The Cruel Billionaire's Marri...

By Nuebetres

338K 5.2K 1.2K

Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: THE STRUGGLES TO BEGIN WITH
CHAPTER 2: MEETING THE CRUEL MAN
CHAPTER 3: THE ALLEGATIONS THAT LEAD THEM INTO MARRIAGE
CHAPTER 4: THERE'S NO OTHER WAY TO ESCAPE
CHAPTER 5: THE RESPONSIBILITIES THEY DIDN'T EXPECTED
CHAPTER 6: LEAVING THE MANSION
CHAPTER 7: REMAINED IN A SITUATION
CHAPTER 8: LONGING FOR SOMEONE
CHAPTER 10: GOING BACK TO MANSION
CHAPTER 11: HIS LOVE INTEREST
Chapter 12: HE'D SAVAGE HER FRAGILE SELF-CONFIDENCE
CHAPTER 13: THE CHEERFUL AND BUBBLY ELOISE
CHAPTER 14: HIS TRUE COLOR
CHAPTER 15: THE BEGINNING OF A GAME
CHAPTER 16: GET TOGETHER AT THE WATERFALL HOUSE
CHAPTER 17: THE PROPOSAL
CHAPTER 18: SAN FRANCISCO, CALIFORNIA
CHAPTER 19: DARE TO ESCAPE?
CHAPTER 20: THE WEDDING
CHAPTER 21: THE HONEYMOON
CHAPTER 22: HIS DESIRE
CHAPTER 23: THE AGREEMENT
CHAPTER 24: HOME ALONE
CHAPTER 25: DEEP SECRET
CHAPTER 26: AFTER THE HONEYMOON
CHAPTER 27: SKI MOUNTAIN RESORT
CHAPTER 28: HIS MISSING WIFE
CHAPTER 29: OBSESSED WITH HER ASSET
CHAPTER 30: HER PUNISHMENT
CHAPTER 31: THE TRUTH ABOUT HER TATTOE
CHAPTER 32: HE CALLED HER NAME FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 33: HER UNEXPECTED VISITOR 1
CHAPTER 34: HER UNEXPECTED VISITOR 2
CHAPTER 35: THE CARING HUSBAND
CHAPTER 36: A KISS TO BE REWARDED
CHAPTER 37: HIS ATTRACTIVE OFFER
CHAPTER 38: THE CASUAL DINNER
CHAPTER 39: IS ARIES JEALOUS?
CHAPTER 40: AT THE EXCLUSIVE BAR
CHAPTER 41: IS ARIES HAVING A LOVER?
CHAPTER 42: SHE NEEDS FREEDOM NOT VACATION
CHAPTER 43: MEETING THE INVESTORS
CHAPTER 44: HE WANTS TO KEEP HER
CHAPTER 45: THE SPINSTER's LEGACY
CHAPTER 46: ARIES' DOPPLEGANGER
CHAPTER 47: HE DIDN'T BELIEVED HER
CHAPTER 48: HE CAME IN TO APOLOGIZE
CHAPTER 49: HEADED TO BLACK BEACH
CHAPTER 50: HIS LIFE MISERY
CHAPTER 51: THE TWINS AL AND AJ
CHAPTER 52: THE GRADUAL REALESE OF THE PAST
CHAPTER 53: SHE PASSED THE TESTS
CHAPTER 54: AGREED TO HER SUGGESTION
CHAPTER 55: ARIES' WEIRD ACTIONS
CHAPTER 56: SWEETNESS OVERLOAD
CHAPTER 57: HE MADE HER PREGNANT
CHAPTER 58: SHE FOUND THE ANSWERS
CHAPTER 59: HAVEN RANDOM THOUGHTS
CHAPTER 60: THE FIRST ENCOUNTER
CHAPTER 61: SNEAK IN
CHAPTER 62: THE DEVIL IS IN
CHAPTER 63: AGGRESSIVE
CHAPTER 64: THE FIGHTS
CHAPTER 65: THE BUTTERFLIES IN HIS STOMACHE
CHAPTER 66: EVERYTHING IS UNDER CONTOL
CHAPTER 67: ELOISE WITNESSED THE TRUTH
CHAPTER 68: REMEMBERING THE PAST
CHAPTER 69: HAVEN's CONFESSION TO THE DEVIL
CHAPTER 70: THE DAY HOW THEY WERE ABDUCTED
CHAPTER 71: HIS AVOIDANCE
CHAPTER 72: THE ENGAGEMENT PARTY
CHAPTER 73: CELABRATING A VICTORY
CHAPTER 74: THE LOSS OF HER INNOCENCE
CHAPTER 75: HER NEW BEGINNING
CHAPTER 76: HIS WIFE's WHEREABOUT
CHAPTER 77: COURTING HIS WIFE
CHAPTER 78: THE NEW RIVAL
CHAPTER 79: THE MONTESORRI FARM
CHAPTER 80: ARIES' AUDICITY
CHAPTER 81: GETTING ATTACHED WITH EACH OTHER
CHAPTER 82: CAN SHE FORGET AND FORGIVE?
CHAPTER 83: TAKING OFF THE MASK SHE WAS WEARING
CHAPTER 84: LOVE REUNITED
CHAPTER 85: THE CRUEL TRUTH REVEALED 1
CHAPTER 86: THE CRUEL TRUTH REVEALED 2
CHAPTER 87: THE FINAL PROPOSAL
CHAPTER 88: SWEET ESCAPE
CHAPTER 89: DISTANCES ARE REALLY MATTER
CHAPTER 90: HAVEN IS PREGNANT
CHAPTER 91: HAVEN WAS KIDNAPPED
CHAPTER 92: HAVEN AND AL GOT MARRIED
CHAPTER 93: THE FIGHTS BETWEEN BROTHERS
CHAPTER 94: AGAINST ALL ODDS
FINALE

CHAPTER 9: GLIMPSE OF THE PAST

4.7K 73 6
By Nuebetres

Walang tigil ang walong taong gulang na batang babae sa pag-iyak habang tinatawag ang ina nito. Nakaupo ito sa isang sulok at may hawak itong madungis na pusa at maging ang batang babae ay ganoon din ngunit hindi natatakpan ang magandang mukha nito sa madungis na damit nito. Nasa loob sila ng isang abandonadong warehouse.

"Ssshhh! Huwag kang maingay mahuhuli nila tayo!" sabi ng batang lalaki habang pilit nitong tinatakpan ang bunganga ng batang babae at para matigil ito sa pag-iyak.

Kumalma naman ang batang babae bagama't may luha sa mga mata nito, "Uuwi na tayo?" inosenteng tanong nito.

"I don't know, just calm down will you?" inis na tugon ng batang lalaki na nasa edad trese.

Malaking bulas na ito sa edad nito at mukhang papasibol na binata at nakikita ang angking gandang lalaki nito.

"Sabi mo sakin uuwi na tayo," muling umiyak ang batang babae.

"Damn it! Tigilan mo nga ang pag-iyak, It woudn't help you! Gusto mo bang mahuli nila tayo? Huwag ka kasing maingay para makauwi na tayo. Naiintindihan mo ba?!" madiing bulong na sabi ng batang lalaki para hindi sila marinig ng mga sindikatong dumukot sa kanila at para hindi makatunog ang mga ito sa balak nilang pagtakas.

Tumango-tango naman ang batang babae.

"Meow..."
 

"Damn! Bakit mo ba kasi dinala 'yan? Paano kung mabisto nila tayo dahil sa pusang 'yan!" galit na naman na sabi ng batang lalaki.

"A-ayoko siyang iwan, huwag kang mag-alala pagsasabihan ko siya na hindi mag-iingay." nakalabing sagot ng batang babae.

"Are you stupid!? Gusto mong pareho ko kayong iwan? Pag ako napuno sayo itatapon ko 'yan!" tila takot siya sa bantang iyon ng batang lalaki.

"Huwag maawa ka! Promise hindi kami mag-iingay," sabi niya at hinawakan pa ang ulo ng pusa at hinaplos-haplos 'yon.

Hinawakan ng batang lalaki ang balikat nito, "Hey, you little kitten! Listen to me carefully...iiwan muna kita dito. I'll just need to check kung may mga tao pang gising."

Naalarma ang batang babae dahil iiwan siya nito, "Babalikan mo ba ako?"

Tinitigan siya nito. "Yes, just don't ever leave it here and just wait for me to come back. Do you understand ?" tumango-tango ang batang babae.

"Okay, I have to go,"akmang aalis na ang batang lalaki nang napigil ang pag-hakbang nito dahil hinawakan ng batang babae ang laylayan ng damit nito sa likod.

Napatingin ang batang lalaki dito.

"Promise?" sabi ng batang babae at saka marahang ngumiti.

Sa tulong ng munting liwanag na tumatama sa kanila namangha ang batang lalaki sa ngiting 'yon at kakaiba sa mga ngiting nasilayan niya noon dito.

Bumilis ang pintig ng puso nito at maging ang pisngi nito nag-iinit. Nakatulala na nakatitig siya dito.

"Magsalita ka naman! Pag hindi ka nag promise sakin magtatampo ako sayo." masungit na sabi nito.

"I.., I promise" balik ngiting tugon din ng batang lalaki. Sa kauna-unahang pagkakataon nasilayan din ng batang babae ang ngiti nitong iyon dahil hindi pa niya nakita itong ngumiti at palagi itong masungit sa kanya. Sa sinabi nitong iyon ay nagbigay assurance na makakabalik ito.
 

Pagkatapos 'nun tuluyan na itong umalis. Nangako itong babalikan siya at panghahawakan niya iyon.

"Kitty, huwag kang mag-iingay, magagalit siya satin." sabi ng batang babae at muling hinaplos-haplos ang natutulog nang pusa.

Ngunit tila kay tagal ng bawat minuto hindi pa rin bumabalik ang batang lalaki hanggang sa nilamon siya ng antok at nakatulog.

Naalimpungatan ang batang babae nang makarinig ng mga putukan sa paligid!

Tuluyan na siyang napalahaw ng iyak...at ang pag-asang babalikan siya ng batang lalaki ay mukhang hindi mangyayari.

"Mama, papa ko..." iyak na bigkas niya. Natigil ang pag-iyak niya ng kung anong kamay ang humawak sa kanya at laking gulat niya na ibang tao ito!

Nagpumiglas siya at nagsisisigaw!

"Huwag po! Bitawan niyo po ako!"

"Huwag!" sigaw ni Haven nang magising siya sa masamang bangungot na 'yon ng kanyang nakaraan!

Nagpumiglas siya nang maramdaman niyang may nakahawak sa kanyang mga kamay!

"Huwag! Bitawan niyo ako!" muling sigaw niya.

"Hey! Wake up!" boses iyon ni Aries! Saka lang siya nahimasmasan nang marinig ang boses nito.

Natigil siya sa kakapiglas at dahil madilim ang buong silid hindi niya maaninag ang mukha nito.

Tinabig niya ang mga kamay nito na binitawan naman nito.

Bumangon siya atsaka huminga ng malalim.

This time she was crying again! Pinagdikit niya ang dalawang paa at saka niyakap 'yon, isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga tuhod.

Bakit!? Bakit napapanaginipan niya ulit ang kanyang nakaraan?

Nakaramdam na naman siya ng takot na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"You're having a nightmare again. Do you know what time it is?" he said in a sarcastic tone.

Hindi siya nagsalita at pilit na pinapakalma ang sarili na halos hindi na siya makahinga.

"Here, drink this." she looked up on him. 

The light was open. Nakatayo ito malapit sa kanya may hawak itong baso ng tubig na kaagad naman niyang tinanggap at ininom at muling ibinigay sa kanya ang baso.

"T-thanks," tipid na sabi niya.
 Trying to calm herself but water wasn't enough to calm her senses!

Kahit nakabukas ang aircon pinagpapawisan siya!

She looked around wildly, trying to make sense of where she was.

Oh! She was in Aries' room!           

Pinakiramdaman niya ang sarili. She was glad nothing suspicious happened to her body.      

Magkatabi nga pala silang natulog tinakot na naman siya nito kaya napapayag siya nitong matulog ito na katabi.

She glanced at the alarm clock on the dresser. The red digital numbers glowed in the dark. Two A.M Friday.

Naalala niya 'yong mga time na madalas siyang nagigising ng madaling araw dahil sa bangungot na 'yon.

No one dare to comfort her! Kahit ang kanyang ina hindi siya nito binibigyang halaga. Sinisisi siya nito sa pagkamatay ng ama.

"Will you stop crying now? You always cried since then. You woke me out of a deep sleep." reklamo nito.

Tinignan niya ito ng masama. How dare him to manipulate her!

"I'm sorry...for disturbing you at such a late hour when you're in deep sleep...I just couldn't stop you know...hindi mo kasi alam....ang mga pinagdaanan ko!" she said while crying again.

Ngumisi ito, "You didn't even know what I went through from the past, your experience is nothing compared to mine."makahulugang sabi nito.

What was he talking about?

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Tinignan niya ito na may luha sa kanyang mga mata at nagkakatitigan sila.

Punong-puno ng misteryo ang mga mata nito. They were dark now.

Hindi niya rin mabasa ang expression sa mukha nito.
They look blankly at each other. There is silence for a moment.

Siya ang unang nagbawi ng tingin dito. Hindi niya kayang makipag-titigan dito na para bang matutunaw siya anumang oras.

Kahit bagong gising ito the fact na magandang lalaki pa rin ito.

Nakasuot ito ng roba. She finds him sexy! Oh what's wrong with her? Did she admire him?

Kung ano man ang mga pinagdaanan nito wala na siyang pakialam! She hated him for manipulating her life!

"Don't ever cry in front of me again! I hate weak women most!" sabi nito at naglalakad patungo sa closet nito may kung anong kinuha 'dun.

How can I explain such a complicated matter to Aries?

Hindi din naman ito maniniwala sa kanya kahit magkwento siya and the fact na ayaw na niya iyong ungkatin pa.

"I'm afraid that you won't be able to go back to sleep," he said in a husky voice.

Did he really care for her? That was impossible.

Hindi niya ito nilingon at alam niyang nasa tabi na niya ito dahil nararamdaman niya na umaalog ang kama.

Napalingon siya dito nang maramdaman ang bagay na iyon na tumusok sa kanyang kaliwang braso.

"No!" she said hysterically. She looked at him with a grin on his face!

He was like a dangerous psychopath!

"Don't worry this will help to calm your senses." bulong nito sa punong tainga niya.

She then realized that Aries was her biggest nightmare!

If I stay with him. I will die! I will definitely die!

            He pulled her close and then she passed out.

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 368 13
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
183K 12.2K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
9.1K 284 18
AshMatt fanfic
3.2K 695 145
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...