Why Does it Matter?

By Menggguy

26.2K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... More

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 6: Origin
Chapter 7: Concentration
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 10: Chemical Reaction
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 14: Pressure
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 19: Heat Capacity
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 15: Boiling Point

616 28 1
By Menggguy

"Ako ng bahala sa kanya." Ven said na agad naman tinanguan ni Annica matapos niya akong akayin pababa ng kotse ni Monique. Both of my friends are showing how worried they are habang ibinibigay ako kay Ven.

Tahimik lamang akong nakatingin sa kanila habang si Annica ay pinapaalalahan pa ako. Hindi na nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari, apart from the tiredness that I'm feeling, nahihilo na ako kakaiyak pa mula kanina.

"Arya, just relax okay? Everything will be fine." Malambing na sabi ni Annica na tinanguan ko lang, naramdaman ko pa ang paggapang ng kamay ni Ven sa bewang ko habang iginagaya na ako papasok ng condominium matapos magpaalam nina Annica.

I feel light headed while being guided by her, kahit sa elevator pakiramdam ko lumulutang ako dahil hindi ko na naiintindihan ang nangyayari.

I feel like I was frozen in the scene a while ago, ung pagwawala ni Caleb, the confusion and worry on my mother's face and my father's grudges towards Caleb at ang ideya nila sa aming dalawa ni Ven. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko habang iniisip ang mga taong nandoon kanina habang nawiwitness ang nangyari. Nai-imagine ko pa lang lahat ng possible scenarios parang bibiyakin na ang ulo ko.

Narating namin ang floor ng unit ni Ven pero wala pa rin akong kibo at tulala lamang habang hinahawakan niya ako upang gabayan kung saan pupunta. Binuksan niya ang pinto ng unit niya at iginaya ako papasok. She guided me towards her bedroom and carefully place me to her bed, ang pamilyar na amoy ng citrus ang nagpahiwatig sa akin na nasa kwarto nga talaga niya ako.

"Hey." Malabing niyang bigkas kaya dahan-dahan akong tumingala sa kanya habang nakaupo sa kama niya.

"Come here, baby." She softly said at iginaya ang ulo ko at inilapat sa tyan niya, I can feel her hands reaching for my arms at marahan iyong ipinulupot sa bewang niya. I feel warm and brought back to my reality because of her. Tahimik kong isinubsob sa tiyan niya ang mukha ko, soothing her heat, habang niyayakap siya ng mahigpit. I couldn't cry anymore dahil naubos na yata ang luha ko sa kotse pa lamang habang pauwi dito.

"Shh...Hush now, Yanna." Marahan niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko. On the idea that I run out of tears makes it a fraud when my eyes started crying again. Alam kong lumalandas ang luha ko sa tiyan niya kaya nararamdaman niya iyon. I cry in her silently, while she stands there, hinayaan niya akong umiyak as she just embraces me inside her aromatic room. 

"Natatakot ako." Mahina kong bulong sa katawan niya. With that whisper mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. I can feel how fear is creeping out the hell out of me. Caleb now knows, my parents' now have the idea, even my relatives. Hindi pa ako handa, I didn't expect everything to be this painful and out of control. I feel like I lost the path on how to handle this. Natatakot ako kasi baka isang pitik pa ay bumigay na ako.

Ang hirap at ang sakit. Ang hirap na hindi masabi sa mundo kung ano ka, it's hard to show everyone how you feel especially when it's against their view in life. What Ven and I have is something so special yet something that the society is not yet ready for. At 'yon ung masakit, I couldn't gain the strength to go against their views, I couldn't gamble the possibility that the people are around me will accept me. Natatakot ako sa reaksyon ng parents ko. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. I'm envelope by fear and doubts on this, pero hindi ko kayang bitawan si Ven. Hindi ko kayang wala siya, at ang sakit-sakit dahil ang hina-hina ko para sa kanya.

"Let's rest baby, we'll talk about this tomorrow, okay?" Bulong niya sa akin matapos niyang kumawala sa yakap ko.

"I'll get you some clothes. Wait here." She said at marahan akong hinalikan sa labi. Gusto ko na lamang maiyak habang tinitignan siyang inaasikaso ako after this disastrous day. I just wanna hug her till we both feel better and till the worlds forgets about how stupid their stereotypes are!

I'm never an apostle of the norms that our country had. Hindi ako ung tipong sumusunod sa cultural standards ng mga tao sa paligid ko. Those set of beliefs that they consider a taboo and those they only qualified as the good deed. Dati wala akong pakialam doon because it doesn't affect me. But now? I know why a lot of people voice out their identities even if it cost a lot, iba ung sarap ng freedom kapag alam mong wala ng pipigil sayo sa kung ano ka. The freedom to be the real you.

And Ven along the way? I discover a part of myself that is human, I have never been this happy, the months that I had with her are my most joyous days in my whole life span, and no chemical reaction nor equation, laws or principles will ever justify how contented I am with her.

Ayokong i-label ang sarili ko as lesbian or bi or whatever. I just want to be a full human, accepted by the people around me. Iyon lang. I don't need the title because it will not define me anyway on who am I as a person. I just want to be accepted. Accepted with her.

"Here, baby let me help you." She lowly said kaya naman ay umupo ako patalikod sa kanya as she unzips my dress. Tahimik lamang akong dinadama ang bawat haplos ng daliri niya sa likod ko. When I know that she totally unzipped my dress, muli akong humarap sa kanya as she slowly removes my arms on the sleeves of the dress. Tuluyan na niyang nataggal ang dress and I'm almost naked in front of her, the only clothing left on me is my thigh spandex shorts and panty. Pero wala man lang siyang reaksyon, hindi dahil sa nasanay na niya pero dahil hindi iyon ang nasa isip niya ngayon, she's preoccupied on putting me her softest oversized shirt, it's length is in my mid-thigh already.

Nang maisuot niya na sa akin ang t-shirt ay agad niyang binuklat ang comforter ng kama niya, she motions me to lay there na agad ko naman tinalima. She also changed her clothes into something comfortable before occupying the space beside me. Agad niya akong inilapit sa kanya, ginawa kong unan ang isang braso niya while her other arms are wrap around me already. Even her thigh is on top of mine, damang-dama ko ang init niya kahit pa malamig naman na sa kwarto niya.

"Rest, Yanna." She huskily said habang tinititigan ako. Her deep set of brown eyes are really beautiful in the dark, lalo na kapag malapitan. I couldn't fathom how beautiful she is and how blessed I am to be loved by a woman like her. And I'm such a curse to her because I couldn't give her the only thing she as me to do. Be brave.

"I'm sorry." Makahulugan kong bulong habang nakatitig sa mga mata niya, marahan naman siyang bumuntong hininga bago umiiling sa akin.

"You don't need to." She softly whispers bago ako dampian ng halik sa labi. Gusto ko na namang maiyak dahil sa sinabi niya. Kinagat ko ang pam-ibabang labi ko habang tinitignan siyang ilapit pa ako sa kanya.

"Please, rest first Yanna. Don't make a decision when you're in pain. I'll mend you." Mahinang sabi niya bago ako ipwinesto sa leeg niya. Gusto ko mang makipagtalo sa kanya at mag-sorry ng paulit-ulit. Hindi ko na nagawa dahil ang makulong lang sa mga yakap niya ay napapanatag na ako.

"I love you Ven, always remember that I do."

"I love you too Yanna, please stabilize yourself for us."



"Punyeta!" Annica is in hysteria habang nakatingin sa phone niya. Para akong pinipilipit while looking at the both of them, kakauwi ko lang galing sa unit ni Ven when both of them call Ven if they can borrow me for a moment, at oo may number sila ni Ven, hindi ko alam paano nila nakuha iyon but they have!

"He's just too much!" Sigaw naman ulit ni Annica habang pinapakalma siya ni Monique.

They both look at me and I'm just horrified how Caleb can go this low, ni hindi ko na naiintindihan kung anong gusto niyang ipunto. There's this video of him again, and it's worse than I can imagine, he's in a bar at nagwawala siya! Literal na kinakalat niya ang kawalang-hiyaan niya, he's there on the floor, he looks morbid dahil sa sobrang kalasingan ang all he was uttering is my name! My precious name!

"Arya! I'm sorry! Pero I'm going to post the video! I'm so done with that dickhead! Tangina! Huwag siyang papakita sa akin dahil puputulin ko 'yang etits niya! Akala mo daks kung makangawa!" Annica shouted, napapikit na lamang si Monique at sinamaan ko naman ng tingin si Annica dahil sa sinabi niya.

"Don't Nica!" I said pero mukhang hindi na siya nagpatalo, she's now busy buzzing her phones. Napahilamos na lamang ako ng mukha dahil sa nangyayari! This is so not good for breakfast!

Agad kong kinuha ang phone ko. Pareho naman napatingin sa akin si Monique at Annica. I dial Caleb's number, at ilang rings pa ang dumaan bago niya sagutin iyon.

"H-hello? Fuck! Graveyard pa! Sino 'to?" paos na paos na bungad niya sa tawag.

"Let's talk, Caleb."



"Arya, look I'm so—"

Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng itama ko ang palad ko sa pisnge niya. Grabe rin naman sa kakapalan ng mukha ng lalaking 'to, namanhid yung kamay ko.

Andito kami sa likod ng isang building namin, I made sure to pick a spot na kung saan walang tao, lalo pa't umaga pa lang at lahat ay nasa klase, ginawa ko pang look out sina Monique at Annica para mas ligtas ako. Wala na akong tiwala sa bawat tutok ng kamera sa akin, lagi na lamang nilang inaabangan ang bawat pagkakamali ko. 

"That's for ruining me." I feel my insides breaking ng bitawan ko ang mga salitang iyon, he looks at me in shock and pain, mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko.

Ang titig ko sa kanya ay puno ng galit. How could he possibly put me in a situation like this?

"Arya, I don't know—"

"Caleb, pwede ba tama na? I don't want to hurt you anymore and I'm sorry if I can't point it out to you for the past years but I don't like you." Matalim na sabi ko sa kanya na ikinatahimik naman niya, dahan-dahan siyang napayuko dahil sa sinabi ko. Even though a little guilt is forming in me, mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

""I-I'm sorry." Mahina niyang sabi. Napapikit ako dahil hindi ko na gustong magalit pa sa kanya. Ayoko ng magalit pa siya sa akin at ayoko na rin magtanim ng sama ng loob sa kanya.

"Just please stop. I know you're good Caleb. Don't let your unrequited feelings for me ruin you. You're better than that." Mahina kong bigkas habang nakatungo lamang siya doon. Nikita ko ang bahagyang panginginig ng mga balikat niya while he's just looking down, embarrassed of what he did. Marahan akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya.

He finally let out a small sob when I reach him, dahan-dahan niya rin akong niyakap pabalik kaya naman sobrang naawa ako sa kanya. He looks so fragile in front of me, and I couldn't imagine I can have this power over him and break his heart. I tried for the past years na gustuhin siya pero I never reach the point of liking him enough to be with him.

I know how genuine his feelings are. Lalo pa't ngayon ay humahagulgol siya sa harapan ko, a part of me is breaking because I know I consider him as a friend at least with the past years that he keeps on bugging me. I know he's a true lover, sobrang swerte ng babaeng kayang i-reciprocate ang feelings niya someday, because Caleb will go through heaven and hells just for her.

"I'm sorry, Caleb. I really am." Mahina kong bulong sa kanya at hinaplos ang likod niya habang patuloy siyang naiyak sa balikat ko.

"I'm sorry. I'm sorry." He repeatedly murmurs those phrases in between his sobs at naramandaman ko ang sakit habang patuloy siyang pinapakinggang umiyak sa akin.

"It's okay, It's okay, Caleb." Mahina kong tugon sa kanya.

We stayed like that for a couple of more minutes bago ako kumalas at magpaalam sa kanya. He's just continuously told me how sorry he is. Mabuti na nga lang at hindi pinost ni Annica ang video ni Caleb doon sa psarty because that would be another social media chaos, ayokong saguting ng ganun ang bawat paratang sa akin. I don't want to ruin Caleb's image; I just think that he doesn't deserve that kind of treatment.

Bumalik na naman kami nina Annica sa kanya-kanya naming mga klase. After our class, dumiretso ako ng unit ko para makapagpalit na dahil pupunta ako sa game nila Ven for this day.

Ang bilis nga lang dumaan ng mga araw dahil ngayon, starting na naman ang last season ni Ven sa UAAP. I just want to be there every moment that she will seize it.

Pumasok muna ako sa unit ni Ven para sana pumuslit ng isa sa mga luma niyang uniform at iyon ang isuot. Though I'm not really a fan of dry fit clothing, I tried it at sakto lang din naman sa akin.

It's a green sleeveless dry fit top, ang pangalan ng school namin ang nakaimprenta sa harapan maging ang iilang logo ng sponsors, meron pang maliit na kwelyo ang uniform nila. Sa likod ay ang apelyido niya. Montevedra with her number 8.

Umakyat na ko sa unit ko ulit para makapagshower at mag-ayos. Nagsuot lang ako ng ripped jeans at white sneaker, kinuha ko pa ang clipboard ko na puno ng files nila at niready ko na rin ang mga camera at tripod na gagamitin ko. Agad akong bumaba at nagtungo sa sasakyan ko at nagdrive na papunta ng arena.

Pagtapak ko palang sa entrance ng arena, ang dami na aga ng mga taong nakagreen and blue, napatingin pa ang iilang mga tao sa akin ng mapansin nila ang suot ko. I can even hear some of them gossip about me and even took pictures of my back. I bite the inside of my cheeks to refrain myself from reacting. If I want to do better with Ven, I should start accepting myself that is in love with a woman.

Hindi na pinapasin pa ang reaksyon nila ay agad kong hinanap ang daan patungo sa court. I can see the players are now warming-up. Ang iilang players ay nasa gilid at inaayos ang compression tights at knee pad nila. Nakita ko pang napatili si Dwayne ng makita akong papasok ng court side.

"Oh My G! Captain!" Malakas na tili ni Dwayne ng makita ako. Halos lahat ng girls sa team ay lumuwa ang mata ng marealize nila ang suot ko.

Ven from the other side na kausap si coach Rem ay napatitig sa akin ng makita niya ang uniform niya na suot ko. I bit my lower lip at dahan-dahang ibinaba ang mga gamit ko sa benches.

"Hala! Official na! May pagsuot na ng uniform namin! Coach!" Tili naman ni Lily at niyugyog pa si Tim kaya naman natawa na ako sa reaksyon nila. Kinuha ko ang tali sa bulsa at ipinusod ang wavy kong buhok. Halos lahat sila ay nakatingin na sa amin habang si Ven naman ay pailing-iling pa mula sa kinatatayuan niya.

Agad na lumapit sa akin ang iilang players, even Mina from afar looks shock by my outfit today. Pananagutan ko na po ung captain niyo.

"Tangina!" Sigaw ni Kim, natawa pa ako ng makitang may hati sa gitna ang maikli niyang buhok dahil sa tali sa tuktok ng ulo niya. They all feel thrilled by seeing me in their old uniform with their captain's surname at the back. Kahit si coach Rem ay may sinabi pa kay Ven habang natawa.

"Captain! Ano 'to! Walang pasapasabi! Nakakaheart broken." Tipid namang napangisi si Ven sa sinabi ni Kierra at nagsimula ng lumapit sa amin. Napalunok naman ako dahil sa mga titig niya.

Her eyes are full of amusement while looking at me. Bahagya pa niya dinilaan ang labi dahil hindi mapigilan ang ngiti.

"Oh?! Arya! I didn't expect this! Welcome to the family!" Natatawa namang saad ni coach habang nakikipag-apir pa sa mga players niya. I smile at them, knowing how they actually accept me. Nakita ko namang gumilid na sa akin si Ven kaya naman humiyaw na talaga si Dwayne.

"Tangina! Girl! Kinikilig ako!" Banat ni Dwayne kaya naman sabay-sabay silang natawa. Ven looks neat in their white uniform for the game, si Dwayne lang yata ang naka-green sa kanila ngayon.

"What's this baby? Your stealing my uniforms now?" natatawang bulong niya sa akin habang pumupwesto na sa likod ko. Muli akong napakagat sa labi ko ng maramdamang hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang iniusod ang laylay na buhok ko.

"Montevedra 8. I like it." Natatawang saad niya, umirap naman ako ng tingin dahil alam kong deep inside ay natutuwa na siya. Nakita kong nagsidatingan na ang makakalaban nila. The girls in their blue uniforms are dominating the crowd dahil lumakas ang sigawan nila ng lumabas sila.

"Goodluck." Mahina kong saad ng humarap na ako sa kanya, sumilay naman ang ngiti sa labi niya ng sabihin ko. Nakita kong aamba sana siya ng halik sa akin kaya naman agad kong itinakip ang palad ko sa mukha niya, natawa pa ako ng ngumuso siya.

"No to PDA, cap." Makahulugan kong saad kaya naman humalik na ko sa pisnge niya at umalis sa harapan niya.

"Sana all may kiss!"

"Arya! Ako rin!"

"Lord! Send jowa!"

I laugh at their sentiments lalo pa at nakita nila ang bahagyang pagkabigla ni Ven sa ginawa ko. Inasar pa siya lalo nina Kim ng matulala pa siya doon habang ako ay dire-diretso na sa pag-aayos ng mga camera for recording.

"Iyssa! Baby! Where are—what the fuck?!" Nagulat ako sa sigaw na nanggaling sa likod ko. Lahat naman kami ay napatingin doon, it's the plastic Barbie doll in a very shock state. Narinig ko pa ang tawa nina Kierra sa gilid dahil sa reaksyon niya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin habang gigil na gigil na nakatingin sa suot ko. I frown at her ng makita kung paano nagpupuyos ang mukha niya sa galit!

I can see how her beautiful eyebrow arched at me. Gustuhin ko mang magflip-hair sa kanya ay hindi ko na ginawa dahil baka hilahin na niya ang buhok ko sa inis.

"Why are you wearing that! That's supposed to be mine!" She shouted at my face at tinulak pa ako sa balikat na nagpaurong sa aking sa likod na siyang nagpasinghap sa akin but I regain my composture immediately. I look at her own volleyball uniform at tinaasan siya ng kilay.

"You have your own uniform, if you want our uniform, transfer to our school." Mahina kong saad at tumalikod na pero hinila niya ako ng marahas paharap ulit.

"Ano ba?" I hissed at her at nakita ko ang gulat sa mukha niya ng umangal ako sa kanya. 

"Bea, what the hell?!" Rinig kong sigaw ni Ven ng lumapit siya sa amin. I can even see a lot of pair of eyes wondering about the scene she's making!

Seriously? People will only notice me when I'm off ridge! 

"I don't want your stupid school uniform! I want her uniform!" The brat in her really did came-out matapos niyang sabihin iyon. I can sense our players' deadly stares at her while she's trying to lash out about Ven's uniform.

"Christ!, Bea tama na." Now Ven grips her arm at inilayo sa akin. Her voice is full of conviction, at napatingin naman sa kanya ung plastic na Barbie doll na yon. Her face suddenly turns so soft like a puppy upon seing Ven this close, gusto ko na lamang umirap at sumuka sa harapan niya.

"Why is she wearing your uniform?!"

"Because I'm her girlfriend!" I hissed ng itanong niya iyon. The shock on her face is evident lalo pa ng makita niyang ngumiti si Ven ng malapad sa akin.

Kahit ang iilang members ng team ay kinilig sa sinabi ko. I raise my eyebrow on her ng makita ang hindi makapaniwalang mukha niya.

Take that bitch! Darag ka pa, ah.

"W-what?!" She shouted na parang gulat na gulat, I want to laugh at how embarrassing it is for her pero sina Kim at ang ibang girls na ang palihim na tumawa at umubo sa kanya.

"Bea! Ang kalat mo!" Napatingin kaming lahat ng may makitang babae in a yellow shirt with a tiger on the front. Hinila siya nung babae kaya nagpatyanod naman siya paalis, still in a shock phase kahit pa kinakaladkad na siya ng babaeng naka-yellow.

"Oh! Pahiya onti! Bukas bawi!" Asar ni Kierra sa kanya ng makalabas na ng court kaya tatawa-tawa naman sila.

"'I don't want your stupid uniform; I want her uniform' Attitude! 'Di naman jowa!" Asar ulit nila kaya kahit ako napangiti na kung paano nila suportahan ang lovelife ko. Napatingin naman ako kay Ven na titig na titig sa akin habang may mga ngiti sa labi.

"You have to hold on for being my girlfriend hanggang dulo." Makahulugan at pilyang sabi ni Ven. Inirapan ko naman siya at bumalik na sa pag-aayos ng tripod ng mga camera.

Nagsimula ang game ng mainit at punong-puno ng tension, well their opponents today are their main rival kaya naman pump-up na pump-up ang buong team. Kitang-kita sa kanila ang gigil na matalo ung kalaban, ngayon nila nilalabas ng sobra ang swag nila, even Mina looked down on the outside hitter ng kabilang side ng ma-block niya ang kalaban, she even bounces off a little because of joy and the thrill, tumalbog pa ang maiksi niyang buhok.

Umabot ng fifth set ang laban. Mabuti na lang at sobrang reduced ng error ng team today kaya advantage 'yon sa kanila. We actually tried to put them underpressure, kada kasi makakagawa sila ng error sa game ay dada gang training nila as a whole team. Ayan, natakot tuloy magkamali.

The girl in the blue side serve the ball, maganda iyong nakuha ni Dwayne kaya naman agad iyong senegundahan ni Kim at isinet kay Syd na magandang napalo ang bula but the defense on the other side of the court is hard to penerate kaya bumalik ang bola, good thing Mina keeps the ball alive, nagulat naman kami ng biglang sumulpot si Ven sa taas ng net at tinoss ang bola. We didn't even know how she got there. Agad na nagwala ang green side audience ng arena ng maging puntos iyon. Tahimik naman akong nakatayo sa gilid ng camera, sometimes taking notes, but mostly enjoying them play for the team.

Pumwesto naman si Syd sa service area kaya naman agad ko siyang nginitian at nagthumbs up, inayos niya pa ang iilang laglag na buhok sa maliit na coconut pigtail niya bago i-sinerve ang bola. Akala namin ay hindi iyon papaluin ng libero pero nagulat ako ng sinubukan niya paring irecieve iyon, dahil masyadong mataas ay hindi niya nakuha iyon at dumiretso palabas ng court.

"It's an ace! De La Fuentes!" Sigaw ng commentator kaya mas nag-ingay ang mga nasa arena. Napatalon-talong pa ang players sa benches dahil sa ace na iyon. Napasapak naman sa hangin si Syd ng hindi iyon nag-error. Two points away na lang sila para Manalo!

Agad puwesto ulit si Syd sa service area at nagbigay ng magandang serve, targeting the center of the opposing court, napakagat ako sa labi ko ng makita kung paano nag-pancake ung libero nila para lang maabot ang bola at mapanatiling buhay ito. The setter immediately fuels the ball towards their outside hitter pero napansin kong mababa ang talon niya, kaya kulang sa pwersa ang bola na tumama lang sa block ni Mina at Kierra. Agad namang pumwesto si Kim para iset ang bola na agad pinalo ni Ven, grabe ung agility niya mula sa pagtalon. Kahit pa sabay lang silang tumalon ng blockers, mas tumagal ang air time niya bago paluin ang bola, napasinghap pa ako dahil pagbagsak niya ay diretso siyang napaupo. Mina immediately helps her to get up. At isang puntos na naman para sa team. We're one point away from winning the whole game.

Nang i-serve ni Sydnney ang bola, nagulat ako ng makitang papunta yun sa left side ng court, halos suminghap ako ng bumagsak ang bola pero ng isenyas ng line men na pasok ang bola, halos magsisigaw na ang players dahil pumasok iyon!

"An ace!"

Bakas ang pagdidiwang sa kanila habang nakangiti naman akong nakatayo doon.

"Ate?" Napatingin naman ako doon sa babaeng tumawag at kumalabit pa sa akin. One of them seems like a freshman in height, habang ang isa naman ay halos kasing tangkad ko. The smaller one is wearing a green shirt while the other girl is wearing a blue one.

"Po?" Magalang na tanong ko sa kanya at napaayos pa ng tayo. Nagkatinginan pa silang dalawa bago bumalik ang titig sa akin at nagsalita.

"Girlfriend po kayo ni Iyssa Veriane?" Napalunok naman ako sa tanong at lumingon kay Ven na nakatingin sa akin kahit pa niyayakap na siya ng mga ka-team niya. A part of me is hesitant to answer pero ng makita ko ang ngiti ni Ven, agad naman iyong napawi.

"Oo." Diretso kong sagot habang nakatingin pa rin kay Ven.

"Hala! Nakakabaluktot naman 'to! Ate, ang ganda niyo parehas! Awit!" tili nung babae bago umalis sa harapan ko at hinila ung kasama niya na ngingiti-ngiti rin.

I didn't know this is heartwarming. To finally tell everyone na she's mine, all alone. Ang sarap pala sa pakiramdam na walang tinago. I couldn't fully say na I'm all out to this, I just want to let Ven feel na I'm trying. Kahit pa mabagal ang usad, I'm trying to be with her league. Gusto kong subukan.

Nagulat ako ng makitang nasa gilid ko na si Ven, dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko para hawakan iyon.

"Captain! Ipapatanggal na kita kay coach! Mukhang happy living ka na eh!" Rinig kong asar nina Kierra sa kanya kaya naman natawang lumingon sina Ven sa kanila.

"Saglit lang! Atat ang bitter!" natatawang sigaw pabalik ni Ven pero dinilaan lang siya ni Kim at Kierra. Iniharap naman niya sa akin ang mukha niya at marahang hinahaplos ang isang kamay ko, drawing small circles there.

"Thank you." She said at marahang pinagsaklop ang mga daliri naming, napangiti naman din ako habang tinitignan siya.

"I hope you won't get tired of waiting for me to be ready." Mahina kong bulong sa kanya kaya marahan naman niya akong hinalikan sa noo.

"Kakain kami, samgyupsal? Gusto mo sumama?" tanong niya at mukhang tinutukoy ay an after celebration para sa game na ito.

"Nah, may kailangan pa kong gawin. I'll just wait you in your unit." Sabi ko naman tumango na siya at marahang pinisil ang kamay ko.

"I'll see you later then, ingat pauwi ah. You have your car with you?" tanong niya pa kaya naman agad akong tumango sa kanya.

"Yes, Cap. Ingat rin kayo, just message me. I love you."

"I love you too." She said at ngumiti pa, hinalikan naman niya ako sa pisnge bago tuluyang magpaalam, inaya pa ko ng players na sumama pero I refuse dahil may mga kailangan akong tapusin para hindi na mamoblema this weekend.

After kong mailigpit ang mga camera ay umalis na rin kaagad pauwi sa bahay.


The days went by so fast, hindi ko namamalayan na halos ilang linggo na ang lumipas since my wrecked birthday, both my parents didn't force me to talk to them though they both want to discuss the topic, ayoko munang dagdagaan ang mga dala-dala ko. I'm working it through slowly on my plate, isa-isa lang. Kalmahan lang natin.

Ang bilis lang din natapos ng mga linggo ko, I always attend the game of the team at ngayon ay abante na sila sa semi-finals. Kahit ako ay natutuwa dahil they are really digging to get their back-to-back championship for this year, lalo na si Ven because it's her last year as a player for our school and as a Captain of the team. 

Sa sobrang busy ni Ven ay mas nabawasan ang oras niya sa amin, though I'm a bit in a hectic schedule too, hindi na rin ako nagreklamo at ibinigay na ang oras na kailangan niya. I just manage to attend every game. Nasuot ko na nga yata ang anim na uniform niya for the four years of playing eh! Hindi ko palalampasin ang isang game na hindi suot ang uniform niya.

Padarag pa kong bumangon mula sa pagkaktulog, ng maramdaman ni Ven na umupo ako, agad niya akong hinila pabalik sa pagkakahiga, nagpakawala pa ko ng isang ungol ng daganan niya ako ng isang hita niya.

"Ven! Kanina pa may nagdodoorbell!" sita ko sa kanya. Ang sakit tuloy sa ulo ng gising ko dahil sa walang tigil na pagdodoorbell.

Napatingin ako kay Ven na ang tangin kumot lang namin ang tumatakip sa katawan niya. Napailing naman ako thinking na it's Sunday pero may maglalakas loob na manggulo sa umaga. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman tumalikod na siya at ung unan na lamang ang niyakap.

Tumayo na ako at kumuha ng undergarments at isinuot iyon. Isinuot ko ang isang shirt ni Ven at dolphin shorts na meron ako sa cabinet niya. Naiipon na nga ung damit ko dito sa unit niya eh!

Pinulot ko muna ang iilang nagkalat na damit naming kagabi at inilagay iyon sa tabi bago ako lumabas ng tuluyan sa kwarto niya.
Mas lumakas lalo ang tunog ng doorbell kaya naman napabusangot ako ng marating ko ang pinto niya.

"Sandali lang!" Sigaw ko pa bago buksan ang pinto.

The girl in her late 30's with dark brown piercing eyes faces me when I open the door. Nagulat naman ako ng taasan niya ako ng kilay as she scans me from head to foot. Ang perpektong niyang mukha na binibuo ng kurbadong kilay at mayayamang mga mata, matangos na ilong at very high cheekbone, nakacorporate attire pa ito. In an office suit and trousers na kulay beige. Bumalik ang mata ko sa mukha niyang napaka pamilyar sa akin.

"Are you done checking me out?!" Napasinghap ako sa tanong niya at nailang bigla, nakita ko pang tinignan niya ang likod ko bago bumalik sa akin ang atensyon niya.

"Who the hell are you and where's my one of a hell menance daughter?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She's looking mockingly at me habang ako naman ay hindi makapaniwalang nanay ni Ven ang nasa harap ko. Hindi sila magkamukha! This girl is so white, mahihiya si Snow White sa kanya!

"Tumabi ka nga diyan, estupida" She annoyingly said at tinulak ako pagilid, napapitlag pa ako ng tumama ako sa gilid ng pinto dahil sa ginawa niya.

She gracefully storms the living area at naupo ng elegante sa couch doon. She put her one leg over the other at naupo na parang trono ang couch ni Ven. Binuklat niya pa ang pamaypay niya at marahang pinaypayan ang sarili.

"Don't just stand there, dear. Call my bitch daughter and tell her that her evil mother is here." Sa paraan ng pagkakasabi niya at sa sobrang pulang lipstick niya ay nataranta akong tinakbo ang kwarto ni Ven. Pagpasok ko doon ay nagbuga ako ng malalim na hininga at inakyat si Ven sa kama.

"Ven, gumising ka na!" Sigaw ko sa kanya but she just covers her face with pillow. I growl in so much frustration dahil ayaw niya pang gumising. Yung nanay niyang magandang version yata ni santanas ay nasa labas samantalang siya ay hubo na natutulog dito!

"Ven! Your mother is her." Para siyang zombie na biglang nabuhay ng bigla siyang bumangon dahil sa sinabi ko. Masama niya pa kong tinignan kaya inirapan ko naman siya.

"What did you say?" Nagagaragal pang tanong niya habang nakatulala sa akin.

"I told you your mother is outside. She told me to tell you that you're a bitch and she's your evil—"

"Tangina si mama nga!" She hurriedly said at bumangon para makapagbihis. Halata ang takot sa mga mata niya pero napatigil naman siya at unti-unting ibinalik ang tingin sa akin.

"Yanna, Jesus?! May sinabi ba siyang masama sayo?! Tangina!" She looks so horrified by the idea of her mother outside kaya naman agad akong umiling, bukod sa tinawag niya akong estupida wala PA naman siyang ginagawa sa akin.

"Damn, that woman is killing me." She said bago ako dampian ng halik sa labi. Bumuntong hininga pa siya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Sumunod naman ako sa kanya at halos lumuwa ang mata ko ng makitang binato ng mama niya ung pamaypay na hawak niya. Ven easily doges it off na bumagsak naman sa kitchen area.

"You stupid bitch!" Sigaw ng mama niya. Her voice is being amplified by the small space of Ven's living room. Kitang ko pa ang galit sa mukha ng nanay niya. Tenga ko ang nagpapantig dahil grabe kung magmura ang mga babae sa harapan ko.

"Ma! Get out! I told you! I'm fine!" Sigaw ni Ven mula sa malayo. Masama naman siayng tinignan ng nanay niya at kung may hawak lang ito ay mukhang babatuhin na niya agad si Ven. She pursed her red plump lips at masama akong tinapuna ng tingin kaya naman dumapo kaagad ang kaba sa akin.

"I told you! Isa ka pang boba! No girls in your unit! Tapos malalaman ko na you have a disgusting thing with this girl! You can have all the boys in the world young woman! Pero ano?! How lowly are you to get a girl like her?!"I feel like a part of me break in a second ng bitawan niya ang mga salitang iyon. Nanikip ang dibdib ko ng rumihistro sa utak ko ang sinabi ng mama niya.

I can feel Ven's worried stares at me pero napayuko lamang ako at napahawak sa sarili kong mga kuko. I bite my lips to surpress any emotion that I might feel towards her mother.

"At ano?! Yuyukuan ka lamang ng babaeng ito?! After niyang makipag-sex sayo?! Oh my god! You're so brainless!" Sigaw ulit ng nanay niya kaya naman napalunok na ako. I can even feel the heat inside my chest as her words corrupts my mind. Mariin kong pinikit ang mga mata ko ng maramdamang magtubig ang mga iyon.

"Ma! Tumigil ka! She's not just a girl!" Ven defended my name infront of her mother na mas lalong nagpalubog sa akin sa hiya sa harap ng nanay niya.

I can feel her stares penetrating me at parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Ang mapang-uyam niyang tawa ang sumagot sa sinabi ni Ven.

"Not just a girl?! She's a girl Iyssa Veriane! Bakit mabubuntis ka ba niyan?! Will she give you a family of your own?! No!" Her mother roared in front of Ven. Her words are really spiking. Lahat iyon nabaon sa puso ko. I can feel how painful her words would linger in me. Hindi ko na nagawang iaangat pa ang mga tingin ko at naestatwa na lamang sa kinatatayuan ko habang unti-unting nadudurog sa mga salita niya.

The familiar feeling of being inside a coroaded space makes me want to vomit, ang mga salita ng ina niya ay inilalagay ako sa isang silid na unti-unting iniipit ako, ang isip ko. My surrounding is getting hotter and hotter as every seconds past. Damang dama ko ang init na pinapakuluan ako. I feel like burning by her words and getting cook by her mere existence! I can feel myself breathing heavily to control my thoughts as it rushes down toward my cerebellum.

"Mama!" Ven shouted at kahit sa boses niya ay dama ko na frustrated na rin siya.

"Bakit?! Totoo naman ang sinabi ko ah! Get rid of this girl in this instance Veriane! Now!" Nagulat ako sa lakas at tindi ng sigaw niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Her elegant face is now painted with disgust and hatred to her daughter.

Kahit siya ay nagpupuyos sa galit dahil sa akin. Her white face is now burning red dahil sa tindi ng puot habang tinitignan ako and I couldn't even do anything aside from getting hurt from her words.

"You're evil! Bakit hindi mo na lamang ako hayaan?! I told you! I don't want anything from you anymore!" Ven shouted in anger also, they are both furious and mad at each other.

Ven is fuming mad, kita ko ang pagkakuyos ng mga kamao niya na parang pinipigilan pa ang sarili, her brown eyes are even shouting anger against her mother. Pareho silang pinapatay ang isa't-isa sa titig. Wala akong magawa kundi panoorin na lamang sila habang tahimik na nasasaktan sa sinasabi ng mama niya.

"Yes I'm! And I'm telling you Iyssa Veriane! Pinayagan na kitang mamuhay sa paraang gusto mo?! I let live by yourself! But seriously?! Sleeping with a girl?! Having sex with your same sexuality? Are you really satisfied with her?!" para akong nasampal dahil sa binitiwang salita ng nanay niya. I feel like something inside of wrecked when her mother told her that. Napaawang ang bibig ko habang tinitignan si Ven at bumalik ang tingin sa nanay niya. Napatingin naman sa akin si Ven at umiling, like saying that I shouldn't be move by her mother's words.

"Ano? Daliri na lang?! Don't tell me your using sex toys?! Damn women! What are you even thinking! You cannot have a child Ven! You cannot have a family with that! And this woman can never satify your needs?! Walang-wala siya sa lebel mo!" She angrily said habang direktang nakatingin sa akin, pakiramdam ko sinampal niya ako ng paulit-ulit ng hindi man lang nag-eeffort na pagbuhatan ako ng kamay and I feel helpless just by receiving her painful words.

With every word felt like a knife stabbing me. Kailan man hindi ko naisip na iyon. The tought of having a family with her or giving off a child? Ang sakit pala kapag sinampal sayo ng reyalidad ang mga bagay na pilit mong iniiwasan. Doon nagsink-in sa akin na, it's true. I couldn't give her a family, as she could give me that.  A biological one!

Nakita kong umiiling si Ven ng makitang naluha na ako sa harapan niya, gusto kong sigawan ang mama niya sa sobrang galit at sakit pero hindi ko nagawa, nanatili akong nakatayo sa harapan nila helplessly looking at both of them.

"Tangina ma! Tama na!" Sigaw ni Ven kaya naman hindi ko na napigilan mapaluha while watching them turn into chaos in front of me.

"Don't you fucking curse on me woman! I'm your mother! At kahit kelan hinding-hindi ko itotolerate ang babaeng iyan! If you're telling me you love her, well for goddamn sake! Stop you dellussions! I had enough of you for the years! I accepted you living on your own proving something out of yourself?! But having a relationship with a girl! No! No! No!" Her mother is in hysteria habang pinapakinggan ko siya, kitang-kita ko kung gaano siya ka hipokrita sa harap ng anak niya at kung gaano katalim at kasakit siya magsalita.

Napakagat naman ako sa labi ko to surpress a sob coming out from me, I can even hear her mother mock my cries as she looks at me full of disgust. 

"Mama!"

"Get-out! Get-out now! Leave! And never comeback!" sa lakas ng sigaw niya ay kusang gumalaw ang mga binti ko para maglakad palabas but Ven instantly stop me midway.

"Yanna, no." She pleaded, I feel like breaking while looking at her pleading eyes na huwag siyang iwan pero hindi ko nakaya ang mga sinasabi ng nanay niya. Damang-dama ko na dinudurog ako sa kaloob-looban ko habang nakatingin sa nagmamakaawang mukha niya.

She's on the verge of crying to kaya naman mas lalo akong naiyak sa kanya. I bit my lower lip hardly that I can even taste metal from its blood. Pero iniisip ko pa lang ang maririnig ko sa mama niya ay parang mamatay na ko, another word from her mother and I think I might fall out of line. Hindi ko kayang bastusin ang nanay niya pero mas hindi ko kayang hayaan ang mama niya na bastusin ako ng harap-harapan.

"Let's just talk after this." Mahina kong bulong bago iginaya na bitawan niya ang kamay ko. A part of me was left when her eyes produce tears pero umiling na lamang ako sa kanya hanggang sa makalabas ako ng unit niya.

As a step out of her doorway, the rushing stream of tears flow in me. I feel the heat inside my heart burning my insides, reaching my boiling point.

Outside there, alone. I cried my heart out, breaking every piece of me with the thought that after leaving her I might never get her back.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
719K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...