Under His Hoodie

By bratmind

12.1M 559K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 45

179K 8.5K 5.6K
By bratmind

When I found out that our company was already sinking and we wouldn't be able to cope up, sabi ko kay mommy na magpa-part time job muna ako para tapusin ko muna ang school year bago ako tumuntong sa kolehiyo.

I did.

But the following day, nag-iba ang ihip ng hangin. I woke up, and I felt my tummy was very upset. Parang maduduwal ako. Agad akong tumayo at sinubsob ang sarili sa lababo.

Sumuka ako nang sumuka. Tubig lamang ang lumalabas dahil hindi pa ako kumakain. Ramdam ko rin na nahihilo ako. Kumapit ako sa kanto ng lababo bago nagmumog at hilamos. Natulala ako sa repleksyon ko sa salamin.

H-Hindi kaya...

My eyes widened. Tumakbo ako at agad kinalkal ang aking phone. I checked the date in the calendar. I stiffened. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung anong araw ngayon.

Kahapon dapat...

Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadatnan?

"O-oh my God..."

My hunch was right when I sneaked out to buy some pregnancy tests. Napahagulgol ako sa iyak nang mapagtagpi tagpi ang lahat.

Two lines.

It was positive.

I was pregnant!

Nilibot ang tingin sa kwartong halos wala ng laman. Tears streamed down from my eyes when thoughts bothered my mind. Natutop ko ang aking bibig. Naalala ko ang ginawa ko noong nakaraan.

When I drugged Nazareth and we ended up making love. Iyon ang ginamit ko upang sirain ang reputasyon niya. Pero ngayon ako ang nasira.

Nagbunga ang maling ginawa ko.

I locked myself up the whole day. Nasa madilim na sulok lamang ako, umiiyak. I didn't know how I would tell everything to mommy. Marami na kaming problema at ayoko nang dagdagan pa iyon.

Hindi ako lumabas sa mga sumunod na araw. And mommy kept knocking at my door. She was so worried, but I didn't know how will I face her. Natatakot ako.

Andaming pumapasok sa isip ko. Anak ito ni Nazareth. Ngunit wala na siya. How would I raise this child alone?! Ayokong lumaki ang anak namin na walang ama!

"Damn this life!" I started crying. "Nazareth, bakit kung kailan kailangan kita tsaka ka n-nawala..."

I hid myself more when the door of my room opened. Nasilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang mga mata ko. Nakita ko na lang ang sarili na yakap yakap ni mommy.

"Hellary! What's wrong with you!" She started crying. "Anak, ano bang nangyayari sa 'yo?!"

Natahimik ako nung una. Hindi ako nakasagot. Sa ilang araw na pagi-isip ay napagtanto ko na kailangan ni mommy malaman. Siya na lang ang kakampi ko sa buhay. She must know.

Then I told her.

"M-mommy, I-I'm pregnant..."

Her eyes widened in horror. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan. Bumilis ang kaniyang paghinga.

"H-how..."

"M-mommy, I'm sorr—" Nag-panic ako. "Mommy!? mommy!?"

She was rushed to the hospital when she fainted. The doctor said she was fine and just needed to take a good rest. Ngunit binalaan ako ng doctor na mas tingnan nang maigi si mommy at i-iwas sa mga pagkain na maaring maka-apekto sa puso niya.

The doctor told me that she had a weak heart.

Nang araw ding iyon ay hinimatay ako dahil ilang araw na akong hindi kumakain at natutulog. Nagising na lamang ako na hawak na ni mommy ang mga kamay ko. We were in a hospital room.

I panicked. Dapat nagpapahinga siya!

"Mommy, dapat nagpapahinga ka ngayon!" She forced a smile. Parang pinipiga ang puso ko dahil doon.

"It's okay, honey. I am fine..."

No! You weren't!

She stood up when the doctor came inside. Nakangiti ito ngunit hindi ko ito magawang suklian. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kaya ko.

"Congrats Ms. Angeles. You're almost one month pregnant."

I was speechless even I already knew it beforehand. Imbis na matuwa ay bumuhos lamang ang aking luha. Agad akong dinaluhan ni mommy. Yumuko ang doctor bago umalis.

"M-mommy, I-I can't raise this child. I'm still young..."

Then she hugged me tightly. "Sssh, we will raise the child together, okay?"

Umiling ako. Nalulunod pa rin sa sariling luha. "Natatakot ako...natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. And those are going to reflect on you. H-hindi ko po kaya...Hindi..."

Marami na kaming problemang kinakaharap ngayon. Ayokong dumagdag pa ito sa mga problema namin. But I didn't want to abort the baby. And I also knew mommy wouldn't agree to such a mad thing.

Then mommy and I made a pact.

She was caressing my hair the other day. Tulala lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Just bear in mind that you're carrying your brother inside your womb," she said. "And not your son. Ipagbubuntis mo 'yan at papalakihin bilang kapatid. Naiintindihan mo ba ako, Hellary?"

Kahit hindi ko maintindihan. I slowly nodded my head.

"No one will judge you. No one will judge us," dagdag pa nito. "It's your brother and not your son. Naiintindihan mo ba ako?"

Then we sold our mansion so we could live without working outside. The money that we had was only enough for years. We needed to work to earn for the future. We bought an apartment away from people so I could hide my pregnancy. I couldn't afford people to know that I was pregnant. And the father of the child that I was carrying was gone. That will only reflect in mommy's image. Lugmok na nga ang lahat kaya hindi ko hahayaan ang mangyari iyon.

Naniniwala ako na makababangon pa kami ulit. So, I at least needed to protect mommy's image to the corporate world.

"M-mom, are you crying?" I asked one time when I noticed her crying in the middle of the night.

Nakita kong mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha. "No, no. I'm fine. Napuwing lang ako."

I thought she was really fine. Days had passed, and that continued. Nagaalala na ako. Mahina ang puso niya kaya dapat niyang iwasan ang maging emotional.

Madalas ko rin siyang nakikitang umiinom ng alak. Kaya palagi ko siyang sinasaway dahil makasasama iyon sa kalusugan niya.

Months had passed, and the baby bump was already visible. Isang buwan na lang ay kabuwanan ko na. I was supposed to be happy, yes. Ngunit hindi ko magawa. Dahil habang patagal nang patagal ay napapansin kong pahina nang pahina si mommy.

I told her that she should visit a doctor, ngunit lagi siyang tumatanggi. She told me that all the money left was for the hospital expenses for my delivery. She thought things so advanced that I couldn't cope up.

"I'm good, anak. You don't have to worry yourself..."

At nang dumating ang araw ng panganganak ko ay halos hindi ko kayanin. It was so hard. Pero ginawa ko. Kinaya ko.

Para sa akin.

Para sa amin.

I was half awake nang ilipat ako sa isang hospital room. I heard the nurses talking about something. Hindi ko man masyadong maintindihan dahil hindi pa nanunumbalik ang buo kong lakas, ngunit may mga napagtanto ako.

"Kakawa naman. Ang bata niya pa. Mabuti't normal ang delivery pati ang bata..."

"Kaya nga. Pero nanay niya 'yong inatake sa puso kanina 'di ba habang nanganganak siya?"

"Oo, iyon nga."

Tears pooled in the corner of my eyes before I was slowly eaten by darkness. Nagising ako sa pagbukas ng pintuan ng kwarto. A nurse went inside. Buhat nito ang isang inosenteng sanggol.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Lalo na nang mabuhat ko ito sa mga bisig ko. My heart was fluttered when the baby started crying.

"H-hi, baby..." Tears streamed down from my eyes. "S-sayang...hindi ka nakita ni mommy..."

It was confirmed.

I was the only family that mommy has so they had to tell me.

Mommy died during the delivery because of a heart attack.

During my delivery.

Bolta-boltaheng sakit ang naramdaman ng puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa aking mata. I didn't know life could be this cruel. Bakit? Bakit hindi manlang hinayaan na masilayaan ng tumatayo kong ina ang anak ko?

Bakit?

Was it that hard? Bakit kailangan magmadali?

"Ano pong ipapangalan natin sa baby, Ma'am?"

"Gunner Kye Theoden H. Angeles."

I had decided that I would raise him as my brother. Hindi ko pa kayang maging ina niya. Hindi ko pa kayang tumayo bilang magulang niya. That would only trigger my heart to remember the painful past. Eh 'di kung sana hindi ako nabuntis, nagamit namin ang pera mula sa kinita sa mansion upang maipagamot si mommy.

Hindi sana nangyari ang lahat ng ito.

Then Manang Rosalinda came rushing at the hospital. Nanghina ako sa sobrang sakit.

"Hellary..." Agaw niya sa aking atensyon.

"Manang," agad niya akong dinaluhan at niyakap nang mahigpit. "Ssshh, tahan na. Ako na ang bahala sa inyo. Sa amin na kayo titira ng kapatid mo..."

"Manang...Si mommy..."

Hindi ko pa rin matanggap na wala na si mommy. It took me a year to at least healed from everything. Dinala kami ni Manang Rosalinda sa probinsya nila at kinupkop kaming dalawa ni Kye ng mag-asawa.

They were good to us. Tinulungan nila ako na palakihin ang kapatid ko. Ang anak ko.

"Ate! Look!"

Almost six years had passed, and Kye was already five years old. Parang sumayaw lang sa hangin ang panahon sa bilis nitong dumaan.

Nagkatinginan kami ni Manang Rosa. She knew everything beforehand. Pinaliwanag ko sa kaniya at alam kong naintindihan naman ng matanda iyon.

Nilapitan ko si Kye at lumuhod. Medyo madungis ang mukha niya, siguro'y kakalaro sa labas.

Pinakita niya sa 'kin ang saranggola na gawa sa plastic. He proudly put it on my face. "I made this po, ate!"

Ate.

Yes, Kye. I was your sister:

Mas nagliyab ang apoy sa puso ko na itago si Kye nang malaman na si Nazareth ang magiging amo ko. At mas naging desidido ako dahil may sarili na pala siyang pamilya.

Anak, your father was alive. But he already had his own family. Paano na tayo?

I felt my heart stung when I found it out. Ngunit ngayon...mukhang malabo nang maitatago ko ang anak ko.

Kasi siya na mismo ang nakahanap sa totoo niyang ama.

The waves of the past brought me back to the present. Mahigpit ang yakap ko kay Kye. I was crying so hard. I didn't know if Kye was able to understand everything that I've said.

"I'm sorry, anak..." I sobbed. "I-I'm sorry..."

Hinarap ko siya. He was crying too. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko siyang umiiyak. Agad kong pinagsisihan ang ginawa kong paninigaw sa anak ko.

I caressed his cheeks as tears streamed down my face. Hinalikan ko ang noo niya. Paulit-ulit.

I noticed a distinct movement from the side. Agad kong pinahid ang mga luha ko at binuhat si Kye. But I was startled when I noticed Nazareth.

The moonlight was reflected to his face in contradiction. His eyes were dark and lost. His jaw was clenched tightly. He pressed his lips together, and he gritted his teeth.

Nag-iwas ako nang tingin. Nilandas ko ang daan papasok sa mansion pero natigilan ako. Sumipol ang malakas na hangin at nagsitaasan ang balahibo ko sa buong katawan.

"W-who is he?" he mumbled. It was enough for me to hear it.

Jerk, he's your son!

I tried to look at him. Parang pinipiga ang puso ko nang dumapo ang abo niyang mga mata sa anak naming dalawa. My lips quivered. I hoped he didn't hear everything.

"Kapatid ko," I answered.

My answer didn't satisfy him. It etched on his face.

Hindi pa ako handa sabihin sa kaniya ang totoo. Pinapangunahan ako ng takot. May pamilya na siya. Kasal na siya. Anong laban namin ng anak ko? I didn't want to ruin someone's family just for my sake! Lalo na't may anak pa siya! Ayokong guluhin ang buhay niya!

He didn't speak. Mariin lamang ang kaniyang tingin. Tumalikod na ako upang pumasok na ngunit ramdam ko pa rin ang titig niya sa bawat hakbang ko.

Nang makapasok sa kwarto ay nakahinga ako nang maluwag. Agad kong ni-lock ang pintuan. Napaluhod ako dahil sa bigat na aking kinimkim. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa reyalisasyon.

Inayos ko ang sarili. Nilinisan ko muna ang anak ko bago ako tumabi upang matulog. I watched him as he was slowly eaten by darkness.

Alam kong hindi pa rito matatapos ang lahat. Dadating ang oras na magkikita sila at malalaman niya ang totoo. At hindi pa ako handa roon.

Hindi pa...

Sobrang lupit ng tadhana para gawin ito sa buhay namin.

Nakatulog ako kakaiyak kagabi. Nagising na lamang ako na wala na si Kye sa tabi ko. Agad akong nag-panic. Lumabas ako ng kwarto na tila aligaga.

I heard some laughter from the living room. Agad akong pumunta roon. My eyes widened when Kye was on Nazareth's lap. They were watching a funny cartoon movie.

Halata sa mata ng anak ko na masayang masaya siya. Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood na magkasama...

Ang mag-ama ko.

Tears pooled in the corner of my eyes. Parang kinikiliti ang aking tiyan at talampakan ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang ang saya-saya ng puso ko.

Mom, look. My son was with his father.

Habang nakikita ko silang magkatabi ay saka ko napansin ang pagkakahawig ng dalawa.

Nazareth's keen grey eyes weren't reflected to our son. Nakuha ni Kye ang mga mata kong maamo. It was deep black, like the tranquil skies painted to it. Tapos ang lahat ay galing na kay Nazareth. From his white skin to his pointed nose and bloody lips. Pati ang hulma ng mukha ay kuhang kuha. Mahahaba rin ang pilik mata at papunta na sa makapal ang mga kilay.

"Ate!"

I was startled when Kye called me. He was smiling widely, a smile that I hadn't seen before. Dahil doon ay lumingon din si Nazareth sa aking direksyon.

His brows slightly curved up. He plastered a smile on his face. Kinagat niya ang ibabang labi. I suddenly felt conscious. Agad pala akong bumangon sa higaan at hindi manlang nag-hilamos. Sa takot ko na baka kung ano na ang nangyari. Ngunit nadatnan ko lamang silang dalawa na magkasama.

I knew that I should be scared, but I just couldn't.

"Morning..." he greeted.

Tulala ako nang batiin niya ako.

"M-morning..."

He nodded his head, and he whispered something to Kye. Nilingon ako ni Kye pagkatapos.

"Ate! Sit here!" ani Kye.

Tinuro niya ang space sa tabi ni Nazareth. Nagdalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o hindi. But my son's hopeful eyes made me do it. Nakita ko na lang ang sariling nakaupo na sa tabi ni Nazareth.

Kye was happy about it. He kissed my lips before watching the cartoon again. Para akong napipi sa kinauupuan. Hindi ko magawang magsalita, naiilang ako.

"Your little brother woke up early. So I played with him," Nazareth whispered.

Hindi ko naman tinatanong.

Hindi na lamang ako nagsalita. Sinubukan kong aliwin ang sarili sa panonood ngunit hindi ko magawa. Ngunit ang dalawa ay tawa nang tawa sa pinapanood kahit wala namang nakakatawa.

Nagtama ang paningin namin ni Nazareth dahil sa pagtataka ko. Tumaas ang kilay niya sa 'kin. He gave me a lopsided grin.

"Yes, love?" he asked.

Kumurap ako at nag-iwas nang tingin. Pinilit ko muling aliwin ang sarili ko sa movie. But I just couldn't.

"Ate, why are you not laughing?"

Napalingon ako sa tanong ni Kye. Nakatingin din si Nazareth, tila hinihintay ang sagot ko.

"I'm a big girl na, Kye. The movie is for your age," I answered, then pinched my son's cheeks.

He pouted.

"But he's laughing too..." Tukoy ni Kye kay Nazareth.

"It's okay, baby. I'll just laugh with you," Nazareth consoled.

Nanahimik na lamang ako. Mukhang hindi naman napansin iyon ng dalawa. Then I felt a big arm at my back. Nilingon ko si Nazareth na nakatuon pa rin ang mata sa harapan.

Nakapatong ang kaniyang kamay sa ibabaw ng sofa, kaya parang nakaakbay tuloy sa 'kin.

"Ay, happy family ka ghorl?!" sigaw ng isang boses.

Napatayo ako nang marinig ang boses ni Angelita. Nanliliit ang mata nito habang tinitingnan kami. But she was taken aback when she noticed that it was Nazareth.

"Hala, ser! Kayo pala iyan!" aniya. "Akala ko kung sinong pamilyang asungot ang pumasok sa mansion..."

Kinuha ko na si Kye upang mapaliguan. Ayaw niya pa nga pero pinilit ko. He told me that someone already washed him up. Hindi ko na tinanong kung sino. Pero pinaliguan ko pa rin siya at isinabay sa 'kin.

I didn't wear our uniform today because I was going to wash it. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt at leggings. Nagbilin din ako kay Kye na huwag siyang lalabas. Iniwan ko ang cellphone ko sa kaniya.

Nagsabi ako kay Angelita na maglalaba ako. Nag-volunteer pa nga siyang tumulong pero sabi ko kaunti lamang iyon. Damit ko lang at ni Kye.

Natapos din ako bago magtanghalian. Bumalik ako sa kwarto at napansin kong wala roon si Kye. Nakaramdam ako ng inis. Ngunit nawala rin nang makitang kumakain na pala ito kasama ni Angelita.

"Tapos ka na, sismars?" tanong ni Ange. "Pasuyo naman ako, oh. Pakitapon sana ng basura."

I nodded. "Sige."

Kinuha ko na ang basura at tinali. Medyo nag-ingat ako dahil naglalaman iyob ng mga babasagin. Then I started to walk to go outside the gate when I stopped on my track.

I noticed that Nazareth was talking with someone. He wasn't alone in the front yard. Hindi ko napansin na nalaglag ko ang bitbit na basura kaya lumikha iyon ng malakas na tunog.

Naagaw ko ang atensyon nila dahil doon. Nilingon ako ni Nazareth, pati nung babae.

The girl was wearing a black backless dress that made its way to her curves. May bitbit din itong LV bag. She kinda reminds me of those models in magazines. She was gorgeous.

Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sarili ko. Lalo na nang tumingin ito sa 'kin.

"Naz, who is she?"

Her voice sounded so angelic, like her delicate features. Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili.

Then my eyes darted to his gaze. Nag-iwas din ako nang tingin pagkatapos. Kumunot ang kaniyang noo dahil doon. I ignored him.

"She's—"

"Maid." I cut him off. "I'm his maid."

Napa-oh ang babae. Nilingon niya si Nazareth na magkasalubong na ang kilay. Nagpupuyos ng galit ang mga mata.

"Is that right, Naz?"

His sharpened jaw clenched. Tinapangan ko ang mata ko at tinitigan siya pabalik. He sighed deeply and shook his head.

"Oo," he answered. "Katulong ko lang."

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 137 3
Lilliana Agnes Fabian Cooper, an aspiring and amateur writer on a mission to make her comeback to the writing world, is determined to master the art...
1.5M 76.7K 44
(Garnet Boys Series #2) Aurelia turns out to be the daughter of a big time criminal. And she lost everything because of it... Yaman, mga kaibigan, at...
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
2.1M 53.1K 53
Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and...