Daylio: How Are You? (LGBTQ+)...

By nexusplume

8.7K 1.6K 495

Del Valle High Series # 1 [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Sa gitna ng walang patid n... More

Daylio: How Are You?
P L A Y L I S T
D A Y L I O
CHAPTER 1 : Bittersweet Life Recipe
CHAPTER 2 : Inhale, Exhale
CHAPTER 3 : Isaw
CHAPTER 4 : Awit
CHAPTER 5 : Girlfriends
CHAPTER 6 : Not So Past
CHAPTER 7 : A Small World After All
CHAPTER 8 : When Two Worlds Collide
CHAPTER 9 : Bangkang Papel
CHAPTER 10 : Hunyango
CHAPTER 11 : Burgers and Buns
CHAPTER 12 : The Moon and the Night Sky
CHAPTER 13 : Status Update
CHAPTER 14 : The Circus Charlatan
CHAPTER 15 : Panunuyo ng Panyo
CHAPTER 16 : Long Shot
CHAPTER 17 : On Fries, Floats, and Regrets
CHAPTER 18 : Kapag Wala ang Pusa
CHAPTER 19 : Sugar, Spies, and Everything Nice
CHAPTER 20 : Support or Substitute?
CHAPTER 21 : Lost and Found
CHAPTER 22 : Where Do Broken Hearts Go?
CHAPTER 23 : Comflirt
CHAPTER 24 : Kapulungan ng Damdamin
CHAPTER 25 : Friend Request
CHAPTER 26 : Abala
CHAPTER 27 : Luna
CHAPTER 29 : Stolen
CHAPTER 30 : The New Demi
CHAPTER 31 : Ti-Wala
CHAPTER 32 : Balita sa Radyong Sira
CHAPTER 33 : Pinunit na Larawan
CHAPTER 34 : Sa 'Yo
CHAPTER 35 : How Are You?
EPILOGUE
DEDICATION
MESSAGE & ACKNOWLEDGEMENT
SPECIAL CHAPTER 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
TO BE PUBLISHED!!!
‼️ PREORDER ‼️
‼️ BOOK UPDATE ‼️

CHAPTER 28 : Bridges

118 27 0
By nexusplume

DENIELLE

Mag-aapat na araw na rin matapos kong ipaabot ang aking sulat para kay Allen pero hanggang ngayon ay wala man lang akong natatanggap na balita. Gusto kong malaman ang reaksyon niya. Gusto kong malaman ang tugon niya.

Gusto ko lang namang malaman kung nabasa ba niya talaga.

Pansin ko rin ang pag-iwas sa ‘kin ni Hans nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Nahawaan ba siya ni Allen? Baka kasi sinabihan siya nitong h’wag nang maglalalapit sa ‘kin dahil nga ganito lang ako.

I feel horrible for myself.

Darryl Francisco:
Nagkaklase ba kayo?

Denielle Villacruz:
Oo. Patago lang akong nagpo-phone. Kunwari nakikinig.

Denielle Villacruz:
Math pati kasi yung subject e tinutulugan ko lang naman ‘to usually.

At ‘yan na nga po ang naging ganap sa buhay ni Ielle. Bakit ba kasi pagkatapos na pagkatapos ng lunch ang math namin. Deadly hour ang ala-una ng hapon. Do’n nabagsak ang mata ng lahat.

Sa sobrang inip ko sa statistics ay si Darryl na lang ang kinulit ko. Wala raw silang klase ngayon kasi absent daw teacher nila. Buti pa ‘yon.

Darryl Francisco:
Gaga ka. Mag-aral ka na diyan. Baka mahuli ka pa.

Denielle Villacruz:
Hindi ‘yan. Sus ako pa ba?

Denielle Villacruz:
Beterana na ako sa ganitong laro.

Darryl Francisco:
Bahala ka ah. Basta ‘di ko sagot grades mo.

“Psst. Ielle,” mahinang tawag sa ‘kin ni Anthony mula sa harap. Tiningnan ko naman siya. “Ibaba mo cellphone mo. Parang kanina ka pa minamasidan ni sir,” babala niya sa akin.

I just scoffed at him. Inirapan naman niya ako in return bago ibinalik ang atensiyon sa nagtuturo sa unahan. Umiling-iling ako bago bumalik sa aking cellphone.

Darryl Francisco:
Uy nga pala :))

Denielle Villacruz:
Weyt! Weyt!

Denielle Villacruz:
H’wag mong sasabihin.

Denielle Villacruz:
Alam ko, tanda ko ‘to e.

Darryl Francisco:
Huh? Ang alin?

Denielle Villacruz:
Birthday mo bukas!!!

Denielle Villacruz:
Yehey! Happy birthday!

Denielle Villacruz:
In advance.

Darryl Francisco:
GAGA!

Darryl Francisco:
Hindi yun yung sasabihin ko. WAHAHAHA

Ay. Hindi ba?

Darryl Francisco:
Pero thank you na rin.

Darryl Francisco:
Buti naalala mo pa.

Darryl Francisco:
Walang nakakaalala sa mga kaklase ko e. Si Andrea nga rin yata hindi tanda e.

Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niyang ‘yon. Danas ko ang pakiramdam na ‘yon, yung tipong maging pinakamalapit mong kaibigan ay hindi tanda ang iyong kaarawan. Pero iniisip ko na lang na baka natural na talaga sa mga tao ang makalimot kaya hindi ko na rin masyadong dinadamdam ‘yon.

Denielle Villacruz:
E ano palang plano mo bukas?

Darryl Francisco:
Ayun nga sana sasabihan ko sa ‘yo kanina.

Darryl Francisco:
Kinakabahan ako para bukas.

Denielle Villacruz:
Bakit?

Darryl Francisco:
Inaya ko kasi si Allen na lumabas kami bukas ng after classes. Like maggala ganun.

Darryl Francisco:
Noong nakaraan pa ‘yon, bago pa mag-Valentine’s.

Darryl Francisco:
Ugh! I hate Valentine’s na. Pero ayun, nag-confirm naman siya.

Darryl Francisco:
Hindi ko lang alam kung tanda niya.

It took me a while to process what he had said. Binasa ko pa nang paulit-ulit ang isinawalat niya sa ‘kin.

Inaya niya si Allen na lumabas bukas, maggala, at nag-confirm si Allen.

Lokohan ba ‘to? Is he cheating on Hans?

Denielle Villacruz:
Hoy! Ano ba talagang meron sa inyo ni Allen ha?

Lilinawin ko pa sana ang gusto kong sabihin kay Darryl nang biglang mawala mula sa ‘king mga kamay ang aking cellphone.

“Denielle, kanina pa kita napapansing may kausap sa telepono. Puwede ka namang lumabas ng klase kung importante ‘to e kaso tawa ka nang tawa diyan. Nakakabastos.”

Napatingala ako kay sir na hawak-hawak na ngayon ang aking cellphone. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang pinipirat ako sa kaniyang titig. Wala ng salitang lumabas mula sa aking bibig. Halukikip ang buo kong ekspresyon dahil sa kahihiyan. Nakatitig lang sa ‘kin ang iba kong mga kaklase at may iba pang naghahagikhikan.

I looked at Anthony as he mouthed, “Sabi ko sa ‘yo e.”

“Sa admin mo na ‘to makukuha mamaya ha,” remarka pa ni sir bago bumalik sa unahan upang ipagpatuloy ang kaniyang discussion.

Humalumbaba na lang ako sa aking silyon at nagmistulang nakikinig sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bunganga pero sa totoo lang, wala talagang napasok sa aking kokote.

Paikot-ikot lang ang isang bagay na bumagabag sa ‘kin matapos maudlot ang usap namin ni Darryl.

Kailangang malaman ni Hans ‘yon. Isang two-timer si Allen.

∞∞∞∞∞

“Sinasabi ko sa ‘yo, Ana. Niloloko ni Allen si Hans. Pinapatulan pa rin niya si Darryl kahit mag-jowa na sila ni Hans,” kuwento ko kay Ana habang naglalakad papuntang cafeteria para makapag-meryenda.

“E bakit sa ‘kin mo sinasabi? Kay Hans mo sabihin,” may pagkayamot sa boses ni Ana nang sabihin niya ‘yon sa ‘kin. “At saka ewan ko ba kay Allen. Basta ako may tiwala ako sa kaniya. Laking tulong sa ‘kin ni Allen kaya naniniwala akong hindi niya kayang magloko nang gano’n. Iniisip mo lang ‘yan kasi hindi ka na niya pinapansin at gusto mo lang siyang siraan kay Hans para mabawi mo ang atensiyon niya.”

Tumikom ang aking bibig sa kaniyang panunumbat.

“In short, insecure ka,” duro pa niya sa ‘kin.

“E kapag naman kinompronta ko si Allen ay baka magalit lalo si Hans kaya ikaw na rin magsabi. Kapag naman si Hans, baka barahin lang ako no’n tapos—”

“—Ewan ko sa ‘yo. Ang gulo mong kausap, Ielle. Ang dami mo pating dahilan. Ayaw mo na lang gawin kung gagawin. Nakakairita, alam mo ‘yon?” pagtataas niya ng boses sa ‘kin. Nagmadali siyang maglakad papalayo sa ‘kin nang hindi ako nililingon.

“Huy, Ana! Wait!” habol ko.

“Magmunimuni ka munang mag-isa, Ielle. Sa tingin ko kailangan mong makita ang sarili mo,” pagpigil niya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at pinanood siyang habulin Glaiza upang doon na muna sumama.

I was left dumbfounded.

Lagi na lang akong iniiwan.

Ano bang mali sa ‘kin?

Ano bang kasalanan ko sa mundo para ma-deserve ang lahat ng ‘to?

“Tumabi ka nga diyan. Hahara-hara ka sa daan,” sagi sa ‘kin ni Cherry, ang malditang presidente namin. Pinanood ko kung pa’no siya tumawa sa aking kinalalagyan.

Para akong binuhusan ng yelo sa aking tayo.

Suddenly, I have the urge to cry.

∞∞∞∞∞

Hindi na ako nakakain ng meryenda dahil sa kawalan ng gana. Sa classroom ako dinala ng aking mga paa. Nakita ko pang magkasama na naman sina Allen at Hans on my way back. Hindi ko na sila tiningnan.

Para lang akong pinagsakluban ng langit at lupa nang narinig ko pang umimik si Allen ng, “Oh Hans, layo-layo muna tayo at baka may magselos. Masabihan ka pang nawawalan ka ng oras para sa kaibigan.”

Doon pa lang, kumpirmado ko na ang namuong galit sa ‘kin ni Allen. Nakaabot na rin pala sa kaniya ang reklamo kong ‘yon.

Bakit ko ba nasasabi ang lahat ng ‘yon? Inggit ba talaga ako? Selos? Insecure?

Baka nga gano’n ako.

Maraming tulay ang nabuo nang may makasalamuha akong ibang mga tao.

Tumaas ang tingin ko sa sarili nang makilala ko si Maximo.

Natuto akong magbigay ng pake nang mag-krus ang landas namin ni Darryl.

Naging mainggitin ako dahil sa mga nakakamit ni Andrei.

Si Demi ang sanhi ng pagiging paniwalain ko sa kung ano-ano.

Ang sarili ko ang napabayaan nang matuto akong umasa dahil kina Theodore, Phil, at Ulysses.

Naging malapit ako sa mga tao dahil kay Anthony.

Ramdam ko ang pagiging manipulative nang mapalapit ako lalo kay Hans.

Nasanay akong may masasandalan dahil kay Allen.

Dahil kay Kelvin, ipinaramdam niyang vulnerable ako.

Dahil sa mga depenisyong inilahad nila para sa ‘kin, hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na mabigyang saysay ang sarili kong pangalan.

Tama si Ana. Kailangan ko ngang makita ang sarili ko.

“Wala raw pong klase. May meeting daw po ang teachers,” anunsiyo ni Hans pagkapasok niya ulit sa aming silid.

His voice made me build my courage. Siguro ang kakulangan ko ng pagkakakilanlan sa sarili ang siyang nag-udyok kay Hans para iwasan ako. Walang kinalaman do’n si Allen. Siguro magkaiba sila ng tingin at dahilan.

Hindi dapat ako nagawa ng sariling konklusyon. Dapat natututo akong lumapit ano man ang maging kahihinatnan.

Kagaya ng ulit sa ‘kin si Allen, “Hindi ako matututong lumangoy kung tititigan ko lang ang tubig.”

Tumayo ako mula sa aking silyon at nilapitan si Hans na paupo na sana. Lumingon siya sa ‘king pagtawag, halata ang pagka-aburido sa hitsura.

“Hans, gusto ko lang makipag-usap sa ‘yo. Siguro panahon na para magkalinawan tayo,” lapit ko. Tumingkad ang tingin niya sa ‘kin matapos kong sabihin ‘yon.

“Sa library tayo?” siya na mismo ang nag-aya. Tumambol sa ‘kin ang tuwa kasabay ng pagtango.

Ngumisi si Hans bago namin nilisan ang silid.

∞∞∞∞∞

Doon kami naupo ni Hans sa pinakadulong lamesa para hindi masyadong dinig ang usapan namin ng iba pang naroroon sa aklatan. Nanatili kaming walang imik sa isa’t isa hanggang sa makaupo.

Nakatingin lang sa ‘kin si Hans kaya minabuti ko nang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

“Bago ako magpatuloy sa gusto kong sabihin, gusto ko sanang malaman muna ang side mo,” mahina kong sabi. “Bakit bigla mo na lang akong iniwasan?”

He heaved a sigh. His eyes were unstable pero hindi ko na ‘to inintindi. Gusto ko ng kasagutan.

“Nagsisimula ka na kasing maging in-control sa mga bagay na dapat off-limits ka. Para bang pinagbabawalan mo akong i-explore ang mga bagay na gusto ko pang matuklasan. Nasasakal ako sa friendship na kinahinatnan natin,” diretso niyang sabi. “Ang pagiging in-control mo, nagiging out-of-control.”

Hinayaan ko siyang magpatuloy pa sa mga bagay na gusto niyang isiwalat tungkol sa ‘kin. I let him throw rocks at me dahil yun ang deserve ko. And as always, the truth hurts naman talaga.

Marami pa siyang sinabi tungkol sa ‘kin. Pa-victim, madrama pero walang ginagawang effort para lutasin ‘yon, mataray, mapagsamantala, paawa, at kung ano-ano pa. Lahat na nabanggit niya at doon ako nakaramdam ng guilt sa lahat ng naipakita kong ugali.

I won’t deny anything. Parang iniharap niya ako sa salamin nang dahil sa mga sinabi niya.

“I’m sorry, Ielle. Pero yun talaga ang nakikita ko sa ‘yo,” aniya. Malungkot ang kaniyang tono. “I wanted to help you pero lagi ka kaagad may pangontra sa lahat ng alternative na ibinibigay sa ‘yo. Danas ‘yon ni Allen. Siguro sapat na dahilan na ‘yon para sa kaniya para layuan ka.”

Kirot. Labis na kirot ang aking naramdaman. Ngayon alam ko na ang sagot sa lahat ng aking “Bakit?”

“Kaya pala hindi man lang niya tinugon ang liham na ipinadala ko,” pag-imik ko, dismayado sa sarili.

“Liham? May letter kang ipinadala kay Allen?” takang tanong ni Hans.

Marahan akong tumango. “Wala siyang nabanggit sa ‘yo?”

Umiling siya.

“Siguro nga mali ako sa lahat ng inisip ko,” pag-amin ko. “Akala ko kasi hinihikayat ka niyang umiwas sa ‘kin. Akala ko, nang dahil sa letter na ‘yon, mas nagalit siya at mas pinagsabihan ka niyang h’wag nang lalapit sa ‘kin.”

“Marunong rumespeto ng desisyon si Allen. Sarili kong desisyon ang umiwas sa ‘yo dahil sa pagmamataray mo. Inakala ko nga ring iniiwasan mo ako,” tugon naman niya. “Parehas kayo ni Allen na malapit sa puso ko. Oo, sabihin na nating clingy kami ni Allen sa isa’t isa pero hindi dapat ‘yon magsilbing pader sa pagitan nating dalawa. Siyempre, may mga bagay pa ring mas masarap ikuwento sa kaibigan kaysa sa jowa.”

My heart melted. Hindi ko lubos akalaing ganito ang maririnig ko mula kay Hans. Ang buong akala ko talaga ay nagtanim na siya ng galit sa ‘kin.

“I have my mistakes din naman,” pagpapatuloy pa niya. “Reklamador ako. Tamad. Mapagmataas na rin kung minsan. Hindi rin ako perpektong tao kaya sino ba naman ako para husgahan ka ng gano’n?”

His smile made me regain my self-confidence. Walang katulad talagang kausap si Hans.

“Pero si Allen...” muli kong simangot. “Miss na miss ko na talaga siya. I felt talaga discouraged noong pansin kong hindi niya nahahalata ang changes sa ‘kin.”

Hinawakan niya ang aking kamay. Sa mga sandaling ‘yon ay naalala ko rin ang haplos ni Allen sa t’wing nalulungkot ako nang ganito.

“He still cares,” he simply said. “Bigyang oras mo lang. Tine-test ka lang no’n. Siguro he is trying to make you realize something. Ituloy mo lang ‘yang change na plano mo sa sarili mo.”

“Will you be right behind me?” I asked, straight in his eyes.

“No,” he replied. It made my heart crack a little.

“Will you at least be there after everything?” bumilis bigla ang tibok ng aking puso.

“No,” buntonghininga niya.

“Pinaglololoko mo ako Hans e!” hiyaw ko kasabay ng pagtilapon ko kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa ‘kin. Sinutsutan kami ng mga taong nasa loob ng library ngunit hindi ko na sila inintindi.

“Pakinggan mo muna ako,” ani Hans. “Humindi ako kasi I will not be behind you,” he sincerely remarked.

Natigil ang pabadya ko nang luha.

“Because I will be right beside you,” aniya. Ramdam ko ang aruga sa kaniyang bawat pananalita.

I started to hiccup.

“I will not be there after everything dahil simula pa lang, hanggang sa gawin mo ito nandoroon ako.”

Nangatal ang aking panga. Nanayo ang aking mga balahibo. A shiver was sent down my spine. Doon ko naramdaman ang unang bagsak ng aking luha.

“Kaibigan kita, Ielle. Dapat tulungan natin ang isa’t isa sa mga kahinaan natin,” he smiled.

Hindi na ako nakapagpigil pa at inasulta ko siya ng isang mahigpit na yakap. Tahimik kong iniiyak sa kaniyang balikat ang lahat ng aking hinanakit at lungkot. Dama ko ang pagtapik niya sa aking likuran kahit pamanhid na ang buo kong katawan.

“It’s okay,” he whispered. “Kung nami-miss mo pa rin si Allen, isipin mo na lang na importanteng malaman nating may mga bagay o tao tayong nami-miss pero hindi na talaga natin gustong balikan. Maybe it’s for the best—pero kung alam mong it’s worth taking back, gawin mo ang lahat para mabawi mo pa.”

Humiwalay ako ng yakap mula kay Hans. Nginisian namin ang isa’t isa habang pahid-pahid ko pa rin ang aking luha.

“Thank you,” I whispered.

“Thank you rin,” he replied.

We both giggled. Naramdaman ko na ulit yung tuwa nang maayos ko na ang lahat sa pagitan namin ni Hans.

We both realized our own messes.

A simple “Can we talk?” can really change everything. Tamang pakikinig lang ang susi sa lahat ng namuong gusot.

“So,” pagsisimula ni Hans sa panibagong usapan upang burahin ang kadramahang aking sinimulan. “Kumusta kayo ni Ulysses?”

I completely wiped my tears from my face. I grinned at his question. Mukhang wala pa pala siyang balita.

“I ended the thing between us. Wala namang patutunguhan e,” I confidently answered. Tama na ako sa kung sino ang nasa buhay ko. I just craved for love and affection kaya siguro nalulong ako sa mga lalaking tulad ni Ulysses. Pinaninindigan ko na ang aking improvement na inaasam.

Gusto kong patunayan sa sariling, “I can be more of who I am right now.”

Gusto kong maipamukha sa lahat na may kaya pa akong gawing matino kahit pa sa nakaraan pa rin sila nakabase.

Nothing beats you if you do your best.

Binalikan ko rin si Hans ng tanong matapos ko siyang sagutin.

“Alam mo bang lalabas bukas sina Darryl at Allen?”

He smirked.

“I mean, hindi ko naman hinuhusgahang niloloko ka lang ni—”

“—Oo, alam ko. Nasabi niya sa ‘kin kanina,” putol niya sa ‘kin. “’Wag ka nang defensive.”

I blinked at him.

“Naikikuwento na naman niya sa ‘kin si Darryl noon pa. Alam ko rin kung ano ang pakay niya do’n sa tao. Gusto niya lang tulungan si Darryl sa kung ano mang pinagdaraanan nito,” pagkumpirma sa ‘kin ni Hans. “Walang kaso sa ‘kin ang paglabas nila bukas. Birthday naman ni Darryl e. Pinagbigyan ko na.”

Hanga ako sa pang-intindi ni Hans. I gave him a smile of approval.

“Hindi ka ba magseselos?” my tongue slipped. “I’m sorry for asking, though.”

“No,” he chimed. Ngiting-ngiti pa siya at kitang-kita mo ang kumpiyansa sa sarili. “May tiwala ako kay Allen. Yun ang mahalaga sa isang relasyon. Ayaw kong masakal namin ang isa’t isa. Bukod sa alam kong mahal niya ako, may tiwala rin ako sa hitsura ko.”

Sabay kaming napahagalpak sa tawa dahil sa kaniyang sinabi.

“Shh!” muling saway ng mga taong naghahanap ng kapayapaan sa loob ng silid-aklatan. We just giggled.

Naging normal ang daloy ng usapan namin ni Hans, our bridge reconnected.

Once I change the way I see myself, past is just a history. We are our experiences. The terrible times we’ve been through made us the person we are today.

Hans and Allen made my perspective wider. Hinayaan nila akong bigyang-pakahulugan ang aking sarili.

Broken or not, friendship is everything.

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
94.2K 2.6K 119
An epistolary. COMPLETED
84.8K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...