Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

Od CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... Viac

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 17

1.3K 79 2
Od CrabLamb

Tulalang kinuskos ni Rona ang sarili.

Ilang araw na ba siyang nandito sa DSWD? Sa totoo lamang ay pangatlong araw pa lamang ngunit, pakiramdam niya ay limang taon na ang lumipas. Walang bumibisita sakaniya sapagkat kamag anak niya lamang ang pwedeng bumisita.

Wala na naman siyang kamag-anak, ano pang punto niyon?

Duda siya na may alam ang ina niya, kung malaman man nito ay paniguradong wala itong pakialam. Simula nang iwan siya nito sa kamay ng kaniyang ama at nagpakasasa sa pera ng lalaking pinakasamahan nito ay itinuring na niya itong patay.

Agad pumasok sa kaniyang isipan si Earl, ang nag-iisang lalaki para sakaniya. Magkahalong lungkot at sigla ang nararamdaman niya kada papasok ang lalaking iyon sa kaniyang isipan, malungkot na simula nang kwestyunin siya ay wala na siyang naging balita dito at masigla dahil nahanap na niya ang lalaking magmamahal sakaniya habang buhay.

Mali ang kaniyang ama, may tao pa rin na handa siyang tanggapin.

Iminuwestra ni Rona ang bimpong may sabon sa bandang dibdib, iniisip na kasabay niya si Earl maligo sa masikip na banyong kinalalagyan niya ngayon.

Lihim na lamang napapangisi si Rona kada maalala niya ang ginawa ni Earl para maipaghiganti siya mula sa Gobernador.



Nang makilala kung sino ang nasa trunk ng sasakyan, agad bumaling si Rona kay Gareth.

"Bakit ka naman niya gagawan ng masama?" takang tanong ni Rona.

Umiwas ng tingin si Gareth kay Rona."Matagal na akong may tinatagong pag-tingin saiyo. Napansin siguro niya."

"Eh siya nga ang tumapos sa relasyon namin," sabi ni Rona, sabay krus ng dalawang braso.

"Hindi mo alam ang takbo ng isip ng mga lalaki, Rona."

Lumuwag naman ang pagka-kakrus ng mga braso ng dalaga nang inilapit ni Gareth ang guwapo nitong mukha sakanya.

"Pinaglalaruan ng ibang lalaki ang mga babae, pero ine-expect nila na sa kanila ang loyalty ninyo hanggang sa mamatay kayo. Kagaya ng isang aso."

"Pero hindi ako aso."

"Kaya nga gaganti tayo sakanya," sabi ni Gareth, sabay turo sa walang malay na gobernador, "Dahil aso ang tingin niya saiyo."

Tumitig naman si Rona sa mga mata ni Gareth.

"Aso ba ang tingin mo saakin, Earl?"

Umangat naman ang isang sulok ng labi ni Gareth.

"Ang ganda mo namang aso."

Hindi alam ni Rona, pero nahawa siya sa ngiting iginawad sa kanya ni Earl. Ngayon pa lamang ay inaangkin na niya ang ngiting iyon. Walang sinuman ang may karapatang makakita noon.

"Kung gayon, paano mo ako tutulungan na makaganti?" tanong ni Rona.

Naglakbay ang mga kamay ni Gareth pahaplos sa mukha ni Rona. Bumaba ang kamay nito sa leeg ng dalaga na tila sasakalin siya, ngunit hindi ito humigpit.

"Papatahulin mo siya, Rona."

HINDI naitago ni Rona ang kanyang ngiti nang makitang unti-unting nagkamalay ang dating kasintahan.

Ang sabi ni Gareth ay puwede niyang gawin ang anumang gusto niyang gawin sa gobernador, dahil sa oras na gumising ito, siya ang amo at ito ang aso.

Iisa lang naman ang kailangan niyang sundin: huwag iu-untag ang pangalan ni Gareth. Maliban doon ay wala na itong kailangan pang gawin.

Maliban sa huli nilang pakulo.

"Nasaan ako?"

Hindi sumagot si Rona. Sa halip ay ipinagpatuloy niya ang pagmamasid sa gobernador.

Namutla ito nang malaman na naka posas ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bubong ng kama.

Napangisi si Rona.

Umangat siya mula sa kanyang kinau-upuan at sinadyang patunugin ang mga takong.

Nang masilayan ng gobernador ang kanyang katawan ay agad na nanlaki ang mga mata nito. Nagkunwari nanginig si Rona na tila ba hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ng gobernadora. "Bakit tayo nandito?"

Alam ng gobernador kung nasaan sila. Ito ang bahay kung saan niya laging dinadala si Rona kapag siya ay bagot sa bahay o kaya naman ay kapag nag-aaway sila ng kanyang asawa. Nakalagi ito sa gitna ng kakahuyan. Tanging si Rona at siya lamang ang nakakaalam ng lugar na ito.

"H—hindi ko rin alam," maang ni Rona at bahagyang kinamot ang kanyang braso, "Bigla na lang din akong nagising at suot ito."

Bumaba ang tingin ng gobernador sa suot ni Rona at napalunok. Ito ang naging silbi ni Rona sa kanya. Wala rin naman itong gatol dahil mukhang nabaliw rin sa kanya ang babae.

Hiniwalayan lang niya si Rona dahil nahuli sila ng anak niyang si Fred. Sa ilang taon nilang lihim na relasyon, kada gagawin nila ay ang gobernador ang dominante at si Rona ang masunurin.

Ngunit ngayon ay tila bang bumaliktad ang sitwasyon.

"Pakawalan mo ako," matigas na utos ng gobernador.

"Pero ang sabi dito ay gawin natin ito," sabi ni Rona, sabay labas ng papel."Kung hindi daw natin susundin ay mamamatay tayo."

Namuo ang takot sa mga mata ng gobernadora. Muntikan niyang makalimutan na bago siya mawalan ng malay ay nakatakda siyang makipag-kita sa taong pumatay kay Fred.

Sa halip na makita ay naisahan siya nito at inalisan ng malay.

"Patingin ng sulat," utos ng gobernador.

Napakurap ito nang mabasa ang nakasulat. Kung hindi daw nila susundin ito ay sasabog ang bomba na nakaplanta sa buong bahay.

Gustong isipin ni Mike na pananakot lamang iyon, pero nang huli siyang makatanggap ng banta at hindi niya pinaniwalaan ay nagging bangkay ang anak niya.

Masamang tingin ang binigay niya kay Rona. "Paano niya nalaman na may relasyon tayo?"

"Niya?" inosenteng tanong ni Rona, "Si—sinong 'niya?' Akala ko ay pakulo mo ito."

Napapikit si Gobernador Mike. Isa sa mga dahilan kung bakit niya madaling nauto si Rona ay dahil bobo ito at madaling mapaikot.

Pinakawalan niya ang isipin na kasabwat ng taong iyon si Rona. "Sundin mo ang nakasulat."

Pinigilan ni Rona na hindi humanga sa plano ni Gareth. Totoo ngang papayag ang gobernador.

"P—pero..."

"Kung ayaw mong mawalan ng hininga, seryosohin mo ang nakasulat."

Sinunod naman ni Rona ang sinabi ni Mike.

Bawat hampas at bawat daing ng gobernador ay nagpahalo ng excitement sa dugo ng dalaga. Palihim siyang napapangisi dahil nagagawa niya kay Mike ang mga bagay na ito lamang ang nakakagawa noon.

"Tahol," utos ni Rona sa gobernador.

Nanlisik ang mga mata ng gobernador pero sa huli ay sinunod niya na lamang ito.

Habang abala ang dalawa ay tahimik lamang si Gareth sa loob ng kanyang tahanan. Pinapractice ang mga notang itinuro sa kanya ni Isabella.

ALAS tres ng madaling araw nang dumating si Gareth sa lugar kung nasaan sila Rona.

Nadatnan niyang tulog ang gobernadora. Agad niyang napansin ang mga pasa at pamumula sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"Mukhang sinulit mo."

Natawa nang bahagya si Rona. "Maraming salamat. Hindi ko akalain na ganito ang pakiramdam ng—"

"Hindi ikaw ang nakatali?"

"May kapangyarihan," pagtatama ni Rona. Napatango lamang nang dahan-dahan si Gareth.

"Saan ang kuwarto?"

Magiliw namang pinasunod ni Rona si Gareth patungo sa isang kuwarto. Agad napansin ni Gareth na kumpara sa ibang kuwarto ay ito ang pinaka- malawak at kumportable.

"Sandali at kukuha ako ng pagkain."

Tatanggi sana si Gareth pero nakalabas na si Rona.

Habang iniikot ang kuwarto, binuo na ni Gareth ang kanyang plano kung paano tanggihan ang pagkain na iaalok ni Rona.

Simula nang mamatay ang kanyang ina, hindi na siya tumatanggap pa ng kahit na anong pagkain na galing sa ibang kamay.

Maliban na lang sa isang pagkakataon.

Nanumbalik sa alaala ni Gareth ang pag-aya ng lasing na si Isabella na ibigay na lamang sa kanya ang sisig na silang magka-kaklase sana ang kakain. Wala siyang balak kainin iyon, ngunit napansin ito ng dalaga.

Lasing ito, pero tila nakita ng dalaga na hindi niya kakainin ang sisig. Kaya naman sinuhestyon nito na ipakain na lamang sa aso ang naturang ulam kung ayaw niya.

Iyon ang unang beses na kumain siya galing sa kamay ng ibang tao. Kahit pa isang subo lamang ang ginawad niya, isa iyong kasaysayan.

Naputol naman ang pag-iisip niya nang bumalik si Rona. Agad niyang napansin na wala ang sinasabi nitong pagkain na ihahain, at nakabalot ito ng roba.

Iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip ni Gareth.

Nakumpirma iyon nang alisin ni Rona ang roba na nag-iisang panakip sa kahubaran ng kanyang katawan.

"I am no one," panimula ni Rona, "but I want to express my gratitude through this."

"Rona."

"You made me feel like a queen, but I see you as my God."

Nanatiling walang kibo si Gareth.

"I am willing to be your dog," sabi ni Rona at pumikit, "if that's the only way to feel you."

Inilakbay ni Gareth ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. Hinawakan niya ang kanyang panyo pero hindi niya iyon nilabas.

Panyo iyon ni Isabella, na nakita niya sa ilalim ng kama nito.

Hindi pwede...

Nagsimulang humakbang si Gareth patungo sa likuran ni Rona at bumulong. "Stand still and don't move."

Pinigilan ni Rona ang namumuong excitement sa katawan sa pamamagitan ng pag-kagat ng kanyang pang-ibabang labi.

"I will accept your 'thank you' gift under one condition," bulong ni Gareth, "Never ever mention my name. Just cry and scream."

Naramdamn ni Rona na umalis si Gareth sa kanyang likuran at lumabas ng kuwarto. Mukhang may kukunin.

Nagsuot si Gareth ng puting maskara na tatlong butas lamang ang disenyo bago pumasok sa kuwarto kung nasaan ang gobernadora. Napansin niyang may malay na ito.

"Si—sino ka?"

Hindi umimik si Gareth at kinuha ang kanyang maliit na kuwaderno sa bulsa.

"Doktor ka?" basa ng gobernador sa sinulat ni Gareth.

Tumango si Gareth.

Nagsulat ito sa kuwaderno at pinabasa ito sa gobernadora. "Ang utos saakin ay bigyan ka ng gamot matapos mong sundin ang dapat mong gawin."

Napatingin si Mike sa buo niyang katawan na puno ng pasa.

"Anong gagawin ko?" tanong ni Mike.

Sinulat ni Gareth ang kanyang responde at pinakita kay Mike.

"Ikaw ba siya?" dudang tanong ng gobernador kay Gareth.

Nagsulat ng responde si Gareth bagama't nawawalan na siya ng pasensya.

"Nakasalalay dito ang trabaho ko at iyon lamang ang buhay ko," pagbasa ng gobernador.

Hindi nagtagal ay kumuha ng ilang gamit si Gareth sa kuwarto at pinasunod ang gobernador sakanya. Nakarating sila sa tapat ng pintuan ng kuwarto kung nasaan si Rona.

Nagsulat ng utos si Gareth.

"Dito ka na muna."

Mag-isang pumasok si Gareth sa loob.

Naisip naman ng gobernador na tumakas, ngunit agad pumasok sa isip niya na baka may CCTV at kasalukuyan siyang nakikita ng demonyong iyon. Isa pa, sabi ni Rona kanina ay may bombang nakaplanta sa lugar na ito.

Kung tatakas man siya, kailangan planado.

Inalis ni Gareth ang maskara niya pagkasarado niya ng pintuan. Nadatnan niya si Rona na nakapostura pa rin kagaya nang huli niya itong makita.

Inilabas niya ang pulang telang nakuha niya sa kuwarto ng gobernador at lumapit sa likuran ng dalaga.

Napasinghap si Rona nang maramdaman ang init ng katawan ni Gareth sa kanyang likuran at ang telang bumalot sa kanyang mata.

"Stay still."

May isinuot si Gareth na bluetooth headset sa ibabaw ng ulo ng dalaga. May tugtog iyon na oras ang tinatagal.

Halos mapasigaw si Rona nang itulak siya ni Gareth sa kama. A-akma niyang aalisin ang blindfold nang malakas na hinampas ito ng lalaki.

Kinandado ni Gareth ang dalawang pulsuhan ng babae sa magkabilang gilid ng kama. Hindi naman gumalaw si Rona at tila pa nga nae-excite sa ginagawa niya.

Whore.

Unti-unting umalis si Gareth sa kama at kinuha ang kanyang notebook sa bulsa. Nagsulat siya ng isang mahabang mensahe at pagkatapos ay sinuot muli ang kanyang maskara.

Binuksan niya ang pintuan at ipinakita sa gobernador ang mensahe.

"'Gumanti ka,'" panimulang basa ni Mike, "'Triplehin mo ang mga pasang natamo mo. Iyan ang kailangan mong gawin.'"

Nagsulat muli si Gareth.

"Bumalik ka sa kuwarto kapag tapos ka na."

Tumango ang gobernador at sinarado ang pintuan.

Hindi nagtagal ay nakarinig si Gareth ng mga paghampas at mga daing mula sa kuwartong iyon.

Inalis ni Gareth ang kanyang maskara at nagsimulang maglakad palayo. Pumunta siya sa kusina at binuksan ang kalan upang sunugin ang mga papel na sinulatan niya.

Ang mga tao ay parang mga manika.

Masayang paglaruan.



BINUKSAN muli ni Rona ang kanyang mga mata.

Ang gabing iyon ang pinaka masayang gabi ng buhay niya, inangkin siya ni Gareth. Bagama't kahalintulad ito sa galaw ni Mike ay alam niyang hindi siya ipapamahagi ni Gareth.

Naalala tuloy niya ang iniutos sakaniya nito.

Isinarado ni Rona ang shower.

Kaunting intay na lamang at may buburahin ulit sila ng kaniyang Gareth sa mundong ito.

"Binalian na kaya ng buto ni Gareth si Isabella?"


NAPATIGIL si Isabella sa paglalakad nang makita niya si Wojtek.

Nakaupo ito sa harap ng halamanan na nagsisilbing disenyo ng entrada ng Global at parang may hinihintay.

Nanumbalik ang alaala niya nang turuan niya si Gareth ng piano kahapon. Napag-usapan kasi nila ng doktor si Wojtek.

"Ang sabi niya ay ikaw ang gusto niya..."

Agad namula ang mga pisngi ni Isabella.

Siguro ay sa Emergency na lang siya dadaan imbis na sa entrada.

"Bella!"

Napapikit si Isabella at napatigil sa paglalakad nang marinig niya ang boses ni Wojtek.

Sa bawat bilang niya ng hakbang ay pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa kaba, ngayong alam na niya na parehas pala silang may pag tingin sa isa't isa noon ay hindi niya alam ang dapat maging reaksyon.

"Bakit?" tanong ni Isabella nang makahabol ito sakanya.

"Ta—tatanungin sana kita kung libre ka mamayang gabi," kamot- ulong tanong ni Wojtek."Nag-aya kasi yong ibang kalaro natin noon na makipag inuman nang makasalubong ko sila kanina."

Kunot-noo namang pumameywang si Isabella. "Hindi ako nainom."

"Sabi ni Ate Jane nainom ka."

Bumagsak ang panga ni Isabella, "Nagtanong ka kay Ate?!"

Nagkibit-balikat lamang si Wojtek bilang sagot.

"Occasional ako kung uminom, kaya hindi kita mapapaunlakan," sabi ni Isabella. "Mala-late na ako sa shift ko. Text-text na lang."

Tinalikuran naman muli ni Isabella si Wojtek at naglakad papunta sa entrada.

"Akala ko sinabi niya saiyo."

Napatigil si Isabella. Bahagya siyang lumingon kay Wojtek.

"Ano?"

"Ang sabi ni Gareth sa akin ay sinabi niya na sa iyo."

Nagpatuloy naman sa pag-maang-maangan si Isabella. "Na?"

Kumuyom ang labi ni Wojtek. Si Isabella ang tipo na madaling basahin.

Imbis na sumagot ay naglakad na lamang ito palayo.

"Hoy!" tawag sakanya ni Isabella. "Ang gulo mo naman e! Ano nga!"

"Susunduin kita mamayang alas singko! Mag-isip ka na kung saan mo gustong mag hapunan," sigaw ni Wotjek habang patuloy pa rin ang paglalakad palayo.

Nanlaki naman ang mga mata ni Isabella.

"Niyaya niya ba akong makipag-date?" 

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

10.1K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words
98.9K 6.9K 59
Hallienia, ang babaeng limang taon ng may crush kay Fire Gabis. Sa kagustuhan niyang mapasa-kaniya ang binata, ginamitan na niya ito ng dahas. Nagtun...
991K 29.7K 65
Sequel of My Aloof Husband and Playful John. Third installment. This is Sander's story. All Rights Reserved. March 2019. Written by: Miss Kae
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...