Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 14

1.4K 87 19
By CrabLamb

"Upo ka."

Kumilos si Wojtek upang makaupo. Si Gareth naman ay pumunta sa kusina upang maghanda ng dalawang baso ng tubig.

Halos magkatabi lamang ang sala at ang kusina. Ang maswerte pa roon ay nakaupo si Wojtek paharap sa kusina kung nasaan si Gareth mismo. Kung lalagyan man ng kung ano ang inumin niya ay mapapansin ito ng imbestigador.

Nang makita na sa iisang pitsel lamang nanggaling ang inumin na inihahanda ni Gareth ay napasandal si Wojtek sa kinau-upuan.

Hindi naman sa natatakot siya sa taong binisita. Ni hindi pa nga siya sigurado kung tama ang kanyang hinala. Pero kung tama man ang suspetya niya kaya naman niyang depensahan ang sarili. 

Agad pumasok sa utak ni Wojtek ang imahe ng ilang biktima ng doll serial killer, matapos ay tinitigan niya si Gareth. Magaling mag manipula at magtago sa propesyon ang mga serial killer, tama lamang ang karakter na tinataglay ng isang ito. 

Pinagmasdan ni Wojtek ang ukit ng katawan ni Gareth. May kaunting lapad at halos magkasinlaki sila ng katawan, pero halatang kung titimbangin ay mas lamang si Wojtek.

Nabalik sa kasalukuyan si Wojtek nang ilapag ng doktor ang baso ng tubig sa lamesa.

"Kinausap na rin ako ng isang imbestigador, ilang linggo na ang nakakaraan," sabi ni Gareth."Tama ba ang hula ko na may panibagong kaso?"

Hindi agad nakasagot si Wojtek.

His father was abusive.

Iyon ang narinig niya mula kay Nathalie.

One time, pumasok siya sa eskwelahan na nangingitim ang mga daliri. Narinig ko sa iba nilang naging katulong na noong limang taong gulang pa lang siya ay inipit ng ama niya ang mga daliri niya sa cover ng piano keys dahil hindi niya matugtog ang' Happy Birthday.'

Pasok ang taong ito.

"Mayroon ka bang piano, Dr. Lagard?"

"Mayroon," tipid na sagot ni Gareth. "Nasa ikalawang palapag."

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawang lalaki.

Isinuot ni Wojtek ang kamay sa bulsa at naglabas ng isang litrato.

"Nakita ho ba ninyo ang babaeng ito?"

"Oo," agad na sagot ni Gareth. "Si Rona. Ang totoo nga niyaan, Mr. Cardinal, ay nasa isang kuwarto siya sa itaas."

Hindi inaasahan ni Wojtek ang sagot na iyon mula sa doctor.

"Nandito si Ms. Rona?" turo ni Wojtek sa litrato.

Walang gatol na tumango si Gareth.

Nagsimulang manlaki ang mga mata ni Wojtek at napatayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Mr. Cardinal?" tawag ni Gareth.

"Nasaan si Ms. Belmonte?"

Umangat si Gareth mula sa kanyang kinau-upuan, "Mr. Cardinal, trespassing na ang ginagawa mo."

Natigilan ang dalawa nang makarinig ng kalabog mula sa ikalawang palapag.

Nanlisik ang mga mata ni Wojtek at humakbang na paakyat ng hagdan, "Ms. Belmonte?"

Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay nagsimula nang halughugin ni Wojtek ang mga pintuan.

"Hindi ako natutuwa sa pagbuwag mo sa privacy ko, Mr. Cardinal," sabi ni Gareth sa bungad ng hagdanan.

Nagpatuloy si Wojtek hanggang sa nakarinig sila ng isang malakas na sigaw ng isang dalaga.

Napatakbo na ang doktor pauna at binuksan ang isang pintuan ng ikalawang palapag na hindi pa nahahalughog ni Wojtek.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay bumungad si Gobernador Mike kay Gareth at inambaan ng saksak ang doktor.

"Earl!" sigaw ni Rona mula sa kuwarto.

Kasabay ng pag-sigaw ng doktor ay ang panlalaki ng mga mata ni Wojtek sa gulat. Agad niyang tinutukan ng baril ang gobernador.

"Tigil!"

Nanlalaki ang mga mata ng gobernador na bumaling kay Wojtek.

Kailangang tumawag ni Wojtek ng back up.

Kumilos ito upang yakagin si Gareth. Tinutukan niya ng kutsilyo ang doktor sa leeg.

Anong nangyayari? isip ni Wojtek.

Unti-unting niyakag ng gobernador ang doctor. Nanginginig namang tinutok ni Wojtek ang kanyang baril.

"Huwag kang kikilos kung ayaw mong iputok ko ito," banta ni Wojtek sa gobernador.

Saglit na napatingin si Wojtek sa sugat ng doctor.

"Kung hindi ko gagawin ito, papatayin niya ako," sabi ng gobernadora.

Kumunot ang noo ni Wojtek. "Anong ibig mong sabihin?"

Naalarma si Wojtek nang idikit ng gobernador ang kutsilyo sa leeg ni Dr. Lagard, nagsisimula na itong mag hingalo.

"Sino ang tinutukoy mo?"

Unti-unti naman lumuha ang gobernador at umiling. "Hindi ko alam."

"Paano mo siya nakakausap?"

"Sa isang numero," napahinga nang maluwag si Wojtek nang ilayo ng kaunti ng gobernador ang kutsilyo sa leeg ng doktor, "Hindi ko alam kung paano niya nakuha. Noong una akala ko ay binibiro niya lamang ako tungkol sa pagpatay niya sa anak ko."

Napatigil si Wojtek sa paghakbang.

Napansin ng gobernador na malapit ang imbestigador kumpara sa puwesto nito kanina kaya naman idinikit niya muli ang kutsilyo sa leeg ng doktor na ngayo'y namumutla na.

Agad na napansin ni Wojtek si Rona. May hawak siyang kung anong bagay at a-akmang ihahampas ito sa ulo ng gobernador sa likuran. Agad nabasa ni Wojtek na kikilos ang gobernador upang ipangsalag si Dr. Lagard mula sa atake ng dalaga.

"Huwag!"

Napatigil si Rona sa pag-atake. Binitawan ng gobernador si Gareth at humarap kay Rona. Agad na naglakad si Wojtek at inilagi si Gareth sa kanyang likuran.

"Nathalie, 10-31," agarang tawag ni Wojtek sa kasamahan

Nang ibaling ng binata ang atensyon sa gobernadora, si Rona na ang hostage nito.

Napansin niyang pinipigilan n ani Gareth ang paglabas ng dugo sa saksak na natamo.

"Parating na ang iba kong kasamahan, Gov. Mike. Sumuko ka na."

"Tanong ko lang," sabi ng gobernador, "Kanina pa kita binibigyan ng pagkakataon na iputok ang baril, pero kahit pananakot ay hindi mo ginawa."

Nanginig ang mga mata ni Wojtek sa narinig.

Unti-unting gumuhit ang ngisi sa mukha ng gobernador, "Anong kinakatakot mo, Detective Cardinal?"

Napatitig si Wojtek kay Rona na panay pasa ang katawan. Umiiyak ito habang nakatitig sakanya.

"Maliban na lang kung sa hindi tamang paraan mo pinutok ang baril mo. Naranasan mo na ba iyon, Detective?"

Nandilim ang paningin ni Wojtek.

Tapat niyang itinutok ang kanyang baril at mabilis na pinihit ang gatilyo. Halos mabingi si Wojtek sa nilikha nitong ingay at halos mahimatay si Rona nang tumalsik ang dugo ng gobernador sakanyang leeg.

Bumagsak sa sahig ang katawan ng gobernador.

Pakiramdam ni Wojtek ay kakapusin siya ng hininga. Lumapit si Rona kay Dr. Gareth na hinubad ang suot na puting t-shirt at pinang-harang sa saksak niya sa tagiliran.

Napakurap si Wojtek at tinulungan ang doktor sa pag-pigil ng pagdaloy ng dugo nito.

Maya-maya lang rin ay nakarinig siya ng mga hakbang paakyat ng hagdan.

"Wojtek!"

Napatigil si Nathalie. Agad na bumaba ang tingin niya kay Gareth habang ang ibang kasamang pulis ay pumasok sa kuwarto kung nasaan ang bangkay ng gobernador.

"May kasama ba kayong medic?" tanong ni Wojtek kay Nathalie.

Agad tumango si Nathalie.

Nang makaakyat ang mga mag-a-assist kay Gareth, tumayo na rin si Wojtek.

"Ms. Rona," sabi ni Nathalie, ngunit hinawakan siya ni Wojtek sa braso.

"Sugatan si Ms. Belmonte," bulong ni Wojtek, "Hayaan mo munang gamutin siya."

May halong pagtataka sa mukha ni Nathalie, ngunit kalauna'y hinayaan niya lamang ito.



"NAGKAROON kayo ng relasyon?"

Nakatitig lamang si Wojtek kay Rona, si Nathalie naman ay nakaharap sa kaniyang laptop, nililista ang mga sagot ng dalaga.

Napakuyom naman ng labi si Rona at tumango, "Opo, pero nakipaghiwalay siya sa akin tatlong buwan na ang nakakaraan."

Inilabas naman ni Nathalie ang baril na naka plastik.

"Pamilyar ba saiyo ang baril na ito?" tanong muli ni Nathalie.

Isang malakas na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rona, "Opo, baril iyan ng Gobernador."

"Dalawang fingerprint ang na detect namin sa baril na iyan," ani ni Nathalie at sumandal sa kaniyang swivel chair, "At dahil sa gobernador ang baril na iyan, awtomatikong sakaniya ang isang fingerprint. May ideya ka ba kung kanino ang isa?"

Napapikit na si Rona sa kaniyang mga naririnig at tumango.

Tumango si Nathalie, "Kung ang hula mo ay fingerprint mo mismo ang nakita, parehas tayo ng iniisip."

Nagtipa si Nathalie sakaniyang laptop, matapos ay bumaling siyang muli sa dalaga na kasalukuyang naka yuko.

"Natagpuan namin ang bangkay ng ama mo sa kakahuyan," ipinatong ni Nathalie ang kaniyang palad sa ibabaw ng baril, "At tugma ang bala na nahalukay namin sa bunganga ng ama mo sa baril na ito, ang tanong ko lang ay kung sa Gobernador ang baril na ito ay bakit may fingerprint mo?"

"A-ang totoo niyan...Si Papa--"

"Hindi mo kailangang sabihin dahil alam namin ang ginagawa saiyo ng ama mo," putol ni Nathalie, "Ang tinatanong namin ay kung bakit may fingerprint mo ang baril na ito?"

Napaayos naman ng upo si Wojtek, agad niyang napansin mula sa labas ng kwarto si Mrs. Eva Salazar na pinipigilan ng ilang Imbestigador na makapasok, ngunit nilalabanan ng mga bodyguard nito.

Walang hirap itong nakapasok sa  kwarto kung saan sila nagta-tanungan.

"Hayop kang pokpok ka," bungad ni Mrs. Salazar, mabilis na kumilos ang kamay nito upang mahablot ang buhok nito.

"Pinag-aral kitang hinayupak ka!" singhal ni Mrs. Salazar habang nanlalaban si Rona, "Yoon pala ay palihim mong ina-akit ang asawa ko! Kulang pa ba yoong mga perang binibigay ko sa paghalik mo sa mga paa ko?!"

Napabaling ng tingin si Wojtek sa nasasaksihan, si Nathalie naman ay sinenyasan ang iba nilang kasamahan na alisin ang Ginang dahil hindi pa sila tapos sa tanungan.

Nang matagumpay na mailabas ang Ginang ay hinarap muli ni Nathalie ang dalaga, umiiyak ito habang inaayos ang sariling buhok kaya naman inantay pa niyang huminahon ito ng ilang minuto.

"Uulitin ko ang tanong ko," deklara muli ni Nathalie, "Bakit may fingerprint mo ang baril?"

Matagal na nakipagtitigan si Rona sa kausap bago ibuka ang kaniyang bibig.

"Madaling araw iyon," panimula ni Rona, "Dinala ako ni Papa sa kakahuyan, nalaman niya kasing nakipag-usap ako sa kaklase kong lalaki kaya balak niya akong parusahan."

Bumaba ang tingin si Rona, "Nakatakas ako nang makarinig siya ng isang kaluskos, hindi rin naman ako nakalayo kasi nadapa ako."

Habang nagti-tipa ng sagot ay hindi naiwasan ni Nathalie na mapatingin kay Wojtek, nakatulala lamang ito sa lamesa habang  nakikinig kay Rona.

"Akala ko bato ang nadanggi ng paa ko," napatingin si Rona kay Nathalie ng mata sa mata, "Hindi ko akalain na baril ang makikita ko."

Sa pagkakataong ito ay napatingin na si Wojtek kay Rona.

"Madilim at masyado na akong nagpa-panic, nakahabol saakin si Papa kaya tinutok ko sakaniya ang baril," napakagat ng labi si Rona, "Litong lito pa ako kung saan galing ang baril, ang sabi pa saakin ni Papa ay huwag ko raw siyang gaguhin dahil alam niyang peke  ang baril na hawak ko."

Napatawa pa si Rona habang pinupunasan ang kaniyang luha, "Doon ko lang naisip na baka nga peke, maraming batang mahilig maglaro sa kakahuyan kaya naisip kong isa lang iyong laruan."

"Pagkatapos?" ani ni Nathalie habang pinagpapatuloy ang pagtipa ng mga sagot ni Rona sa kaniyang laptop.

Nanginginig ang labi ni Rona, "Sinubukan niyang lumapit saakin, sabi niya ay kahit na anong gawin ko ay hindi ako makakatakas sakaniya, hindi niya hahayaan."

Tuluyan nang napahagulgol si Rona, "Sinubukan niya akong saktan, ganoon siya kapag sinubukan kong manglaban. Kaya nagawa ko ang hindi ko inaasahan na magagawa ko."

Napatigil si Nathalie sa pagtipa, alam na niya ang kasunod, ngunit mas pinili niyang antayin na lamang na lumabas sa bibig ni Rona ang mga kataga.

"Pinindot ko ang gatilyo," ani ni Rona, "Nagulat ako, doon ko lang napagtanto na totoo ang baril."

Namayani ang katahimikan sa buong kwarto ng ilang minuto. 

"Bakit ka nasa bahay ni Dr. Lagard?" tanong ni Wojtek, bumaling ang tingin sakaniya ni Rona, "Self defense ang ginawa mo, bakit hindi ka saamin dumiretso?"

Napalunok si Rona, "Ilang minuto pagkatapos kong kalabitin ang gatilyo ay lumabas si Mike sa harapan ko."

Bumaba naman ang nakataas na kilay ni Wojtek, biglang pumasok sakaniyang alaala ang sasakyan nito sa kakahuyan.

"Sinabi niya na nakita niya ang lahat," pinunasan ni Rona ang uhog niya, "Pumasok na sa utak ko na self defense ang ginawa ko pero nilason ni Mike ang utak ko. Paulit ulit niyang sinabi na makukulong ako sa ginawa ko."

Napasara naman ng bibig si Wojtek.

"Alam kong maraming kapit si Mike sa pulisya kaya kung siya ang magsasalita, mas paniniwalaan siya ng mga ito, wala rin ako sa katinuan kaya agad niya akong napasunod, isa pa ay nakapatay ako ng tao!" turo ni Rona sa sarili niya, "Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon sa sarili kong ama!"

"Sinabi niya saakin na tutulungan niya akong magtago mula sa mga pulis, sinabi niya saakin na kapag sumama ako sakaniya ay hindi ako makukulong," nakagat ni Rona ang labi niya, "Kaya naman pumayag ako, bumalik kami sa bahay sa gitna ng kakahuyan, kaming dalawa lang ang naka kaalam ng lugar na iyon dahil nga Gobernador siya at kabit niya ako."

Napansin ni Wojtek na napayakap si Rona sa mga pasa sakaniyang braso, "Maayos ang pakikitungo niya noong una, pero noong ikalawang araw na ay sinimulan na niya akong saktan. Paulit ulit niyang sinasabi na kung hindi niya gagawin iyon ay mamamatay siya."

Napatingin sa gilid si Nathalie nang mapansin na hindi naging kumportable si Wojtek sa naririnig.

"Tek," tawag ni Nathalie sa kasamahan.

Bumaling naman si Wojtek kay Nathalie nang tawagin siya nito, si Rona ay napatingin din sa lalaking Imbestigador.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Nathalie.

Napalunok naman si Wojtek bago tumango, "Oo."

Hindi naniwala si Nathalie pero hindi na siya nangulit pa at pinatuloy si Rona sa pagku-kwento.

"Kahapon ay umalis siya sa bahay na iyon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas, ang hindi ko lang inaasahan ay mabilis siyang makakauwi kaya naghabulan pa kami sa kakahuyan, nailigaw ko naman siya at napunta ako sa bakuran ni Earl."

Napataas ang dalawang kilay ni Nathalie, "Kaya ba nasa puder ka niya?"

Agad na tumango si Rona.

"Bakit hindi niya tayo tinawagan?" bulong ni Nathalie kay Wojtek, halatang may pagdududa.

"Nakiusap ako sakaniya ng huwag tumawag ng pulis," depensa ni Rona kay Gareth, taka namang tumingin sakaniya ang dalawang Imbestigador.

"Ang totoo niyan ay balak na niya kayong tawagan kagabi pero nagmakaawa ako sakaniya na huwag," napapikit si Rona, "Kagaya ng sinabi ko ay may mga pulis dito na hawak ni Mike, nakita ko na ang iba niyang kurap na gawain habang kami pa. Natatakot lang ako na baka imbis na makatulong ay baliktad ang mangyari."

"Kaya nakikiusap ako," tinignan ni Rona ng mata sa mata si Wojtek, "Tinulungan lamang ako ni Earl, wala siyang kinalaman dito. Nasaksak na siya ng dahil saakin, pakiusap, nadamay lang siya dito."

"Malapit ka ba kay Dr. Lagard?" sa pagkakataong ito ay si Wojtek na ang nagtanong, napansin kasi niya na Earl ang tawag niya sa Doktor.

"Malapit lang siya sa tinitirhan namin," sagot ni Rona, "Ang totoo niyan ay sinubukan niyang manligaw saakin, pero tinanggihan ko dahil nga noong mga panahong nagtapat siya saakin ay karelasyon ko pa si Gov. Mike, pero nanatili kaming magkaibigan."

Nagkatinginan naman si Wojtek at Nathalie muli, agad naman pumasok sa isipan ni Wojtek kung gaano kabilis rumesponde ang Doktor kanina nang marinig nitong sumigaw si Rona. 

Pumasok rin sa isipan ni Wojtek ang inakto ng Doktor kanina, pinutol ni Wojtek ang pag-uusap nila sa sala at pinangunahan siya ng kaniyang hinala kahit pa may sasabihin pa sakaniya si Dr. Lagard. Baka iyon na ang senyales na hihingi sakaniya ng tulong ang Doktor.

Napahilamos si Wojtek ng mukha at sumenyas kay Nathalie na naniniwala siya sa sinasabi ni Rona.

Naagaw naman ang atensyon ni Nathalie nang tumunog ang kaniyang cellphone.

Nang mabasa kung ano ang nilalaman ng mensahe ay napatingin siya kay Wojtek, "Gising na daw si Dr. Lagard."

Isang malalim na hininga naman ang pinakawalan ni Wojtek at tumayo mula sa kaniyang kinau-upuan. Napansin din ni Wojtek na napangiti si Rona sa narinig na balita.

"Pasensya na at hindi mo pa siya pwedeng makita," paghingi ng tawad ni Wojtek kay Rona, "Marami ka pang tanong na kahaharapin, sana maintindihan mo."

Napatango naman si Rona, "Naiintindihan ko."

"Huwag kang mag-alala, babalitaan kita sa kalagayan ni Dr. Lagard," tango tangong pangako ni Wojtek, bahagya pang lumingon sakaniya si Nathalie habang nakakunot ang noo.

Inignora naman iyon ni Wojtek at kinuha ang kaniyang jacket, "Aalis na ako."



"MR. Gareth Earl Lagard," ani ni Wojtek.

"Kaano ano ho nila ang pasyente?" tanong ng Nurse, inilabas naman ni Wojtek ang kaniyang NBI badge.

"Ay sige po, paiwan na lang po ng ID dito," ani ng Nurse, ibinigay naman ni Wojtek ang kaniyang lisensya at dumiretso na sa elevator paakyat sa kwarto kung nasaan si Gareth.

Habang umaakyat ang elevator ay tinitigan ni Wojtek ang sarili sa repleksyon, salamin ang apat na sulok ng elevator.

Mukhang mali siya ng hinala kay Dr. Lagard.

Napahinga naman ng malalim si Wojtek, agad na pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ng gobernador.

Anong kinakatakot mo? Detective Cardinal?

Pirmi ang postura ni Wojtek nang magbukas ang elevator sa palapag ng kaniyang destinasyon, isinantabi niya ang kaniyang iniisip at tinahak ang hallway.

Kumalma ka, Wojtek. 

Hindi rin nagtagal ay narating din ni Wojtek ang kwarto ni Dr. Lagard, ngunit natigilan siya nang makita niya mula sa bintana ng pintuan na hindi lamang siya ang bisita nito.

Napakunot ang noo niya nang makita niya ang isang pamilyar na bulto.

"Isabella?"

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
The Senorita By Raiselle

Historical Fiction

689K 25.3K 36
Sino kaya ang misteryosong babae sa likod ng isang lumang painting? Bakit siya nakatalikod at kilala lamang sa titulo na La Señorita or "The Señorita...
101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)