Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 15

1.4K 78 16
By CrabLamb

Agad na napatingin si Gareth at Isabella sa may pintuan nang pumasok si Wojtek.

"Tek!" ngiting bati ni Isabella at kumaway pa dito. Agad naman niyang nahalata ang pagtataka sa mukha ng kaibigan.

"Ah!" biglang naalala ni Isabella na hindi niya pa naku-kuwento si Gareth kay Wojtek. "Tinuturuan ko si Gareth na mag piano. May lesson sana kami ngayon kaso nakita kong may mga imbestigador sa bahay niya."

Napataas ng dalawang kilay si Wojtek sa narinig. Kung gayon ay magkakilala nga silang dalawa?

"Narinig ko mula sa kanya ang buong pangyayari," sabi ni Isabella at ginawaran ng suntok si Wojtek sa braso.

Nanlaki ang mga mata ni Wojtek nang gawin iyon ni Isabella, "Aray!"

"Ang tapang tapang naman ni Papa Bear," ngising panunuya ni Isabella. Napansin ni Wojtek na natawa si Gareth sa may likuran.

Pinisil mo Wojtek ang pisngi ni Isabella. "Ikaw, napaka-chismosa mo."

Hinampas naman ni Isabella ang kamay ni Wojtek paalis. Nagpadaplis ng tingin ang imbestigador kay Gareth.

Hindi na ito nakangiti.

"May pag-uusapan ba kayo ni Gareth?" tanong ni Isabella.

"Ah, oo sana," kamot-ulong sagot ni Wojtek.

Kumilos ang dalaga upang kunin ang kanyang shoulder bag, "Ay siya, ako'y mauuna na at may lalakarin pa ako."

Bumaling ito kay Gareth, "Magpagaling ka ha? Pero tagalan mo dito, pupuslit lang ako ng coffee beans mo. Nandoon pa ba sa kusina yong halaman?"

Napatawa naman si Gareth sa sobrang aliw. Hindi alam ni Wojtek pero nakaramdam siya ng kaunting pagkadisturbo.

Hindi na nagtagal si Isabella at tuluyan na nga itong umalis. Nag-presenta pa si Wojtek na ihatid siya palabas, pero tumanggi ito.

"Mukhang close kayo," puna ni Wojtek at umupo sa upuan kung saan nakapuwesto si Isabella kanina. Isang malawak na ngiti naman ang iginawad ni Gareth sa imbestigador.

"Hindi gaano," sagot ni Gareth, "Pero nakikita ko siya bilang isang nakakabatang kapatid."

"Pasensya na sa inakto ko."

Napataas ang dalawang kilay ni Gareth at tila hindi nakuha ano ang ibig sabihin ni Wojtek.

"Kung ang sinasabi mo ay dahil inakyat mo ang second floor ng bahay ko, huwag kang mag-alala. Ginawa mo lang ang trabaho mo."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Ang sabi ni Isabella ay narito ka dahil may kailangan tayong pag-usapan?"

"Ah," biglang naalala ni Wojtek ang kanyang pakay, "Oo, kailangan lang namin kunin ang panig mo."

Agad namang nagpatuloy ang dalawa sa tanungan. Hindi nagulat si Wojtek na tugma ang panayam ni Gareth sa mga sinabi ni Rona.

"Ang sabi ni Ms. Belmonte ay niligawan mo siya noong panahon na sila pa ng gobernador, totoo ba iyon?"

"Inaya ko siyang kumain isang beses," natatawang sagot ni Gareth. "Nagandahan ako sa kanya pero tinanggihan niya ako. Nanatili kaming magkaibigan pagkatapos."

Natawa si Wojtek, "Mahina ka pala Dok."

"Mahina nga ako," halos pabulong na sabi ni Gareth, "at kabaliktaran kita."

Napataas ang dalawang kilay ni Wojtek. "Anong ibig mong sabihin?"

Napasinghap ng tawa si Gareth na tila may nadiskubre.

"Kung gayon ay ikaw pala iyon."

Napagilid ang ulo ni Wojtek. Wala pa rin siyang ideya kung ano ang nakakatawa. "Ako ang—?"

"Ikaw ang tinutukoy ni Isabella na first love niya," sabi ni Gareth. Bumagsak ang panga ni Wojtek sa narinig.

"Ano?" nanlaki ang mata ni Wojtek, "Pa—paanong— teka, sinabi niya ba?"

"Naikuwento ka niya sa akin," tango-tangong sabi ni Gareth, "Noong unang beses ko siyang hinatid sa trabaho niya ay kinuwento niya ang tungkol sa skills mo sa mga gadgets, at ikaw ang dahilan kung bakit mas gusto na niya ang mga lalaking mas bata sa kaniya."

Lalong umawang ang panga ni Wojtek. Naalala niya tuloy ang usapan nila ni Isabella sa bahay niya noong nakaraang araw, "Ako talaga?"

Inosente namang tumango si Gareth.

"Iyon ang sabi niya. Sinabi niya din na winasak mo ang puso niya."

"Siya ang gusto ko!"

Bahagyang bumaba ang pagka-kangiti ni Gareth.

Kinamot ni Wojtek ang kanyang ilong sa sobrang prustasyon. "Ang sabi ko sakanya kasi noon ay gusto ko si Ate Jane, pero siya talaga iyon. Inantay ko siyang umamin sa akin, kaso iniyakan niya lang ako."

"Kung umamin ba siya ay aamin ka rin?"

"Siya lang naman talaga ang inaantay ko noon," tangong sagot ni Wojtek."Pero nakalipas na iyon. Hindi ko nga alam kung may nobyo na siya."

"Sa tono ng pananalita niya noong ibinahagi ka niya muli sa akin noong huli naming piano lesson ay mukhang wala," komento ni Gareth.

"Nag-kuwento pa siya patungkol saakin?"

"Ang sabi niya ay bumalik ka. Naikuwento niya rin ang tungkol sa guro mo noong high school."

Napakunot ang noo ni Wojtek.

"I just want you to know, I was that little boy."

Tila nawalan ng hangin ang dibdib ni Wojtek sa narinig. Napaismid pa siya bilang pangalawang reaksyon.

"Wow, small world."

Napatango si Gareth. "Oo nga."

Nagkuwentuhan naman ang dalawa patungkol sa pangyayaring iyon sa guro ni Wojtek. Dinepensahan pa ni Gareth ang sarili dahil hindi niya intensyon na ganoon ang maging kahinatnan ng kanyang dating guro.

"Sa tingin ko naman ay siya ang pumili noon," tango-tangong sabi ni Wojtek. "Wala kang kasalanan."

Naramdaman ni Wojtek na mas naging kumportable siyang kausap ang doktor.

Pero hindi pa tapos ang kaso.

"Kumusta si Isabella bilang piano instructor?" itinago na ni Wojtek ang kuwaderno at iniba ang tapika. "Knowing her patience, paniguradong strikta siya."

"Sa totoo lang ay basics pa lang ang naituturo niya," bahagi ni Gareth. Ngumiti ito at tumingin kay Wojtek. "Hindi niya ako pinapagalitan kahit na minsan ay nagkakamali ako."

"Kung gayon ay mataas ang respeto niya sa iyo," pagkonkluda ni Wojtek. "Mahaba ang pasensya niya sa mga taong nirerespeto niya."

"Hmm," tanging nasabi ni Gareth.

"Sabi mo noon ay gusto mo siya noong mga bata kayo. Posible bang hanggang ngayon ay gusto mo pa rin siya?"

Napaisip si Wojtek ng isasagot.

"Mahirap kalimutan ang unang pag-ibig, pero sa palagay ko ay nakaraos na si Isabella," sabi ni Wojtek at ginaya ang sarili na tumayo. "Masaya akong nagkita ulit kami. Isa pa, trabaho ang pinunta ko dito."

"Kung matatapos ang lahat, liligawan mo ba siya?"

"Hmm, bakit hindi?" tango tangong sagot ni Wojtek, "Bakit ba pakiramdam ko ay tatay niya ang kausap ko?"

Natawa ang dalawang lalaki. Maya-maya ay nag-paalam na rin si Wojtek.

"Salamat at pinaunlakan mo mga tanong ko. Kung may mga kailangan pa akong tanungin sa hinaharap ay sana paunlakan mo ako ulit," sabi ni Wojtek. Ngumiti lamang si Gareth bilang sagot.

Nilisan ni Wojtek ang kuwarto.

"Kung gayon ay huwag natin itong tapusin," walang punit ang ngiting sabi ni Gareth.



"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Isabella sa nakakatandang kapatid.

Napapikit lamang si Jane. "Hindi ko rin alam, pero sa palagay ko naman ay hindi siya gagawa ng ikapapahiya niya."

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang ginang. Nakita nila na sinenyasan nito ang sariling mga bodyguard na huwag nang sumunod sa loob ng kainan.

Sopistikada itong naglakad patungo sa lamesa kung saan nakadestino ang magkapatid na Zarzuela. Tumigil ito sa tapat nila at umupo.

"Pasensya na. Marami lang akong inasikaso."

Hindi naiwasan ni Isabella na makaramdam ng awa sa ginang. Narinig niya mula kay Gareth ang buong pangyayari. Wala pang halos isang linggo nang mamatay si Fred, ngayon naman ay nalaman ni Ginang Eva na nangabit ang asawa niya at pumanaw ito nang hindi man lang niya nakikita o nakakausap.

Ang mawalan ng asawa at ng anak sa maikling panahon. Sobrang sakit siguro noon.

"Maraming salamat at pinaunlakan niyo ako," sabi ni Ginang Eva. Tumitig ito kay Isabella. "Una sa lahat, gusto kong humingi ng dispensa sa ginawa kong pagtuturo sa inyo. Nawalan ako ng anak. Sana maintindihan ninyo."

Napakuyom naman ng labi si Isabella. Sana hindi buksan ng ginang ang tungkol sa ginawa nito sakanya dahil hindi pa niya nababahagit sa ate niya iyon.

"Hindi magtatagal ay mababalitaan niyo ang nangyari sa asawa ko. Baka nga alam niyo na. Nakatira lang tayo sa iisang barangay. Mabilis ang balita dito."

"Bakit niyo ho kami pinatawag?" tanong ni Jane.

"Narinig kong buntis ka," sabi ni Ginang Eva.

Naningkit ang mga mata ni Jane. "Ano hong kaso sa inyo kung buntis ako?"

"Si Fred ang ama niyan, tama?" May ningning sa mga mata ni Ginang Eva."Hindi ba normal lang na may gawin ako upang maibigay ang pangangailangan mo at ng magiging apo ko?"

"Kung sinasabi niyo ho ito para makuha ang anak ko sa oras na manganak ako ay nagsasayang lang po kayo ng oras," matigas na sabi ni Jane. "Noong nag-usap kami ni Fred, isa sa mga dahilan niya kung bakit niya gustong ipalaglag ang bata ay dahil ho sa inyo."

"Ate," pigil ni Isabella sa kanyang kapatid.

Hindi sumagot ang ginang, at sa halip ay kinagat pa ang pangibabang labi at unti-unting tumayo sa kinau-upuan.

Lumuhod ang ginang sa tabi nila. Hinablot nito ang kamay ni Jane at idinikit sa pisngi nito.

"Alam kong malaki ang kasalanan ko," panimula ng ginang.

"Ti—tita, tumayo nga ho kayo," pakiusap ni Jane nang marami nang taong nakakapansin sa kanila.

"Nawalan ako ng anak," naiiyak na sabi ni Ginang Eva. Tila naman may humaplos sa puso ni Jane. "Nang gumising ako noong nakaraang tatlong araw, nalaman ko na nawawala ang asawa ko. Kanina nalaman ko ay may kabit siya at hindi ko na siya makikita pang muli. Sa isang iglap lang ay nawala sa akin ang mag ama ko. Hindi ako naramdaman ng ganitong lungkot."

Napansin ni Isabella na pinipigilan na lamang ng kanyang ate ang hindi maging emosyonal.

"Ikaw na lamang at ang batang nasa sinapupunan mo ang natatanging potensyal na maging pamilya ko," sabi ng ginang at tumingala kay Jane, "Pangako, magiging mabuti akong manugang."

"Hindi po kami kinasal ni Fred," wala sa sariling untag ni Jane.

Kinuha ng ginang ang kaliwang kamay ni Jane. Napangiti ito nang makita ang singsing na galing pa sa kanilang ninuno. "Noong oras na ibinigay saiyo ng anak ko ang singsing na ito, bahagi ka na ng pamilya."

Tila naman naantig si Jane sa kanyang narinig.

Matagal na minimithi ni Jane na magustuhan siya ng ina ni Fred. Hindi niya akalain na makukuha niya lamang ang loob nito sa oras na wala na ang kanyang nobyo.

Pinagsalikop naman ni Ginang Eva ang mga palad nila.

"Pangako, sa pagkakataong ito ay ituturing kitang tunay kong anak."

Hindi naman napigilan ni Jane ang mapangiti. Napatango lamang ito at nayakap ang ginang sa sobrang galak.

Ang drama.

Isinantabi ni Isabella ang kanyang naisip nang maramdaman niyang naluluha siya.

Masaya ang kanyang kapatid. Sa palagay naman ni Isabella ay walang dahilan ang ginang upang magalit sakanyang ate. Lumuhod ito sa harap nilang dalawa, bagay na hindi nito kayang gawin kung hindi nangyari ang insidente sa bahay ni Gareth.

Pumasok naman sa isip ni Isabella si Gareth.

Noong makita niyang may mga imbestigador sa bahay ni Gareth ay agad siyang kinabahan at halos mahulog ang kanyang puso nang malamang nasaksak ito.

Tinakbo niya ang Global. Sakto ang dating niya sa gising nito at wala na sigurong igiginhawa ang dibdib niya nang makitang maayos ito.

"Isabella?"

Napakurap si Isabella. Pag-angat niya ng tingin ay nakaupo na muli ang ginang at may hawak na menu.

"Ha?"

"Anong order mo, iha?" ngiting tanong ni Ginang Eva. "Sagot ko ang kakainin natin ngayon."

Napatawa naman si Isabella at humingi ng pasensya.

Buong oras ay naging abala ang ginang at ang kanyang Ate Jane sa pag-uusap, samantalang siya naman ay nalipad ang isipan at inisip ang susunod nilang piano lesson ni Gareth.

Continue Reading

You'll Also Like

Enigma By Ji

Mystery / Thriller

16.9K 6.5K 44
Revalaun Gio, a young and troubled novelist, returns to writing after a long hiatus. His only intention was to find the story behind a serial killer'...
1.2M 24K 66
Primo Suarez and Serenity Del valle story🖤 This is R-18 story, not suitable for young readers. Read at your own risk.
10.1K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...