Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed

1.6K 47 1
By aefanfiction

"MA'AM NANDYAN NA ANG SUNDO MO."

Rinig kong sigaw ni Ate Irene mula sa labas ng kwarto.

Napatingin naman ako sa orasan na nasa tabi ng kama ko. Alas sais na pala.

"Teka lang Ate! Pakisabi na hintayin lang ako saglit."

Mabilis ko nang tinapos ang pagsusuot ko ng hikaw at kaagad na kinuha ang purse ko na katerno ng suot kong little black dress ngayon.

Infairness, hindi naman ako halata ang tiyan ko dito sa suot ko.

Bago lumabas ng kwarto ay muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Napangiti naman ako.

"Iba ka talaga Angeline, ang ganda ganda mo." sabi ko sa sarili kong repleksyon.

Pagkababang pagkababa ko pa lang ng hagdan ay nakita ko nang naghihintay si Ron na kapatid ni Erik at asawa nitong si Jackee.

"Wow naman ang ganda mo, talaga bang sure ka na hindi ka pa prepared nang lagay nang yan?" pabirong sabi ni Ron habang nakatingin sa akin.

Totoo naman, nagmadali kasi akong mag ayos dahil alas singko na ng hapon ako nagising. Sobrang dalas kong antukin ngayon kahit na nasa bahay lang ako palagi.

"Ang blooming naman! Well, iba talaga kapag alagang Santos, diba bhe?" biro naman ni Jackee kaya nagtawanan na kami.

I know, alagang Santos talaga.

"Oh s'ya ano tara na? Baka uminit pa ang ulo ng mahal mo dahil kanina ka pa gustong masilayan."

"Totoo, kanina ka pa hinahanap nun, baka topakin na." sabad pa ni Jackee

Iba rin talaga 'tong mag asawang 'to, ang lakas manira.

"Kayo talaga, hayaan niyo na, kabado lang yun. Kagabi pa." natatawang sabi ko naman.

"Kaya nga kailangan niya na daw ang lucky charm niya. Feeling niya siguro misis ka na niya 'no?" pang aasar pa ni Ron.

Kung maririnig lang siya ng Kuya niya ay tiyak na babatukan siya nito.

Inilahad ni Ron ang kamay niya sa akin "Tara na future Mrs. Santos... ay este Ate pala."

Tumawa na lang ako at umiling, talagang hindi pa rin ako nasasanay na tinatawag akong Ate ni Ron.

Sabi niya tanda daw yun ng paggalang niya sa Kuya niya kaya dapat niya akong tawaging ate kaya hinayaan ko na lang din siya.

Ang sarap lang din sa feeling sa tuwing naririnig ko yun.

Lumakad na kami patungo sa sasakyan para pumunta na sa ngayong gabi ay pakay namin.

Walang may birthday, wala rin kaming kasal, binyag o kung ano mang pupuntahan.

Gayunpaman, excited na rin ako dahil alam kong importante din ang gabi na 'to lalo na para kay Erik.

I sighed, I know that this will be an awesome night.
------------------------------
"OH get ready, guys"

"Back up dancers, rehearse ulit tayo in 5 minutes."

"Yung mga kable, icheck niyo na! Double time!"

Pagdating namin sa back stage ay gulo ang inabot namin pero sa loob-loob ko ay natutuwa ako. Patunay lang ito na talagang mahalaga ang gabi na 'to.

It's a typical sight for us, performers. But for sure, this is an extraordinary night.

Hindi ko na pinansin ang paligid, I just searched for the guy na importante na makita ko ngayon mismo.

Lahat halos ng makakasabulong ko tumitingin at bumabati sa akin. All eyes were on me na para bang parte din ako ng gabing ito.

"Hi Miss Angeline! Lalo po kayong gumaganda."

"Miss Angge, nandito ka rin!"

"Wow supportive singing partner talaga as always!"

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila, masaya ako na naaappreciate nila ang presence ko.

Dahil ngayong gabi, iisa lang ang taong gusto kong maparamdaman ng tiwala at suporta ko dahil naniniwala akong kakayanin niya.

That amazing man who will own the stage once again. The man who I always look up to.

🎶Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag ibig sa akin🎶

While searching, I then heard a very familiar voice.

Napatingin naman ako sa lugar kung saan nanggagaling ang boses ng lalaking kumakanta.

Ngumiti ako at naglakad patungo sa isang bahagyang nakasaradong pintuan ng isang dressing room.

🎶Di kayang mag isa, gusto kasama kita
Sayo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin. 🎶

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ngunit kasabay din nito ay ang paglingon niya sa direksyon ko.

Pero ang sarap niya lang talagang pagmasdan.

Nagtama ang aming mga paningin. Nang makita ko na siya, awtomatikong ngumiti kami sa isa't isa. Kahit nasa malayo pa lang alam na alam ko na na siya yun.

I paved my way towards him sa loob ng dressing room kung saan mag-isa lang siyang kumakanta.

Nakaupo siya sa isang mataas na silya, may hawak na mikropono at papel.

He's actually rehearsing.

Nang makita niya na palapit na ako sa kanya ay walang anu-ano ay binitawan niya ang hawak niyang papel at mikropono at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"God, sa wakas dumating ka na!" sabi niya

Natawa naman ako para namang hindi ko siya sisiputin.

Alam ko naman kung gaano niya pinaghandaan ang gabi na 'to at isa ako sa mga taong saksi sa lahat ng paghihirap niya kaya hindi ko 'to pwedeng palampasin.

"Hi Mr. Erik Santos, ang pogi naman po." nakangiting sabi ko at pinasadahan ng kamay ko ang dibdib niya.

Oh well, ang gwapo naman kasi niya sa suit and tie niya. Parang waiter charot.

"Weh yan tayo eh, chansing." natatawang sagot naman niya.

"Sira! Ang kapal mo ha, ako ba talaga?" nakataas ang kilay na sabi ko.

Okay in denial ako pero totoo naman. Ewan ko ba, mula noong magbuntis ako ay mas lalo akong napopogian sa kanya. Kinakabahan na nga ako, malakaa ang pakiramdam ko na walang makukuha sa akin ang anak namin dahil malamang ay kamukhang kamukha ito ng tatay niya.

Pero minsan din naman ay naiirita ako na makita siya. Minsan gusto ko lang siyang awayin nang walang dahilan. Siguro dala ng hormones? Baka nga.

"Ayos lang yan Love, alam ko naman na katawan ko lang ang habol mo eh." parang tangang sabi niya, "Pero alam mo, you also look gorgeous tonight. Bagay na bagay tayong dalawa."

Ayan nanaman, ngumiti nanaman siya aaaahhh di ko mapigilang hindi kiligin kaya hinampas ko siya para maitago ang kilig ko.

"Ready ka na ba?" kunyari ay seryosong tanong ko.

Tonight, this man will again amaze the crowd.

Ngayon ay magcoconcert si Erik, isang major solo concert niya.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi ako isa sa mga special guests niya. Sa totoo lang ay dapat naman talaga kasama ako pero syempre mas pinili na namin ang ganito dahil mahirap na rin sa kalagayan ko. Noong una pa lang na hindi pa kami magkaayos ay sinabi ko na kaagad na hindi na ako kakanta para sa concert na ito. Ito rin yung isa sa mga dahilan kung bakit nagalit lalo si Erik sa akin noon.

Pero anyway, tapos na yun, ngayon alam niya na ang totoong dahilan. Now, we are really thinking of the baby. Days had passed at mas lalong naging maalaga sa akin si Erik. Noong mga panahon na nasa ospital ako ay hindi niya talaga ako pinabayaan at iniwanan mag isa.

Kahit na madalas akong topakin at atakihin ng mood swings ko at kung anu ano ang mga ipinapabili ko kay Erik, ni minsan ay hindi ko nakita sa kanya ang inis at pagod.

----SHORT FLASHBACK----

"AAAAAHHHH!!! NAKAKAINIS!!!"

Kaagad na napabangon si Erik nang dahil sa malakas na sigaw ko.

Alas dos ng umaga ngayon.

"LOVE!? ANONG NANGYARI?!? ANONG MASAKIT SAYO!?!"

Pero hindi ako umimik, bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pag iyak.

"SSSSSHHHH LOVE! ANONG NANGYAYARI?! SABIHIN MO NAMAN SA AKIN OH!" natatarantang sabi pa ni Erik.

Halos hindi niya alam kung tatayo siya sa higaan o ano dahil sa pagsigaw ko nang paulit ulit.

"AAAAHHH LOVEEE!!!"

"ANO?! MANGANGANAK KA NA?! DADALHIN KITA SA OSPITAL?!" sabi niya at akmang bubuhatin niya na ako kaya tumigil naman ako sa pag iyak.

"HINDI PA AKO MANGANGANAK, SHUNGA KA BA?!" naiiritang sagot ko naman.

BAKIT BA MINAMADALI NIYANG ILABAS ITONG ANAK NIYA HA?

"E bakit ka umiiyak, anong problema mo?"

"LOVEEEE!!! NAGUGUTOM AKO!!!"

Para namang mahihimatay siya dahil doon sa isinagot ko. AS IN, TALAGANG NAPAUPO SIYA ULIT SA KAMA.

"Nagugutom? Love naman, nagugutom ka lang?"

"ANONG LANG?! NAGUGUTOM AKO! AAAAHHHH!!!" sigaw ko ulit

Kung para sa kanya maliit na bagay lang yun, aba sa akin hindi!

Rinding rindi niyang tinakpan ang tenga niya dahil sa sigaw ko.

"Love, tama na, maawa ka naman sa tenga ko. Gabing gabi na bumibirit ka pa eh. Wala tayo sa ASAP."

Tiningnan ko siya nang masama. wala akong pake kung naiingayan siya!

"Di mo ba ako narinig, sabi ko gutom ako Pogs!"

"Okay okay, anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita" pagsuko naman niya at naghikab pa.

"Ayoko ng luto, gusto ko ng fries! Bilhan mo ako!" sabi ko naman at sumimangot sa kanya.

Nanlaki ang mata niya na para bang di siya makapaniwala sa inuutos ko. Oh bakit?!

"Seryoso ka ba? Alas dos na ng madaling araw Love oh." malungkot na sabi niya.

Pumadyak ako sa kama.

GUSTO KO NUN! BAKIT BA ANG KULIT NIYA?!

"Wala akong pake! basta bilhan mo ako ng fries, Love!"

Bumuntong hininga siya, "Mamaya na lang Love. Wala tayong mabibilhan ngayon. Sarado na ang McDo."

TINATANGGIHAN NIYA AKO?! Doon ay naiyak na ako.

"AYOKO NA SAYO! DI MO KAMI MAHAL NG ANAK MO!" sabi ko naman.

Napakamot na lang si Erik sa ulo. Pagod na pagod at inaantok pa siya.

"Oo na oo na, sige na bibili na ako. Mahal ko kayo. Huwag mong sabihin yan, Love." sabi niya pa at hinila ako para yakapin.

Nagningning naman bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga?! Bibili ka na?"

"Hmmmn oo, sige na, para sa inyo ni baby, antayin mo ako dito ha? Babalik ako kaagad." sabi naman niya at wala na sa loob na isinuot ang t-shirt niya na nasa upuan at dinampot ang susi ng sasakyan.

"I love you." nakangiti nang sabi ko. Yung ngiti na nakakapagpagaan lagi sa loob niya.

Syempre, alam na alam ko na yan.

Para sa fries.

Napabuntong hininga na lang siya at ginulo ang buhok ko.

"I love you too.". sagot niya at hinalikan ako sa noo.

Papalabas na sana siya ng kwarto nang bigla akong humabol ng pagsasalita.

"AY LOVE! YUNG FRIES NA GUSTO KO YUNG HINDI PATATAS ANG GINAMIT HA!"

"ANO?!"

----END OF FLASHBACK----

Talagang pinatunayan niya ang sinabi niya sa akin na 'Responsibilidad ko na kayo'.

Pero kung may mas masaya pa kaysa sa amin ni Erik, iyon ay ang mga pamilya namin.

Wala na nga yata akong mahihiling pa, I am living such a very beautiful life. Sana hanggang sa huli.

Anyways, nandito pa rin naman ako para suportahan siya, this time, isa ako sa mga special audience niya.

"Di ko alam Love, ang lamig ng kamay ko oh." sabi niya at inilagay ang kamay niya sa pisngi ko.

"Oh chill ka lang kinakabahan ka ba talaga?" sabi ko naman at pinunasan ang pawis sa noo niya. Halatang kinakahaban nga siya.

"Oo pero dahil nandito ka na hindi na, okay na ako." matamis na sabi niya. Sos ito talaga. "Alam mo ba na kanina pa kita gustong makita? Kanina pa ako hindi mapalagay. Buti pumunta ka."

Natawa naman ako. Kanina pa nga siya nagtetext sa akin na kinakabahan daw siya natatawa na nga lang ako.

Sa ilang taon na siyang nagpeperform sa harap nang maraming tao hindi pa rin siya nagbabago. Siguro ganoon talaga kami.

We are always new to this industry.

"Syempre naman, Pwede bang hindi ako pumunta e ako kaya ang singing partner mo diba?" I smiled at hinawakan siya sa pisngi "Congratulations Pogs, sobrang proud ako sayo."

Nakita kong muli siyang ngumiti nang ihinarap niya ang mukha ko sa kanya kaya ngayon ay medyo nakatingala ako.

"Wala pa nga ikinocongratulate mo na kaagad ako nakakapressure naman yan."

"Sus alam ko naman na kayang kaya mo, ikaw pa ba?" hinawakan ko ang kaliwang kamay niya "Tsaka ngayon pa lang congratulations na kasi yung katotohanan pa lang na magcoconcert ka isang bagay na yun na dapat icongratulate dahil isa ka sa mga magagaling na tao sa industriya na 'to. Kaya proud na proud ako sayo, Mr." I told him as I held his chin

Nakita ko naman ang pamumula niya sa ginawa ko, o edi kinilig ang loko?

Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo "Sobrang blessed talaga ako dahil nandito ka lagi sa tabi ko. Hindi ko naman magagawa to nang mag-isa lang ako. Salamat mahal ko. Ikaw ang lakas ko. Kayong dalawa."

Ang sarap marinig.

Higit pa sa pagiging singing partner, ako na rin ngayon ang partner niya sa lahat ng bagay.

I am forever proud.

This will be the life that our future kids will see 10-20 years from now.

"Ganoon rin ako, ikaw rin ang lakas ko, Love. Kaya galingan mo ha? Palagi mong tatandaan na sa lahat ng mga performances mo, isa ako sa palaging papalakpak para sayo ha? Ako ang number one fan mo." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I love you, Sexy." sabi niya at idinikit ang tungki ng ilong niya sa ilong ko

"I love you too, Pogs!"

*clears throat*

"Ehem kalma kayo nandito ang pamilya niyo baka di niyo naaalala."-Ron

Walang anu-ano ay naghiwalay ang mga mukha namin pero nanatili kaming nakayakap sa isa't isa.

Natawa na lang ako nang mahina. Sorry, nadala lang.

"Eto paepal! Yun na yon eh!" sabi ni Erik kaya tatawa silang lahat

"Yan tayo e nakalimot agad. Nandito ang buong pamilya mo oh. Easy lang Kuya may concert ka pa, wala kayo sa hotel." dagdag pa ni Ron

"Para akong nanonood ng Pangako Sayo ah, hanep parang teleserye." banat naman ni Ate Dhang

"Naku e hayaan mo na yung kapatid mo inspirasyon niya yan, diba Angge?" sabad naman ni Nanay Litz at kumindat pa.

Well, what can I say?

NANG magsisimula na ang concert ay pumunta na rin ako sa upuan ko sa audience para mapanood si Erik.

Nagpaiwan kasi ako dahil gusto ni Erik na nandoon ako sa tabi niya habang nagrerehearse siya.

----GLIMPSE----

"Oh ano pupunta na kami sa upuan namin, good luck bro kayang kaya mo yan." sabi ni Ron at tinapik pa sa balikat si Erik na nakaakbay sa akin.

"Tara na, Ate." sabi ni Ron at hinawakan na ako pero kaagad din akong niyakap ni Erik papunta sa kanya.

"Hindi, mauna na kayo, dito lang muna siya."

Kumunot ang noo nila samantalang si Nanay Litz ay ngumiti pa.

"Ayooon. At bakit naman aber ha? Siya ba ang coach mo?"

Para namang namula pa si Erik sa tanong ni Ron.

E kasi naman, bakit ba tinutukso pa? Nahihiya na rin tuloy ako.

"Ah basta wag ka na maraming tanong, dito lang si Angge sa akin."

----END----

As expected hindi naman binigo ni Erik ang mga tagahanga niya sa pagtatanghal.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa tuwing tumititig siya sa akin habang kumakanta.

Kagaya ngayon na nakangiti siyang nakatitig sa akin. I mouthed 'I love you' and I saw him smile.

He is doing what we both love the most and I am happy to witness this milestone of him.

Kahit kailan hindi ako magsasawang panoorin siya.

Alam kong ito na ang buhay na makakagisnan ng magiging anak namin at masaya ako dahil musika ang siyang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa.

Lumipas man ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang paghanga ko sa kanya noong mga panahong napapanood ko pa lang siya sa telebisyon.

I am forever a fan of this man.

Ramdam ko ang saya ng mga manonood dahil sa mga bigay-todong performances ni Erik.

Nasa huling bahagi na ng production number ni Erik. The show is going so well nang bigla na lang...

"Lahat naman siguro tayo may taong hindi natin kayang mawala sa buhay natin. Minsan, umibig rin tayo sa isang tao na talagang masasabi natin na siya na ang 'the one'. Na siya na yung ibinigay para sa'yo sa kabila nang maraming pagsubok sa buhay niyo. Na handa nating hilingin sa langit na sana hindi siya mawala dahil hindi ka kumpleto kung mawawala siya sa buhay mo..."

"Itong susunod kong kanta ay alay ko sa isang tao sobrang halaga sa buhay ko. Ngayong gabi, hindi ko man siya nakasamang magperform sa harap niyo, alam kong alam niyong lahat na isa siya sa mga taong talaga namang bahagi ng isang Erik Santos na kilala niyo. Isang taong na palaging naniniwala sa mga pangarap ko, ang nagsisilbing inspirasyon ko, ang taong hindi ko kayang mawala... this is for you."

🎼: KULANG AKO KUNG WALA KA

(A/N: ExtraOrdinary concert feels uwu)

Kulang ako kung wala ka, yan yung isa sa mga kantang paborito niyang kantahin sa akin sa tuwing naglalambing ako.

🎶Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka🎶

🎶Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na🎶

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya, ang gwapo naman ng lalaking 'to.

"Oh natutulala, inlove na inlove nanaman Ate?" pang aasar pa ni Ron nang makitang nakangiti akong nakatitig kay Erik.

"Sino ba yang lalaking yan ang gwapo naman, pakilala mo nga ako." pabirong sagot ko na lang at muling tumitig kay Erik and there, our eyes met.

"Yan ba? Parang yan yata ang tatay ng anak mo kung di ako nagkakamali." sagot naman nito.

🎶Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka🎶

Lahat naman ang tao ay sumunod ang mga mata sa kanya nang bigla siyang bumaba ng entablado.

Kumunot ang noo ko at kasabay nito ang pagbilis din ng tibok ng puso ko nang makita kong naglalakad siya patungo sa audience.

🎶Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking daigdig
Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko'y wala kang kapalit🎶

Dinig na dinig ko ang malalakas na tilian at sigawan ng mga nagkakagulong tao na hindi magkamawayaw sa pagsunod ng tingin kay Erik.

"OMG ano to?"

"Hala mukhang manghaharana siya!"

"OMG sino?"

"Hala, ayan! Si Angeline!"

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko nang lalo nang lumakas ang mga sigawan sa paligid ko kasabay noon ang pagtutok ng ilaw kay Erik na naglalakad nga... papunta sa akin.

🎶Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka🎶

Ooohh...

I can see his smiling eyes while still paving his way towards me. Ilang sandali pa ay nasa harap ko na siya at patuloy pa ring kumakanta.

Hindi na ako makagalaw, ramdam ko ang tingin ng mga tao.

Lumingon ako sa paligid. Nagsisigawan na silang lahat.

"Pogs, ano to?!" kabadong nakatitig ako sa kanya na hindi ko sigurado kung narinig niya ba o hindi dahil sa sobrang ingay ng paligid.

Imbes na sumagot ay tuloy lang siya sa pagkanta habang nakatitig rin sa akin.

🎶Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan🎶

Biglang tumigil ang kanta at doon hinawakan niya ang kamay ko.

"Ge, you know how much you mean to me. Anuman tayo, tayo ang may alam. Kagaya ng sabi ko sa kanta, hindi ako mabubuo kung hindi kita kasama. Lahat ng tagumpay ko ngayon, lahat 'to naabot ko nang kasama ka. Hindi ka man isa ngayon sa mga taong nakasama ko sa entablado para ipagdiwang ang mga naabot ko, hindi naman maitatanggi na isa ka sa mga may pinakamalaking ambag sa buhay ko hindi lang bilang isang mang aawit kundi bilang kung sino talaga ako. At alam ko rin na kahit hindi ako umawit ngayon kasama ka, isa ka sa mga taong sobrang proud sa akin. Angge, isa ka sa mga katuparan ng pangarap ko at hindi ako makakapayag na mawala ka pa sa buhay ko." he said those lines while directly looking in my eyes.

Naiiyak ako, ano bang sinasabi niya?

Halos hindi ako makapagreact. Paano ba naman kasi, ano namang isasagot ko sa kanya?

But yes, I am feeling exactly the same. Kulang ako kung wala siya.

"A-Ano ba to? Pogs, n-nagppropose ka na ba? Sagutin mo naman ako!" mahinang sabi ko.

Ngumiti lang siya bago binitawan ang kamay ko at may kinuha sa bulsa niya... kwintas. Isinuot niya yon sa akin.

"H'wag kang mag alala hindi pa proposal 'to, pero kung gusto mo nang sumagot ng OO pwede naman." bulong niya.

Malakas man ang sigawan ng mga tao sa paligid ko, tila nabingi na lang ako sa mga oras na ito.

All I can hear and see is this man infront of me.

"Salamat Angge, hindi ako si Erik Santos kung wala ka. Para sa akin, ikaw ang pinakamahalaga."

Kulang ako, kulang ako kung wala ka.
--------------------------

NANG matapos ang concert ay nagpunta na kami ng backstage ng pamilya ni Erik.

"Hi Miss Angeline, ang taray! Ang ganda mo tonight!" bati sa akin ng isa sa mga staff na nakasalubong ko.

Hindi pa rin ako makamove on pati sila Nanay Litz na nasa tabi ko kanina na kilig na kilig at hindi rin ako tinigilan sa pang aasar.

Napaface palm na lang ako, siguradong pag uusapan nanaman kami ng mga tao.

Marami akong nakasalubong na ang reaksyon ay SANA ALL. Pero hindi ko itatanggi na talagang kinilig ako. Ang sarap sa feeling na haranahin ka sa harap nang maraming tao kahit na singer din naman ako.

Lalo niya lang ipinakita sa akin na mahalaga ako sa buhay niya at masaya ako doon.

Hinawakan ko ang kwintas.

Hindi ito bago, ito rin yung kwintas na ibinalik ko sa kanya kung matatandaan niyo.

Oh akala niyo bumili siya? Hindi. Asa naman kayo na gagastos yan, ang kuripot kaya niyan. Nakalimutan ko na rin kasi na ibinalik ko nga pala sa kanya to.

Sa totoo lang medyo naisip ko rin na sayang nga din sana 'to, buti na lang ibinalik niya sa akin.

Dapat hindi ko 'to ibinalik kasi kung sakaling naghiwalay kami pwede ko 'tong ibenta para may pambili ako ng gatas ng anak namin.

Hmmn okay atleast ngayon nasa akin na ulit.

Napangiti na lang ako sa naisip ko, pero ang totoo feeling ko talaga ang ganda ganda ko.

"Angge!" malakas na sigaw naman ni Yenggay at niyakap ako. Kasama nito ang asawa niyang si Yan.

"Angge, congratulations!" sabi pa nito ulit.

Hinampas ko naman siya nang mahina "Baliw! Anong congrats ka dyan. Ako ba si Erik ha?"

"Ay sorry akala ko kasi concert mo. Hindi ba? Ikaw kasi ang pinag uusapan eh. Ikaw ang tunay na wagi ngayong gabi."

Nagtawanan naman kami. Kahit kailan talaga hindi siya papatalo sa mga banat niya.

"Nandito pala kayo. Bakit hindi ko kayo nakita kanina? Akala ko hindi kayo pumunta."

"Hello, pwede ba yun? Tsaka ano ka ba kanina nakasalubong namin si Tita Lita at sila Ron, ikaw kamo ang wala. Busy ka daw kasi magpakastage jowa. Edi ikaw na masaya." sabi nya naman.

Tumingin siya sa paligid bago ako sinundot sa tagiliran "Tsaka congrats din naman talaga syempre tagumpay ni Love, tagumpay mo na rin diba? Ikaw ha ang haba talaga ng hair mo. Kinilig ako Ge!"

"Ay wow, kinilig ka? Ano, teenager lang Yenggay? Ano 'to fan ka rin namin?"

"Oo naman baka nakakalimutan mo na ako ang number one fan niyo. At kulang kayo kung wala ako." makahulugang nitong sabi na ginaya pa ang kanta ni Erik, "Pero uuuy seryoso grabe alam mo bang kinilabutan ako, akala ko talaga proposal na, ready na nga sana akong umiyak."

Akala ko rin talaga. Nakakainis, ready na pati akong sumagot ng Yes. Biro lang, hindi pa pwede dahil sa trabaho at kontrata ko.

"So balak mo pa akong agawan ng eksena ganon? Baka mas grabe pa ang iyak mo kaysa sa akin."

"Ay malamang talaga. Syempre proud bestie! Alam mo bang pangarap ko yon?"

"Ang alin?"

"Yung... kayo. Yung makita kayo balang araw na masaya, may mga anak, yung ganon ba. Kasi syempre isa ako sa mga nakakita kung gaano kayo katatag lalo na kapag magkasama."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Basta ha? Ako ang kakanta sa kasal niyo. Kaya dapat wala nang hiwalayan, ang aarte niyo eh, ako ang kinakabahan sa inyo."

Ngumiti naman ako, "Oo promise bawas na sa pagpapakateenager mula ngayon."

"Oh eh nga pala kamusta ka na, okay ka na ba?"

I nodded, "Oo, wag kang mag alala. Medyo nakakarecover na." medyo ilang kong sagot.

Hay Yenggay.

"Kasi naman Ge wag kang magpakapagod. Ni hindi ko man lang nalaman na naospital ka na pala. Pahinga din pag may time, okay? Pinag-alala mo ako."

"Opo, sorry na magpapahinga na. Kaya nga heto oh, wala munang work para hindi mapagod at mastress." sabi ko na lang

Ang alam kasi niya ay naospital ako dahil sa overfatigue pinili muna naming hindi sabihin dahil ayaw na naming lumaki pa ang issue.

Di bale, malalaman niya rin naman yan sa mga susunod pang panahon. Siya ang showbiz bestfriend namin ni Erik, thirdwheel ika nga niya, pwede bang hindi niya malaman?

"Oh eh speaking of pahinga, pagod na ako! Nasaan na ba yun si Erik nang makapagpaalam na ako?!"

I shrugged, oo nga hindi ko pa rin siya nakikita.

"Hindi ko nga rin alam kanina ko pa hinahanap."

"Sus, lagi mo naman siyang hinahanap wala namang bago du---"

"Oh ayun pala si Erik oh!"

Naputol ang pang aasar ni Yeng sa akin nang magsalita si Yan.

Sabay kaming napalingon sa lugar na itinuro ni Yan at doon parang nagsisi ako na tumingin pa ako.

Biglang nagdilim ang paningin ko. Parang gusto kong manghablot ng buhok ngayon.

"Uhm Ge, t-tara puntahan natin si Er---"

"Wag na, sige na kayo na lang. Mauuna na ako. Baka makaistorbo pa ako sa kanila."

Nakakainis, bakit ba kasi nandito yan? Akala ko pa naman malinaw na kay Erik na ayaw kong nakikita ang babaeng yan?

Isa pa, akala ko ba no pets allowed dito? Paano siya nakapasok, at partida, sa backstage pa.

"Eeeeh Ge naman eh kakasabi mo lang diba? Baka naman wala lang yun. Baka naman nagpapaalam at kinocongratulste lang siya ni Kei." tinongnan pa ni Yeng si Yan na parang sinasabi na tulungan siya.

Oo tama, tanaw na tanaw namin mula dito na kausap niya nga ngayon si Keia.

Congratulate! Hah!?

Huminga naman ako nang malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Maraming tao dito, hindi naman siguro gagawa si Erik ng ikakasama ng gabing ito. Subukan niya lang din dahil babalian ko na talaga siya ng buto.

Pinikit ko ang mata ko bago binalingan si Yenggay.

Lumakad na kami papalapit kay Erik.

Parang gusto kong sapakin si Erik ngayon sa mukha.

"Ikaw ang kailangan niyang makita ngayon Ge kaya chill ka lang. Hinarana ka, h'wag mo kalimutan yan. Ikaw ang original." bulong pa ni Yenggay

Pinipilit kong pakalmahin ang utak ko dahil ayoko namang pangunahan nanaman ako ng emosyon ko.

Tama yan Ge, h'wag kang magpakapraning. Kumalma ka dahil masamang manakit ng hayop.

Huminga na ako nang malalim.

Pero sadya talagang sinusubukan ng tadhana ang pasensya ko.

Kahit na maraming mga mata ang nakatingin sa kanila ay sinubukan kong maging kaswal lang.

Halos dalawang metro na lang ang layo namin kay Erik at Keia nang sinubukan kong tawagin siya.

"Pogs----"

Pero, bigla na lang silang nagyakapang dalawa.

WOW

"Hah!" I sarcastically said dahil sa biglaang nakita ko.

Napagaling nga naman talagang dito pa.

GUSTO KONG MANGALADKAD NGAYON, PIGILAN NIYO AKO!

Marami ang napatingin sa akin. Halos lahat ay nagulat sa pagdating ko at sa biglang pagyakap ni Kei at Erik sa isa't isa.

Kaya naman, I chose to be calm.

I breathed heavily bago muli siyang tinawag

"Erik Santos." malakas na sabi ko, sinadya kong malakas ito para talagang marinig niya at ng babaeng nakalingkis nanaman sa kanya.

Kasi nga inaahas siya.

And with that, awtomatikong naghiwalay silang dalawa mula sa pagkakayakap at tumingin sa direskyon ko. I can see how shocked Keia is nang makita ako.

Gulat ka ghourl? Ikaw pa ang may gana ngayon ha?

"Ge you're her---" para namang natigilan si Erik nang makita ako.

Bakit? May nakakagulat ba sa presensya ko?

Loko 'to ah, siya nga ang halos mamatay kanina dahil inaantay ako.

I looked at Keia from head to toe. Nice, mukhang mas naghanda pa siya sa akin para sa gabi na 'to. Parang pupunta ng award's night.

Putok na putok ang blush on, dinaih pa ako.

I can hear some people murmuring. Alam kong kahit sila ay nagulat at napukaw ang atensyon biglaan sa ginawa nila.

Napailing na lang ako, ni hindi man lang kasi naisipang sa dressing room magyakapan.

Para tuloy silang nanonood ngayon ng live na shooting ng eksena sa The Legal Wife.

Ay teka, ako ang kumanta nung themesong nun ah?

Nakakahiya naman sa akin matapos akong kantahan ng Kulang Ako Kung Wala Ka.

O baka nga kulang talaga kasi ang eksenang 'to kung hindi ako eeksena.

Imbes na magpakita ng inis ay ngumiti na lang ako. Ayokong gumawa pag uusapan ng mga tao dito pero alam kong wala na rin akong magagawa. Para bang lahat ng tao sa paligid ay inaabangan na kung ano ang gagawin ko.

I smiled before slowly walking through the gap in between.

Pangiti ngiti lang ako pero deep inside gusto ko nang pilipitin ang leeg nila pareho.

"Congrats Erik. Ang husay husay mo, hindi mo binigo ang audience. Talagang wagi." tila kaswal pero may laman kong sabi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Kei na wala namang imik.

Parang ang bait niya sa lagay na 'to.

Dapat lang na huwag siyang magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at talagang pilipitin ko ang leeg niya sa mga oras na 'to.

"Ge, it's not what you thin----"

Hah! Its not what you think mo mukha mo!

Hindi ko na pinatapos si Erik. I raised my palm to stop him at ako naman ang nagsalita.

"Don't worry, naiintindihan ko. Gusto ko pa sanang makipag usap kaso biglang sumama ang pakiramdam ko. So baka next time na lang kung may time man ako?" sabi ko at bineso si Kei bago ako bumaling kay Erik at siya naman ang niyakap ko.

"Love naman, pag aawayan nanman ba natin to? Wala lang yun, ipapaliwanag ko sayo pag uwi. We already made it clear, huwag ka namang magalit." bulong niya sa akin habang nakayakap

I hissed. Kahit anong paliwanag niya ay alam kong hindi ko siya papakinggan ngayon dahil naiirita ako at ang tanging gusto ko lang sy umalis ngayon sa lugar na 'to para hindi ko makita ang mukha ng babaeng yan.

"Tigilan mo ako kaka-Love mo naiirita ako sayo. H'wag kang pupunta sa bahay ha, talagang iuuntog kita sa gate. Uuwi na ako bahala ka sa buhay mo, wag kang gumawa ng eksena dito." bmitaw na ako sa kanya at ngumiti ulit.

"So paano ba yan, Inaantay na ako ni Mama Bob sa bahay. Congratulations ulit, Santos!" buong lakas kong tinnggal ang kamay niya at tumalikod na para lumakad paalis ng lugar.

At oo, Santos talaga para dama.

"Ge! wait for us!" rinig kong sabi pa ni Yenggay pero hindi ko na sila nilingon dire diretso lang akong naglakad.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman ako galit, sadya lang na nakakairita. May tiwala ako kay Erik at ipinangako namin yun sa isa't isa.

Siguro ay pagod na talaga ako para ngayong gabi, ayoko na ng stress. Hay nako Erik kahit kelan talaga bwiset ka!

Haaaay buhay showbiz kailan ba ako masasanay?

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 97 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™
535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
95.8K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...