Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 19

1.2K 79 3
By CrabLamb

Agad na napa palakpak si Isabella nang dumating na ang kaniyang ama na may dalang tray ng kape.

"Bakit naman dito ka pumuwesto?" reklamo ni Fernan sa anak,  sa may bintana kasi ng Starbucks pumuwesto ang kaniyang anak, "Hindi ka ba naiilang na habang nainom ka ng kape ay tinititigan ka ng mga tao mula sa labas?"

Inilabas naman ni Isabella ang kaniyang dila pang-asar, "Dito ako pumwesto para makita tayo agad nila Ate!"

Napailing na lamang si Fernan, sa totoo lamang ay sinabi niya lamang iyon para asarin ang pikunin niyang anak.

Nasa Paseo de Sta. Rosa sila mag-anak, nag-aya kasi si Jane na mag gala at bumili ng mga damit pang buntis. Nasa yugto na rin kasi ang babae ng paglilihi at hindi lutong bahay ang nais ng sikmura nito, sawa na rin ang tatlong myembro ng pamilya na magpa deliver kaya upang matahimik ay dinala na nila ito sa lugar kung saan maraming food outlet.

"Kumusta ka sa ospital?" kumusta ni Fernan sa kaniyang bunso habang sumisipsip sakaniyang mocha frappucino, hindi katulad ng kaniyang asawa ay hindi hilig ni Fernan ang mga maiinit na kape.

Tumango naman si Isabella, "Ayos lang naman po, mas ma-trabaho."

"Wala ka namang nae-encounter na makukulit na pasyente?" pangangamusta muli ni Fernan habang pinapanood ang mga tao na dumadaan sa tapat ng Starbucks.

"Sa mga nurse ko lang naririnig," natawang sagot ni Isabella, binuksan nito ang sariling cup dahil mas gusto nitong inaamoy ang kape bago inumin.

Napangiwi si Fernan nang makita kung gaano kaitim ang kape ng anak, hinagis naman nito ang sachet ng asukal sa harapan ni Isabella, "Haluan mo ng asukal, sobrang pait niyan."

Inikutan lamang siya ng mata ni Isabella at humigop sa kape, mas lalong umasim ang mukha ni Fernan.

"Ahhhh," ginhawang sabi ni Isabella nang malasap ang pait sa kaniyang dila, "I heard that they roast their beans at higher temperature. Pait!"

Nailapag naman ni Fernan ang sariling inumin sa lamesa.

"Hindi ko alam kung paano ka nakakatulog ng ganiyan ang timpla ng kape mo," iling iling na sabi ni Fernan,  napakibit balikat na lamang si Isabella bilang sagot.

"Nakasanayan ko na noong College ho ako, day before exam ako kung mag review kaya kailangan ko ng malakas lakas na kape," kindat ni Isabella, natatawa na lamang siya kada maalala ang itura ni Darwin noong nasa kolehiyo pa lamang sila.

"Noong nasa kolehiyo ako ay hindi ko kayang mag review ng day before exam,"  kunot noong bahagi ni Fernan, "Kailangan may allowance na dalawang araw, pero 3.00 pa rin ang grado ko."

"Atleast pasado," mayabang na turan ni Isabella sabay higop sa mapait niyang kape.

"Yabang," tudyo ni Fernan, "Porket laging nasa hanay ng uno at dos ang grado mo?"

"Hindi kasi ako nagcu-cutting," komento ni Isabella.

Napatawa naman ang mag ama, ilang beses na nila ito pinagku-kwentuhan, noon kasi ay walang kumpiyansa si Isabella pagtungtong ng kolehiyo kaya naman ibinahagi ni Fernan ang kaniyang karanasan dito.

Mukha namang nakatulong sapagkat naging maayos ang takbo ng pag-aaral ni Isabella noong siya ay nasa kolehiyo.

"Pero kung sa tingin mo ay ikaw ang MVP sa pag-inom ng mapait na kape, nagka-kamali ka doon," singit ni Fernan na kinakunot ng noo ni Isabella.

"Mas mapait pa rin ang iniinom ng Lolo mo," napaismid naman si Fernan sa kaniyang ibinahagi, mukhang nakalimutan na taboo ang tapika ng kaniyang ama sa kanilang pamilya. 

Ngunit, naghahanap na ang kaniyang anak ng mga sagot, hindi na naman siguro masama sapagkat nagpakita na siya ng suporta dito.

"Hmn?" tanging nasabi ni Isabella, "Paano mo naman nalaman? Nakainom ka na ba ng kape na tinimpla niya?"

"Iyon na siguro ang una at huli," pumait naman ang mukha ni Fernan, tila inaalala ang lasa ng kapeng iyon, "Paniguradong iyon rin ang dahilan kung bakit hindi ako mahilig sa maiinit na kape."

Napanguso naman si Isabella, hindi niya alam ang tungkol doon.

"Lolo mo mismo ang nag proseso, nagtimpla at naghalo. Limang taong gulang pa lang ata ako noon," pag-alala ni Fernan, "Nakita ko ata kasi siyang sarap na sarap sa iniinom niya, kaya noong hindi siya nakatingin ay tumikim ako ng kaunti."

Napapisil naman si Fernan ng kaniyang ilong at ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay nagpapakita ng matinding pagsisisi, natawa naman si Isabella ng malalim.

"Abot hanggang ilong ang pait," naiiyak na komento ni Fernan, "Walanghiya, diretso ko pang dinawdaw ang dila ko, hindi pumasok sa isip ko na mainit."

"Hindi mo naramdaman nang hawakan mo ang tasa?"

"Dinawdaw ko nga lang yoong dila ko na parang aso, ayokong makita ni Papa na nabawasan ang mahal niyang kape," sagot ni Fernan.

Nailapag naman ni Isabella ang sariling baso sa lamesa.

"Yuck!" nanlalaki ang mga mata ni Isabella habang hindi makapaniwalang nakatingin sa ama, "Don't tell me hindi nahalata ni Lolo at inubos niya?"

Ngumisi naman si Fernan, "Walang labis at walang kulang."

Hinawakan naman ni Isabella ang sariling silya at bahagyang nilayo sa kaniyang ama, napatawa na lang ng pagak si Fernan habang nilalapit ang sariling silya sa anak ulit pero lumalayo ito agad.

"Ngayon talaga ay gusto kong i-correct si Lolo," sabi ni Isabella, "Noong huli ko siyang nakausap sa panaginip ko ay nagtataka siya kung bakit mo minahal si Mama, ngayon gusto kong irephrase iyon ng bakit ikaw ang minahal ni Mama?" 

Inayos naman ni Fernan ang kaniyang buhok, "Eh kasi nga na-gwapuhan siya sa akin noong isa ako sa mga nag buhat ng arko niya sa Santacruzan."

"Kung tatanungin ko si Mama tungkol diyaan, paniguradong magkaiba kayo ng bersyon," ikot matang komento ni Isabella habang inaayos muli ang pwesto ng kaniyang upuan.

Nagpatuloy naman ang mag ama sa pag-inom ng kape, nag reklamo pa nga si Fernan na ang tagal mag lakad lakad ng asawa at ng panganay nilang anak.

Bigla namang sumagi sa isipan ni Isabella ang litrato na natagpuan niya sa ilalim ng unan ng kaniyang Lolo noon, iyon yoong araw na pinakuha sakaniya ang journal na naglalaman ng storya ng kaniyang Lolo at Lola ngunit, imbis na ang journal ay isang litrato ang nakuha niya.

"Oo nga pala Pa," panimula ni Isabella muli sa isang tapika, hindi na siya umaasang makikita pa niya ang litratong iyon dahil paniguradong nasama na ito sa mga gamit na nasunog, "Ang gwapo mo pala noong bata?"

Napataas naman ng dalawang kilay si Fernan, "Bakit? Nag pakita ba saiyo si Papa ng litrato ko?"

Itinuro naman ni Isabella ang buhok ng kaniyang ama, "Akala ko bowl cut ang estilo ng buhok mo noon kasi iyon ang uso, pero sabagay halatang Santacruzan ang ganap noon."

Napakunot naman ng bahagya ang noo ni Fernan, tila hindi naintindihan ang sinasabi ng kaniyang bunso.

"Nakakita kasi ako ng litrato ninyo ni Lolo, feeling ko Santacruzan ang ganap sa litratong iyon," patuloy ni Isabella, "Pinakuha saakin ni Lolo ang journal niya sa kwarto isang beses bago ang insidenteng iyon, noong hinalungkat ko ang ilalim ng unan niya nakakuha ako ng isang litrato."

Napakurap naman si Fernan, tila inaalala kung may kuha sila ng kaniyang ama sa isang pormal na pagtitipon.

"Ilang taon ako sa tingin mo sa litratong iyon?" tanong ni Fernan.

Gumilid naman ang nguso ni Isabella habang nag-iisip, "Siguro mga nasa 7 or 8? Hindi ko po sigurado, hindi ko masyadong tinitigan ng matagal."

"Anong suot ko?"

"Mukha kang anak mayaman," manghang sagot ni Isabella sa ama, "Sabi mo ay sinasali ka rin ni Lola sa Santacruzan kaya naisip kong Santacruzan ang ganap noon."

Naayos naman ni Fernan polo na suot, nakakunot pa rin ang noo niya dahil wala siyang maalalang kuha nila ng kaniyang ama.

"Totoong sinasama ako ng Lola mo noon sa mga Santacruzan bilang konsorte ng mga Reyna," tango tangong sabi ni Fernan.

"Pero noong mga panahong sinasalpak ako ni Mama sa Santacruzan ay nasa Maynila si Papa. Imposibleng magkaroon kami ng litrato."

Napakurap si Isabella sa narinig, "So sinasabi mo hong, hindi kayo ang nasa litratong iyon?"

"Mukha bang Santo ang suot ng batang lalaking nasa litrato?" balik na tanong ni Fernan sa anak, hindi naman nakasagot si Isabella dahil sigurado siyang hindi ang sagot.

"Kung hindi ay hindi ako iyon."

"Kung hindi po kayo yoon eh sino iyon?" 

Napakibit balikat na lamang si Fernan, "Maaaring yoong naging amo niya sa Maynila. Pero katulad nga ng alam nating lahat ay hindi naman nag kwento ang Lolo mo patungkol sa nangyari sakaniya doon, ang tanging alam lang natin ay minaltrato siya roon."

Malalim naman na napaisip si Isabella sa isinagot ng kaniyang ama, posible kayang may kinalaman iyon sa nangyari noong gabing iyon?

Namura naman ni Isabella ang sarili sa kaniyang loob loob, bakit hindi niya naisip na nag trabaho nga pala ang Lolo niya sa Maynila? Imbis na i-umpog ang sarili upang may maalala ay hindi siya nagpokus sa mas malalaking detalye.

Magtatanong pa sana si Isabella patungkol sa kaniyang Lolo nang dumating na ang kaniyang Ate Jane at Mama.

"Maryosep, hindi ko maramdaman ang mga binti ko!" reklamo ng ina ng tahanan at kumuha ng sariling silya.

"Ganiyan ka rin naman noong buntis ka kay Jane," sabat ni Fernan.

Nagbatuhan naman ng asaran ang mag-asawa, si Jane naman ay tumabi kay Isabella at napangiwi nang makita ang kulay ng kape nito.

"Hindi ko talaga maiintindihan kung anong masarap sa kape," komento ni Jane at inilapag sa lamesa ang mga paperbag na naglalaman ng kanilang pinamili.

Ngisi na lamang na napakibit balikat si Isabella at ininom ang mapait niyang inumin.



TULALANG nakatitig si Wojtek sa litratong inilatag ni Nathalie.

Alam ni Nathalie na magkakaroon ng epekto ito kay Wojtek kapag sinabi niya ang tungkol sa maskarang nakita, pero kaso ito na kailangan nilang lutasin.

"Anong masasabi mo?" naiilang na tanong ni Nathalie. "Pinag isipan ko talaga kung sasabihin ko ito sa iyo. Alam kong—"

"Pinuntahan mo ba ulit ang bahay?" putol ni Wojtek.

Napatikhim si Nathalie. "Oo. Nakuha ko, pero walang DNA na nadetect. Mukhang nilinis ito bago iniwan."

"Sinadya." Sumandal si Wojtek sa kanyang kinauupuan.

"Mayroon ka bang mga person of interest?" tanong ni Nathalie. "Ilalatag ko ang akin, and let's see kung may parehas tayong sagot."

"Rona Belmonte, Gareth Earl Lagard, Eva Salazar, at Jane Zarzuela."

Napakurap si Nathalie sa huling pangalan na binanggit, "Pero napatunayan na natin walang kinalaman si Ms. Zarzuela sa pagkamatay ni Mr. Fred."

"Hindi siya ang maaaring may gawa, pero maaaring may kinalaman siya," sabat ni Wojtek. "Besides, POIs ang pinagu-usapan natin, not suspects."

Hindi sumagot si Nathalie. Mukhang imbis na mawala sa pokus, naging mas seryoso ang kanyang kasama.

"Your turn," sabi ni Wojtek.

"Gareth Earl Lagard, Rona Belmonte, Benjamin Dimayuga."

"Hindi ko naisip na puwedeng kalaban ni Gov. Mike ang maaaring may gawa nito," tango-tangong komento ni Wojtek."Hindi personal ang kaso, but good observation."

"Actually, I have another one," singit ni Nathalie. "It's Isabella Zarzuela."

"Your point?"

"Naghukay lang ako ng kaunti patungkol sa gobernadora." Naglabas si Nathalie ng panibagong papel mula sa kaniyang jacket."Nalaman ko na may nangyari noon kay Ms. Isabella. Ang sabi ay may mga dinaluhan siyang private interviews at pinagkakitaan siya ng gobernador."

Habang binabasa ni Wojtek ang pahayagan, nare-realize niya na may malaking punto si Nathalie.

"Pero wala siyang kinalaman sa nangloob sa pharmacy," sabi ni Wojtek.

"Ano ulit ang bansag sa taong hinahabol natin?" May halong inis sa tanong ni Nathalie.

"Doll Serial Killer"

"Kapag naglalaro ng manika, mayroong naglalaro at may bagay na pinaglalaruan," paliwanag ni Nathalie. "Ang taong hinahabol natin, ang akala niya sa mga pinapatay niya ay mga laruan na sira na."

"Nagkaroon ba ng alitan sa pagitan ni Fred Salazar at Isabella?" tanong ni Wojtek.

"Maraming nagsasabi na nagkaroon sila ng alitan sa loob ng pharmacy ng ospital."

"Kung gayon ba ang punto mo ay si Isabella ang kasalukuyang pinaglalaruan ng demonyo na iyon?"

"Hindi ko alam."

Nag-angat ng tingin si Wojtek. "Anong hindi mo alam?"

"Hindi ko alam kung manika si Isabella," tapat na sagot ni Nathalie, "o kalaro."

"Sinasabi mong puwede siyang kasabwat?"

Napatango lamang si Nathalie.

"Fine." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Wojtek. "Ilang tao ang pagkakatulad natin?"

"Dalawa: Si Dr. Lagard at si Ms. Belmonte," sabi ni Nathalie.

"Binisita ko si Dr. Lagard sa ospital, noong nasaksak siya."

Seryosong napatingin si Nathalie kay Wojtek. "And?"

"Nakita ko si Isabella, kausap siya. They're friends."

"Si Dr. Lagard na ba ang primary suspect natin?"

"Serial killers are not that deep," sabat ni Wojtek. "Mahirap lang silang hanapin dahil naka focus sila sa pagtatago ng ibedensya."

"Anong plano?"

"Find evidence."

Natawa si Nathalie sa sinuhestyon ni Wojtek. "It will be difficult though, pero sabi nga ni Senior Lajara saatin noon—"

"—'There is no such thing as a perfect crime,'" sabay na sabi ni Wojtek at Nathalie.

"The irony," sabat agad ni Wojtek habang iniimahe sa isip ang mukha ni Senior Lajara, "coming from the serial killer who murdered little girls for almost ten years."

Mayamaya lang rin ay nag-usap na si Nathalie at Wojtek ng kanilang plano, hindi rin nagtagal ay nauwi iyon sa kwentuhan at asaran.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang babae na babalik sa Inn na tinutuluyan, nagbiro pa ito na baka patayin siya ni Sarah kung makikitulog siya sa bahay ni Wojtek.

"Loyal as fuck," iling iling na komento ni Wojtek, "Tanungin mo nga si Sarah kung anong gusto niyang kulay ng vibrator. June ang birthday niya hindi ba?"

Isinaludo ni Nathalie ang kaniyang gitnang daliri, "I am enough."

Natawa na lamang si Wojtek, sinabi niya rin sa kaibigan na iwan na lamang sa kaniya ang mga papel. 

Nang makaalis si Nathalie ay nagsimula na ngang ligpitin ni Wojtek ang mga papel, hindi naman iyon mahirap dahil i-ilang papel lamang  iyon. 

Sinadya niya ihuli ang litrato kung saan naroon ang maskara, hindi tuloy naiwasan ng kaniyang utak alalahanin ang mga pangyayaring gusto na niyang kalimutan.

Napayuko na lamang si Wojtek  at umiling iling, nakalipas na iyon at hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin. 

"Mahuhuli din kita," bulong ng binata sa sarili sabay lakad papunta sa basement.

Continue Reading

You'll Also Like

101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
The Senorita By Raiselle

Historical Fiction

689K 25.3K 36
Sino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita...
164K 4.7K 12
Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a self proclaimed Leon's girl. Palagi siyang...