She's The Boss // Seulrene

caBAEgee által

122K 3.6K 749

Kailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pil... Több

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Chapter Sixty-three
Chapter Sixty-four
Chapter Sixty-five
Chapter Sixty-six
Chapter Sixty-seven
Chapter Sixty-eight
Chapter Sixty-nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-one
Chapter Seventy-two
Chapter Seventy-three
Chapter Seventy-four
Chapter Seventy-five
BOOK 2

Chapter Sixty-two

1.1K 39 13
caBAEgee által

SEULGI'S POV

"Seulgi PUI na si Irene.."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto nila para bumalik sa penthouse at kunin ang susi ng sasakyan ko..

Hindi ako pwedeng nandito lang kahit alam kong anytime pwede siyang mag-positive don putangina wag naman sana.

"Seulgi! Saan ka pupunta?!" Hindi ko pinansin si Jennie na alam kong nakasunod parin sakin.

Nagtataka silang lahat nang makita si Jennie na nakasunod sakin hanggang sa kwarto ko.

"Seulgi huminahon ka nga!"

"Pano ako hihinahon?! Sinong kasama niya don?! Sinong nag aalaga sa kanya?! Putangina Jennie kailangan niya ko don!" Kailangan ko siyang alagaan... Lalo na't nalaman ko na siya pala ang apo ni Aunt Sally... Hindi ko siya pwedeng hayaan na ganun don.

Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha ang susi bago lumabas ng kwarto. Lahat sila ay nakaabang saming dalawa.

"Seulgi may mga nurse don! May doktor don! Delikado kung pupunta ka ng ganyan ngayon."

Nakita ko ang pagtayo nila mula sa mga kinauupuan nila. Pati si Suho na lumapit samin.

"Hindi ako makakampante dito kung may sakit siya don!" Hindi ko na napansin ang pagtaas ng boses ko kaya gumitna na samin si Suho.

"Sandali nga, kumalma kayong dalawa. Ano bang nangyare?" Mahinahon niyang tanong.

"Umupo nga muna kayo mga puta nakaka-tense kayo gago." sigaw ni Kai.

Unang umupo si Jennie.. Sinenyasan naman ako ni Suho kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang kahit kating kati na kong magdrive papuntang ospital para makita siya.

"Eto kasing si Seulgi! Di manlang ko pinag-explain tumakbo agad palabas!" Reklamo niya. Eh kung magsalita kase siya kanina nakakakaba. Malamang si Irene yon eh!

Alangan naman sabihin ko "Hayaan mo siya, malaki na yon." Diba gago lang?

"Ayusin mo kase pananalita mo tangina! Kinakabahan ako malamang!" Sagot ko naman kaya gumitna ulit si Suho.

"Saglet nga punyeta! Mag usap nga kayo ng maayos, para kayong mga bata mga puta ah!" Napasambunot na siya sa sarili niyang buhok kaya palihim na napatawa ang mga gago sa likod niya.

"Kanina kase, may vacant na time kami since pare pareho naman na kaming natapos sa mga gagawin namin..."

"Bilisan mo na kwento puta daming sabe!"

"Tangina ka Kang!"

Bigla akong binatukan ni Suho at sinenyasan si Rubyjane na magpatuloy.

"Napansin na naming namumutla siya non, tapos habang nag uusap kami, muntik na siyang matumba kaya tinanong namin kung okay siya. Ayos lang naman daw siya kaya babalik na siya sa station niya. Nagulat nalang kami habang pabalik siya, bigla nalang siya nawalan ng malay."

Hindi ako naniniwalang nahawaan siya, hindi yon mangyayare.

"Naging PUI si Irene dahil isa sa mga patient na galing sa station niya ang nagpositive."

Hindi ko na kaya to.

Mabilis akong tumayo kaya agad namang hinawakan ni Suho ang braso ko.

"Seulgi delikado sa ospital."

"Kailangan niya ko don Junmyeon! Hindi niyo ba naiintindihan yon?" Marahas kong binawi ang braso ko.

"Sa tingin mo gugustuhin ni Irene na pumunta ka don? Ayaw niya ngang bisitahin mo siya dahil nag aalala siya na baka pati ikaw mahawaan don!" Tangina naman.

"Jun.. Nandun ka. Nandun kayong lahat nung sabihin ni Aunt Sally na alagaan ko ang apo niya.. At yun ang gagawin ko ngayon." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso na sa elevator.

"Sasama kami tanginaka talaga tigas ng ulo mo." 

Hinayaan ko lang sila ni Jennie na sumakay ng elevator hanggang sa makasakay kami ng sasakyan.

Nagsimula nang magdrive si Suho. Pakiramdam ko walang katapusan tong daan dahil sa tagal. Malapit lang naman yung ospital pero bakit hanggang ngayon wala pa kami don?

"Sabihin mo nga Rubyjane, nabibigay ba ng ospital ang mga kailangan niyo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumusagot kaya lumingon na ko sa kanya sa backseat.

"Ano kase Seulgi..."

"Ano?" Pabitin pa amp.

"Nung first day lang kami binigyan ng PPE..." Mas lalong nag init ang ulo ko nang sabihin niya yon.

Tangina mas lalong nagkaron ng dahilan para isiping pwedeng nahawaan nga si Irene.

"Tang inang yan!" Napahampas nalang ako sa sasakyan.

"Priority kasi nila yung mga humaharap talaga sa positive patients..."

"Kahit na! Kayo ang unang humaharap sa mga dumadating pasyente! Ganun din yon!" Nakakagago ginagawa nila. Naiinis ako hindi lang dahil nagkasakit si Irene dahil don, kundi parang nilalagay din nila sa peligro buhay nung iba.

"Seulgi kumalma ka. Hindi ka pwedeng gumawa ng gulo don, abogado ka alalahanin mo." punyeta oo nga pala... Baka matanggalan pa ko ng lisensya.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa harap ng ospital. Hindi ko na hinintay sina Suho, nagdire-diretso na ko papasok pero agad akong hinarang ng guard.

"Ma'am hindi po kayo pwede agad pumasok."

"Pu-"

"Kuya ako ng bahala, magdi-disinfect muna kami." Hinigit ako ni Rubyjane papunta sa tent na nagdidisinfect sa mga papasok.

"Mumurahin mo pa yung guard gago ka." Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Nurse Belle!" Tawag niya dun sa nurse na nasa loob. Lumabas naman agad yon at pumunta samin pero may distansiya parin.

"Saan si Irene?"

"Ay nandun parin sa station niya. Nagdoble nalang si Joy station na dinu-dutyhan." Tumango tango naman si Rubyjane.

"Pwede ba naming puntahan si Irene? Ano kase... Kasama ko girlfriend niya..." Tumingin sakin yung nurse mula ulo hanggang paa at nanlaki ang mata.

"Attorney Kang? Ikaw nga!" Ay shit kilala pala ko...

Matipid lang akong ngumiti.

"Yes.. Ako nga."

"Bibisitahin mo si Irene?" Tatanong pa parang di obvious. Akala ata magvovolunteer ako kaya ako nandito.

"Oo eh. Pwede ba?"

"Oo naman! Ako ng bahala, mag disinfect muna kayo dito bago kayo pumasok then pagsusuotin namin kayo ng protection gear." Nauna na siyang pumasok sa loob ng tent.

Nagtinginan kami ni Rubyjane na parang pareho kami ng nasa isip.

"Meron na palang PPE..." bulong niya.

"Yan din nasa isip ko.."

Bago kami makapasok ay dumating na si Suho.

"Ano? Pwede daw?" Tanong niya.

"Siyempre. Sino ba namang hihindi sa Kang Seulgi." Ngisi ni Rubyjane at pumasok na sa loob.

Nagtatakang tumingin sakin si Suho pero nagkibit balikat lang  ako at sumunod sa loob.

"Hoy tangina sandale!"

Pagkapasok ko ay may kung ano ng inii-spray kay Rubyjane bago siya nag alcohol at nagsuot ng maraming layer ng damit.

Luh gago ganon kakapal PPE?

"Attorney, dito po." Tawag sakin nung isang nurse. Nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Suho sa gilid.

Alam niyang ayoko ng tinatawag ng ganun. Sobrang formal. Hindi ko nalang pinansin at sinunod ang mga ginagawa niya.

Nakasinghot ata ako nung inispray ni sa katawan ko shit!

Dinis-infect na rin si Suho. Sana naman malinis na rin non pati ang marumi niyang budhi..

Pagkatapos kong mag alcohol ay isinuot na sakin ang katulad nung kay Rubyjane... Hindi pa ko gumagalaw init na init na ko.

"Tara na kupal!" Tawag sakin ni Rubyjane kaya gulat na nakatingin samin ang mga nurse don.

Kala mo ha...

"I mean.. Attorney Kang tara na... Hoy Suho kupal lika na!" Baling niya naman kay Suho.

Sumunod lang kami kay Rubyjane at dun sa nurse. May kinausap lang sila bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Puro plastic cover dito.. Yun ang nagsisilbing harang.

Walang staff na pa-chill chill lang. Lahat aligaga sa mga ginagawa nila. Walang pahinga. Umaga man o gabi, tuloy tuloy sila.

Nakita ko naman si Yeri sa di kalayuan na may kausap na nurse.

Mukha siyang matino ngayon, nakaka-proud si gago.

Akala ko wala silang PPE? Nakita ko si Ligaya na kakalabas lang ng isang station, suot ang damit na katulad ng samin.

"Nasa Station B si Irene, ako na bahala magsabi kay Nurse Dana." Nagpaalam na siya samin at umalis.

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan habang papalapit kami sa mga station.

Mukhang napansin kami nila Ligaya kaya lumapit sila samin.

"Hoy kupal bakit ka nandito?" Malakas parin ang boses niya kahit takip na takip naang mukha niya... Ma-suffocate sana siya sa hininga niya.

"Wag mong tawaging kupal yan. VIP yang si Attorney Kang dito." Sarap batukan netong si Rubyjane.

"Si Irene?"

"Doon." Turo ni Yeri sa pangalawang station.

Mabibigat ang hakbang ko habang papalapit ako sa station B. Ramdam ko rin ang pagsunod nila sa'kin. Napaka-unusual nga dahil antahimik ni Suho... Nalinisan na nga ata ang budhi.

Hinawi ko ang telang nagsisilbing harang. Agad ko siyang nakita sa pangatlong kama na nakahiga habang nakapikit.

Namumutla siya...

Alam kong hindi siya kumportable sa lagay niya ngayon.. Kita ko yon..

Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya na naging dahilan kaya napamulat siya.

"B-baby??"

"Shhh.. You need to rest."

Pinunasan ko ang pawis na nasa gilid ng noo niya...

Ayokong nakikita kang ganito eh...

"D-dapat hindi ka na nagpunta... D-delikado baby..." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Pinatong ko ang isa ko pang kamay sa kamay niya at napatungo nalang.

Napabayaan kita... Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganito.. Antanga tanga ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

Maliit lang ang ngiti niya.

"Binigyan nila ko kanina.. Pero hindi ko naubos. H-hindi kasi masarap."

Pano lalakas mga pasyente nila dito kung hindi maayos pinapakain nila? Na-buburyo na talaga ko dito.

"Jun.. Pa-bili nga ng pagkain sa labas." Lalabas na sana siya nang biglang magsalita si Irene.

"No.. Suho wag na. A-ayos lang ako.."

Bakit sinasabi mo laging okay ka kahit obvious na hindi? 

"Baby you're not.. Wag na matigas ang ulo, baka umiinom ka ng gamot ng walang laman ang tiyan mo, hindi ka agad gagaling." Sinenyasan ko na si Suho na lumabas kaya wala na siyang nagawa.

Bigla kaming nakarinig ng mga singhot kaya lahat kami ay napatingin kay Joy na maang maangan pang tumingin sa taas.

"Ba't ka umiiyak?" Tawa tawang tanong ni Yeri.

"A-ako umiiyak? Sira na-puwing lang ako."

"H-hindi pa naman ako mamamatay. O-oa niyo." Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Baby.. Don't say such thing.. Hindi mangyayari yon saka hindi ka naman positive."

"Pano malalaman, hindi pa tine-test." Agad akong napatingin kay Joy na biglang siniko ni Jennie.

"Ano?" Hinawakan niya ang braso ko nang mapatayo ako sa kinauupuan ko.

"Ah ano.. Seulgi kase... Marami pang on going, di kaya ng sabay sabay kaya ganon.." Alam kong hindi sila nagsasabi ng totoo.. Ilang taon ko na silang kasama ngayon pa sila magsisinungaling sakin.

"Baby it's okay... Okay pa naman ako.." Napayukom nalang ang kamao ko.

Ayokong makita niyang manggulo ako dito tsaka sayang lisensiya ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"May aasikasuhin lang ko baby.. Babalik din ako."

"Don't make a scene.. Please." Kung hindi lang ako nakasuot ng ganito kakapal hahalikan ko to.

"Don't worry, mahal ko pa pagiging abogado ko.. I'll be back."

"Sumunod kayo sakin." Bulong ko kina Jennie bago lumabas.

Agad naman silang sumunod sakin papalayo sa station kung nasaan si Irene.

"Hoy anong gagawin mo? Baka bratatatin mo tong ospital?" Tanong ni Wendy kaya agad ko siyang nabatukan... Advance mag isip puta.

"May available ba na room dito? Ipalipat niyo si Irene." Utos ko.

Ayokong magstay siya don kasama ang iba na pwedeng positive sa virus. Alam kong di pa siya confirmed pero sigurado akong hindi.

"Di pwede yon Seulgi hangga't hindi pa siya nagnenegative." Sagot ni Joy.

"Then test her already!"

"Seulgi naman eh.. Intern palang kami, wala kami kakahyahang gawin yon ng ganun kabilis." Sagot naman ni Yeri.

"You can't, but I can." Sagot ko.

Sakto biglang dumating si Suho dala ang pagkain na pinabili ko.

"Bumalik na kayo sa station niyo.. May kakausapin lang kami ni Suho saka pakainin niyo si Irene." Inabot ni Suho sa kanila ang dala niyang pagkain kaya umalis na sila.

"Ma-cocontact mo ba ngayon si Taeyon?" Tanong ko agad sa kanya nang makaalis sila.

"Balita ko hindi na umaalis yon ng ospital so.. Baka nandito parin siya. Why??"

"I want to talk to her. Andaming problema ng ospital niya.. Parang walang pinupuntahan yung pera ko dito." Hindi na siya sumagot at nilabas ang phone niya.

May tinawagan lang siya saglit bago lumapit ulit sakin.

"Hintayin niya daw tayo sa office niya."

Madali naman pala siyang kausap.

Hindi na kami nagsayang ng oras at pumunta na sa office ni Taeyon. Pamilyar na rin kami sa ospital na to dahil isa to sa mga tinulungan ko nung panahong muntik na silang malugi.

Kung doktor nga ako baka isa na rin ako sa may ari neto pero parang ganun na rin ang nangyari, malaki ang shares ko dito. Malaki ang perang pinasok ko rito kaya once na kunin ko lahat yon, pwedeng bumagsak tong ospital.

Nang makarating kami sa tapat ng office niya, hindi na ko kumatok... Alam ko namang inaasahan na niya ko.

"Long time no see Seulgi!" Bati niya at yayakap sana pero agad ko siyang pinigilan. Gumagamot siya ng may virus tapos yayakap siya ngayon.

"Ayokong magsayang ng oras Taeyon.. Bakit ganito ang ospital mo? Bakit wala silang PPE? Anong napapala ng pera ko dito?" Napaayos naman siya ng upo nang banggitin ko ang shares ko.

"Seulgi let me explain.. Sa dami ng dumarating na pasyente na araw araw, nakukulangan na kami ng mga gamit... Hindi na rin namin alam kung saan kukuha ng mga PPE dahil sa dami ng ospital na may kailangan non."

Hindi parin ako kumbinsido sa sagot niya.

"Kung wala kayong PPE, bakit hinayaan niyo pang mag-duty yang mga intern niyo? Hihintayin niyo na pati staffs niyo magkasakit? Taeyon hindi ako nagpapasok ng pera kung walang napapalang maganda." Tumataas na ang boses ko. Hindi lang naman to dahil kay Irene, para din to sa iba nilang medical staffs.

"Seulgi maayos ko to. Hindi lang talaga namin kontrolado to, araw araw, parami ng parami ang dumarating na may sakit." Napayukom nalang ang kamao ko.

"Taeyon.. Test Irene now. Kukuha ako ng isang VIP room, ilipat niyo siya don." Sinusubukan kong kumalma dahil may pinagsamahan parin naman kami ni Taeyon kahit papano.

"Hindi ako pumunta sayo dahil girlfriend ko ang isa sa mga medical staffs niyo, nakita ko ang pagkukulang sa ospital mo na gusto kong ayusin mo." Dahan dahan siyang tumango at napahawak sa table niya.

"I'll give orders ngayon na, ipapalipat na namin ng room si Irene. Ipapa-test ko na rin siya. Makukuha niyo na ang results tomorrow." Hindi na ako sumagot at lumabas ng office niya.

Nagdire-diretso ako pabalik ng station kung nasaan si Irene.

Naabutan ko siyang pinapakain ni Joy ng binili ni Suho na pagkain... Automatic naman siyang napangiti nang makita akong pumasok.

"Baby.. Ililipat ka ng room okay?" Lumapit ako sa kanya at sinimulang hagurin ang buhok niya.

"Why? Okay naman ko dito ah, tsaka wala akong kasama don.."

"I'll stay with you.. Itetest ka na rin nila mamaya." Kumunot naman ang noo niya.

"Anong ginawa mo?" Tanong niya habang naniningkit ang mata.

"Wala naman akong ginawa na di maganda.. May kinausap lang ako." Sagot ko at nilagay ang ilang buhok niya sa gilid ng tenga niya.

"Seulgi.."

"I'm telling the truth... Kinausap ko lang si... Taeyon, yung CEO dito." Nanlaki naman ang mata niya.

"Bakit mo ginawa yon? Baby.. Ayoko ng VIP treatment. Lalo na ngayon, alam na nilang girlfriend kita.." Bigla siyamg namula. Napangisi naman ako nang sabihin niya yon.

"Ano ulit yon?" Tanong ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ano mo ko?" Tanong ko pa ulit.

"Mga punyeta! Ikaw na magpakain diyan! May gagawin pa ko, sa harap ko pa kayo magharutan putragis mga walang respeto!" Iniwan ni Joy ang hawak niyang pagkain at lumabas. Napatawa nalang kami.

"Ate Seulgi?" Napalingon ako sa batang lalaki na nakangiting nakatingin sakin.

"Baby.. That's Cristoff, nakita niya kasi yung picture mo sa likod ng phone ko kaya natanong ka niya." Kaya pala..

Lumapit ako kay Cristoff. Hindi parin nawawala ang ngiti niya.

"Hello po!" Masayang bati niya.

"Hi Cristoff." Bati ko at pinat ang ulo niya.

"Masaya po ako na nakilala na kita." Nagtaka naman ako. Wala naman kong ginagawa na ikasasaya niya.

"Bakit naman?"

"Kase ikaw po yung nagpapalakas ng loob ni Ate Irene tuwing nagwowork siya dito sa hospital.. Narinig ko po kase sina Ate Joy at Ate Yeri na nag uusap, sabi nila swerte daw po ni Ate Irene sayo, you never fail to make her feel loved daw. Saka po, hindi po kasi nagpapahinga si Ate Irene." Napangiti naman ako. Talinong bata neto. Napatingin naman ako kay Irene na pulang pula.

"Ganito kase yon Cristoff.. When you love someone, always make her feel loved. Kahit na sinagot ka na niya, treat her like a queen." Tumango tango naman siya.

"Pag lumaki po ako, gusto ko maka meet ng katulad ni Ate Irene."

"Sana makakita ka rin ng katulad ni Ate Irene, feeling ko kase nag iisa na yan sa mundo eh." Ngisi ko.

"Seulgi!" Saway niya. Napatawa nalang ako.

Maya maya pa ay may dumating na mga nurse.

"Itetest na po muna namin si Irene. Naka-ready na rin yung room niya kaya ililipat na siya don after." Tumango lang ako sa kanila.

Sinakay na nila sa wheel chair si Irene at sinabihan ako na maghintay nalang sa room ni Irene dahil hindi naman sila magtatagal.

Pagdating ko ng room ay naabutan ko na si Suho na chine-check amg buong room.

Hindi na masama.. Malaki yung room,  maganda yung cr, may malaking couch, air humidifier at table. Malapit na maging hotel. Or baka ito yung inopen nila dahil ako ang nagrequest.

"Bida bida talaga sila pagdating sayo Seulgi." Ngisi niya.

"Huli na, nakita ko na ang panget na side netong ospital. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung hindi ko babawiin yung shares ko."

"Sinabi naman ni Taeyon diba, hindi nila kontrolado ang sitwasyon kaya nahihirapan din sila. Intindihin mo nalang." Napabuntong hininga nalang ako.

"Fine. Magdonate ka ng 10 dito, kasama na dun yung PPE." utos ko.

"10 thousand?" Tangina neto, ano magagawa ng 10 thousand?

"Bobo million! Sabihan mo ko pag kulang pa." Nanlaki ang mata niya.

"Seryoso ka ba? Milyon?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" Seryoso kong tanong.

"Ay hindi ba yon joke? Sige bukas makakarating na donation mo." Yun naman pala eh.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Irene habang tulak tulak ng isang nurse.

"Tapos na?" Tanong ko.

"Makukuha niyo na po yung results as soon as possible." Sagot nung nurse.

"Thanks... Ako ng bahala." Lumabas na ang nurse kaya agad akong lumapit sa kanya at binuhat... Yung bridal style para diretso kama na.

"Seulgi uwi na muna ako ah. Kuhaan nalang kita ng damit."

"Sige Jun.. Salamat." Tumango siya at umalis na.

Tumabi ako sa kanya at sinimulang paglaruan ang buhok niya.

"Baby... Don't do that again. Don't use your name para lang sakin."

"Sorry.. Ayoko lang na nagkakaganyan ka.. Kasalanan ko to eh. Dapat hindi na kita hinayaan sumama dito.."

"Baby it's not your fault. Choice ko to remember? Tsaka I'm thankful nga na dahil sayo, nagiging matapang ako." Dahan dahan niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko.

"You're the best girlfriend.. Hindi ka nagkulang, sobra sobra pa nga." Nanghihina siyang ngumiti.

Hindi ko naman to ginagawa dahil lang ito yung huling hiling ni Aunt Sally na lola mo pala.

Siya pala yung lola mo na kinwento mo sakin dati. Kita ko yung galit sa mga mata mo noon..

Gusto kitang alagaan kahit gaano pa katagal. Lahat gagawin ko para sayo kase tangina ewan ko ba mahal na mahal kita. Iba yung epekto mo sakin kaya hindi ko kayang nakikita kang nagkakaganyan. Gusto kong makita ulit yung dating sigla sa mata mo. Gusto kong bumalik na yung lakas mo..

"Magpalakas ka baby.." Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinalikan kahit na hindi talaga dumikit sa labi ko dahil sa suot ko.

"I will.."

Hindi ko rin alam kung kelan mo malalaman... Na wala na yung daddy mo... Na isa sa naging kalaban ko... Gusto kong sabihin sayo pero hindi ko dapat pangunahan ang mom mo.. Ayoko lang na masaktan ka.. Magpalakas ka muna ngayon..

I'm sorry baby...

~~~~~~~~~~
Na-late ako pota sorry. Masyado akong nadala sa pagsasara ng ABS-CBN nawala sa isip ko yung update tangina hahahaha naalala ko lang habang naliligo punyeta!

Pero eto na nga mahaba haba hahshaha

Olvasás folytatása

You'll Also Like

6.3K 113 21
ito naman, SPG ng malala, Marian Rosal was sold to a lipstick lesbian woman Gail Veron na bilyonarya who doesnt have anyone in her life, walang anak...
7.5K 342 70
Yuri is here to find The One That Got Away "What are you doing here, Vin?" "Yuri..." Is she the one? ~a ryujisu/jinlia fanfic Shin Ryujin x Choi Lia...
2.8K 628 136
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
12.1K 48 2
1st story ko po ito kaya sorry sa maling grammar o kahit ano HAHAHAHA taena magbasa kayu kung gusto niyo o kung ayaw niyo wag mona basahin ganun lang...