Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

490K 15.2K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 1

38.3K 642 165
By wwiittyyccuuttiiee

Hi cutiieesss :*

---

JEREMIAH GARCIA

When I dream about you
That's when everything's all right
You're in my arms
Here next to me, forever

"When I dream about you. Boy you never go away..Just close my... WHAT THE?" gulat kong tanong sa talipandas na biglang humila ng earphone sa tainga ko. Sakit ampotek.

"Ang panget ng boses mo. Tama na. Hindi ko masabi kung nagbabasa ka lang ba o tumutula."

Napamaang ako. Aba't ang kapal ng pagmumukha nitong kaibigan kong ito. Anong pangit ang boses ko?

"Hoy Laurena! Para sabihin ko sayo maganda ang boses ko. Anong pangit ka dyan? Ee naturingang mas pangit ka pa nga kaysa sa boses ko. Inam ka!" irap ko sakanya

Hindi ba niya alam na ito ang aking tinatawag na asset? Tas sasabihin niyang pangit. Bwisit siya.

"Anong mas pangit ako? Hoy para sabihin ko sayo, ako ang pinaka maganda sa lahat ng maganda. Iyang boses mo? tunog utot ko lang 'yan! Hmp."

Tunog utot? Putapepe! Anong tunog utot! Napapikit ako ng mariin. Napatanong sa sarili. Bakit ba ko nagkaroon ng ganitong kaibigan.

Lord. Pakiusap. Nakikiusap po ako. Matinding pakiusapan. Lagi niyo pong ipapaalala sakin na matalik kong kaibigan ang talipandas na bruhang ito. Bigyan niyo po ako ng mas mahabang pasensya lord. Pero kung hindi naman po, bigyan niyo po ko ng lakas ng loob para ingudngod 'to. Lord nakikiu-...

"Hala siya! Nabaliw na. Hoy Jeremiah Graciana!"

Patience Jeremiah.. Patience. Hindi mo magagawang pumatay ng isang kaibigan. Relax Miah. Re-...

"HOY JEREMIAH GRACIANA!"

"HOY KA DIN! FYI Laurena, Jeremiah Garcia ang pangalan ko. GARCIA! G-A-R-C-I-A. Hindi Graciana. Kaloka ka."

"Wala kang paki. Gusto ko Graciana ee. Ba't ba." nakaismid na sagot niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko na papatulan at baka humaba pa. Knowing Lauren. Hindi nagpapatalo kala mo naman katalo-talo. HAHA.

Nilibot ko ang paningin ko sa classroom. Nahiya naman ako ng marealize na kami lang pala nitong si Laurena ang nagpapaingay sa classroom. Ee ano naman? Minsan lang naman mag-ingay ee. Pagbigyan na.

Napatingin ako dito sa kasama kong busy sa pagsusulat. Himala ata at nagsusulat 'to. Sa loob na apat na taong pagsasama namin sa high school at mahigit isang taon at kalahati na pagsasama namin ngayong college hindi nagsusulat itong bruhildang 'to. Anong hangin ang pumasok sa kokote nito?

"Ano na naman 'yang ginagawa mo?" kunot noong tanong ko

"Nagsusulat" simpleng sagot niya

"Alam kong nagsusulat ka. Ang ibig kong sabihin ano 'yang sinusulat mo?"

"Argh! Can't you see Graciana? I'm busy!" iritableng sagot sakin

Napaismid ako.

Oh edi ikaw nang busy. Ako nang hindi. Hay nako buhay. May pag-English-english pang nalalaman. Kaloka.

Teka. mukhang may nakalimutan ako. Agad akong humarap dito sa kasama kong nagkukunwaring busy.

"Lauren, nakita mo ba si Jazmine?" tanong ko

At sa pagkakataong 'to hinarap niya ko.

"Hindi ba't tayong dalawa ang magkasama dito? May nakikita kabang Jazmine?"

"Wala"

"Wala naman pala ee! Nako ka Graciana! Gigil mo 'ko bruha ka."

Napatawa ako. HAHAHA. Kala mo ee lalapa ng tao sa sobrang galit.
Hay nako Lauren.

At kaninang hinahanap ko ay nandito na. Kakarating lang. Napakunot noo ako ng makitang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang taong 'to. Problema nito?

"Jaz. Bakit? Okay ka lang?" tanong ko.

"May gagawin ba kayo mamaya? After class?"

Napaisip ako. Gagawin? Hmm mukhang wala naman. Sa lahat ng klase namin ngayong araw wala pa naman nagbibigay ng assignment na siyang kinagagalak ng puso ko. Maliban na lang kung ang huling subject namin sa araw na 'to ay magbibigay ng assignment.

"Wala naman Jaz. Deretso dorm na ko after ng last class natin. Bakit?"

"Papasama sana ako sa Mall malapit dito sa School. May kailangan kasi ako bilhin."

"Ano namang bibilhin mo at kailangan sa Mall pa?" singit ni Laurena.

"Gagamitin namin sa Exihibit na gaganapin next month."

"Oh? Next Month pa naman pala gagamitin ee. Bakit apurado kang bumili agad?"

"Para ready na. Ayaw kong kung kailan due date na saka pa kikilos. Para wala na kong iisipin pa."


Pasalit-salit ang tingin ko sa dalawang 'to. Bakit ba parang masama ang timpla ni Lauren? Kanina pa siya nangbabara ee.

"Nako Juliet. Student Council President ka. Edi iutos mo sa mga members mo. Hindi 'yung ikaw gagawa."

"Jazmine pangalan niya Laurena. Hindi Juliet. Ulaga 'to." pagsingit ko

At ayon, ang bruha inirapan ako. Nakakaloko talaga 'yang babae na 'yan. Ayaw niya kami tawagin sa mga pangalan namin at hindi naman daw angkop 'yung pangalan namin sa katangian namin. Ulaga lang diba. Nakakaloka siya

"Juliet gusto ko ee. At mas ulaga ka"

Rerebat na sana 'ko ng biglang nagsalita si Jazmine. Kaya ayun inirapan ulit ako ng gaga. Irapan ko din nga. Hmp!

"Oh girls. Enough. Magtatalo pa kayo ee. Ano Miah? Sasamahan mo ko?" she pouted her lips

Natawa ko, habang si lauren ang sama ng tingin. HAHA

"Sasama na kami ni Graciana. Wag ka ng ngumuso dyan. Walang tutuka sayo pabalik."

Napahagalpak ako ng tawa. Amputek! HAHAHA

Makalipas ang ilang minuto. Dumating na din ang prof namin para sa last subject. Hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ko at business ang kinuha kong course sa katunayang wala naman kami ni isang kompanya. Tanging sari-sari store lang ni nanay ang bumubuhay sa'ming pamilya. Ang tatay ko naman matagal nang sumakabilang bahay. Nakakalungkot 'man pero wala ng magagawa. Nangyari na ee. Hindi ako galit kay tatay. Wala akong galit na nararamdaman. Dahil sa katunayan wala namang magagawa ang galit ee. Ipapahamak ka lang ng galit na yan.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng classroom. Third year college na ko sa kursong Business Administration. Isang taon na lang. Makakaraos na din. Makakatapos na at makakahanap ng magandang trabaho. Matutulungan ko na din si nanay.

Agad akong napatingin sa dalawa kong kaibigan. Mula first year high school magkakaibigan na kami. Kung nasan ang isa, nandoon ang lahat. Miski dito sa school na pinapasukan namin. Sinundan nila ko. Actually, hindi ko akalain na makakapasa ako sa entrance exam. Isa ang Brandon University sa Pilipinas na mataas ang standard pagdating sa mga estudyante. Hindi ka basta basta makakapasok dito kung hindi ka lumalangoy sa pera. Pero hindi lang basta pera ang basehan dito. Kailangan talaga may ibubuga 'yang utak mo kung dito mo babalakin pumasok. At kung ako ang tatanungin kung bakit ako nandito na di hamak na isang kahig at isang tuka lang ako. Ay dahil 'yun sa tinatawag na chamba! JOKE HAHA Matalino kasi ako. Hindi sa pagmamayabang pero ako ang Valedictorian nung high school sa batch namin. Kaya sobrang tuwa ang naramdaman ko nung nalamang nakapasa ako dito sa B.U.. At halos dumoble ang sayang naramdaman ko nung binalita sakin nung dalawang talipandas na dito din sila papasok. Hindi na nakakapagtaka dahil pinanganak silang may gintong kutsara sa bibig.

Napangiti ako nung maalala ko ang araw na 'yun. Hindi kami nag-iiwanan. Kahit na iba ako sa kanilang dalawa. Na iba ang estado ko sa buhay, hindi 'yun naging hadlang para sa pagkakaibigan naming tatlo. At masasabi kong napaka swerte ko sa kanila kahit na minsan, mukhang hinanginan ang utak nila.

Matapos ang mahigit dalawang oras natapos na din ang last subject namin. Yes naman! Makakapag pahinga na ko.

"Ano na? Tara na. Para makauwi na agad tayo at gusto ko ng magpahinga." ani Lauren

"Oo na po Boss. Eto na. Tara na nga Miah. At apurado si Madam."

Napailing na lang ako. Oo nga pala. Nakalimutan kong sasamahan pa pala namin si Jaz.

Nakarating kami sa Mall ng naka-angkla sa braso ko si Jazmine habang si Lauren ayun, nauna pa sa bibili. Kanina kala mo kung sino kung umangal at bakit sa mall pa daw bibili, ee kita mo 'tong mauna una siya. Nako Laurena. Ewan ko saiyo.

Agad namang humiwalay sakin si Jaz ng makapasok kami sa National Book Store. At si Lauren, pumunta sa pen section. At ako, naghanap ng libro. Naghanap lang ako ng pwedeng mabasa at halos masamid ako sa sarili kong laway ng makita ko ang presyo.

Anak ng teteng. Allowance ko na ng isang buwan ang presyo ng mga libro dito. Kainaman. Saglit ko lang tinanaw 'yung dalawa at nang makitang busy pa sila napag desisyunan ko ng maghintay na lang sa labas tutal wala naman akong bibilhin. At baka maubos lang ang laway ko kakalunok sa tuwing nakikita ko ang presyo ng bawat libro.

Umupo na lang ako sa floor at pumwesto sa tapat ng entrance ng N.B.S.. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at ngalay. Napahinga ako ng malalim.

"WHAT THE F-CK!! Are you stupid?"

Napabaling ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Kitang-kita ko mula dito sa pwesto ko kung pano mamutla 'yung babae sa sobrang takot sa isang babae.

"N-Nako Miss. S-Sorry. Ahm. Hindi ko s-sinasadya. Wait."

Akmang pupunasan niya ng panyo 'yung babae ng biglang tinulak siya nung isang babae. Nanlaki ang mata ko. Wow ah. Hindi ba't nagsorry na naman yung isa. Bakit kailangan pa itulak?

"You bitch! You mean it! Don't you ever touch your filthy hands in my dress! Do you know how much this dress is? Answer me! Godammit!!"

"O-okay. Hindi ko alam kung anong halaga ng damit mong 'yan Miss. Pero nagsorry na ko."

"Sorry? F-ck! I don't need your f-cking sorry! You! Bitch!"

Agad akong napatayo ng makitang sinampal nung babae 'yung isang babae. Bahagya pa 'kong napangiwi dahil sa tantya ko'y sobrang sakit nun dahil mula dito sa pwesto ko rinig ko kung pano lumapat ang palad nung isa sa mukha nung babae.
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sakin at agad akong lumapit sa dalawa.

Kitang kita ko kung gaano kapula 'yung pisngi nung isa. Gosh. Kung ako sa babaeng 'to hinding hindi ako papayag na pagbuhatan ako ng kamay lalo na't hindi ko naman kilala.

"You okay?" tanong ko

Isang tango lang naman ang iginanti niya sakin at agad ko siyang tinulungan tumayo. Hindi ko alam. Pero ako 'yong tipo ng taong ayaw kong nakakakita ng naaagrabyadong kapwa ko. Anuman ang estado mo sa buhay. Pare pareho lang tayong tao dito.

"And who the hell are you?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng boses na 'yun. Shet na malagkit. Kaya naman pala halos maubusan na ng dugo sa sobrang putla ang babaeng akay ko ay dahil sa nakakatakot nga naman talaga ang nakabangga niya.

Mukhang pagsisisihan ko 'tong ginawa ko. Jusko

"I repeat, who are you?"

Taas noo kong hinarap ang talipandas na babaitang ito. At sa pangalawang pagkakataon. Naramdaman ko ulit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ikaw ba naman makakita ng dyosa. Tingnan natin kung di mo maramdaman 'tong nararamdaman ko ngayon. Baka nga mapasabi ka na lang nang katagang "nasa langit na ba ko."

"I'm Jeremiah Garcia." simpleng sagot ko

"I don't care to your f-cking name!"

"Then, why did you asked?"

Kitang kita ko kung paano mamula ang taong kaharap ko. Kung kanina masasabi kong dyosa siya. Ngayon masasabi ko ng diablo siya. Cheret! Sa gandang 'yan. Mahihiya ang diablo na lapitan 'yan.

"You! Don't you dare to talk to me like that!"

"Look Miss. Hindi ako nandito sa harap mo para makipag away at makipag english-an sayo. At kung pupwede lang ha, magtagalog ka. Nasa Pilipinas ka."

"WHAT ARE YOU SAYING?" sigaw niya

Palihim akong napalunok. Jusko. Jaz, Lau. Nasan na ba kayo? At itong babaeng kasama ko. Napipi na ata at di na nagsasalita. Nakakakuha na din kami ng atensyon. Jusko dai! Kung tinutulungan kaya ako ng mga chismosang 'to at di sila nanunuod na lang diba!

"Miss, sige na.Umalis kana ako ng bahala dito." sabi ko sa babaeng halos magdoble na ang pisngi. Napangiwi pa ko ng bigla siyang umiyak at tumakbo paalis.

Agad akong humarap sa babaeng kala mo ee lalamon na ng tao sa sobrang galit niya. Ang ganda sana, mukhang menopausal lang.

"Miss, ang haba ng sinabi ko. At wala na kong planong ulitin 'yun. And look, nagsorry na si Ate kanina sayo. Hindi mo na kailangan pang pagbuhatan siya ng kamay."

"Who do you think you are?" kunot na kunot ang noong tanong niya. Sobrang pula na din ng mata niya marahil dahil sa sobrang galit.

"Jeremiah Garcia." kalmadong sagot ko.

"You know what, hindi bagay sayo ang pangalan mo. I'd prefer to call you a stupid." nakangising saad niya

Tingnan mo 'tong taong 'to. Kanina halos lalapa na ng tao sa sobrang galit niya. Tas ngayon, mukhang  tangang nakangisi sakin. Nako! Upakan ko kaya ng isa 'to para mabura naman ang napaka gandang ngiti niya. Hindi! Ang ibig kong sabihin napaka pangit na ngisi niya. Anak ng tokwa, oo!

"Okay. Thank you." alanganing saad ko.

Kita ko namang bumalik ulit sa pagiging dragon ang itsura niya. Napangiwi pa ko dahil dun. Ano ba dapat kong sasabihin sa babaeng ito? Magsasalita pa sana siya ng may isa pang dyosa ang lumapit samin.

"Ianthe"

Ian-.. Ano daw? Ano bang klaseng pangalan mayron ang isang 'to?

"Kanina ka pa namin hinahanap ni Helen. Ano bang ginagawa mo dito?" tanong nung isa

"Well, I just found a." saglit siyang tumingin sakin mula ulo hanggang paa. "Trash" papatuloy niya

Naiyukom ko ang palad ko. Ang kapal talaga ng apog nitong bruhang 'to! Ako? Trash? Ee sa mas mukha pa nga basura ang ugali niya! Pwe!

"What do you me-.."

"Miah"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang dalawa kong kaibigan na papalapit sa pwesto namin.

"Nandito ka lang pala. Alis na tayo. Ihahatid ka pa namin ni Lau sa Brandon. Tar-. Ow hi Miss Summerhold, Miss Smith." nakangiting bati ni Jaz

Napakunot noo ako. Kilala niya ang dalawang ito? Ee bat ako? hindi ko sila kilala?

Gumanti naman ng ngiti yung isa. Pero si bruha. Masama parin ang tingin sakin. Inirapan ko nalang siya. Kala mo kung sinong maganda. Oo maganda siya. Pero di hamak na mas maganda ako noh. Tss

"Hi Miss President Manansala." bati nung kaibigan ni bruha.

Magsasalita pa sana si Jaz ng biglang umepal 'tong bruha na 'to. Na talaga namang ikinakaba ko. Patay ka diha!

"You stupid, we're not yet done. Let's go Penelope."

Napamaang ako. Eto na nga ba sinasabi ko kanina. Totoo pala talagang pag sisisihan ko ang pakikialam ko.

Dead. Jeremiah.

Dead.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

44.9K 2.2K 17
"FIND PEACE IN YOURSELF, YOU ARE ENOUGH."
3.4K 275 14
The love story of Leviticus Timotheus Cryphodurus Cepheus Hendrickson - Ragriel and Savannah's 9th child.
38M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
144K 4.3K 49
A princess but abandoned by her own family. A would be wife but abandoned by her own would be husband. A sister but doubt and hated by her own real...