wish i could see your smile

By niickblack

28.8K 2.3K 789

"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko... More

Disclaimer
Wish I Could See Your Smile
Prologue
1. Can I Get A Hug?
2. Hello, Zara!
3. Peace Offering
4. Who Is Zara Guerrero?
5. Her Bruises
6. Suicidal Thoughts
7. Finding Inspiration
8. Her Secret Job
9. Keep It As Our Secret
10. Suddenly Lost My Confidence
11. You Are Blushing
12. I Got Frozen
13. This Awkward Feeling
15. The Real Reason Behind Her Bruises
16. Stop
17. Pinky Promise
18. PTSD
19. Just Shout It Out
20. Freya's Problem
21. To Make Her Happy Again
22. Are You Okay?
23. New Neighbor On The Ward
24. Can You?
25. Deep Talks With You
26. Good Luck!
27. Bucket List
28. Broken Cup
29. See You Again, Soon!
30. Is This The Right Time To Admit?
31. Truth
32. I'm The One Who Surprised
33. A Night With You
34. Zara's Promise
35. Finally, I Saw Your Smile
36. Let's Boost Up Your Confidence
37. A Bit Nervous
38. Pajama Party
39. Because She Is Now In A Better Place
40. I Won't Leave You
41. Kuya Cody
42. You Are The Best Brother
43. Where Is She Heading To?
44. That's Not Good For Your Health!
45. Big Shocked
46. She Got A Bald Head
47. What's Happening To Me?
48. She Didn't Come Back Yet
49. She Is Fine Now
50. Mrs. Guerrero
51. Please, Listen To Me!
52. 11:11 PM
Last Chapter
Epilogue
Lyrics of 'Aayusin Kita' written by Landon
Nick's Note

14. Look Into My Eyes

383 33 23
By niickblack

Chapter 14: Look Into My Eyes

Landon

Bago magtanghalian, mabilis kaming natapos ni Zara sa paglilinis ng bahay niya. Hindi naman kami nahirapan masyado dahil nagwalis, nagpunas ng sahig, nagpalit ng kurtina at nagtanggal ng agiw sa kisame ang mga ginawa lang naman namin. Mabuti nga, hindi siya katulad ng ibang babae na makalat sa gamit.

Isa lang ang masasabi ko sa ilang oras akong nandito sa loob ng bahay niya; walang buhay. Ewan ko pero 'yon ang pansin ko. Makulay man ang pader, maliwanag man ang sinag ng mga ilaw, kumpleto man ang mga gamit at malawak man ang ispasyo ng bawat parte ng bahay kaso malungkot naman ang histura nito. Siguro kasi, nag-iisa lang 'yong taong nakatira rito. Hindi ko tuloy lubos maisip kung gaano nakakawalang ganang bumangon tuwing umaga kung ikaw lang mag-isang kakain sa kusina, walang magulang na ipagluluto ka ng pagkain, walang kapatid na makakasama mo sa panonood ng TV, walang tatay na puwede mong maka-jamming sa anuman bagay, walang mga kasamahan ang puwede mong makapitan, makapagkuwentuhan at masasabihan ng problema. Paano natitiis ng isang Zara Guerrero ang lahat ng ito?

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa living area para makapagpahinga muna at siya nama'y nasa taas, nasa kuwarto siya to be specific. Hindi pa namin naiisipan para kumain ng lunch dahil hindi pa naman kami nakakaramdam ng gutom. At mabuti na lang din, hindi ako nahilo kanina habang naglilinis kami. Kapag nakararamdam kasi ako ng pagod, umuupo muna ako para makapagpahinga nang sandali at iinom ng tubig, pagkatapos maya-maya'y magpapatuloy na ulit.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang yapak ni Zara sa hagdan kaya nakuha ang atensiyon ko rito. Tumigil ito sa paglalakad pababa ng hagdan nang makita niya akong nakatingin na sa direksyon niya. "Tara, Landon. Punta ka sa kuwarto ko. May gagawin tayo," pagyaya niya sa akin. Napangisi ako at saka kumurba ang pilyong ngiti.

"Gusto ko iyan! Tara na!"

Agad na akong naglakad palapit sa kanya at nagulat siya nang hinigit ko bigla ang kamay nito. Nang pagkarating namin sa kuwarto niya, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa napakaaliwalas ng hitsura nito, light yellow ang kulay ng dingding at puti naman ang kisame. Sobrang linis at napakaayos din tingnan ng mga gamit niya.

"Anong gagawin natin?" nakakalokong ngiting tanong ko sa kanya habang nakagat sa ibabang labi. Nakatigil kami sa may bandang tabi ng pinto.

"Ano ba sa tingin mo?"

Dahan-dahan kong inilapit sa kanya 'yong mukha ko, napangiwi ito at nagulat ako nang bigla niyang dakutin ang buong mukha ko gamit ang isang palad niya para mailayo ito. Nauntog ang likod ng ulo ko sa gilid ng pinto ng kuwarto dahil sa pagpuwersa niyang pagtulak.

Napadaing ako dahil sa sakit. "Aray!"

"Sabi na nga, iba ang iniisip mo! Kadiri ka! Kaya pala parang excited."

Todo ako sa pagwakli ng kamay niya sa mukha ko pero ayaw niya pa rin itong ilayo. "Bitawan mo ako. Hindi ako makahinga."

"Huwag ka kasing mag-isip ng ganoon."

Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya nakaisip ako ng kalokohan. Binuksan ko ang bibig ko at inilabas nang bahagya ang dila ko, pataas-pababa kong nilawayan ang palad niya. Nakahinga ako nang maluwag nang agad niyang inalis ang palad niya sa mukha ko.

"Yuck! Laway ito?" tanong niya sa akin habang tinitingnan ang basang parte ng palad niya.

Napatawa ako. "Oo."

"Kadiri ka!" Isang malakas na hampas ang tumama sa balikat ko. Pagkatapos, agad siyang tumakbo patungo sa banyo ng kuwarto niya.

Sinundan ko siya at pinanood kung paano niyang marahas sabunin 'yong kamay niya.

Napakamot na lang ako ng ulo. "Grabe ka naman. Laway ko lang iyan. Wala naman akong nakakahawang sakit."

"Kadiri pa rin. Ang baho kaya. Kapag ba ikaw nilawayan ko, hindi ka mangdidiri?" 

Napatawa ako. "Siyempre, hindi. Gustong-gusto ko pa nga iyon, eh. Dali, lawayan mo nga ako ngayon. Hindi ako papalag kahit buong katawan ko pa ang lawayan mo."

"Bastos!" Napapitlag ako nang sabuyan niya ako ng tubig sa mukha. "Lumabas ka nga!"

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya bagkus, mas lalo ko pa siyang inasar. "Gumanti-ganti ka rin naman kahit minsan. Nilawayan kita at dapat lawayan mo rin ako para patas lang tayo, 'di ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Kahit basa pa ang mga kamay nito, marahas niya akong itinulak palabas ng banyo niya. Isang nakakabinging tunog ang umalingangaw nang sinaraduhan niya akong pinto.

"Sigurado ka, Zara? Hindi mo ako lalawayan? Ayaw mo talaga? Sure na iyan? Sure na sure na iyan?" panunukso ko pa sa kanya pero hindi na siya tumugon pa. Napailing-iling na lamang ako ng ulo at bahagyang napatawa.

Umupo ako sa kama niya at sinimulan ulit libutin ang paningin ko sa loob ng kuwarto niya. Napadako ang atensiyon ko sa tatlong litrato na nakasabit sa kanan bahagi ng kuwarto at malapit ito sa isang lamesa. Bahagya akong naglakad papalapit doon.

Nakasilid lang ang kamay ko sa bulsa habang tinitingnan ang mga litrato. Sa unang litrato, pansin kong may isang matandang babae at may isang batang babae na hindi masukat-sukat ang napakalawak ng ngiti nito habang nakaakbay siya sa matandang babae. Gumuhit sa labi ko ang maliit na ngiti. Siya yata 'yong tinutukoy ni Tito Ferdy na lola ni Zara at si Zara 'yong bata na nakaakbay sa Lola niya. Hindi ko maitatanggi na cute si Zara rito. Ibang-iba 'yong hugis at kinang ng mga mata niya rito, punong-puno ng saya, kumpara ngayon, nabaliktad na.

Sa pangalawang litrato na nakasabit, may isang batang babae na may suot-suot ng mga medals, hawak-hawak ang mga certificates at isang tropeo. Napahawak ako sa baba ko dahil sa iniisip. Sinasabihan ni Zara madalas 'yong sarili niya noon ng bobo raw siya, walang maipagmamalaki at walang halaga. Pero dito sa nasisilayan ko, nagpapatunay na matalino pala talaga siya.

At sa huling litrato, natigilan ako, isang selfie ni Zara. Sigurado akong ilang taon lang no'ng lumipas no'ng nag-picture siya nito dahil nagsisimula pa lang mag-develop ang pagka-matured ng mukha niya rito. Tulad ng mga ibang nasa litrato, maginhawa pa rin siyang nakangiti. Titig na titig lamang ako. Ganito pala 'yong hitsura niya kapag ngumingiti, nakakahulog damdamin. Siguro, ilan taon pa lang lumilipas nang namatay ang Lola niya. Sana makita ko 'yang ngiting 'yan ngayon.

Napatingin ako sa may bandang lamesa nang may mapansin akong envelope rito. Alam kong bawal mangialam ng gamit ng iba pero hindi ko ma-control ang kuryosidad ko para tingnan kung ano ang nasa loob nito. Binilisan ko na ang kilos dahil alam kong palabas na si Zara mula sa banyo. Nang buksan ko ang evelope, medical certificate ang nahigit kong papel dito. Marfa Guerrero ang pangalan na nakasulat, ibig sabihin, hindi pala ito kay Zara. May nakasulat na blood type rito at O positive iyon. Napatango-tango ako sa sarili dahil same kami ng blood type ng may-ari nito.

"Bakit mo hawak iyan?" Nanglamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ni Zara sa likuran ko. Agad kong isinilid ulit ang papel sa loob ng envelope at humarap sa kanya na may kasamang ngiting kinakabahan.

"Wala lang. Sorry kung tiningnan ko."

"Ayos lang, hindi naman sa akin iyan. Kay Mama iyan. Naiwan niya no'ng huli siyang bumisita rito." Napatango-tango ako. "Heto nga pala 'yong gagawin natin." May kinuha siyang plastic at ibinito ito sa akin, nasalo ko naman ito.

"Ano ito?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"Tingnan mo kaya."

Napaismid na lamang ako at sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang makuha ko 'yong bagay na nasa loob, clueless pa rin ako kung ano ito.

"Ano nga ito?"

Tumalim ang tingin niya sa akin. "LED strip lights iyan. Taga bundok ka ba? Ba't hindi mo alam?" tugon niya. "Tulungan mo akong ilagay iyan dito sa mga tagiliran ng ceilings." Tumingin siya sa may bandang itaas at nakitingin na rin ako. Sinundan ko ang daliri nitong hintuturo na iniikot ang bawat gilid ng kisame.

"Ah..."

"Buksan mo na! Excited na akong makita kung anong hitsura kapag naidikit at nailawan na natin iyan!"

-

"Woah." Ayan ang unang salitang lumabas sa bibig ni Zara nang natapos na namin ikabit sa ceiling at inilawan ang LED lights. Nakaupo kami ngayon sa paanan ng kama niya habang pinagmamasdan ang iba't ibang kulay na ipinapakitang ilaw sa amin. Hindi maalis sa mukha ni Zara ang pagkamangha. 

"Ang saya mo, ah."

"Nakakabano kasi. Ang ganda talaga. Kahit paano, nagkaroon ng kulay at ng liwanag ang kuwarto ko." Napapitlag ako nang bigla niyang kinuha sa kamay ko 'yong remote ng LED Lights. "Sana. Sana. Sana maganda 'yong kulay yellow kapag pinailaw ko ito." Nakapikit niya pang hiling bago pinindot sa remote ang color yellow, paborito niyang kulay. "OMG."

Napatingin ako sa mukha niya, nakabukas ang bibig niya at hindi ko maiwasang maipako ang tingin ko sa mga mata niya, kumikinang kasi ito. "Hindi ka ba masaya? Hindi ka ba ngingiti?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin. "Masaya ako, Landon."

"Kung masaya ka, dapat ipakita mo sa ngiti mo."

Hindi niya ako sinagot bagkus humilata siya sa kama niya at idineretso ang tingin sa kisame. Akala ko, hindi siya sasabat pero bigla siyang nagsalita.

"Hindi naman sa ngiti nasusukat ang kasiyahan ng isang tao. Ikaw, subukan mong magtanong sa mga taong tumatawa at palangiti kung tunay ba silang masaya. 'Di ba, isasagot nila sa iyo ay hindi sila okay, punong-puno ng problema at palaging umiiyak tuwing gabi? Maskara lang nila ang mga ngiti nila sa mga problemang itinatago nila. Tingnan mo, kapag iniwan mo silang mag-isa, doon na bubuhos ang mga luha nila. Mas gusto kong ganito lang, Landon. Totoo sa sarili. Maniwala ka sa akin, sinasabi ko sa iyo, masaya ako ngayong oras na ito pero hindi ibig sabihin no'n ay kaya ko nang ngumiti."

Saglit ako natameme pero nagsalita rin. "Pinapangiti lang kita, ang lalim na agad ng sinabi mo."

"Ikaw kasi, eh. Pinipilit mo akong pangitiian, eh ayaw ko nga."

"'Di ba, mas okay nga iyon? Dapat tinatawanan na lang at ningigitian na lang natin ang mga problema natin?"

Napailing ito. "Hindi iyon ang point ko, Landon. Alam kong positibo kang mag-isip pero ang gusto kong iparating, may mga taong ngumingiti at tumatawa pero sila pala 'yong may matinding pinagdadaanan. Para saan pa 'yong ngiti nila? Para makapagpasaya lang ng iba? Para magtago ng sakit? Para hindi ka makita ng mga tao na mahina ka? Para hindi ka nila kaawaan? 'Di ba, dapat huwag nilang itago 'yong mga problema nila sa mga ngiti nila? Dapat, kung hindi ka ayos, huwag mong ipilit na ngumiti, huwag mong ipilit na makapagpasaya ng ibang tao kung ikaw naman itong durog na durog na."

"Lahat naman ng tao may problema pero ngumingiti naman. Ibig sabihin no'n kahit may problema silang dinadala, nakakayanan nilang ngumiti kasi positibo silang mag-isip. Hindi naman kasi mahalaga kung totoo 'yong ngiti nila o hindi, basta importante ngumingiti sila kasi alam nilang malalagpasan nila rin iyon balang araw. Negatibo ka lang talaga mag-isip, 'no? Ikaw ang tumigil sa pag-iisip ng ganyan."

"Pero sinasarili lang naman nila ang mga problema nila, 'di ba?" Napangisi siya. "Landon, iba-iba ang mga bigat ng problema ang mga tao. Ibahin mo ako. Mas gusto kong hindi itinatago ang problema sa mga ngiti. Ikaw nga, puro ka ngiti sa akin at palagi kang tumatawa. Tanungin kaya kita kung may problema ka ba na itinatago sa mga ngiti mo? Kasi ako, aminado akong meron kaya ganito ako. Baka nga ikaw pa 'yong may mas mabigat ang problema sa ating dalawa."

Natigilan ako at hindi nakaimik pa. Napalunok ako ng laway.

Napabuntong-hininga siya. "Pero alam mo, hindi ko rin pala sila masisisi. Siguro kaya itinatago nila 'yong mga problema nila kasi wala silang mapagsasabihan. Kasi natatakot silang baka hindi maging concern sa iyo 'yong mga taong akala mo, maiitindihan ka nila at baka pagtawanan ka lang nila. Kaya ang nangyayari, makikita na lang nila ang mga sarili nila na tuwing umaga na mugto na ang mga mata nila. Pero dapat huwag pa rin nilang salirihin 'yong problema nila, huwag silang matakot na ipaalam iyon sa kanilang mga kapamilya  o kaibigan nila kasi malay nila, sila pala 'yong makakatulong sa kanila."

"Sa totoo lang, Landon. Dapat hindi mo sa ngiti binabase kung masaya ba ang isang tao, sa mata mo dapat hanapin iyon. Tingnan mo ang mga mata ko." Bumangon ito sa pagkakahiga at tumitig sa akin. "May nakikitang ka bang kakaibang saya? Kung meron, totoo iyan. Masaya ako ngayon, Landon. Kasi pinapasaya mo ako."

------

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 508 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...
308 22 1
Lavelle Dela mare & Theophill Phaedra "My love for you shall live forever. You however, did not." Book Cover Credit To The Rightful Owner
1.3K 122 43
an epistolary ; dulce & jake