Tangent Love

De MysticQuinn

192 46 2

Soraia was heartbroken until she met Carl. Her feelings for him was clear but fate really loves playing with... Mai multe

Tangent
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 4

8 4 0
De MysticQuinn

Soraia

“Siguro nagtataka ka kung bakit kita pinatawag,” sabi ni sir na ikinatango ko.

“May nagsumbong kasi sa office na may sinigawan ka raw na estudyante at binantaan pa sila kahit wala naman silang ginagawa sa iyo. I know you wouldn’t do such thing kaya naman ipinatawag kita para marinig ang side mo,” paliwanag niya.

Kumunot naman ang nuo ko sa narinig. Bagong trip yata ng mga estudyante rito sa school ngayon na siraan ako. Bakit ba ‘di ako na-inform?

“Papatunayan ko pong wala akong kasalanan. Kahit pa ipa-check ang footage ng CCTV sa hallway kanina,” confident kong sagot.

Bakit naman ako kakabahan? Nagsasabi naman ako ng totoo.

Wait, CCTV?

Napatingin naman ako sa likod nang maalala kong kasama ko pala si Sean kanina. Oh no! Baka siya ang maparusahan dahil siya ang lumapit sa mga babae kanina.

Kaya ba sinama siya ni Sir ay dahil nakita na nila ang CCTV footage? Kung ganoon nga ang nangyari, ano namang kinalaman ni Carl?

‘Di ko namalayan nasa tapat na kami ng office dahil sa pag-iisip ko. Pinapasok na kami ni Sir at nakita kong may dalawang babaeng nakaupo sa mga mono-block chairs na nakahilera sa left side sa tapat ng mesa ni Sir.

Sa right side naman ay may nakahilerang tatlo pang upuan na sa tingin ko ay siyang nakalaan para sa aming tatlo.

Hinintay naming makaupo si Sir sa upuan niya. Nang binigyan niya kami ng permisong umupo ay umupo na rin kami.

Namukhaan ko naman ang dalawang babaeng katapat namin na nagbaba ng tingin ng umupo ako. Napangisi na lang ako nang malamang sila iyong mga chismosa sa hallway kanina na nagrereklamo sa akin ngayon.

“Alam niyo na siguro kung bakit ipinatawag ko kayong lahat ngayon," panimula ni Sir sabay baling sa'kin at sa dalawang grade 11 students na nagrereklamo sa'kin. "Ms. Castro, sabi ni Ms. Vidal and Ms. Sanchez ay sinigawan mo raw sila kanina kahit na wala silang ginagawa.”

“It’s not true, Sir. My sister didn’t utter a word earlier. I was the one to defend her from these students who badmouthed her,” depensa ni Sean bago pa man ako magsimula.

“Is it true?” tanong ni Sir sa dalawa.

Nakatungo lang sila at ‘di makatingin sa kahit na sinoman sa office.

Well, silence means yes, ika nga.

Sir Gonzales scoffed in disbelief kahit na expected na na ganito ang mangyayari.

“First, you badmouthed her, which actually a form of bullying. Second, you filed a complaint to her for yelling at you for no reason, pero hindi naman totoo. Inaakusahan niyo siya sa bagay na hindi naman niya ginawa. And to think na lower year kayo. ‘Di ba kayo marunong gumalang sa senior niyo?” he asked.

No one answered so Sir Gonzales continued.

“Kung magsusumbong kayo, e ‘di sana yung totoo na. Ginagawa niyo yatang biro ang discipline office, e,” naiinis na sabi ni Sir.

Nakayuko lang ang dalawa habang sinisiko ang isa’t isa. Tsk. Mukhang nagsisisihan pa ang dalawang ito.

“I can’t let this pass. Since Thursday na ngayon, you two will be doing a community service for the whole week next week. Two hours every day after your class. I will assign one of our janitors para bantayan kayo sa paglilinis dito sa campus.”

You can sense finality in his voice so none of us dared to go against him. As if I would.

Buti nga hindi sila na-suspend, e.

“Any questions? Suggestions? Violent reaction?" tanong ni Sir.

“Bakit po si Sean walang parusa? Pinagbantaan niya kami!” one of the girls said.

I think it is Miss Vidal.

“May iba akong ipapagawa sa kaniya. You two may now go," sagot no Sir.

Tumayo naman ang dalawa na nagsikuhan pa ulit bago makalabas ng office.

I guess it is F.O. for them. Friendship Over.

“I will not tolerate your actions a while ago, Sean,” Sabi naman ni Sir pagkalabas ng dalawa.

“I have no regrets, Sir. But I will do whatever you want me to," matapang na sagot ng kapatid ko.

“Fine," Sir Gonzales sighed. "Dahil nasa advisory class naman kita, mag-isa kang maglilinis ng classroom ngayong araw at bukas.”

“Okay, Sir.”

“Okay, you can now go. Pati ikaw Carl. May pag-uusapan pa kami nila Soraia," sabi ulit ni Sir.

Sumunod naman sila at lumabas na.

“Ano pa po’ng pag-uusapan, Sir?” tanong ko.

“Kailangan kong ayusin ang away sa pagitan niyo ni Jacquelyn. Kinausap na ako ni Carl and he suggested to settle it between those who are involve.

"Ngayon ko lang nalaman na damay rin pala si Carl. ‘Di muna natin ipapaalam. You know how fast gossips travel," paliwanag ni Sir.

Gossips travel fast. I highly agree. Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magsalita. Panibagong issue na naman. Pero nandito na, e. Kailangan ko ‘tong harapin.

“I decided na bukas, Friday, ay magkakaroon tayo ng meeting kasama si Jacquelyn, Clyde, at Carl. Alam kong hindi magtatagal ay kakalat rin ‘to sa buong school pero at least na-settle na ang issue bago iyon mangyari,” dagdag ulit ni Sir.

Hmm? A meeting with them? Baka nga mamaya lang ay ma-meet ko na sila, e.

“For now, makikipag-coordinate muna ako sa mga faculty member para kahit paano ay makontrol ang issue,” dagdag niya

Knowing the students here, hindi gagana ang plano ni Sir.

“Kailangan na nating i-settle agad ito dahil ‘di lang image niyo ang masisira. Pati na rin ang image ng school dahil sa popularity niyong apat.”

“Apat?” tanong ko naman.

“Yes, Miss Castro.”

What? Apat kaming sikat? How?

Looks like Sir Gonzales saw the confusion in my face so he explained it to me.

“Miss Jacquelyn Ponce and Mr. Clyde Delos Santos were both captains of our volleyball team.”

Of course, everyone knows that. Tumango na lang ako.

“You, Miss Maria Soraia Castro were entitled as the “Teen Mathematician” of our district.”

I nodded again. It’s nothing to brag about.

“And Mr. Carl Dela Vega was the captain of our football team.”

Nanlaki naman ang mga mata ko.

Kung sabagay, ‘di ko naman kasi pinapansin ang football team namin. Ni hindi pa nga yata ako nakapanood ng game nila.

So, lahat pala sila sporty. Ako lang ang hindi. Pero marunong naman akong mag-volleyball at mahilig ako mag-swimming. ‘Di lang talaga ako sporty na tao. Saktong marunong lang.

“Malinaw na ba sa’yo?” tanong ulit ni sir kaya nabalik ako sa huwisyo.

“Ah e, opo. Thank you po, Sir.”

Nagpaalam naman ako at lumabas na.

“Anong sabi?”

"Ay, kabayo!"

Napa-igtad naman ako nang may magsalita sa gilid ko. Nilingon ko naman ‘yong nagsalita. Si Carl lang pala.

"Ang pogi ko namang kabayo," he smirked.

“Bakit andito pa rin kayo? Wala ba kayong klase?”

Paano ba naman kasi ay nakatayo silang dalawa ni Sean sa may gilid ng office ng D.O.

“Health break na. Ano ngang sinabi?” pangungulit niya

“May meeting daw tayo sa Friday.”

“’Yong meeting ba bukas? Alam ko na ‘yon, e.”

“Alam mo na pala tapos nagtanong ka pa?”

“E malay ko ba kung may iba pa kayong pinag-usapan.”

“Let’s eat,” tipid na sabat ni Sean.

Nahinto naman kami sa pagtatalo ni Carl. Inirapan ko muna siya at sumunod na lang sa kapatid ko papunta sa cafeteria.

Nang matapos kumain ay inihatid nila ako sa classroom ko. Nagpatuloy ang klase hanggang sa ‘di ko namamalayan ay lunch break na.

Malamang sa malamang kasabay ko na naman ‘yong dalawa kong bodyguard. Sinusundo na nga yata ako, e.

“Bodyguards ko ba kayo?” bungad ko sa kanila nang makalabas ng classroom.

“Oo hangga’t ikaw pa ‘yong laman ng isuue," sabi ni Carl.

“Ano 'to? Showbiz? Artista lang? Hindi niyo naman kailangang gawin ‘to," reklamo ko.

"Manahimik ka na lang," pambara ni Carl.

"Stressing kayong dalawa."

"'Yan ka na naman sa pauso mo! Stressing!" pang-gagaya niya sa expression ko.

"Wala kang pake! Gawa ka rin ng pauso mong expression," sabi ko na lang at inunahan siyang maglakad.

Nakaka-ilang lang kasi pinagbubulungan kami habang naglalakad. Dalawa ba namang gwapo at sikat na lalaki sa buong school ang kasama ko. Siyempre pagtitinginan talaga kami ng tao. Idadag pa ang issue tungkol sa akin.

“Hayaan mo na lang sila. ‘Wag mo nang pansinin," said Carl.

“I’m great at ignoring people. Basta’t hanggang tingin lang sila. Subukan nila akong pagsalitaan ng masama baka ‘di ako makapagpigil.”

Natatawa naman siyang tumango.

Kumain na lang kami at katulad kanina inihatid nila ako sa classroom pagkatapos kumain.

“Sean, mauna ka ng umuwi mamaya. May meeting ang club namin mamaya, e.” paalam ko

“Hihintayin kita,” sabi niya at tumalikod na.

Nako! Mukhang seryoso. ‘Di na ako kokontra.

“Sumunod ka na lang sa kapatid mo. Mas nakakatakot pa magalit sa’yo ‘yon,” natatawang sabi ni Carl na ikinatango ko.

Nagpaalam na rin siya kaya pumasok na ako sa classroom.

Simula ng magsalita si Carl at Sean tungkol sa'kin, naging okay na ulit ang pakikitungo sa’kin ng mga kaklase ko. ‘Di ko nga alam kung matutuwa ako o hindi.

Para kasing pinatunayan lang nila kung gaano sila ka-plastic. Well, hindi naman lahat. Kasi ‘yong iba wala namang pake. ‘Yong iba lang talaga ang bilis mag-judge kahit ‘di alam ang buong istorya.

Kaya minsan mas mabuting tumahimik na lang kung walang alam para hindi mapahiya. Hindi ‘yong salita ka ng salita pero ‘yong sinasabi mo mali naman.




Author's Note:
Alam niyo bang hindi ako broken nung sinimulan ko 'to? Kaso bigla akong nawalan ng reader at jowa HAHAHAHA. Skl, baket ba?

Continuă lectura

O să-ți placă și

after they met her De M a r y

Ficțiune adolescenți

35.2K 2.5K 21
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
159K 2.2K 33
Nagkataon naman na ang dumating na jeep ay lima nalamang ang kasya, kaya nauna ng pumasok si mama sumunod naman sina kuya tanner, mac at kuya Cedric...
20.7K 96 17
naughty girl with naughty professor. story is kind of new and interesting. read it to enjoy it!
610K 11.9K 19
-COMPLETED- 13 years ago the Romano manor was filled with the young mafia princess's giggles as her 'brothers' chased her around the house. Lit...