Win Back The Crown

By Brave_Lily

160K 6K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 5: It Was Her

5.2K 204 13
By Brave_Lily


"Narito na ang mahal na Hari!" anunsyo ng tagapangalaga ng Hari.

Ang lahat ay nagbigay-pugay at bumati sa mahal na Hari. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Disha. Hindi siya nagkakamali talaga ngang ang lalaking nasa kaniyang harapan ay ang lalaking kaniyang nakasama noong gabing iyon. Talaga ngang isa itong Hari at mag-asawa nga sila.

Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang lalaking tinitingalaan ng lahat ng mga tao sa kanilang bansa. Kaharap na niya ang isa sa mga Hari na nagtatag sa kanilang bansa ilang daang taon na ang nakakalipas. At naging isang Reyna pa siya.

"Kamahalan, ano po bang dahilan at inyo po kaming pinatawag kasama ang aming mga anak? Ano po bang meron, Kamahalan?"

Ang lahat ay puno pa rin ng pagtataka maliban sa isang matandang lalaki at ang anak nito. Masaya silang nagpatawag ang Hari ng pagpupulong. Isang malaking pagkakataon din ito upang tuluyan ng mapatalsik sa palasyo ang Reyna. Nalaman kasi nito ang ginawa ng Reyna sa kaniyang anak.

Nasa loob ngayon ang walong mga bibigating tao sa kanilang bayan. Lima sa kanila ay mga opisyales ng kaharian at ang natitira ay mga magigiting na opisyal na kawal ng kaharian. Isa sila sa mga taong karespe-respetado sa kanilang lipunan dahil sa kanilang naiambag sa bayan.

"Nabalitaan kong may isang tao ang gumawa ng gulo at nagtangka sa mga buhay ng mga anak niyo." biglang kinutuban si Disha dahil alam niyang siya ang tinutukoy nito. Para na siyang bato dahil sa pagkakaestatwa ng kaniyang katawan dahil sa tindi nitong kaba't takot sa Hari.

"Kamahalan, paano niyo po nalamang may nangyari ngang kaguluhan? Walang nababanggit ang aking anak tungkol dito?"

"Sinong lapastangan naman ang nagbanta sa aming mga anak? Hindi niya ba alam kung sino ang kaniyang binabangga? Kamahalan, nais po naming malaman kung sino ito?"

"Kamahalan, paano po ba ito nangyari?"

Lahat ay nagtataka kung sino ba ang nagsimula ng gulo. Hindi na makapag-isip ng maayos si Disha sa mga oras na ito dahil sa kaba. Habang tumityempo naman ang isang opisyal ng Hari.

"Kamahalan, bakit hindi niyo pa sabihin sa amin kung sino itong taong ito at magkaalaman na?" simula ng kanang-kamay ng Punong Minsitro. Siya ang ama ng babaeng nilublob ni Disha sa ilog matapos nitong pagsalitaan ang Reyna.

"Kamahalan, sino po ba ito? Ang lakas ng loob niyang pagtangkaan ang aming mga anak. Gusto kong parusahan niyo po siya, Kamahalan."

"Sa katunayan ang taong ito ay kasama natin ngayon sa loob ng bulwagang ito." nagulat ang lahat at palingon-lingon silang naghanap. Pinaghihinalaan nila ang bawat isa habang ang mga babae nilang anak ay nakayuko lamang at natatakot sa mga susunod na mangyayari. Alam nila kung sino ang tinutukoy ng Hari at alam nila kung ano talaga ang nangyari sa ilog. Matapos nilang kinalimutan ang kaharap nila noong nakaraang araw hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila kapag lumabas ang katotohanan.

"Kamahalan, sino po ba ito?" sabik na sabik na ang lahat sa kasagutang nais nilang malaman upang mabigyan na ito ng kaparusahan. Isang malaking kasalanan ang pagbabanta lalo pa't sila'y anak ng mga importanteng tao sa kanilang bansa.

"Kamahalan, nagmamakaawa po ako sa inyong ibigay niyo na po ang aming kahilingan upang maparushan na ang gumawa nito. Matapos niya pong lunurin ang mahal kong anak na babae sa ilog, nararapat lang po naming malaman ang katotohanan." saad ng kanang-kamay ng ministro.

"Ha? Ano?" ang lahat ay nagimbal sa sinabi niya. Pero hindi na ito lingid sa kaalaman ng Hari dahil alam niya ang mga nangyari.

"Hmm, ipagpatuloy mo, Pinunong Kang, nais kong malaman kung anong ginawa ng taong 'to sa iyong anak." saad ng Hari. Ngumiti ng palihim ang si Pinunong Kang.

"Masusunod po, Kamahalan." saad nito sabay yuko sa Hari bilang pagpapasalamat. Hinila niya sa kaniyang tabi ang anak niyang babae.

"Kamahalan, ang sabi ng anak ko'y muntikan na siyang malunod sa ilog dahil sa ginawa ng babaeng iyon sa kaniya. Ang anak ko'y mabait at marunong gumalang sa kapwa ngunit sinaktan lang siya ng taong iyon ng walang kalaban-laban. Naaawa ako sa aking anak dahil panay lamang ito sa pag-iyak halos hindi na namin siya makausap dahil sa takot." kwento nito. Ang lahat ay naawa pero sapat na ba ang kaniyang sinabi para makumbinsi ang kaniyang Kamahalan?

"Binibini, nais kong malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon? Ano bang dahilan kung bakit nangyari ito?" tanong ng Hari na ikinasinghal niya dahil sa takot.

"K-Kamahalan, masaya lang po kaming nagkwe-kwentuhan ng aking mga kaibigan sa ilog noon. Wala kaming ginawang masama sa kaniya pero nagulat na lang po kaming lahat nang bigla niya kaming sugurin. Marahas niya po akong hinila papunta sa ilog at doon niya po ako muntikang patayin. Hindi ko po alam kung bakit po siya nagalit sa akin ng husto." pagsisinungaling niya at sinabayan niya pa ito ng iyak upang makumbinsi ang lahat sa kaniyang kasinungalingan. Ayaw niyang magpatalo at gusto niyang mawala na nga ang mahal na Reyna gaya ng nais ng kaniyang ama.

"Gano'n ba? Maari mo bang ituro sa amin kung sino ang nanakit sayo?" saad ng Hari. Natuwa pa siya sa kaniyang narinig mukhang umaayon sa kanila ang kapalaran.

"Kamahalan, siya po." hindi na siya nagdalawang-isip pa na ituro ang Reyna na naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Ang lahat ay mas nagulat at hindi inaasahang ang mismong Reyna nila ang gagawa ng bagay na iyon. Hindi nila ito inaasahan. Paano nangyari ito?

"Isang kahangalan! Paano naman magagawa ng mahal na Reyna ang iyong mga pinaparatang? Ni hindi niya magawang manakit ng kapwa, ikaw pa kayang isang bata?" tutol ng Punong Ministro. Ang lahat ay sumang-ayon dahil naniniwala silang kahit kailan hindi iyon magagawa ng Reyna.

"K-Kamahalan, bigyan niyo po ako ng hustisya. Nagsasabi po ako ng totoo, Kamahalan. Muntikan na po akong mamatay sa ilog na iyon at saksi ang mga kaibigan ko." pagmamakaawa ng anak ni Pinunong Kang.

"Kamahalan, isa po kayong magiting at magaling na Hari ng bansang ito. Naniniwala po akong paparusahan niyo ang mga nagkakasala ng patas at naaayon sa batas. Ang mahal na Reyna po ay nagkasala kaya kayo na po ang bahala sa hustisya na nararapat sa aking mahal na anak, Kamahalan." saad ni Pinunong Kang.

"Kayong natitira? Hindi niyo ba ipagtatanggol ang hustisyang nararapat para sa inyong mga anak? Paano niyo nagagawang manahimik na lamang at hindi ipinaglalaban ang hustisya?" tanong ng Hari sa kanila.

"K-Kamahalan..." nais sanang tumutol ng Ministro ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Hindi niya inaasahang matindi pa rin ang galit ng Hari sa Reyna. Ang mga mata nitong kumikinang dahil sa galit. Pero hindi siya nakakasiguro kung para kanino o sadyang galit pa rin talaga ito sa Reyna.

"Kamahalan!" yumukod sa sahig si Disha dahil sa takot na wala na siyang magawa para sa kaniyang sarili. Nais niyang ipaglaban ang karapatan niyang magsalita dahil napapansin niyang isa lamang ang tinitignan ng Hari kung hindi ang totoong may kasalanan. Iniisip nitong napaka-unfair ng Hari. Hindi siya patas magbigay ng hustisya. Hari nga ba talaga siya?

Natahimik ang lahat at napatingin sa mahal na Reyna na naka-yukod sa sahig. Hindi nila ito inaasahan.

"Anong nais mo? Sasabihin mo na ba ang katotohanan? Na ginawa mo nga talaga ang kasalanang iyon?!" tumaas na ang kaniyang boses. Lahat tuloy sila nagulat. Hindi naman kasi inaasahan ng Hari na yuyukod ang Reyna niya sa kaniyang harapan.


Disha's POV

Nanginginig na ako sa takot. Hindi ko tuloy maiwasang maluha dahil sa pagiging mahina ko. Ano bang ginagawa mo, Disha? Kung sa ganitong bagay lang manghihina ka na paano na sa susunod?

"Alam mo bang sampung hagupit ng latigo ang lalatay sa katawan mo dahil sa ginawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?! Isang kang Reyna pero anong ginagawa mo?! Muntikan mo ng mapatay ang anak ni Pinunong Kang!" galit nitong sigaw sa akin. Ano bang ikinakagalit niya sa akin? Bakit kanina ang bait-bait niya sa mga taong 'to tapos pagdating sa akin puro sigaw?

Tumayo ako at pinagpaggan ang damit na suot ko. Ang lalaking 'to sumosobra na ah!

"Eh ano ngayon?! Ano ngayon kung sinadya ko nga siyang lunurin sa ilog?" lahat sila nagulat sa sinabi kong pag-amin. Pati ang bwisit na Haring 'to ay hindi maiwas-iwas ang tingin sa akin.

"Totoo nga talaga ang nakarating na balita sa akin. You almost killed this woman." sabi niya. Wag mo kong ma-English-English d'yan!

"Yeah! I did it, so what? Mas mabuti nga iyon at manahimik siya. Alam mo, ang unfair mong Hari. Hindi ko alam kung Hari ka nga ba talaga o sadyang nagmamagaling ka lang, kasi alam mo, sila lang kasi ang pinapakinggan mo paano naman ako? Hindi ka marunong makinig!" sigaw ko sa kaniya. Ano? Gulat na naman? Kasi ako lang ang gumawa sa kaniya niyan? Ano ngayon? Para naman matauhan siya. Napaka-unfair niya.

"Who told you that I'm an unfair King? I am doing this for...f-for everyone! Ginagawa ko ang lahat para maging patas pero sinusubukan nila ako kaya manahimik ka na lamang d'yan dahil wala kang alam!" sagot niya sa akin. Tumulo muli ang mga luha ko. Ano bang kasalanan ang nagawa ko at napunta ako sa lugar na ito? May nasaktan ba ako? May napatay ba ako? Bakit ba ako ginaganito ng langit? Tapos itong bwisit na pusong 'to naman sobrang hina. Bwisit ka mahal na Reyna naparupok mo naman! Gusto ko ng bumalik sa dati kong katawan at buhay.

"Ikaw ang tumahimik d'yan! Wala kang alam kung anong pinagdaraanan ko! Napakawalang-kwenta mong Hari! Kung alam mo lang kung ano ang mga nangyari hindi sana mangyayari ang paghihirap na dinanas ng-" natauhan ako. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang mga nangyari noong nakaraang araw sa buhay namin ng Reyna. Hindi nila pwedeng malaman ang katotohanan.

"Tumahimik ka! Mga kawal, ipasok niyo ang lapastangang babaeng 'yan sa selda ngayon din!" utos ng Hari.

Unti-unting nagsilapitan ang mga kawal ng palasyo at hinawakan nila ako sa braso ng mahigpit. Pinilit kong makawala pero mas malakas sila kumapara sa akin na ngayon lang bumabawi ng lakas. Sumunod na lamang ako at dahan-dahang naglakad kasama ang mga kawal.

"K-Kamahalan..."

"Ngayon! Ayoko ng pahabain pa ang problemang ito kaya ipapataw ko na ang parusang nababagay sa inyo! Ikaw na anak ni Pinunong Kang ay papatawan ko ng parusang apat na buwang pagseserbisyo sa palasyo bilang isang tagapagsilbi, habang ang natitira naman ay tatlong buwan lamang. At ikaw naman Reyna Shin, ikaw ay makukulong at hindi makakalabas ng selda hangga't hindi ko sinasabi. Itong kaparusahang ito ay magsisimula ngayong araw. Ang sino mang tumutol ay pupugutan ko ng ulo kahit na isa ka pang alagad ko!" pati ako ay natigilan sa kaparusahang ginawad niya sa mga babaeng naririto.

"Ama..."

"Kamahalan? Ano po? Bakit po? Wala pong kasalanan ang aming mga anak!" nagsimula na silang umalma. Hindi ko inaasahan 'to. Ano bang iniisip ng Hari 'to? Hindi ko siya maintindihan.

"Bakit hindi niyo tanungin mismo ang mga anak niyo kung wala nga talaga silang ginawang kasalanan? Matapos nilang magsimula ng gulo at pagmataasan ang Reyna hindi ba't mas malaking kasalanan iyon? Marami akong mata sa paligid at araw-araw na nagbabalita sa akin, Pinunong Kang." pagpapamukha niya kay Pinunong Kang na para bang may ibig pa itong sabihin. Pansin ko ang panginginig nito sa takot. Anong nangyayari?

"Isang malaking kapangahasan ang ginawa ng inyong mga anak. Sinagot nila ng pabalang at minaliit sa publiko ang Reyna. Bakit hindi niyo tanungin ang eksaktong sinabi nila sa Reyna? Hindi ba't isang malaking kahihiyan ito matapos niyo silang alagaan, pangaralan at bihisan ng marangya pero ang pag-uugali nila ay mapagkunwari." diin nitong saad.

Lahat sila ay yumukod at nagmakaawang bigyan sila ng pagkakataon. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad palabas ng palasyo.

Pinagtitinginan ako ngayon ng mga taong nasa loob ng palasyo. Hindi ko inaasahang hahantong ako sa ganito. Ilang araw palamang akong nabubuhay dito pero ganito na agad ang bumungad sa akin. Mukhang nagkamali rin ako sa paghusga sa Hari. Parang kinain ko lang ang mga sinabi ko na hindi siya marunong makinig, pero ako lang pala 'tong nagmamagaling at unfair dahil hindi ko muna hinintay ang parusang ipapataw niya. Ang sama ko.

*MUST READ* 

Author's Note/Announcement:

May pagbabago sa chapter na ito if napapansin niyo man. Binasa ko kasi ulit ang bawat chapter and then may nakita akong maliit na pagkakamali sa isa sa mga character na ngayon ko lang din napansin. So, bale may mga iniba ako ng kaonti lang naman. Especially si Jia Kang, anak ng kanang kamay ng Punong Ministro na si Pinunong Kang. Nailagay ko kasi is "nag-iisa kong anak." kaya pinalitan ko na lang doon sa part na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

293K 8.1K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
4.8K 217 15
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...
405K 14.4K 71
Yazna came from the mortal world and found herself in a world that everything is IMPOSSIBLE. In a world where she accepts her true fate. She thought...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...