Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

61.1M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 318

481K 21.4K 41.6K
By eatmore2behappy

A/N: Joke lang, sa susunod na chapter talaga ang balik na Keifer. Tapos na daw kwarantin niya.

Hope you guys enjoy.

🎊🎁HAPPYISH BORNDAY!🎉🎈
🎂BheBheriel
🥳Inday Mahal
🍩BloodieMeer

🥳🎂🎈🎉🎁🎊
Special Greetings to may sister Ayessa Mae. She's a frontliner at matagal-tagal ng hindi nakakauwi. Too bad, hindi mo kami papakainin ng handa. Hehe.




Mall

Jay-jay's POV

Awang-awa ako kay David. Ang kisig at tikas ng tingin ko sa kaniya dati pero ngayon para na siyang lantang gulay. Idagdag pang kasama ako sa nambuska sa kaniya kanina.

Kaya bilang pambawi binilan ko siya ng inumin habang naghihintay sa labas ng bookstore. Naglisawan naman ang mga Ulupong dahil saktong may nagaganap na event sa hindi kalayuan. Maraming babae na naka-skirt at blouse na fit ang sumasayaw.

Nilapitan ko si David na nakaupo sa isang bench sa gitna ng daanan. Panay ang suntok niya sa balikat at braso na parang minamasahe niya.

"Para sayo." Sabi ko sabay abot ng milktea.

Tinignan niya ang hawak ko pero ang bote ng tubig sa kabilang kamay ko ang kinuha niya.

"Tubig nalang." Sabi niya sabay paikot ng takip.

Napangiti naman ako don. Hindi ko na kasi afford bumili ng dalawang milktea kaya tubig nalang sana ang sa kaniya at akin ang ligaya. Kaso na-konsensya naman ako kaya bibigay ko nalang sana ang milktea sa kaniya. Mabuti nalang at siya na ang nag-desisyon.

Akin ang ligaya.

Umupo ako sa tabi niya. "Sure ka, ayaw mo?" Paninigurado ko bago tusukin ng straw ang cover ng cup.

Ngumiti siya at umiling. "Mas ayokong makita na hindi mo nakukuha ang gusto mo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Taray. Ini-spoiled mo ko ah? Swerte ng girlfriend mo sayo."

"Kung kami pa, siguro oo."

Napahinto ako sa sinabi. "A-ano?"

Uminom muna siya at mabilis na tinakpan ang bote bago sumagot. "Wala ka nabalitaan?"

Umiling ako. Pero meron naman ako hinala dahil nga sa mga napapasin ko sa kaniya.

"Ayun, pag-uwi galing New York. Mas malamig pa sa klima ng America." Sabi niya at napailing. "Akala ko jetlag lang."

"A-ano nangyare?"

"May iba ng kinahuhumalingan."

Aray...

Parang nawalan ako ng gana uminom ng milktea. Pero parang lang naman, syempre uminom pa rin ako.

Ibang klase din. Kaya nga nagtrabaho si David kay Percy para sa kaniya tapos ganon lang ang ending nilang dalawa. Nakakalungkot. Ang laki din ng pagod at hirap niya.

"H-hindi ka man lang kinausap ng maayos?" Tanong ko na may halong akusa.

"She did try to talk to me. But obviously feel shame so it took her multiple attempts."

Napailing ako. Marunong din naman pala mahiya yung babae. Pero mas naaawa pa rin ako kay David.

"Tapos? Paano nagkalabasan ng totoo?" Tanong ko pa na parang nakiki-tsismis talaga. Humigop pa ko ng milktea sunod nguya ng pearl.

Nguya-nguya.

"Ako na nag-open ng usapin. Ayun, she finally had the courage to tell the truth."

Humigop ulit ako ng milktea habang nakatingin sa kaniya. Napapalingon pa siya sakin habang nginunguya ko ang pearl ng mabagal.

"Tinanggap ko nalang. Ganun din naman ako sa kaniya." Sabi niya at unti-unting tumitig sakin.

Matagal bago ko napansin. Matagal bago pumasok sa isip ko. Matagal bago naging malinaw.

Natahimik ako sa sinabi niya. Muntik ko pang malunok ng diretso yung pearl. Tuluyan ng hindi naalis ang mga mata ko sa kaniya. Halos manlaki pa ang mga mata ko ng maisip ng maayos ang mga sinabi niya.

Ganun din naman ako sa kaniya?

"P-pati ikaw?"

Hindi na rin niya naalis ang tingin niya sakin. Kitang-kita ko ang pagbukas ng bibig niya at pagsara ulit non. Pati ang pagtaas at baba ng adams apple niya napansin ko.

"J-jay..."

"Pati ikaw nagka-gusto na din..." Napabuntong hininga ako ng malalim. "Nagka-gusto ka din sa iba?! Tanginang feelings yan! Bakit ganyan?!"

Kita ko ang pag-ginhawa ng reaksyon niya. Para siyang biglang nabunutan ng tinik. Mahina pa siyang napabuga ng hangin.

Bakit ganon ang reaksyon niya?

"Pati nga ikaw?" Tanong ko pa ulit.

Tumango siya. "At least pareho kami di ba?"

Napatango ako. May punto siya don. Walang nagkasakitan at walang sisihan. Pareho nilang mapapalaya ang isa't-isa. May panghihinayang pero at least maayos nilang natapos ang lahat.

"At pareho din kaming hindi magugustuhan ng mga gusto namin."

Taka ko siyang tinignan. "Bakit naman? Eh si David ka, tinalo mo si Gulayat."

Natawa naman siya habang napapailing. "Wala eh. May tama na sa iba yung nagustuhan ko."

Seket nemen.

"Nakakalungkot. Gusto mo tugtugan kita gamit ang pinakamaliit na violin sa mundo." Sabi ko at tinaas ang dalawang daliri ko bago pagkiskisin yon at gumawa naman ako ng pekeng tunog.

Salamat kay Mr. Crabs.

Malakas siyang natawa. "Salamat sa libreng music."

Napangiti naman ako. At least, napagaan ko ang pakiramdam niya. Hindi nga siya nasaktan sa break up nila, nasaktan naman siya sa taong nagustuhan niya.

"Paano yung nagustuhan ng girlfriend— ex mo pala? Kilala mo?" Tanong ko bago humigop ng milktea.

Tumango siya. "May tama sa sarili. Si Percy."

Anak nang...

Bigla ko nalunok ng buo yung pearl. Kanda ubo ako dahil don at agad naman siyang umalalay.

"Shit." Sabi niya at binuksan ang boteng hawak para ipainom sakin ang tubig.

Tinanggap ko naman ang bote at mabilis na uminom. Wala na kong paki kahit ininuman na niya ang bote.

Habol ko ang hininga ko matapos makainom. Tinignan niya ko ng may pag-aalala. Nakakabigla naman kasi. Magj-joke nalang yung alanganin pa.

At si Percy pa talaga.

"Wag ka kasi magj-joke ng alanganin." Sabi ko habang binabalik sa kaniya ang bote.

"Hindi yon joke." Seryosong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinupunasan ang bibig ko. "Hindi nga?"

Tumango siya. "Lagi sila nagkikita non sa New York. Friendly naman si Percy kaya hindi na ko nagtataka."

"A-alam ni Percy?"

"Ang alam ng ex ko, Percy doesn't know."

Pero alam na alam niya. Siya pa? Malamang na kanda taas na naman ang tingin sa sarili niya ng malaman niya yon. Baka nadagdagan ang level ng bagyo.

Signal No. 7

"Parang naaawa ako sayo." Sabi ko habang medyo natatawa.

"What for?"

"Sa lahat naman magu-gustuhan si Percy pa." Sagot ko at natawa na rin siya.

Gwapo naman ang step-brother ko na yon. Kaso nga lang natatangay ang pagkamangha niya sa sarili, kaya mas nagmumuka siyang komedyante.

"Wala eh. Iba ang kagwapuhan." Sabi niya na mas nagpalakas pa sa pagtawa namin.

"What so funny?" Biglang tanong ni Yuri na nakalapit na pala samin.

Mukang kalalabas lang nila ng bookstore. Kasunod niya sila Mica at Calix. At si Josh naman hinihintay matapos si Eman mula sa cashier.

"Pinag-uusapan namin si Percy." Napatingin ako sa paper bag na hawak niya. "Ano binili mo?" Tanong ko at kinuha ang paperbag sa kaniya.

"Some books." Walang buhay niyang sagot kaya saglit akong tumingin sa kaniya.

Seryoso ang mga tingin niya kay David. Bigla kong naramdaman ang tensiyon lalo na ng tumayo din siya para salubungin ang tingin ni Yuri. Pati tuloy ako napatayo din at napatingin sa kanilang dalawa.

"B-bakit?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot.

Tumingin ako kila Calix na ngayon ay katabi na sila Josh at Eman. Nagbabakasali ako na alam din nila ang nangyayari pero mukang wala din silang clue.

"Know your place Braselton, know your place." Sabi ni Yuri na lalong nagpabigat sa sitwasyon.

Ngumisi si David. "I know exactly my place. Do you know yours?"

Ano na naman to?

Alam kong parang mainit ang mata ni Yuri kay David pero hindi ko naman alam na aabot sila sa ganito. Pakiramdam ko tuloy may nangyaring hindi namin alam.

"D-david. Yuri." Malumanay na tawag ko sa kanila.

Ayokong may mag-away na naman sa section namin. Kakatapos lang ng gulo at may panibago pa kaming kalaban. Hindi namin kakayanin kung kami mismo sa loob ng room ang may problema habang pinupuntirya kami ng kaaway namin.

Halos magkasunod na bumitaw sa titigan ang dalawa. Lumapit sakin si Yuri at buong akala ko kukuhanin niya ang paperbag pero kamay ko ang hinawakan niya.

"Let's go." Sabi pa niya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Sinubukan ko pang linungin si David pero hinatak ako ni Yuri palapit sa kaniya. Alam ko namang susunod sila samin pero ayoko ng ganito na may tensiyon sa pagitan namin.

"Yuri." Tawag ko sa kaniya. "Ano bang nangyari?"

Huminga siya ng malalim at binagalan ang lakad. "Why do have to be so innocent?"

Eh?

Anong sinasabi niyang inosente? Taka ko siyang tinignan pero nagpilit lang siya ng ngiti. Naging normal na rin ang lakad niya at nawala ang tensiyon sa balikat niya. Pero hawak pa rin niya ang kamay ko.

Palapit kami sa event na nagaganap sa gitna ng mall. Kasalukuyang nanonood ang mga Ulupong na tuwang-tuwa kapag lumilipad pataas ang skirt ng mga babaeng nagsasayaw. Pero isang bagay ang napansin ko. May naka-akbay kay Felix pasakal sa leeg niya habang parang binabanatan siya.

"Si Felix." Sabi ko habang nakaturo sa kaniya.

Sinubukang lumaban ni Felix kaya napaikot sila ng tuluyan at nakilala ko ang gumagawa non sa kaniya.

"Hoy Percy!" Tawag ko na bahagyang napalakas.

Huminto sila pareho at humarap sakin.

"Pareng Jay-jay. Kumusta?" Bati niya habang batak-batak pa rin si Felix.

Pare? Ginawa pa kong kumpare.

Habang palapit, pilit pa ring kumakawala ang kapatid niya sa kaniya.

"Bitawan mo na kaya ako." Reklamo ni Felix.

Hinampas siya ni Percy sa ulo. "Hindi kita bibitawan. Pinag-aaral ka ng maayos tapos makikita kitang nanonood ng mga babaeng nagsasayaw."

"Nanonood ka din kaya!" Sagot ni Felix at nagpambuno na naman sila.

Tumigil lang sila ng tuluyan ng makalapit samin. Napansin agad ni Percy ang kamay ni Yuri na nakahawak sa kamay ko. Binitiwan niya si Felix at nakangising humarap samin.

"Ano? Sinusulit mo na ba?" Tanong niya kay Yuri. "Sulitin mo na hanggat kaya mo."

Taka akong nakatingin sa kanila. Nagsisimula na namang magkaroon ng tensiyon.

"Bakit nandito ka Percy?" Agaw ko sa atensyon niya. Mabuti nalang at humarap siya sakin.

"Bibili sana ako, tapos nakita ko tong—" binatukan niya si Felix. "—mokong na to na nanonood lang."

Mukang napikon si Felix sa kaniya at akmang gaganti ng ambaan siya ng suntok ni Percy. Agad akong pumagitna dahil baka magkaseryosohan na at mauwi sa suntukan.

"Wala na kaming klase!" Paglilinaw ko bago ilayo si Felix sa kaniya. "Magtanong ka kaya muna!"

Napahawak sa dibdib si Percy na para bang nasaktan sa sinabi ko. O.A. na naman!

"Ang mga kapatid ko pinagtutulungan ako!" Sabi niya at parang maiiyak. Agad siyang lumapit kay David para isandal ang ulo niya sa balikat nito. "Ang sama nila sakin David—uy milktea, penge!"

"Akin yan!" Sigaw ko pero nakuha na niya at naka-inom na.

Tignan mo, kapal ng muka.

Nawala sa isip ko na naibaba ko ang hawak kanina. Kung alam ko lang na dinala ni David yon para sakin, nakuha ko na sana bago pa makita ng Perting na to.

"Sarap!" Sabi pa niya sabay ngiti. "Gusto mo?" Alok niya sakin.

"Wag na! Kakahiya sayo!" Inis na sabi ko pero tumawa lang siya.

Wag ka sanang hindi mabilaukan.

Hinintay naming matapos ang palabas dahil enjoy na enjoy pa rin ang mga tukmol sa panonood. Pinangungunahan ni Ci-N na minsang pang sumabay sa steps ng sayaw. May pakaway-kaway pa sa mga babae. At syempre hindi mawawala si Eren na akala mo kandidato pero puro maganda at sexy lang naman ang kinausap.

Magkatabi kami ni Yuri at pansin ko na parang malalim ang iniisip niya. Bahagya ko siyang siniko para agawin ang atensiyon niya.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya at inabot ang takas na buhok sa muka ko para ilagay sa likod ng tenga ko. "May iniisip lang ako."

"Ano yon?"

"Ikaw." Mabilis niyang sagot.

Napangiwi ako. "Nasa harap mo na ko tapos iniisip mo pa rin ako? Hindi ka pa ba nagsasawa sa muka mo?"

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya. "Never." Sagot niya at hinalikan ako sa noo.

Bago pa man ako makapag-protesta sa ginawa niya, may lumipad na basyo ng milktea cup papunta sa kaniya. Tumama yon sa batok niya.

"Oopps. Nadulas." Dinig kong sabi ni Percy.

Kita ko ang pagkapikon ni Yuri pero pilit pinakalma ang sarili. Nang tignan ko naman ang talipandas kong step-brother, nakikipag-tawanan na siya kay David.

Sira-ulo.

"Hayaan mo na Jay." Sabi ni Yuri at pinunasan ng panyo ang batok.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya at kay Percy. Mula ng bumalik ang tukmol na step-brother ko, wala akong maalala na ngumiti siya kay Yuri kagaya ng ginagawa niya kay Aries at Kei—kwanan.

Oo, nagkakasama sila pero parang kaswal lang at hindi nila kakilala ang isa't-isa. Minsan ko ng tinanong kay Percy ang dahilan pero ayaw naman siyang sabihin at pinag-awayan pa namin.

"Yuri, bakit ba parang ang init ng mata sayo ni Percy?" Nag-aalalang tanong ko.

Sandali siyang tumigil at tumitig sa sahig. Akala ko sasabihin na niya sakin ang dahilan pero ng mag-angat siya ng tingin, nagkibit balikat lang siya sakin.

Hindi ko pa rin inalis ang tingin sa kaniya. Bakit sa pagdaan ng mga araw parang may mali sa kaniya? Pagkabalisa niya, ang hindi pagpasok ng walang dahilan, pagtatago ng problema niya at ngayon apgsisinungaling niya.

Anong nangyayari sayo Yuri?

Narinig ko ang pagpapasalamat ng host ng event mula sa speaket pero ang boses ng pamilyar na tao ang umagaw ng pansin ko o ng pansin naming lahat.

"Hello? Nag-enjoy kami sa panonood! Binabati ko nga pala mga kaibigan ko! Section E!" Masayang sabi ni Ci sa mic at tumatalon-talon pa. "Si Lolo Dabid! Sana hindi na masakit likod mo! Eren! Madami ka na ulit girlfriend?! Eman—man of steel yan! Si Kit at Mayo! Haha landi nila! Josh! Wala lang! Blaster! Wag ka sasabog! Rory, rory, rory, rawr! Drew! 7 ko, balik mo na! Denzel! Sana lalaki anak mo! Pwede rin babae! O kaya barbie!" Naghanap pa siya ng mabababati. "Edrix, Calix, Felix! Puro sila Lix—teka asan na yun?!" Nahanap niya ang dalawa malapit samin at kumaway. "Ayun sila! Ay sino yon?! Ay may supot!"

Kita ko ang ambang paglapit ni Percy pero mabilis siyang pinigilan ni Felix. Wala namang sinabing pangalan pero apektado siya masyado. Nagpaghahalata tuloy.

Tapos sasabihin nakakamangha daw.

"Ayun! Jay-jay!" Tawag sakin ni Ci habang kumakaway.

Napangiwi ako lalo na ng mapansin ang paglingon ng mga nanonood sa gawi ko. Gusto ko nalang takpan ang muka ko para hindi nila ko makita.

Tumalon-talon pa si Ci-N. "Kaway ka dito Jay-jay!" Napilitan ako kumaway ng bahagya. "Wag ka na malungkot! Wag ka mag-alala, malapit ng—!" Naputol ang sasabihin niya at napalitan ng matinis na tunog galing sa speaker.

Nang silipin namin siya, batak-batak na siya nila Edrix st Rory. Naka-angat ang mga paa sa ere dahil mas matangkad ang may bitbit sa kaniya.

Palapit sila samin at kasunod ang ibang mga Ulupong. Napataas ang isang kilay ko ng mapansin ko si Eren na may babaeng kausap. Matamis ang palitan nila ng ngiti. Inabot ng babae ang cellphone sa kaniya at nagtype doon. Nagpa-cute pa siya bago ibalik ang cellphone at magpaalam sa babae.

May bago na naman siya, may basher na naman ako.

"Hindi pa ko tapos magsalita!" Reklamo ni Ci bago siya pabatong binitiwan.

"Hoy David! Asikasuhin mo tong apo mo!" Sabi ni Blaster.

Lumapit naman si Ci sa kaniya pero pinukpok lang niya ng bote. Nakasibangot namang humarap sakin ang Batang Kumag.

"Kakain na ba tayo?" Nakangusong tanong niya.

Kinurot ko ang pisngi niya. "Oo, kakain na."

Kaniya-kaniya na ng sabi ng kainan ang mga luko. Ang iba fast-food ang gusto pero ang iba naman yung mabigatang kainan.

"Mag-eat all you can nalang tayo." Suhestiyon ni Percy kaya napalingon kami sa kaniya.

Kasali ka?

"Ay kapal. Hindi naman belong." Parinig naman nitong isa.

At nagsimula na nga ang sagupaang Percy at Ci-N. Palitan ng maaanghang na salita. Insulto at syempre hindi mawawala ang mabigat na bansag nila sa isa't-isa.

"Bansot! Bansot! Bansot!"

"Supot! Supot! Supot!"

"Mas matangkad pa sayo to! Lightsabers to!" Giit ni Percy.

"Supot pa rin!"

Pinagtitinginan na kami ng maraming tao. Nakatanga namang nanunuod ang mga Ulupong habang ako napapakamot nalang sa ulo.

Lumapit sakin sila Mica at Calix. Halatang nakukunsume na rin sa dalawa.

"Hahanapin muna kami ng kainan. Text nalang namin kayo." Sabi ni Calix.

"Hahanap na rin siguro kami." Sagot ni Yuri.

Kaya ang ending, iniwan namin sila at naghanap ng kakainan. Sa kabilang bahagi ng mall naghanap sila Calix kami naman ni Yuri sa kabilang direksiyon.

Kung ano-anong kainan na ang nasilip namin. Pero karamihan alam naming mabibitin kami. Mukang tama si Percy, baka nga mag-eat all you can nalang kami.

Kasali siya, nakakahiya naman sa kaniya.

"Tawagan ko na si Calix." Sabi ni Yuri at nag-dial sa cellphone niya.

Habang nag-uusap sila napansin ko ang takbuhan ng ilang mga tao papuntang iba't-ibang direksyon. Mabilis na nahawi ang naglalakad.

Nilingon din ni Yuri yon. "Ano nangyayari?" Tanong niya at ginamit ang braso para iharang sa harap ko at pasimple akong itulak papunta sa likod niya.

Sasagot palang sana ako pero sa hindi ko maintindihang pangyayari, bigla nalang may bumunggo sakin. Sa lakas ng pagkakabunggo niya literal akong gumulong sa sahig.

"Tangina..." Nalang ang nasabi ko.

Plakda!

"Jay-jay!" Sigaw ni Yuri habang palapit sakin.

"I'm so sorry!" Sabi ng isang babae na may kakaibang accent.

Parang narinig ko na ang accent niya.

Una kong napansin ang mahabang buhok niya. Sobrang haba na sumayad na sa sahig ng lumuhod siya para tulungan ako. At kulay pula—natural na pula.

Akala ko sa anime lang may ganitong buhok. Pero mukang nakaharap ko na ang real life.

Nang iangat ko ang muka ko, ang makinis niyang muka ang bumungad sakin. Walang pores! Hiyang-hiya ang muka kong may peklat ng pakikipag-away ko.

"Okay ka lang Jay?" Tanong ni Yuri at lumuhod din para tulungan ako.

Pero sa halip na itayo ako ng isa sa kanila, walang gumalaw ng magkasalubong ang mga mata nila. Nagtitigan pa sila na parang kinikilala ang isa't-isa. Parang sa pelikula na na-love at first ang mga bida.

Kaso bakit ako nakagitna.

Akala ko nagkakamabutihan na sila pero unti-unting nagsalubong ang kilay ng babae na para bang nainsulto siya sa buhok ni Yuri. Andoon na kasi ngayon ang titig niya.

Humarap siya sakin at bahagyang nag-bow. "I'm sorry again." Sabi niya at akmang tatayo na pero pinigilan siya ni Yuri.

"Wait!" Sabi niya sabay hablot pero sa halip na braso ang mahawakan niya ang mahabang buhok ang nahatak niya.

"Itai!" Sigaw ng babae at napasubsob sakin dahil sa lakas ng pagkakahatak ni Yuri.

"Aray..." Bulong ko at lalong hindi nakabangon.

Baka pwedeng itayo niyo muna ko.

Kaya pala pamilyar ang accent niya. Kasi pala magkalahi sila nitong kasama ko.

Kita ko ang pagkabigla nila pareho. Lalo na ng babae dahil hindi niya inaasahan ang paghatak sa buhok niya. Tinignan niya ng masama si Yuri kaya agad nama siyang binitiwan nito.

Sunod-sunod ang sinabi niya sa salitang hapon. Napataas nalang ang kilay ko dahil kahit hindi ko naiintindihan alam kong mura yon. Minumura niya si Yuri na nakatanga lang sa kaniya.

Mabilis na tumayo ang babae at tumakbo paalis. Hindi na ko nagawang tulungan lalo na nitong katabi kong parang nakita si kamatayan. Ako na ang tumulong sa sarili ko na makatayo habang nakasalampak pa rin siya sa sahig.

"Ano? Dyan ka nalang?" Tanong ko sa kaniya habang pinapagpag ang sarili ko.

Tumayo siya na hindi pa rin nagbabago ang itsura. Hindi ko maiwasan na hindi nag-alala.

"Huy! Anyare sayo?"

"I'm dead."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.7M 53.6K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...
41.8K 352 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
16.4K 134 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx