Why Does it Matter?

By Menggguy

26.2K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... More

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 6: Origin
Chapter 7: Concentration
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 10: Chemical Reaction
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 15: Boiling Point
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 19: Heat Capacity
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 14: Pressure

668 32 3
By Menggguy

"So? Anong plano? Shit! Coming 20's ka na din! Nakakaloka!" Tili ni Annica habang inilalapag ang lunch namin for today, agaran ko namang kinuha ang iced coffee ko para magising ulit ang diwa ko.

"Nababaliw na ko guys, 'di ko alam paano ko isu-survive etong third year!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Monique habang tinitignan lahat ng kailangan niyang readings, alam ko pinapaulit sila ng dissection dahil halos masuka-suka daw ung isa nilang kagrupo kaya bokya sila sa prof nila.

"Girl, natutulog ka pa ba?!" Tanong sa akin ni Annica ng tignan niya ako.

"Hindi ko alam kung nakatulog ako kanina." Sagot ko sa kanya at uminom pa ng kape ko, hindi ko na pinalagyan ng vanilla 'to ngayon para tumapang-tapang naman. Diba self? Tumapang-tapang? Kaya mo 'yon?

"Pero girl, anong nangyari ba? Di ka na nagkwento!" sita sa akin ni Annica. Inirapan ko naman siya bago sumandal sa back rest ng upuan ko at pumikit. Narinig ko pa siyang sinita si Monique na ngumangawa na naman dahil sa struggles niya, I guess lahat naman kami nahihirapan na sa third year namin, kaya pala sobra ako kung kulitin ni Ven noon dahil sobrang nakakamatay na pala 'to.

Katatapos lang ng biggest work na kailangan kong i-accomplish, demonstration about nuclear chemistry, at halos matunaw na ung utak ko kakagisa ng panel sa akin kanina. Parang gusto ko na lang maging molecular size ng sarili ko, or mag-fission kanina para lang mawala sa harap nila. Thankfully, natuwa naman sila sa presentation ko, kinausap din ako ng prof ko kanina na kung pwede ba naming pagdiskusyunan ang isang conference about sa isang offer ng school, Um-oo naman din ako dahil sayang ang opportunity.

"I said I need time." Sagot ko sa tanong niya, pagkadilat ko namataang kong nakataas naman ang isang kilay ni Annica sa akin.

"Ay, bongga ka bakla! I need time, lintek! Parang normal na linyahan ng mga heartbreaker ah!" maarte at mapang-uyam na pang-aasar niya sa akin kaya naman inirapan ko lang siya.

"Anong reaksyon niya?" Tanong naman niya sa akin ulit, kaya sumimsim na muna ako sa kape ko.

"Tahimik noong una, and she asked why." I said at medyo ngumiwi pa.

"You need time? Bakit Arya hindi kaba sigurado sa akin? Sa atin?" She asked in disbelief, habang bahagya pang lumalayo sa akin. Agad ko namang hinabol ang mga pisnge niya upang pakalmahin siya, the familiar pain in her eyes were striking again na nagpabigat lalo sa puso ko habang tinitignan siyang nagkakaganito. Ang sikip-sikip ng dibdib ko habang tinitignan siyang lumalayo sa akin, ang sakit.

"No, no. Ven. I just need time." Sagot ko naman sa kanya, habang inaalo siya. Bahagya niyang iwinaksi ang kamay ko na nakahawak sa pisnge niya. Nagulat man ako sa reaksyon niya ay hindi ako natinag.

"Why?" Punong-puno ng sakit na sabi niya. Napasinghap ako sa reaksyon niya, lalo na ng magtubig ang mga mata niya. Damn! How could I put this woman in such pain!

"I just need to adjust, to my friends, my family and those...people around me." Marahan kong sagot sa kanya, bahagya pang umirap ang magaganda niyang mata bago ibalik ang masakit na titig sa akin. I can feel my insides turning up lalo pa't nakita kong dismayado siya sa sagot ko.

"Ibang tao na naman, when will it be me? Kelan mo iisipin ang sasabihin ko, Yanna?" And with that natahimik na lamang ako. I look at her as she shook her head with dismay on her face. Kagat-kagat ko lamang ang labi ko ng ma-realize ko kung gaano ako ka-unfair sa kanya.

"Yanna, I just want to be your woman. Mahirap ba iyon?" Hindi ko na napigilan ang maiyak sa linya niya. Nang makita niya akong lumuha, agad siyang lumapit sa akin.

She instantly utters a curse underneath her breath habang tinitignan ako na naiiyak, para pa siyang natanga habang inilalapit ang distansya sa pagitan naming. Parang nagbara ang lalamunan ko ng makita kung gaano siya kalambot pagdating sa akin. Konting iyak ko lamang, aaluhin niya na agad ako. Pero ako? Hindi ko man lang magawa yung bagay na gusto niya para sa aming dalawa.

"I-I'm sorry." Naiiyak kong sabi habang tinitignan siya. Agad naman siyang umiling ng bahagya habang inaabot ako. I feel like breaking every second that she's showing me how smitten she is. Totoo pa ba siya? Pakiramdam ko nanaginip na ko sa pinapakita niya sa akin!

"Tahan na." She softly said, wala ng bakas ng pagkadismaya sa mukha niya habang tinitignan ako at pinupunasan ang iilang luha na bumabagsak sa mata ko na mas nagpasakit ng puso ko.

"I want you, Yanna. I love you and I need you. Hindi ko kayang mag-settle ng tinatago ka lang, I want to give you everything na deserve mo. At hindi ako mapipigilan ng fuck-up cultural thinking ng tao sa paligid natin." She lowly said na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko. May ganto pa palang tao, she's not just wordily but her words are paired with her actions na sobrang sarap sa puso, minsan iniisip ko kung deserve ko pa ba siya? Bakit ako? Lord!

"I promise, I will a-adjust to us. I-I will tell my parents, and I'll try to s-stop thinking about w-what o-other people will say." Garalgal kong sabi habang niluluwagan ang tali ng kwintas ko. Nakita ko kung paano niya ako pinanood habang ginagawa ko iyon.

I remove my twig necklace at itinapat iyon sa kanya. The three circle there symbolized the carbon and the small lines that are connecting it symbolized the bonds, it a propane, a hydrocarbon, from a bone of an Antarctic Bear, regalo sa akin ni Dad ng makuha niya sa isang shop sa Poland.

"Yanna."

"No, no. I want you to have this. Gusto ko na sa tuwing titignan mo yan, you will be reminded that I just need time. I-I'll be working with myself, Ven I promise." Naiiyak ko pa ding saad sa kanya. Agad kong isinuot sa kanya iyon at in-adjust sa leeg niya. It fits perfectly at her beautiful net, mas lalong nadepina ang collar bone niya at ang haba ng leeg niya.

"I love you, Ven."

"Ayun." Pagtatapos ko sa kwento ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila habang ako ay bumubugtong hininga.

They are at times na nakikita kong natutulala si Ven, maybe because of that incident o hindi ko alam. Minsan nababagabag din ako, hindi ko maiwasang hindi maipit sa sitwasyon naming dalawa. Everytime I find myself imagining things like telling my parents, kinakain pa rin ako ng takot ko. Ven is okay with me most of the times, ganoon pa 'rin naman siya. Though I can't help but feel obliged to her, dahil na 'rin sa mga ipinapakita niya sa akin. Hindi niya deserve 'yong settlement na ibinibigay ko sa kanya pansamantala. I feel so wrong because of that.
Pero hindi ko maiwasan makadama ng pressure sa nangyayari.

"Anong plano mo, Arya?" Tanong naman ni Monique habang tinitignan ako ng seryoso. Napabuga na lamang ako ng isang malalim na hininga ng makitang pati si Annica ay seryoso na 'rin.

"Ang unfair mo, Arya. Ayusin mo iyan, habang nakakapag-antay pa si Veriane sayo. Ilang buwan na kayo oh?" Saad ni Annica kaya naman napahilot na lamang ako sa sentido ko. Pwede teka! Teka lang!

"Annica, kalma ka lang. Don't put Arya in pressure." Sagot naman ni Monique. Nakita kong umiling lang si Annica sa sinabi ni Monqieu.

"No, she will lose Veriane with what she's doing." Balik na sagot ni Annica kaya naman direkta akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"I'm telling you, Aryanna. I heard Veriane doesn't have the time for patience. Kung ano man yung plano mo simulan mo na."
With what she said, pakiramdam ko naiipit na naman ako.

I feel like being place inside a cooker, at iniinit ako doon ng buong-buo. Bahagya pa akong napatingin sa paligid ko and all I could hear is my delusion of them saying things on me, pakiramdam ko umiikot ang paningin ko.
Hindi ko maiwasang maipit sa sitwasyon naming, barely because I don't even know where to start, bukod kayna Annica and Monique, wala na akong ibang mapagsabihan.

My parents lived with the idea that I'm a girl, beside from the fact that Caleb is courting me, alam nila simula noon na babae ako. Kahit naman ako eh, I feel like I'm in war with my own identity and my own toughts. Hindi ko na alam kung anong uunahin kaya hindi rin ako makakilos para ayusin itong problema ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim.

Kailangan kong kontrolin ung sarili ko. I need to take care of myself para hindi ako madala ng pressure ng paligid ko.

Tahimik kong tinignan na lamang silang dalawa hanggang sa matapos kami doon at hindi na ako nagsalita ulit and I just space out on my own toughts and imaginary scenarios on how to deal with my shit self.

"Eto na ba lahat ng kailangan natin?" Pinipigilan ko ang mahihinang tawa ko habang tinitignan siyang tulak-tulak ung cart namin.

Andito kami ngayon sa Hypermarket, napilit ko kasi siyang samahan akong mag-grocery dahil parehong unit namin ang kulang-kulang na sa gamit. Inaway niya pa ko kanina na siya daw ang magbabayad ng pinamili namin, ang sabi ko ay by half ang hatian namin pero ayaw daw niya, siya daw ang magbabayad kaya ang sabi ko na lang, bilhin niya ung gusto niyang bilhin, ako bibili ng sa akin, so in the end wala din siyang nagawa kundi sumunod sa gusto ko. Mapride ka, girl ah!

"Huwag ka ng ngumuso diyan, okay na." Masungit na sagot ko kay Ven kaya naman lalo siyang ngumuso ng tignan niya ako.

"Ikaw na ung badtrip ngayon? Ang duga naman!" Singhal niya sa akin habang nginungusuan ako, inirapan ko naman siya at hindi pinansin ng magsimula ng maglakad.

"Yanna" she cutely demands at me kaya kunwari ay hindi ko naman siya pinansin. Lambingin mo ko!

"Baby girl." She playfully teases me habang inaabot ung bewang ko, agad ko namang tinanggal ang pagkakahapit niya sa bewang ko.

Don't baby girl me! Hindi naman ako baby...sa kama.

"Tigilan mo ko." Masungit kong saad sa kanya, mas lalo lang humaba ang nguso niya sa ginawa ko. Janitor fish ka, girl? Inirapan ko pa siya kunwari.

"Ah, ganoon." Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at ikinulong ako sa pagitan ng dalawang braso niya. Napasinghap pa ko ng magsimula siyang magpalakad kaya naman naipit ako sa pagitan niya at sa pagitan ng cart na tulak-tulak niya.

"Iyssa Veriane!" sita ko sa kanya pero dere-deretso naman siyang naglakad. Halos magaralgal ako ng hindi siya tumigil at may iilang tao pang nakatingin sa amin.

Lintek talaga 'tong babaeng 'to! Napakaharot!

"Shhh. Baby kinukuha mo yung atensyon nila, you don't want that, do you?" Makahulugang sabi niya kaya bahagya akong kinabahan sa sinabi niya.

I don't like it when she does this, yung isinisingit niya bigla ung remorse niya sa mga simple conversation namin. Ang sakit lang minsan.

"Aryanna?" Para akong nabilaukan ng makita ko si Tita Acy na may tulak-tulak na cart. Her pupils dilated a bit ng makita kung asan ako pero agad 'ding tinikom ang bibig pero bakas pa rin sa mata ang pagtataka.

Agad akong kumawala sa kinalalagayan ko kay Ven ng makita si Tita na papalapit na sa amin.

"A-ah! Tita! Hello po." Awkward kong sabi at lumapit sa kanya. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko sa mga tingin na ibinigay sa akin ni Tita, para pa siyang naguguluhan sa ayos ko at ni Ven kanina pero nginitian naman niya din ako ng makitang nasa harap niya na ako.

"Hello, hija. Dito ka pala...naggro-grocery." Makahulugang sabi niya sa akin bago tignan si Ven na nasa likod ko. Napalunok ako ng maramdamang nanginig ang mga kamay ko sa sinabi niya.

"A-ah opo, Tita. Restock lang. A-ah si Veriane po pala... friend ko." I can feel Ven's stare penetrating me after I said those, tipid naman ngumiti sa akin si Tita Acy na parang hindi kumbinsido sa sagot ko sa kanya.

"Be sure to invite your friend on your birthday, Arya." Makahulugan niyang sabi sa akin habang tinitignan ako ng diretso sa mata. I feel like melting by her stares na mukhang alam na alam na Ven is not just a friend.

"I will Tita." I bite my lower lip ng sagutin ko siya kaya naman ngumiti siya ng makahulugan sa akin.

"I'll be talking with your Dad, sweetie." She said kaya naman ang kaba sa dibdib ko ay mas lalong lumala. The stream of a caffeine-like feeling flows in me ng sabihin niya iyon. Parang gusto kong magmakaawa na huwag niyang simulan ang mga bagay na gusto kong ako ang umayos!

"Tita." But she just nods at me and held my shoulder, nakita ko pang tipid siyang ngumiti kay Ven bago humuwestra paalis sa harapan namin. Hindi ko na napigilan pang lumunok ng lingunin ko si Ven.

And her face is stoic, hard as rock when I met her beautiful brown eyes, hindi ko mapigilang umiwas ng tingin habang siya ay direkta at malamig na nakatitig sa akin. And once again, I fuck up.

Ang bahagyang pag-iling niya ang indikasyon na hindi siya natuwa sa ginawa ko, she even pushes the cart leaving me from behind habang pinapanood ko siyang naglalakad papalayo patungo sa counter. I feel like a part of me sink when I watch her go away, ang sakit at ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko na namalayan habang pinapanood ko ang bulto niyang papalayo.

Ganto ba? Ganto ba ng pakiramdam kapag nawala siya? I feel like I cannot even breathe by the idea of her leaving me. Tangina, nasanay na ko, oh!

Kahit pa ng makauwi na kami sa condo ko ay tahimik lang siya, ako ang nabibingi at nababaliw sa katahimikang ginagawa niya. Habang tinitignan ko siya kaninang mag-drive, ni hindi ko nakitaan ng anumang emosyon ang mukha niya. A part of me is killing me because I know that I'm at fault, gusto ko pa sanang i-stress ang sarili ko sa encounter with Tita kanina pero ayoko munang isipin yun knowing Ven witness how weak I'm for her. Alam na alam niya kung gaano ako kahina when it comes to standing up with myself. Hindi ko maiwasang mag-overthink habang tinitignan siya kanina and even though I want to say sorry, hindi ko magawa dahil kahit ako ay natatakot sa kanya.

"Ven?" Mahinang tawag ko sa kanya habang umu-upo sa gilid ng kama.

"Hmm." Walang ka-emosyon-emosyon niyang sagot sa akin. Gusto ko na sanang umurong sa panlalambing ko sa kanya pero mukhang hindi pwede, buong araw na niya akong hindi kinakausap at para na akong malulunod sa lahat ng nasa isip ko, gusto ko na lang sampalin yung sarili ko. Ayan! Palambing ka pang haliparot ka, magdusa ka self!

"Ven." Malambing kong tawag sa kanya habang dahan-dahang pinaglalapit ang distansya namin, busy lang siya kaka-scroll sa Instagram niya at ni hindi man lang niya ako nililingon kahit saglit!

"Ven ko." Mas malanding tawag ko sa kanya.

Leche ka, self! Lahat na ng kapokpokan nagawa mo!

Parang nagdiwang ang puso ko ng bahagya siyang lumingon sa akin at titigan ako pero nawala rin agad ng ibalik niya ang tingin sa cellphone niya. Agad naman akong napanguso.

"Siksik ako." Malambing kong sabi habang nasiksik sa kanya, itinaas niya lamang ang isang braso niya sa akin para makalapit ako sa kanya pero wala man lang siyang reaksyon sa lambing ko!

Sumiksik ako sa leeg niya habang nakadantay ang mga paa sa kanya at nakayakap ang isang kamay sa bewang niya, pero siya, ayun dedma pa rin sa akin.

"Hindi mo pa 'rin ba ko kakausapin?" Nakanguso kong tanong sa kanya habang nilalaro ang toned niyang tyan. Nakita ko ang mahinang pag-iling niya sa akin.

"Ven.." Malambing kong sabi sa kanya habang pinapalandas ang ilong sa sa leeg niya, pero wala pa rin siyang reaksyon.

"Hmm..." Makahulugang ungol ko bago ko siya simulang dampian ng halik sa leeg para naman mawala ang galit niya sa akin. Effective 'to sa akin eh!

Pinagpatuloy ko lang ang pagdampi ng labi ko sa leeg niya at patuloy niya lamang akong hindi pinapansin, dahan-dahan kong ginawang mapang-akit ang halik. My soft and gentle kiss turn into wet ones kaya naman napapitlag na siya sa akin ng gawin ko yun, nagulat naman ako ng ilayo niya ako ng bahagya sa kanya.

"Stop, Yanna." Makahulugan niyang sambit kaya naman napaawang ang mga labi ko dahil doon. Bakas ang iritasyon sa mukha niya habang umuusod palayo sa akin na parang ayaw niya akong makatabi.

"Ven—"

"No, Yanna. You don't kiss a friend's neck." She coldly said habang tinitignan ako na puno ng inis. Pakiramdam ko nadurog ako ng bahagya dahil sa sinabi niya, tahimik ko siyang tinignan as a little me breaks inside. She coldly looks at me habang umiiling pa ng bahagya.

"Ven. I'm sorry." Mahina kong sambit at kinagat pa ng bahagya ang labi ko.
Umiling lamang siya sa akin at mukhang pinipigilan ang sariling magsalita habang tinitignan ako.

Naramdaman ko ang paninikit ng dibdib ko ng patuloy niyang iiwas ang tingin niya sa akin, she's avoiding my gaze like it is something that can kill her, but it's the other way around, every time she avoids my gaze, a part of me get crush. Lagi, sa araw-araw. Ang hirap pala.

"Sa unit muna ako." And with that I break. Unti-unti siyang umalis sa kama, while I silently whim inside my head that she wouldn't, that she'll be a little be more patience with me. Nang makita siyang naglakad palabas ng kwarto ko a part of me break along the slam of my door. Tahimik akong napahawak sa dibdib ko dahil pakiramdam ko for the first time in the last months, she actually couldn't take me.

It scares the shit out of me, that thought: she actually couldn't wait for me while I fix and prepare myself? Tangina ang sakit. Ang sakit pala talaga.


"It's the 27th of March! Happy Birthday!" Tili ni Annica habang pumapasok ng gate ng bahay. Agad naman akong natawa ng salubungin nila ako ng yakap.

"Taray! May pa dress si mayora! Debut mo?!" Asar niya sa akin habang hinahawakan ang laylayan ng dress ko.

Actually the dress was a gift from my mom this morning, halos mapalunok pa ako ng sabihing bagay sa akin ang off-shoulder maroon fitted dress. Konti na lang susuka na ako kanina kung gaano siya ka-thankful na babae ang panganay niya at sobrang ganda ko daw.

Oo ma, ung panganay mong babaeng maganda, gusto 'rin ay babaeng maganda. Gusto mo 'yon ma?!

Iginaya ko naman sina Annica sa loob ng garden naming kung saan naka-set up ang isang mini party. Binati agad nila sina mama at papa, si Ark na kapatid kong nasa grade 8 palang ay walang kwentang nakaupo sa gilid ng pool habang hawak-hawak ang iPad niya.

"Oh, ang mga magagandang dilag andito na!" Bati ni mama sa kanilang dalawa at bumeso.

Annica in her favorite color green dress ay talaga namang nagpatingkad ng kurba ng katawan niya. She's vuloptous, I can say that, sobrang laki kasi ng balakang niya at sobrang liit naman ng bewang, mukha siyang bratz actually maliit lang talaga siya. While Monique on the other hand in her soft pastel dress, na sobrang wavy naman. Monique is the softest among us, and siguro ako ang toughest because I don't really do dresses.

"Dalaga na talaga itong mga 'to oh!" Bungad naman ni Papa at inakbayan pa si Mama, nakipagbiruan pa si Annica sa kanila.

"Asan si Veriane?" bulong ni Monique sa akin kaya naman bumuntong hininga ako sa kanya.
Umiling ako kasi kahit ako nawalan na ng pag-asahang dadating siya, ilang araw na niya akong iniiwasan matapos ng encounter doon sa Hypermarket with Tita Acy, hindi na niya ako kinakausap ng matino, madalas na siyang late reply at sa condo niya natutulog.

Bumuntong hininga naman din si Monique, hindi ko rin masyadong nasuyo si Ven dahil busy kami pareho, siya with the team, na mas tinututukan niya ngayon lalo pa't on-going na ang season ng UAAP, hindi na din ako madalas sa practice dahil na rin sa tambak ng gawain at dahil na rin sa iniiwasan ko siya, though I'm on the game sometimes, madalang niya akong tapunan ng tingin. Ni hindi rin siya nag-rereply sa mga messages ko.

"Caleb!" Naistatwa ako ng biglang humiyaw si Mama, her smiles are warm ng salubungin niya si Caleb na may dala na namang bulaklak at isang paper bag ng Luis Vuitton, napasinghap ako ng magtama ang mata naming, agad akong umiwas ng tingin at nagpunta sa loob ng bahay para umiwas sa kanya. Agad akong natungo sa kitchen at kumuha ng baso ng tubig para kumalma. Bakit ko nga ba nakalimutang iimbitahan siya ng nanay ko!

Binuksan ko ang phone ko para tignan kung nagmessage na ba si Ven pero wala pa rin siyang reply sa iilang message ko sa kanya kung asan na siya.

Parang gustong lumubog ng puso ko habang tinitignan ang messages kong almost 3 hours ago na nung na-send ko. I can feel my face crumpling because I feel a slight amount of pain in my chest habang nakatingin sa screen ng phone ko.

Wala na ba siyang balak magpakita? Birthday ko, oh.

"Hija, bakit ka andito?" Napapitlag naman ako ng biglang sumulpot si Tita Acy. Nature niya 'to no? maging kabute?

"A-ah Tita, uminom lang." natawa pa ko ng bahagya ng itaas ko ang baso ng tubig na hawak ko. Nakita ko namang sumandal din siya sa counter top kung saan ako nakapwesto rin.

"Hindi ko yata nakita ang kasama mo noong nakaraan." Para akong nanigas ng marinig ko siya. I feel like my mouth went dry after her question at makahalugan pa niya akong tinignan.

"A-ah, hindi r-rin po nag-rereply." Utal-utal pa na sagot ko sa kanya habang marahan siyang tumatango sa sagot ko. Napalunok ulit ako ng magtama ang mata namin, kaya naman agad akong umiwas ng tingin habang patuloy na nausbong ang kaba sa dibdib ko.

"Just so you know, Arya. I know that she's just not a friends. Don't worry, I already inform your father. Just tell them, hija. No matter what their reactions are, their still your parents." She said bago hinawakan ang balikat ko at tipid akong nginitian.

Pakiramdam ko kakawala ang puso ko sa sinabi niya habang sinusundan ko siya ng tingin paalis sa akin. I look both of my parents, pero mula kaninang umaga ay wala naman silang nabanggit o natanong man lang sa akin. A part of me wants to die in nervousness, ini-imagine ko pa lamang na magtatanong sila, parang di ko na kinakaya.

Tita Acerina is the youngest and only girl among Dad's siblings. She's in her late 20's at wala pa ring asawa. I don't know why but I never wonder why she doesn't have one until now, sa kung paano niya ako tignan kanina, I saw familiar feelings on her eyes at hindi ko alam kung ano 'yon.

"Arya, may bisita ka." Napalingon ako kay Papa na pumasok sa kitchen, he looks worried kaya naman napakunot na ang noo ko dahil sa expression niya.

"Ang ganda mo naman! Diyos ko!" Ayan ang dinig na dinig ko ng bumalik ako sa pool area. At halos mapasinghap ako ng makita ko si Ven sa harap ni Mama, ngiting-ngiti pa siya na akala mo hindi niya ako iniwasan ng ilang araw. Halos malaglag ang panga ko ng makita ang isang malaking paper bag ng mga halaman at inabot iyon sa nanay ko.

"Paano mo nalaman na mahilig ako sa halaman! Ang gaganda naman nito, hija!" My mom would jump in exciment on receiving those from her. Even Annica and Monique are dropping their jaws habang tinitignan si Ven na binobola ang nanay ko!

"Oh, eto na pala si Aryanna Gayle!" Kahit pa gusto kong magface-palm dahil buong-buo na binanggit ni mom ang pangalan ko ay hindi naman maalis sa akin ang gulat na andito na talaga siya! Finally!

Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda niya, she's wearing a simple spaghetti strap halter top at ripped jeans partner by her white sneakers, napansin ko pang naka medium size loop earings siya na mas lalong nagpaangat ng ganda niya. Halos lumawa ang mata ko ng marealize na suot niya ang kwintas ko! Sana hindi mapansin ng parents ko!

"Sino 'to Aryanna Gayle!" Mom pushes me a little to Ven na nginitian naman ako ng malapad ng makitang na-star struck ako sa kanya.

You don't smile at me, nawawala yung galit ko!

"A-ah! Si Ven po, Team Captain ng girls' volleyball team ng school tsaka ka-ibigan po, Mom. " I said habang tinitignan si Ven ng banggitin ko ang word na ka-ibigan na mukhang hindi naman napansin ni Mom because she's already busy blunting to my father about her new plants.

"Iyssa Veriane Montevedra?!" napatingin naman ako kay Ark ng isigaw niya iyon, iniahon niya pa ang mga paa na nakababad sa pool kanina at lumapit sa amin.

"What's up!" Natatawang sabi ni Ven at natulala naman sa kanya ang kapatid ko.

"Shi-" He immediately cover his mouth when Dad slaps his shoulder from uttering a curse. Bumati naman si Ven sa tatay ko na agad namang tinanguan ni Papa. Binigyan ako ni Papa ng makahulugang tingin bago ibalik kay Ven ang mga tingin niya kaya naman napalunok ako ng makita iyon.

"Ah, kain ka na. Andito ung m-mga pagkain." Natataranta kong saad sa kanya habang iginagaya siya sa loob ng bahay kung saan nakahanda ang mga pagkain para maiiwas siya sa mga magulang ko.

"Yanna, pwede ba kitang makausap." Napatigil naman ako sa pagkuha ng plato niya. Ang pamilyar na kaba na lumandas sa dibdib ko habang naririnig ko ang lambing sa boses niya. Nang unti-unti akong humarap sa kanya, nakita ko ang mga matang minamahal ko. Her eyes are always too beautiful to look at, at kapag tintitignan ako nun, pakiramdam ko buhay na buhay ang amg mata niya.

Tangina, ba't ang ganda mo Iyssa Verian Montevedra?

For the first time after the days that she kept avoiding me, the girl that I love looks at me while full of love on her eyes. Gusto kong maiyak sa kinatatayuan ko habang patuloy niya akong tinititigan ng ganoon.

"I miss you." Mahina kong saad sa kanya, hindi na napigil ang naramdaman kasabay ng pag-iinit ng mga mata ko habang tinitignan siya, bahagya pa siyang suminghap ng makita ako sa ganung kalagayan kaya naman marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

Dali-dali ko siyang hinila sa palapulsuhan ko at dinala sa second floor ng bahay kung saan andoon ang kwarto ko. Agad ko iyong binuksan at pinasok ang katawan naming dalawa. I immediately lock the door at walang pasubaling hinalikan siya.

I can feel my tears as I hungrily kiss her, wildy savoring her lips na ilang araw nawala sa akin. Damang-dama ko ang init sa puso ko ng hawakan niya ang bewang ko habang inilalapit ako sa pader para humanap ng suporta. She continues to kiss me torridly habang idinidikit ako sa dingding ng kwarto ko. I snake my arms around her neck and open my mouth widely to welcome her sweet tongue ready to devour my insides.

Sobrang namiss ko siya, ung amoy niya, ung haplos niya, ung mga halik niya. Wala akong ibang magawa kundi umiyak habang hinahalikan niya ngayon dahil after how many days, ngayon na lang ulit kami naglapit ng ganto, at sobrang init ng puso ko to hold her close to me.

"Daamn, baby I miss you." She utters as she breaks the kiss and rest her forhead on top of mine, napapitlag naman siya ng mapansin ang mga lumuluha kong mga mata, the shadow of worry built in her habang mas inilalapit ako sa kanya.

"Why?" Marahan niyang saad habang hinahawakan ang pisnge ko at pinupunasan ang mga luhang tumutulo roon. Sumisinghot pa ako ng hindi na mapigilan ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko.

"I miss you, I-I love you." Garalgal kong saad sa kanya habang tinitignan siya sa mata, nakita ko naman ang muling paglambot ng mukha niya ng marinig iyon. I immediately reach her closer to hug her tightly, parang ayoko na siyang pakawalan, pakiramdam ko aalis siya kapag binitawan ko pa siya.

"Baby, I love you too." Mahina niyang bulong sa akin at dinampian ng halik ang ulo ko as she rests her head there.

"Happy Birthday, Yanna." Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya ng banggitin niya iyon. My small cries, turned into sobs as I reach for her closer to me, not wanting to let go. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya habang lumalakas ang bawat pag-iyak ko, wala naman siyang ibang ginawa kundi haplusin ang buhok ko.

Gusto kong awayin siya dahil nakaya niya akong iwasan ng ganoon katagal, nagawa niya akong tiisin ng ilang araw, nagawa niya lahat 'yon habang ako ay halos mabaliw na kakaisip kung anong ginagawa niya o kung inaatake na naman siya ng regla niya, hindi ko alam! Gusto ko siyang awayin pero heto ako at ngumangawa na sa kanya. Hindi ko kayang magalit, hindi ko kayang magalit sa kanya.

Pero punyeta, isang lapla- este halik niya lamang sa akin, tunaw lahat ng galit sa akin. Tunaw lahat ng tampo ko, ang duga-duga talaga ng babaeng 'to!

"I have a present for you." She said at kumawala na sa yakap naming, amuse pa siyang tumingin sa akin habang nagpupunas ako ng luha ko.

"Here." Inabot niya sa akin ang isang eleganteng kahon. Sisinghot-singhot pa kong nakatingin sa kanya.

"Open it, Yanna." Natatawang saad niya sa akin habang inilalapit ang tungki ng ilong sa pisnge ko at sinimulang yakapin ako mula sa likod.

Binuksan ko ang box at naramdaman ko ang pamumuo ulit ng luha sa mga mata ko ng makita ang isang kwintas doon. It's a white gold necklace with a pendant of a small diamond shape like benzene ring. Gusto kong maiiyak dahil sobrang ganda noon sa paningin ko. Ang isang kamay ni Ven ay inabot iyon at sinimulan niya iyong isiuot sa akin.

"Nag-search pa ko sa internet, just to know what kind of i-don't-know what you call these things are related to chemistry." Natatawa niyang paliwanag sa akin ng ikinakabit niya na ang kwintas sa akin

"A-ang ganda." I can feel myself stuttering because of too much fascination. Sobrang ganda nung kwintas, saktong-sakto ang bagsak niya sa pagitan ng collar bone ko kaya naman kitang-kita siya sa dress na suot ko ngayon.

"You look so damn sexy in that dress, Yanna. I wanna rip it off you."

"Manyak!"

Bumalik na kami sa baba at sinalubong naman agad siya ng nanay ko dahil mukhang iinterview-hin siya about doon sa mga halamang pinamili. I don't even know how Ven found out my mom likes gardening.
Minsan magugulat ka na lamang talaga sa babaeng iyon.

"Pokpok" Annica mouthed at me kaya naman inirapan ko siya while on the other hand, Monique give me an "okay" hand sign so I instantly smile at her, the duality of both of my friends!

Pumasok ako sa loob ng bahay to grab a glass of water, dahil na rin sa uhaw. I can even see my little brother talking to Ven na mukhang amaze na amaze sa kanya. Napailing na lamang ako habang naimon ng tubig at tinitignan sila mula sa malayo.

"So siya pala." I feel a sudden coldness in me ng marinig ko ang boses niya. His tone is dark and low, full of mockery. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtabi sa akin habang naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Ang kabang umusbong sa akin ay namuo ng unti-unti ko siyang lingunin. He's just facing forward, looking at the view outside, Ven with my mother and brother.

"So that's why you go after her, leaving me behind Arya." Makahulugan niyang saad habang nakatingin sa malayo. Kahit nasa gilid ko siya at hindi pa lumilingon sa akin, kitang-kita ko ang uyam sa mukha niya. He looks different, the shade of evil in his face.

Napalunok ako sa sinabi niya, pakiramdam ko sinisilaban ang bibig ko dahil hindi ako makapagsalita.

"Tama ba ko, Arya?" Nang humarap siya sa akin ay doon na ko napapitlag. Napahakbang ako patalikod sa takot sa mga mata niya na puno ng galit at selos habang tinitignan ako. I feel frozen ng nagtangis ang panga niya sa sobrang frustration. Her thick eyebrows are now furrow along his creasing forehead, ang dilim sa mata niya ay kitang-kita. Even his ears are burning red.

"Tangina Arya sagutin mo ko!" Halos mapatalon ako sa sigaw niya, ung kaba ko umabot na kung saan habang nakatingin ng diretso sa kanya. I bite my lips to surpress my nervousness pero parang hindi nabawasan!

Pakiramdam ko nakuha na rin namin ang atensyon ng mga kapamilya ko na nasa labas habang nakikipag-kwentuhan sa isa't-isa. Pati sina mama at Ven ay napatigil at napatingin sa amin.

"Fuck?! You're just going to stare at me!" Nanginig ako ng bigla niyang ibagsak ang kamao niya sa kahoy na lamesa sa gilid niya at ang dagundong na ginawa noon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Her tone is full of sarcasm, idagdag mo pa ang munting demonyong halakhak niya. I feel something inside me burns as I watch him get furious at me.

Nanginginig na din ang kamay ko na itinago ko sa likod ko para maibsan ang pagkataranta. My whole family is watching! They are listening to him! Oh my God! Jesus Christ!

"Caleb, 'wag dito please." Puno ng pagsusumao kong pakiusap sa kanya, ang malademonyo niyang ngiti ang sumalubong lang sa akin. He's like out of his mind because of anger and jealousy, nakita kong marahas niyang nilingon si Ven who's now frowning at the both of us, agad akong umiling sa kanya motioning her not to come near!

"Putangina! For four years, Arya! Four years! Saan ako nagkulang?! Fuck! Tangina ka!" He cursed kaya naman napapikit ako ng ilakas ng ilakas niya ang mga sigaw niya sa akin. The people from the outside finally reach our sliding glass at kitang-kita ko ang pagkalito at gulat sa kanilang mga mata.

"Caleb, let's talk somewhere private, please." Nakita ko ang dahan-dahang paglapit sa amin ni papa at mama, even Ven, Annica and Monique are worriedly approaching us.

Napahakbang pa ako patalikod ng makitang bahagyang lumapit si Caleb, I even supported my balance by holding on the table dahil pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko sa takot sa kanya.

"Fuck you." He hardly hissed at hinablot ang braso ko, agad akong napadaing sa sakit ng pagkakakapit niya sa akin.

"Damn! Aryanna! Babae?! Babae ang kaagaw ko sayo?! Are you seriously going to do that?!" He's laughing hysterically infront of me habang mas lalong hinihigpitan ang hawak sa akin. Ang daing ko ang tuluyang nagpalapit sa parents ko. I can hear my mother crying for my father to intervine pero kahit ako ay natatakot kay Caleb. He even elaborated! Damn!

Kailangan niya ba akong ipahiya ng ganto sa harap ng pamilya ko!

"Caleb, nasasaktan ako!" Sigaw ko at sinusubukang kumawala sa pagkakakapit niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa akin kaya naman at domain ulit ako.

"Nasasaktan siya, bitiwan mo siya." Ven in her deep eyes intervined pero dinuro lang siya ni Caleb na halos pumutok na sa sobrang galit. Ven looks at him with conviction in her eyes, ang kalmado niyang mukha ay salungat sa galit ng mata niya.

"Tangina 'kang tomboy ka! Huwag kang makialam dito!" He cursed, pero hindi natinag ang mga mata ni Ven. She just mockily laughed at his statement na mas nagpagalit kay Caleb.

"You illiterate douche." Mapang-uyam naman na sagot ni Ven. I can see how Annica is holding her phone up, kahit pa gusto ko siyang sitahin sa ginagawa niya ay hindi ko magawa dahil halos mapasigaw ako ng mas higitin ako ni Caleb papalapit sa kanya.

"No, Aryanna! You manipulative bitch! Ipagpapalit mo ko sa isang katulad niya! I'm richer! I have more than she could have had! Lalaki ako! I can give you more!" Malakas na sigaw niya. Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya sa harapan ko.

How could he think of me that way! I'm not even after his richest! And fuck?! Lalaki siya? Yeah! Men most often use their dicks than use their heads.

"Salazar! Bitiwan mo ang anak ko!" Lahat kami ay napatigil sa sigaw ni Papa. I look at Caleb na mukhang natauhan sa sigaw ni Papa, his mad face turn into a soft one ng marinig ang sigaw ni Papa. Lahat kami ay natahimik ng lumapit si Papa at pwersahang kinalas ang kapit ni Caleb sa akin.

My father softly looks at me and caress my red arm. Doon namuo ang mga luha sa mata ko. Napatingin ako kay mama na puno na ng pag-aalala ang mga mukha, she's looking at me softly habang inaakat ang kapatid ko palapit. Nakakapit pa sa kanya si Ark na mukhang naguguluhan din sa mga nangyayari.

"I-I'm s-sorry." He hesitantly said at mukhang nabigla sa kanyang inakto.

"Go away, Salazar. Bago ko pa basagin ang pagmumukha mo sa sarili kong pamamahay." Madiin na sabi ni Papa kaya naman agad na umalis si Caleb.

Napatingin ako sa paligid and almost all my relatives and my parents' close friends is looking at me.

Doon ko lamang namalayan how Caleb destroyed my plan.

Lalo na ng makitang tahimik na nakatingin si mama kay Ven at halos lahat ng tao sa loob ng bahay namin. Hindi ko alam, pero nakakapaso ang ibinibigay nila na tingin sa amin, sa akin. My brother looks confused and my mom is on verged on crying while looking at me and my dad, kahit ako ay hindi na napigilan ang pag-iyak.

My father looks at me with worried eyes that's telling me we are gonna talk about this.

"Umuwi ka na muna, anak. You need to rest, Nica, Angel. Pakihatid ang anak ko." Marahang sabi ni Papa bago ako dampian ng halik sa ulo.

And with that, I know. I know that I fail her once again, hindi lang siya. Kundi pati ang mga magulang ko.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4K 51
Mayaman at kinikilala ang nakagisnang buhay ni Hail Suarez, isa siyang sikat na pintor at hinahangaan ang kaniyang mga obra. Lahat ay nagbago nang ma...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
723K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.4K 865 56
"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the...