THF Part 108

7.1K 514 57
                                    

Cover by: Rex Zadji Crisostomo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cover by: Rex Zadji Crisostomo

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 10, 2020

"Blas, ang pinaka mababang scholarship na kayang ibigay ng Superior University ay 20% lamang kahit gaano ka katalino o kagaling. Ang pag aaral mo na may 100% na scholarship ay hindi sponsor ng paaralan. Ito ay galing sa akin, kaya lahat ng larawan mo ay nasa akin. Iyan lang ang kayamanan ko na maipag mamalaki ko sa iyo. Na tinupad ko ang pangako ko, at hindi kita kinalimutan kahit kailan, kahit sandali. Kahit minsan sa buhay ko." ang wika niya habang umiiyak.

Part 108

"Kasama mo ako Blas, hindi kita kinalimutan. Paano kita matututunang kalimutan, kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo pa kitang minamahal. Nariyan rin ang kwintas na ibinigay ko sa iyo noon sa loob ng envelope, kung sa tingin mo ay binigo kita ay isampal mo ito ngayon rin sa mukha ko." ang wika niya habang nakatingin ng tuwid sa akin.

"Paano ito nagawa?" tanong ko.

"Nandyan ang date noong unang tumawag ang Superior University sa Empire University para iconfirm kung totoong doon ka nga nag aral at ano ang totoong rason ng iyong pag alis sa isang magandang paaralan. Nag kataon naman na ang nandoon mismo sa opisina ay kami ni Gilbis. Kaya't kami ang nakipag usap sa inyong management. Nag panggap si Gilbis na director at sinabing ikaw ay maayos na umalis dahil kinakailangan ninyong lumipat ng probinsya. Kinumpirma rin niya na valid ang iyong transcript of records. Dito ay sinabi nila maaari ka nilang bigyan ng 20% scholarship dahil maganda ang iyong record at iyon na ang pinaka mataas. Ngunit kinuha ko ang telepono at nakipag kasundo sa kanila na susuportahan ko ang iyong pag aaral sa kondisyon na huwag itong ipapaalam sa iyo. Binigyan ka nila ng 100% at may allowance pa ito. Ang mga pinipirmahan mong papel ay bumabalik sa akin at iniipon ko ito. Nag request rin ako ng mga larawan mo upang makita man lang kita kahit dito lang.

Wala akong pinag sabihan ng mga ito, kahit sa F4 pa. Inilihim ko sa aking sarili na alam ko kung nasaan ka. Hindi kita ginambala, hindi kita pununtahan dahil alam kong payapa na ang iyong buhay. Gustong kong mag hilom ka habang unti unting tinutupad ang iyong pangarap. Matapos ng iyong graduation ay pinadalan ako ng campus ng iyong larawan, may medalya sa leeg at tuwang tuwa ako noon. Umiyak pa ako sa matinding kaligayahan dahil napag tapos ko ang taong pinapangarap kong makasama. Sana ay nandoon ako, sana ay napanood kitang umabot ng diploma o mag salita ng iyong speech. Pero hanggang tingin nalang ako mula dito sa malayo.

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now