Hopelessly Addicted

By iluvia_rheign

1.7K 1K 19

THIS IS A WORK OF FICTION Maria Evangeline Frost was a transferee student of Phillian Academy. Her life was... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

Prologue

336 143 0
By iluvia_rheign

Alas siyete na. Alas siyete kwarenta y singko pa ang first subject ko. Hinatid na ako ni Manong Manuel papunta sa magiging bago kong paaralan.

"Oh, ija. Nandito na tayo sa bago mong school. " maya-maya'y anunsyo ni Manong Manuel, driver namin.

Napalingon ako sa paaralang tinutukoy ni Manong Manuel. Napakalaking paaralan. Mas malaki pa ito sa dati kong paaralan ngunit hindi ko naiwasang maalala ang mga malalapit na kaibigan ko sa dati kong paaralan na siyang iniwan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

" Ija.." tawag muli sa akin ni Manong Manuel nang maramdamang hindi pa ako bumaba sa kotse.

" Manong, sa tingin niyo po ba magkaroon pa ako ng bagong mga kaibigan dito? " nakasimangot na tugon ko habang ang mga tingin ay nasa malaking paaralan pa rin.

" Oo naman, ija. Bakit mo naman iyan naitanong? " tanong ni Manong batid ko'y kumukunot na ang mga noo nito. Hshs.

"E kasi... parang nakaka-out of place po e. Yung feeling na magkakilala na ang lahat ng nag-aaral dito samantalang ako... " pabitin ko at bumuntong hininga na lamang.

"Ija. Huwag mo pangunahan. Alam kong maraming mababait dito. Welcome na welcome ka naman sa school na ito e" pagpapalakas niya ng loob ko. Ganito talaga si Manong. Ganito kami ka close at halos matuturing ko na rin siyang kapamilya. Mabait si Manong at lalong mapagmahal sa trabaho at pamilya. Sa tuwing ganito ang nararamdam ko parati siyang nasa tabi ko para palakasin ang loob ko.

"Sana nga. " umaasang sabi ko. Sana nga, manong. Hayyy. Bakit pa ba kasi ako pinapa transfer ni mommy e kakasimula ko nga lang bilang 3rd Year High School sa dati kong paaralan e. Simula noong first year pa ako ay doon na ako nakaaral kaya marami na akong naiwan doon. Lalo na ang dalawa kong matalik na kaibigan'g sina Althena at Blaire.

"At isa pa, may kakilala ka naman dito diba? Yung sabi ng mommy mo, ang anak ng matalik niyang kaibigan. " si Marvin ang tinutukoy ni manong. Si Marvin ay anak ng bestfriend ni mommy na si Tita Genevieve. Kaya medyo close kami ni Marvin simula pa noong bata pa kami kasi minsa'y dumadalaw sa bahay namin sila Tita Gen at Marvin at minsan din ay kami ni mommy ang dumadalaw doon sa kanila. Para ko nang kapatid kung turingin si Marvin.

" Sabagay. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Marvin dito. " mapait na ngiti ang pinakawalan ko.

"O 'yan naman pala e. Sige na, Ija pumasok ka na baka male-late ka pa sa klase mo. " nakangiting sabi ni manong at saka tinapik ang mga balikat.

"Sige po, manong. Salamat po." magalang na ani ko

"Susunduin na kita mamayang uwian, ija. Tawagan mo lang ako."

"Ayy hindi na po, manong. Susunduin daw kasi ako ni Hubert mamaya." ngiti kong sabi. Kahit magkalayo na kami ng paaralan ni Hubert ay nagpresinta parin siyang sunduin ako mamayang uwian at dalhin niya daw ako sa mall.

"Ah. Sige, ija. Sayang! magkakalayo na kayo ng paaralan ng nobyo mo" nakasimangot na giit ni manong.

"Okay lang naman, manong. Sige na po mauuna na po ako. Ingat po. " pamamaalam ko ka manong at saka ako bumaba.

Tuluyan na akong nakababa ng kotse at akma na akong papasok sa gate nang matigilan ako dahil sa kaba. Kaba kasi baka maligaw ako sa loob kakahanap ng magiging room ko. Hindi ko nalang ito inintindi pa at tuluyang pumasok.

"Evangeline! " tawag sa akin ng lalaking pamilyar sa akin ang boses habang nasa corridor na ako.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko ang gawing iyon at buela!! " Uy, Marv! " nakangiti ko ring tawag sa kanya habang tinitingnan siyang papalapit sa akin.

" Tamang-tama at naabutan pa kita." nakangiti niyang sabi sakin habang hingal na hingal. Siguro kanina pa ako nito hinahabol ngunit baka hindi ko lang iyon napansin.

"Sabay na tayong pumasok?" maya-maya'y anyaya niya nang napansing hindi ako nakatugon sa sinabi niya.

"Ah.. Hahanapin ko pa kasi ang room ko e. Pwede mo ba akong samahan? "

"Oo naman. Anong section mo? "

Agad kong kinuha sa bag ko at tiningnan ang binigay na paper sa akin ni mommy kaninang umaga na kung saan nakalagay kung anong section ako.

Binasa ko ang nakalagay. " Hercules."

" Magkaklase naman pala tayo e. " masaya niyang tugon habang halos mapunit ang mukha kakangiti

" Talaga? " gulat kong tanong sa kaniya. Hindi makapaniwala.

" Tsk! Kakasabi ko lang dba? " pamimilosopo niya sabay nguso.

" Psh! " singhal ko at inirapan siya

"Oh ano? Wala ka bang balak na pumasok? Male-late na tayo abir! " agad niyang sabi at pinitik ang noo ko.

" Aray naman! Okay fine. Tara na nga. " sungit sungitan kong anyaya habang magkasalubong ang mga kilay at nakanguso. Ngunit tinawanan lang ako ng kigwa.

Agad kaming pumunta ni Marvin sa room namin. Mabuti't wala pa ang teacher namin. Agad akong pinakilala ni Marvin sa mga kaklase namin. Mukha naman silang mababait. Pagkatapos niya akong ipakilala sa lahat inalalayan niya ako papunta sa isang vacant seat na may katabing lalaki na nagsa-sountrip ata habang nakapikit.

Nasa gilid nang window ang inuupuan niya ang isang siko niya ay nakapatong sa kanyang armrest habang ang mga kamay niya ay tila nasa gilid nang noo niya samantalang ang isang kamay nito'y hawak hawak ang cellphone. Natutulog ata.

"Woi!" malakas na sigaw ni Marvin at tinapik tapik ang mukha ng lalaking iyon.

"Ano?!" pasinghal na sabi nito habang nakapikit parin at salubong ang mga kilay.

" Nagpupuyat ka na naman 'no? " pangungulit ni Marvin. Nakakatawa silang tingnan. Minsan lang ako makakita ng ganitong magkakaibigan daig pa ang magjowa. HAHAHAHA.

"Pake mo? " masungit na sabi ng isa kaya natawa ako nang bumuntong hininga si Marvin at parang mawawalan na ng pasensiya. Ang cute nilang dalawa. Mga amaw hahahha.

"Sungit. May ipakilala ako sa'yo, tubol! "

"Hindi na kailangan. Mahal ko jowa ko." hindi ko napigilang mapabungisngis ng sabihin ng lalaking natutulog ang mga salitang iyon. Like what the hell? Walang connection. Tsh.

"HAHAHAHA amputcha, bro! Seriously? May bago tayong kaklase, broo!" halos mapasigaw na si Marvin dahil sa kawalan ng pasensiya ngunit hindi parin binuksan ng lalaki ang kanyang mga mata.

"Sino? " kunot noong tanong niya ngunit nakapikit pa rin.

"Hi! I'm Maria Evangeline Frost and you are?" nakangiti kong pagpapakilala kahit alam kong hindi niya makikita ang magaganda kong ngiti dahil nakapikit pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang ako. Pa feeling special amp. Kung hindi lang talaga ako transferee dito, kanina pa ito sumabog. Gigil mo si ako, lalaking timang!

Unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at saka lumingon sa akin.

Wow! Ang gwapo pala ng lalaking ito a. Tsh. Masungit nga lang.

"Tsh! " singhal niya at umirap.

Inis siyang tumayo at pumunta sa gawi namin ni Marvin habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin habang naglalakad. I don't know why pero I automatically.... Gosh what?! Inilahad ko ang kamay sa gonggong ito? So stupid of you, Maria Evangeline! Tsk tsk tsk.

"I'm Adrian Zychi Scott. "
Tiningnan niya lang ang kamay ko at agad na tumalikod sa gawi namin ni Marvin at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina.

" That's him. Masungit talaga 'yang isang 'yan. But don't worry habang tumatagal at kung magiging close na kayo masaya siyang kasama. " bulong ni Marvin.

"Tsk! Pangit na nga, masungit pa! Tsk tsk tsk. " inis na singhal ko.

"Sushh baka marinig ka non. Umupo ka na. May pupuntahan lang ako sandali. "

Napatingin ako sa kanya at nakataas ang isang kilay. " Saan ang upuan ko? At saan ka pupunta? "

" Ipa-pass ko lang itong mga files mo sa opisina. Ako ang nag presinta kay Tita May na gawin ito para sa'yo. " paliwanag niya habang ipinakita sa akin ang brown envelope na hawak niya.

" Okay. So, saan ako uupo? " baling ko sa kaniya.

" Ahhh doon sa tabi ni Zychi" sabi niya sabay turo sa gawi ni Eyan

'' What?! " sigaw na tanong ko nang dahil sa gulat.

What? Beside that asshole? Seriously, Marvin? You've got to be kidding me!

««««♡»»»»

hey, my dear Angelines! Thank you so much for reading. This is my first ever story and I thank y'all for your support. I really felt sorry to those other readers for not reaching their expectations towards my first ever story. Thankkkiess and Lovelots.
-iluvia_rheign

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.