Prove Me Wrong [TAGLISH]

By bedazzler

21.8K 542 698

Isabella Stephens - someone whom everybody gawks at in disbelief. - How could such beauty exist in... More

Chapter 1 [Where It All Started]
Chapter 2 [Wrong Room]
Chapter 3 [Ooopsy!]
Chapter 4 [Meet The Girls]
Chapter 5 [I'm Bloody Screwed]
Chapter 6 [Saved?]
Chapter 7 [Please]
Chapter 8 [We Need A Party]
Chapter 9 [Making Her Boyfriend Jealous]
Chapter 10 [Stupid Tutorial Idea]
Chapter 11 [Tempted]
Chapter 12 [Butterflies In My Stomach]
Chapter 13 [Can't Keep My Eyes Off Of Your Lips]
Chapter 14 [No Visa, No Entry]
Chapter 15 [Run]
Chapter 16 [Heart Attack]
Chapter 17 [Just For Tonight]
Chapter 18 [Charade]
Chapter 19 [Gulat at Galit]
Chapter 20 [Fall In Line]
Chapter 21 [Dumbstruck]
Chapter 22 [Motorbike]
Chapter 23 [Wake Up!]
Chapter 24 [That Party]
Chapter 25 [Veritas]
Chapter 26 [Prove Me Wrong]
Chapter 28 [Finally]
Chapter 29 [Trixie and Brigham]
Chapter 30 [Insecurities]
Chapter 32 [The Devil]
Chapter 33 [You, Not Her]

Chapter 31 [One Week of Misery]

302 11 9
By bedazzler

Deiderick

Before last week happened, kapag absent si Isabella Stevens sa Bemont High, nakakahinga si Deiderick, si Dean Harrison, mga teachers at school guards ng maluwag. Walang extra cautiousness. Walang extra gulo. Walang extra trabaho.

These past four days, absent nga si Isabella…pero malayo sa pagiging relaxed ang ambiance ng buong paaralan. It is worse. School became hell.

Monday - first day na absent nito – hindi niya mapigilan ang sarili na mapalingon occasionally sa paligid para kahit lang man mahagip ito ng tingin niya, alam niyang okay ito and she’s nearby. Natapos na lang ang assembly at recess, wala ito. Hindi ito tumawag sa school para magpaalam na may sakit ito nor kung nag out of town or country na naman ito which is her usual alibi kapag absent ito. Usually kasi nagmo-modeling ito pero ngayon, nope. No call.

He checked at hindi ito tumawag sa secretary and there he was, worried like a madman. Not that he’s gonna admit that to anyone. Nope. Umakto siyang hindi apektado. He wanted to call or text her pero alam niyang hindi siya nito sasagutin kaya kinipkip niya lang ang pag-aalala niya.

By lunchtime, napanganga ang lahat dahil pabalik-balik na pina-play ang kuha niyang video ni Clark at nung babae sa plasma TVs na nakakalat sa buong school. Sa mga wala sa party o sa mga hindi nakarinig sa eskandalo, it was a gift. Sa mga andoon sa party, dagdag entertainment dahil edited ang video to serve as a shockingly shameful yet funny short film.  Kahit siya napangiti pagkatapos makita ang kagagawan ng brat. He expected her to be ashamed dahil diba nga, nagtaksil dito ang steroid nito na ex. But no. She made herself look like a heroine.

He can block the hacker of course pero nang narinig niyang nakalaya na si Clark dahil pinyansahan agad ito ng Mommy nito at sa simpleng kawalang hiyaan nito ay pumasok din talaga sa school, hinayaan niyang ipabalik-balik ito na i-play.

Frustrated din ang mga computer techs na siya ang inaasahan magpatigil sa pag-i-infiltrate ng mga outsider. Galit na din ang mga teachers dahil istorbo daw ang pagkalakas-lakas na audio. Nang napanood daw ni Clark ang video ay nagwawala siya nitong hinanap. Parang jackhammer ang kamay nitong kumatok sa council office. Nang nakita niyang isang galit na Clark at mga minions nito ang istorbo, he just rolled his eyes and slammed the door at the druggies’ faces.

Tuesday, hinanap niya ang kapatid sa school dahil hindi ito sa bahay nila natulog nung isang gabi at ang paalam ay kina Isabella daw muna ito. Nakita niya ito sa school sa isang room na bakante kasama sila Nina and Missy. Iniwas niya ang tingin niya kay Nina na as usual, nagtitipid ng tela na pantabon ng katawan. Missy is easy not to look at. She’s almost two feet shorter than him.

Pasimple niyang tinanong si Trixie where she slept kahit na alam niya naman talaga asan.

“Kina Izzy,” she said barely looking at him.

Looking “not interested”, tinanong niya asan si Isabella pero inikutan lang siya nito ng mata. He almost demanded na sagutin siya ng kapatid but decided against it.

Yeah! Beneficial talaga ang magkaroon ng kapatid na best friend ang babaeng hinahanap niya dahil marami talaga siyang nakuhang information… NOT! His sister was useless. Hindi niya nga alam kung bakit inirapan pa siya nito.

He sighed. Okay, fine. Of course may inkling na siya kung bakit siya nito inirapan. Isabella probably told her he kissed her and his sister learned that her brother is a dickhead.

Actually, hindi lang ang kapatid niya ang may tingin na gago siya dahil sabay din siyang sinaluduhan ng middle finger nina Missy at Nina.

That time, nagalit na siya at umalis sa harapan ng mga ito. How dare that brat make him look like the bad guy? He didn’t do anything wrong. He asked permission for Christ’s sake and she permitted him! At kailangan ba talaga nitong sabihin sa mga kaibigan nito ang lahat ng mga nangyayari sa buhay nito? Talk about privacy. Yeah, tumupad nga talaga ito sa usapan. What happened sa attic, mananatiling sa attic? Nuh-oh. Total lie. He felt betrayed.

By the third period, fifteen minutes pa lang nagsisimula ang klase ay tumunog na ang bell. Iba ang tempo kaysa sa usual kaya akala nila emergency. Nagsilabasan ang mga estudyante sa hallways kaya nagkakiskisan sila ng braso ni Clark.

It was like lightning. Sobrang bilis ng nangyari. Isang segundo nakatayo pa siya, sa pagbuka niya ng mata ay nakahandusay na siya sa sahig at ginagawang punching bag ang panga niya ng steroid na ex ni Isabella. Nakapatong ito sa kanya kaya hindi siya makagalaw. He can’t breathe sa bigat nito. Pakiramdam niya din binubura nito ang mukha niya. Walang humpay ang exercise ng kamao nito. He counted and by sixteenth, he blacked out.

His mother was mortified nang tinawagan ito ni Trixie, leaving a very wealthy and influential client alone. Ang Dad niya naman ang gumamot sa kanya. In times like this, kapag may nasaktan sa kanilang magkapatid, only his Dad can act calm albeit pressured. Tito Isidore called as soon as he heard. He promised na simula ngayon, papalibutan na din siya ng bodyguards. He refused. No way.

Nang nasa hospital siya, pinapalibutan siya ng mga classmates niya (not the cool ones but the average looking ones who worships him), mga kasama sa editorial staff at ibang taong hindi niya kilala. Hell, even his sister, Missy and Nina na kanina ay binigyan siya ng cold shoulder, inaalagaan siya ngayon na parang lumpo. He wanted to say thanks pero masakit igalaw ang panga niya.

He waited for a certain brat to appear or call. Surely she would have heard na binugbog siya ng ex nito galing sa kapatid niya. But the day ended and he’s still waiting.

She has no conscience at all, isip niya.

Unless, masaya ito sa nangyari sa akin, sagot ng utak niya.

At night, nanaginip siyang binisita daw siya nito. Sa panaginip niya, panay daw ang haplos nito sa noo niya. It was a comfort feeling her long, soft fingers caressing his hair. When he woke up in the middle of the night, walang bakas sa kwarto niya na naroon nga ito. Nang bumangon siya - which was like carrying a ton of steel dahil sa sakit ng katawan niya - he saw his hoodie sa bedside table, messily folded.

The same hoodie na pinahiram niya to a certain brat sa Paris.

He quickly scanned his room para i-confirm na nanggaling nga ito doon. Wala ito.

The following day, he asked Trixie kung pumunta ba si Isabella para bisitahin siya. She snorted at tinaasan siya ng kilay.

“Ba’t ka naman daw niya bibisitahin? Friends ba kayo?”

Itinaas niya ang hoodie niya at pinakita sa kapatid. “Then bakit ‘to nasa kwarto ko eh hiniram niya ‘to?”

“Nilagay ko yan nung isang araw pa sa kwarto mo. Pinasauli niya. Duh?” She said straight faced.

Hindi niya alam kung nagsisinungaling ito. Trixie could always lie for a living except na lang kung ang Mommy nila ang kausap nito. Ang tanging alam niya lang, the hoodie was not in his room the day before dahil he cleans his room everyday at alam niya kung anong nagalaw, nawala o nadagdag sa kuwarto niya. Sa halip na hulihin ito kung nagsisinungaling ito, he just turned his back and walked away. He did not see the relieved look Trixie gave.

He insisted na pumasok pa rin siya. Hindi niya habit ang umabsent. Kahit na ba mukhang painting ng kindergartener ang puno ng pasa niyang mukha. Mas mabuti nang hindi makilala ang mukha niya kaysa ma-bored siya sa bahay o mapuno siya ng assignments sa susunod na araw.

He scanned the hallways, for the first time, he really looked at everybody’s faces. Hindi niya maintindihan ang sarili. He keeps on denying na wala siyang hinahanap yet he keeps on looking. It’s scary. Always denying yet always contradicting himself.

Nakita niyang every plasma TV ay natutumpukan ng mga estudyante. With shocked faces and chattering wildly. Hindi niya feel makipagsiksikan kaya pumunta na lang muna siya sandali sa office para makita ang pinagkakaguluhan ng mga schoolmates niya. He turned the flat screen on and then the football team’s pictures appeared. Bagong line-up ang iniintroduce. When the quarterback was shown, pati mata niya lumaki. Hindi na si Clark ang quarterback. Someone named Tim took his place. As a matter of fact, hindi niya na rin nakita sa line up ang mga goons ni Clark.

Napaupo siya sa upuan ng kasama niya habang may malapad na ngiti. Hindi niya na kailangang magtanong sino ang may kagagawan nito.

Way to go brat, he thought, congratulating her in his mind.

By Friday, he had vanished all hopes na makikita niya pa ito this week lalo na’t half day lang ang class ngayon dahil inilaan para application for clubs ang rest of the day. Walang ekspresyon as always ang mukha niya nang pumasok sa school ground. Sa utak niya, he’s preparing his short encouraging speech para sa mga interesado pumasok sa Sword Tongues which is the Bemont High’s Debaters League kung saan siya ang presidente.

By the time he got to the council office para magbigay ng briefing sa mga presidents of each club, puno ng students ang hallway. Puro halos mga mukhang freshmen at sophomores. They are in two lines for each gender pero mas mahaba ang sa mga babae. Almost all are wearing skirts while the men – kung mga lalake nga talaga – are wearing tights or sweatpants. Here and there, some girls and guys (?) are showing dance moves na kahit sa kanyang untrained eye for dancing looks good. Ang iba na mukhang pagod ay nakasalampak sa sahig while listening to their iPods. He walked stiffly, inwardly cursing the cause of the long lines. Ayaw niya sobrang daming tao.

Someone pointed at him and screamed his name and in less than a minute they all rushed to him demanding something na hindi niya maintindihan. They swarmed and for a moment, he sympathized on how claustrophobic people feel.

Five bloody hours later, hindi niya na kinipkip ang inis sa cause ng linya. Tapos na siyang magdistribute ng application papers sa lahat ng interested sumali ng cheerleading squad.

“CHERLEADING SQUAD YOU SAY?” Bulalas rin ng nabiglang mga kasamahan niya sa student council.

 Isabella, the witch, gave him the honor to give applications sa mga deserving daw sumali because he’s a “very good judge of character”. Isabella would later screen all his choices according to their dancing skills.

Why the hell did she put the application sheets sa desks niya na nasa squad din naman ang kapatid niya, si Missy at si Trixie – the only people she trusts? Alam niya there’s a catch aside from wasting his time and pissing him off.

The honor turned to horror when those he declined threatened to kill him or cried and begged for second chances.

One particular girl na hindi niya makalimutan ang mukha volunteered to carry his bag from home to school and vice versa. Nag-offer pa nga itong linisin ang loo na gagamitin niya at kahit na daw subuan pa siya. Breakfast, lunch and dinner. Ridiculous! One redhead offered her virginity. Virginity her ass! Goodness. What’s so interesting in cheering that these kids would sacrifice their virtue? For him, cheerleading is nonsense. Itaas ang paa, iwagayway, pilay!

They ought to use their brains more.

He longed to circle his fingers sa leeg ng brat na iyon. He can’t believe he wasted days thinking and wishing to see her and make sure she’s okay when all she does is to make him feel not okay! He willed himself to forget about her for the rest of the day.

By two o’clock, habang nasa kalagitnaan siya ng very well thought out na speech niya, a voice thundered sa audio system ng buong school.

“Patience, patience, patience is a virtue… but sadly, not mine.” The voice purred seductively that he stopped talking. “All those who passed the first screening by the charming Mr. Deiderick (she emphasized na parang dinudura ang pangalan niya )Stevens for the cheerleading squad, get your asses here at the gymnasium. I’ll lock all exits at exactly ten minutes. Yours truly, well, scratch that. Yours sexily, head cheerleader, Izzy Stephens, who never wants it to be Stevens. Ta ta!” She announced then paused na parang wala nang sasabihin. “Oh, and by the way, seven minutes.” She reminded while laughing and she’s gone.

Leaving him speechless and red faced in front of aspiring debaters.

~~

lemme explain.. haha kapag ako po ay walang gana, wala po talagang pumapasok sa utak ko kahit tumunganga pa ako sa harap ng laptop ko magdamag... if susubukan kong magsulat na wala sa mood, it would just turn out to be crappy at mas lalo akong ma-didiscourage.. so... mahalin niyo na lang po ako no matter what..

haha i swear, i really tried writing for the past month.. feeling ko nga nag-reflect yung sinulat ko... 

so, any guesses anong mangyayari sa sunod na chapter? kasi wala pa akong idea.. haha baka mabigyan niyo pa ako.. ^____^

Continue Reading