The Handsome Flower BXB 2020

By Ai_Tenshi

964K 61.4K 7.8K

Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden. More

NOTE:
CAST
THF Part 1
THF Part 2
THF Part 3
THF Part 4
THF Part 5
THF Part 6
THF Part 7
THF Part 8
THF Part 9
THF Part 10
THF Part 11
THF Part 12
THF Part 13
THF Part 14
THF Part 15
THF Part 16
THF Part 17
THF Part 18
THF Part 19
THF Part 20
THF Part 21
THF Part 22
THF Part 23
THF Part 24
THF Part 25
THF Part 26
THF Part 27
THF Part 28
THF Part 29
THF Part 30
THF Part 31
THF Part 32
S2 NOTE:
THF Part 33
THF Part 34
THF Part 35
THF Part 36
THF Part 37
THF Part 38
THF Part 39
THF Part 40
THF Part 41
THF Part 42
THF Part 43
THF Part 44
THF Part 45
THF Part 46
THF Part 47
THF Part 48
THF Part 49
THF Part 50
THF Part 51
THF Part 52
THF Part 53
THF Part 54
THF Part 55
THF Part 56
THF Part 57
THF Part 58
THF Part 59
THF Part 60
THF Part 61
THF Part 62
THF Part 63
THF Part 64
THF Part 65
THF Part 66
THF Part 67
THF Part 69
THF Part 70
S3 NOTE:
THF Part 71
THF Part 72
THF Part 73
THF Part 74
THF Part 75
THF Part 76
THF Part 77
THF Part 78
THF Part 79
THF Part 80
THF Part 81
THF Part 82
THF Part 83
THF Part 84
THF Part 85
THF Part 86
THF Part 87
THF Part 88
THF Part 89
THF Part 90
THF Part 91
THF Part 92
THF Part 93
THF Part 94
THF Part 95
THF Part 96
THF Part 97
THF Part 98
THF Part 99
THF Part 100
THF Part 101
THF Part 102
THF Part 103
THF Part 104
THF Part 105
THF Part 106
THF Part 107
THF Part 108
THF Part 109
THF Part 110
THF Part 111
THF Part 112
THF Part 113
THF Part 114 (END)

THF Part 68

5.4K 416 30
By Ai_Tenshi

Cover by glaysamaemagallanes

****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 30, 2020

Lumabas ang lalaki at nag salita sa kanyang mega phone. "Hindi daw po nakakalimutan ni Mr. Guarin ang pag bubuhos ninyo ng tubig sa kanya ulo. Kaya ngayon heto ang ganti niya." ang wika niya sabay senyas.

"Full power!" ang utos niya..

Hinawakan nila ang dambuhalang hose ng sasakyan at itinapat iyon sa amin. Saka ito bumuga ng malakas na tubig..

Tumama ito sa aming katawan at lakas nito ay nag pagulong gulong kami sa lupa. Lunod na lunod kami at hindi makatayo. Tuwing tatayo kami ay matutumba kami sa lupa at mag tatawanan sila..

Ang aming mga gamit ay nabasa at nasira hanggang sa walang natira dito..

Part 68

"Blas, ayaw niyo ba talaga doon sa rest house namin? Mas okay doon." ang wika ni Bam habang isa isang inaayos ang gamit. Ang iba dito ay madumi na at kailangan pang labhan. Ilan lang naisalba namin, halos damit lang at ilang plato, kutsara at mga baso.

Isang oras matapos kaming basain ay dumating si Bam at ipinahiram sa amin ang isang apartment na pag aari ng tito niya. Maliit lamang ito. May sala, may maliit na banyo at lutuan sa gawing gilid. Wala silid, walang lalagyan ng mga bangko, basta nag latag lang kami ng banig at dito ay tabi tabi kaming matutulog. Nag bigay rin si Bam ng grocery, de lata, kilo ng bigas at mga noodles upang may makain kam. Mugto pa rin ang mata ni mama kakaiyak dahil sa bilis ng mga pang yayari na sa isang iglap ay lalong sumadsad ang aming buhay pababa hanggang sa wala nang natira.

"Hindi na Bam, salamat ng marami sa tulong mo ha. Akala ko talaga sa kalsada nalang kami matutulog."

"Pwede ba iyon Blas, hindi ako papayag na ganoon ang mangyari sa iyo. Dumito muna kayo hanggang nais niyo. Iyon nga lang ay may medyo masikip pero walang mananakit sa inyo dito." wika ni Bam.

"Hayaan niyo ma, bukas na bukas rin ay mag hahanap ako ng trabaho. Kahit ano nalang basta may pang raos tayo."

"Pwede ko kayong pahiramin."

"Hindi na Bam, sobra sobra na itong naitulong mo sa akin. Ako na lamang ang gagawa ng paraan." naka ngiti kong sagot

"O sige, basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka Blas, huwag kang mahihiya ha." ang sagot niya sabay sakay sa kanyang sasakyan.

"Ma, huwag na kayo umiyak ni papa, wala ring namang magagawa ang pag luha. Gagawa ako ng paraan bukas." ang wika ko habang naka talungko sa pinaka sulok ng maliit na silid na aming kinalalagyan.

KINABUKASAN..

Araw ng Linggo, umaga palang ay nag lakad na ako patungo sa mga pabrika, kainan at pati sa tindahan na mayroon sa siyudad. Hawak ko ang isang bote ng tubig na ipinag lalaman ko sa aking tiyan at sa aking natutuyong lalamunan. Ni hindi ko iniinda ang mainit na sikat ng araw. Basta ang nais ko lang ay maka kuha ng trabaho para maka tulong ako kila mama.

Masakit na ang aking paa, halos ilang tindahan ang aking napuntahan, nag aapply akong bagger o bag boy kung tawagin, tagapag lagay ng mga binili sa kahon o sa bag. Kahit ang pagiging janitor o kargador ay sinubukan kong pasukin pero wala ni isa ang tumanggap sa akin.

Malayo layo rin ang aking nilakad, nag simula ako ng alas 7 ng umaga, ngayon ay alas 4 na ng hapon pero wala pa ring nangyayari sa akin pag hahanap. Kailangan ko ng pera dahil maraming utang si mama na dapat bayaran, tiyak na lalaki ito at lalo kaming mababaon sa hirap.

Napa buntong hininga ako..

Naupo ako sa isang waiting shed, binilang ko ang barya sa aking bulsa, sapat ito para makauwi ako sa amin, hindi na rin ako kumain dahil mag kukulang pa ito. Tinanggal ko rin ang aking sapatos, may paltos ang aking paa dahil sa init at layo ng aking nilakbay para sa wala. Mahapdi, parang nag tubig ang malaking paltos kaya naman nag pasya akong alisin nalang ang aking sapin sa paa at mag lakad ng nakayapak patungo sa sakayan.

Muli nanaman akong nakaramdam ng pagod..

Naupo ako sa isang kahoy na silya sa ilalim ng isang sirang silong sa kalsada..

Dito ay pinag masdan ko ang bawat sasakyan na nag daraan. Pinipilit kong libangin ang aking sarili hanggang upang hindi ko maramdaman ang pagod at pag kalam ng aking tiyan..

Tahimik..

Nasa ganoong posisyon ako noong may lumapit sa akin na isang lalaki. "Kailangan mo ba ng pera?" tanong niya.

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko.

"Dahil nakakahabag ang itsura mo hijo. Anyway kung gusto mo talaga nag hahanap ng taong qualified para dito. Kung gusto mo ay pag isipan mo at tawagan mo ako. Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Blas po." ang sagot ko.

"Okay Blas, itabi mo ang papel. Kapag napag isip kana ay tawagan mo ako agad." ang wika nito sabay sakay sa kanyang sasakyan.

Tiningnan ko ang papel at agad itong itinago sa aking bag..

Alas 6 ng hapon noong ako ay makauwi, bigo akong makahanap ng trabaho. Si papa pala ay umalis rin at nag lako ng kakainin na ipinapatinda ng kapit bahay. Halos pagod na pagod rin ito sa mag hapong pag lalakad.

Noong mag kita kami, natawa pa kaming dalawa dahil pareho kaming nasunog sa ilalim ng mainit sa sikat ng araw. Ang aming mga sapatos ay naka nga- nga nalang kaya bumili pa kami ng pandikit para gawin ito. "Tingnan mo pa, hindi lang sikmura ko ang gutom kundi pati na rin ang sapatos ko." ang natatawa kong salita.

"Mas malaki ang sira ng sapatos ko, nabutas pa nga ito kanina." sagot ni papa habang kumakain kaming hapunan. Pinag sasaluhan namin ang isang lata ng sardinas at kaninang lamig na kanina pang tanghali.

"Alam niyo ba na walang mangyayari dito sa atin sa siyudad na ito? Blacklist tayo ni Mr. Guarin kaya kahit taga kutkot ng kubeta ay hindi tayo papasukin. Ang mainam pa kaya umuwi nalang tayo sa probinsya at doon mag simula ng bagong buhay? Kaso ay malayo iyon, kailangan pa naming sumakay ng bus, tren at saka bus ulit. Basta maraming sakay ang kailangan at maraming pera ang uubusin." ang wika ni papa.

"Pa, paano ka naman makakasiguradong magiging maayos ang buhay natin doon?" tanong ko.

"Dahil taga doon ako. Ang aking ama ay may bahay doon at mayroon akong kalahating hektaryang bukid. Maaari nating pag yamanin ito at taniman ng gulay o palay."

"Paano ka naman nag kaganoon papa?" tanong ko

"Iyon ay pamana ng aming nasirang magulang. Ang bukirin ay pinag parte partehan naming apat na mag kakapatid. Ang parte ko ay iniwan ko doon pero nasa akin ang titulo nito. Ang dahilan naman kung bakit ako umalis doon ay dahil nag tampo ako sa kanila noong malaman ko na ang pinaka maliit na parte ang ibinigay sa akin. Pakiwari ako ay pinag kaisahan ako ng kapatid ko, ibinenta nila ang mga parte nila at tumira sila sa malayong lugar. Kanina habang nag lalako ay nakita ko ang pinsan kong si Lito, at sinabi niya s akin na puro sukal lang raw ang bukid na aking namana. Kaya naisip ko na makabubuti kung umalis na tayo sa impyernong lugar na ito." ang wika ni papa

"Paano naman tayo makaka alis aber, wala naman tayong pera. At isa pa ay maganda ang paaralan ni Blas. Sayang ang scholarship niya doon. Saka na natin pag usapan ang tungkol sa inyong probinsya kapag talagang walang wala na." ang sagot ni mama.

"Kung sa bagay, sayang rin naman ang scholarship ni Blas doon sa Empire. Ipang papatuloy ko nalang muna ang pag lalako ng mga kakainin para makasuporta kay Blas." ang wika ni papa habang naka ngiti.

"Susubukan ko ring mag patulong sa papa ni Bam, may negosyo sila baka maaari niya akong ipasok doon." ang wika ko naman na punong puno ng pag asa.

Noong mga oras na iyon hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa. Pilit kong tinatatagan ang aking loob at hindi ako nag papakita ng kahinaan sa harapan nila mama. Matapang ako, iyan ang pilit kong pinaninindigan bagamat hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kahit ang matulog ay hindi ko magawa dahil sa kakaibang kaba at kirot sa aking dibdib. Ang aking puso ay kumakabog ng mabilis kaya't panay ang aking buntong hininga. Malalim na ang gabi, payapa ng lahat. Mahimbing na natutulog sina mama at papa. Samantalang ako naman ay nakatingin sa lang malamlam na ilaw sa itaas. Pilit kong iwinawaksi ang pangamba sa aking dibdib, umaasa ako na sana bukas ay mag bago naman ang lahat para sa akin.

Tahimik ako bumangon at marahan pinatay ang ilaw. Binalot ng dilim ang buong silid at dito ay ipinikit ko ang aking mata..

KINABUKASAN..

Araw ng lunes, habang nag lalakad ako sa hallway ng campus ay hinarang ako ni Evan at Lippi. Hindi naman galit ang kanilang itsura pero bakas sa mukha nila ang pag kadismaya sa hindi ko malamang dahilan. "O, bakit ganyan ang itsura niyong dalawa?" tanong ko.

"Dahil may nanalo na." ang wika niya sabay pakita ng kanilang cellphone. Dinala nila ang page sa social media account ni Vann Durria.

"Alam mo ito beshie mo ay isang ahas. Tingnan mo, wagi siya kahapon at kagabi!" ang wika ni Lippi sabay pakita ng mga larawan na inupload nito sa kanyang account. Ang larawan ay silang dalawa ni Yuji, mag kasama sa sasakyan at mag kaholding hands pa. Mayroon rin silang larawan sa farm nila Yuji kung saan pareho silang naliligo sa swimming pool. May larawan pasan siya dito.

"Tingnan mo naman, nag selfie pa ang pokpok habang naliligo si Yuji sa bathtub. Napaka famewhore niya talaga. Im sure na iyot na ni Yuji ito dahil tabi pa silang natulog kagabi. So paano Blas, may nanalo na! Talo ka.. at kailangan mong tanggapin iyon." ang wika ni Lippi.

"Ikaw kasi e, ang hina mo. Sabi ko naman sa iyo ay itumba natin yung baklang prinsipe na iyon. Kinaibigan mo pa, kundangan ba namang tanga ka! Bona ka!" ang galit na wika ni Evan.

"Boba ka kasi Blas, nawalan ka tuloy. Okay lang sana kung sa babae e, wala talaga tayong laban sa kanila. Pero mas masakit kung lalaki rin!" ang sabad pa ni Lippi pero umiiyak na ito.

"Tingnan mo, malungkot lahat dito dahil wagi na si Prince Beklush! Siyang nanalong star of the night sa buhay ni papa Yuji." ang dagdag pa ni Evan sabay iyak at pareho silang nag tatakbo palayo sa akin..

Natahimik ako at panandaliang nawalan ng kibo..

"Blas.." ang boses ni Kiro sa aking likuran.

Itinago ko ang aking emosyon, ngumiti ako at binati siya. "Ikaw pala Kiro. Kamusta kana?"

Seryoso ang mukha niya.

"Bakit seryoso ka?" tanong ko habang nakatawa..

Pero siya nakatingin lang sa akin at pinag mamasdan ang aking mukha..

Ngumiti ako ulit at humarap ako sa kalayuan..

Maya maya ay biglang bumugso ang aking emosyon at nag simulang pumatak ang luha sa aking mata. Humarap ako kay Kiro at sinabing "Okay lang ako.. okay lang ako." ang wika ko sabay lakad palayo sa kanya..

Pero sa kada hakbang na aking ginagawa ay sumasagad ang pinaka masakit na kirot sa aking dibdib. Ayokong isipin na habang ako na nag papakamatay sa pag hahanap ng trabaho kahapon, sila ay masayang mag kasama. Tama nga si Lippi, mas doble ang sakit dahil lalaki ang aking kapalit.

Patuloy akong umiiyak habang humahakbang nang biglang hilain ni Kiro ang aking katawan at niyakap niya ako ng mahigpit.

Nasubsob ako sa kanyang dibdib at dito ay tuluyan na akong humagulgol ng iyak. Hanggang sa dumating ang mga sandali na matanggap ko sa aking sarili ang isang malalim na sugat dulot ng matinding kabiguan.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

708K 25.3K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
61.8K 577 5
Si Niccolo ay isang simpleng bakla na sobrang bitter pagdating sa pag-ibig. Simula nung hiniwalayan siya ng first love niya ay nagbago na ang pananaw...