Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

463K 14.6K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 4

10.7K 470 169
By wwiittyyccuuttiiee

JEREMIAH GARCIA

Ilang araw na din ang lumipas. At ilang araw na din ang nagdaan nang magulo ang tahimik kong buhay. Parang kailan lang tahimik akong naglilibot dito sa campus at walang iniisip na pwedeng maging problema. Samantala ngayon, ni paglabas sa dorm, kinakakaba ko pa. Kainamang buhay 'to.

Natuon ang pansin ko sa prof. naming walang sawang nagdidiscuss kahit na wala namang nakikinig. Napahinga ako ng malalim. Sa loob ng ilang araw na lumipas, pakiramdam ko napaka bagal ng oras. Naiinip na 'ko. Gusto ko na matapos ang araw na 'to at makapag pahinga na.

Hindi naman ako binigo ng kapalaran. At matapos ang ilang minuto natapos na ang unang klase ko ngayong araw. Sarap sana pakinggan kaso may dalawang klase pa ako para mamaya. Nagstay lang kaming tatlo dito sa room kasi may bakante pa naman kaming oras. At wala naman kami gagawin kundi hintayin ang oras para sa next subject namin.

Napapaypay na lang ako sa sarili ko. Napaka init ang ampotek. Ano bang mayron ngayon dito sa Pilipinas at pagkigrabe naman ang init. Ano 'to? Free trial para malaman ang pakiramdam sa empyerno? Anak ng tokwa talaga!

"Ulaga ka talaga. Panong di ka maiinitan ee jacket na jacket ka diyan. Ano? Minamalaria lang?" malakas na sabi nitong si Lauren

Napairap ako. Kung tinutulungan kasi nila ko sa problema ko diba? Edi sana hindi ako nagtitiis ngayon sa lecheng jacket na 'to.

"Alam mo Graciana. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo at binangga mo 'yung anak ni Satanas. Tapos ngayon, tatago-tago ka. Akala ko ba matapang ka?" dagdag niya pa

Oo na! Oo na! Malay ko bang hindi ako titigilan nung bruhildang 'yun. Napahalumbaba na lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko. Bwiset kasi  si Ateng nasa Mall. Kung natingin sana siya sa dinadaanan niya edi hindi niya mabubunggo si pitchy. Edi sana hindi ako makikialam sa problema nila. At edi sana tahimik parin ang buhay ko ngayon.

Tangina Jeremiah. Talagang nanisi ka pa.

"Bakit hindi mo kausapin si Juno? Kaibigan niya si Miss Ianthe. Baka matulungan ka niya." suhestiyon ni Jaz

Napatingin naman ako sa puwesto ni Juno. Kita ko mula dito kung gaano siya ka-busy sa librong binabasa niya. Kilala si Juno bilang seryosong tao. Siya 'yung tipo ng tao na mahal ang halaga ng ngiti niya. Ni minsan hindi ko pa siya nakikitang ngumiti kahit na kasama niya si Venus na pinsan niya. At hindi din ako makapaniwala na kaibigan niya pala si pitchy. Paano niya kaya nagagawang pakisamahan ang bruhildang 'yun. Napangiwi ako sa kaisipang kakausapin ko siya. Nako. Wag na. Nakakahiya naman kung iistorbohin ko pa siya.

"Mas magandang ideya Graciana kung ikaw mismo ang aayos ng problemang ginawa mo. Kung hindi ka ba naman kasi nagpaka bayani, edi sana tahimik parin buhay mo. Ulaga ka talaga. Tsk." masungit na saad sakin ni Lau.

Napahalumbaba ulit ako. Ayan kasi Jeremiah! Tapang tapangan pa! Juskodai!

"Ano ba kasing kasalanan ang ginawa mo at grabe ang galit sayo ni Ianthe?" mahinang tanong sakin ni Jazmine.

Kasalanang ginawa? Wala naman ah! Oo na! Mayron nga. Pero 'yung nakaraang linggo pa 'yun. 'Yung insidente sa Mall, sa field at sa Canteen. Oo, 'yun lang naman .

Teka.. canteen.. anak ng teteng naman oo!

Pakiramdam ko biglang uminit ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang kasalanang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman kasi sinasadya ang pangyayaring 'yun. Akala ko kasi kamatayan ko na kaya gumawa ako ng paraan para makatakas sa kanya. Juskolord. Kayo po ang nakakaalam kung gaano ko pinagsisihan ang kasalanang 'yon.

"Hoy Graciana! Tinatanong ka ni Juliet. Sumagot ka diyan, hindi 'yong mukha kang nagpipigil ng tae."

Napakamot ako sa tainga ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

---

Napahinga ako ng malalim ng matanaw ko na ang canteen mula dito sa kinatatayuan ko. Safe naman pala. Hay thank you lord. Muah!

Pero bago pa ko makahakbang ng biglang may humila sakin paharap sa likod ko. At halos maubusan ako ng dugo dahil sa nakita ko.

Patay. Kala ko ba safe?!

Tangina Jeremiah! Bat kasi lumabas ka pa! Ayan tuloy, si kamatayan nasa harap mo na!

"Wow. Small world." nakangising saad niya

Napalunok ako. Mag-isip ka Jeremiah! Hindi ba't matalino ka.

"Where do you think you're going huh?" dagdag niya pa

"Ahm. Kakain sa Canteen? Kasi alam mo na, dinner. Ikaw? Where do you think you're going? Huh?" panggagaya ko pa sa kanya.

Kita ko kung pano nagtaas ang perpektong kilay niya. Kanino kaya siya nagpapa shave ng kilay. Galing ah.

Natapos ang pagmumuni-muni ko ng biglang hilahin niya ko. Nanlaki ang mga mata ko. Eto na! Eto na nga ba sinasabi ko. Katapusan ko na. Huhu Nanay! Help me!

"T-Teka lang. Saan mo ko d-dadalhin? Hoy. Ano ba! B-bitaw nga!"

Hindi siya sumagot bagkus mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Pakiramdam ko mapuputol ang ugat ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Wwwwaaaaahhhh! Tangina! TULONG!

Pilit ko mang alisin ang pagkakakapit niya, mas lalo pa niyang hinihigpitan. Napangiwi ako. Ang shaket!

Tumigil lang kami ng makarating kami sa parking. Pano ba ko makakatakas sa bruhang 'to?

"Now. Get in." malamig na tugon niya

Napalunok ako saka maang na napatingin sa kanya "Ano bang binabalak mo sakin?" kinakabahang tanong ko

Isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya sakin. Ano na naman bang ginawa ko? Hayp! Huminga ako ng malalim. Okay. Eto na. Kaya mo yan Jeremiah. Henyo ka diba.

"Okay Miss. I'm sorry. Kung ano 'man ang nagawa kong kasalanan sayo. Sorry. Ikaw naman kasi kasalanan mo din. Grabe kasi sa pagkatabil 'yang dila mo kaya di ako nakapag timpi. Ngayon miss, humihingi na 'ko ng dispensa sa nagawa ko sayo. Basta.. Basta pakawalan mo na ko." mahabang lintana ko

Pero ang bruha, mas lalong sumama ang tingin sakin. Ano na naman ba? Nagsorry na ko ah! Wala namang mali sa sinabi ko dahil puro katotohanan naman lahat 'yon!

"What? So, pinapalabas mo na kasalanan ko ang lahat? Ganon ba?"

"Oo, ganun na nga. Ay potek Hindi! Ang ibig kong sabihin hindi ganun. Anak ng teteng."

"Anak ng ano? Minumura mo ba 'ko stupid?"

Nanlaki ang mata ko. Kailan pa naging mura ang "anak ng teteng". Palibahasa galing siya sa marangyang pamilya.

"Hindi kita minumura. Ikaw nga ang minumura ako ee. Tinatawag mo 'kong stupid." mahinahong sambit ko.

Kailangan mabait tayo ngayon Jeremiah. Nasa peligro na ang buhay mo. Kailangan magpakabait ka.

"So what? Bagay naman sayo."  taas kilay na saad niya.

"Oo na. Bagay na tayo"

Ang kaninang naka taas na kilay niya ay biglang bumaba at lalong sumama ang tingin sakin. Teka nga! Ano bang kasalanan ko? Sinabi ko lang naman na bagay kami! Anong mali dun...

Teka, sinabi ko 'yun? Putapepe! Sinabi ko nga!

Agad akong napatakip ng mukha ko. Tangina Jeremiah, kailan ka pa natutong bumanat sa isang kampon ng kadiliman? At saka sa pagkakaalam ko straight ako!

"A-ano.. Pasensiya. Hindi ko.. ahm. hindi 'yun ang balak kong sabihin.. Hindi ko sinasa-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko agad akong nakaramdam ng hapdi sa kanang pisngi ko. Puta. Ang sakit talaga ng sampal niya. Feeling ko nadislocate ang panga ko at magkakanda lagas-lagas ang ngipin ko.

Agad ako humarap sa kanya. Kita ko kung gaano kapula ang mukha niya marahil dahil sa galit.

"Teka nga. Bakit kaba nananampal na naman? Ano bang kinakagalit mo? Ha?" inis na tanong ko

"You Moron!"

Inambahan niya ulit ako ng isa pang sampal pero this time hinawakan ko ang kamay niya at marahan siyang tinulak para mapasandal sa sasakyan niya.

"WHAT THE! LET ME GO! YOU STUPID BITCH CHEAP! LET ME G-"

Hindi ko alam kung dahil ba inis, galit, o sa sakit ng pisngi ko ay hindi ko na pinatapos ang ano 'mang balak niyang sabihin at agad ko siyang hinila papalapit sakin at siniil ng halik.

Sa hindi ko malamang dahilan napapikit ako at sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdaman ako ng init sa buong sistema ko na animo'y sinisilaban ang katawan ko. At halos magimbal ang sistema ko ng maramdaman ko ang paggalaw ng labi niya. She kissed me back. Sumabay lang ang labi niya sa paggalaw ng labi ko. Mas lalo ko siyang idinikit sakin na na naging dahilan para makagat ko ang labi niya na siyang ikinasinghap niya at ikinagising ng diwa ko.

Agad akong humiwalay sa kanya. At pinutol ang kahindik-hindi na krimeng nagawa ko. Para akong tuod na hindi makagalaw. Kita ko ang gulat na rumehistro sa magandang mukha niya. Sa hindi malamang dahilan agad ako pumihit patalikod at kumaripas ng takbo papalayo sa babaeng ninakawan ko...


Ninakawan ko ng halik.

---

Napatampal ako sa noo ko. Ang ulaga mo kasi Jeremiah at ginawa mo 'yun! Ngayon ano? Mas nilagay mo sa peligro ang buhay mo! Kainaman ka Jeremiah!

At magmula din nun, hindi na niya ko tinigilan. Ang tahimik kong pamumuhay mas lalong nagulo.

"Tangina nabaliw na. Hoy Graciana!" untag sakin ni Lauren

Mariin akong napatingin sa dalawa kong kaibigan ko mataman ding nakatingin sakin. Bakas ang pagkairita sa mukha ni Lauren samantalang si Jazmine ay pasensyadong naghihintay ng sasabihin ko. Napahinga ako ng malalim. Wala naman sigurong masama kung aaminin ko ang totoo dahil sa katunayan kasalanan ko nga naman ang lahat.


"I kissed her." mahina at nakayukong saad ko

"Hoy? Ano? Laksan mo nga!"

"Tangina! Hinalikan ko siya! Ano? okay kana?" naiinis na sagot ko

Napaka bingi naman kasi. Magkakalapit lang kami hindi pa niya narinig 'yun. Ayaw kasi maglinis ng tainga ee pinamumugaran na siguro ng bubuyog ang tainga nitong si Laurena.

Yuck! Kadiri naman. Ew!

"Ano? Oh my gosh! Hinalikan mo siya?" gulat na tanong ni Jaz

Napairap ako. Isa pa 'to "Oo nga! Paulit-ulit? Sirang plaka lang?"

Napatakip ng bibig si Jaz marahil dahil sa gulat. Miski ako, gulat na gulat ako nang gawin ko 'yun. Sino ba kasing espiritu ang sumanib sakin? Ipinapahamak ako ee!

"Wow! Ngayon ko lang nalaman na tibo ka pala."

Agad kong sinamaan ng tingin si Laurena. Ulaga talaga 'to!

"Hoy hindi ako tibo! Mas straight pa ko kaysa sayo 'no!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Kung hindi ka tibo, bakit mo siya hinalikan aber? Sige nga." nakangising saad niya

Napafacepalm ako. "Ang ingay niya kasi. Ang sakit sa tainga. Saka hindi ko naman sinasadya 'yun!" pagdedepensa ko sa sarili

Natawa nalang si Jazmine sa sinabi ko habang si Laurena mas lalong lumaki ang ngisi. Argh! Naiirita ako sa dalawang 'to! Hindi sila nakakatulong sa totoo lang.

"Pero hindi mo siya gusto?" seryoso namang tanong ni Jaz.

"Malamang! Ano ba 'yang tanong mo Jaz!"

"Edi gusto mo siya?"

"Oo! Ha?! HINDI! Hindi ko siya gusto! Tangina!"

Malutong na tawanan ang iginayad sakin nung dalawa. Juskolord! Bakit niyo po ba ko binigyan ng ganitong klaseng kaibigan? Lord, nakikiusap po ulit ako. Bigyan niyo po ko ng mas mahaba pang pasensiya. At baka hindi ko na po sila matantya.

Kaibigan ko sila.. Oo tama, kaibigan ko sila. Relax Miah! Relax


"Tangina ka talaga Graciana HAHAHA LT ka!"


Inirapan ko lang silang dalawa. Kabagin sana kayo ng malupet. 'Yung tipong babalik at babalik kayo sa kubeta para magbawas. Mga talipandas kayo!

"So, anong pakiramdam ng makahalik ng isang Ianthe Violet Summerhold?" nakangiting tanong ni Jazmine

"Masara-.Tangina! ewan ko ba! Ano ba naman kayong dalawa! Tigilan niyo na nga ako!"

At sa isa pang pagkakataon tinawanan lang ako nung dalawa. Mga hinayupak!

"Oh ano ngayong plano mo?" jaz

Ano nga ba? Wala! Wala kong plano kundi ang pagtaguan lang siya. Kapag nakikita ko siya agad akong nalihis ng daan. Iwas na iwas ako na magkatagpo ang landas naming dalawa. Huling kita naming dalawa nakatanggap lang naman ako ng mag-asawang sampal at naging kamukha ko ang spaghetti na itinapon niya sa mukha ko.

"Dapat ba kong humingi ng tawad sa kanya?" alanganin kong tanong

"Magsosorry ka? Ulaga ka talaga! Edi mas lalong nagalit 'yun. Mag-isip ka nga Graciana. Baka pag ginawa mo 'yan sinisiguro kong hindi lang mag-asawang sampal aabutin mo. Baka katayin kana no'n!"


Argh! Nanay! Help me! Huhuhuhu.


"Kausapin mo na lang siya ng maayos Miah." mahinahong saad ni Jaz

Napahinga ako ng malalim. Sana ganun lang kadali ang lahat. Sana lahat may lakas ng loob para kausapin ang taong 'yun. Baka pag kinausap ko 'yun mawasak na ng tuluyan ang maganda kong mukha. Jusko. Ayaw kong mangyari 'yun.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumayo sa harap namin si Juno. Mataman siyang nakatingin samin, sakin. Kung wala lang talaga akong problemang kinakaharap ngayon, baka matuwa pa ko at may dyosang nasa harap ko. Kalahi ko!

"Rooftop. Iv is waiting for you. You should go now." malamig na tugon niya

Napamaang ako. Ano daw?


Juskolord! Parang awa niyo na po. Buhayin niyo pa po ako ng mas matagal. Cross finger!





Ang hirap pala maging magnanakaw.



Hindi na ko uulit.





Sa susunod magpapaalam na ko

----

Continue Reading

You'll Also Like

32.8K 635 55
It's all about the professor and her student, The student Her has been obsessed with and has been chasing since Señior high school. when they meet ag...
4.9M 244K 56
In which a girl has a big crush on the basketball player, min yoongi but she has a secret admirer who has been giving bottles of banana milk with sti...
9.6K 248 15
I love you, but you love him. I adore you, but you adore him. I miss you, but you miss him. when will you ever notice me, when you have your eyes on...
42.2K 1.6K 12
The first time I saw her, my heart stop from beating and clichè as it may sound but whenever I'm with her, it seems like we're just the only people i...