Jethro's Obsession (COMPLETED)

By tinay_shoedad

1.2M 28.1K 2.2K

Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented pers... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue

10

24.6K 566 50
By tinay_shoedad

Her POV

Ang bilis lang pala ng mga araw at hindi ko namamalayan na mag-iisang buwan na pala ako dito at hindi ko inaasahan na maging malapit agad ako sa mga bago kong mga kaklase dito. Lalo na sa mga kaibigan ni Eula.

Wala kaming first period ngayon kaya medyo late akong pumasok. Pero may ginagawa kaming report ngayon at alam kong galit na naman sa akin si Jethro kasi nasa iisang group lang kaming dalawa.

Nandito pa lang ako ngayon paakyat sa hagdan. Natigil naman ako sa pag-akyat nang mag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. May tumatawag ata.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko at nang tinignan ko kung sino ang tumatawag ay nagulat naman ako.

"Damn." at bakit pa ito tumawag sa akin.

Agad kong nireject yung call pero tumawag na naman ito ulit, kaya sinagot ko na lang. I know him, kung hindi mo siya papansinin ay mas lalo ka lang niyang gagambalain at kukulitin kaya mas mabuti na lang na sagutin ko ang tawag niya ngayon.

"Anong kailangan mo?" at naiinis na talaga ako dito.

[Hi.] bati niya sa akin.

"Ano ba Perth! Diba sinabi ko naman sayo na wala na tayo." at napataas na ang kilay ko.

He laughs in another line. [Relax, gusto lang sana kitang kamustahin eh. It's more than a month since we last saw each other right?]

He's Perth Guivan, my ex-boyfriend. Nagtagal din kami niyan, for almost one year, noong una ay okay naman ito sa akin pero noong nagtagal na kami ay nakipag hiwalay na ako sa kanya kasi he became possessive and I didn't like it.

"Come on, Perth." and I rolled my eyes.

[Chill. Kinakamusta lang kita Vera. So, kamusta kana pala diyan sa bago mong school?] he asked.

"I'm fine."

[That's good.]

"Yeah."

[How's tito?] and he asked about my father. Naipakilala ko rin kasi siya kay papa.

"He's doing  good."

I hear him sigh in another line. [I see but I can also see that you're giving a cold a treatment.]

I rolled my eyes. "Perth naman... wala nang tayo, matagal na."

He chuckled. [I know.]

"Alam mo naman pala. And I think you should know our limitations now."

[Limitations? I see... I just want you you know that I am already over you and I alreadt have a new girlfriend now.]

My forehead knotted. Is this the reason why called? Gusto niya lang bang ipamukha na may bago na siya? "Tumawag ka lang ba sakin para diyan?"

[No... honestly I just really want to know how are you doing there.] he asked sincerely. Kaya nagbago naman ang timpla ko.

"I'm doing well, how about you?"

[Here... doing good.]

"Really? That's good."

[Yeah.]

At kinain na kami ng katahimikan. "Hmm... wala kana bang sasabihin? Kasi I'll hang up na."

[Wait-]

"Why?"

[I missed you.] at napatahimik naman ito.

Ito na naman siya. "Perth, I thought napag-usapan na natin 'to diba?''

[I know Vera but I just missed you. Alam kong hindi naging maganda 'yonng break up nating dalawa before but can we talk, again? Like we can meet and talk about it.] talk for what? Everything is already over.

"Para saan pa ba Perth? We're already done, right? Wala ng dapat pang pag-usapan."

[Sige na Vera.]

"I'm not really sure about that Perth, we're done. Sana naman maintindihan mo iyon at respeto na lang sa bago mong girlfriend. Think of her reaction kapag malaman niyang makikipagkita ka sa ex mo."

He sighed. [Yeah... yeah... my bad. I'm sorry.]

"I hope you can understand me."

[I understand you, Vera. And I'm sorry. I think you're right. We should know our limitations.] parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan sa sinabi niyang iyon. Sana nga ay naintindihan niya na ako.

"Yeah, Perth. Let's just move on." 'cause I already did. At sana ikaw rin.

[Yeah... move on.]

"Alright, Perth! Let's talk again in another time! I have to go now." sabi ko dito.

[Alright... goodbye, Vera.]

"Bye, Perth." at binabaan ko na siya.

Siguro naman okay na siya diba? Sana nga... para tuluyan na naming ibaon ang lahat sa limot and I also want to move forward.

Bigla ko namang naalala na nagmamadali pala ako kaya binilisan ko na ang paglakad kasi alam kong magagalit na naman sakin ang Jethro na 'yon.

Kaya binilisan ko na at hindi pa nga ako nakakarating sa classroom ay natanaw ko na itong nakabantay sa pinto ng classroom namin.

Hindi na maganda ang aura nito nang makita ako nito ay agad ako nitong tinignan ng masama.

Tumingin pa ito sa wrist watch niya. "You're late... again." he said in disbelief.

I sighed. "I know, President."

He massaged his temples. "Kailan ka pa ba titino, Vera?" at nagtagpo na naman ang kilay nita.

Tinuro ko naman ang sarili ko. "Ako ba?"

His jaw tightened hindi niya nagustuhan ang sarcasm ko. 

"Kinakausap kita ng maayos, huwag kang sumagot ng pabalang."

Paano ko siya sasagutin ng maayos kung palagi niya akong pinag-iinitan?

"Your previous performances are not promising, Vera. I hope that you are aware that it will probably affect your grades." he said openly.

Ano naman ang pakialam niya don. Wala naman diba? "I know. At wala kana dun."

He crossed his arms and he looked at me intently. "Come on, Ms. Maquiran. You need to be serious already. Being a college student is not a joke. Consequently, you must take your chosen track seriously kung gusto mo pang maka graduate." he scolded me.

Bigla na lang akong umiwas ng tingin sa kanya. I know that he's right but I am not smart like him.

I can't do much things like him. "Wala ka ng pakialam doon."

"I have.... remeber? I am the president here and as the class president of this section, I also want my classmates to do better in their acads. If I can help them to be the best, I will. I don't want anyone to be left behind and that includes you, Ms. Maquiran.'' I can feel the sincerity in his words.

Actually, Jethro already made a lot of things in our section at totoo ang sinasahi niya. Kapag may nahihirapan na isa sa amin ay handa siyang tumulong especially those people na may eargerness na matuto. He's undeniably bright and genius.

I can say that he really deserved his position as the class president here. He is doing his best, kahit ganyan lang 'yong ugali niya.

I just smiled at him. "I know that you just want to help but I refuse, Jethro."

He chuckled. "If you'll keep on doing this you'll probably fail this semester. And to be honest, your attitude doesn't belong here." at ngumisi pa ito sa akin.

Is he perfectionist?

"A-ano?"

Lumapit naman ito sa akin ngayon. "I heard the news."

Kumunot naman ang noo ko. "What are you talking about?"

"Ganito kana talaga since elementary, right? Your academic performances are always poor from the average." and he chuckled.

Bigla namang tumaas ang kilay ko. Paano niya pa nalaman iyon. "Pinaiimbistigahan mo ba ang buhay ko? At isa pa, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganito Jethro."

He chuckled at binalewala ang sinabi ko. "You know what? I am wondering if how the hell did you even manage to enter this university. Since your academic background is not that impressive." at hindi ko alam kong bakit bigla akong nasaktan sa sinabi niyang iyon sa akin.

Totoo naman ang sinasabi niya. Pero nasasaktan ako. "Are you really underestimating me?'' at pinilit kong ngumisi sa kanya. Kahit sa totoo lang ay nasasaktan na ako.

He just grin. "Let's say, yes. You're just like a big failure to me."

How can he say this to me? He's so heartless. "W-what?" and my voice broke.

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. I know that I am not smart at alam ko iyon. But... does he really have to do this to me? Kailangan niya ba talaga akong tawaging ganon? Siya lang kasi 'yong kauna-unahang taong nagsabi sakin noon. Not even my own father, he never said those things to me.

Tinignan ako nito ng maigi. "Napatahimik kana ata? You heard me naman, right? If you want to maintain your position here, you need to work hard for it."

Tinignan ko na lang ito ng masama. "Ano bang karapatan mo para tawagin akong failure?" at pilit kong pinalakas ang loob ko.

"Your academic performance says it all, Vera. You doesn't even care about your failed quizzes and long examinations."

"Hindi mo naman ako ganoong kakilala ah. Bakit ganyan kana makapagsalita?" nakakasakit na talaga siya.

He laughed. "Hindi nga. But you know know what? At first, I thought  you're just like your cousin, Eula, who's very conscious about grades and I like her fot that. Eula is a smart at sana ganon ka rin. Bakit hindi ka ba maging katulad niya?"

Tinignan ko ulit siya ng masama. Ito talaga yung pinaka-ayaw ko sa lahat eh, yung kinukumpara ako sa ibang tao.

Being compared to others hurts you know. Kasi kasalanan ko ba na hindi ako kasing galing nila?

Kasalanan ko bang ganito lang ako? Kasalanan ko bang hindi ko sila kayang higitan, kasi alam kong ito lang 'yong makakaya ko eh.

Nginitian ko na lang ito ng mapait. "Oh, I'm very sorry to disappoint you, President. I really am. I'm sorry if I can't be perfect like her."

He chuckled. "You don't have to that. Hindi naman ako masyadong nag expect sayo. I just don't like people who fail in everything." at agad akong tinalikuran nito.

Naramdaman kong nanlambot yung mga tuhod ko sa mga sinasabi niya sa akin.

It hurts.

Siya lang ang unang lalaking nagsabi sa akin nito, at sa kanya ko rin naranasan na masaktan sa mga binitawang masasakit niyang salita. Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang ang bigat sa dibdib.

I will admit everything at sapol na sapol ako sa mga sinabi niya.

Hindi ko namamalayan na may luha na pa lang pumatak sa pisngi ko.

Oh my, am I crying? I'm crying! Kaya agad ko itong pinunasan. I don't want people to see me like this.

Dali-dali naman akong tumakbo papalayo doon. Tumakbo lang ako ng tumako. Gusto ko lang na makalayo sa room namin at ayokong makita ako ng Jethro na 'yon na umiiyak, kasi baka mas lalo niya lang akong pagtawanan.

Pinagtitinginan na ako ng mga taong nadadaanan ko. Pilit ko pa ring pinupunasan ang mga luha ko. Pero parang wala itong planong tumigil sa kakapatak.

Hindi ko alam na may nabangga na pala akong tao. Nagiging blurry na rin kasi yung paningin ko sa kakaiyak.

"I'm s-sorry " at tiningala ko kung sino 'yong nabangga ko.

Nagulat naman ito ng makita ako. "V-vera?" si Lucian.

Hindi ko alam kung bakit ko ito niyakap kaagad ng mahigpit.

A/N: Keep reading readers.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2M 32.4K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
25.5K 903 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...