Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 8

81.8K 6.4K 1.3K
By VentreCanard

Chapter 8

Tali

Nasaksihan ko na kung paano mag-alala si Dastan, sa pagsasama namin dalawa'y naging pamilyar na ako sa kanyang mga emosyon na kung ipakita niya ay tila kay pino pa rin kahit sa aking mga mata.

Siguro'y ganoon naman talaga ang mga hari, higit silang bihasa upang itago ang kanilang emosyon. Ngunit ngayong nasasaksihan ko si Dastan sa panahong siya'y malayo pa sa mabigat na responsibilidad at imaheng nais niyang manatiling tatak sa mga mata ng nakararami, ngayon ko masasabing siya'y isa pa rin talagang bampira na may itinatagong kahinaan.

Kahinaan sa kanyang damdamin.

Sa harapan ng buong emperyo'y hindi siya kakikitaan ng kahinaan at lalong mata ng matinding takot. At kung nasaksihan ko man iyon, hindi dahil gusto niya iyong masaksihan ko kundi dahil tuluyan na siyang sumabog.

Sumagi sa isip ko ang tulung-tulong na pagpigil ng mga lalaking Gazellian kay Dastan upang habulin ako sa kabila ng kanyang malalang tama ng punyal sa kanyang katawan.

At ngayo'y muli na namang nasaksihan ng aking mga mata, ang muling pagsabog ng emosyon ng kasalukuyang Hari ng Sartorias. Siguro'y dala na rin ng kabataan at limitadong karanasan ang siyang naging dahilan upang ang kanyang emosyon ay mas malinaw at walang bahid ng limitasyon.

"Zen..." usal ni Dastan na lumaglag na ang mga balikat nang makita kung paanp lamunin ng buo ng halimaw ang kanyang kapatid.

Maging si Tobias ay ganoon din. Kapwa sila nakatulala habang ang dalawang halimaw sa pagitan nila'y patuloy nang tumatakbo patungo sa kanila.

"Tobias."

Hindi man lang nagpahid ng luha ang dalawang binatang prinsipe. Si Tobias ay pumosisyon na sa likuran ni Dastan upang abangan ang paparating na halimaw.

"I'll make this fast." Ani ni Tobias na tumango.

Akala ko'y imposible nang magningas ang kanilang mga sa ilalim ng banging iyon dahil iyon ang sinabi sa akin ni Rosh. Walang bampira ang may kakayahang gamitin ang kanilang kapangyarihan sa sandaling pumasok na sa nasasakupan ng bangin ng kaparusahan.

Ngunit sina Tobias at Dastan ay tila ay nakitang paraan upang ang patakarang iyon ay lampasan o tamang sabihin na ang kanilang higit na kapangyarihan ay hindi na kaya pang limitahan ng kahit anong mahikang mayroon ang bangin ng kasalanan.

Dahil ang mga mata nina Tobias at Dastan ay ngayon ay nagtatalo na kulay sa pula at itim.

Si Tobias ang siyang humarap sa mas maliit na halimaw, habang si Dastan ang humarap sa halimaw na lumunok ng buhay sa dalawang munting prinsipe.

"They are tough. They are still alive." Paulit-ulit na bulong ni Dastan habang nagsisimula na rin siyang maglakad patungo sa halimaw.

Si Tobias ang siyang unang umatake na nagawang tumalon ng napakataas. Ang dalawang kamay niya ay tila tumama sa sinag ng buwan at nang sandaling marahas niya iyong ibinaba tila nagkaroon ng rumaragasang tubig mula sa itaas na animo'y buhay na talon ang sumalubong sa halimaw.

Ang halamang lubid na kanina'y hawak ng kanyang kapatid ay ngayo'y nasa kamay na niya, marahas niya iyong hinila patungo sa kanya hanggang sa makarating iyon sa rumaragasang tubig, ang matalim na dulo ng naputol na puno'y ngayo'y sinasakyan na ng kanyang mga paa. Ang kanyang mga mata'y kasalukuyan nang nagniningas habang ang direksyon ng talim na puno'y patungo sa iisang direksyon.

"Wait... Dastan is coming..." bulong muli ni Dastan na tila kinakausap niya ang kanyang kapatid na nasa loob ng halimaw.

Gamit ang pinahaba niyang kuko, sinugatan ni Dastan ang kanyang sarili dahilan kung bakit dumaloy ang kanyang sariling dugo na halos pumatak na sa lupa, ngunit habang patuloy iyon sa pagdurugo ay tila nagiging tali iyon, o latigo.

Nang masiguro niya ang nais niyang haba muling nagningas ang kanyang mga mata kasabay nang paghampas niya ng latigo sa lupa.

Umungol ng malakas ang halimaw na tila hindi natinag sa mga ginagawa ni Dastan.

"Kuya's coming..." bulong ulit ni Dastan.

"Dastan..."

Ilang beses na akong nahulog kay Dastan dahil sa paraan ng pagmamahal na ipinakikita niya sa akin. Ngunit ang makita kung paano siya magmahal sa isang kapatid, anong mga katangian niya pa ang magiging dahilan upang lubos ko siyang mahalin at hangaan?

Siya'y hindi lang isang haring magiting at paninindigan. Hindi lang siya lalaking kaya akong paligayahin at lubos na pangalagaan, ngunit isa rin siyang kapatid na may pag-alalang tutunaw sa 'yong puso.

Ngayon ko mas naisip at naintindihan na si Dastan nga'y isang biyaya sa akin. Ang diyosang katulad ko'y nabuhay upang magbigay at magpanatili ng kaayusan na walang inaasahang kapalit, ngunit ang ipares sa lalaking tila malapit na sa perpeksyon ay is ana yatang kalabisan.

Habang pinapanuod ko ang nakaraan ni Dastan kasama ang mga kapatid niya at ang kanyang mga kaibigan, hindi ko maiwasang mangulila sa kanya.

Sa muling hagupit ng kanyang latigo, tumama na iyon sa dalawang braso ng halimaw. Umungol iyon ng napakalakas, sinubukan niyang umatake kay Dastan, ngunit higit na mabilis ang binatang prinsipe.

Patuloy sa paglatigo sa kanya si Dastan hanggang sa itali na niya ang dalawang braso ng halimaw. Ngunit masyadong malakas at malaki ang halimaw dahilan kung bakit madaling napigtas ang kanyang pagtali. Hindi naman nagulat doon si Dastan.

Nang sumulyap ako sa laban ni Tobias, kasalukuyan nang nakasaksak sa bunganga ng halimaw ang dulo habang may tumatagas na tubig sa roon, ang puno'y marahas pa rin isinasaksak ni Tobias na may nagniningas na mga mata.

Bumalik ang atensyon ko kay Dastan, kasalukuyan nang muling nakatali ang halimaw habang hawak niya ang latigong gawa sa kanyang sariling dugo.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ngayon ko masasabing, hindi lang si Rosh ang may kakayahang mapanatili ang kanyang kakasigan sa iba't ibang paraan, dahil ngayo'y kahit si Dastan na nahihirapan at punong-puno ng pawis habang humihila ng latigo'y nag-uumapaw sa kakisigan.

Ang kanyang mga mata'y nagniningas, ang kanyang pawis ay tila kristal na ngayo'y nasisinagan ng liwanag ng buwan, lumalabas ang ilang ugat niya sa noo, nag-iigting ang bagang, ang paglunok niya, ang isang paang nasa likuran upang mapanatili ang kanyang pwersa, ang kanyang maharlikang kasuotan na may bahid ng kanyang sariling dugo at ang dalawang kamay niyang napupuno ng ugat dahil sa lakas ng kalaban.

Higit na bata si Dastan ng mga panahong ito, ngunit ang kakisigan niya'y tila hindi na kayang itago pa ng kanyang edad. Siya'y nakatakda hindi lang para igalang na hari kundi isa rin lalaking hihilingin ng mga kababaihang sana'y maging kanilang pag-aari.

Ngunit siya'y para sa akin...

Ngumiti ako habang pinagmamasdan si Dastan.

"Pangako... babalik akong may sagot. Malakas at may kakayahan nang sumabay sa 'yong mga tungkulin. Siguro'y hindi pa nga panahon na tayo'y magkasama, Dastan. Kailangan kong buuin ang sarili, hindi lang bilang isang diyosa at ang aking sariling tungkulin, kundi bilang isang reyna dito sa mundo mo..."

Mariin kong pinagdaop ang aking mga kamay habang hindi inaalis ang aking mga mata sa kanya.

Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung sino ang siyang may dahilan ng lahat ng ito at kung bakit kami nais na pilit pinaghihiwalay ni Dastan ng tadhana. Ngunit tila ang nakaraang ito na ang siyang sumasagot sa akin.

Dahil si Dastan ay matagal nang hinuhulma bilang isang hari, ang kanyang karanasan simula pagkabata, ang kanyang bawat paglalakbay at desisyon ay may diyosang siyang nakaagapay.

Wala sa Deeseyadah, sa kalikasan at lalong hindi mula sa ibang mundo ng mga diyosa. Kundi isang diyosa na laging nasa tabi niya.

Sa unang diyosang nagmahal sa kanya ng higit sa lahat...

Nag-angat ako ng tingin sa itaas ng bangin, ang aking mga mata'y nagliwanag nang makita ang pamilyar na anino ng nag-iisang reynang may kakayahang talunin ang kilalang Hari ng Sartorias na pinaniniwalaan ng lahat na siyang pinakamagaling sa larong ahedres.

Buong paniniwala ng lahat ay si Haring Gazellian ang siyang may mga malikhaing kamay ang siyang humuhubog sa kapalaran ng kanyang anak, ang gabay at ang daan kung saan patungo ang kanilang mga hakbang. Ngunit tila nakakalimutan ng lahat ang liwanag.

Ang liwanag na siyang dahilan kung paano nakakakita ang mga Gazellian ng daan at ang liwanag na siyang nagbibigay linaw sa desisyon na siyang dapat piliin ng magkakapatid.

Si Dastan ay bata pa lang ay binubuo na ng mag-asawang Gazellian, inihahanda at mas pinatatatag, nang sa sandaling siya'y dumating na sa panahong nasa kanya na ang responsibilidad, hindi lang sa kanyang sarili, mga kapatid, kundi sa buong emperyo'y magagawa na niya iyong panindigan.

Inilayo ako ni Reyna Talisha sa kanyang anak hindi dahil nais niya kaming mapasama sa isa't isa, siraan at parusahan, kundi upang makita ko ang sarili kong buo at handang lumaban sa tabi ni Dastan sa sandaling dumating na ang siyang kinatatakutan ng lahat.

Ang digmaan na higit pa sa digmaang pinaglaban ng mga Gazellian noon. Dahil hindi lang ito sa pagitan ng mga natirang emperyo mula sa sumpa, kundi pati na rin sa dalawang emperyo na ngayo'y nagsisimula nang bumalik, dala ang kanilang matinding galit at sisi sa mga natirang emperyo sa loob ng Nemetio Spiran. 

Binuo ako ng Deeseyadah bilang isang diyosa at minulat sa tungkulin bilang tagapangalaga ng buwan, ngunit ngayong nasa lupa na ako, kailangan kong buuin ang sarili ko sa panibagong tungkulin. Hindi lang babaeng itinakda para kay Dastan, kundi para isang reyna na gagabay sa kanya.

Hindi nagtagal ang anino sa taas ng bangin dahil tumalikod na ito at iniwanan na ang eksenang nasa ibaba ng bangin.

Ibinalik ko ang aking atensyon kay Dastan at sa halimaw na hanggang ngayon ay pilit na kumakawala sa kanyang pulang latigo.

Inakala kong ito'y muli na namang makakawala mula sa kanya, ngunit mas humigpit ang latigo sa braso ng halimaw hanggang sa tuluyan na ngang maputol ang mga braso nito. Malakas na ungol ang ginawa ng halimaw dahil sa ginawang iyon ni Dastan.

Ngunit hindi iyon naging dahilan para maging kampante si Dastan, dahil matapos niyang hilahin ang mga latigo, mabilis na siyang tumakbo patungo sa halimaw, at sa pagkakataong iyon ay sinabayan na siya ni Tobias na tapos ng labanan ang mas maliit na halimaw.

"It's about two minutes..."

Tumango si Dastan sa sinabi ni Tobias. "They can make it..."

Sabay na silang tumalon ng mataas ni Dastan sa ere. Gumamit muli ng latigo si Dastan at ngayo'y ikinabit niya iyon sa bibig ng halimaw, inihagis niya iyon sa isang malaking puno habang ang isa ay nanatili sa kanyang kamay. Bumaba siya sa lupa at marahas niyang hinila muli ang latigo dahilan kung bakit bumuka ang bunganga ng halimaw.

Ganoon muli ang ginawa ni Tobias, sapilitan niyang nilagyan ng tubig ang bunganga ng halimaw habang marahas hinihila ni Dastan ang bunganga nito. Habang ginagawa nila iyon, mas lumalaki ang tiyan ng halimaw na tila anumang oras ay sasabog na iyon.

Hindi tumigil sa paglalagay ng tubig si Tobias at paghila si Dastan habang patuloy ang paglaki ng halimaw, hanggang sa umabot na iyon sa sukdulan at sumabog ang malaking tiyan nito.

Naghalo ang dugo at tubig dahil sa malakas na pagsabog mula sa halimaw. Tumakbo patungo sa katawan ng halimaw sina Tobias at Dastan, determinado ang kanilang mga mata habang walang tigil ang kanilang mga braso sa paghawi sa parte ng katawan ng halimaw.

Kapwa na basang-basa sina Tobias at Dastan na ngayo'y halinhinan sa pagtawag sa pangalan ng kanilang mga kapatid.

"Zen!"

"Rosh!"

Hindi nagsayang ng kahit isang segundo sina Dastan at Tobias, patuloy sila at hindi tumitigil hanggang sa kapwa na sila napaupo at natulala habang nakatitig sa dalawang munting bata na ngayo'y halinhinan sa pag-ubo.

Si Tobias ang siyang unang nakabawi, nagmadali siyang lumapit kay Rosh at agad niyang ikinalong ang kanyang kapatid na nanghihina, ganoon din si Zen na ngayo'y niyuyugyog ang balikat.

Patuloy sina Dastan at Tobias sa paggising sa kanilang mga kapatid hanggang sa mas magising sina Rosh at Zen na nagagawa na rin nilang magmulat. Sabay napahinga nang maluwag ang mga binatang prinsipe habang nakikita ang kanilang kapatid.

"U-uwi na ba tayo, Dastan?" mahinang sabi ni Zen sa kanyang kapatid.

Bahagyang tumango si Dastan habang pinupunasan ang mukha ng nakababata niyang kapatid. "Yes, we're going home..."

"I smell awful, Tobias. Gusto kong maligo..." ani ni Rosh na nagpangiti kay Tobias na pumitik sa ilong ng kanyang kambal.

Sabay muling napahinga nang maluwag sina Dastan at Tobias. Bahagyang hinila ni Zen ang damit ni Dastan dahilan kung bakit mas yumuko si Dastan para marinig ang sasabihin ng kanyang kapatid.

"K-kuya... salamat..."

Pinitik lang ni Dastan ang kanyang noo. "I will still tell this to father."

Nagsalita na rin muli si Rosh. "Thank you for saving us..."

Tipid kong pinunasan ang tumakas na luha sa gilid ng aking mata. Sumilay rin ang ngiti sa aking mga labi.

Nang muli akong nagmulat, mukha na ni Rosh ang siyang sumalubong sa akin. "It's good to help, Leticia. Dahil nakatatanggap din naman ako ng tulong. Everyone can call me and add me to their chess pieces, but once that my Queen arrived, I'll become blind and deaf. Dahil lahat ng atensyon ko ay nasa kanya na at wala nang maaaring umagaw."

Ipinisil ko ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Sa sandaling dumating ang araw na iyon, Rosh... walang kahit sinong gustong umagaw ng atensyon mo. Hindi na ako magugulat na darating ang panahon, na isang pangalan lang ang tinawag mo ngunit higit sa sampu ang dumating para tumulong sa 'yo..."

Continue Reading

You'll Also Like

62.8K 1.3K 36
Luch - a free spirited young chef in a foreign land who's struggling to find acceptance, love and happiness was bound to make a change in her life. S...
123K 1.9K 29
𝑫𝒆𝒍 π‘­π’–π’†π’ˆπ’ 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 π‘Ίπ’†π’“π’Šπ’†π’” #02[LΙͺΙ΄α΄„α΄ΚŸΙ΄ Dα΄‡ΚŸ Fα΄œα΄‡Ι’α΄] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
2.9M 61.7K 22
Over Series, Book οΌƒ1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...