In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [15]

101K 2.6K 208
By chiXnita

-15-

Xhaiden Heather Roa's POV

FRIDAY. DECEMBER 19, 20^^. Seven o'clock and thirteen minutes in the morning. Last day na namin dito sa Trese. Ang buong akala ko puro saya ang mararanasan ko pero hanggang akala lang pala. Expectation sucks!

Umayos ako nang pagkakahiga sa kama. Kanina pa ako gising pero ayaw kong bumangon. Gusto kong magmukmok lang hanggang sa umuwi. Wala naman kasi si Grant. Bumalik siya sa Isla de Carpio.

Umalis siya kaninang ala-sais para asikasuhin ang nangyaring insidente sa hotel. Natrauma siya sa nangyari pero bumalik pa rin siya. Hindi niya pa ako hinayaang sumama. Uuwi rin daw agad siya. Pulos negatibong bagay ang bumabagabag sa akin. Paano kung mapahamak ulit siya?

Inaasikaso niya na 'wag maibalita ang nangyari sa newspaper at TV. Ayaw niya talaga ng gano'n. Kahit sina mommy no'ng time na nangyari ang pagkakaaksidente ni ate, hindi rin 'yon kumalat. Kaya walang alam ang mga tao dito sa Trese. Maliban sa mga malalapit na pamilya namin. Ang laki talaga nang nagagawa ng pera.

"Nak!" Kumatok si Aling Cora. Sa isang linggong pananatili namin dito kilala ko na ang boses niya. Kapag umuwi na kami siguradong mamimiss ko sila lalo na ang kambal na sina JA at AJ. "Kain na tayo." Bumukas ang pinto kasi hindi naman talaga iyon nakasara. Umupo siya sa tabi ko at tinap ang ulo ko. "'Wag kang mag-alala, uuwi si Grant."

"P-Paano kung may mangyari na naman—" Napahikbi na ako kaya hindi ko na naituloy. Ako talaga ang natrauma. Kapag naiisip ko si nanay. Ang crane. Ang malaking tipak ng semento. Si Grant. Nagnginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Nakung bata ka. Walang aksidente na nangyayari nang sunod-sunod. O kung meron man, plinano na 'yon o nagkataon." Ang kalmado lang ng boses niya. Nag-alala sila kahapon pero bakit ngayon okay na sila?

Natahimik na lang ako. Ang umiikot talaga sa isipan ko ang sinabi ng matanda. Ayaw ko mang i-entertain pero nangyari ang insidente wala pang sampung minuto. Coincidence? Grabe namang coincidence 'yon.

"Na, naniniwala po ba kayo sa hula?" Umupo na ako sa kama at ipinatong ang baba sa dalawang tuhod at niyakap.

"Hula?" Hinihimas pa rin niya ang buhok ko. "Kaya nga hula, ibig sabihin hindi sigurado."

"Pero paano kung naging totoo? Nagkataon lang ba 'yon?"

"Hindi ko alam," seryosong sagot niya. "Walang scientific explanation o proof na totoo ang hula. Walang mawawala kung papaniwalaan mo. Wala ring mawawala kung babalewalain mo. Bakit mo ba naitanong?"

Umiling agad ako. "W-wala po. Kain na tayo?" Tumayo na ako. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na papaniwalaan ko, pero isa lang ang sigurado ako. Susundin ko ang sinabi ng matandang iyon. Mag-iingat ako.

Kumain kami ng almusal, pananghalian at meryenda pero hindi pa rin umuuwi si Grant. Kahit na tawag sa telepono, wala. Kinakabahan na ako. Nakailang palit na ako ng posisyon sa sofa. Naikot ko na rin yata lahat ng sulok ng sala. Hapon na pero wala pa rin siya.

"Ate, nahihilo kami sa 'yo!" sabay na usal nina JA at AJ na nakaupo sa couch. Parehas silang naka-indian style habang kumakain ng popcorn. Nagagawa pa nilang kumain habang nanunuod ng movie na Final Destination. Nagmomovie marathon sila, dahil kanina pa silang tanghalian nanunuod. Tutok na tutok at wala yatang balak na tumigil.

"P'wede bang Miracle in Cell No. 7 na lang ang panuorin n'yo?"

"Nakakaiyak 'yon ate. Saka ilang beses na namin iyong napanuod, eh."

"Mas nakakaiyak ang Final Destination."

"Ang astig kaya," sabay ulit sila. Tutok pa rin ang mga mata sa pelikula. Kaya napatingin na lang din ako doon. Lahat ng Final Destination napanuod ko na. Hindi naman talaga nakakaiyak, nakakatuwa pa ngang panuorin. Gusto ko talaga ng mga gano'n. Pero ngayon, once na marinig ko lang ang palabas na 'yon, kinikilabutan na ako.

Final Destination 4 na ang kasalukuyang nakasalang, kakasimula pa lang dahil katatapos lang nila nung 3. Nasa race track ang mga tao, obviously nanunuod ng car racing at 'yong protagonist na in the end mamamatay din naman ay nakakita ng vision.

"Kyaah... ang astig!" Napatalon pa si JA nang nagsimula nang may mamatay. Unang namatay ang babaeng napugutan ng ulo nang matamaan ng lumilipad na gulong.

"Stop it, guys!" awat ko sa kanila. Pero mukhang hindi nila ako narinig o ayaw lang talaga nila akong pakinggan. Lumapit ako sa monitor at pinatay ang pinapanuod nila.

"Shit naman, ate!" sabay na naman sila. Tumayo rin at sumigaw nang mabitin sa palabas. Magkahati siguro ang pusod ng mga 'to. Nagkakasabay din naman kami ni Xy sa pagsasalita pero hindi katulad nila na halos minu-minuto.

"Iba na lang kasi ang panuorin n'yo." Naghanap ako ng ibang movie sa flash drive na nakalagay sa DVD at may pinlay dito.

"Ano 'yan?"

"Jenny and Juno."

"Ano 'yon?"

Napahawak na ako sa ulo at tiningnan sila, parehas na hindi maipinta ang mukha. "Panuorin n'yo na lang. Pero kung gusto niyong i-spoil ko kayo, isa itong romantic comedy. Ang plot ay may magkasintahan na nabuntis ng lalaki 'yong babae, they're both teenagers. At ang twists ang mga struggles nila dahil parehas pa silang nag-aaral at kung paano nila sasabihin sa mga parents nila. Ito na lang ang panuorin n'yo, may mapupulot pa kayo."

Sabay silang umiling. "Ang boring!" sabay ding tumalikod sa akin.

"Saan kayo pupunta?"

"Uuwi na. Doon na lang namin itutuloy ang panunuod ng FD!" At iniwanan na nga nila akong nakatunganga. Mga lokong bata.

Lumabas din ako para magpahangin. Umupo ako sa dalampasigan. Nakatunganga sa kalangitan na nag-aapoy ang kulay. Papalubog na ang araw. Pero tagus-tagusan ang tingin ko. Hindi ko nga namalayan na umiiyak ako. Hindi ko mapigilan. Sirang faucet yata 'tong mga mata ko. Ayaw malock.

Tumayo ako't naglakad-lakad. Hanggang sa mapaluhod ako't napahagulhol. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Sa buhay ko. Sa lahat.

Lumusong ako sa tubig. Kapag mabigat ang pakiramdam ko, naliligo ako. Nahuhugasan lahat ng pinagdadaanan ko, kahit hindi naman talaga nababawasan.

May biglang humila sa braso ko. Natulala akong napatitig kay Silver. Bakit siya nandito? Lalo na nang makita ko ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin. Napakurap ako. Imposible.

Niyakap niya ako. Paulit-ulit na sinabi sa 'kin na mahal niya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit naaapektuhan ako? Hindi ko siya kilala. Hindi ko kilala ang buong pagkatao niya. Si Grant ang mahal ko. Wala ng iba.

Nakatulog ako. Inatake na naman ako ng narcolepsy. Masyado akong napagod sa mga nangyari. Hindi kinakaya ng sistema ko.

Nagising ako sa loob ng isang kubo. Nagtaka pa ako kung paano ako napunta dito nang maalala si Silver. Kasama ko nga pala siya. Pero nasaan na siya? Bumangon ako. Napatitig sa damit na nakapatong sa katawan ko.

Narinig ko ang kaluskos sa labas. Tumayo ako't lumapit sa may pinto. Nakita ko si Aling Cora na natulalang nakatitig sa kaharap niyang lalaki na nakatalikod sa 'kin. Unti-unting lumaki ang mga mata ko. Dinaga ang dibdib ko.

Si Silver!

Alam ko na ngayon kung ano'ng nangyayari. Ayoko lang ipasok sa 'king kukote. Ayokong mas alamin nang buo. Hindi p'wede. Mas mabuti nang wala akong alam.

Nanginginig ang mga labi kong nakatitig lang sa likod niya. Napahawak ako sa bibig. Nilalamig ako. Tama, nilalamig lang ako.

"Pakiusap, 'wag mo pong sasabihin sa kanya kung sino ako. Para sa ikakabuti niya ang ginagawa ko," narinig kong sabi ni Silver.

Bumuka ang bibig ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Nakayuko si Silver. Napatingin sa direksiyon ko si Aling Cora. Mas nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung sino nang mas namumutla sa'ming dalawa.

"A-Aling Cora..." nanginig din ang boses ko. Nakita ko ang paninigas ni Silver. "S-Sino siya?"

Mahabang katahimikan ang naghari sa 'min. Hindi sumagot si Aling Cora. Nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa 'min ni Silver. Hindi na rin ako muling umimik. Sinundan ko lang ang bulto ni Silver na naglalakad na palayo.

Napahawak ako sa ulo. Napaupo sa gilid ng pinto. Mabilis akong dinaluhan ni Aling Cora. Hinagod niya ang likod ko nang umiyak ako.

Bakit na naman ba ako umiiyak? Leche! Nakakapagod na. "S-Silver. He's so stupid," sabi ko kay Aling Cora. "Idiot..."

Umiling siya. "He loves you, 'nak!"

"H-He's running away..."

"Tumatakbo ka rin naman." Napatitig ako sa kanya. Mas lalo lang akong naiyak. Pinunasan niya ang mukha ko. "Ayaw mo siyang makilala, 'di ba? Kaya ka ganito. Natatakot ka sa mangyayari kapag nakilala mo kung sino siya."

Hindi ako nakaimik. Kasi tama siya. Ayokong makilala kung sino si Silver. May idea na ako pero iniiwasan ko. Kasi hindi p'wede. Naguguluhan ako. Magugulo lalo ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Mahal na mahal ko si Grant."

Napangiti si Aling Cora. 'Di lang ako sigurado kung totoo o pilit. "Alam ko. Magbihis ka na. Baka nakauwi na siya."

_..._..._

NAPATAKBO AKO mula kwarto papuntang sala nang tumunog ang telepono. Muntikan pa akong matisod dahil sa kamamadali ko. Hindi talaga nawawala sa 'king sistema ang pagiging clumsy.

"Hello—"

"I miss you, baby. I'll be there within seven minutes." Hindi na ako pinasagot ni Grant at ibinaba na niya ang aparato. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Seven minutes? Oh, shit!

Tumakbo ako pabalik ng kwarto at dumiretso sa banyo. Tapos na akong maghanda ng surpresa sa kanya pero hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili. Pangalawang beses na niya itong tawag kaya nawala na ang takot ko. Ang buong akala ko ten o'clock ang uwi niya pero mag-aalas nuwebe pa lang. Hindi naman sa ayaw kong 'wag muna siyang umuwi. Kaya lang hindi pa ako nakapaghanda.

Inabala ko ang sarili nang makabalik kami ni Aling Cora kanina.

Ayoko nang isipin si Silver.

Ang bilis ng mga kilos ko. Hindi ko na nga nagawa ang makapagligo nang maayos. Ang quick shower naging wisik-wisik na lang. Pasuot na ako ng damit nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Baby?" Nabitiwan ko ang hawak na blouse. Nahulog ito sa Jacuzzi.

Tarantang kinuha ko agad kaso basang-basa na. Napasabunot ako sa buhok at tumingin sa itaas. "W-wait lang." Kabado ako, gayo'ng hindi ko pa naman siya nakikita. What more kung nasilayan ko na ang kanyang mukha?

Ano ba, Heather! Tinawag ka lang niyang "baby". Hindi ka pa nasasanay? "Baby" lang 'yon. "Baby..." Ugggh!

Mahinang tumawa si Grant. "Hindi mo naman kailangang magpaganda; maganda ka na. Hindi mo na kailangang maligo; mabango ka na. Hindi mo na ako kailangang akitin; sadyang nakakaakit ka na!" Damn it! Ba't and sexy ng boses niya?

Paano niya pala nalamang may balak akong akitin siya?

Leche ka, Grant. Mahahalay talaga kita!

Saka ko lang napansin na tumutunog pa rin ang malamlam na musika na piniplay ko kanina. Naiwanan kong nakapatong ang magenta negligee sa malambot na kama. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba 'yong plano o hindi na.

Bumili nga ako ng stimulant sa drugstore no'ng isang araw kung saan nangyari iyong insidente dahil may plano na talaga akong gawin 'to. Kaso mukhang hindi pa umeepekto ang gamot na ininom ko kasi nangangatog ang mga tuhod ko.

"Matagal pa ba?" Napakagat labi ako nung muli kong marinig ang boses niya. Mukhang sa 'kin na naman magbabackfire.

"Pa-palabas na!" Hinablot ko iyong robe na nakasabit sa gilid ng shower at daling isinuot.

"Hindi pa nga nag-uumpisa, lalabas na?" Hindi ko pa maiintindihan 'yong sinabi niya kung hindi pa siya tumawa. Gusto ko tuloy magback-out at magkulong dito sa banyo. "Hindi ka pa ba lalabas dito o akong papasok diyan?" Napahawak ako sa mainit na pisngi ko. Puro lumot na nga yata talaga ang laman ng utak ko kaya nagiging berde na rin lahat ng iniisip ko.

Bago pa niya ako pasukin, lumabas na ako. Paglapag na paglapag ng paa ko sa sahig ng kwarto, nag-iba ang music na tumutugtog. Mas naging daring at sexy sa pandinig ko. Nilalaro ko ang mga daliri sa tagiliran sa sobrang kaba.

Dumako ang tingin ko sa mukhang ilang oras kong hindi nakita. Nakahubad na siya ng sapatos. Kahuhubad niya lang din ng damit at nakaloose ang belt ng pants niya. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong lumunok.

Umepekto na ba ang ininom kong gamot o hindi pa?

Sinasabi ko na nga bang ako ang maaakit at hindi siya. Ang daya talaga!

Samantalang kanina, nakaplano na kung ano'ng gagawin ko once na makita ko siya. Nakailang practice na nga ako at naperfect ko naman. Sabi nila practice makes perfect, eh bakit mukha akong tanga ngayon?

"Grant!" Napatili na lang ako nang pinangko niya ako at mabilis kaming nakarating ng kama. Umupo siya dito samantalang ako nakaupo sa lap niya.

Pumikit siya at suminghot sa leeg ko. "Ang bango talaga ng baby ko!" Napatayo ako. Humalakhak siya. Gusto ko tuloy maghandusay sa sahig at magwala.

"K-Kumain ka na ba?" tanong ko. "K-kain tayo!" Tumalikod na ako at tinahak ang pinto kaso hinigit niya ang braso ko. Nakatayo na siya kaya nagkabungguan ang mga katawan namin.

"Busog pa ako. Saka iba ang gusto kong kainin, hindi pagkain." Nakakaloko ang boses at titig niya kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko na talaga siya magawang titigan nang matagal. "Wala man lang bang welcome home kiss?" Hinapit niya ako sa bewang. Idinikit ang ilong sa lips ko. Naipaloob ko tuloy ang labi ko.

Ba't ang galing niyang mang-akit, ha?

Pumikit siya at gumalaw ang ilong sa mukha ko. Para bang sinisinghot ang amoy ko. Akma na niya akong hahalikan kaya inilagay ko ang mga palad sa tiyan niya. Shit! Ba't ang tigas nito?!

Itinulak ko siya palayo. Hindi niya inaasahan na gagawin ko ang bagay na 'yon kaya muli siyang napaupo sa kama. Kunot ang noo nang muling tumingin sa 'kin.

Ngumiti naman ako at ipinilig ang ulo. Bahagya ko pang ginulo ang basang buhok. Hinawakan ang labi at nilaro-laro 'yon. Ewan ko ba, nawala bigla ang pangangatog ng katawan ko. Napalitan ng excitement. I guess, umepekto na ang gamot na ininom ko.

He cussed distinctly when I sat down on his lap. My legs were on astride position. I took off my robe and threw it on the floor. His gray eyes widened and his lips tightened.

He scanned my body with his piercing eyes. Well, I don't need to worry about it. I still have my black laces bikini. Pinaghandaan ko kaya 'to. His jaw dropped. I touched the corner of his abs feeling the heat and dampness.

"Heather, stop it!" Hinawakan niya ako sa bewang kaya agad ko siyang pinigilan.

"Oh, Grant! I know for a fact that you don't want me to stop this, baby!" I whispered on his lips. He breathed inwardly. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. I touched his breathtaking abs again then moved my hands upward on his broad chest. I could feel his heartbeats. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ko alam na may epekto rin pala ako sa kanya.

Do you love me, Grant? Gusto kong itanong pero wala akong lakas ng loob. Saka tiyak na masisira ang tagpong 'to.

Dilat na dilat pa rin ang mga mata niya. Gumagalaw din ang Adam's apple niya, pataas at baba. Napangisi ako nang may maramdamam akong tumigas sa bandang hita ko.

Wala na yata siyang alam na salita kung 'di puro mura.

"You want us to start the show now?" Nakakalokong tanong ko. Hindi ko alam na talagang epektibo ang gamot na nabili ko. Kasi kung wala 'yon, siguradong hindi ko kaya 'tong ginagawa ko ngayon.

Hindi ko na siya pinaimik. Sinakop ko ang nakaawang niyang bibig. Napasinghap pa siya, halatang nagulat. Pero ilang saglit lang, nararamdaman ko na ang pagtugon niya. Ang galing niyang humalik. Kung mabango ang hininga niya, mas masarap ang labi niya. Nakakaadik. Nakakabaliw. Bahagya kong nakagat ang lower lip niya.

He groaned as he inserted his tongue. Our lips were playing. Our tongues were licking. Our hands were busy touching and exploring.

Hanggang sa maramdaman ko ang palad niya sa likod ko. Dahan-dahang umaakyat sa hook ng bra ko. Agad ko namang pinigilan ang kamay niya't inilayo ang mukha.

"Not so fast, baby." Nginitian ko siya. Inilagay ang dalawang kamay niya sa bewang ko habang ang mga braso ko'y nakapulupot sa batok niya. Nararamdaman ko ang mabilis niyang paghinga sa dibdib ko. Iginalaw ko ang balakang sa lap niya. Marahan. Na may diin.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Pumikit siya't tumingala. Mas tumigas 'yon nang dahil sa 'king ginawa. Muli akong gumalaw, lalong naexcite, sinasabayan ang music na tumutugtog.

Mariin niyang kagat ang labi niya. Humigpit ang pagkakayapos ko sa kanyang batok. Nasa pagitan na ng dibdib ko ang kanyang mukha. Naririnig niya ang tibok ng puso ko. Muli akong gumalaw. Mabagal sa una, sinasabayan ang music. Hanggang sa maisipan kong magpump. Up and down. Medyo mabilis.

"Damn, Heather, w-what are you doing?"

Napangisi ako sa lalong pagbilis ng hininga niya. Napayapos pa lalo ako sa kanya at nagpatuloy sa paggalaw. "Lap dance, baby!" bulong ko at kinagat ang tainga niya.

"Lap— w-what? Shit!" Binuhat niya ako at inilapag sa kama. Akala ko aatakehin na niya ako kaso mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo. Narinig ko ang malakas na buhos ng tubig na nagmumula sa shower at ang patuloy niyang pagmumura.

Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
9.5M 142K 59
Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero...