The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 6

3.4K 70 1
By Aimeesshh25

Chapter 6

JERACE'S POV

Nakangiti agad ako nang magpaalam ang huling guro namin para sa araw na ito.

" Good bye, class! See you tomorrow. " Ani Sir Castro habang inaayos ang mga ginamit.

" Good bye, Sir!" Masayang sagot ko, inunahan na ang mga kaklase. Takang ngumiti sa'kin si Sir Castro saka tumango at lumabas.

Natatawang lumapit sa'kin si April, tinapik pa ako. " Hanep. Inspired ah?"

" Syempre, tinext at tinawagan niya ako!" Mayabang pa akong ngumiti.

" Kase nahuli niya tayo."

" Eh kahit na. Dapat kung wala siyang pake sa'kin, hindi na siya magtetext. "

"Tinext ka niya kase gusto niya na tayong umalis."

Inis ko siyang tiningnan. " Pero bakit tumawag pa siya?" Sinukbit ko ang bag ko. " That means..na may pake siya sa'kin at pinapahalagahan niya ako."

" Ay sige lang! Paasahin mo pa ang sarili mo. Sarap 'yan." Ngiwi ni April. Tinarayan ko lang siya at lumabas na ng room. " Hoy teka! Sabay tayo pababa!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo na sa paglalakad. Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinext si Mang Fred.

To: Mang Fred

Hello po! Hindi po ako magpapasundo. Sasabay na lang po ako kay Drain, thanks!

Sinend ko 'yon at tinago sa bulsa. Mabilis na nakasunod sa'kin si April na katabi ko na agad.

" Sasabay ka ulit sa kaniya?"

" Hmm!" Masayang tango ko.

" Psh! Iba ka talaga."

" Syempre, ako pa! "

" Jerace.." mabilis ko siyang nilingon at pinigilan.

" Ops! Kung hahadlangan mo na naman kami! Please! Wag na. Hayaan mo na ako, April."

Tumaas ang kilay niya. " Ay grabe! Ano ako, kontrabida dito?"

" Mukha e."

" Gaga ka! Pinapaalalahanan lang kita"

" No need. Alam ko ang ginagawa ko." Kibit balikat ko.

" Ay talaga lang ah? Wag kang lalapit-lapit sa'kin pag nasaktan ka."

" O sige ba! Wag ka ring lalapit sa'kin pag nagpapalibre ka." Saka ko binilisan ang paglalakad.

Nanlaki ang mga mata niya. " Joke lang! Eto naman."

" Tsk! You're so galing talaga!" Sambit ko pa at naglakad na lamang.

Bumubulong-bulong pa siya habang naglalakad kami pababa. Hindi ko na lamang pinansin at baka may kausap na hindi nakikita. Nang makababa kami at maghihiwalay na ng landas( na gusto ko naman) hinarap ko siya.

" O pano? Text mo na lang ako pag nakauwi ka na." Ani ko.

" Sige! Ikaw rin! " Tinaas niya pa ang parehong kamay. " Good luck! Sana mahulog na si Drain sa'yo!"

Ngumiti ako ng bongga." Yan! Kung ganiyan ka ba naman lagi eh. Baka matuwa pa ako sa'yo."

Ngumiwi siya. " Sige na! Babye!"

Kumaway pa ako saglit. At nang makitang tumalikod na siya saka ako humarap at tinanaw ang building ng baby ko.

" Papunta na ako diyan, baby!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo.

Nakarating ako sa building nila. Sinilip ko ang oras sa palapulsuhan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang palabas na sila!

Paano pa ako makakapag ayos!

Naglakad ako kung nasaan ang floor nila. Inis akong pumasok sa isang washroom at agad nagpuyod ng buhok. Sobrang init! Naglagay ako ng powder sa mukha at nag spray ng pabango. Hindi na ako naglagay ng liptint dahil ayaw niya nga diba?

Tiningnan ko pa ang sarili. Nakapuyod ng mataas ang buhok ko at hinayaan ko ang takas niyon sa gilid. Inamoy ko ang sarili at puwede na! Pinahidan ko rin ang pawis sa leeg ko at medyo gumanda naman.

Sandali ko pang inanggulo ang mukha sa salamin saka ngumisi.

" Ganda ko na! Sheyt!"

Lumabas ako at naglakad palapit sa classroom ng baby ko. Dahan-dahan ko pang sinilip ang loob at nanlaki ang mga mata ko nang makitang iisa na lang ang tao roon.

Asan ang baby ko?

" Uh, excuse me?" Lumapit ako sa may pintuan.

Napatingin sa'kin yung lalaki at agad na ngumiti. " Yes, Jerace?"

"Uhm. Napansin ko lang, where's Drain?"

" Kakaalis lang, nako. Nahuli ka yata. Kasama niya si Ash."

Nagpanting ang tainga ko. " Sino?"

" Si Ash."

" Ah. Okay, thanks."

Tumango siya at nagkamot sa batok. "You're welcome, Jerace.."

Tumango na lamang ako at napatitig sa classroom nila. Sabi na nga ba at late na ako! Bakit pa kase ako nag-ayos? Edi sana hindi ako naiwan.

Pero teka, dapat hinintay niya ako. Alam naman niya na lagi akong napunta rito para sabay kami. Hindi pa ako hinintay.

At bakit ka naman hihintayin?

Kase.. syempre, ako si Jerace!

Oh e ano naman? Girlfriend ka teh?

Inis akong napasapo sa noo. Bakit ba lagi na lang kumokontra ang utak ko! Lintik na!

Lalo pa akong nainis nang maalala na kasabay niya na naman ang Ash na 'yon! Lagi na lang. Sila na ba?

Oh my gosh! Hindi puwede!

" Jerace?" Agaran ang paglingon ko roon.

" Ah yes?" Tulalang ani ko.

Sinara niya ang pinto at tumingin sa'kin. " Aalis na kase ako. Hihintayin mo pa ba? Baka kase nakaalis na rin 'yon."

" Ah oo nga. Sige, aalis na rin ako." Nahihiya pa akong ngumiti.

" I'm Liam." Ngumiti siya at inilahad ang kamay.

Tinanggap ko 'yon. " Hi Liam, I'm--"

" You're Jerace. No need, kilala kita. " Natatawang aniya.

Nakitawa na rin ako. " Ah! Hehe, "

" So, may kasabay ka ba?" Titig na titig siya sa'kin. Nailang naman ako at sasagot na sana.

" Yeah. May kasabay siya."

Parehas kaming nagulat ni Liam sa sumingit niyon. Napatingin sa likod ko si Liam kaya ganoon rin ang ginawa ko.

Oh my gosh!

" D-Drain.." gulat na tawag ko nang makita siyang nakatayo sa harap namin at nasa likod niya ang pinsan na si Axel.

" Hi, Jerace!" Kumaway sa'kin si Axel.

Ngumiti ako ngunit gulat pa rin. " Hi, Ax."

Binaling ko ulit kay Drain ang tingin ko, nakatingin na siya sa'kin kaya muntik na akong mabilaukan sa sariling laway! Ugh!

Inalis niya 'yon at tumingin kay Liam. "Paalis ka na?"

Ngumiti ito at tumingin sa'kin. " Oo, kinausap ko lang sandali..si Je."

Tumaas ang kilay ni Drain. " Je?"

Liam smiled. " Short for Jerace, masyadong mahaba.." pinagkibit-balikat niya ang nais idugtong.

Tumango lang si Drain bago mayabang na tinapik ang balikat niya. " We'll go now. You take care, Liam." Aniya at lumingon sa'kin. Nagulat ako at halos mapatalon pa. " Let's go."

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako paalis roon. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa likod ni Drain. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. Nilingon ko si Axel na nakangisi na sa'min.

" Dahan-dahan, Drain." Natatawang ani Axel.

Hindi sumagot si Drain at niluwagan lang ang kapit sa'kin. Natatakot akong magsalita kase baka high blood siya!

"Akala ko nakaalis na kayo.." mahinang ani ko.

" Yeah, nakaalis na sana ako kung hindi lang nanghila--"

" Shut up, Axel!" Iritadong ani Drain. Humalakhak lang ang pinsan. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Nakalimutan kong isama si Chuwie!

Hayae na, ikwekwento ko na lang sa kaniya mamaya pag-uwi ko.

Nilingon ako ni Drain, nagulat pa ako ngunit ngumiti sa kaniya.

" Late kayo lumabas?" He asked.

" A-Ah medyo.." huminga ako ng malalim. " Tumakbo ako papunta dito, kaso nag-ayos pa ako saglit eh. Then, pagkapunta ko..nakaalis na raw pala kayo. "

" Hmm, so what are you still doing there?" Huminto siya sa paglalakad. Napahinto rin ako, ganoon rin si Axel na tahimik na sa likuran namin.

" Ha?" Takang ani ko.

Lumiit ang mga mata niya. " Alam mo na pala na nakaalis na ako, ano pang ginagawa mo roon?" Inis na tanong niya.

Napalunok ako. " Ewan, natulala na lang ako bigla. Pero aalis na sana ako.."

Tumaas ang kilay niya. " Natulala ka? Bakit? Aalis ka na sana, but you saw Liam?"

Tiningnan ko siya at salubong ang kilay niya habang seryoso sa mga binitawang salita. Agad na gumapang sa katawan ko ang kiliti! Napangisi ako sa naisip ko. Bakit siya nagagalit sa'kin? Bakit naiinis siya? Bakit niya ako hinila bigla? Bakit ganito ang baby ko?

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang ngisi ko. " Answer my question, Jerace Marielle!"

Lalo akong napangisi. " Hmm, why are you acting like that?"

" What?"

Kinagat ko ang labi ko. " Are you jealous?"

Natigilan siya. Nangiti ako dahil hindi niya inaasahan ang itatanong ko. Umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. Nadismaya ako nang bitawan niya ang braso ko. Tumingin siya sa'kin at di gaya ng kanina, wala ng mababakas na emosyon sa mukha niya. Napanguso ako.

" I'm not. I'm just worried.."

Nangunot ang noo ko. " Worried, because?" Umaasang ani ko.

Tumikhim siya at lumayo ng konti sa'kin. " I'm worried because, you're like a sister to me. That's all, stop imagining things." Mariing aniya saka ako tinalikuran.

Parang may kumirot sa puso ko habang tinitingnan siyang naglalakad palayo sa'kin. Bakit ganoon siya? Hindi ko siya maintindihan.

May tumapik sa balikat ko. " It's okay, baby girl. Don't mind him. " Bulong ni Axel at inakay na ako. " Let's go. Baka gabihin tayo."

Tumango na lamang ako ngunit nanatili sa puso ko ang sakit ng sinabi ni Drain!

Ngunit, baby ko pa rin siya.

Continue Reading

You'll Also Like

63.1K 37 47
R18
45K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
340K 9.5K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...