Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Prologue

13K 349 9
By Brave_Lily

"Disha! Okay ka lang ba dito? Maiiwan kang mag-isa?" nag-aalalang tanong ng kaibigan ni Disha sa kaniya.

"Oo naman, kaya ko pa! Mukhang hindi mo pa ata ako kilala? Ako 'to, Pia, malakas ata akong uminom ng alak. Walang alak ang makakapagpatumba sa akin kaya wag ka ng mag-alala. Kaya ko namang umuwi sa bahay tutal malapit lang naman ito dito. Sige na, ihatid mo na si Liya." pagsisinungaling niya sa kaibigan niya na sa totoo lang eh pinipigilan niya lang ang sarili niya na hindi masuka at matumba sa tindi ng tama niya. Ayaw niya lang mag-alala ang kaibigan niya tsaka isa pa malapit lang naman ang bahay niya.

"Ah, basta umuwi ka na rin baka mapano ka pa sa daan. Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na." hindi pa rin mawala sa kaibigan niya ang pag-aalala dahil maiiwang mag-isa ang kaibigan niya.

"Opo, sige na una na kayo. Don't worry tatawag at tatawag ako agad kapag nakauwi na ako sa bahay. Sige na, umuwi na kayo." sabi niya. Pinagtabuyan niya na ang dalawa niyang kaibigan. Nauna na rin ang iba nilang kasama.

Kasalukuyan kasi silang nagdiriwang ng birthday ng isa nilang kaibigan. Nagkayayaan silang mag-bar kaya sila nandito at lahat may tama na.

Nasa isang high-class bar sila laging pumupunta. Medyo pihikan din kasi ang mga kaibigan niya. Ang gusto nila sa mamahaling lugar. Tanggap naman 'yon ni Disha kasi nga kaibigan niya ang mga ito.

Simpleng tao lang naman si Disha kaso nga lang ang hilig, hilig pumarty kaya nabansagan tuloy party-girl. Malakas din siyang uminom ng iba't ibang klase ng alak mapamura man 'yan o mahal. Spoiled din kasi ng magulang katulad ng mga kaibigan niya kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero maliban na lang sa isang tao na gustong-gusto niya kaso hindi naman siya gusto. Kaya mas napapadalas ang pagpasok niya sa bar para lang maibsan ang lungkot.

Naiwan ng mag-isa sa table nila si Disha. Wala na siyang kasama maliban sa mga taong nagpa-party din. Mga kabataang nasobrahan sa pagpapakasarap.

"Grabe, mukhang tinamaan pa ata ako ng alak na 'to." bulong niya sa sarili habang binabasa ang bote. Ang laki din kasi ng alcohol content nito kaya talagang tinatamaan na siya.

Napahinto sa pagbabasa ang halos maduling na si Disha nang makaramdam ito na parang masusuka na siya. Agad itong tumayo at tumakbo papuntang CR.

Nagtatatakbo siyang pumunta doon. Nakabangga pa siya ng isang lalaki na nakasumbrerong itim at nagkatitigan pa sila, pero hindi niya lang ito pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagtakbo dahil lalabas na nga, susuka na siya.

Diring-diri siya sa kamay niya dahil nga kumalat sa kamay niya ang sarili nitong suka. Mas lalo tuloy siyang nasuka at nailabas niya lahat ng kinain at ininom niya.

'Grabe ang baho!'

Matapos niyang sukahan ang sarili nag-ayos na siya ng sarili niya. Naghilamos muna siya bago siya lumabas ng CR. Buti na lang at waterproof ang makeup na nilagay niya sa mukha niya at hindi nabura kaya fresh pa rin looks niya except sa amoy niya.

"Gosh, I need to go home now. Baka mas lalo pa akong tamaan ng alcohol habang nagmamaneho." turan niya sa kaniyang sarili.

Minasa-masahe niya muna ang sintido niya bago siya nagtungo sa ginamit nilang table para kunin ang   sling bag nito.

Nilisan na niya ang bar at sumakay na siya sa kotse niya saka ito pinaandar. Binuksan niya pa ng todo ang air-con ng sasakyan at tsaka nagpatugtog para malibang. Tinatamaan na kasi siya ng alcohol pero iniinda niya lang ito para makauwi ng ligtas.

*Krrriiinnnggg*

Biglang tumunog ang phone niya dahil may tumatawag rito. Nasa sling bag ang phone niya kaya nahirapan siyang balansihen ang pagmamaneho habang kinukuha niya ang phone niya sa bag niya. Kaso hindi niya makuha ng maayos at sa kamalas-malasan pa ay nahulog pa sa baba ang mga gamit niya lalo na ang phone nito.

Binagalan niya na lamang ang takbo para mukuha niya ang phone. Nang maabot na niya ito nawala sa isipan niya ang lahat.

Kinabig niya ang manibela at halos magpasirko-sirko siya sa gitna ng daan. Sa kabutihang palad ay hindi siya napaano  sa muntikang aksidente kanina. Pero 'yon ang inaakala niya.

"Isang babae nadisgrasya at kritikal ang lagay ngayon sa hospital ng Saint Jude ang kanina lang dinala matapos itong aksidenteng mabangga ng isang truck. Nakaidlip umano ang truck driver dahil sa tindi ng pagod kaya nangyari ang aksidente. Hawak siya ngayon ng mga polisiya at iniimbistigahan pa rin ang dalawang panig..." ayon sa ulat.

"What?! Disha! I need to call her! Oh my God! wag naman sana." natatarantang hinanap ni Pia ang phone nito dahil magdamag din itong napuyat dahil sa kakahintay sa tawag ng kaibigan.

"Please pick up the phone, Disha." nanginginig na saad nito.

"Pia! Si Disha naaksidente!" sigaw ng kaibigan niyang si Liya na kakarating lang at halos hindi rin makapaniwala.

"What?!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 87 30
UNEDITED Completed Isang kwento ng babaeng napadpad sa lugar na hindi niya inaasahan. Lugar kung saan masusubok ang kaniyang katatagan sa pakikipagl...
2.4K 125 14
If Snow White has seven dwarfs, then our Anathea has Seven Princes'. Once a Princess has become a Concubine and a Queen. "Moving to a foreign land i...
64.4K 2.7K 55
(2/3) A bedridden. Can't walk, talk, even move. My hearing is not clear, my sight is blur, my taste is, nothing. A problem to my family for years. I...
38.4K 2.8K 31
Maila Oliveros is a smart and independent lady. She wanted to become an author just like her father but when Maila's father went missing, all of her...