Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

463K 14.6K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 3

12K 460 107
By wwiittyyccuuttiiee


JEREMIAH GARCIA

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa field. Tapos na ang unang subject ko kanina at masasabi kong nakakaantok talaga pag first subject. Hay juskodai!

Ako lang mag-isa dahil si Jazmine nasa office nila at may meeting daw. Si Laurena naman deretso ang klase niya hanggang lunch. Kaya solo flight ako ngayon. Malakas ang loob kong maglakad lakad sa field dahil wala naman nag papractice ng soccer ngayon.

Nang makahanap ako ng magandang pwesto agad akong sumalampak sa mabining damo dito sa field. Inunan ko lang 'yung bag ko at feel na feel ang pagkahiga dito. Napapikit pa ko ng maramdaman ang pagsampal ng malamig na hangin sa katawan ko.
Hindi naman mainit ngayon. Sakto lang ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat.

Nakatingin lang ako sa langit. Napaka sarap talaga titigan ng mga ulap. Yung pakiramdam na nakakarelax at pakiramdam ko'y walang bumabagabag na problema. Paboritong kong titigan ang langit pati narin ang mga bituin. Pakiramdam ko kasi hindi ako nag-iisa. Although, may mga kasama naman talaga ko dito sa field. May mga nakaupo at nakahiga din kagaya ko. Pero iba yung pakiramdam para sakin.

Ang kaninang antok na nararamdaman ko nung first subject ay bumalik ngayon. Isang oras akong bakante kaya wala naman sigurong masama kung pipikit ako sandali.

Pero wala pang sampung minuto akong napapikit ng maramdaman kong may tumutulo sa noo ko. Naulan ba? Agad akong nagmulat.

At sa pagmulat ko. Isang dyosa ang nakita ko. Holy Cow! Nasa langit na nga ata ako. Napaka ganda ng dyosang ito. Siguro sinusundo na niya ko dahil ako ng nawawalang prinsesa ng kaharian ng mga dyosa.

Hala. Ano daw?

Nagising lang ako sa pagmumuni ko ng may tumulo na naman tubig sa mukha ko. This time sa mata ko. F-ck sh-t na malutong! Ang sakit ah! Sino ba tong talipandas na 'to at panira ng momentum ko?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinarap ang siyang may sala sa krimeng ginawa sa'kin. At pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa lupa ng makilala kung sinong nilalang ang nasa harap ko na masamang nakatingin sakin.

Dead.

Takbo na Jeremiah. Run for your life. Cross finger!

"Hindi mo ba alam na lalo kang nagmumukhang stupid kasi nakahiga ka dito sa field?" simula niya

"Hindi ko alam ee." kibit balikat kong sagot.

Anak ng tokwa. Saan mo ba nakukuha 'yung tapang mo Jeremiah? Baka hindi na 'to makatiis at gilitan na ko sa leeg ora mismo. Jusko wag naman po sana.

"You know what, hindi ka talaga nababagay dito. Ano bang mayron ka? Di hamak na cheap at stupidang estudyante ka lang naman."

Naiyukom ko ang palad ko. Kahapon pa 'to sa Mall ah. Nagtitimpi lang ako kahapon at baka maihulog ko siya mula 3rd floor hanggang ground floor. Kapag ako hindi nakapagtimpi dito. Nako! Gagawin kong pataba sa gulay ang mukha niya.

"Oo. Alam ko. At wala kang paki. " matapang na sagot ko

Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang sumanib sakin para sagut-sagutin ang dyosang kaharap ko. No! Hindi siya dyosa. Hays! Oo na dyosa siya. Pero hindi angkop 'yung ugali niya sa itsura niya.

Nagulat na lang ako ng biglang may dumapong palad sa kaliwang pisngi ko.  Putapepe! Ang sakit! Ang hapdi! Ngayon masasabi kong alam ko na ang pakiramdam nung babaeng sinampal niya kahapon sa Mall. Tangina! Nabali ata leeg ko.

"Serves you right?" nakangising saad niya

Napahawak ako sa pisngi ko. Namanhid ang pisngi ko dun ah. Anong meron sa kamay na 'yan at pagkibigat?

"Hoy ikaw bruha! Hindi kita inaano ah. Nananahimik ako dito, nakahiga, nagpapahinga tas dadating ka at bubuhusan ako ng tubig sa mukha. Aba't ang kapal din naman ng pagmumuka mo! Tapos ngayon, sinampal mo ko. Puta ka! Bakit mo ko sinampal! Pinapalamon mo ba ko ha? Bruha ka talaga! Pasalamat ka at pinalaki ako ng maayos ng nanay ko kundi baka manghiram ka ngayon ng mukha sa kalabaw!"












Syempre, hindi ko sinabi yan. Alangan namang sabihin ko 'yan baka di lang sampal ang abutin ko at pugutan na ko ng ulo ng talipandas na bruhang 'yan. Edi nabawasan ang magaganda dito sa mundong ibabaw kung sakaling mamamatay ako? Tss.


"Hindi kita kilala. Kaya ang masasabi ko lang sayo... Eto!"

Agad kong hinarap sa kanya ang gitnang daliri ko. Kitang kita ko paano gumalaw ang litid niya sa noo. Kaya bago pa man ako masunggaban pa ng tigre agad akong kumaripas ng takbo.

Run Jeremiah. Run for your life.

Tanginaaa. Ano bang naiisip ko at ginawa ko 'yun?

Takbo lang ako ng takbo. Minsan may nabubunggo ako pero hindi na mahalaga 'yun. Buti nga ako lang nabubunggo nila. Eh ako mismo demonyo 'yung nabunggo ko. Hanep na malupit.

Huli na ng namalayan kong dito pala ko dinala ng mga paa ko sa dorm ko at nakarating ako mismo sa room ko. Agad kong nilock ang pinto at hindi magkanda-ugagang umupo sa kama ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Argh! Ano na Miah? Akala ko ba plano mong makatapos ng kolehiyo na walang problemang iniisip? Ano na? Hanep! Kung kailan naman malapit na ko sa finish line saka naman magkakanda leche leche!

"Teka nga! Bakit ba 'ko natatakot? Bakit ako kumaripas ng takbo? Ee naturingang ako 'yung biktima dito! Dapat siya ang matakot at hindi ako! Tama! Wala dapat akong ikatakot! Ako lang naman ang nag-iisang Jeremiah na-..."

"Hoy Miah!"

"Anak ni satanas!" malakas na sigaw ko

Napahawak ako sa dibdib kong grabe sa bilis ng tibok. Anak ng teteng! Kamuntikan na kong mahimatay dahil sa gulat.

"Anong nangyayari sayo? Parang takot na takot ka?"

Dahan-dahan akong huminga ng malalim. Si Abi lang pala. Room mate ko. Napahawak ako sa ulo ko. Argh Jeremiah. Tapang tapangan pa kasi!

"Oh tubig muna. Para kang tanga diyan. Ano na kasing nangyayari sayo?"

Agad kong nilagok 'yung tubig na inihanda niya pa sakin. Oo na! Mukha na kong tanga dito ee sa kinabahan ako e! Bakit ba?

"Hoy Miah? Kung hindi kita kilala iisipin kong humihithit ka ng droga. Ano ba namang pagmumukha 'yan?"

Nanlaki ang mata ko. "Droga agad? Grabe ka bumuo ng conclusion ah. Saka ano bang mayron sa mukha ko? Oo na! Alam kong maganda ako, hindi mo na kailangan ipangalandakan. Tss."

"Kapal talaga ng apog mo. Saan ka kaya kumukuha ng kapal ng mukha?" iiling-iling na sagot niya

Aba't! Pasmado bunganga nitong si Abi! Sinamaan ko lang siya ng tingin. Wala ko sa mood makipag talo dahil pakiramdam ko naubos ang lakas ko dun palang kay pitchy.

Yeah pitchy. Ang tinis kasi ng boses niya. Ingay ingay.

"Nga pala, wala kana bang klase at nandito kana?" tanong niya

"Ahm, meron pa. Pero di na ko papasok." kinakabahang sagot ko.

Kita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Well, kahit ako nagulat din. Kaso mas iintindihin ko na muna ang kaligtasan ko. Baka pag labas na paglabas ko dito sa room na 'to makasalubong ko si kamatayan. Edi tigok na. Bukas na lang ako papasok. Siguro naman kung sakaling magkikita kami ni pitchy hindi na siya lalamon ng tao sa sobrang galit. Nako, sana talaga. Cross finger!

"May problema ba? Para kang tense na tense diyan?"

"Ahm. Wala naman." pagsisinungaling ko

Tiningnan niya lang ako na animo'y isa akong kriminal at nililitis ako. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya. Nakalimutan ko, Law student nga pala 'tong si Abi. Anak ng tokwa naman oh!

Napaisip ako. Oo nga! tama! Law student si Abi! Baka sakaling matulungan niya ko sa problema ko diba. Itatanong ko sa kanya kung anong pwedeng kaso ang isampa ko kay pitchy para layuan na ko. Tama! Ang galing mo talaga Jeremiah! Isa kang hamak na henyo!

"Ah Abi! Pwedeng magtanong?" alanganin kong saad

"Nagtatanong kana Miah." simpleng sagot niya

Napairap ako. Bagay silang dalawa ni Laurena. Sarap nilang paguntugin. Hay nako.

"Diba Law student ka. Ano bang pwede kaso ang isampa sa taong nagbabanta sa buhay mo?"

Kunot noong humarap siya sakin. Punong puno ng pagtataka ang mukha niya. Alanganin akong ngumiti. Hehe . Sagutin mo nalang tanong ko Abi.

"May nagbabanta sa buhay mo?" pagkaraa'y tanong niya.

Napaismid ako "Oo. Yung dyosang pitchy na 'yun."

"Dyosang pitchy? Sino 'yun?" pigil ang tawang tanong niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin ng makitang nagpipigil siya ng tawa. May nakakatawa ba? Ha? Halos mamamatay na ko kanina dahil sa pitchy na 'yun, tapos tatawanan niya lang ako!

"Si ano.. Hmm. Ant ata pangalan nun. Basta. May 'hold' sa parteng surname niya. Ano ba naman kasing pangalan 'yun? Kasing pangit ng ugali niya."

Nakatingin lang ako kay Abi na matamang nakatingin din sakin. Napakunot noo ako ng bigla-bigla siyang tumawa. Ampotek! Ano ba namang meron ngayong araw na 'to at tila puro may sapak ang mga tao!

"HAHAHA Tangina! LT ka. Si Ianthe Violet Summerhold. Anong ant ka dyan? Ginawa mo namang langgam 'yung tao, ee ang ganda ganda nun."

Inirapan ko lang si Abi. At talagang nagawa pa niyang puriin ang pitchy na 'yun. At Ianthe kamo. Ano ba kasing nakain ng magulang nun at 'yun pa talaga ipinangalan sa kanya. Ang baho pakinggan. Kasi baho ng ugali niya! Hmp!


"At anong sabi mo kanina? Nagbabanta siya sa buhay mo? HAHA Tae Miah! Nagdodroga ka nga ata! HAHA." Dagdag niya

"Tss. Tumigil ka nga sa katatawa mo. Kabagin ka sana. At Abi! Pwede ba. Tulungan mo na lang ako." naiiritang sagot ko

Tumigil naman siya sa kakatawa niya. Pero halatang pinipigilan niya lang. Putapepe abingot. Kabagin ka talaga sana!

"Okay. Okay. Ano ba maitutulong ko sayo?" nakangising tanong niya

"Gusto ko sampahan ng kaso 'yung si pitchy. 'Yung tipong di na siya makakalapit sa'kin." determinado kong sagot.

Oo! Determinado na ko. Kailangan ko 'to gawin para sa kaligtasan ko. Hindi ko naman hahayaan basta basta na mamatay ako ng walang kalaban-laban 'no.

"You can't to that Miah." seryosong saad niya.

"At bakit hindi?" kunot noong tanong ko.

"Jeremiah. Sa isang mayamang pamilya galing si Miss Ianthe. Kahit ipapusta ko ang titulo ng bahay niyo, walang Lawyer ang papayag na maging kliyente mo kung pamilya Summerhold ang kakalabanin. At nakapa swerte mo naman at ikaw ang nakakuha ng atensiyon niya. Ano ba kasing ginawa mo?"

Napaismid ako. Oh edi sila na mayaman. Yayaman din naman ako. Not Now. But Soon!

"Anong swerte ka diyan. Malas kamo. Saka bakit titulo ng bahay namin 'yung ipupusta mo?"

"Ayaw ko ipusta 'yung titulo ng bahay namin e. Baka matalo HAHA."


Napailing na lang ako. Wala na. Katapusan ko na talaga. Anak ng tokwa naman ohh!

"Mas maganda siguro kung humingi ka nalang ng sorry."

"Pano kung di niya tanggapin?" nanghihinang tanong ko

"Oh edi. Good luck! HAHA." pang-aasar niya

Binato ko lang siya nung unan. Bwiset! Nang-asar pa ee! Siya kaya dito sa pwesto ko. Inam talaga!

"Oh pano, una na 'ko. May klase pa ko ee. Nga pala, di ako uuwi dito mamaya. Pinapauwi ako ni nanay sa bahay ee. Maglock ka dito mamaya Miah baka pasukin ka ni Pitchy kuno at pag sasaksakin ka. HAHAHA."


"Tangina ka!" sigaw ko

Umalis siyang tatawa tawa habang ako parang lantang gulay na di malaman ang gagawin. Juskolord. Parang awa niyo na. Pahabain niyo pa po ang buhay ko.

Wala kong nagawa kundi humiga na lang sa kama ko. Napapaisip ako. Pano ko kaya maiiwasan ang pitchy na 'yun? Mukhang imposible lalo na't nasa iisang school lang kami napasok. Anak talaga ng tokwa! Mukhang katapusan ko na talaga.

Pumikit na lang ako. Itutulog ko na lang muna siguro 'to. Mamaya na lang ako magiisip-isip kung paano ko siya isasalvage. Charot.

Nagising lang ako dahil sa gutom na naramdaman ko. Anong oras na ba? Agad kong hinanap ang cellphone ko. At halos magising ang diwa ko ng makitang ala sais na ng gabi. Totoo? Taena. Ang haba ng oras ng tulog ko. Ni hindi na ko nakapag tanghalian. Kaya pala grabe ang sakit ng tyan ko ngayon. Gutom na ko.

Agad akong bumangon at nagbihis na. Hindi na din ako nakapag bihis mula kanina. Naalala kong ako nga lang pala ang mag-isa ngayong gabi. Anak ng teteng. Sana sikatan pa ko ng araw bukas. Cross Finger.


Nagbihis lang ako ng jogging pants at tshirt saka nagsuot ng jacket. Wala na kaming stocks ng pagkain kaya no choice kundi kumain sa canteen. May mga night class naman dito kaya malamang bukas pa 'yung kainan dito sa school.


At sa tantya ko, hindi naman siguro kami magkikita ngayong gabi ni Pitchy. Tingin ko naman nakauwi na 'yun. Sana talaga. Lord ingatan niyo po ako laban kay Pitchy.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa lungga ko, agad akong nagmadali papunta sa canteen. Lingon dito, lingon doon. Kailangan magingat, mahirap na baka pag hindi ako naging alisto baka magkanda lasog lasog ang katawan ko kung sakaling magkatagpo kami ni pitchy ngayon. Siguro kung may makakakita sakin, iisiping isa akong espiya.


Napahinga ako ng malalim ng matanaw ko na ang canteen na buo pa ko,  safe naman pala. Hay thank you lord. Muah!

Pero bago pa ko makahabang ng biglang may humila sakin paharap sa likod ko. At halos maubusan ako ng dugo dahil sa nakita ko.




Patay









Tangina Jeremiah! Bat kasi lumabas ka pa!

----

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 244K 56
In which a girl has a big crush on the basketball player, min yoongi but she has a secret admirer who has been giving bottles of banana milk with sti...
59.9K 2.1K 21
Aerin Sandiego Faith Chandra Ramirez Warning: gxg story
8.4K 525 39
AnSingh University (G×G) Eyah Amelia Carter had planned to win the heart of Zella Serene Singh, the cold-hearted president of AnSingh University. Wil...
1.4M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...