Sapphire Diamond Academy 2: T...

By Sorraya_angel

111K 3.7K 258

The new Legendary twin.. The son and daughter of the long lost princess and now the new Queen Czaquia Dannaya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's note
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note!!!
Chapter 18
Characters
Chapter 19
Chapter 20
Announcement?!!
Attention!!!
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

3.1K 111 3
By Sorraya_angel

Chapter 8: First Mission

'Blaze's pov'

Yow! I'm Blaze Vane W. Lightning. Lahat ng sinabi ko kay Cristan kagabi ay totoo. Mga bata pa lang kami ay gusto ko na si Cristel pero grabe ang bakod ni Cristan dito kaya hindi ako makalapit sa kanya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, kuya."- sabi ni Stone.

"Wala naman."- sagot ko.

"Nakita ko kayo ni kuya Cristan kagabi. Totoo ba na gusto mo si ate Cristel?"- usisa nito.

"Yeah."- maikli kong sagot at tumahimik naman siya.

Nasa room na kaming lahat ngayon. Naghihintay sa guro namin. Sinulyapan ko si Cristel at as usual nakabantay pa rin si Cristan.

"Baka matunaw yan."- napaigtad ako ng bumulong si Winter sa akin. Winter is my cousin.

"Tsk. Anong akala mo sa kanya ice cream na matunaw?"- sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako.. Loka loka talaga.

Sinubsob ko na lang sa arm chair ang aking ulo ng biglang magsalita si Winter.

"Cristel, may nagkagusto sayo."- agrhh bwesit talaga tong pinsan kong ito.

"Not interested!"- f*ck! Ang sakit non ah..

"Burn!"

"Toasted!"

"Ashes!"

"Hahahahaha"

Mga loko loko. Bwisit. Tsk!

"Blaze, where are you going?"- sigaw ni Winter sa akin. Pero hindi ko ito nilingon. Damn it! Harap harapan ba naman! Shit!!!

Sa rooftop ng building namin ako napadpad. Bakit kasi sinabi pa ni Winter? Kung alam niyang ako ang may gusto sa kanya sasabihin kaya niya yun?

Nakalipas ang ilang minuto bababa na sana ako ng paglingon ko ay nakita ko si Cristel na nakatingin sa akin.

"What are you doing here?"- tanong niya sa akin.

"Nagpahangin lang. Ikaw anong ginawa mo dito? Baka magwala na naman yung kapatid mo."- sabi ko sa kanya.

"Hmm.. Ikaw ba ang may gusto sa akin?"- tanong niya. Nabigla man pero hindi ko pinahalata.

"Bakit ka nag abala? You're not interested, right?"- tanong ko sa kanya na may bahid na pait sa aking boses. Shit! Ang bitter ko. Nakakabakla pa..

"Hmm i see. You know na hindi mo ako pwedeng magustuhan dahil-"

"Sa kuya mo?"- putol ko sa sasabihin niya.

"Nope. Dahil mga bata pa tayo Blaze. Besides mas matanda ako sa iyo. Kaya huwag mo akong gustuhin."- maka utos to parang ang dali lang ng sinasabi niya. Palibhasa hindi siya ang nagkagusto.

"Tsk. Mga bata? Yeah, right! Pero Cristel isang taon lang ang agwat natin at naniniwala akong age doesn't matter."- sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sa iyo, Blaze."- aniya.

"Please let me like you na lang. Kahit walang kapalit ayos lang."- desperado na kung desperado.

"Ayokong makapanakit ako, Blaze. Lalo pa kung kaibigan ko ang masaktan ko. Bumaba ka na pinatawag tayo ni HM."- sabi niya at biglang nawala.

Shit na friend zone ba naman ako? Bahala na nga. Nagteleport na lang rin ako papunta sa HM's office at pagdating ko ay nandoon na silang lahat.

"So andito na kayong lahat. May ibibigay akong misyon sa inyo."- sabi ni Hm ng makaupo ako.

"Anong misyon?"- tanong ni Cristan.

"Kailangan ninyong pumunta sa Dark Mountain at kunin ninyo ang Crystal na kulay asul. Magagamit natin ito para sa pagpapatibay ng ating barrier."- sabi ni Hm.

"Hindi ba sa bundok ni Dragonia kumuha sina mom noon para sa pagpapatibay ng barrier?"- tanong ni Autumn.

"Yes, princess. Pero pagkatapos ng labanan ay ang ginamit ni Queen Dannaya sa pagpapatibay nitong school barrier natin ay isang Crystal at mukhang kailanganin na nating lagyan ulit ito."- paliwanag ni Hm. Ahh..

"Saan namin matatagpuan ang Dark mountain?"- tanong ko.

"Sa bahaging timog nitong Sapphire world."- aniya na ikinagulat namin.

"Kailangan ba naming tumawid sa Dark sea?"- tanong ni Zenna.

"Yes."- hm

"Hm , alam niyo na delikado ang lugar na yun!"- sigaw ni Icey.

"Alam ko na makakaya niyo ito. Para sa ating paaralan."- sabi ni Hm.

"Kailan kami aalis?"- tanong ni Cristan.

"Mamaya. 2am sharp! Thank you royalties maka alis na kayo upang maghanda."- sabi ni hm.

Nandito kaming lahat sa living room ng dorm. Walang kahit isang umimik dahil sa pag alala kung malampasan ba namin ng ligtas ang dark sea.

"Makakaya kaya natin ito?"- bulong ni Icey agad naman siyang niyakap ni Ice ang kakambal niya.

"Kakayanin natin to. Basta mag tulong tulong tayo."- wika ni Cristan pero alam ko na nag alala siya.

"Paano pag hindi?"- tanong ni Zenna.

"Stay positive, Enna."- sabi ni Cristel bago tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

"Magtagal kaya tayo doon? Malapit na ang 15th birth day ninyo ni Cristel."- sabi ni Hera.

"Kailangan nating madaliin ito. Sige na mag impake na kayo at magpahinga ng maaga."- sabi ni Cristan at iniwan kami.

Tahimik kaming lahat dito sa sala. Nang basagin ito ni Winter.

"Pasensya kana kanina , Blaze ha."- sabi niya sa akin.

"Tsk. Ayos lang. Mga bata pa naman tayo."- sabi ko.

"Edad lang ang bata sa atin, Blaze. Hindi ang puso at isip."- sabi naman ni Ice.

"I know. Pero tama naman siya. Sige na mauna na kayo."- sabi ko at iniwan sila sa loob ng dorm.

Patuloy lang ako sa paglalakad hangang sa mapadpad ako dito sa garden na may munting falls na pinalibutan ng maliliit na faires.

Tahimik akong umupo sa malaking bato. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya sa aking likod. Alam kong isa lang ito sa amin.

"Bakit hindi ka pa natulog maaga pa tayo bukas."- sabi ko kay Cristel. Yes si Cristel ang nasa likuran ko.

"Ikaw bakit hindi ka pa tulog?"- aniya at tumabi sa akin.

"May iniisip lang."- sagot ko.

"Tungkol ba ito sa sinasabi ko sa iyo?"- tanong niya.

"Tama ka naman bata pa tayo. Siguro mawawala pa ito."- sabi ko sa kanya.

"Tama ako. At tama rin si Ice. Narinig ko kayo kanina. Kaya kita sinundan alam ko na hindi basehan ang edad dito sa mundo natin. Pero takot lang ako, Blaze. Ayokong maranasan ang sakit na naranasan ni mommy noon."- sabi niya. Kaya pala. Takot lang siya.

"Hindi naman kita sasaktan ah."- sabi ko sa kanya.

"Huwag kang magsalita ng patapos, Blaze. Alam natin pareho na walang umiibig na hindi nasasaktan. Sa ngayon takot pa ako. Kaya siguro hindi ko binuksan ang aking puso't isip. Dahil ayokong magmahal. Kaya nga diba ayaw kitang masaktan dahil sa sarili ko mismo takot akong masaktan at makapanakit."- mahabang wika niya.

"Alam ko. Kaya nga mas lalo akong humahanga sa iyo kasi kahit pa na hindi halata. Alam ko na nag alala ka sa amin. Dahil kaibigan mo kami. Huwag kang mag alala sa akin, Cristel. Malampasan ko rin ito. Baka nga hindi tayo. Pero sana huwag mo akong pigilang lumapit sa iyo."- pakiusap ko sa kanya. Alam ko kahit siguro anong lapit ko sa kanya hinding hindi siya mahulog sa akin.

"Ayos lang naman. Kung papayagan ka ni kuya. Alam mo naman yun."- sabi niya at bahagya pang natawa. Hindi ko naman maiwasan na napatitig sa maamo niyang mukha. Napakaganda niya talaga. Bagay na bagay sa kanya ang emerald green niyang mga mata.

"Hmm. Baka matunaw ako niyan."- biro niya at tumawa pa.

"Hindi ka naman ice cream para matunaw."- sabi ko at tumawa..

Ilang sandali pa ay lumamig na ang hangin siguro malalim na rin ang gabi. Hindi lang namin namalayan dahil pareho kaming naaliw.

"Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."- sabi ni Cristel

"Sige. Halika na."- sabi ko at nauna ng tumayo at inalalayan ko naman siyang tumayo.

Sabay kaming naglakad papuntang dorm. Nang nasa labas na kami ay tumigil sa aking harapan si Cristel.

"Pasensya kana sa nasabi ko kanina, Blaze. Hindi ka naman mahirap magustuhan eh. Kaya natakot ako at si Kuya sa kung anong posibleng mangyari. G'night, Blaze."- sabi niya at masuyo akong niyakap. Hindi ako nakakilos sa matinding gulat lalo na nung hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi.

Parang tanga kanina pa ako pabaling baling sa aking kama pero hindi parin ako makatulog. Hay naku! Ang lambot naman ng labi niya! Ay tumahimik ka nga utak. Matulog na tayo.

'Cristel's pov'

1am palang gising na ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog. Grr! Ano ba yung naisip ko at hinalikan ko siya? Take note Cristel bawal kang umibig. Masaktan ka lang! Tandaan mo yan! Hay para na akong timang dito. Mas mabuti pang magluto na lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng maramdaman ko ang presensya ni kuya sa aking likuran.

"Gusto mo siya?"- yan ang tanong ni kuya. Hindi naman ako nagulat. Alam ko na nakita niya ang ginawa ko kagabi.

"Hindi ko alam, kuya."- bulong ko. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"Baby, alam mo naman diba na kung saan ka masaya susuportahan kita?"- malambing na tanong ni kuya.

"Oo, alam ko kuya. Pero hindi ako pwedeng magmahal kuya. Ayokong magmahal."- sabi ko at pinagpatuloy ang aking pagluluto.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nahain ko na sa mesa ang lahat na putahe na aking niluto. Mag baon na lang kami para sa agahan namin mamaya. Nang maka upo ako ay tumabi naman sa akin si kuya.

"Sis, alam ko na nasabi mo lang yan kasi takot ka. Ako nga takot ako na masaktan ka. Dahil ayokong may manakit sa iyo. Pero hindi ko naman yun mapipigilan kung yun ang nakatakda."- sabi ni kuya sa akin.

"Alam ko kuya. Pero hindi pa ako handa. Ahm excuse muna kuya. Maligo muna ako. Malapit na mag alas dos."- sabi ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay na sumagot si kuya. Agad akong lumabas ng kusina.

"Morning, Cristel."- napalingon ako sa nagsalita. Ay sila pala.

"Ang aga natin ah? Excited ba kayo mamaya?"- asar ko sa kanila. Nandito na silang lahat sa sala well except ni Blaze.

"Hindi noh!"- sabay na ingos ng mga babae at bahagya namang natawa ang mga lalaki. Napailing nalang ako at iniwan sila sa sala. Kailangan ko pang maligo. Papasok na sana ako ng kwarto ng may magsalita sa likuran ko.

"Good morning, Cristel."- hmm Blaze.

"Good morning, Blaze. Excuse me maliligo muna ako."- sabi ko at dali daling pumasok sa kwarto.

Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay agad akong bumaba sa sala dala ang aking bagahe. Ready na rin silang lahat.

"Ang niluto ko kanina, kuya?"- tanong ko ni kuya.

"Andito na lahat. Hali na kayo baka naghintay na si Hm sa atin."-Sabi ni kuya at kinuha ang aking bagahe at lumabas na sa dorm.

Pagdating namin sa gate ay andoon na nga si Hm.

"Good morning, Royalties."- aniya at bahagyang yumukod.

"Good morning, Hm."- sabi namin.

Tumango naman siya at may binigkas na spell ilang sandali pa ay lumitaw na ang portal.

"Pagkalabas ninyo dito sa portal ay nandoon na kayo sa Dark forest kung saan kayo magsisimulang maglakbay papuntang Dark sea. Mag iingat kayo."- sabi ni Hm.

Tumango naman kami at nauna ng pumasok si Stone at last si Kuya. Dark indeed..

"Katakot naman dito."- bulong ni Enna.

"Oo nga."- sabi naman ni Winter at kumapit kay Autumn.

"Ate paalala lang mas matanda kapa sa akin."- bulong ni Autumn.

"Shh. Tumahimik nga kayo. Hali na kayo. Magsimula na tayong mag lakad."- sabi ni kuya.

Dahan dahan lang kami sa paglalakad at pinakiramdamang mabuti ang aming paligid. Mahirap na baka atakihin kami ng mga bangis na hayop.

"Ayyy!!"- napatigil kami sa pag lalakad ng biglang tumili si Winter agad namang na alarma ang mga kalalakihan lalo na si Kuya? Eheem..

"Anong nangyari?"- tanong ni kuya. Hmm nag alala?

"May kumapit sa binti ko."- nanginginig na wika ni Winter kaya tiningna ko ito. And isa itong ahas pero wala naman itong Venom.

"Oh ito tubig inumin mo."- sabi ko sa kanya. Masyado pa kasing madilim dito.

"Thanks."- aniya

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa ako na talaga ang nag reklamo.

"Kuya, pahinga muna tayo? Mamaya na tayo magpapatuloy. Hintayin muna nating magliwanag na ang paligid."- sabi ko kay kuya at sumangayon naman ang iba.

"Okay."- sabi ni kuya at tumigil na sa paglalakad.

Gumawa kami ng ilaw gamit ang kapangyarihan namin at nagtayo rin kami ng tent.

Pagkatapos ay pumasok na kaming lahat. Secured naman ang paligid dahil may barier ito.

Agad naman akong humiga hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sino mang tumabi sa akin. Antok at pagod kasi ang aking naramdaman kaya agad akong dinalaw ng antok.

------------
End of Chapter 8

Maraming salamat po sa nagbabasa ng mga stories ko. Pasensya na rin kayo sa typos at grammar. Love lots and stay safe guys.

Sorraya_angel

Continue Reading

You'll Also Like

344K 10.4K 51
•this is the story of the girl who learns to live from the boy who learns to love• fred weasley x oc completed
1.9M 97.3K 38
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
2.3K 136 8
He is the son of charioteer Unbeknownst that he is the son of suryadev Amidst to the chaos in his life , he saw her , the princess of Panchal. It was...
189K 9K 51
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...