.

"Hindi mo ba siya nais tanungin?" nanatili siyang nakapangalumbaba habang nakatitig sa labas.

"Ang ganoong kapangyarihan ay kailangan ng eksplanasyon. Maaari akong lumabas kung kailangan n'yo ng pribadong usapan." Umiling ako sa sinabi niya.

"Gusto ko'y naririto ka..."

"Ngunit hindi ako—"

Umiling akong muli sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Hindi ka man Gazellian, Rosh... habang naglalakbay ako... ikaw ang siyang buhay na nagpapaalala sa akin mula sa Parsua na isa akong reyna... na may naghihintay pa sa akin sa pagbabalik ko, na tama ang paglalakbay na ito."

Saglit na lumambot ang kanyang mga mata sa sinabi ko. Tipid siyang yumuko sa akin. "Masusunod, Mahal na Reyna..."

Si Rosh ang siyang tumawag sa atensyon ni Nikos at sinabing nais ko siyang makausap. Hindi naman kami pinaghintay dahil agad siyang nakapasok sa loob lulan ng asul na usok.

Kapangyarihan na ngayo'y hindi na siya nag-aalinlangan pang gamitin.

"Alam kong sa paglalakbay na ito'y nasisiwalat ang pinakatinatago kong sekreto..."

"Ano ang koneksyon mo sa diyosa ng asul na apoy?" diretsong tanong ni Rosh.

"Leticia... hindi lang ikaw ang nag-iisang diyosa na nag-alay sa akin ng proteksyon... noon pa ma'y nagbigay na siya sa akin proteksyon. Dahil tanging ako lamang at si Thaddeus ang siyang nakakaalam ng katotohanan tungkol sa Deeseyadah..."

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
2.9M 61.7K 22
Over Series, Book #1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...
9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...