The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 10

4.1K 75 3
By Aimeesshh25

Chapter 10

JERACE'S POV

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Naiinis ako! Hindi man lang ako nilingon ni Drain nung nagpaalam ako para bumaba. Buti kinausap naman ako ni Mang Gara.

" Hoy! Bakit ngayon ka lang?" Tumakbo agad palapit sa'kin si Chenny at kinuha ang bag ko. " Tatawagan na sana kita kasi ang tagal mong umuwi."

Iginiya niya ako sa dining room. Pinaupo agad at inabutan ng tubig. Hindi naman ako nagsalita at malungkot na uminom.

" Nandito na po si Jerace!" Sigaw niya at pumunta sa kitchen. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang merienda.

Pinatong niya 'yun sa harap ko at pinagmasdan ako.

" Ayos ka lang ba?"

"Malungkot ako!" I pouted. "Hindi lang basta malungkot. Masakit! Masakit dito!" Tinuro ko ang dibdib ko. Para akong bata na nagsusumbong sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya at umupo sa harap ko. " Bakit? Anong nangyari? Bakit masakit 'yan? Hinawakan ba 'yan ni Sir Drain? Ano?!" She sounded mad!

" What?! Of course not!" Tanggi ko agad. " Baliw! Edi sana hindi ako malungkot! Magiging masaya pa ako kung hinawakan nga niya!"

Nakahinga siya ng malalim bago ako sinamaan ng tingin.

" Gaano man kaguwapo si Sir, hindi ka papayag na magpahawak! Saka na pag kasal ka na." Ngumisi siya. " Iyon ay kung aabot kayo roon."

Inirapan ko siya at kumuha ng brownies. Kinagatan ko 'yun at malumanay na nginuya.

"Ano ngang nangyari? Bakit masakit 'yan?" Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig bago ininom.

"Boyfriend ko na siya." I sighed.

Napasigaw ako nang maibuga niya ang tubig sa'kin at umubo! My gosh!

"W-What?!" Hindi siya matigil sa pag-ubo kaya hinahampas niya na ang dibdib bago kumuha ng tubig at uminom ulit.

" Ew! Kadiri ka,Chenny!" Reklamo ko habang nakatingin sa uniform ko!

" Sorry naman! Maka eww ka! Ako naman naglalaba niyan!" She handed me a box of tissue.

Pinunasan ko ang uniform ko at inirapan siya.

" Kadiri ka!"

Humalakhak siya. "Huwag ka kasing magbibiro! Nagugulat ako e!"

Umayos siya ng upo at pinunasan ang bibig. Tumingin ulit siya at nang makitang seryoso ako ay nanlaki na ang mga mata niya.

" Jerace...?"

" Psh! Boyfriend ko na nga siya!"

" Hala! Paano? Anong ginawa mo?"

Ngumuso ako. "Wala."

" Sus! Anong wala! Anong ginawa mo ah?" Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"Wala nga. Matagal na siyang nanliligaw, ngayon ko lang s-sinagot." Shit!

Inilingan niya ako at tinuro pa.

" Sige! Maglokohan tayo! Nililigawan rin ako ni Axel at may gusto rin siya sa'kin."

Hindi ako nakapagsalita. Ngumuso ako at kumain na lang ulit.

"Sabihin mo na." Buntong hininga niya.

" Fine!" I rolled my eyes. "Pinilit ko siya.."

"Hala siya! Ano ba 'yan, Jerace!" Gulat siyang tumayo at nameywang.

" What?!"

" So, asan ang dignidad mo roon?"

" I don't know! Pakihanap nga." Pambabara ko.

Nasapo niya ang noo. "Gusto mo pa bang iuntog kita para magising na hindi ka gusto ni Sir? Tapos ngayon, pinilit mo pa! Hala ka talaga."

" Wala naman siyang girlfriend! Anong masama roon?"

"Ang masama, ikaw ang kumilos! Hay nako."

" Ang OA mo ah! Umupo ka nga!" Hinila ko ang damit niya. Umupo naman siya at uminom ng tubig.

"Kung boyfriend mo na siya? Bakit ganiyan itsura mo?"

I rolled my eyes. "Sasabihin ko na sana, kaso tumalak ka kaagad!"

" Okay. Sorry. Sige na, ano 'yun?"

Bumuga ako ng hangin na para bang sobrang laki ng problema ko.

" May gusto siyang iba e." Napapikit agad siya sa sinabi ko. "At mukhang nagulo ko yata sila. " Yumuko ako.

"Sinasabi ko na nga ba!"

" What should I do?"

" Itigil mo na. Bawiiin mo. Sabihin mo, joke lang."

Agaran ang pag-iling ko at sinamaan siya ng tingin. Naiimagine ko na agad na kapag tinigilan ko siya, for sure masayang masaya si Ash at magiging sila! Syempre, tuwang tuwa ang buong school dahil shiniship silang dalawa! At ako? Anong mangyayari sa'kin? Huhuhu! Ayaw ko.

" Ayoko nga!"

" Ano ba naman, Jerace."

"Look, almost two years! Dalawang taon ko siyang pinaghirapan! And then I should be happy right? Boyfriend ko na siya. At hinding-hindi ko gagawin 'yang sinasabi mo."

She stared at me and then sighed "Hay. Okay, suko na ako. Ikaw na ang bahala. Support na lang kita."

" Okay! Thanks." Mataray kong tugon.

" Tanong tanong ka pa, hindi mo rin pala susundin." Bulong niya na rinig ko naman.

"Bumubulong ka ba ah?"

" Hindi! Sumisigaw ako."

" Mukha nga! Rinig ko e." I rolled my eyes. Tumalikod na ako at umakyat na papunta sa kwarto.

" Ang taray ah." Sambit pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nang makapasok sa loob ay agad akong naghubad at pumasok sa bathroom. Nagbabad ako sa bathtub para naman mawala ang kung ano-anong naiisip ko.

Hindi ako dapat maguilty.

Bakit? Pumayag siya. Puwede naman niya akong tanggihan, pero pumayag siya. Kaya hindi ko dapat maramdaman 'to.

Bibigyan ko ang sarili ko ng ilang buwan para mahulog siya sa'kin. Pero kapag natapos 'yun at tunay niya talagang gusto 'yung punyetang Ash na 'yun. Edi fine! Sila na. Hahayaan ko na. But! Kapag nagustuhan niya ako kahit katiting! Sorry na lang, Ash!

Because I will do anything for him to marry me.

Hala, I sounded like a villain here!

Tinapos ko na ang pagligo saka nagsuot ng pajamas at white sleevelees top. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower saka nag-ayos at naggawa muna ng mga assignments. Inilayo ko muna ang cellphone ko para walang distraction.

Natigil lang ako nang may kumatok sa pinto.

" Yeah?"

"Baby?" Si Mommy!

Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinto. Binuksan ko 'yun at bumungad sa'kin si Mommy na nakapagpalit na ng damit.

" Come in, Mom." Nilakihan ko ang bukas ng pinto.

She smiled and kissed me on my forehead. " How's my baby?"

" I'm fine po."

Pumasok siya at napatingin sa mga notebooks ko na nakakalat sa may bed ko. Inayos ko 'yun at nilagay sa bag.

" Homework?"

" Yes, Mom.." abala pa rin ako sa pag-aayos.

"You should buy a new dress."

Napatingin agad ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko.

" Why?"

"Birthday ng Tito Darren mo this coming Saturday. Of course, we're invited, you should dressed well."

" May mga dress pa ako diyan na hindi ko pa nasusuot, Mom. Saka na lang ako bibili. "

Ngumiti siya sa sinabi ko at hinawakan ang braso ko palapit sa kaniya. " Aww, my baby."

" Mom!" Ngumuso ako nang panggigilan niya ako at halik-halikan ang pisngi at leeg ko. " I'm not a baby anymore!"

"Oh I'm sorry! I just missed it. " She laughed and kissed me on my neck again!

"Mom!" Lumayo na ako at ngumuso talaga!

Hindi na ako bata pero palagi niya 'yang ginagawa sa'kin. Kung noon, tuwang-tuwa ako kasi nakakakiliti, ngayon..hindi na! Dalaga na ako no.

"Sorry baby." Tumawa ulit siya at inayos ang sarili. "Bakit ayaw mo na magpahalik ah?"

" Dalaga na ako, Mom."

"Sus. Sa'kin, ayaw? Kapag sa crush oo." Ngumuso siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Luh. Hindi ako nagpapahalik ah! "

"Subukan mo naman! Jerace. Kahit gaano kaguwapo si Drain, huwag kang magpapahalik."

Halos matumba ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Nginisian ako ng Mommy ko nang makita ang reaction ko.

" You..k-knew?"

She rolled her eyes. " Oh god! Of course, I know you too well. You're my daughter!"

" How did you know?"

" Hmm, napapansin ko lang. At nararamdaman ko." Kibit-balikat niya.

"Alam..ni Daddy?"

"Hindi, baby. Don't worry, I won't tell him. " Hinila niya ang braso ko palapit. "Hindi naman kita masisisi at talagang guwapo si Drain, but you should guard your heart okay? Nagmana 'yun sa Daddy niya. Parehas silang attitude." Biro ni Mom at tumawa.

I nodded and smiled at her. " Thank you, Mom!"

" You're welcome, Baby. Don't forget your Tito Darren's birthday okay?" Tumango ako. Tumayo siya at inayos ang damit. " Let's go downstairs. Dinner na."

Bumaba kami at naabutan ko si Daddy na nag-aayos ng dining room. Nagsimula na rin kaming kumain at maraming napagkwentuhan. Ilang sandali pa ay natapos na rin. Humalik pa ako sa kanila bago nagpaalam na aakyat na sa kwarto. May gagawin pa raw sila kaya nauna na ako sa taas.

Naglinis ulit ako ng katawan bago humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at hindi gumagalaw.

I looked at my phone. Online kaya siya? Anong sasabihin ko?

Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone sa side table ko. I opened my facebook account and check if he's online.

April Jane Ledesma:

:Hoy! Napanood mo na 'yung video?

Nangunot ang noo ko nang biglang lumabas ang chat ni April. Ano raw?

Jerace Marielle Walkins.

•What video?

:Oh my gosh!
You should watch it!

•Ano ba 'yun?


: Video nina Drain and Ash!

Ngumuso agad ako at parang gusto ko siyang batukan dahil pinaalala niya na naman.

•Psh! Alam ko na 'yan!

: Talaga? You okay?

•Of course. Nc e.

:Nako naman. Hayaan mo na sila. Makakahanap ka rin.

•Luh!! Ayoko nga. May boyfriend ako, bakit ako maghahanap ng iba?

: WHAT?! YOU HAVE A
BOYFRIEND?

• OA mo! Diba sabi ko sa'yo
kanina? Hm.


:Hala! Don't tell me! Si Drain 'yan?

•HAHAHA! of course! Siya nga. He's my boyfriend na.

:Amp! Video call tayo dali!


Magrereply na sana ako ngunit nakita kong online na si Drain! Oh my gosh!


•Bukas na lang! Kwento ko sa'yo! Babye na, I need to talk to my bb!


:GAGA! sanaol may bb!

Hindi ko na siya nireplyan at pinindot ko na agad ang profile ni Drain.

Jerace Marielle Walkins.

•Hi? Good evening, bb!


Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ko. Grabe ang tapang ko. Alam kong galit siya pero may gana pa akong magchat ah?

Sineen niya lang ako at hindi nireplyan. Napailing na lamang ako. What's new huh?

•Kumain ka na?

Seen.

•Huwag kang magpapalipas:)

Seen.

•I know you're mad at me. And I deserve that. I'm so sorry, Drain.

Seen.


•Nagulo ko pa yata plano mo kay Ash. I'm sorry. Gustong-gusto kita at ayokong mapunta ka sa iba. I'm sorry. Sana bigyan mo ako ng chance na mahalin ka. Promise, worth it ako!

Seen.

I bit my lower lip to stop my tears. Ang sakit ng puso ko. Para akong nagmamakaawang mahalin niya.

Mula pagkabata hindi ako ganito, dahil busog ako sa pagmamahal ng mga magulang ko at ng mga taong nakapalibot sa'kin. Pero nang nakilala ko siya, wala na akong pakialam basta mapansin niya lang ako at magustuhan.

•I'm sorry. Ayoko lang na mawala ka.

Seen.


Napabuntong hininga ako at itatago na sana ang cellphone ngunit napatitig ako sa reply niya.

Drain Ely Anderson:

You're so selfish, Jerace.

Bumuhos ang luha ko at nanginginig na pinatay ang cellphone. Mapait akong humiga at napatingin sa kisame.

"Yeah, you're right. "



___________
T H A N K S!

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
234K 13.3K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
44.9K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...