To Save a Demon

By IzaiahDennis

3.3K 729 715

"There's no such thing as black and white. Everyone is gray. No one is born pure good nor pure evil." Spiritu... More

Book Cover Editors Recommendation
PROLOGUE: THE BACK SKIP
CHAPTER 1: HIRAYA MARIKIT MIMOSA
CHAPTER 2: THE ESPER FAMILY
CHAPTER 3 : HOME INTRUDER
CHAPTER 4 : BACK TO THE YEAR 2000
CHAPTER 5: HIRAYA LUWALHATI
CHAPTER 6 : KV
CHAPTER 7 : TALIPAPA
CHAPTER 8: AYA'S MEDICINE
CHAPTER 9: START OF FRIENDSHIP
CHAPTER 10: PLAYMATES
CHAPTER 11: KENJIE'S MOM
CHAPTER 13: BRUISES AND BURNS
CHAPTER 14: A SECRET
CHAPTER 15: FIRST LOVE
CHAPTER 16: TRUST
CHAPTER 17: NIGHTMARE
CHAPTER 18: JAMARI
CHAPTER 19: POLICE STATION
CHAPTER 20: A CONFRONTATION
CHAPTER 21: TEARS OF REGRET
CHAPTER 22: ESCAPE
CHAPTER 23: HE'S MISSING
CHAPTER 24: THE CHAIN OF EVENTS
CHAPTER 25: FAREWELL
CHAPTER 26: BACK TO THE YEAR 2022
CHAPTER 27: BLAME
CHAPTER 28: THE REST OF WHAT HAPPENED
EPILOGUE: TO BACK-SKIP AGAIN
TO SAVE A DEMON SEQUEL

CHAPTER 12: PLAYGROUND

74 18 8
By IzaiahDennis

Nang mapagod sa paglalaro ay umupo muna sina Hiraya at Kenjie sa bakanteng wooden bench na nasa tapat ng padulasan. Nakasapo sa dibdib at hinahabol ni Hiraya ang hininga nang tumigil sila sa upuan.

"G-Gusto mo ng tubig, Kenjie? Here, kay Oscar ang water bottle na 'to pero uminom ka muna." Inabot niya rito ang isang bote ng tubig. Umiling si Kenjie at napansin ang tagiktik niyang pawis sa noo, mapulang mukha na dala ng pagod at sunod-sunod na paghinga.

"Mas kailangan mo 'yan, Aya. Baka ma-dehydrate ka," tanggi nito, "Mas madali kang mapagod kaysa sa 'kin."

Tinanggal niya ang takip ng bote at tumungga. Naginhawaan siya sa lamig na dala ng inumin. Napabunga siya nang malalim na hininga at muling napahawak sa dibdib.

"Tama si Kenjie. Ang daling mapagod ng katawan na ito. Kailangan kong mas mag-ingat," aniya sa isip, " Ibang iba ang katawan na 'to kumpara sa tunay kong katawan, bukod sa bata pa ay may karamdaman din si Aya."

"Hindi ako makapaniwala na makakatakbo ka nang ganoong katagal," simula ni Kenjie nang usapan at muling napadako ang mga mata niya sa lalaki. "Kapag P.E ay napapansin ko na hindi ka pinapasali ng mga guro sa physical activities dahil natatakot silang bigla kang manghina at mahimatay."

"Oh?" Iyon lang ang lumabas sa kanyang bibig dahil wala naman siyang ideya sa kung ano ang naging buhay ni Aya.

"Lagi nga akong walang katabi dahil pala-absent ka rin," pagpapatuloy nito, "Kaya nakakagulat talaga na yayayain mo akong lumabas. Nakakagulat na gusto mo akong maging kaibigan samantalang hindi naman tayo madalas magkita at mag-usap."

Hindi alam ni Hiraya kung anong isasagot. Naibaba niya ang paningin at nag-isip ng sasabihin.

"Pero alam mo, masaya ako..."

Napatingin siya muli sa batang lalaki at nakita niya ang sinseridad sa mga mata nitong tila nagniningning dahil sa repleksyon ng papalubog na araw.

"Salamat Aya, dahil ikaw ang unang tao na tumawag sa totoong pangalan ko." Nahihiyang ngumiti ito sa kanya at tuluyan na yata siyang napipi. "Salamat din dahil ito ang unang beses na nakalabas ako ng bahay para makipaglaro."

Isang bahagi ng puso niya ay nakaramdam ng katuwaan dahil nabigyan niya ng kasiyahan ang lalaki. Maybe, this mission will work.

"Aya! Kenjie!" Sabay silang napalingon sa dalawang kabataan na tumatawag sa kanila mula sa swing ng palaruan. Nakataas ang mga kamay ni Mayumi at niyaya silang lumapit.

"Tara na! Sayang ang oras, magsasara na 'tong playground mamaya!" sigaw ng babae.

"Tinatawag ka na rin nila sa pangalan mo," pansin ni Hiraya at muling bumaling sa katabi. "Ibig-sabihin n'yan kaibigan na rin ang tingin nila sa 'yo."

Parang hindi pa makapaniwala ang itsura ni Kenjie na tumingin lamang sa kanya. Hindi na niya napigilan ang matawa dahil ang cute ng reaksyon ng kasama. "Ang cute ng mukha mo."

Bigla na namang nangamatis ang mukha nito at nautal. "A-Anong cute?"

"Tara na nga!" Siya na ang unang tumayo at hinila ang braso nito.

Akma silang pupunta sa gawi nina Mayumi at Oscar ngunit kapwa natigilan nang may marinig silang sumigaw sa labas ng palaruan. Sabay silang napalingon sa babaeng kumakaway. Nakilala agad ni Hiraya ang babae at napawi ang ngiti sa kanyang labi. Nabitawan niya ang kamay ni Kenjie.

"Sinusundo ka na ng Mama mo," sambit ng katabi.

Tumingin siya muli rito. May panghihinayang sa kanyang mga mata. "Sayang naman. Gusto ko pa sanang maglaro kasama mo. Hindi bale, may next time pa naman 'di ba?"

Malungkot lamang na ngumiti ito sa kanya. "Baka ito na ang maging una at huli, Aya..."

"Ha?" Napanganga siya dahil hindi niya inaasahan ang sinagot nito. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Sa totoo lang, natatakot akong umuwi pero wala naman akong ibang mapupuntahan. Mapalad ka, Aya dahil mabuti ang mga magulang mo," anito.

"Kenjie, anong ibig mong sabihin?"

"Aya." Naputol ang kanilang pag-uusap nang makalapit si Mela sa kanila upang siya ay sunduin. "Hi, kaibigan ka ba ni Aya?" pansin nito kay Kenjie.

Bumaba na rin sina Mayumi at Oscar sa swing at lumapit sa kanilang tatlo.

"Good afternoon po," bati ni Mayumi na sinundan naman ng, "Magandang hapon po" ni Oscar.

"Magandang hapon din mga bata. Pasensya na kayo, ha? Kailangan na ni Aya umuwi para makapagpahinga na s'ya. Kayo rin, huwag kayong magpapagabi rito," malumanay at may ngiting paalala ni Mela sa kanila.

"Opo." Tumango lamang ang mga bata.

Ayaw man umalis ngunit walang nagawa si Hiraya kundi tanggapin ang mga kamay ni Mela upang iuwi na siya sa bahay. Pilit ang ngiti at malungkot ang mga mata niya nang kumaway bilang pamamaalam sa mga kaibigan.

Kumaway pabalik sina Mayumi at Oscar ngunit tumalikod lamang si Kenjie at walang balik-tingin na dire-diretsong naglakad paalis. Nag-aalala si Hiraya na baka kinabukasan ay balik na naman siya sa square one. Sana naman ay bigyan siya ng pagkakataon ng batang lalaki na makapasok sa personal na buhay nito. Sana naman ay mawala na ang pader ng pagkailang sa pagitan nila. Nais niyang magtiwala sa kanya ng lubos ang lalaki dahil wala naman siyang ibang hangad kundi mapabuti ang buhay nito.

***

Kinabukasan, nang umagang nagising si Hiraya ay sumakit ang kanyang katawan para bang nabigla siya sa pisikal na aktibidad kahapon. Pinilit lamang niya ang sarili na bumangon. Alam niya sa sarili na mahalaga ang bawat araw na dumadaan, dahil nakasalalay sa kanya ang pagsagip sa kinabukasan.

Gayunman, habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan napagtanto rin niya ang limitasyon. "Nakakainis! Kapag pinuwersa ko ang katawan na 'to, si Aya naman ang mapapahamak. Hindi dapat ako nagpagod, sobrang sakit tuloy ng kasu-kasuhan ko ngayon. Nabigla yata ang katawan na ito sa pagtakbo kahapon. Kailangan kong mag-ingat para kay Aya," paalala niya sa isip.

Natigilan siya sa paglalakad nang maabutan si Kenjie na naglalakad din sa pasilyo. Nakayuko ang batang lalaki, nakasuot ng gray na long-sleeve jacket, nakataklob sa ulo ang hood, at nakatago ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

"Kenjie!" Nagningning ang mga mata niya sa katuwaan at masayang binati ang nakasalubong. "Good morning!"

Parang nagulat pa ang lalaki sa biglaang bati niya, pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin at nahihiyang umusal ng, "G-Good morning din..."

Napansin niya agad ang pagka-utal at pamamaos sa boses ng lalaki. Lumapit pa siya ng kaunti para makita ito at may kuryosidad na nagtanong. "Bakit nakatakip ng hood ang ulo mo? Hindi naman umuulan sa labas, ah."

"A-Ano..." Tila may gusto itong sabihin na hindi masabi. Hindi pa rin ito makatingin sa kanya nang diretso. Nakayuko pa rin ito na para bang nahihiyang ipakita ang mukha.

"Kenjie!" Nag-aalala niyang sambit at hinawakan ang hood nito sa ulo. "Tumingin ka nga sa 'kin. Anong tinatago mo?"

"Aya, huwag!" Pagpipigil nito sa kamay niya. Hinawakan nito ang mga kamay ni Hiraya ngunit huli na. Nagawang maipaling ng kanang kamay ni Hiraya ang hood nito sa likod.

Kapwa nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

Nasa mukha ni Kenjie ang pag-aalala at takot sa maaaring maging reaksyon ng mga makakakita, samantalang si Hiraya'y sadyang nagimbal. Tila tumigil ang takbo ng oras sa pagitan nila.

"Anong nangyari sa 'yo?" mahinang sambit ni Hiraya na para bang maiiyak na sa itsura ni Kenjie.

Nakapaling ang mga mata ng batang lalaki sa kaliwa, naiilang pa rin ito at hindi makatingin nang diretso. Siguro ikinahihiya nito ang itsura o maaaring ayaw nitong makita ang awa sa mga mata ni Hiraya.

Pero kahit ano pang pagtatago, hindi nito mabubura ang pasa na nasa gilid ng kaliwang mata. May band-aid ito sa noo at kapansin-pansin ang sugat nito sa labi na tila pumutok dahil may sumuntok dito.

Hinawakan ni Hiraya ang mga kamay ni Kenjie na nakapasok sa bulsa at dahan-dahan na inilabas. Tinitigan niya ang pasa sa likod ng kanang kamay nito na umabot sa braso.

"Sinong gumawa nito sa 'yo?" nahintakutang tanong niya.

***





Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
45K 1.5K 36
#34 in werewolf as of June 6 2019 #163 in vampire as of June 11 2019 Arcadia is a one of the strongest female wolf in Nightsbane Academe, a hybrid. E...
20.6K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
1M 34K 56
Si Prinsesa Petunia ang pinaka magandang Sirena sa karagatan, kaya maraming mga Sireno ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Isa na dito ang Makapa...